The latest reshuffle in the military has Major General Arturo Ortiz taking over as commander of the Philippine Army.
Ortiz is an awardee of the Medal of Valor, the highest military award.
(Two medal of valor awardees- Marine Col. Ariel Querubin and Marine Lt. Vol. Custodio Parcon are among those facing charges of mutiny for allegedly planning to withdraw support from Gloria Arroyo in 2006 following the revelation in the “Hello Garci” tapes where the role of the military in election cheating was exposed.)
Brigadier General Roberto Morales will take over Ortiz’s post as commander of the AFP Special Operations Command. Colonel Aminkadra Undug will take over Morales’ former post as chief of the Army’s Special Forces Regiment.
I have my concerns about Undug (PMA Class’82). He was mentioned in the “Hello Garci” tapes by a certain “Boy” whom then Comelec Commissioner Virgilio Garcillano was talking with in their plan to kidnap Rashma Hali, an election officer in Tipo-tipo, Basilan who wanted to expose the manipulation of votes in favor of Arroyo.
Undug at that time was commanding officer of the Intrelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (MIG9) in Zamboanga.
Here’s the taped conversation between a certain “Boy” and Garcillano at 1:41 p.m. of June 5, 2004.
Boy: Hello, sir. Si Rashma parang nandyan sa Manila.
Garcillano: Nasa Manila? Naku delikado. Hindi ba natin makontak?
Boy: Walang ano … In-off ang cellphone. Pinahanap ko sa ISAFP.
Garcillano: Ah … delikado yan.
Boy: Oo nga, sabi ko sa ISAFP doon kay Colonel Undug sa Zamboanga para may bargaining chip tayo dyan, eh damputin na natin ‘yung pamilya din niya. Para di na siya makapagsalita.
Garcillano: Oo nga eh.
Boy: Kasi delikado yan eh.
Garcillano: Pero nagawa bang talaga yan?
Boy: Ha?
Garcillano: Nagtrabaho ba yan?
Boy: Nagtrabaho yan sir, pero yung trabaho, limpio ang trabaho nila. Ang problema ang Kang Patangan. Baka ang sabihin siguro niyan na binaligtad ni Kang Patangan sa itaas, sa provincial level. (line cut)
Boy: Hello, sir.
Garcillano: Boy, maghanap ka lang ng well-meaning na kamag-anak nya. Huwag mo munang pakikidnap ‘yung pamilya. Soft touch muna na puwedeng maka-persuade sa kanya o makapag … (line cut).
Undug was in the list of resource persons who was supposed to have been interviewed by the Fact Finding body headed by then Navy Chief Vice Admiral Mateo Mayuga (now retired) tasked to look into the role of the military in the reported cheating in the 2004 election. He was supposed to have appeared before the Mayuga body Aug. 5, 2005.
Mayuga cleared the Former Armed Forces Chief Hermogenes Esperon Jr., former Southern Command chiefs Gabriel Habacon and Lt. Gen. Roy Kyamko of any wrongdoing despite having been mentioned as in the Hello Garci tapes as allies in their cheating operations.
Brig. Gen. Francisco Gudani, then the marine Commander in charge of the Lanao provinces, was also mentioned by Garcillano but as a stumbling block to their operations because he said the general was for opposition presidential candidate Fernando Poe, Jr.
Mayuga had told a fellow officer that the testimony of those interviewed by the fact=finding body was not under oath so many of them did not relate what they had earlier told fellow officers about the cheating they had witnessed in the Autonomous Region for Muslim Mindanao.
President Aquino said he was given an incomplete copy of the Mayuga report that was never made public by the Arroyo administration. He said that the 2004 elections cheating would be among those to be investigated by the Truth Commission headed by former Chief Justice Hilario Davide.
I have my reservations about Davide .
But as to Col. Undug, in his new position under an administration that won riding on a platform of truthfulness and respect for the law, would Undug be more forthcoming with what he knows about the 2004 elections?
Hopefully he (Undug) will. These are the people who knew more than us, as they are all in the field that time. Let the Filipino know and must put closure on it. I don’t think CJ Davide will bring us down. The marching orders of P.Noy is to get closure on it and charged all the people involved may it be the new highest officers in the AFP, regardless of who they are. Let the Filipino people know the truth behind the corrupt power of GMA! Let the culprits pay.
Ms. Ellen, love na love ka na siguro ni Arroyo at Garci tape na naman ang nilabas mo.
Kinikilabutan ako noong narinig ko yang Garci tapes noon 2005. Magpasa hanggang ngayon, binabasa ko lang yung excerpt, nag play pa rin sa isip ko yung boses ni Garci at ni Arroyo!!!
@#%^$#@ talaga si Arroyo!
I am shorree…
Ooops! I just committed plagiarism. 😛
It appears that Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) was utilized to cheat in favor of Gloria Arroyo in 2004 presidential election. The Hello Garci political scam had created a bogus and abusive president.
And Garcillano was not even required by the Police to explain what he meant by “Huwag mo munang pakikidnap ‘yung pamilya.”?
Is this for real?
I am convinced beyond reasonable doubt that Army intel or another major service command intel (maybe Naval) was responsible for bugging (or tracking) Garci’s telephone conversation. But certainly, military intelligence had the tracking and listening devices/hardware as early as 2000. They went shopping in Europe for the items. Device was also demonstrated in Manila to a select group fo military (and police) intel operators.
Lumalabo ng lumalabo ang probe ng “Hello Garci” if the involved officers are given promotions. Hawak nila ang AFP. They will now be the “untouchables”. Kaya siguro hindi inilabas ni Mayuga yung kanyang report eh wala naman palang laman! Na-bleach na ng husto!
Sana hindi na lang si Davide ang linagay sa Truth commission baka sakaling may pagasa tayong malutas ang misteryo ng “Hello Garci”.
On Garci’s “Soft Touch” Policy, please read between the lines:
Not so fast guys. That’s why I’m in favor of opening that investigation. Parang he said, she said kasi. Hindi boses mismo ni Undug yung nandun sa tape at hindi rin na consummate yung sinasabi allegedly. It’s better na bigyan muna natin ng benefit of the doubt. If we take the way it was narrated by Garci, then Gudani is not the hero that we knew him to be. He is supposed to be non-partisan. If it can be proven that he was openly campaigning for Poe, what’s the difference between him and the other Garci generals, save for the fact that they have different principals? Just my take.
he was supposed. . . they had different principals. . antok pa. . .
How Gangsters Operate
This is how gangsters and Mafia operate in trying to silence witnesses and whistleblowers…
http://politicaljunkie.blogspot.com/2005/06/how-gangsters-operate.html
the criminals are now sitting in congress, they should be in jail!
Off topic: Finally, a prosecutor will be jailed for bribery. The amount of the bribery, 6000. He will be jailed for 4 years. WOW! Samantalang sila Abalos, Neri atbp na nahuli na at lahat, na-promote pa si Neri and Abalaos is playing golf still at pa-burger burger na lang. I am pleased that finally someone is jailed for bribery but for FOUR yrs for an amount as little as 6000! COME ON! Catch the big fishes, not the small ones.
parasabayanan, you are correct, they should catch the big fishes, not the small ones.
maliwanag pa sa sikat ng araw ang kasalanan nila gma, garcillano, mga garci generals, at iba na lumuko sa bayan, ano pa hinihintay ng Truth Commission? kung 6,000.00 bribery 4 years ang jail term, ang mga taksil sa bayan at nagnakaw ng bilyones sa taong bayan , ilang taon kaya?
ang partidong BAYAN ni Teddy Casino at AKBAYAN nila Riza Hontiveros, Walden Bello ang tunay na may malasakit sa bansa at umaaksyon laban sa katiwalian! nagsampa na sila ng kaso laban kay gma, merceditas gutierrez at iba pang tiwali sa gobyerno. Si Atty Harry Roque ay isa ring magaling at makabayan na tagapagtannggol ng katotohanan at karapatan ng mamamayan.
Mabuhay ang BAYAN at AKBAYAN party list, Atty HARRY ROQUE at gayundin ang GABRIELLA!
**** ang partidong BAYAN ni Teddy Casino at AKBAYAN nila Riza Hontiveros, Walden Bello ****
Mga grupo na yan walang kwenta. Hindi nananalo sa kaso at mga pinaglalaban nila. Si teddy casino dakdak lang yan at baluktok, bulok at panis na pag iisip. puro siya against sa mga amerika, pero nung nakaraang taon sa bagyong ondoy nasan siya nilabas ba niya yung balsa niya para e rescue ang mga tao!? si riza hontiveroz puro mga apela niya sa kaso laging basura at walang nangyayari… pano walang kwenta ang mga inaapela.
di nila kaya si gloria arroyo at mga family niya na ikulong … nu way!
— Henry
Agree!
If it can be proven that he was openly campaigning for Poe, what’s the difference between him and the other Garci generals, save for the fact that they have different principals? Just my take.-Henry
Was that not addressed by the Mayuga report?
Did Gudani cheat for Poe? Because pro-Gloria officials allegedly tampered with the election results, according to some election officers.That was the substance of Rashma Sali’s testimony.
RE: maliwanag pa sa sikat ng araw ang kasalanan nila gma, garcillano, mga garci generals, at iba na lumuko sa bayan, ano pa hinihintay ng Truth Commission? – sychitpin
Unang sampulan si Davide…at isunod ang lahat ng sinungaling at traydor?
Sure…ang Truth Commission na yan e di sa papel lang magaling at aasahan.
Ano ang ginagawa ng Ombudsman at Korte Suprema…dapat litisin ang mga naghudas na yan sa ating bayan? Or else hanggang kwentuhan na lang tayo ng walang katapusang isyu?
Mga grupo na yan walang kwenta? – Destroyer
Mag beep beep ka naman Igan Destroyer…ang sakit sa tenga ng Wangwangwee mo ah?
Alam mo…oppsss, sabihin ko sa iyo honestly…malaki ang hirap ng mga kababayan nating militanteng grupo, kasi nga ganito yan.
Kundi sa kanilang pag-iingay…do you think na ang mga bystanders nating Kababayang Pinoy e may aasahan ka? Laging nakasahod ang palad sa limos ng gobyerno…atleast tulad natin na nagpupuyos ang butse sa mga ka ek-ekan na ginawa at pinaggagagawa ng mga lingkod-bulsa at lingkod-bayad na silang nagpapahirap sa ating bayan.
Dapat pasalamatan natin ang mga tulad nila nina Teddy, Liza, Walden, Satur at marami pang iba na hayagan silang naninindigan sa ikapagbabago ng ating lipunan.
Kita mo naman ang mga trapo/tradpol sa tongres, senado, at ibang lingkod-bulsa sa LGUs…karamihan e singunaling at magnanakaw…at ang iba pa sa kanila e mamamatay-tao.
Yan ba ang mga leaders or lingkod-bayan natin…puro kriminal?
RE: Catch the big fishes, not the small ones.-PSB
May punto ka Igan PSB, baka nakakalimutan mo yong sayings sa kanto…magnakaw ka ng PISO kulong ka? Buti pa daw na bilyones kasi may pag-asa kang maabswelto dahil sa mayroon kang pangbayad sa abugago?
Ang logic nito, sinong kawatan sa asshole ni gloria ang naipakulong during her watch…di ba wala, kita mo ang nangayari kay Million Dollarman…abswelto…gayundin si Brother Abalos ng Dalawang Daan ZTE Ministry?
Ang usaping legal sa Pinas e pumapabor lamang sa mga nagsabatgas nito at yaon e para lamang sa mga ordinaryong Pinoy na walang binatbat sa buhay.
Sino ba ang naghaharing-uri sa ating lipunan…di ba ang mga elitista na nagaaway-away sa pera ng bayan? Kasi nga ang bilis nilang magpayaman sa pawis ng iba…ginawa nang profession ang maging lingkod-bulsa kasi nga nandito ang bilyones na madali nilang makulimbat.
ang dapat unahin ay si gma, ng file na si Teddy Casino ng Bayan laban kay gma one day after she stepped down, what’s the Truth Commission and DOJ waiting for?
The whole world knows gma cheated and stole presidency in 2004, solid evidences and witnesses are more than enough for conviction. Not to mention NBN-ZTE deal complete with pictures in China.
DOJ was deaf and blind during gma time, today a new and well respected sec Leila de Lima is the chief of DOJ, we expect 20/20 vision now.
Nagpalit ka sa taas. Raul Gonzalez was replaced by De Lima.
Intact naman lahat sa baba.All the corrupt prosecutors have remained untouched. Paano yan?
I thinks Secretary Leila de Lima is now in dilemma with regards to the corrupt prosecutors lording over at the DOJ.
It’s a sheer coincidence that dilemma connotes a situation that “requires a choice between options that are or seem equally unfavorable or mutually exclusive and a problem that seems to defy a satisfactory solution.” (Quote from the most plagiared dictionary)
Ms. Ellen, hindi rin kasi ganun kadali na makopo ang mga corrupt na prosecutors kahit na nakaupo na si De Lima. Malaki ang pag asa na may magagawa si DE Lima sa paglilinis sa DOJ pero tulad ng ibang mga departamento, nakaugat ng malalim ang mga corrupt sa sistema.
Sa mga prosecutors, karamihan ng Provincial o City Prosecutors o yung mga head sa bawat probinsya o syudad ay appointed pa rin ng nakaraang administration. Sila ang dapat nagbabantay ng mga prosecutors na sumasailalim sa kanila pero kung corrupt ang Provincial o City prosecutors, tuloy pa rin ang ligaya ng mga nasa ibaba.
Unless caught red handed sa pagtanggap ng suhol o maayos na entrapment, mahirap mapatunayan na tumaggap ang prosecutor. Hindi naman pwedeng mahabla sila ayon sa mga kwento lang. Sa DOJ, kilala naman ng matitinong prosecutors ang mga corrupt na kasamahan ayon sa mga kwento pero hindi nila pwedeng ituro kung walang matibay na ebidensya. Sila nga nag dedetermine ng probable cause sa mga kaso kaya alam nila kung matutuluyan ng kaso ang mga corrupt prosecutors.
Higit sa lahat, mga abogado ang mga prosecutors kaya alam nyo na kung bakit mahirap makopo ang mga iyan.
Sa tingin ko, mas pagtuunan ng pansin ang katamaran at pagiging delikwente ng mga prosecutors at mas madaling mapatunayan ito. Tutal karamihan ng mga corrupt na prosecutors ay yung mga tamad.
She has started cleaning her stables. She recommended a change of officers in the PCGG and the abolition of the Presidential anti-smuggling group.
One at a time.
I can imagine that the DOJ mafia would not be an easy task to dismantle. As Frank Chavez said, “Department store of (in)justice”
Remember the prosecutors involved in the Alabang Boys acquittal attempt. They are still there in the DOJ. Zuño is still there.
Tingnan mo naman ang pagwindang-windang ng case vs Ampatuans.
Correction lang sa post #27, Chief Provincial o Chief City Prosecutor nga pala yung mga head ng prosecutors sa bawat province or city.
Agree ako Ms. Ellen na umpisa na ang linis ni DeLima at talagang kahanga hanga ang tapang at talino ni De Lima.
Yung linya ng State Prosecutors at Reviewing Prosecutors malilinis ni De Lima. Karamihan sa mga iyan ay mga estudyante ni De Lima kaya mataas ang respeto sa kanya. Ang linya ng mga provincial at city prosecutors ang medyo matatagal ang linis.
Ang alam ko Ms. Ellen, nag retire na si J. Zuno. Kahit na nasangkot si Zuno sa Alabang Boys, hanga pa din ako sa mamang iyan. Simple ang dating at hindi mayabang kung umaasta. Hindi yan nakaakyat sa CA o Comelec dahil walang backer.
Rosa Marta:
“Was that not addressed by the Mayuga report?
Did Gudani cheat for Poe? Because pro-Gloria officials allegedly tampered with the election results, according to some election officers.That was the substance of Rashma Sali’s testimony.”
We will never know unless they declassify the Mayuga Report and make it public. In fairness to the other officers mentioned in the wiretap, they were not actually caught on tape so parang he said, she said nga. Unlike Garci and GMA herself na nahuli sa bibig. 😛
**** Unang sampulan si Davide…at isunod ang lahat ng sinungaling at traydor?
Pareng balweg gusto mong masampulan c Davide! magagalit c pareng noy2 niyan kasi tuta niya at malaki ang sampalataya ni noy2.
Gaya ng sabi ko si teddy casino, eta rosales, satur ocampo at riza hontiveroz, atbp mga surot sa kalye yan. Bakit sira surot sa mga kalye! sa mga mayayaman na bansa meron ka bang nakikitang puro rally ang ginagawa gaya nila! kaya naman ang mga foreign investors ayaw sa atin kasi ang daming mga rally at yung ayaw nila sa lahat ay “union” at mabahong kalye.
Mga igan parang walang kwenta yung hello garci kung bubuksan ulit…. kasi hindi na pwedeng bumalik pa tayo sa year 2004 pa. Non sense at useless ang panahon.
“Nagpalit ka sa taas. Raul Gonzalez was replaced by De Lima. Intact naman lahat sa baba.All the corrupt prosecutors have remained untouched. Paano yan?” – Ellen
Paano nga ba yon?
DOJ may have a new head, but if the principal source of its supply of “food” are from the same poisoned and corrupted roots, can we expect a good fruit from it?
Let us not expect that everything will be fixed in an instant. The system has been so corrupted that it will take a few straight presidents to rectify it. Pnoy will do as much as he can but everyone will have to help out. Yan ang problema talaga kung inaasahan natin na ang mga taong nakapwesto ang gagawa lahat ng pagbabago. We have to lift our weights too. Balikatan, ika nga.
The Mayuga report is unrealiable. It was a “clean-up” document, prepared mainly to clear those generals involved in the conspiracy to cheat in favor of Gloria. Mayuga was promoted as a reward for a job well done in the eyes of his masters.
While it’s true that those generals including Undag were never caught in tape, there’s no doubt that they were all in the plan, or else there’s no use or sense mentioning their names in a conversation for no reason at all and where they were of no importance. For what reason, perhaps? And like Mayuga, they were all promoted. What’s better proof than getting a promotion as a pay-off?
Gudani’s name was also mentioned but clearly identified as a stumbling block to their operations. He was identified as pro-FPJ, but was in no way or in a position to cheat for him. He didn’t have a Garci and other Comelec officials on his side.
As a reward he was taken off from his assignment and even charged for testifying in the senate in violation of the executive order of her majesty.
“Nagpalit ka sa taas. Raul Gonzalez was replaced by De Lima. Intact naman lahat sa baba.All the corrupt prosecutors have remained untouched. Paano yan?” – Ellen
Nagpalit ng pang-itaas, hindi naman nagpalit ng underwear, hindi pa rin malinis at may sisingaw pa rin.
All the more that the Mayuga Report should be declassified for us to know kung paano pinagtakpan ang kasinungalingan. We only heard the Garci tapes. We didnt know who were actually investigated. Naimbestigahan ba si Undug? Oo nga. Nabanggit ang pangalan nya doon sa tape. But it was only a plan and it did not even materialize. Was this investigated? Did Undug disprove this allegation? How? We dont know. Paano nila nalaman na pro-FPJ si Gudani? Sa kwentuhan lang or may overt action na ginawa, directly or indirectly. Remember na Brigade Commander si Gudani with more than a thousand Marines under him. Ok lang kung pro FPJ siya. Karapatan nya yun. But as a soldier, he had no right to express his preference in public. That’s a prohibited act. That’s all I’m saying. Declassify the report para malaman natin ang extent ng lokohan/lutuan ng report.
This “hello Garci” should be re-investigated. Ngayong wala na sa pwesto si pandak at ang kanyang mga asong ulol na henerales, may mga magsasalita sa mga totoong nakakita ng dayaan. Marami na nga lang sa mga nagamit sa dayaan ang nabigyan ng promosyon at pera. Hindi lahat ay nabili.
house cleaning at DOJ is in order, at least sec. Leila De Lima is credible, unlike Agra who was completely evil.
with a good head, let’s hope the body follow, the big problem during gma time was the head itself was the problem
#20 Balweg :”Dapat pasalamatan natin ang mga tulad nila nina Teddy, Liza, Walden, Satur at marami pang iba na hayagan silang naninindigan sa ikapagbabago ng ating lipunan.
Kita mo naman ang mga trapo/tradpol sa tongres, senado, at ibang lingkod-bulsa sa LGUs…karamihan e singunaling at magnanakaw…at ang iba pa sa kanila e mamamatay-tao.
Yan ba ang mga leaders or lingkod-bayan natin…puro kriminal?”
Mayponto ka dyan destroyer,subalit gawain talaga ng mga taga opposition ang mag ingay,Hayaan mo na sila-sila rin mapapagod kararally sa mga langsangan na dapat sa senado o congresso yan pagdedibatihan.
Mga igan parang walang kwenta yung hello garci kung bubuksan ulit…. kasi hindi na pwedeng bumalik pa tayo sa year 2004 pa. Non sense at useless ang panahon. – Destroyer.
Ibig sabihin, hayaan na lamang nating pagalagala ang multo ng kawalanghiyaan, ganu’n ba?
Ibig sabihin, ipagbunyi pa natin si gloria dahil sa mahigit siyam na taong pambabastos niya sa atin at ipagpatayo pa ng monumento bilang pagpaparangal sa kanya, ganu’n ba?
Sang-ayon ako sa pagpuna sa mga walang kuwentang mga rally ng mga makakaliwa at ibang grupong walang hangad kundi ang manggulo sapagkat wala sa mga rally’ng yan ang solusyon upang sumulong tayo.
Nasa mga mambubutas natin sa Tongress at Senado ang solusyon. Gayundin bigyang diin ang bahagi ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas. At, nasa ating mga mamamayan na rin. Ilan sa mga ito:
Un. Ibasura nila ang napakatagal nang nagpapahirap sa ating Contractual Law na sinasamantala ng mga kapitalistang dayuhan at kapwa Pilipino.
Pangalawa. Kailangang ang mga halal ng bayan ay maging accountable sa taongbayan partikular ang mga kotongressmen na inuuna ang party affiliation kaysa tunay na pagseserbisyo sa kanikanilang mga constituents.
Pangatlo. Ipatupad ang tunay na independence sa bawat isa ng tatlong sangay ng gobyerno.
Pang-apat. Maging makatotohanan ang mga nasa pamahalaan na sila ay nasa kanikanilang mga posisyon upang magbigay ng tunay na serbisyo publiko. Iwasan ang kotong. Iwasan ang lagay.
Panglima. Ipatupad nang pantay ang batas. Walang mahirap, walang mayaman. Delikadesa at respeto sa tunay na kahulugan ang ipairal.
Pang-anim. Bilang mga mamamayan, sundin natin nang may pagtalima ang alinmang batas na sumasakop sa anumang usaping ating kinakaharap. Walang pangangatwiran. Walang palusutan. Walang maraming dahilan.
I have not read any story of Gudani cheating for Poe, basically, the cheaters were complaining that he was very strict they could not operate as freely as they did in other Mindanao areas.
Para sa nakalimot na sa mga pangyayari sa Lanao del Sur, read this excerpt of PCIJ’s report:
And this:
P.Noy should just pursue the anomalies of the 2004 elections and prove that GMA did not win. If he can prove that GMA is not the winner then all orders, appointments etc are null and void. Tapos na lahat ng problema ni P.Noy. The President can replace all the GMA appointees including the SC justices, gutierrez and all the other leeches that wont go. P. Noy can have a fresh start and pursue his own agenda without worrying about the previous administrations dogs. If the senior officers dont want to talk, ask the junior officers. Lets start at the Batasan tampering of ballot boxes. That was so obvious!
Lets start at the Batasan tampering of ballot boxes. That was so obvious!- Jake LP
I agree.There are video audio and video testimonies on this. If the Truth Commission really wants to unearth the truth about “Hello Garci”, they should move fast. Before Arroyo and company take care of the participants to this operation.
Baka magiging fertilizer scam and Ampatuan massacre yan. Isa-isang nawawala ang mga witnesses.
Asa’t angal tayo na ang mga manggagawang Pinoy ay binubusabos ng ibang lahing amo sa ibayong dagat, itong mga nasa pamahalaan natin ay puro kakapalan ng mukha ang pinaiiral, sino ang aasahan nating haharap sa mga umaapi sa ating mga kababayan?
Paano nila sasagutin ang katanungang ipupukol sa kanila kung paano nila balasubasin ang kapwa Pinoy sa sariling bansa na dapat ay sila ang unang kakitaan ng pagmamalasakit bilang mga namumuno? Gayundin, kung ang mga dayuhan ay mas unang unang pinoprotektahan kahit walang patumanggang nilalabag ang ating batas at nakukuha sila sa “lagay” kabaliktaran ng pagtrato nila sa pobreng kabayang kinukulata muna bago hingan ng panig upang “sumuka” ng gusto nilang amining hindi ginawa, makakaasa ba tayong taas noo nilang maipamumukha sa mga banyaga na hindi nila dapat lapastanganin ang ating mga kababayan?