Noong Miyerkoles, na late si Pangulong Aquino sa misa na idinaos para sa paghilom ng sugat sa ating buhay pulitika.
Tinawag nila itong “Red mass” at ginanap sa Manila Cathedral sa Intramuros.
Pinaliwanag ni PNoy na kaya raw siya na late dahil natanghalian siya ng gising sa sobra niyang pagod. Gabi na raw siyang dumating noong Martes sa kanyang bahay sa Times st. sa Quezon City galing sa Tagaytay kung saan may miting ang Liberal Party.
Pagdating pa niya sa bahay, dalawang beses nag-brownout. Kaya hindi daw siya nakatulog kaagad. Pagkagising daw niya, medyo hindi raw maganda ang kundisyon ng kanyang tiyan.
Maganda itong ginagawa ni P Noy na hanggang makakaya niya, gusto niya ipagpatuloy ang normal niyang pamumuhay.
Pinanindigan niyang hindi gumamit ng wang- wang at humihinto ang kanyang sasakyan sa red lights. Kaya sa turnover ceremonies sa military noong unang linggo niya, late siya.
Para sa akin, okay lang mag wagwang siya dahil president e naman siya, mas mahalaga ang oras niya kasya naman nabuburo siya sa traffic. Kaya lang gusto pa rin niya yata mamuhay ng ordinaryong mamamayan. Para siguro maramdaman niya ang dinadaanan ng ordinaryong mamamayan.
Mabuti rin naman yun. Parang feedback mechanism na rin. Tuwang-tuwa ang mga tao dahil nakikita nilang nakiki-isa ang Presidente sa kanilang dinadanas na init at inip sa trapik.
Mabawasan siguro ang problema sa trapik ni P Noy kapag sa Bahay Pangarap na siya titira kasi tatawid lang siya ng Pasig river. Sa mga appointments nalang niya sa labas ng Malacañang siya susu-ong sa trapik.
Sinabi sa akin ni Leny de Jesus na pinuno ng presidential management staff at isa sa pinagkatiwalaan ni dating Pangulong Estrada na kapag sa Malacañang ka, naiiba ang paningin mo sa mundo .
Sabi niya,”Ibang mundo kayo doon.” Dahil piling –pili lang ang makakapunta doon at sa iyong mga miting sa labas ay pili na rin ang makaka-usap mo, wala kang pagkakataon na personal mararanasan ang dinadanas ng ordinaryong mamamayan.
Dahil masarap ang buhay doon, madaling magkaroon ng pantasya at mawawala sa reyalidad.
Kuwento ni Leny, “Hindi namin naramdaman ang galit ng taumbayan hanggang umigting na.” Hanggang sa huling mga oras yata sa Malacañang,nagtataka pa si Erap bakit pinatalsik.
Ganun din ang nangyari kay Arroyo. Katawa-tawa nga ang pinagyayabang niya na gumanda daw ang buhay sa kanyang adminsitrasyon. Hellooow, anong planeta kaya ang kanyang tinutukoy?
Hindi lang ngayon tumira si PNoy sa Malacañang. nang presidente ang kanyang inang si Cory, nakatira na sya sa Malacañang. (Sa Arlegui sila nakatira, na kasama na rin sa pangangasiwa ng Malacañang.)Sa ginagawa ni PNoy na gusto niyang samahan ang ordinaryong mamamayan sa kanilang pang-araw araw na pagtitiis sa trapik, hindi siya mapapalayo sa realidad ng buhay.
Hellooow, anong planeta kaya ang kanyang tinutukoy?
@#$%$#@>. #@$#$#$ 666 #@$#%$^.
&%^*%())(_##@@$%^. !@#@$%$# ^&%&* 8 ^%&^ *($)@.
Ano’ng planeta nga kaya o nasyon ‘yung sinasabi ni gloria’ng maganda ang eeeekkkk kuno niya?
Aaahhh, alam ko na! Hello (Garci) C nation. (Hallucination)
Approve na approve sa akin ang ginagawa ni Noynoy na parang pakikipagkwentuhan kung sumagot sa mga tanong ng reporters. Feel na feel na nakatuntong sya sa lupa.
Sa pagtira nya sa Bahay Pangarap, makabubuti sa kanya ang ipagpatuloy ang nais na simpleng pamumuhay ng ordinaryong mamamayan na maitutuloy nya kung minsan-minsan ay lalabas ng fortress at makipaghuntahan sa atin. Sa gayun ay hindi sya matutulad kay Erap at Gloria na nawala sa mundo. Sulyapan na rin nya minsan-minsan ang Ellenville, di lang monitoring ng kanyang staff, hehehe!
Dito malalaman ni P-Noy na di na pangkaraniwan mamamayan ang kanyang kata-yuan sa loob ng 6-na-taon..mga 3-5- LATE pa niya dapat isipin niya na mahirap talaga ang maging AMA or pinuno ng halos 90-milyon na Pilipino (na ginawa pa niyang bossing).Bilang pangulo exemption ang pwesto na iyan, na dapat kang maging modelo ( sa loob ng class room, kapag LATE palagi ang titser, di magandang halimabawa sa mga estudyante, at sa pamunuan ng school, at tatawag ng pansin sa principal o may-ari. Its a bad impression na naka-tatak, kahit na lumipat pa ng ibang school ). What is wrong with “wang-wang for a president of a Nation” ??( mandatory, at gumawa ng batas ??..)..alam naman ng kanyang “BOSS” ang mabuti niyang hangarin ( mahirap, mauli-la ang mga “paslit” na mamamayan, lalo na gutom sa “pagbabago” at lahat-lahat. Mismong si Sen.Honasan, nagsabi,kailangan ITO.
Siguro sa gina-gawa niya, bilang adjustment period, matututo din siya, at makita ang halaga ng isang AMA ( binata kasi ), sa loob ng pamilya ( Pilipinas ). Isang maliit na pagkaka-mali ( late ), ngunit ga-higanting pinu-puna ng buong mundo. Please have a second of “Wang_Wang Issue “, and amend a law about it, for many reasons about fathering a nation.
Si goyang nga noon, nagtae lang sa dami ng kinain sabay inom ng konyak, ipina-heldline kaagad sa diyaryo at ipina-media pa ‘yung pagpunta sa St. Loko’s Hospital.
KSP kasi. Takaw pansin.
Akala newsworthy siya.
Dito malalaman ni P-Noy na di na pangkaraniwan mamamayan ang kanyang kata-yuan sa loob ng 6-na-taon..mga 3-5- LATE pa niya dapat isipin niya na mahirap talaga ang maging AMA or pinuno ng halos 90-milyon na Pilipino (na ginawa pa niyang bossing).Bilang pangulo exemption ang pwesto na iyan, na dapat kang maging modelo ( sa loob ng class room, kapag LATE palagi ang titser, di magandang halimabawa sa mga estudyante, at sa pamunuan ng school, at tatawag ng pansin sa principal o may-ari. Its a bad impression na naka-tatak, kahit na lumipat pa ng ibang school ). What is wrong with “wang-wang for a president of a Nation” ??( mandatory, at gumawa ng batas ??..)..alam naman ng kanyang “BOSS” ang mabuti niyang hangarin ( mahirap, mauli-la ang mga “paslit” na mamamayan, lalo na gutom sa “pagbabago” at lahat-lahat. Mismong si Sen.Honasan, nagsabi,kailangan ITO.
Siguro sa gina-gawa niya, bilang adjustment period, matututo din siya, at makita ang halaga ng isang AMA ( binata kasi ), sa loob ng pamilya ( Pilipinas ). Isang maliit na pagkaka-mali ( late ), ngunit ga-higanting pinu-puna ng buong mundo.Please have a second thought of
the “Wang_Wang Issue “,and amend a law about it,for many reasons about fathering a nation.
Wag nyo nng problemahin ang wang-wang issue. Decision nya yan. Security to VIPs din dati ko trabaho ko. Hindi problema ang security dito. Kahit RPG di tatalab sa armor ng kotse nya. Alam ng PSG yan. Di lang napiplay up para di maging complacent mga escorts. People dont know it. May route security yan. May elements na di kasali sa convoy na nauuna at sinusuyod muna ang dadaanan. Wag lang maging predictable ang rota at oras ng pagadaan, walang problema sa security aspect. The security issue should be put to rest already. 🙂
#4, Mags, pinatawa mo ako husto. hahaha! ‘kala ni Gloria newsworthy sya!
Kahit na sa bahay pangarap tumira si Noynoy, gagawa at gagawa yan ng paraan na maging ordinaryong mamamayan. Pupuslit yan ng bahay pangarap at magbababad sa Makati Avenue, P. BUrgos sa Makati o sa Timog Avenue.
May pagkakahawig nga ang laging pagiging late ni Aquino kay Erap. Palaging may balita noon na late si Erap sa mga functions at minsan nga ngarag pa ng dumating.
MPR, heto listerine, magmumog ka nga dyan!
Oblak:
Ok yang maging always on time sa appointments. Ang di alam ng karamihan, minsan sinasadya iyan para di maging predictable. Ika nga di ka napapattern. Sometimes, babaguhin na lang bigla ng STAG commander ng PSG detail ang rota nila. Imbes na sa usual na dinadaanan, magtetake the longest route yan so kung meron mang nagbabalak ng masama, di nila mapattern. Note na ilang beses din siyang nauuna doon sa engagement site lke sa PAF anniv at doon sa Tagaytay celebration ng LP. Sinasadya yan. Alam ko kung paano mag isip si Gazmin at Col Dizon. Iyan din dati ginagawa namin or lahat ng mga taga PSG sa mga nagdaang Pangulo for that matter. Nakalimutan ko na kung sino ang nagsabi nito dati, ” That’s what is so nice about being President. You don’t have to worry anymore about time.” So the next time his detractors harp on his ‘tardiness’, just smile. They don’t have a clue about keeping him alive. 😛
Naniniwala ako sa iyo Ka Henry at galing ka dyan at may line of communication ka rin siguro sa mga kasamahan mo. Kaya lang ginagawan ng isyu palagi at siguradong gagawan pa ng isyu kung ma late uli si Aquino. Masigabong paninira ang mangyayari at lalabas na hindi sumusunod si Aquino sa etiquette, Presidente pa naman. Sa iyo at sa akin ay ok lang late si Aquino at Presidente sya. Nakakairita lang madalas na parang pinaka batugan at delikwenteng Aquino ang pinalalabas sa balita ng mga ibang mamahayag, lalo na kung walang ibang masilip!
Ganoon talaga buhay Ka Oblak. Parang larong pula o puti lang yan. Bago pa kasi kaya parang ‘obsessed’ pa ang media sa kanya. Lahat napapansin. Kay Pandak palagi nyang ginagawa yan. Di lang palaging late. Malimit di na sisipot sa mga okasyon. Dahilan? Security nga. Dami kasing nagbabanta na karnehin siya at gawing abono ng mga laman lupa. Ikaw ba naman ang pinaka sa mga kinamumuhiang tao sa balot ng tinapa este balat ng lupa. 😛
Ayos yan ka Henry at ipinaaabot mo sa aming ordinaryong mamamayan na mumunti lang ang kaalaman sa seguridad ng presidente. So hindi ordinaryong Land Cruiser yun? Customize ika nga. Or you are referring to the official limo of the prez na hindi tatablan ng RPG?
Very “informative “-naka-katuwa-naka-lilibang-din itong, kasiyahan-at-pangising ng ating mahal na ELLEN na blog..
lahat, ay patuk-na-patuk-malaman ang mga sina-sabi.Sana,sign na ito ng “bango” ng pag-babago na pangako ni P-Noy.Basta’t
kasama tayong (boss) niya, at pina-kikingan ng kanyang admn
okay na, di tulad nang kay “nunal” na halatang-halata, may “deperensya”, at pilit na pinag-tatakpan ng taga-Batangas,at nitong huli na “dual-citizen” yata. Yuong nag-kamali ng “protocol” tiga, N.E., biglang nawala sa script. Nakaka-irita, nakaka-high blood(ngayon, normal na ang adrenalin natin).
Kumakain kaya si PNOy ng bagoong na may uod? iyan ang favorite ni Monching.
Siguro kokonti ang nakaka-alam kung bakit hindi umalis ng bahay si Noynoy last Monday. Nagtataka ang kanyang mga sikyu o PSG at ang household staff na buong araw ng Lunes, nandun lang siya sa kanilang Times Street residence. Walang may lakas ng loob magtanong kung kaya itinawag nila ito kay Kris Aquino.
Kris: Hello, Kuya Noy, absent ka raw today? Bakit?
PNoy: Wala akong magagawa Kris. Kailangang sumunod ako sa kalakaran, sa batas ng trapiko katulad ng aking promise.
Kris: Hindi ka naman gumagamit ng wangwang, anong problema?
PNoy: No. 1 plate ng kotse ko, Lunes ngayon, coding eh!
Hehehe! Nadali ng coding si PNoy.
P.Noy should not have attended red mass called belatedly by Cardinal Rosales. Rosales used church to reach out to a president whom he called crazy, crazy, crazy. Even bogus CJ Corona took advantage of the mass to break the ice with P.Noy. During 9 years of bogus governance, unprecedented corruption and climate of impunity, Cardinal Rosales was blind,deaf and mute all through out.
Dapat may fixed term din ang mga cardinal. pag undeserving gaya ni cardinal rosales tiis na lang. sana may cardinal sin uli na mas sayad ang paa sa lupa.
Nagpapaimportante lang ata si Cardinal Rosales…and a mass is a mass..hindi naman Linggo..kaya hindi mortal sin ang ma late sa misa sa araw na iyon..mas kasalanan ang hindi magpatotoo sa katotohanan hindi ba pader? wala seguro kasing bitbit na brown bag with cash si Noynoy na gaya noong pamangkin niyang si Medy tagaabot ng brown bag…
…for life ang term ng Cardinal…the sad reality for having one like Cardinal Rosales..
#15. Hahaha, Joeseg! Bago na naman yan a!
Cardinal rosales will answer to God for all his sin of “commissions” and omission. P.Noy was right not to greet and acknowledge him and bogus CJ Corona during the inauguration. P.Noy is acting honestly unlike many pretentious hypocrite
“……….sana may cardinal sin uli na mas sayad ang paa sa lupa.”-MELVINSKY.
Diyaskeng salbahe kang bata ka! Patay na nga ‘yung tao sasabihin mong may sayad pa? Aba’y alalahanin mong banal na tao ‘yun noong nabubuhay pa. Isa siya sa mga dahilan kaya naging panggulo si gloria. Dahil sa kanyang makadiyos (ni gloria) ng layunin kaya ang sambayanang Pinoy ay nakapamuhay nang masagana sa ilalim ng magandang ekononiya. Hindi mo ba alam na lumobo ang yaman ng mgagarapal-arroyo?
But anyway, anyhow, ipaksiw na rin natin, welkam ka dine sa ngalan ng maybahay.
Totoo lahat ng binanggit ni Henry. It is a matter of breaking pattern of movements upang huwag malagay sa peligro ang buhay ng isang VIP. A game played in name of security, puwede din nating sabihing kailangan ang gulangan.
Trabaho ng sekretarya o sino mang nakatalaga ang paghihimay ng schedules of appointments, trabaho naman ng PSG commander ang pangalagaan ang seguridad ng presidente. Kailangang merong nakaposte along the route na dadaanan, kahit pa ‘yung sa diverted o alternate sa patutunguhan.
Hindi din alam kung saan sa convoy nakasakay ang presidente.
i agree with Henry, SAFETY FIRST !
i agree with Henry, SAFETY FIRST ! – sychitpin
Security conciousness is more appropriate.
Sa construction lang ‘yang SAFETY FIRST.
both correct MPR, safety first is simpler while security consciousness is more formal, bottom line is effectiveness,
Power is a test of a person’s character, some president like Cory carried power with humility and decency, while others like gma abused it with impunity and shamelessly
P.Noy is on to a very good start, people could sense his sincerity , competence and humility, his appointments were very good, except for DFA sec, Truth Commission and AFP chief……
may kasabihan na “hindi bubunga ang sampalok (maasim) ng saging (matamis)”..si Noynoy ay nagmana ng humility, decency and simplicity na nakita niya sa mga magulang niya kaya naging way of life na niya…si putot naman ano ba ang katangian ni Dado at ni Eva? ang naalaala ko lang ay putot din si Eva..decency? humility? simplicity? ambot lang wara ako ti naman-an..maybe but I don’t know…pero ang mga narinig ko sa mga kaklase niya..mataray and spoiled brat in contrast to her half sisters and brother…kahit sa isang puno pala may bulok din…yong hindi tumobo ng husto..putot!
Baguneta:
Tama ka. Di tatablan kahit RPG ng MILF ang Land Cruiser na yan. 🙂
sychitpin,
May punto ka. Subalit malaki ang pagkakaiba ng scope ng security consciousness kaysa safety first. Napakalawak, napakalaki, although may pagkakahawig.
Thinking of safety goes with a pattern while security conciousness needs more comprehensive approaches, studies and tests to prove effective. Discipline plays the most important part – secrecy, that is.
Although I started opening this subject, I think this is not a proper venue to discuss in details.
Mahirap na. Maraming kalaban.
MPR, many up there is watching over P.Noy, he is in very good hands
Alam ko. Highly trained ang members ng PSG. Intelligence. Urban terrain operations. Security and tactics. And, they have the most sophisticated weaponry issued within the AFP.
odinaryong citizen si Noynoy…on the other hand si putot naman ay extraordinary…ET.
Galing kay Vanessa:
Masaya po ako sa nababasa ngaun sa Abante News tungkol po sa ginawa ni P-Noy na gusto nya masamahan at maramdaman ang mga nararamdaman ng taong bayan sa bansa natin tulad nalamang po sa traffic sa daan sa Manila.
Gusto ko rin po na malaman ni P-Noy, na sana sa darating na araw ma help nya ang lugar namin sa San Ricardo,Southern Leyte na matatapos na ang kalsada duon kc matagal na po kami nag titiis duon,sana po itong message na ito ay makakarating sa ating Pangulo.
MPR: They may have the most sophisticated weaponry but alam ba nilang gamitin? kung alam nila bakit ganito pa rin tayo?
— Magno
True!
— Rose
PSG is not the AFP.
Rose,
Number one VIP kasi ang nasa Malakanyang kaya nasa PSG ang pinaka-sophisticated na mga armas.
Si Henry ang mas makakapagdetalye nito bilang isa sa mga close in security in first family noong nasa active service pasiya.
Kami kasi noong panahon namin ang ginagamit naming armas ay mga vintage na. “Kinahoy” pa ‘yung iba.
Pero sa nakikita ko naman ngayon ay medyo maayos na ang weaponry ng hukbo natin although meron pa rin sigurong mga lumang armas na ginagamit lalo na ‘yung M16 rifles. Hindi ko na kilala ang mga bagong nagsulputang modelo being almost twenty years na mula umalis ako at hindi na uli nagkaroon ng interes na humawak ng armas.
Sa website ng Scout Rangers, Steyr Aug at MP5 ang hawak ni Gino Guinolbay. Tinalo pa nga ako ng mga anak ko at sila ang unang nakakilala. Kaya naman pala e dahil sa Counterstrike.
Magno:
Di mo na pala inabot ang shoulder-fired Surface to Air missile namin sa PSG? lol
Di mo na pala inabot ang shoulder-fired Surface to Air missile namin sa PSG? – henry90
Salbahe! Ano’ng palagay mo sa akin, panahon ni Kamlon sa serbisyo? Kanyong kawayang ang gamit?
Sa field noon kasi, wala pa ‘yang shoulder-fired surface to air missile, being sophisticated ay ayaw nilang i-issue sa combat operating units dahil mahirap nang mapasakamay ng kalaban kung ma-over run ang detachment o ma-outnumbered and outfought ang tropa which is different during the time of gloria na halos ibigay na sa kalaban ang arsenal ng AFP gayundin sa mga political allies katulad ng mga Amputangnangyan.
Kung tutuusin naman ay almost fully equipped ang mga kawal natin kung hindi ikino-confine ng AFP heirarchy ang issuance sa VIP escort and crime fighting units sa metropolis. Para kasing ayaw ng gobyerno lalo na ang mga heneral natin na matapos ang rebelyon at kaguluhan sa hindi na nila maikakaila at maitatagong dahilan.
Yung MP3 at MP4, meron ako niyan. Anak ko nga meron din, binilhan ko noong umuwi ako. Enjoy nga siya, eh. Meron pang games.
He he he.
Kung kailan matatapos ang sakit na Big C sa gobyerno at lipunan, that will also be the time the country can start seeing change. Subalit habang nand’yan pa ang mga virus na nagpapakalat ng Big C’ng ito, kahit ilang PeNoy pa ang sunod sunod na maging presidente, laging comatose ang ating economy. Our peace and order ay laging 50/50, naghihingalo at ang hustisya ay may pasak sa tenga, may busal ang bibig at bulag ang hindi na kailangan pang piringang mga mata.
— Henry90
They are thoroughly useless now. Have not been properly maintained by succeeding govts. Money wasted.
Melvinsky,
Cardinal SIN is one of the protectors of Communists sympathizers. Estudyante ako sa PLM at duon ay malimit ang bigayan ng leaflets ng mge leftists. Malimit ang meeting ay ginagawa sa vicinity ng Manila Cathedral! Kaya paniwala ako sa mga sinasabi nuon ni Macoy na yung ibang kaparian ay leftists.
Yung mga communist teach-ins noong 60s-70s sa mga colleges ay kino-conduct kasama pa nga raw si Ninoy, sabi ng mga tito/tita ko. Mga miyembro sila ng KM (Kabataang Makabayan) na LFS ngayon.