Skip to content

Bawal mapikon

Sa gitna ng maliit lang naman na gulo sa media ng ilang gabinete ni Pangulong Aquino, dapat lang natin purihin ang pagbabalik ng pagkabukas ng bagong pamahalaan sa media na nawala ng panahon ni Gloria Arroyo.

Ang gaan-gaan ng pakiramdam na hindi ka makikipag-away papunta palang sa coverage.

Natural lang na may kunting girian sa simula dahil hindi pa sanay sa istilo ng bawat isa. Ngunit maganda ang payo ni Mike Toledo, spokesperson ni dating pangulong Estrada, kay Edwin Lacierda, tagapagsalita ni Aquino ngayon: “Bawal mapikon”.

Magkakaroon ng seminar daw ang mga miyembro ng gabinete ni Aquino tungkol sa media. Mabuti naman kasi iba-iba kasi ang ating personalidad. Minsan kahit maganda ang iyong intensyun, sa pagsasalita, iba ang dating.

Nangyari kasi ito dahil sa unang linggo ng administrasyong Arroyo, nagkagulo-gulo sa Malacañang media. Dalawang oras late si Lacierda sa scheduled press conference dahil nagbigay pala siya ng interview sa ANC. Siyempre naman nagwala ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps.

Ito naman si Bro Armin Luistro, education secretary, sinabing hindi nakakatulong ang media sa isyu ng sex education. Mali. Mali.

Namilipit naman si Lacierda sa isyu ng Memorandum Circular no. 1 na nagtatanggal ng mga hindi career na empleyado na gobierno. Nang nagkaroon ng problema sa implementasyun, iniba nila ngunit pareho pa ring numero. May mali sila sa unang memo. Iniba nila. Kaya dapang MC 1-a.

Hindi bale na. Talagang ganun. Bago pa lang, namamahay pa lang sila. Ang kabutihan naman sa administrasyun ni Aquino ay inaamin ang pagkakamali.

Ito ang aking payo sa mga tao ni Aquino hango sa mahabang panahon na trabaho bilang journalist.

Unang-una dapat katotohanan lang ang iyong sasabihin sa media. Huwag na huwag kayong magsinungaling. Ayaw ng media, o kahit naman siguro sino, ng sinungaling.

Huwag na huwag isipin ng mga opisyal na maitago ang isang bagay na hindi totoo ng kasinungalingan. Walang kasinungalingan na hindi malalaman sa bandang huli. At kapag mabisto ng media na nagsinungaling ka, sira na ang iyong kredibilidad.

Kredibilidad ang numero unong i-ingatan dapat ng isang opisyal ng pamahalaan lalo pa ng nakikipag-deal sa media.

Kung may mga bagay na hindi maring sasabihin, maintindihan ng media yan. Pwedeng iwasan, pwedeng off- the- record, Ngunit huwag magsinungaling.

Wala rin dapat favoritism, walang diskriminasyun, maliit man o malaki na organisasyun ng media.

Dapat isipin rin ng mga opisyal na ang trabaho ng media ay mag-report ng katotohanan, maganda man o pangit. Hindi trabaho ng media ang gawing mabango sila sa publiko.

Kaya kung sila ay pinupuna, huwag silang pikon. Walang personalan. Trabaho lang ang sa amin.

Published inBenigno Aquino IIIMedia

17 Comments

  1. gaya nga nang very old commercial, “kelangan pa bang i-memorize yan?!”

  2. henry90 henry90

    Tama iyan Mam Ellen. In the same token na din dapat maigsi ang pisi ng ibang taga media sa kanila. Just like the lady journalist captured on tv na may side comment pa. Parang sanggol na di agad nabigyan nang feeding bottle. Natagalan nga nila spokespersons ni Putot ng 9 na taon. Eto pang bago na magiisang linggo pa lamang. Nadadaan naman iyan lahat sa mahinahong paraan.

  3. Oblak Oblak

    Pero paano kung talaga naman napaka impertinente ng kausap. Sabagay kaya siguro hindi ako papasok sa linya na trabahong yan at mapipikon talaga ako. Kung antipatiko ang kakausap sa akin, babarahin ko kahit sabihing pikon ako. At huwag na huwag akong sasabihan umalis ako sa pwesto at sasabihin ko sa kanya na sya ang huwag tanong ng tanong ng walang kapapararakan, sabay dilat ng mata.

    Sa isang banda maganda rin yung pikon at ibig sabihin sensitive yung tao. Kesa naman dun sa dating adminstasyon, hindi pikon dahil napaka manhid at makakapal ang mukha.

  4. sychitpin sychitpin

    honest mistakes are tolerable than sugar coated words behind deceit and lies, maybe we should allow the new gov’t breathing space and honeymoon period, bottom line is we now have an honest president

  5. MPRivera MPRivera

    “Nangyari kasi ito dahil sa unang linggo ng administrasyong Arroyo, nagkagulo-gulo sa Malacañang media.”

    I think it will take some time bago rin masanay na walang na nga si never elected president gloria macagarapal arroyo.

    Kahit kasi kinaiinisan basta’t nakasanayang araw araw ay laman ng hapag ang mga kapalpakan ay aabutin ng medyo may katagalan bago kamihasnan na “bagong umaga” na.

    Tulad ng maybahay, bibilang din ng maaaring ilang buwan bago matanggap ng daliri niyang AQ na ang unang dalawang titik ng bagong administrasyon.

    He he he.

    U@ta#n$gnamuki$#nanangip@i#s*ting%y$a#w@a ka, gloria! Tindi talaga ng kamandag mo! Kahit ibaon ka sa limot ay kusang bumabalik ang iyong multo.

  6. MPRivera MPRivera

    “….hindi pikon dahil napaka manhid at makakapal ang mukha.” – Oblak

    Pareng Oblak, ‘yung mga ‘yun ay mga zombies na katulad ng kanilang boss na si never president gloria arrovo ay katulad ng alagd ng dilim na iniluwal sa kapusikitan ng hatinggabi. Kung iyong matatandaan ay biglang binulaga ang taong bayan paggising nila na nakapanumpa na ang bruha nu’n palang kanilang kahimbingan.

    Eh, tonto din naman ang mga kababayan natin, eh. Hinayaan nila’t tiniis ang nakakainis na uri ng pamumuhay sa ilalim ng mapang-inis na pamunuan ng isang hindi hinalal ng bayan.

  7. Oblak Oblak

    Paano ko ba isisingit ito para relevant sa topic. Si Mike Toledo ang dating spokeperson ni Erap na huwag maging pikon. Speaking of Erap, mukhang namimikon ang mama at bumubula ang bunganga sa radio at tinuligsa si Davide.

    According to him:

    1. Kinumbida sya ni Lucio Tan sa penthouse ng isang hotel sa isang hapunan.
    2. Andun si CJ Davide at nilakad ni Lucio Tan na maging Chief Justice si DAvide
    3. Payback time naman nung niremand ni Davide ang tax evasion case ni Lucio Tan sa lower court na eventually nadismiss.

    Sapol si Davide. Unwittingly, nilubog din ni Erap ang sarili.

  8. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Bawal balat-sibuyas sa mga Cabinet men. Mahirap din ang kapal-muks at kapit-tuko.

  9. chi chi

    Bumubula ang bibig ni Erapski sa galit kay Davide…dapat lang! Hindi sya pikon, kuya Oblak, nagpapanting lang tenga sa galit kay Davide parang ako, wahehehe!!!

  10. chi chi

    Hindi lang pikon at huwag magsisinungaling ang mga gabinete ni kuya Noy ay malaking accomplishment na sa bagong admin. Kung tayo ang tunay na bossing nila ay makikinig sila na bukas ang tenga ang isip sa ating magiging puna sakaling meron liko.

  11. baycas2 baycas2

    ang pikon, talo. eh, ang nang-aasar?

  12. luzviminda luzviminda

    Chi, ako rin, di makapaniwala na ipinuwesto pa si Davide, at sa Truth Commission pa na hahabol kay GMA. Eh alam naman natin na malaki ang utang na loob nitong walwang delikadesang kapalmuks Davide kay Engkantada. Malamang paabutin ng mahigit anim na taon, tapos na ang termino ni P-Nyoy. At di ba wala naman kapangyarihang magpakulong yang Ku(nsu)misyon na yan? Di kaya moro-moro din ang labas.

  13. luzviminda luzviminda

    Being a presidential Spokesperson eh dapat may charisma, marunong sumagot at umiwas sa sagot sa mga tanong nang hindi bastos ang dating. At tama na dapat walang favoritsm. Eh bakit nga kasi nagpa-exclusive interview si Lacierda sa ANC eh meron pala siyang dapat attend-ang scheduled conference. Dapat dun na lang siya nagpa-interview sa harap ng maraming journalists para marami siyang napag-bigyan at hindi na-late. KUng hindi kaya ang trabahong binigay ni P-Nyoy eh palitan agad. Sige nga after 100 days nila dapat eh i-rate natin ang mga performance. Yung babagsak ang grade, dapat palitan, huwag ipag-pilitan!

  14. chi chi

    “Sige nga after 100 days nila dapat eh i-rate natin ang mga performance. Yung babagsak ang grade, dapat palitan, huwag ipag-pilitan!”

    Hehehe! Nagpapatawa ka, luz.

  15. Sino ba iyung nagsabi na kailangan daw ay “Cute” ang kukuning cabinet members ni P.Noy.

    Ayan Chi pasado ka na sa personality categories.Hehehehe!

  16. chi chi

    Yahahahahaha, Cocoy!

Comments are closed.