Skip to content

Wangwang

Malaman ang simpleng inaugural speech ni Pangulong Noynoy Aquino ngunit ang isang nakahagip ng interest ng taumbayan ay tungkol sa wang-wang .

Ang wang-wang ay isang instrument na nilalagay sa mga sasakyan na nagbibigyan ng kakaibang busina para hawiin ang ibang sasakyan sa kalsada para makadaan ang isang sasakyan. Ito ay para sa mga sasakyan na ang sakay ay VIP (Very Important Person) o emergency ang pangangaiilangan katulad ng ambulansya at firetrucks.

Ito ang sinabi ni P Noy: “Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.”

Sabi niya mula sa araw na siya na ang sa Malacañang, “Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong.”

Ang mga matagal ng nag-aastang mga anak ng Diyos, siguradong naiinis. Ngunit tuwang-tuwa ang ordinaryong tao.

Ang wang-wang kasi ay nagiging simbolo ng kayabangan ng mga nasa kapangyarihan. Na kapag ikaw ay nasa puwesto, maliban sa perang tinatamasa, may mga pribiliheyo na nglalagay sa iyo sa lugar na iba kaysa ordinaryong tao.

Katulad nga ng trapik. Dito sa Pilipinas, ang trapik ay araw-araw na kalbaryo ng mamamayan. Inaabot sa isang oras makakarating sa isang lugar na maari namang abutin ng sampung minto kung walang trapik.

Ngunit kung nasa pwesto ka at dikit sa kapangyarihan, lagyan ng wang-wang ang iyong sasakyan, kuntudo pa police escort, hawi lahat at dere-detretso ang biyahe.

Maraming beses, nangyari na nasa bus ako at dumadaan ang itong mga VIP na sakayan. Minumura ng mga tao.

Ayun sa batas ang mga opisyal na pwedeng gumamit ng wangwang ay ang Pangulo, Pangawalang Pangulo, Senate President, House Speaker at Chief Justice. Ngunti nakita natin mga senador, congressman, mga mayor, pulis, at kanilang mga asawa at anak may wangwang.

Ang mga Pilipino ay matiisin. Ang mga mahihirap ay sanay sa hirap kung pera ang pinagu-usapan. Ngunit ayaw natin ang inaapi. Kaya palakpak ang ordinaryong Pilipino sa “no wangwang” policy ni Noynoy.

Kaya lang ito naman ang problema. Nang pumunta si Noynoy sa Camp Aguinaldo sa turnover ceremonies sa military noong Biyernes, pangatlong araw niya bilang president, late siya dahil na-trapik.

Medyo hirap din ang mga security escorts dahil delikado yung naka-tigil ang sasakyan sa trapik. Napilitan nga ang isang traffic officer na ipalitan kaagad ang stop lights para hindi tumagal ang pagkahinto ng presidential convoy sa isang crossing.

Naipakita na ni P Noy ang kanyang malasakit sa ordinaryong mamamayan. Sigurado maintindihan ng taumbayan kung gagamit siya ng wang-wang. Para na rin sa kabutihan ng bayan.

Published inBenigno Aquino III

83 Comments

  1. MPRivera MPRivera

    Isang mabuting simula. Pagpapakita lamang at pagpapatunay na kailangang ang namumuno ang manguna upang ang pagmamalabis ng mga “bukod na pinagpala” ay magwakas.

    Kung silang mga maykaya sa buhay ay kailangang hindi mahuli sa importante nilang appointments, tayong mahihirap naman ay malaking bagay ang mawawala kapag nahuli sa oras ng ating trabahong karampot na nga lamang ang suweldo ay hindi pa gustong ibigay ng mga gahamang amo.

    Kung sila’y nakakaramdam ng gutom kapag sumala sa oras ng pagkain, lalo naman kaming hindi na halos natutuyuan ng pawis sa katawan dahil sa pagbabanat ng buto upang mabuhay.

  2. Oblak Oblak

    Napaka trivial na bagay pero ito ay simbolo ng kalabisan, kayabangan, kapangyarihan, kaabusuhan at kaarogantehan. Natauhan na rin ang mga authoridad na dapat tagapagpatupad ng batas vs. wangwang. It is a good sign na tumalima ang mga pulis, LTO at MMDA.

    Ano kaya ang nararamdaman ng mga politikong de wangwang noon sa Quirino Grandstand at nasapol sila sa speech noong Myerkules. TUlad ni Bong Revilla na kung maghari sa SLEX parang sya lang ang pwedeng dumaan dun.

    Mabuti na rin na matraffic si Noynoy sa mga daan para makita nya talaga kung gaano kalala ang problema. Kung ayaw nya talagang magwangwang, matuto na lang gumising ng maaga para hindi sya late sa appointment.

  3. MPRivera MPRivera

    Saka ‘yang paggamit ng wangwang nitong mga nagtitigastigasan ay isang uri lamang ng kanilang kahunghangan.

    Sana nga, hindi ito ningas papel. Sana hanggang sa magtapos ang termino ni PeNoy at sa mga susunod na administrasyon (mapuwera na la’ang kung mang-aagaw na naman ng kapangyarihan ang babaeng mukhang dagang may garapata sa pisnge), magiging parehas na at pantay ang batas unang una sa kalsada.

    Wala na sanang mga buwang sa lansangan.

  4. balweg balweg

    He he heeee…WANGWANGwee!

    Starring: P-Noy and the Bulong-Brigade dancers, espesyal guests: Kamag-anak, inc. and the most tantalizing kicked-out Hyatt 10 and LP lipat-bakod.

    Nakakaenjoy naman…lakas ng dating, imagine…during his speech e naging bukang-bibig e ang WangWangWee!

    Hayon nagpiesta ang mga pulis-patola…ang dami nilang nadekwat na turotot sa mga pasaway na astig sa ating lipunan.

    Ito daw ang papalit ngayon sa WOWOWEE…ang new promising daily noontime show, ang “WangWangWee”!

    Di ba mga Igan, 1st day pa lang e talk-of-the-town na ito at nakabandila sa lahat ng newstands?

    Naghit kaagad sa rating…kaya lipat na ako sa WangWangWee…ayaw ko na sa WOWOWEE. Kayo mga Igan…join NA!

  5. balweg balweg

    RE: Sana nga, hindi ito ningas papel.

    Hindi na Igan MPR…TOTOOTO, join na kayo sa WangWangWee at mag-enjoy kayo sa samo’t saring kwela dulot ng baklas-torot at ilaw-patay-sindi.

    Walang sinisino pati si kuya P-Noy, kita nýo nalate ng dating going to lakad-pasulong na! Magkakaalaman kung ningas-kugon ang daily noontime show na ito.

    Ang WangWangWee bow!

  6. bayonic bayonic

    baka naman yan ang pinakamaraming reklamo sa FaceBook Fan Page ni P-Noy?

    paano ngayon yan?

    wala na wangwang at escort and mga Koreanong Turista …. babagsak ang tourist arrivals.

    hindi na rin pwedeng mag counterflow ang mga Armored Cars ng Central Bank …. babagal at madedelay ang financial recovery.

    mawawalan ng tong ang mga pulis kaya’t magiibang trabaho nalang … lalala ang peace and order situation.

    dapat seguro i-retract muna itong circular na ito 🙂

  7. isaganigatmaitan isaganigatmaitan

    it’s a strong signal that can define pnoy’s era in history.

  8. I agree with Ellen, he’s made his point already, baka pwedeng magwangwang na siya, paminsanminsan maging mayabang naman siya – presidente naman siya, okay lang yun.

  9. Oblak Oblak

    Si Pader at si Bayonic yata hindi pa nakakadanas na nagtiis sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada!! O baka naman Pader, naka wangwang ka rin. Alam ko si MPR nakawangwang yung bisikleta pag nagrarasyon ng pandesal sa umaga!!

    Yung pagpuksa sa wangwang ay nangangahulugan lang ng pagkakaroon ng pagkakapantay pantay at kaayusan sa atin para matuwa ang mga turista, ganahan ang negosyante at magkaroon ng peace and order.

  10. …we understand that his job is the most important one in the country – so by all means use the wangwang…

  11. truli. wang-wang mentality is an abuse of power, privilege, position and kamag-anak connection. in fact, friends & kumpare pa nga eh. wang-wang is not the solution to the traffic. it’s a good start, i hope the next move is to focus on finally solving the traffic problem. baklasin na kasi ang mga lecheng bakod nang mga exclusive subdivision para makadaan ang mga sasakyan. now, let’s see kung kaya nilang gawin.

  12. Oblak Oblak

    Gumising na lang sya ng maaga para hindi late. Di kaya, huwag gagawa ng appointment ng maaga kung dadaan sa alam na matraffic na lugar.

    Reyna, mahirap yata kapag exclusive subdivision, baka singilin ang gobyerno. Sa Las Pinas, pinapayagan dumaan sa mga subdivisions pero may bayad.

  13. balweg balweg

    A WangWangWee Song ng Daily noontime show ng P-Noy Kapamilya!

    WangWangWee

    I
    Kung nais nýong sumaya ang inyong buhay,
    Halina’t pupunuin kayo ng ligaya’t saya.
    Sa mga inis-talong problema,
    Na gawa ng rehimeng gloria.

    II
    Magsiindak at maki-saya sa WangWangWee atinto,
    Punong-puno ng supresa ang inyong makikita.
    Narito ang Bulong-Brigade ang huhusay umindak,
    Nakakahalinang tunay kung lakas-tama ka.

    III
    WangWangWeee tayo na’t makisaya,
    Umindak na may kagalakan sa baklas torotot.
    At Ilaw-patay-sindi gamit ng mga astig sa kalsada,
    WangWangWee, WangWangWeee, WangWangweee…atinto.

    IV
    Walastik papogi point ang dating nito,
    Sa unang arangkada e patok na sa Masa.
    WangWangwee pangako sa Balana,
    Puspusan Baklas-Torotot at Ilaw-patay-sindi.

    Repeat I…Kung nais nýong sumaya………..

    V

    Kaya naman narito na P-Noy na ating Kuya,
    Ang sabi e tayo daw ang Bosing Niya.
    WangWangWee ito na yaong pag-asa,
    At pupunuin tayo ng ligaya’t saya.

  14. Joyce Joyce

    Palagay ko hindi naman talaga kailangan ang wangwang kung ang mga drivers at pedestrians ay maydeceplina sa sarili at sumunod ng maayos sa ipinatutupad na batas trapiko.Malaki ang participation ng mga pulis at traffic enforcers sa problemang ito lalung-lalo na sa peace and order.Ano ba kasi ang pinag ugatan ng sobrang traffic dyan?.Masikip ang kalsada at maraming sasakyan? Sana di naman kasing lala sa Indonesia na pati mga pulis sinasanay na sa mga gawaing midwifery dahil maraming napapaanak nalang sa loob ng taxi.Di makausad sa buhol-buhol na trapik.Kahit maywangwang kapa di talaga uubra.

  15. Joyce Joyce

    Ayan pinagbabaklas na raw ang mga wangwang nila Oh!.Ngayon lunasan na ang problema sa trapiko,Paano?Hmmmmm…..Hulihin kaagad ang mga walang pakundangan kung magbaba at magsakay ng pasahero sa di tamang lugar ang mga driver ng Bus,Jeepny,tricycle,isali na rin ang di padyak na bisikleta na nakakaabala sa kalye o daloy ng trapiko.Sino magpatupad nito? Hmmmmm…..Mga pulis yata…Hmmmm…tikitan naman kaya ang mahuli nila?Hmmm….baka aregluhin lang sa barya-barya.Sino ang susugpo sa ganitong mga gawain nila? Hmmmm…..siguro nasa ating mamamayan na ang paghusga.

  16. florry florry

    Tapos na ang election populist campaign speeches. Wake up to reality. Walang masama sa responsabling paggamit ng wang wang, sundin lang ang mga nakalagay sa batas kung sino ang gagamit. Hwag lang yong kahit na sino ay maaring gumamit.

    In emergency cases where life and death is at stake, this is one of the most important step to save lives and destruction of property.

    Can you imagine, nasusunog ang bahay mo sa ikalawang kalye, at alam naman natin na mas matrapik, paano makakarating ang bumbero para patayin ang sunog kung hindi makakadaan at nandoon nakatigil sa gitna ng trapik yong fire truck. Yong mga bumbero walang magawa kundi tanawin at panoorin na lang yong usok na nanggagaling sa sunog.

    Maysakit, o kaya na-stroke or na heart attack ang magulang, anak o kapatid mo, gusto mo bang mamatay na lang ito na hindi man lang ito natingnan ng doctor dahil sa hindi man lang makarating yong ambulansiya sa bahay mo dahil sa trapik at bawal gumamit ng wang wang? A dying person in a house or in an ambulance can not reach its destination because of traffic. Bawal kasi ang wang wang.

    Galing sa ibang bansa si Noynoy at sinundo siya ng kaniyang limo sa airport, ibig sabihin ba kahit na pagod na siya sa biyahe, makikipagsiksikan pa rin ba ang sasakyan niya sa gitna ng trapik at maghintay ng red and green light, not to mention that he is a sitting duck for those who want him out dahil bawal ang wang wang?

    Well, for those who hate wang wang, gusto ba niyo na kung nasusunog ang bahay niyo hindi man lang makarating ang bumbero sa lugar mo dahil sa trapik; gusto ba niyo na kung may kamag-anak kayo na kailangang emergency ay hindi man lang madala sa hospital dahil sa trapik dahil bawal ang wang wang?

    Maybe if this is Noynoy’s idea of a good government, I am not impressed. Whoever broached this idea just to impress people is out of his mind. Presidente na siya, hindi na kailangan kantahan pa yong boto ng mga tao. Gawin na lang ang tama.

    What was said in his inauguaral speech is no longer important. What matters now is what he will do, and he must do it right for the good of the people and the whole country.

  17. balweg balweg

    RE: Gawin na lang ang tama.

    Ang tama e umawit muna tayo Igan Florry…maganda siguro kung chorus ang gawin nating pag-awit ng WangWangWee para maganda ang dating.

    Sabihan na din natin sina Igan MPR, Tonge, Oblak, Chi, Tedanz, PSB, Ana, jaggernaut at marami pang iba para kahit papaano e mapansin nman tayo di ba!

  18. jojovelas2005 jojovelas2005

    Dapat lang na gumamit si PNOY ng wangwang. Ang mga terorista handang mamatay at napakadaling malaman ang kanyang sasakyan lahat ng convoy niya item siya naman puti. Paano mo tatabuyin ang mga vendors ng kalsada paano isa sa kanila ay kalaban padala ng mga Ampatuan. Kung minsan huwag naman masyadong “OA”. Kababasa ko lang yun Sec. Education tinanong daw kung ano gagawin sa Sex education sinagot pa ang media ng hindi raw sila nakakatulong. Bakit kasi nanahimik yun pari kunuha pa ng mga search committee siguro naman sa dami ng tao sa pinas may isang mabait/tapat/matalino/may takot sa diyos…eh kung yun sister-in-law ko na doctor walang tapang na kinalaban ang mga doctors/staffs naniningil ng sobra sa goverment hospital…ibig sabihin maraming qualified. Pag tinanong ka dapat sagutin pinasok mo yan dapat handa ka.

  19. balweg balweg

    RE: Pag tinanong ka dapat sagutin pinasok mo yan dapat handa ka.

    Korek Igan Jojov…naturingan panamang ng brother e astig palang mangusap, ang lakas ng dating…naninindak kaagad.

    Aba e kailangang mamanyanita itong si brother baka e ka ko na nakalimot sa sinabi ni kuya P-Noy na tayong Masang Noypi ang bosing.

    O, baka naman nagpapaokray para mapansin…takleso ang dating!

    Pag hindi yan matutong makiharap sa tao e di siya karapatdapat sa DepED? Ang DepEd e para sa taong mayroong MODO, ugali niyan e asal?

  20. jojovelas2005 jojovelas2005

    I agree with Ellen. Maiintindihan ng tao si PNOY kaya nga may plate number na 1 and 2. Malalaman ng tao ito ang plaka ng President at VP pero kung may ibang plaka yan mali na yan. Siguro ng panahon ni Gloria lahat ng plate 8 naka wangwang yan pag may impeachment siya patungo sa Malacanang para mag collect ng 500K PHP–hindi na mangyayari yan kay Aquino. Basta be sure lang PNOY na huwag ka naman sasakay sa harapan ng Land Cruiser mo medyo mapangnganib pa din.

  21. henry90 henry90

    Di sinabing bawal yung mga bumbero at pulis na gumamit ng wang-wang at blinkers pati na rin yun top officials of the land na authorized gumamit under the law.

    Most people still don’t get it. It’s the sublime message not the wanton use of wang-wang per se. The President is trying to drive across the message that before we can even demand solutions to the bigger problems at hand, we should first be model citizens by following the most basic of all regulations, the traffic laws. Is it any wonder then that most of the people, if not all, interviewed about this were heaving a sigh of relief? Kahit diyan man lang muna makapag umpisa tayo ng maayos. It is the most doable of all yet di man lang maipatupad. Bakit meron pa ring di sang ayon? Dahil nakasanayan na? He is trying to detach us from that Erap mentality of ‘weder-weder’ lang yan. No wonder Erap fans here are taking exception. Dahil ba di naisipan ni Erap ito noon? Ewan ko sa iba rito kung bakit sila kontra. Siguro may wang-wang din sasakyan nila. 😛

  22. Mike Mike

    Inaamin ko, meron akong wangwang. Yun nga lang, sa celfon ko inilagay wangwang ang ringtone ng celfon ko. 😛

  23. olan olan

    we need to help sa bagong simula. Hopefully the erapians will assists andun ng nga si binay, binigyan ng mandato ng nakakaraming taong bayan, katulad ni p-noy..dami kailangan ayusin katulad ng walang habas na pagtaas ng koryente dahil sa WESM (electricity market manipulated by the few), trabaho na may dignity of labor at tamang sahod, pagpapaalis sa mga magnanakaw sa mga ahensiya ng gobyerno (dami nito) to name a few. Wang wang is a start..simbolo ito ng abuso.

  24. florry florry

    Hindi sinabing bawal, pero generalize ang statement, ibig sabihin ang utos ay para sundin ng lahat. Walang specific targets na sinabi. Kung siya ngang presidente ay hindi gumamit dahil gusto niyang maging example sa lahat, yong iba pa kaya ang magkakaroon ng lakas ng loob na gumamit.

    Siguro mas mabuti i-retoke uli yong utos na yon parang bang yong ginawa sa MC#1, para mas maliwanag.

    Anong say mo Henry.

  25. henry90 henry90

    Madam Florry:

    ” Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada?”

    Sorry Mam pero wala akong nakitang generalization sa statement na yan ng Pangulo. That message is obviously directed to those people in power who abuse their authority and to the other unauthorized users of the same. Police and other emergency vehicles are not included.

    Thanks. 🙂

  26. Mike Mike

    Agree ako kay Henry, walang generalization sa sinabi ng presidente. Ang kanyang tinutukoy lamang ay ang mga illegal na gumagamit ng sirena o wangwang.

  27. May batas na’ng nagbabawal sa paggamit ng wangwang noong 1973 pa. Malinaw doon kung sino at kailan lang pwede gumamit ng wangwang. Kung may nabago man ngayon, yun lang pagwe-waive ni PNoy ng karapatan niyang gumamit ng wangwang.

    Again, I concur with most of the commenters here, that this waiving of the privilege is a symbolic act meant to set the tone for other Pinoys to follow. Kung Presidente nga nagpapasaklaw sa batas, tayo pa kaya?

    Kahit ano’ng gawin ni PNoy, hindi mawawala ang mga taong sadyang hindi makikita ang kabutihan sa likod nito:

    Sa mga kasamang may ingat na muhi
    sa piniling puno ng mga kalahi-
    mamali, matama, ang galaw ng pili-
    mali’t mali pa rin, at mali palagi.

    Haaayyyyyzzzzz.

  28. florry florry

    Henry,

    Ang obvious ay understandble, palpable or apparent,

    Ang specific ay exact, precise, explicit, definite.

    In the application of rules or law you can not be just “obvious”, you must be “specific” lalo na ito ay utos ng presidente.

    Sabi nga ni Noynoy hindi pwede yong obvious lang or “pwede na” kundi talagang “specific” at talagang pwede na.

  29. henry90 henry90

    Madam Florry:

    According to Presidential Decree 96, only motor vehicles designated for the use of the Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Land Transportation Office, Bureau of Fire Protection, and hospital ambulances can be fitted with sirens, bells, horns or similar gadgets. These are aside from the President, Vice President, Senate President, Speaker of the House and the Cief Justice of the Supreme Court.

    But he is not referring to these authorized users when he said that. Di naman siguro subject to another interpretation yung statement nya unless na di tayo makaintindi ng simpleng Tagalog. Pero kung di mo pa rin maintindihan, ay pasensiya na. Ako nga di taga Luzon pero alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin.

  30. baycas2 baycas2

    wang wang video…

    http://www.youtube.com/watch?v=7gL3DPgm81c

    (idagdag lang dito ang vice-president and chief justice exemptions.)

    ang mga batas:

    presidential decree no. 96
    republic act no. 4136

    ang mga utos:

    administrative order no. 122 (ni gloria noong 2005), at ang kamakailang “direktibo” ni P-Noy

    —–

    sayang ‘di naapektuhan si P-Noy nang iresponsableng paggamit sa mga high intensity discharge (HID) lamps at fog lights sa headlights ng sasakyan. ang paggamit nito’y lubos na nakasisilaw – sa umaga man o sa gabi – sa maaaring makasalubong ng gumagamit.

    disin sana’y ipagbabawal na rin ang paggamit ng mga ito ngayon…

  31. Wangwang usage is intended to facilitate the movement of ambulances, fire trucks and security personnel in pursuit of fleeing criminals or rushing to a crime scene during peak hour traffic jams.It is disgusting to see some politicians, whose inaction cause most traffic snarls in the first place, harassing hapless citizens on the roads at the slightest traffic jam to make way for their convoy. Indiscriminate use of siren fosters segregation and hallmarks the arrogance of the ruling class over the rest of the citizens.

    Ang katwiran ng mga naka wangwang na pulitiko,they say they need sirens and lights so they can cross police lines at emergencies like fires and water-main breaks ng NAWASA.I don’t see a reason for a siren, I don’t see what the emergency would be that a borough politicians must be on the scene. That should be reserved for emergency personnel.It is common practice to see certain road users (motorists) put on their head lights and continually blow their horns to raise alarm as if there was an emergency and they had to get a right of way.

    It should be noted that the rule restricting the usage of siren to certain categories of people is not new to the country’s statute books. The problem is that it has never been seriously enforced. So, if the brutalization of these politicians by siren-drunk becomes the catalyst to resuscitate the law, we may have P.Noy to thank.

    Pagbabawal ni P.Noy ng wangwang, misuse of siren to sanitize the nation’s traffic system is a commendable step worthy of emulation by other public servants.Kung ayaw nilang sumunod sa patakaran ni P.Noy The best way to deal with this problem? Vote these losers out at the next election. If we put up with this kind of behavior from our elected officials, then we get what we deserve.Sumunod na lang,NOW NA!There’s not much time left. If you don’t change, you’re doomed.

  32. florry florry

    Henry,

    Analyze this:

    Sabi niya mula sa araw na siya na ang sa Malacañang, “Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. WALANG WANG WANG, WALANG COUNTERFLOW, walang tong”.

    Hindi ba mas maganda at maliwanag na maintindihan kung ganito ang sinabi niya: Ang pagpapatupad ng batas ng wang wang ay may depekto at palakasan. Mula sa araw na ito, walang gagamit ng wang wang kung hindi yong mga opisyales lang na pinapayagan ng batas. Ang lahat ng lalabag sa batas ay pagbabayarin ng multa at ikukulong.

    Ang problema kasi, siya mismong president, siya na No. 1 VIP ng bansa, nagutos na walang wang wang at ayaw mag wang wang, sinong malakas ang loob na hindi susunod sa utos niya?

    Let’s follow the lead of the leader, ika nga.

  33. Dapat ring ipatupad ang mandatory vehicle insurance. Kung mayroon kang kotse at wala kang insurance hindi mo rin ma drive,papano na kung naka aksidente ka? Dapat ding ipatupad ang pagbabawal ng pagdadala ng baril kung civilian ka at mag-drive sa lansangan para maiwasan iyang init ng ulo at mauwi sa barilan.Suntukan na lang siguro o kaya’y umiwas ka na lang sa gulo at bahala na ang insurance mo na umayos at magbayad ng napinsala mo o ang insurance co. ng bumanga sa iyo para lahat happy at walang gulo.Para maiwasan ang kotong kapag hinuli kayo ng pulis ay dapat bigyan ka ng tiket at sa traffic court ka na lang magpaliwanag at doon na lang magbayad sigurado ka pang mapupunta sa kaban ng gobyerno ang ibinayad mo kesa sa kotong cop na pambayad lang ng renta ng apartment ng number 2 o number 3 nila.

  34. henry90 henry90

    Madam Florry:

    At the risk of sounding like a broken record, the LAW is already there for everybody to observe. The SPECIFICS are all there for us to see. Please remember that the occasion when he said this was during his inaugural address. It would have been absurd, no, Noy bashers would have had a field day excoriating him had he gone into the specifics on how he intended to have this simple law followed by all.

    This was not the only salient point that he had discussed by the way. But this touched a raw nerve among many of the people who went there owing perhaps to the fact that they could have been victims themselves of the illegal ‘wang-wangeros’ out there. That this ‘wang-wang’ issue is now the hottest topic in town is perhaps an eye-opener for everybody. That the most powerful person in the country is willing to waive one of his perks just to drive home a point should be a cause for rejoicing. It’s like a drop of water into an arid land after nine years of La Nina brought about by the Gloria scourge. Shouldn’t we be happy about that Mam Florry or shall we just let them be as if it’s just one of the many ‘weder-weder’ privileges they arrogate unto themselves?

  35. balweg balweg

    Ganoon pala e may existing batas about Wang Wang e bakit ngayon lang ito pinuna ni P-Noy, during his 3 terms sa Kongreso at 3-years sa Senado…di nman naging sensationalize ang isyung ito.

    Ano ang ibig palabasin ng bagong rehime, ang daming problema ng bansa e di ito ang pagtuunan at unang asikasuhing resolbahin lalo na ang budget deficit, peace & order, hodlums in uniforms, left & right scams ng rehimeng arroyo, ampatuan massacre, shortage of classrooms/teachers sa public schools sa buong bansa, walang matrabho ang Noypi, etc. etc.

    Ngayon, ang simpleng ordinansa ng pagbabawal gumamit ng Wang Wang e magiging sensationalize pa…ano ibig sabihin nito gusto lang nilang mayroong pag-usapan at maging-IN itong bukang bibig na seryoso si P-Noy sa kanyang binitawang pangako.

    Ayusin muna niya ang pagpili at pagtatalaga ng mga honest at disiplinadong gov’t officials o sinumang kawani na hahawak sa mga sensitive na position sa gobyerno.

    Ang hirap…unang araw pa lang itogg si Brother ng DepED nagpakita na ng kagaspangan at may pagkasuplado o engrata? Naturingan pang galing sa isang exclusive institution at Catholic school e wala naman palang etiketa…ang ugali e asal.

    Isa pa, magbubuo sila ng Truth Commission para copycat during her Mom Santita Cory’s PCGG, may nangyari ba sa paghabol sa yamang sabi nakaw daw ng mga Marcoses and cronies?

    What is the difference between The Truth Commission and PCGG? Magkaiba ng title pero almost the same ang objectives nito.

    Trabahuhin ang pagmamalabis ng Arroyo gov’t during her 10-years in powers Not Once, but Twice regime. E ganito din naman ang PCGG ng Santita Cory…habulin, bawiin at kasuhan ang lahat ng mga magnanakaw during Apo Macoy 20-years rule.

    Natapos ang termino ni Tita Santita Cory may nangyari ba…kita nýo ngayon nga e Tongreswoman na si Madam Butterfly at halos lahat ng naging cronies e mga bilyonaryo at ang iba e nagpasasa bilang lingkod-bulsa ng bayan.

    Kung tutuusin dapat itong si P-Noy and the Bulong-Brigade na kanyang sidekicks e dapat mulat na sa mga nangyari at nangyayari sa ating bansa.

    Para bang bago ng bago sa kanser nang problema ng bansa e unang hirit pa lamang sa pwesto gusto maging showbiz pa ang dating nito.

    Nasaan ang logic nito…dapat maging professional sila sa pagiging lingkod-bayan coz’sila dapat ang maging salaminan ng 90M mamamayang Noypi.

    Gusto nila ng pagbabago e ang babaw naman kanilang lohika kung ano ba ang dapat unahing presolbahing problema na kinakaharap ng bansa.

    Ang Wang Wang naman e only few % ng families or individuals ang may kapasidad upang magviolates nito unlike ng mga major problems na kinakaharap ng bansa at kailangang tulong ng milyong Noypi na jobless.

    Ang Wang Wang e trabaho yon ng mga Kapulisan kasi nga noon pa man e may existing na batas na umiiral dito…e bakit ngayon lang ito ipatutupad?

    Ibig bang sabihin…natutulog ba ang mga batas sa ating bansa o ang mga batas amg dapat sumunod sa tao at di ang tao dapat maging masunuring dito.

    Hungkag na mga alagad ng batas…walang kwenta, hanggang sa papel ito magandang basahin pero wala naman palang ngipin, kapangyarihang magdisiplina o magpataw ng karampatang parusa sa mga violators nito.

    Sige mag WANGWANGWEE na lang tayo tutal IN naman ngayon ang may mapag-usapan at kay daming problema na dapat unahin e ito pang ke simpleng batas na dapat ang mga pulis-patola ang may jurisdiction to implement the baklas torotot & ilaw-patay-sindi.

    Shocking talaga sa babaw ng IQ nitong Bulong-Brigade na nakaisip nito upang ipahiya ang P-Noy sa madla!

    Mag-isip naman kayo!

  36. henry90 henry90

    Kulang na lang ng communion e para na rin tayong nagsimba nito. Mahaba nga lang sermon ni Pader. . . 😛

  37. Henry,
    Huwag mong kalimutang maghulog ng abuloy doon sa offertory box.Kailanagn ni Pader ang wine.Hehehehehe!

  38. bayonic bayonic

    Don’t get me wrong ….. But I am fully entusiastic about this “no wangwang” policy for those who are not entitled. I opine that; Filipinos, in the Philippines and in general, lack discipline and one of the reasons for this lack of discipline is a woeful neglect in the implementation of laws and the ” everybody is doing it so why now we” attitude.
    Traffic discipline is a basic part of this national discipline failure … And that goes to both motorists and commuters. I agree with the observation that the state of our streets is a microcosm of our national life …. Mga problema ng bansa ay makikita mo sa kalsada ….. Lack of new roads,laws that are bent to the point of breaking,selective observation of regulations, using power,privilege and pesos to get away with parking in front of a no parking sign etc.
    This new directive from the new leader to implement a decades old decree is a welcome sign and hopefully will not be forgotten after the initial euphoria has died down …. But instead should be extended to other and wider issues……. implement fully the no parking regulations EVEN during the night, apprehend the multitude of motorcyclists who seemingly are oblivious to traffic rules, implement fully the requirements for obtaining and renewing driving licenses, pass legislation to reclaim lost roads, build new ones, etc.

  39. balweg balweg

    Obvious ba…dala ito ng puyat Igan Herny90, aba ikaw na ang maging si Pader Igan…SURE, aantukin ka sa pakikinig ng sermon, but realidad ang dating ng kwento!

    Korek ba…kasi yan ang obserbasyon ko sa oras ng pagmimisa ng mga Pader natin, marami ang naghihikab o kaya nagmamadali upang tapusin kaagad ang sermon.

    But, ang maging Pader o kayong Igan sa Ellenville talagang enjoy kasi nga open-forum ang usapan dito.

    Pagkahaba-haba man daw ng kwento sa Ellenville pa din masayang pinag-uusapan ito…kasi nga walang partisan dito, kundi free-4-all basta wala lang personalan di ba.

    Kasi nga pare-pareho tayong natututo sa mga nangyari at mangyayari pa sa ating bansa! E ka nga iba yong nagsasama ng tapat para maayos natin ang gusot o problemang kinakaharap ng Pinas.

    Pagmali e wrong talaga…at pagtama naman e dapat suportahan ito para maging successful ang implementation lalo na ang WangWangwee ni P-Noy!

  40. bayonic bayonic

    …… Enthusiastic
    ….. ” … Why not we? “

  41. balweg balweg

    RE: I opine that; Filipinos, in the Philippines and in general, lack discipline and one of the reasons for this lack of discipline is a woeful neglect in the implementation of laws and the ” everybody is doing it so why now we” attitude.

    Aray ko po Igan Bayonic, nakumpiska na ba ang iyong WangWang!

    May punto ka, but nais kong bigyang diin na ONLY few naman ang astig sa ating lipunan…compare namn sa ibang lahi e mas moderate naman tayo.

    Mahilig lang sa showbiz…pero pag naging seryoso sa buhay e bibilib ka naman. Dapat ikarangal natin ang pagiging Noypi at iwasan ang magtolerate ng maling gawain…itama ang dapat itama, pag mali…itama!

  42. bayonic bayonic

    hehehe

    wala po akong WangWang … kasi ako po ay MangMang

    i agree my words are a bit harsh … but in the words of the candidate I voted for in the last election, ” The Truth Hurts “.

    that is of course my opinion based on my personal experiences ( which maybe limited ) and in the context of this thread; my experiences on the road here in the Philippines.

    just some of the points I ponder while stopped by a red light while other cars zip by, while going through the trouble of making a long U turn because there is No Left Turn sign where I really want to go, while parking some distance off because the only available space is in a No Parking zone, while killing time in a Mall to observe the Vehicular Coding restrictions, etc.

    Bilib ako sa Pinoy … tingnan natin kung bibilib din ako kay P-Noy 🙂

  43. Rudolfo Rudolfo

    Wang-Wang Issue:

    This is one small step towards a bigger one ( Itoy maliit, ngunit mahalagang senyales,na disiplina na galing sa bagong upo na Pangulong P-Noy ). The features that are happening in this issue, Filipinos can be disciplined and respected.Marahil isa itong pagsubok, kung kaya ni P-Noy na
    madisiplina and bansa. Kung mayroon nga, itutuloy na niya ang kanyang mga ” malalaking Issues ” na baguhin ( NBN-ZTE,Maguindanao genocide,mga tatamaan ng ” Truth Commission “). Kung ang bawat isang pamilyang Pinoy, mag-darasal, gagawa, at maging vigilantes,or watchful, at iba pang tulong ki P-Noy, uusad nga ang ating pag-babagao. Kailangan lang ng mga namumuno sa P-Noy admin, maging humble,huwag arogante ( nangyari na sa DOE ), at malawak na kaisipan, pang-unawa, sa ano mang “ISUSUMBONG” ng Taong bayan ( BOSS )ki P-Noy…sana nga mangyari na ang pagbabago..There is no Place like Home.

  44. balweg balweg

    RE: Bilib ako sa Pinoy … tingnan natin kung bibilib din ako kay P-Noy

    Ganon Igang Bayonic…remember, 3-termers sa Congress + 3-years sa Senado + naging local gov’t officials pa yan sa Tarlace aba e diyan na siya pamumulita napanot ang ulo?

    Dapat Doctorate na yan sa paglilingkod-bayan coz’ 9-years siya sa national government bilang Mangbubutas, ay mali Mangbabatas pala.

    How about ng maging local official siya sa Tarlac…aba e di na siya bago sa larangan ng pamumulitaka.

    Ang siste nga, wala daw isa mang batas na naprobahan sa plenaryo hanggang sa papel lang? Kaya heto unang araw pala sa pwesto…ang pagdiskitahan e ang Wang Wang na mayroon nmang legal na batas upang sundin at tupdin ng mga matitigas ang ulo sa kalye.

    Wala akong masabi kundi magkumento na lang ng realidad at batay sa kanyang karanasan sa mundo ng pamumulitika.

    Tingnan natin kung mayroon pa siyang ibubuga…ingat lang siya sa mga Bulong-Brigade sa Palasyo at lipat-bakod na Tongresman at Senatong!

  45. balweg balweg

    RE:..There is no Place like Home.

    Syiempre atinto! Kaya nga di ko ipinagpalit ang aking pagka-Pilipino sa ginhawang dulot ng greenback kasi nga mahal ko ang Pinas!

    Sana kung ganito ang plano ng Dios e doon na tayo isinilang upang maging tulad nila, but mayroon tayong misyon dito sa lupa bilang kanyang ambassador and Servant sa maraming Kababayan na kailangan ng kalinga’t pagmamahal.

    Our thru citizenship e sa langit…mayroon lamang tayong misyon dito sa lupa upang tupdin at gawin, di ang magpakasarap sa buhay na akala ng iba e enjoy life habang malakas pa.

  46. tru blue tru blue

    He has the right to utilize “wang wang” as he sees fit, not in a flashy way. Dang! don’t be coy – you’re the man.

    James and his kamag-anak Incorporation are now removing all “wang wangs” in their vehicles, they are all angry…wink! wink!

  47. Umpisahan natin sa pag-alis ng wangwang ang pagbabago dahil ito ay sinasamantala at inaabuso ng mga nakaupong pulitiko para magamit kung sila ay nahuhuli sa kanilang pinupuntahan. Simple lamang ang problema ng ating mga motorista pero ang nakakabahala ay malaking perwisyo ang kanilang iniiwan tulad ng buhul-buhol na trapiko kapag sila ay dumarating at hihiwain na nila ang daraanan.

    Dapat na itong putulin dahil ang nakaraang administration mga kakampi at kasanga nila ang mga hari ng kalsada na nakawangwang kahit na mga anak ng mga matataas na opisyal na hindi naman government employee ay nakwangwang rin papasok lang sa exklusibong eskwelahan o kaya’y mag-attend ng birthday party.May mga escort pang mga hagad na umaahas-ahas pa sa kalye para tumabi ang mga ordinaryong mamamayan. Mga mayayabang na escort at bodyguard na akala mo mamamatay na ang binabantayan nila kapag ang ordinaryong motorista ay hindi tumabi malaking pinsala pa ang aabutin nila dahil hahambalusin pa nila ng batuta ang side mirror ang kanilang mga sasakyan,Saan ka naman magreklamo kapag nangyari sa iyo iyun? Natutuwa nga ako dahil may political will si P.Noy na wakasan ang masamang asal ng mga pulitikong ito. Sawang-sawa na ang ordinaryong motorista sa mga abusado sa kalye. Meron diyan, ni hindi naman opisyal ng gobyerno o pulitiko, mayaman lang nakawangwang na.Huwag ka ng maghinanakit Pareng Balweg kung nakumpiska ang iyung wangwang dahil ito ay wala ng pinipili at lahat ay pantay pantay na ang karapatan gumamit ng kalsada ng walang pangambang mapukpok ng batuta ang iyung side mirror.

  48. Palitan mo na lang ng busina ng tren ang wangwang ng kotse mo Pareng Balweg.Hehehehehe!

  49. tru blue tru blue

    “Wangwang usage is intended to facilitate the movement of ambulances, fire trucks and security personnel in pursuit of fleeing criminals or rushing to a crime scene during peak hour traffic jams.” cocoy

    A freaking non-rated military personnel in Olongapo some 30 years ago deliberately went into a eskinita (narrow path), to use his “wang wang” and damn “bullhorn” just to show off.

    Another friend (son of PC Sargeant) in the 60’s used an oscillating redlight infront of their jeep to flaunt his connection to breeze thru where traffic was non-existent in the first place.

    So now, do we think the illegal use of these wang wangs will disappear like magic? don’t think so. Si Mr. “jueteng”, andiyan pa rin and Ms. Wang Wang is just right behind.

  50. Oo nga Pareng Trublue marami kasing mga tao ang pasikat. Iyung anak ng isang kaibigan ko kinabitan niya ng malakas na busina ang kotse niya at binili pa sa Pilipinas iba-ibang tunog pa dahil gustong magpasikat sa mga kaibigan, aksidente naman na napindot niya ng nasundan siya ng highway patrol.Sising-sisi siya dahil ang laking multa na ibinayad niya sa traffic court at nag-schooling pa.

    Sabi ng kaibigan kong magtataho sa MakatipPayag na raw si Binay sa Wangwang policy ni P.Noy dahil hindi raw compatible ang wangwang na ikakabit sa E-Jeep niya madidischarge agad ang baterry at ititirik sa daan iyung sinakyan niyang E-jeep nung inagurasyon.

  51. balweg balweg

    cocoy – July 4, 2010 12:52 pm

    RE: Palitan mo na lang ng busina ng tren ang wangwang ng kotse mo Pareng Balweg.Hehehehehe!

    OO nga ano…sosyal ang dating Igan Cocoy!Ang problema si Kuya P-Noy baka pitikin ang tenga ko?

    Alam mo Igan…bago yang isyung WangWangWee e pinagpaplanuhan kong maglagay ng Wang Wang sa somewhere sa bubong or ceiling outside ng aking house para deterrent sa mga akyat-bahay.

    Maganda ito dahil sa isang pindot lang e totorotot na nang napakalakas at mayroon pang ilaw-patay-sindi na makakapukaw-pansin sa mga kalapit-bahay para makasaklolo.

    Ang kaso e purnada NO WANGWANGWEE policy si Kuya P-Noy?

  52. balweg balweg

    RE: Umpisahan natin sa pag-alis ng wangwang ang pagbabago dahil ito ay sinasamantala at inaabuso ng mga nakaupong pulitiko para magamit kung sila ay nahuhuli sa kanilang pinupuntahan.

    Tumpak Igan Cocoy…sama kong sampu ha, simple ang WangWangWee isyu but ang target nito e mga abusadong Noypi na kabilang sa altasociedad ng ating lipunan.

    Yong iba naman e feeling untouchable kundi mabubuking sa kanilang raket, but ang bottomline ng isyu e once and for all para maibalik ang disiplina sa kalye.

    Hope na ang susunod e wasakin ang impluwensya ng droga sa ating bansa…ang dami nang lango at flip na Noypi?

    Pangatlo na munting hiling ng marami…iligpit lahat ang mga holdapers, snatchers, carnapers, at marami pang napers ang turuan ng leksyon 6 feet below the group para wala nang pamarisan pa.

  53. sychitpin sychitpin

    balweg:”Hope na ang susunod e wasakin ang impluwensya ng droga sa ating bansa…ang dami nang lango at flip na Noypi?

    Pangatlo na munting hiling ng marami…iligpit lahat ang mga holdapers, snatchers, carnapers, at marami pang napers ang turuan ng leksyon 6 feet below the ground para wala nang pamarisan pa.”

    i agree with you, in addition ,
    1. start with prosecuting gma and her corrupt allies asap
    2. prohibit ampatuans from having cellphones or other communication devices in jail, destroy private army of the ampatuans and give maximun security to witnesses against ampatuans.
    3. file charges of negligence and betrayal of public trust against ombudsman gutierrez, and appoint an honest, competent and courageous ombudsman to replace merceditas gutierrez.
    4. meet with all players in the oil industry to lower gasoline prices and moderate their greed .
    5. order energy secretary to find ways to lower excessive electricity rate
    6.order cabinet secretaries to remind their staff to act like public servants and not as public oppressors
    7. order TRB to stop the impending 250% SLEX toll hike
    8. order traffic enforcers that their primary function is to make traffic flow faster, and put a stop to tong collection

  54. sychitpin sychitpin

    9. order PNP Chief to stop jueteng operations and dismiss respective PNP commander with jueteng in their jurisdiction, start with Lilia Pineda’s jueteng operation in Pampanga. This illegal activity of Pineda can be a ground to suspend her and bar Pineda from holding public office.
    10. Cut red tape by establishing one stop processing centers in gov’t agencies.
    11. build better schools, hospitals and nice libraries.

  55. Agree ako diyan na sugpuin ang mga illegal na gawain,tulad ng jueting at mga drug lords.Kapag napatunayn silang nagkasala i firing squad sa luneta para masaksihan ng marami.

    Kung naalala pa ninyo,may balita na ang isang mayor ambulansia pa ang ginamit niyang pang transport ng drugs,may mga escort at nakawangwang pa.Tama kayo riyan ang mga ibang criminal elements ginagamit ang wangwang para lang matakasan ang humahabol sa kanila.Ngayon magdalawang isip na sila.Kahit na iyung mga holdaper ng bangko nakawangwang pa ang mga get away vehicles nila.

    Dapat na ring maputol ang paggamit ng mga local officials sa mga probinsia ng government vehicles sa pag shoshooping nila sa mga mall sa metro manila.i impound ang mga vehicles nila at magmulta sila ng malaki kung tutubusin nila.

  56. Alisin na rin ang mga nag-aastang mga fixer sa mga municipal at city hall sa pag-aasikaso ng mga kailangang papeles.Alisin ang mga tiwaling empleado na ayaw kumilos kung walang padulas.

  57. Alisin na nating ang mga ugali nating–“Hindi mo ba ako Kilala?” dahil may ipinagmamalaki sila.Kapag ako ang makatagpo ng mga iyan.Tatanungin ko sa kanila “Sino ka ba?”

  58. Alisin na rin ang mga pangalan ng mga pulitiko na nakaburda sa mga ambulansya na idinonate nila o kaya’y mga sasakyan na bigay ng mga kongressman sa nasasakupan nila.hindi nila pera ang ipinambili ng mga iyun.Galing sa Pork nila na galing sa buwis natin.

  59. sychitpin sychitpin

    12. intensify efforts to source for alternative energies, like wind power, hydro plants and solar energies.

    13. order TOTAL LOG BAN.

    14. foster industrial peace to spur economic growth and create more jobs.

    15. improve effective communications between people and gov’t

    16. increase salaries of teachers, and correct big discrepancies in salaries of agencies heads and ordinary rank and file.

  60. MPRivera MPRivera

    Alisin na nating ang mga ugali nating–”Hindi mo ba ako Kilala?” “…..Sino ka ba?” – Cocoy.

    Kung sarili ko ngang pangalan, hindi ko matandaan, eh. Idadagdag mo pang maging problema ko ang isipin kung sino ka?

  61. MPRivera MPRivera

    Alisin na rin ang mga pangalan ng mga pulitiko na nakaburda sa mga ambulansya na idinonate nila o kaya’y mga sasakyan na bigay ng mga kongressman sa nasasakupan nila.hindi nila pera ang ipinambili ng mga iyun.Galing sa Pork nila na galing sa buwis natin. -Cocoy.

    Ipa-impeach kaagad o kaya’y patawan muna ng kaso ang sino mang mambubutas na ipapalagay ang pangalan nilang parang sarili nilang pera ang ibinili ng ambulansya.

    Ano bang kaso ang puwede, pakitulong naman Atitiway?

  62. vic vic

    Anyone can have his own “Vanity” car plate but has to Pay for it…otherwise, other than diplomatic personnel, car dealers, should bear the same Plates as issued. (try to apply for one but now it cost $250 plain and extra with logos, said forget it..)

    But how often one use his car horn anyways? Can’t remember when was the last time I did…Wang Wang should only be allowed for the Emergency vehicles on emergency run and for very, very important People, the cops can temporarily close the intersections during the convoy…they can do it during the funeral procession.

  63. sychitpin sychitpin

    17. free political prisoners like Sen Trillianes and other magdalo soldiers
    18. review Morong 43 case and release innocent detainees
    19. remind corrupt judges and lawyers to shape up or ship out
    20. exhort gov’t and private sectors to be partners in genuine reforms and good governance
    21. exhort everyone to be part of the solution, instead of being part of the problem

  64. balweg balweg

    Kita n’yo Folks, isang katerba pala ang problema ng Pinas…ayos Igan Sychitpin may listahan ka pala diyan. Aba e dapat maiparating natin ito sa mga Bulong-Brigade ni P-Noy para naman marefresh sila sa tunay na estado ng Pinas.

    Akalain ba natin na ang inunang pagdiskitahan e ang WangWangWee…na alam naman ng mga hardheaded nating kababayan na bawal ang paggamit nito.

    Ang rason e kung makakalusot nga naman…at bahala na si Ninong o kumpare sa enchanted kingdom!

    You’re the BEST P-Noy…isang ulirang lingkod-bayan, inuna mo ang mga astig at hambog sa kalsada, but remember sana di ito selective at kailangan once and for all para WangWangWee.

  65. sychitpin sychitpin

    Phil is the only asian country with insurgency problem, because of corrupt justice system

  66. Off Topic:

    Is there any official act or executive order giving Clark Airport to its current name, DMIA? Tagal ko nang ginogoogle wala akong makita e. Or, was it just an attempt at leaving a legacy, no matter how shallow the justification my be?

  67. vic vic

    MP Rivera @63Ipa-impeach kaagad o kaya’y patawan muna ng kaso ang sino mang mambubutas na ipapalagay ang pangalan nilang parang sarili nilang pera ang ibinili ng ambulansya.

    Ano bang kaso ang puwede, pakitulong naman Atitiway?

    The case, I would suggest it is either suspension or dismissal for being unfit for office due to Mental issues and would qualify for disability until fit to be recalled back to duty…with recommendation (mandatory) for treatment…usually in mental facilities.

  68. saxnviolins saxnviolins

    Start with small problems. This is Noy’s wang wang variation of a strategy that Rudy Giuliani employed, called the broken window theory.

    In the late 80s and 90s, wala pa ako dito sa US, napapanood ko, at ikinukuwento ng Erpat, yung rampant street disorder sa NY. Nariyan yung mga mugging, at yung mga squeegee boys – yung mga may dalang squeegee (rubber na window wiper), na kahit walang tanong, kapag nasa stop light ka, nililinis ang windshield mo, at nag-e-expect ng tip. Kapag hindi ka nagbigay, galit.

    Nang maluklok si Giuliani, ginamit niya yang “Broken Windows Theory” part of which states”

    Consider a building with a few broken windows. If the windows are not repaired, the tendency is for vandals to break a few more windows. Eventually, they may even break into the building, and if it’s unoccupied, perhaps become squatters or light fires inside.

    Or consider a sidewalk. Some litter accumulates. Soon, more litter accumulates. Eventually, people even start leaving bags of trash from take-out restaurants there or breaking into cars. en(dot)wikipedia(dot)org/wiki/Fixing_Broken_Windows

    Nag-zero tolerance si Giuliani, kasama ang head ng subway police na si Bratton, at Chief of Police na si Safir. Bratton considered the authors as his intellectual mentors.

    Hayun, bumaba ang crime rate, at petty thuggery sa kalye. Dumating ako dito, si Giuliani na ang mayor, at safe na sa kalye, wala nang mugging. Nagtrabaho pa nga ako sa Harlem (parang pinaka-Tondo ng mga itim), oks naman.

    I’m sure yan din ang basehan ng tagumpay ni Bayani Fernando sa Marikina, yung magsimula sa maliit.

  69. saxnviolins saxnviolins

    # 63

    Magno:

    Yang mga humaling na humaling sa sariling pangalan, sa halip na demanda, ang mungkahi ko ay simulan din ni Noy. Yung mga project na gawa ng OP, sa pera ng PAGCOR, lagyan niya lang ng simpleng karatula, tulad sa mga nakikita ko dito. Ang nakalagay, simple lang:

    “This is where your tax dollars are spent.”

    Walang pangalan ng pulitiko, at walang litrato ng pangit na pulitiko.

    Come to think of it, kung kalokohan lang ng mga bata, ang gagawin ko ay i-vandalize ang mga bakod ng malalaking bahay ng pulitiko, at lalagyan ng “This is where your tax pesos are spent”. Yan din ang magiging placard ko kung may rally, at ikakabit ko ang mukha ng kung sinong kurakot.

  70. luzviminda luzviminda

    Sa akin lang, hindi naman dapat na huwag gumamit si P-Nyoy ng HWang-HWang at isakripisyo ang kanyang seguridad para lang magpakita ng halimbawa. Nasa batas naman kung sino lang ang dapat gumamit nun. Dapat lang ipatupad ang batas at gawin ng mga authorities ng bawat government agency ang kanilang trabaho. Unang-una na ang mga pulis, LTO sa implementation. Pag may nag-wangwang, HULUHIN ang dapat hulihin. Di na dapat pwede ang tatamad-tamad at tong. Ayusin ang trapiko para di na kailanganin ang hwanghwang. Ayusin ang mga traffic and road signs. Lagyan ng amg warning signs ang mga delikadong lugar depende sa road condition ahead, within signifiant meters before the danger area, para maiwasan ang mga sakuna at matuto ang mga drivers na sundin ito. Tulad na lang ng mga kurbadang daan na dapat ay may warning at arrows signs na nakalagay at least 200 meters before the danger zone. At alisin ang mga naglalakihang ADS na nakakaistorbo sa mga traffic signs. Mas napapansin ang mga Advertising posts kesa sa mga traffic signs na sa napakaliit para mapansin ng isang motorista habang paparating pa lang. At kaya napakaraming aksidente sa daan ay dahil na rin sa mga driver na natuto lang magpaandar ng sasakyan eh nagkalisensiya na. Hindi na-training sa tamang pagda-drive. DRIVING is WATCHING! Foresight and Preparation to what is ahead, is important in Driving. I-Seminar ang mga Driver bago makapag-renew ng lisensiya. Buhay ang nakataya sa kalye!

  71. luzviminda luzviminda

    Sychitpin on # 54,

    Agree ako na dapat unahin ni P-Nyoy ang mas AGARANG mapapakinabang sa pangkaraniwang mamamayan. Bukod sa halaga ng gasolina, Unahin na ang KURYENTE at TUBIG! Malaking bagay kung mapapababa ang singil sa mga ito. Alisin din ang VAT sa mga comsumer services/products. Hindi natin alam kung paano ang pagkuwenta nila dito. Para tayong hinoholdap buwan-buwan. Makikita sa ating mga bills yung kung ano-anong charges ang sinisingil, pati na yung napi-pilfer o nananakaw ng may mga jumper eh sa mga honest consumer sinisingil.

  72. luzviminda luzviminda

    Nagbakasyon kami minsan sa Europe at nakita ko na mas malaki ang cost per kilowatthour ng kuryente natin dito sa Pinas. Mga 6-7 Pesos PKWH ang labas kumpara sa atin na halos 13-14 Pesos na yata. Walang masyadong charges na nakalagay. Ang tubig ay halos libre na. Dahil sa privatization na lugi ang mamamayan sa mga pinasok na agreement, ang nangyayari kasi ang mga consumer ang lumalabas na namumuhunan at hindi ang mga kumapanyang nakabili nito mula sa gobyerno. Sinisingil nila sa atin ang dapat ay pinupuhunanan nila lalo na kung may mga dapat irepair at i-improve. Dapat kasi ang mga basic services na ito ay IBALIK sa pangangasiwa ng gobyerno, tulad nung panahon ni Marcos, dahil basic yan sa isang gobyerno. Kung bababa ang mga ito ay malaki rin ang epekto sa pagbaba ng mga bilihin. P-Nyoy, dinggin mo ang daing ng taong bayan!

  73. MPRivera MPRivera

    Luz,

    Maraming dahilan kung bakit NAPAKAMAHAL ang singil ng kuryente sa Pilipinas. Subalit pinakatangi sa mga dahilang ito ang pag-angkat natin ng langis na siyang nagpapaandar sa mga turbina na siyang nagsu-supply ng kuryente sa ating mga tahanan. At ang pinakatanging dahilang ito ang laging idinadahilan ng mga kinuukulang walang iniisip kundi ang pagsasamantala sa mga consumers.

    Ilang dekada na ang lumipas. Hanggang balita na lamang ‘yang pagkakatuklas ng mina ng langis sa iba’t ibang panig ng karagatan ng Pilipinas. Hindi natin malaman kung ito ba ay totoo at kung totoo nga saan napupunta ang nakukuhang langis na kung tayain nila ay sobra pa sa sapat na pangangailangan ng ating bansa at tatagal ng napakahabang panahon at maipagbibili pa sa ibang bansa ang sobra sa sobrang kailangan natin.

    Baka naman kaya ang kinita sa langis na ito ay kalat na nakadeposito sa iba’t ibang panig ng mundo?

    Nagtatanong ako dahil hindi sa aking bank account nakalagak at masama ang aking loob sapagkat hindi nila ako pinartihan.

    Mga baboy na ‘yan!

  74. saxnviolins saxnviolins

    Luz:

    Bago ang privatization, ang tubo ng NAPOCOR ay 8% lamang, ng kanilang rate base. Ang rate base, ay iyong mga assets na ginagamit sa pag-produce ng kuryente.

    Ang mga brownout, na ang sanhi ay ang pagtigil sa Bataan Nuclear Plant na walang kapalit, ay ginamit ng mga oportunista, para sabihing, hindi daw efficient ang NAPOCOR, kung kaya’t dapat i-privatize. Ang slogan nila, kung private at may competition, bababa ang presyo.

    Tanga, paano magkaka-competition sa ganyang kalaking capitalization? Puwede bang parang kotse o lugaw yan, na maraming papasok, at maglalabanan sa murang presyo? Kahit kotse nga, iilan lang ang manufacturer.

    Anyway, yan ang slogan, at nag-file ng bill si Angarapal. Hayan, dahil puwede nang mag-produce ang MERALCO, tinaas nila presyo, dahil wala namang kalaban. Besides, kanya-kanyang teritoryo naman ang distributor, so papaanong magkakaroon ng kalaban? Kung NAPOCOR, kahit walang kalaban, may limit naman ang tubo.

    Yung mga inefficient kunong engineer ng NAPOCOR, na-hire ng mga private producers, so halatang slogan lang yung tawag na inefficiency. Kasama si Earning Maceda doon sa bumatikos sa NAPOCOR.

    Tubig, privatized din di ba? Bakit puwede bang magkaroon ng labanan sa distribution? Ibig ba nilang sabihin ay magkakaroon ka ng sari-saring tubo ng gripo galing sa bahay mo, at kung mataas sa isa, kakabit ka sa iba?

    Nagoyo na naman ang Pinoy sa slogans. Ang nakinabang, big business.

    Hindi lang naman tayo ang nagoyo. Kahit Kano nagoyo ng Enron at ni U-10 Cheney. Sorry Dick Cheney.

  75. sychitpin sychitpin

    #73 luzviminda:
    very high electricity rate is one major cause of poverty and unemployment in the Phil, i have friends who closed their businesses because of it. remember when Pangilinan took over management of Meralco a few months ago, electrical bills jumped up by more than 100% without any explanation. Basic utilities like water,electricity and telephones must have socialized pricing to help all sectors of society. However, the opposite is happening. Electrical cost is a big burden to everyone, except to NAPOCOR and MERALCO.
    Hopefully, P.Noy would order NAPOCOR to peg their margin at 5% and persuade MERALCO to moderate their greed.

  76. There are already laws covering the use of wang wang, PNoy just showed an example of following them.
    Honestly, nagpakabit din ako ng wang wang, siyempre, yung friends ko meron nga eh, ako rin…pero ngayon I have to follow the example, or mahuli ako – sana lang makakuha pa ako ng refund… 🙂

  77. gusa77 gusa77

    Maraming hunghang na mamayan ang apektado sa pakawala ng kanilang wangwang,pati ang barangay tanghod at si chairman ay inalisan ng kapangyarihan upang maka-panglamang lamang, sina tongreesmen at mga senatong ay laging mahuhuli sa secret meeting sa outside marital status.ang POV ng mga lespiak na ginagamit upang mangotong sa hunghang na driver na walang karapatang magmaneho sa kalye.Wawa naman ang mga hunghang,pahid luha na lamang ang mga ungas.

  78. balweg balweg

    RE: There are already laws covering the use of wang wang, PNoy just showed an example of following them.

    Bakit ngayon lang Igan Juggernaut…ibig sabihin bulok ang sistema na umiiral sa LTO? Di ba sila ang may jurisdiction to implement the WangWangwee PD96?

    Imagine, 37-years ago na palang batas ito at BAKIT NGAYON LANG…ito binigyan pansin, kanser na talaga ang umiiral na kabulukan sa pagpapatupad ng mga kaukulang batas sa ating bansa.

    Ano ang saysay ng mga batas na ito kung hanggang sa papel na lamang nakasulat…kaya pala eager si P-Noy kasi during his 3-terms sa Kongres at 3-years sa Senado e wala siyang isa mang batas na pumasa sa plenaryo.

    Kaya heto gusto niyang makita kung papaano na ang isang batas na nakapasa sa plenaryo e pinakikinabangan ng bayan at mamamayan.

    Sample pa lang yang WangWangwee…sundan ang susunod na mga pangyayari!

  79. rose rose

    ang bagong wang wang ni Tongresswoman putot: cha cha cha
    que rico pa rin ako.
    ..akala ko nagbibiro yon kaibigan ko noong sinabi niya sa akin na hindi nagbayad ng toll si putot..totoo pala. iba na nga ang putot kahit ano lulusutan niya…kait anong liit na butas…kaya bantayan siyang tunay…it might just be that we would wake up in the morning naipasa na ang cha cha the midnight before..

  80. rose rose

    it is true kailangan ng kahit sinong pangulo na may wang wang ang kanyang sasakyan but for security reason? si JFK may wang wang noonng dumaan ang sasakyan niya o binaril pa rin.. sa Malacanang segurado ba si PNoy na walang bumaril sa kanya? is he totally sure of his security which will be provided for my the ARMED forces of the Phil? even inside the palace? mas secure pa seguro siya sa Times St. na binabantayan ng mga tao ang pinto..AFP ang babantay? I wonder..what do you think Sen. Honasan?

  81. Di na dapat pinoproblema yang wangwang ni Noynoy. Ke meron ke wala si Noynoy, mahalaga, yung daraanan niya, malinis na bago pa man dumating ang presidential limo.

    Yung opisina ko nung araw, dun sa intersection sa paanan ng Nagtahan Bridge. Sa second floor ng Chinabank. Pag labas ng convoy alam mo agad na palabas si Cory ng gate dahil 14 na identical na Nissan Safari na itim ang convoy niya na may kasama pang isang L300 na ambulansiya ng PCSO. Kahit itanong ninyo kay henry90.

    May mga nauna ng motorcycle escorts sa mga intersection na nagmamando ng traffic sa daraanan.

    Kailangan pa ba ng wangwang niyan?

Comments are closed.