Skip to content

Sino ang bobo, si Ferrer o tricycle driver?

Credit where credit is due: The photo came from the website “ispoops” (http://www.ispoops.com/photoblog/Mikey_the_Strict_Sekyu_2000/#2000) by Carlo Barrameda.

Someone sent me this from Tumblr.Spook image by Ding G.
Hindi lang makitid ang utak nitong si Commissioner Nicodemus Ferrer. Matapobre pa.

Sa daming batikos na ipinupukol sa kanila ukol sa kanilang pag-aprub kay dating Pampanga congressman Mikey Arroyo, anak ni Gloria Arroyo, na kinatawan ng mga tricycle driver at security guards, aroganteng sumagot si Ferrer na hindi naman daw marunong gumawa ng batas ang mga tricycle driver at security guards.

“Can you imagine a tricycle driver being able to draft a law?” insulto na tanong ni Ferrer.

Pinapatunayan ni Ferrer na kahit ang isang tao ay may diploma at may attorney pang kakabit sa pangalan niya maaring siyang manatiling mang-mang. Makitid ang pag-iisip.

Ding Gagelonia said the image is from the Ispoops website of Carlo Barrameda. Here’s the link:http://www.ispoops.com/photoblog/Mikey_the_Strict_Sekyu_2000/#2000

There’s another one, also funny: http://www.ispoops.com/photoblog/Mikey_the_Strict_Sekyu_2000/#1999

Bastusan ang ginawa ng Comelec sa batas na nagbibigay ng boses sa mga “marginalized” o mga sector hindi nabibigyan ng representasyon sa kongreso. Ginamit ni Mikey Arroyo at iba pang mga oportunista katulad ni dating Energy Secretary Angelo Reyes, upang maisulong ang kanilang walang pagkabusug sa kapangyarihan. Aprub naman ng Comelec.

Sa isip ni Ferrer, ang tricycle driver at security guard ay bobo. Gusto ko sabihin ni Ferrer ang kanyang sinabi sa harap ng mga tricycle drivers dito sa amin sa Moonwalk .Ewan lang kung makakalakad ng tuwid yan pauwi. Baka kailanganin niya ang tulong ng mga ininsulto niyang security guard para siya maka-uwi.

At ano naman ang alam ni Mikey Arroyo sa problema ng tricycle driver at security guards? Sino ang mas nakaka-alam sa mga problema ng mga tricyle driver at security guards kungdi sila. Ang paggawa naman ng batas, madali naman yan matutunan. Marami ang maaaring tumulong sa kanila sa pagsabatas ng kanilang mga ideya.

Alam naman ng lahat na ang gusto lang naman ng mga katulad ni Mikey at ni Reyes ay ang puwesto sa Kongreso. Kasama kasi sa puwesto na yan ,maliban pa sa milyun-milyun na salapi sa pork barrel, ay kapangyarihan at proteksyun sa sarili.

Tumulong naman sa pambabastus ng batas si Ferrer at ang tatlo pang commissioner na sina Lucenito Tagle, Elias Yusoph at Armando Velasco na nagpabor sa nominasyun ni Mikey Arroyo.

Hindi sumang-ayon sina Commissioner Rene Sarmiento at Gregorio Larrazabal. Naghugas-kamay naman si Chairman Jose Melo.
Sa desisyun na ito ng Comelec, makikita natin na kahit wala na sa Malacañang si Gloria Arroyo, buo pa rin ang makinarya ng kasamaan ni Arroyo sa pamahalaan. Hindi basta-basta yan mabuwag.

May mga nagsusupetsa na kunketado ang boto ni Yusoph sa pagpakawala sa nakidnap niyang anak na si Nuraldin at ang kanyang boto pabor kay Mikey.

Isinulat kasi ni Froilan Gallardo ng Mindanews na ang pagkidnap kay Nuraldin ay operasyon ng mga natalo noong nakaraang eleksyun na nagbayad raw kay Yusoph. Binabawi daw ang perang binayad. May mga malisyoso ang isip na binigyan ng kuneksyun ang dalawang pangyayari.
Ganun talaga ang iisipin ng taumbayan kapag garapalan ang pambabastos ng batas.

Published inAbanteGloria Arroyo and familypartylist

39 Comments

  1. Tingnan nyo yung picture.May karapatan naman pala magrepresent ng mga sekyu si Mikey.

  2. jawo jawo

    Pinapatunayan ni Ferrer na kahit ang isang tao ay may diploma at may attorney pang kakabit sa pangalan niya maaring siyang manatiling mang-mang. Makitid ang pag-iisip-Ellen

    Is Nicodemus Ferrer talking about himself ? I have a nagging suspicion that he is.

  3. jawo jawo

    “Can you imagine a tricycle driver being able to draft a law?” insulto na tanong ni Ferrer.-Ellen

    Pasalamat ka, Nicodemus, at hindi tricycle driver o security guard si pareng Manny Pacman. ‘Pag nagkataon, kung dating buo ang mga ngipin mo ngayon, magpapagawa ka na ng pustiso (pagkatapos mong magising sa pagkaka-knockout).

    Sa mga gustong magpa-brain transplant, hintayin niyong “manahimik’ na si pareng Nicodemus. Tapos bilhin niyo ang utak niya kasi ito ay bagong-bago—–NEVER BEEN USED.

  4. MPRivera MPRivera

    Siguro naman kahit OT ito, puwede na ring isingit dahil magkakaparehong kakapalan lang naman ng mukha ang pinaiiral ng mga kupal na ito. Isa pa, magkakaliga ang mga inapo ng demonyo.

    Chavit confirms son nabbed in HK for illegal drugs

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/07/24/10/chavit-confirms-son-nabbed-hk-illegal-drugs

    Tangnang mga ‘yan! Ganyan ba ang mga halal ng bayan?

    Katwiran ng tarantadong Sabit konti lang naman daw ‘yung nahuling droga sa anak niya. Palibhasa’y makuwarta sila? Ganu’n na lang? Putang ama niya! Saan kumukuha ng huwisyo ang tinamaan ng lintik na ito?

    Ano ba kaibahan nito sa isang magboboteng nahulihan ng katumbas na dami ng droga? Di ba’t pareho ding paglabag sa Anti-Dangerous Drug Law?

    ‘Yung sa anak ni Sabit sa Hong Kong pa, ha?

    PeNoy, kukunsintihin mo ba ito?

    Mga kagulanggulang na mga kinawatan sa Butasang Pambansa, salain nga inyo ang inyong mga miyembro. Baka hindi lamang itong si Swingson ang adik sa hanay ninyo.

    Ipupusta ko ito ng pitpitan ng yagbols ireng Pakistaning tamad na tea boy namin, marami silang mga kotongresmen na gumagamit ng bawal na gamot. Kahit itanong ninyo doon sa anak ng aso at baboy na kinawatan ng isang distrito sa Bikol kahit hindi siya ipinanganak o naninirahan doon. Di ba, Atcheng Joey Salsalceda?

  5. MPRivera MPRivera

    Tingnan nyo yung picture.May karapatan naman pala magrepresent ng mga sekyu si Mikey. – Ellen.

    Bagay na bagay nga, eh. Di ba ‘yung mga K9 ng bomb squads at PDEA, milyon ang halaga? May katumbas na sila sa Butasang Pambansa, ano?

    Si Mikey’ng Kabayo, sekyung milyon ang tinatanggap na pork barrel.

    Matalino na nga daw ang matsing, pero daig pa rin ng kabayong mahusay mag-isip ng under privileged sector na lolokohin.

    Maniniwala kayong para sa kapakanan ng mga sekyu at traysikol drayber niya gagastusin ang milyon milyong pork barrel na kanyang tatanggapin? Ano anong mga proyekto ang kanyang popondohan?

    Bugok! Anim na taon kang naging kinawatan ng second district ng Pampanga, lumobo ng halos 200% ang networth mo kahit wala kang business (saka bawal sa mga kagulanggulang na katulad mo ang maging stockholder), gagaguhin mo pa kami?

  6. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kailangan ang drug test sa House of the Represen-thieves. Baka ang pork barrel ay mapunta sa illegal na droga. heheeh!

  7. b4ngkay b4ngkay

    ika nga nila ,,only in the philippines,,tigas ng mukha,kapal ng apog at tibay ng sikmura ang kailangan upang manatili sa posisyon,,yan ang ideolohiya ng pamilya arroyo.

  8. b4ngkay b4ngkay

    siguro kundi nanalo si ate glo sa pampanga malamang nagtayo din sya ng party list na ang nirerepresent ay mga katulong at labandera,i still remember ng sabihin nya nuon na talagang labandera sya,,

  9. Napanood ko yan sa UKG, kahapon yata. Ininsulto pa niya si Liza Maza na mukhang mas alam pa daw ang batas kaysa sa kanyang isang ABUGADO. Kundi ba naman bao ng niyog ang ulo nitong si Ferrer, kaya nga mambabatas, yun ang gumagawa ng batas, siya nagpapatupad lang. Teka, kaya siguro baluktot ang interpretasyon niya ay dahil feeling niya mas magaling siyang gumawa ng batas kaya nag-iimbento na lang. Sabi ni Maza, hindi totoong hindi makakagawa ng batas yung mahihirap at ginawa ngang halimbawa si Cripin Beltran at si Rafael Mariano na kapwa nagsponsor ng repeal ng EPIRA, ng bagong Agrarian Reform Act, at marami pa. Masyadong technical pero dahil ramdam nila ang epekto, ay nakagawa sila ng paraan para magpasa ng panukala.

    Sana ay may ABUGADONG congressman ang magpanukala na libre ang kutos sa mga gagong commissioner gaya ni Ferrer.

  10. Tama lang ang ginawa ng 1-UTAK na i-withdraw ang nominasyon kay Angelo Reyes. Kahit pa nakabinbin sa Korte Suprema ang kaso niya ay maaari itong maging moot and academic. Kailangan ng sektor ng transportasyon ng representante at ang pagkakaipit kay Reyes ay hindi makakatulong sa kanilang hanay.

    Dapat rin nilang aminin kung sino man ang nagimpluwensiya sa kanila upang pilit ibandera si Reyes bilang nominado. Palagay ko pag ginawa nila yan, kakampi sa kanila ang tao. Sa ngayon ay pinaghihinalaan silang pakawala ni Putot.

  11. Oblak Oblak

    Hindi ba alam ni Ferrer as a public official na ang sekyu, driver at iba pang nilalalait lait nya ang boss nya? Hindi ang kawatang pamilya ng Arroyo?

    Okay sa picture ah! Zegna na guard uniform ba yan? Sa susunod naman yung nagmamanero sya ng tricycle o padyaksikle tapos si Mar Roxas ang sakay para ramdam na ramdam!!!

    Pareng MPR, nabasa ko nga yung kay Angelo Reyes na ayaw pumayag na hindi na sya ang nominado ng 1-Utak!! Kapit tuko sa kapangyarihan talaga ang Reyes. Dyan pa lang kitang kita na pangsariling interest ang gumagana sa utak ni Reyes.

  12. Oblak Oblak

    Tingnan din natin ang yabang ni Mikey na iyan sa Lunes!! Yan ay kung pupunta sya sa SONA ni Noynoy. Ang kanyang dorobong mama ay nagpasabi na pupunta sya sa Hongkong para samahan ang asawa nya sa Lunes ng hapon.

  13. saxnviolins saxnviolins

    Whether marunong gumawa ng batas o hindi, kapag nahalal, maluluklok. Walang kapangyarihan ang Comelec na hindi iluklok ang nahalal.

    Sa gayong pangangatwiran din, ang pagluklok ng sectoral rep ay dapat naaayon sa batas, hindi sa pag-aakala ng Comelec kung kayang gumawa ng batas o hindi. At ang batas ay pinaliwanag na ng Kataas-Taasang Hukuman; dapat manggaling sa mahirap ang kinatawan ng mahirap. Ang ginawa ng Comelec ay labag sa utos ng Hukuman, at isang pambabastos na dapat parusahan (contempt).

  14. Tuwang tuwa ako sa galak sa kodak ni Mikey. Sana mamahagi sya nyan na may autograph.

  15. balweg balweg

    See…Folks, utak-lamok yang si Nicodemus…tumatandang paurong, walang pinagkatandaan sa kanyang pagiging abugago?

    Ano akala nýa sa kanyang sarili…di yan nag-iisip ah!

    Akalain ba natin na hamakin ang mga Sikyu at tricyle drivers…kung si Mickey mouse lang e dito na tayo sa mga pobre na nabubuhay sa sipag at tiyaga.

    Si Nicodemus feeling bright e isa’t kalahating bobo…di nag-iisip ng tamang NOTA, makasalita lang e barit ng birit kahit na makasakit ng damdamin ng ibang tao.

  16. Nabasa ko lang ito sa isang website, hatakin ko rito:

    MARYA: Ayaw talagang tantanan ang pagiging congressman ni Mikey Arroyo bilang kinatawan ng grupo ng mga jaguar, basta driver great lover at floor managers. Bakit nga ba?

    MARIE: A retired justice opined that while it is not necessary that the party list organization’s nominee wallow in poverty, destitution and infirmity as there is no financial status required in the law, the nominee of the sectoral party should belong to the marginalized and under-represented sectors, that is, if the nominee represents the fisherfolk, he or she must be a fisherfolk, or if the nominee represents the senior citizens, he or she must be a senior citizen. It is clear that anybody who wants to represent the security guards, jeepney drivers or janitors, he should have worked or experienced being what he would like to represent.

    MARY: Eh sino naman ang maghahanda ng panukalang batas na isusulong nila? Siempre yung mas marunong at may karanasan na. Kaya nga isinali nila si Mikey sapagkat kinilala nila itong isa sa pinakamahusay at batikang mambabatas… (noong hindi uso ang tao)

  17. Hindi lang yon, kahit ang mismong si “His Dishonorable Representative Mikey Arroyo” ay nagsabing mga ipokrito tayo dahil pawang mga milyonaryo ang mga nasa party-list. Ang tanong ko sa uwak na to, oops sori, “His Dishonorable Representative Mikey Arroyo”, magkano ang hindi nai-report sa SALN nya? Yan ang tanong.

    Talagang sukang suka na ako sa lecheng Comelec na yan. Wala na talagang matinong gawain. Kelangan nang buwagin hindi lang ang party list, kundi ipadlak na rin ang lecheng Comelec na yan.

  18. vic vic

    very few representatives truly represent their constituents. most run for the position to represent their own personal interests and very few could even draft laws that are effective…and mickey is just an opportunist and exploited the party list representation and it is about time to review this provision and either reform it or done with it.

  19. Suntok sa buwan, pero ang gusto kong marinig sa SONA (Speech of Noynoy Aquino)is that his administration is prepared to work for the:

    1. Abolition of pork barrel
    2. Abolition of partylist system (thru constitutional amendment)

  20. Correction:

    In the photo caption,it said “Spook image”. Mali. Dapat “spoof image.”

  21. J J

    Hello. May karapatan kaya sya mag-represent security guards. Kasi gumanap na sya dati as bodyguard ni KAtrina Halili sa isang pelikula.

  22. sychitpin sychitpin

    Nicodemus Ferrer must also be impeached, he has no place in a good gov’t. Ferrer should go to hell where he belongs!

  23. sychitpin sychitpin

    papayagan ba ng 90 million filipinos na gagohin sila ni mikey arroyo at nicodemus ferrer ?

  24. kulitus kulitus

    OT pero medyo related. Kung representante si Mikey ng mga tricycle drivers, maipaglaban kaya nya laban sa bagong pinapanukala ng BIR (Kim Henares) na mag issue ng resibo ang mga trike drivers pag halagang 25pesos ang bayad ng pasahero? Kasi parang sa Moonwalk ang special trip ng tricycle eh 25pesos, tama ba Ellen? Not sure magkano… At kung magagawa nya ito, sana isama na rin nya ang mga taxi drivers, tindera sa palengke at iba pang maliliit na tao na mukhang madadagukan na naman ng pahirap ng BIR. Maliit na kinikita sila pa ang laging tinitira.

  25. Okey na yung “spook”. Nakakatakot nga e. Very spooky. Nanay niya rin spooky.

    Spookyng ina niya.

  26. MPRivera MPRivera

    Baka naman bukas-makalawa ay ipanukalang pati ‘yung mga pulubing namamalimos sa underpass ng Quiapo, ‘yung mga bulag na tumtugtog ng gitara upang limusan ay kailangan ding magdeklara ng araw araw nilang kita at magbayad ng buwis?

    ‘Langyang buhay ito, ah. Nagpalit nga tayo at naghalal ng bagong pangulo, ang utak naman ng mga itinalaga niya ay mas masahol pa ‘ata doon sa mga alagad ng asong ang turing sa sarili niya ay presidente.

    PeNoy, di ba pagsulong ang iyong pangako? Bakit tila ang iyong mga tauhan ay paatras ang abante?

    Pagbabagong saan ba ang tungo?

    ‘Langya, habulin naman nila ‘yung mga mahilig maglitson! ‘Yung tumitiba sa pagkita sa chicharong baboy.

    ‘Yang mga mambubutas sa Mataas at Mababang Kaulupungan ng Tonggreso, hindi ba puwedeng buwisan ang mga pekeng inang mga ‘yan? Mga pekeng kinatawang ‘yan!

  27. MPRivera MPRivera

    Di ba sabi ni Enrile ay influential itong si Mikey d’Horseshit kaya maaaring umupo bilang kinawatan ng Ang Galing (sa katarantaduhan) Pestelist?

    Tingin at pagkakilala ko sa anak ng nanay niyang walang kahihiyan ay isa siyang PUSAKAL sa kawalanghiyaan.

    Wala na talagang tamang huwisyo ‘yang si Tandang Juan! Kumukulubot na ang pileges sa mukha sa ilang dekada na niyang pamamalaging balik balik sa gobyerno, lumalabnaw naman ang utak!

  28. Rudolfo Rudolfo

    ” Pusakal sa Kawalanghiyaan “, “Lumalabnaw ang utak”,” Tongressman,Senatong, Mambubutas ng Batas,Abugago,Comolect,
    Pal-yadong I-Utak, Walang-Utak-N. Ferrer, ” Melo, Melong amoy sa Comolect scam-envelopes,Labandera, party-list Mikey-mouse ng mga gwardiya-drivers…” mga baboy sa “Pork Barrels, etc. Pa-paano, titino ang Pilipnas, ay punong-puno ng mga Ganid sa gobyerno na ang mga pangalan ay ganyan na sina-sabi ni JUan de La Cruz ??..Pa-paano haharapin ni Pangulong P-Noy ang mga LINTA-kurap na ito ng Lipunan ( ang kusa or cause ng paghihirap ng bansa,at ni JUAN ).Malabo yatang magam-panan ang sinabi na, ” Kung walang Kurap, walang mahirap “. Parang labanan ng ” David and Goliath ” yata ang iksina dito, mga higanting KURAP ang magiging kalaban ni P-Noy ( dapat gumawa sila ng bats na, “Citizen arrest”, aristuhin ng 90-Milyong pilipinong matitino ( maybe 70% ), ang mga nasambit na mga bagong pangalan sa itaas, kasama na yang “congressman na-hulihang druga sa HK, nakakahiya sa mata ng buong mundo, samantalang, yong nag-riklamo, ng ” Hello-Garci “, at walang-sawang pagastos sa salapi ng bayan,” human-rights violations,padding sa mga kontrata,IKINULONG ( magdalo,etc ). Tsktsktsktsk, Pilipinas
    saan ka ba nga patutungo ??..

  29. jojovelas2005 jojovelas2005

    Alisin na ang party-list since hindi naman pala puwede ang mga tunay na member maging kinatawan sa congreso ano pa ang silbi party-list? Sabi nga sa news si Ka Beltran mismo ay dating taxi driver pero nakagawa ng panukalang batas.

  30. BOB BOB

    “Can you imagine a tricycle driver being able to draft a law?” insulto na tanong ni Ferrer.
    FERRER !
    Eh kung sabihin ko kayang paano ka naging komisyuner, eh Bansot ka….dapat sayo sa HOBBIT HOUSE nagtatrabaho..

  31. baycas2 baycas2

    Nasalaula ang party-list system. Bobo ang mga pumabor!

    Dangan nga lamang na marahil tatlong taon pa bago madesisyunan nang pinal ng Korte Suprema ang usapin. Gaya na lamang ni Joel Villanueva na nakatapos bilang kongresista. Hindi naman pala siya karapat-dapat…

    Napakalungkot…napakasakit. Dahil lamang sa mga bobo (na nasa Comelec) na yan!!!

  32. luzviminda luzviminda

    “the nominee of the sectoral party should belong to the marginalized and under-represented sectors, that is, if the nominee represents the fisherfolk, he or she must be a fisherfolk,…”

    joeseg,

    Tama yang tinuran ni Maria. At yan nama dapat ang interpretasyon ng Party List Law. Yung pagpayag nila sa nomination ni Mikey Mouse representing the group that he does not belong ay maling-mali, dahil lang may may kakayahan (daw) maggawa ng batas. (o baka naman dahil may pera at malakas maglagay). Eh pwede bang ire-present ng isang lalaki ang grupo ng mga kababaihan? O ng isang 30 years old ang grupo ng mga senior citizens? Ang bagay kay Mikey ay representante ng mga CORRUPT, baka kasi feeling nila ay marginalized pa sila dahil di pa sapat ang nakukurakot nila. …Dapat kasi alisin na ang PORK Barrel Funds at sobrang PRIVILEGES ng mga Tonggressmen. Yan ang dahilan kaya napakadaming gustong maupo.

  33. luzviminda luzviminda

    Yang si Nicodemon/s Ferrer ay malamang na isa sa mga tumatanggap nga sangdamakmak na kuwarta galing sa masamang paraan lalo na kung eleksyon. Dapat na maimbistigahan kung paano nanalo yang mga questionable na marginalized Party na yan. Hocus-PCos yan malamang. Hanggang andyan yang mga katulad ni Ferrer (at iba pang kagrupo ni Garci) sa KUMOLEK ay di magiging tunay na malinis ang ating eleksyon, at pagtalaga sa ating mga tao sa KOngreso. WE need to OVERHAUL the COMELEC. Palitan lahat ng tao.

  34. luzviminda luzviminda

    Binanatan na ni P-Nyoy ang administrasyon ni Gloria sa kanyang unang SONA. Malamang nainis si Engkantada, Mafia Boss Pidal at lalo na si Mikey MOuse. Ngayon na may hawak siyang mga Guwardiya na may mga issue ng baril eh malamang na may Private Army yan na tagabanat at tagatumba ng mga kalaban.

  35. bobong bobong

    Alam mo Ma’am Ellen kung naging tricycle driver lang ako at harapan kong narinig ang sinabi ng putot at kurakot na comelec commissioner ferrer, tatagain ko siya.

    Komo mga tricycle drivers ay sabihin na niyang walang kaalam-alam sa pag gawa ng batas. Ano ba si manny pacquiao, me alam na ba kaagad siya sa pag gawa ng batas.

    Ito namang si Comelec Chairman Melo, sinira niya ang kanyang credibility dahil lang sa pagtatanggol sa pamilya arroyo. Akala namin iba siya kay abalos – pareho lang pala ang kanilang mga kulay.

    Wala namang mawawala kay Chairman Melo if he took a stand. Palaging hugas kamay ang kanyang mga ginagawa, katulad ng mga ginawa ni Dating CJ Puno – HUGAS KAMAY PARA MAGING MALINIS SA PANINGIN NG MGA TAO.

  36. kulitus kulitus

    Sa ngayong pina-upo na si mikey arroyo, pwede pa ba sya tanggalin ng mga kasamahan nya sa grupo ng tricycle drivers and security guards? kasi ang unang sinabi ni mikey is PAYAG daw siyang MAG ISSUE ng receipts ang mga trike drivers. malamang bweltahan na sya ng mga ito. mga gwardiya na lang ang kakampi sa kanya nyan.

    interesado ako dito sa usaping ito kasi pangarap kong maging tricycle driver sa moonwalk…

  37. visualinked visualinked

    Hello??! Magagampanan po ni Mikey A ang kanyang tungkulin bilang kinatawan ng mga gwardiya at drayber dahil minsan na po siyang naging sekyu sa kanyang pelikula!

Comments are closed.