Sa isyu ng paggamit ng wangwang, naipakita ni Pangulong Noynoy Aquino na ang pagbigay ng ehemplo ang siyang pinakamagandang paraan para magpatupad ng batas.
“Set an example,” sabi sa English. Maganda yun. Kahanga-hanga.
Ngayon pwede na siguro siya gumamit ng wangwang para sa kanyang siguridad rin. Nadeliver na niya ang kanyang mensahe. May mga mas mahalaga pa siyang mga bagay na dapat asikasuhin.
Ayun sa batas, ang exempted sa pagbabawal sa paggamit ng wangwang ay ang presidente, ang bise-presidente, senate president, Speaker of the House of Representatives at Supreme Court chief justice.
May basehan ang batas tungkol sa pagbawal ng gamit ng wangwang . Ganun din ang exemption na ginawa.
Sa ginawa ni P-Noy na hindi paggamit ng wangwang. Medyo lumalabas na ang kumplikasyon. Isa na doon ang security. Sabi ng isang opisyal ng Metro Manila Development Authority, kinakailangan nila i-adjust ang stop light sa isang kanto para hindi tumagal ang paghinto ng sasakyan dahil delikado yung nakahinto siya ng matagal.
Ang kawawa dito ay ang kanyang mga security escorts na tuwing huminto sa stop light ang sasakyan ni P Noy, kailangan silang bumaba and tabihan nila ang sasakyan. Marami akong nakitang na dumidikit sila sa sasakyan para kung ano mangyari na assassination attempt, sila ang sasangga sa bala.
Kapag may magtangka sa buhay ng Pangulo habang ito ay nakahinto sa trapik, maraming sibilyan ang madadamay.
Late si P-Noy ng 30 minutos sa kanyang pagpunta sa Camp Aguinaldo sa turnover ceremonies sa military. Nag-sorry siya. At sabi ng ng marami, kahanga-hanga pa rin siya.
Malakas pa ang inaugural euphoria o excitement natin. Wala na si Gloria Arroyo at ang kanyang mga mayayabang na miyembro ng pamilya at alipores. Kapag mawala na yun, harapin na natin ang pangmatagalan na solusyon.
Siyempre may nagsasabing OA lang ito ni Aquino. Nakikita ko naman ang kanyang sinseridad. Gusto niya pantay-pantay tayo lahat. Walang lamangan. Hindi lamang sa trapik kungdi rin sa araw-araw natin na pamumuhay.
Ang wang-wang ay simbolo ang kayabangan ng nasa kapangyarihan at ang laki ng agwat sa ating lipunan. Ang mga mayayaman at may kapangyarihan ay talagang nasa itaas, ang sarap ng buhay. Para bang ang batas ay kampi sa iyo palagi. Kapag mahirap ka naman, parang wala kang proteksyun sa batas.
Ang trapik din ay simbolo ng sakit sa ating lipunan. Ang ating kawalang displina sa ating pamumuhay.
Masimula tayo sa sobrang dami ng ating populasyon. Umaabot na tayo ng 90 milyon. Dahil sa tindi ng hirap sa probinsya, karamihan pumupunta rito sa Manila para maghanap ng trabaho. Kaya maraming sasakyan. Ang ating kalsada ay hindi naman lumalapad.
Obligasyun ngayon ni P-Noy na hanapan ng pangmatagalang solusyon itong napakaraming problema ng bayan. Siguradong kailagang niya ay mahabang oras sa pag-aaral para dito.
Sa halip na maaga siyang magising para mas maaga maka-alis para hindi siya ma-late sa kanyang pupuntahan, mas gusto ko nang makatulog siya ng mahaba at preska ang kanyang pag-iisip sa kanyang mga miting tingkol sa paghahanap ng solusyon sa dami nating problema.
Okay lang gumamit siya ng wangwang.
“Masimula tayo sa sobrang dami ng ating populasyon. Umaabot na tayo ng 90 milyon. Dahil sa tindi ng hirap sa probinsya, karamihan pumupunta rito sa Manila para maghanap ng trabaho. Kaya maraming sasakyan. Ang ating kalsada ay hindi naman lumalapad.”
Ellen,
Dapat nga din na pagtuunan di ng gobyerno ang populasyon. Importante na kayang i-MANAGE ng pamahalaan ang laki ng populasyon. Kailanagn ma-educate ang mga mamayan sa tamang laki ng pamilya na kayang niyang buhayin at hindi dapat i-asa sa gobyerno. Ang ‘Simbahan’ ay tutol dito ngunit sa aking palagay ay malaki ang pagkukulang ng simbahan sa bagay na ito lalo na sa usapin ng MORALIDAD na dapat ay kanilang concern. Pag-dumadami ang salbahe ay pagkukulang ng yan ng simbahan. Hindi dapat ang religious leader ay nakaluklok lang sa loob ng simbahan kundi ay dapat bumibisita at nangangaral sa kanilang nasasakupang parokya. Katoliko man, Protestante, Muslim o anumang relihiyon….At tungkol naman sa pagpapaunlad ng mga probinsiya, Idirekta ang pondo ng Pork Barrel sa mga Barangay. Palakasin ang batas at power ng isang barangay. Pero dapat ay i-cluster siguro ang ilang barangay into one bigger Barangay for easy outlining. At hatiin na per district ang magiging City Hall para mas madaling mag-ayos ng mga papeles. At pwede ring sa barangay asikasuhin ang mga papeles tulad ng mga permit/licences na kailangan, at i-forward na lang sa Cityhall. May kopya sa Barangay, Sa City hall at seyempre yung personal copy. Mas madai na ring ma-check ang mga residenteng may masamang background.
I agree that Luzviminda,Kaliit liit ng pulo natin ang laking populasyon.Masyado ring nakikialam ang simbahan sa problema ng gobyerno meron ba silang naiambag na tulong o sulosyon sa mga problemang ito kundi puro lang pagkondena paninisi o reklamo?.Katoliko rin ako subalit di ko maintindihan ang punto ng simbahan tungkol sa paglimita sa populasyon.Di na halos matustosan ang kani-kanilang mga sarili heto at hagdan kung mag-anak.Dahil walang makain sa probinsya makipagsapalaran sa maynila kung malasin pa ay sa mga public cemetary nakatira.
Sabi nga ng kaibigan ko,Alam mo bang ang mayayaman sa atin nasa probinsya dahil naglalakihan ang mga broilers at farm nila doon samantalang ang mga naghikahos ang nandun sa kabihasnan para lalong maghirap.
Tama rin na bawat pinoy ay magkaroon ng family registered certificate o resident cert.sa bawat lugar kung saan ang isang tao naroon o naninirahan,Gawin itong pinakaimportanteng dokumento gaya ng birth cert.na madaling maissue sa nasasakupang distrito o munisipyo.para madaling matrace ang taong maypananagutan sa batas.Ang daming mga krimen na di nagkaroon ng hustisya dahil madali lang kasing makapagkubli o makatakas ang kriminal.Like my brother He was killed 20 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon malaya pa rin ang kriminal.
Noong ako ay umalis ng Phil. in 1969 ang population lang ata was about 22 million and the rate of our dollar exchange was 2:1, I came hee using the Fly Now Pay Later (hindi dahil ako ay nakakalipad kuno sa gabi) and with but $100 as my baon which my late sister sent me. Noong panahon na yon from Proj. 4 by bus I can go to Makati and be back in half a day…after 20 years umuwi ako and hindi pa gaano matraffic..pero isang araw ang balikan na biyahe,,,last year nagtataxi na ako..walang wang wang..pero nakakalusot ng madalidaling pag biyahe…sa Manila ito. kaya paguwi kung matagaltagal next year…sa Antique na ako mamamalagi..kasi puedeng maglakad..malinis ang simoy ng hangin at sariwa ang aking makakain at tahimik walang wang wang akong marinig. Sa totoo lang hindi ko unang naintindihan ang sinasabi ninyong wang wang… “fair lands of Antique province, there shall be home ever be”.
tslking of security ni PNoy..kahit na seguro sa Malacanang siya tumira hindi pa rin seguro na safe siya…nakita ko kasi ang picture ni Honasan sa inauguration…Naalaala mo kaya..na nasa Palasyo sila nakatira ng Nanay niya noong nagratatat sila Honasan against Cory? at pinagtawanan pa noong siya daw ay nagtago sa ilalim ng kama? with due apologies to our “magiting” AFP can he truly trust them? maybe his Security Personels…pero yong mga iba? puede ba?
he is not naive…kakabakaba siya…si Bhuto hindi ba binaril din ng security niya? si Gandhi ganoon din? mas marami pa seguro ang Maghuhudas sa kanya ngayon..at mas marami pa seguros ang mga ahas ngayon na nakapaligid sa kanya…who can he really trust? mayroon ba?
when that happened that was my first night home after 20 years…at kitang kita ko ang exchange of fire na akala ko fireworks from the window of my room at na amoy namin ang gun powders..ang my late sister who was then a forensic chemist at the NYPD told us all to go down sa living room and we prayed..
Tama ka Ellen,dapat gumamit si P-noy ng wangwang di lang para mapabilis ang dating nya sa kanyang pupuntahan kundi para narin sa kanyang kaligtasan.Ang masasamang loob panaman kung kumitil ng buhay ay para lang pumatay ng lamok.
marami pang dapat gawin gaya ng mga ipinangako nya si p-noy.gaya nalang ng mabigyan ang mga pinoy ng marangal na trabaho dito sa sariling bayan.
Palagay ko kung maganda lang ang peace and order situation dito sa bansa natin ay sigurado ako na magkakaroon ng maraming trabaho.Dahil dadami ang migranteng Filipino o dayuhan na mamumuhunan dito mean magkakaroon na ng trabaho ang mga gustong magtrabaho di na kailangan magpaalipin sa ibang bansa Marami sa mga pinoy ang may mga dunong pero ibang bansa lang ang nakikinabang dito.Huwag hayaang mawala ang mga magagaling nating mga kababayan sila ang mga sandata sa kinabukasan.
Sensya kana Ellen nalihis sa wangwang ang comment ko e,pero problema parin naman ng bayan ang topic ko diba? hehe
Kaya ko nasabi ang tungkol sa Family registered certificate dahil masmalaki ang maitulong nito kaysa mga spy cameras.Dito sa Japan 99.9% nasusugpo ang kriminalidad dahil dito.Mula pagkapanganak palang lahat ng lugar na lilipatan o titirhan mo kailangan kukuha ka ng permiso pagpapatunay na sa ganyang address ka nakatira o lumipat.Kaya madali rin ang pagpatupad ng batas kaya walang tax evader o money launderers.Mga public servants dito hindi pinalalagi sa parehong lugar gaya ng pulis o school teachers kailangan idistino sila sa iba’t ibang lugar after 6 years.Lalo na ang mga pulis katwiran mahirap hulihin kapagkamag-anak o kaibigan mo ang suspek kaya ganito ang patakaran.Kahit maliit na bagay walang pinalulusot gaya nalang ng mga traffic enforcers ang tatalas ng pakiramdam over speeding,no seatbelt,using celfones while driving nahuhuli pa rin huh! Pagdito sa atin siguro hahayaan nalang nang pulis makita man ang mga bawal na gawain kaya lahat namimihasa pagtalagang makahuli sa tong naman dadaan ang usapan.Dapat ang mga pulis ang mahigpit na magpatupad ng batas sana maaasahan natin yan.
Mag-helicopter na lang pero aksaya. Walang traffic at masmabilis. heheheh!!
boss nya ako. nag-issue na ako nang direct order to the President. i am just waiting for full implementation.
http://barriosiete.com/a-direct-order-to-president-noynoy-aquino/
When Pres. Obama visited here in Las Vegas talagang nakita ko ang security pagdating sa kalsada.Yes they used “Wang-Wang” sarado lahat ng exit ng freeway para walang dumaan sa overpass. Kailangan ko pang mag divert PERO may nagreklamo ba?
WALA ni isang citizen instead napabilib pa ako dahil ganoon nila i secure ang presidente. He was voted and trusted as no. 1 person na makakatulong sa amin kaya dapat lang na siya ay ingatan. His Father was assasinated ayaw natin matulad sa kanya yan take JFK tignan mo ang kanilang pamilya parang sinumpa kundi assasination eh aksidente na hindi mo mapaliwanag. Maybe he is thinking na may siyam na buhay siya parang pusa dahil he survived the ambush.
Naalala ko lang…na implement na din ba ito during Sen.Lacson term. Di ba dito nagsimula lahat ang impeachment ni Erap after Gov. Singson was stopped dahil may Wang Wang.
Showbiz ang dating…WangWangWee ang bukang-bibig ngayon ng marami!
Ganito bang mag-isip ang Bulong-Brigade ng Kgg. P-Noy…sa unang arangkada heto at pinagtatalunan kaagad…TAMA o MALI ba ang panghimasukan kung sino ba ang may jurisdiction sa pagimplement nitong WangWang?
Simpleng isyu…pero malalim ang dating nito, kasi nga…dito natin makikita na inept ang mga utoridad sa pagpapatupad ng batas na under their command responsibility.
Dapat mayroon division of labor ang lahat ng ahensya ng gobyerno…in short, kung sino ang nakakasakop sa anumang usaping legal e dapat sila ang magpapatupad nito once and for all.
Ang hirap…ang batas ang sumusunod sa tao? Tulad lamang ng jaywalking…ang dami nang nasagasaan sa pagtawid sa kalsada pero sinusunod ba ito ng Noypi?
Para din yang WangWang…may batas para dito pero ANO? At isa pa, doon na lang sa pilahang sa pagsakay sa pangpasaherong sasakyan…nag-uunahan at balyahan mauna lang sa upuan?
Napapanahon na upang pag-ukulan ng pansin ang kawalan ng disiplina ng marami nating Kababayang Noypi! Ano ang magagawa ng isang P-Noy kundi tayo magpapakatotoo sa ating mga sarili at dapat maging Law abiding citizen tayo.
Kaya lang ang hirap…eh, bakit SILA LANG? Ito ang bukang-bibig ng nakakarami…kaya ang pangangatwiran e BAHALA NA matira-matibay!
Survival of the piety ang laban ngayon…kaya ang Pinas e palubog ng palubog. Imagine, sa local na posisyon e nakikipagpatayan para lang manalo for what? Maging Kagawad, Kapitan, Mayor o Gobernador…kung matino kang tao at may dignidad sa sarili e maraming paraan ang paglilingkod sa bayan at kapwa-tao.
Ang lason na nagpapahirap sa Pinas ngayon e haling na sa pamumulitika ang marami sa atin…pati na Pari, Pastor at iba pa e pumapalaot na din sa mundo ng magulong paglilingkod-bulsa.
Ginawa nang propesyon ang pumasok sa pulitika…ang bilis nga namang yumaman o magpayaman…TAMA o MALI?
Para sa akin, sinauna o luma na iyang population control at hindi na akma sa kasalukuyang panahon. Pinatunayan na mas mahalagang kayamanan ng isang bansa ang human resources at hindi iyan kayang tapatan kahit ng ginto, o langis o pera.
Ang sentro paglago ng komersiyo ng buong mundo ngayon ay ang apat na pinakamalalaking populasyon sa mundo. Ang BRIC countries – Brazil, Russia, India at China. Malapit nang sumunod ang Indonesia. Umuunlad ang mga bansang matao dahil ang foreign investment ay nakatutok sa pagkonsumo ng sariling produkto at ang sobra at pwedeng i-export. Pag maraming investors, maraming magkakatrabaho, maraming maglalaban, at bababa ang presyo
Ang dating mga mayayamang bansa gaya ng US, England, France, at Italy pababa na ng pababa ang ekonomiya. Gustuhin man nitong mayayamang bansa na lalo pang umunlad ay hindi mangyayari sapagkat kulang na sila ng populasyon kaya napipilitan silang humakot ng dayuhan upang mabuhay sila ng maayos. Lalo na ang Italy na 1.2 ang expectancy rate, darating ang araw na mauubos ang populasyon at wala ng henerasyong maiiwan. Ibig sabihin, sa bawat mag-asawa, 1.2 ang magiging anak. Pag namatay ang dalawang magulang iisang anak ang kapalit. Mahahati ng mahahati ang populasyon hanggang sila’y maubos.
Ang solusyon, gaya ng itinuturo sa Economics 101, ay ang “proper allocation of scarce resources”. Ibig sabihin, kung merong resources ay itama lang pagdi-distribute nito at wala ng problema. Para sa isang bansang mayaman sa kalikasan, ang Pilipinas ay hindi dapat mnaghihikahos. Diyan dapat magsimula si Noynoy, alam niya yan. Economics major siya sa Agilang Duling pero ang titser niya ay si Gloria.
Problemang malaki ay ang kurapsiyon at pagpapatupad ng batas at hustisya. Napakaraming magagandang batas na ang nagawang hindi naman maipatupad, kung ako ang tatanungin ay pagpahingahin muna ang kongreso at senado ng sampung taon at gugulin ang perang ginagastos doon sa pagpapaunlad ng bansa at pagtupad ng batas.
RE: Di ba dito nagsimula lahat ang impeachment ni Erap after Gov. Singson was stopped dahil may Wang Wang. Jojovelas2005
Parang signus ito Igan JojoV…tama ka, ito ang simula ng pagbagsak ng Pangulong Erap…ng dahil sa WangWang ni Chavit Singson?
Ngayon, kundi mag-iingat si P-Noy delikado ang panahon ngayon…maraming adik sa lansangan at tulirong kukote kasi nga bunga ng lipas ng gutom dahil sa wala nang makain ang marami nating kababayang Noypi?
But, still kaya niya itong harapin…ang mabigat dito e yaong criminal element mismo sa hanay ng mga Hoodlums in uniform baka pagtripan siya e tigok ang inaasam-asam nating pagbabago ng Pinas.
Kaya ang maipapayo nating taga-Ellenville e magdobleng ingat siya at huwag magkumpiyansa sa mga malilikot ang pag-iisip kasi di siya nakakasiguro sa mga pinaplano nila.
Balik-tanaw tayo, di ba yan ang nangyari kay citizen Erap…sa sobrang tiwala sa kanyang mga alipores e mayroon na palang masamang pinaplano sa pagpapabagsak sa kanyang gobyerno.
Nangyari ang lahat di ba…buti na lamang di siya pinaglangoy sa ilog-Pasig palabas ng Malacanang!
Sa panahong ito e mahirap nang magbaka-sakali kasi hightech na ngayon…kundi siya mag-iingat at maging padalos-dalos sa pagdedesisyon e problemang malaki ito.
Dalawang pinakamalaking balakid sa pag-unlad ng investment dito ay ang kurapsiyon at halaga ng koryente.
Saang sektor ba pwedeng gumawa ng maraming trabaho? Ang isa sa pinakamalaking kumuha ng mga trabahador ay ang mga minahan.
Pabayaan ang pagmimina, regalo yan sa atin ng lumikha, dapat nating pakinabangan iyan. Kaso maraming nagdudunung-dunungan kasi naman ay yung mga safeguards para proteksiyunan ng kapaligiran ay pinababayaan ng mga kurap na opisyal. Bantayan ang pagtupad sa alintuntunin ng mga dayuhang mining firms na dati na nilang ginagawa kahit saan sa mundo ngunit pag dito’s mas pinipili nila ang magpalusot o mag-shortcut kasi meron namang proteksiyon sa mga politkong nangongotong kapalit ng sosyo sa kita kundi sa lagay.
Para sa pagpababa sa halaga ng koryente, payagan ang paggamit ng enerhiyang nukleyar. Kumpara sa ibang technology ay SAFE ang nukleyar, MILYONG KATAO ang namamatay sa coal mining TAUN-TAON para sa gatong ng coal power plant na polusyon din ang epekto.
Ang thermal power plant naman na gumagamit ng petrolyong bunker o diesel, bukod sa polusyong gawa ng sulfur na ibinubuga nito, tignan ninyo ang napakalaking epekto sa kalikasan ng kasalukuyang aksidente sa Gulf of Mexico sa US na galing sa pagsipsip ng petrolyo.
Sa loob ng limang dekada, dalawa lang ang aksidenteng nukleyar. Yung sa 3-mile island ay walang nasaktan kahit isang tao. Pero yung sa Chernobyl ay maraming namatay, karamihan ay bumbero, dahil sa nasunog na parte ng ng reactor na gawa sa carbon. Ang mga modernong nuclear plants, gaya ng sa Bataan, ay konkretong isang metro ang kapal at kailanma’y hindi masusunog.
Sayang ang yaman ng Pilipinas na pilit hinaharang ng mga aktibistang wala naman yatang alternatibong plano para mapaunlad ang bayan. Okey lang kung ang babantayan nila ang environment, dapat lang. Pero hindi dapat pigilan ang pag-unlad ng industriya, kailangang payagang magnegosyo ng maayos habang nagbabantay sila sa kalikasan.
RE:Problemang malaki ay ang kurapsiyon at pagpapatupad ng batas at hustisya.-Tongue
Kanser na nang lipunan ang isang damakmak na problemang kinakarap ng bansa? Magkaroon ba naman tayo ng mga lingkod-bulsa e ang iniisip lamang ay kapritsuhan at magpayaman sa buhay.
Sige…pustahan tayo, sinu-sinong pulitiko ngayon ang nagkakamal ng milyones e alam naman nating lahat kung magkano ang kanilang sweldo.
Ibig sabihin…ginagawa nilang pagkakakitahan ang maging lingkod-bulsa upang magsiyaman? Maraming resources na pwedeng pagkunan nito like as; Tongpats, Baboybarrel, droga, anak ng weteng, Bilyones ni Juan DelaCruz, c5, Hokus-PCOS, Hello Garci, Euromoney, White Elephant projects, ZTE, etc. etc.
Paano titino ang Pinas kung ang mga kawatan e sila mismo ang may hawak ng Pamahalaan…kahit saan man anggulo natin sipatin e wala tayong magagawa.
Konting hirit…mayroon pa tayong pag-asa kung magpapakatotoo ang ating Sandatahang Lakas ng Pinas at Kapulisan coz’sila ang vangard ang ating kasarinlan at peace & order na dapat e naghahari ngayon sa buong bansa.
Ang kaso e maraming misguided and badeggs sa kanilang hanay kaya heto nagkakagulo tayong lahat sa paghanap ng tunay na kapayapaan.
Madali namang pakiusapan at pasunurin ang Mamamayan kung mayroon tayong assurance na sila mismo ang maging magandang huwaran at ehemplo na dapat pamarisan.
Imagine yung traffic sa EDSA o di kaya sa Quezon Avenue, halos naka full stop ang mga sasakyan at puno ang mga lanes. Kung magwangwang si Noynoy, ibig sabihin noon mabagal din ang sasakyan na pipilitin hawiin ang mga sasakyan para makadaan. Hindi rin naman mapapabilis ang byahe ni Noynoy kung mag wangwang sya kung standstill ang traffic.
Ilang beses na ko naka experience kapag si Arroyo ang dadaan sa kalsada. Kuntodo wangwang, napakaraming back up at mabibilis. Ang dahilan, pinapatigil at a certain point lahat ng sasakyan para makadaan ang convoy. For example, along Boni Serrano papuntang Horseshoe magmula Orgias Avenue, tigil lahat sa Ortigas Avenue. Then maghihintay pa ng 10 minutes pagkalampas ng convoy bago pa lang padadaanin ang ibang sasakyan. Kaya kung gagamit ng wangwang si Noynoy sa heavy traffic, hindi rin sya makakalusot ng mabilis unless yung style ni Arroyo ang gagawin.
re #10. Reynz, okay yung order mo.
From Neal Sotto:
Totoo po ang sinasabi ninyo about wang wang. Sign talaga ng kayabangan lalo na sa Pinas.
I’ve been in States for more than 30 years and the only time we hear those wang wangs are during emergencies ONLY.
I agree with Pres PNoy on his decision to put a stop to those arrogant practices.
However, when he travels, I think he needs that because like you said, he’ll be late on his appointment etc. plus for his safety.
Galing kay Antonio de la Merced:
Siguro isa pa dapat ayusin ay ang mga motor cyclo na walang pakundangan paglusot lusot sa pagitan mga ng mga sasakyan magkaroon ng regulasyon sa pag operate ng mga motorcyclo sa daan lalo nasa gabi. Itong mga ito ay lumulusot sa pagitan ng dalawang sasakyan kaya ang accidente ay madalas na mangyari.
Tama si Tongue di na issue ang population growth kung equated naman ang social development ng mga tao. Since mayaman naman ang natural resources ng Pilipinas ay maraming paraan to produce energy. Nang pumutok ang mining industry sa Montana USA),hayag ang pagunlad subalit ang long term effect nito sa environment ay masyadong costly or irreversible dahil sa errosion ng mga minerals at mga chemicals ginamit sa mining ay humalo sa lupa at tubig ng lugar, walang choice ang mga farmers kundi ang lumisan or ibenta sa mga housing developer ang kanilang mga lupa. Para maging world class ang Pilipinas, pagyamanin natin ang agrikultura, fishing industry, at turismo. Malaking pera ang ating kikitain kung maishare natin ang kalikasan sa dayuhan ng walang sisirain. Philippines is the most fertile land since the time of eurosia, wala lang tayong central system na magaakay ng bansa sa pagunlad. Agriculture, kung maging independent tayo sa food production sa loob ng bansa, magmumura ang pagkain, mababawasan ang sakit dahil less preservatives sa pagkain, magslow-down ang populaton growth at magmamature ito dahil iba na ang proiritad ng isang tahanan, instead ng pagkain sa mesa ay maaring edukasyon or arts, mayaman tayo sa lamang dagat enough para tuunan ang protein needs ng bawat Pilipino. Lahat ng maunlad ng city sa buong mundo, isa sa mga atraksiyon ay pier or marina, marami tayo, bawat bayan yata sa Pilipinas ay meron tamang isip lang ang kailangan. Mahalagang pagyamanin ang ating resources sa tamang paraan ngayon at sa darating na panahon. Maraming nag collapse na great nations dahil sa kapabayaan ng kalikasan ito ang tinatawag nating climate change. We’re lucky dahil ang Mother Nature is continue rehabilitating our land, we just dont know how to work with them. (COLLAPSE by Jed Diamond)
Population is not the issue if your economic development including infrastructure keep pace with human growth.
If not, you have the kind of situation like ours. Classroom shortage, public hospital shortage, traffic, etc. etc.
Mukhang hindi pa kakagatin na gumamit na si Noynoy ng wang at maaga yata nakarating sa flag ceremony kanina. Hintayin natin kung matatraffic at mahuhuli sa Nichols kasi hindi nagwang.
Kailangan natin talagang kontrolin ang lumolubong population ng Pilipinas hanga’t hindi pa nakakaahon sa kahirapan at masigurong may sapat na pagkain para sa lahat.Sabagya mahirap pakialaman ang isyung ito dahil iyan ay desisyon na ng mag-asawa o ang mag partner.Isa lang ang masasabi ko,kung sarlin nga nila hindi nila kayang buhayin magdagdag pa.Katangahan na talaga ng mga iba kung hindi sila nag-iisip.Wala na nga silang pinagkakakitaan at permamenting hanapbuhay mag-anak pa ng marami talagang maghihirap sila sa buhay.
Ano kaya ang mangyayari kung subukan ni Aling Gloria na magwangwang? Subok lang kung ano ang gagawin ng mga pulis.
Mang Cocoy, maganda yan na magwangwang si Arroyo. Palagay ko hindi mangangahas si Arroyo at nakita naman nya na may suporta sa publiko ang ginagawa ni Noynoy.
@21 – Don’t know of any country that has a concrete law on movements of motorcyles on city streets or freeways.
The only infraction these motorcyclists are mostly guilty of in the US are speeding “if the cops can get them”, otherwise, they can go in between vehicles during “heavy traffic”. Mitigating circumstances centers on the fact that it’s a two-wheeled vehicle, just think about it. You can’t possibly sit behind a five mile traffic when you can zip thru in between vehicles. The accident scenario is part of the game, someone will always die due to being stupid or just showy, and maybe not their fault. Just my take.
with proper management, traffic would flow faster and P.Noy won’t need to use wang wang, synchronize traffic lights so vehicle could flow continuously from one signal light to another. traffic lights were not timed efficiently, some green lights change to red light too fast, while red lights stay red longer than necessary, that’s why traffic aides are around to make sure traffic flow faster, however, most of the traffic aides were busy extorting money from hapless motorist instead and collecting tong
#23 Ellen : i agree with you, population is not the main problem, it was just aggravated by endemic corruptions, gov’t neglect and incompetence,
Proper management
Sincere implementation of programs
Stopping graft and corrupt practices
Devoted discharge of each responsibility
Equality before the law
Proper education
Return of the Bayanihan system
Will these not suffice upang ating makamit ang katiwasayan at pag-unlad?
AGree ako MPR, simple, basic and to belt by ordinary program. Idagdag ko lang “Wise and Practical Spending”
#11 jojo,
mas matindi ang lecheng george bush. one time my japanese BFF from tokyo visited me here and we drove to NYC. it was 9/11 and they have all sorts of activities. ang lintek at ilang bloke ata ang pinasara kaya we missed our boat dun sa world trade going back to the jersey side. ang inis ko nun dahil we have no clue how to ride NYC subway that will get us back to the jersey side.
#32″… to belt by ordinary program” should be “to be felt by ordinary people”. Sorry for the blooper.
Hindi na kailangan ni goyang ang wang wang.
Kapag sinumpong ang bruhang ‘yan ay kusa nang pumipitada tanda ng kanyang pagkabuang.
Tama ka, Pareng Oblak. Kailangan ang practical and wise spending. ‘Wag la’amg ‘yung ginawa ng bruhang si gloria na naging wise sa paggastos subalit walang practical na naging resulta kundi ang paglobo ng pekeng suso n’ya.
Dapat ang maging priority ng P-Noy gov’t upang magkaroon ng tunay na pagbabago sa ating lipunan at maka-ahon naman tayong pare-pareho sa hirap’t dusa.
First and foremost:
(1) Appointment of Godfearing, Qualified and Non-partisan gov’t officials. (Exception to the rules…our Bro. Armin from DepED, may pagkasuplado ko mo ANO?)
(2) Peace and Order.
(3) Stop Kurap practices.
(4) Disiplina/Ugali-Asal ng bawat mamamayang Pilipino.
Kung qualified ang isang appointed gov’t officials/elected lingkod-bulsa/law enforcers sure mayroong peace and order sa ating bansa at walang mangungurakot sa pera ng bayan. Plus ang 90M na mamamayang Pinoy e magiging tapat sa kanyang sarili at may pagmamahal sa kanyang kapwa-tao?
Sure…magiging maunlad ang Pinas at ang pamumuhay ng bawat isa.
Ang hirap eh naghahanapan ng butas upang magsiraan/pintasan/inggitan/kampi-kampi…ibig sabihin ito ang bunga ng utak-talangka ng marami nating Kababayan kaya heto lalong palubog ang Pinas sa hirap, pighati’t dusa.
Di pa dito natatapos ang isyu ng bangayan…sisigundahan pa ng mga utak-lamok,kaya heto walang katapusang sisihan.
Ka simpleng isyu…ang WangWangWee e isa lamang pamantayan na kung ang Pinoy ba e mayroong disiplina sa kanyang sarili sa pagsunod sa itinatadhana ng WangWangwee law.
Ang UGALI-ASAL ng bawat isa ang siyang pahirap upang tamuhin natin ang kasaganaan ng buhay at kapayapaang ninanasa ng bawat isang kinauukulan.
Ang WangWangWee e isang simpleng paglalarawan ng pagiging law abiding citizen ng pamayanang Pinoy!
Tidbit muna tayo Folks!
1] Utak-Talangka (crab mentality) – (a) ang ibig pakahulugan ng utak-lamok ay naglalarawan at kumakatawan sa isa o maraming tao na ang iniisip o pag-iisip e panggugulang at may kinikimkim na inggit at sama ng loob sa kanyang kapwa. (b) Ang pagiging inggitero/inggitera sa kapwa na umuunlad sa kanyang buhay e gagawa at gagawa ng paraan upang siraan ito hanggang hatakin pabagsak, pagkatapos e kukutyain at pagtatawanan.
2] Utak-Lamok (Dandy mentality)- Ang isa o maraming tao na walang iniisip na maganda sa kanyang kapwa. Pagkatapos hatakin pababa upang ibagsak ang isang maprinsipyo o nagsisikap na tao upang mapaulad ang kanyang buhay/pamilya/pamayanan e tutuluyan nang wasakin upang maging isang alaala na lamang ng nakaraan.
“…dapat maging Law abiding citizen tayo.”-balweg
Ka Balweg,
Nababastos ang ating mga batas dahil hindi nga napapatupad ng maayos ng mga awtoridad. Ang Anti-Littering-ang mga nagyoyosi at nagkekendi kung saan-saan na lang ibato ang kalat at ang upos ng sigarilyo. No Loitering- ang daming batang nakakalat sa kalye, ang iba ay namamalimos pa na at namemeligro. Curfew Hours sa mga minors. Jaywalking atbp. Gusto ko ang pagpapatupad ng dispilina nuong New Society ni Macoy. Malinis ang bawat barangay. Tama na sa ikauunlad ng bayan displina ang kailangan!…Maging LAW ABIDING CITIZENS tayo pero dapat din ang LAW ENFORCING AUTHORITIES! Walang personalan, trabahuhin natin ang ating parte sa Lipunan! Ipakita natin ang Tunay na Diwa ng PINOY!
Yun na nga eh, ang populasyon ay dapat dun sa kaya lang i-manage. Single family unit ang family. And managing involves the resources. Sabi sa Biblia, Be fruitful and multiply. Nauna yung maging fruitful ka, meaning palaguin ang kabuhayan showcase para may pangtustos sa pagpapalawak ng pamilya. Ganun din ang logic sa pangbansa. Palaguin ang ating mga resources especially in the field of Agriculture nang hindi tayo nag-iimport ng mga basic na pangangailangan natin. At dagdagan pa para may pang-export para sa kaban ng bayan. Kung baga sa isang Pizza Pie, kung apat lang ang kakain mas busog kesa sa hahatiin sa sampu…gutom pa rin yan!
How can you report a congressman na nag wang-wang lahat sila plate no. 8. If i will report it anong sasabihin ko plate no. 8 po nag wang-wang so anong distrito? I’m not familiar kung ano pa ang nakasulat sa plaka nila pero dapat may numbers pa na puwedeng i-report aside from being 8.
#16 TT:”Dalawang pinakamalaking balakid sa pag-unlad ng investment dito ay ang kurapsiyon at halaga ng koryente.”
TT is correct.
nevertheless, we see good news now:
1. unauthorized encashment na P21 M sa PAGCOR, napigilan
2; malakanyang, tiniyak na lalabanan ang jueteng
3. pagpapatupad ng SLEX toll hike, ipinagpaliban
4. VAT exemption para sa senior citizens, ipatutupad na
5. red mass, isasagawa para sa judicial system ng bansa
May good news prevail everyday !
may I correct myself, red mass must be yellow mass instead, and should have been done 5 years ago during the Hello Garci controversy
Pnoy made his point by travelling w/o wang wang. But I hope he does not do it again. Parang moving target siya ng assassination.Kung bullet proof andg sasakyan niya, ok lang. Kung hindi lagot siya.
Although I agree with TT that population may not be a negative factor in the country’s development, the lack of infrastructures and all sorts of support for the bloating population is a BIG problem. Relocating the street people in areas where they may have a roof over their head but no way to make a living is a recipe for disaster. It may be worthwhile to train them to have some means of local livelihood, educate their children for free so they may not fall into the same trap of hopelessness. Teach them how to fish rather than giving them fish everyday. Weaving a basket do not need a high school diploma, just two hands.
OFF topic. When I was in Pangasinan before the elections, I came across seven people ready to board their vehicle. Briefly, I asked them who would be their pick for the different positions. Then I told them about a candidate I was trying to help. Then one of them asked for “pangmirienda”. I told him that the candidate I was helping did not have deep pockets but has a heart to serve. The person told me “sorry ho dito sa amin kung kung wala kang pera, wala kang boto”! So, this is a glaring practice that for anyone to win an election, he/she should give everyone either a shirt, money for liquor or simply money. This is why we rarely get good politicians. Nangangampanya pa lang, baon na sa utang. Kaya kapag umupo na sa pwesto, kailangang magnakaw para mabayaran siya sa kanyang ginastos sa eleksion. This is the number one source of corruption! These politicians will have to engage in illegal activities to re-coup their campaign expenditures and to save up for the next elections if they want to win again! The cycle goes on.
Ang population growth ay inversely proportional sa economic activity sa isang lugar.
Pag walang negosyo, walang hanapbuhay.
Pag walang hanapbuhay, paggawa ng bata na lang ang pinakamasarap na libangan, libre pa. Bottomless ang ligaya. Saka na ang dusa.
Bigyan mo ng pagkakataong magtrabaho pareho ang mag-asawa, tignan mo’t sila na mismo ang gagawa ng paraan para hindi anak ng anak si babae dahil siyam na buwang mawawalan ng kita, baka masisante pa.
Pero kung sa simula’t simula’y tambay lang pareho at 1-K 1-T (isang kahig isang tuka), ni pambili ng condom ay wala, aba e walang ibang ihahain kundi yung luto ng diyos.