Update, July 3, 2010:
Warning: Please don’t go to www.op.gov.ph. According to Tounge-twisted, one of our techie bloggers, www.op.gov.ph is infected and contains malware that could be harmful to those who access that site.
The website of the still unfilled office of the Press Secretary is okay. It’s http://www.news.ops.gov.ph.
***
This is the third day of the Aquino presidency but the website of the Office of the President (www.op.gov.ph) still has Gloria Arroyo as president.
The image below is the front page of the OP website today, July 2, 2010 4:00 pm.
Whoever is in charge of Aquino’s online media, please it won’t take 30 minutes to post photos of President Benigno Aquino III there. Put the inauguration photos.
I’m sure the President has a ready biodata. Calling PMS head Julia Abad. Post it there right now.
Improve on the site later but the most important is, when you open the site, it’s Aquino you should see there as president.
Today, we are getting releases from “Noynoy media Bureau”. Why Noynoy Media Bureau? Why not Presidential News Desk? Noynoy Aquino is now the President of the Philippines.
Ms. Ellen, baka naman ung nasa Facebook ni Noynoy na ang Official Website of the Office of the President. Joke only.
Anyway, baka naman hindi pa naibibigay yung mga passwords na kailangan para mabago ang website, o baka ayaw talagang ibigay ng dating in charge at umaasa pa sila na makakabalik si Arroyo. Matandaan natin na daming nahack na government websites noon at baka maraming tsetseburetse bago mabago ang website.
Just the same, thanks for calling the attention of Malacanang!
Several weeks before election, they knew they were going to win. Dapat doon pa lang they already started preparing how to run the presidency.
Ganito yan. Yung website, na kinontrata nung kumpanya na pag-aari ng anak ni ex-Sec.__________ ay nakatago sa likod ng nanalong original bidder na _______ Corp. Pag tumanggap ng bayad si original winning bidder, saka lang ibinibigay ang bayad sa kumpanya ng anak ni ex-Sec. __________ tanggal na siyempre yung kanyang “appearance fee”.
Pero bago magawa yung tseke, kailangan munang mag-requisition yung head ng _______ Section ng tseke para magawan ng voucher ng _______ Manager ng OP for approval of _______head ng PMS para pirmahan ng PMS Chief. Kakatapos lang ng buwan ng Mayo kaya due na ang bayad para sa website. Hindi ngayon kumikilos ang webmaster kasi nakapila pa yung mga pipirmahan ni ______ at hindi pa kasama yung mga tseke.
In the meantime, wala munang nag-uupdate sa website.
Teka, teka! Huwag kayong pupunta sa website! (www.op.gov.ph) Sabi ng Google Chrome browser ko:
Google Chrome cannot access this site.
I-click ko yung “View a cache of this page” para makita ko yung huling nakapost doon bago na-down. Dinala ako sa (http://webcache.googleusercontent.com/search?q=cache:http://www.op.gov.ph/)
Pero eto ang sabi ng browser:
Ambilis talaga ng mga kawatan. Isang oras pa lang naipo-post ni Ellen itong blog entry, nakaabang na agad yung malware.
It’s annoying. What it showed is that the Aquino Team failed in its planning let alone talk about execution. Even the official gov.ph site has Gloria as President. I can’t believe this was not on their table. Busy wrangling and beautifying their resumes?! I hope this is not what we will expect from this administration.
Base kay Tounge Twisted, kung ganyan talaga ang nangyari, okay na ba ang explanation? Magkano ba ang dapat mabayaran para ma update ang website?
My comment is only to illustrate how the red tape functions (or how it stops the gov’t from functioning). I will give it five days before it is updated. Earlier than that can be considered fast.
I didn’t notice it, but my first comment is under moderation pala, because of the website links. So I will just warn everyone that the op[dot]gov[dot]ph site is down and DON”T EVER TRY TO VIEW THE CACHE.
According to Google, “the site contains elements from www[dot]macapagal[dot]com which appears to host malware”
Inaasar talaga si Ellen. Pati readers niya, bibiktimahin.
I have posted a photo of the screencap in my FB status, Ellen, as proof. If you want a bigger photo, I will email it to you. What does it prove? That the OP site is being blocked due to malware coming from macapagal[dot]com.
Who has access to macapagal[dot]com? Sino pa ba!
Di ba puedeng gumawa ng Bagong site (“BAGONG PILIPINAS”) ang title. At lagyan ng mga virus yang site ni Pandak ?
Totoo ba yang malware? Exciting! Talagang nagtanim ng landmines pati sa Internet bago bumababa sa pwesto ang Arroyo.
google cache has this:
http://webcache.googleusercontent.com/search?q=cache:r1U3mceFkqkJ:www.ops.gov.ph/+ops+gov+ph&cd=1&hl=en&ct=clnk&gl=ph
it is a snapshot of the page as it appeared on 2 Jul 2010 04:54:22 GMT
#3 Tongue. Korek ang hinala ko…hindi binayaran ni Gloria ng advance ang webmaster para hindi sya matanggal, hehehe.
I can’t fill up the blanks, pwede ikaw na rin. hahaha!!!
at least in google’s cache (the link i supplied above) i saw p-noy!
#8. Tongue, sino pa e di yung stalker natin dito na Lulibye.
Salamat, baycas, kita ko si Noy. Bago yan na gawa ni Lacierda, ano?
i googled the phrase “ops gov ph” and voila:
http://www.google.com.ph/search?hl=en&source=hp&q=ops+gov+ph&btnG=Google+Search
i just clicked on the link “Cached” of the first link “Office of the Press Secretary Online.”
down ang original site. likely suspect? we all know who…
—–
re: walang anticipation ang aquino team:
sana, look before you leap muna…no jumping to conclusions please…
chi,
sabi ng google:
Pilipinas pa. Marami talagang dapat baguhin diyan. Kahit ng sa AFP website, si Bangit pa AFp chief. Tongue’s explanation is more plausible. Malamang di pa bayad yung site kaya di nababago ang laman. 😛
Natatakot naman akong i click yung mga link at baka matulad ako kay Kosang Tounge na binura ang mga gmail accounts.
Oo nga Kosang Tounge, wala na naman sa poder ang mga iyon. sino yung ex Sec.?
mukhang not ready for prime time ang team ni noynoy.
mahina si julie abad na manager. that should have been one of the items in the checklist for the transition.
tapos merong circular na in and out.
amateurs.
Ayaw mabuksan itong: http://www.gov.ph/ Siguro napahiya ang webmaster.
The Press Secretary’s website is okay. http://www.ops.gov.ph It had Aquino releases starting June 30. That’s where I got the photos of Noynoy’s first day in Malacañang.
A source said this is happening because nobody is in charge of Malacañang’s press office. The Hyatt 10/LP group and the Samar Avenue/Kamag-anak Inc group are still wrangling over OPS.Ang Noynoy is still refereeing.
Ay naku.
Nag rereferee ba o baka hindi alam ni Noynoy na naghihilahan pa yung dalawang faction? Kailan ba papasok sina Carandang?
Maiba lang Ms.Ellen, ibalita ko lang bukod sa pangangapa ng team ni Noynoy, ang pagiging clumsy ni Noynoy!! Hindi yung pagiging late nya sa AFP turn over at kasalanan nya yun at hindi sya nagwangwang at nag counterflow o gumising na maaga.
Anyway, sa unang sabak ni Noynoy sa AFP parade, very tentative ang movement habang nag paparada. Nung tutugtugin na ang Lupang Hinirang, nauna ng split second sa pagtaas ng kamay sa pagsaludo at nang mapansin na hindi pa sasaludo ang mga katabi, kunyari inadjust ang salamin na tyempo naman saludo time, kaya from eyeglass to salute. I find it amusing and reminded me of Cory when she executed her first salute at the Club Filipino after her oath taking.
To top it all, sa maling podium unang nagpunta si Noynoy para sa speech nya. Pinalipat na lang later sa podium na may seal ng PORP bago nagumpisa ng speech. Sino ang nagkulang dito, si Gazmin o David. Syempre hindi ko sinama si Noynoy at Bossing ko yun.
Oblak:
May designated protocol officer yan sa AFp na dapat nagguide sa kanya. Normal lang yan. Di naman kasi sundalo si Noy na malalaman nya agad ang nuances sa military ceremonies. Ako nga nag aide de camp pa ko noon at nawawala ako sa seremonyas. He will learn. Part of his learning curve pa rin yan. Ok lang yang mga ganyang balita kaysa naman sa mga unang araw pa lang e mababalitaan na natin agad na may kumita na sa mga transaksyones ng gobyerno. 😛
I assume it is Manolo Quezon that the Hyatt 10/LP group is pushing. The other faction is for Ricky Carandang. I was told both have been called to a meeting by Noynoy but no results yet. Kahit si Edwin Lacierda hindi alam.
BTW, iba yung ops site sa op.
Yung OPS site displays a long line of gibberish text in Chrome and in Firefox, redirects to news.ops.gov.ph.
Ok lang yang mga ganyang balita kaysa naman sa mga unang araw pa lang e mababalitaan na natin agad na may kumita na sa mga transaksyones ng gobyerno.
So far, unbeaten pa rin yung record ni Gloria sa IMPSA na nagbigay ng gov’t guarrantee in just two days after her oath kapalit ng $14M. Baka naman makalimutan pa yan ng Turotot Commission. Madali na sigurong kumbinsihing tumestigo yung “hulog ng langit” (na nauna ang mukha) na si Brother Mark Jimenez dahil relihiyoso na DAW siya.
Napanood mo ba Tongue si Aling Glue na dumaan sa NLEX na di nagbayad ng toll? Dorobo talaga ang pandak na yan!
Sa totoo lang Ka Henry, gusto sanang ilagay “I find it endearing” yung “clumsiness” kaya lang baka mabasa ni MPR at pagdudahan pa ako!!
So far, so good naman ang first two days. There are glitches which is expected naman. Sabi mo nga wala pa namang kontra dun sa mga sinabi nya noong Myerkules.
Sayang at kamag anak si Montelibano kaya hindi pwede. BAka pag nainis si Noynoy, si Ronnie Nathanielz na ang kunin. Yan ang malupit.
For me, although ok naman pagusapan, non-issue yung mga “bloopers” ng bagong admin. Ok lang yan at aminado naman sila sa kanilang pagkakamali. Maitutuwid din yan. Ang banatayan dapat ay yung mga kilos ng mga opisyales na balak gumawa ng kabalastugan. At lalong bantayan ang Pidal family et. al. Di pa rin sigurado si P’Noy kung sino ang mga tutuong kaalyado niya. Marami diyan na nagpapanggap lamang, pero mga doble kara pala.
@Henry re: #29:
Narinig ko nga yan sa balita, sabi ng NLEX spokesman eh nilibre daw talaga nila si pandak dahil sa kanyang “estado”. Ngek!
May nag bulong din sa akin dati na di sinisingil ng St. Lukes Hospital ang mga Pidals tuwing magpapagamot sila doon. Tutoo kaya ang tsismis??? 😛
Minsan iniisip ko na di sa ayaw nila (St. Lukes) singilin ang mga Pidals pero baka takot silang singilin. 🙂
And take note na mabilis humingi ng dispensa ang Presidente nang ma late siya sa turn-over ng CS,AFP, an uncharacteristic trait for the most powerful man in the country but is actually second nature to the self-effacing Noy. That’s how I remembered him in the circa 90s. Truly Cory’s son.
@Mike:
Bolahon nila si Noy panot! 🙂
bolahin
OT
DENR Sec. Ramon Paje on polluters:
“….he asked his legal department to study the possibility of subjecting those apprehended for smoke-belching and polluting waterways to a form of “community service” cleaning up the esteros for one week. This is separate from the fines under current laws.”
“For polluters who are rich, Paje said they can instead hire people from a list of jobless persons provided by the Department of Social Work and Development to clean the waterways for two months.”
Ano ‘to? Double standard???
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100702-278845/Punishment-for-polluters-clean-esteros-for-a-week
Di nga raw nagbayad ng toll. Pero may joke na hindi pinalusot ng konduktor kaya siningil ng pamasahe dahil wala naman daw dalang ID (badge) na presidente siya.
Sabi ni Cocoy Victory Liner, pero yung nakita ko sa news yellow and red stripes na kulay ng HM Transport. Pag-aari ni Hector Mercado ma malaki ang natipid sa taxes and duties sa importation ng 200 buses na natural gas fed galing China. Kamag-anak yata yan ni Cong. Lani Mercado-Bautista ng Imus.
Mike, diyan sa pollution, meron akong tip. Yung malalaking semiconductor factories, lahat yan polluters. Zinc Chromate, Potassium Chromate, Potassium Cyanide, Gold Cyanide at Silver Cyanide. Sa metal treatment process. Iasama mo pa yung Indium, Gallium at arsenic sa polishing ng silicon wafers. Water pollution pa lang yan. Meron ding air pollutants na kadalasan acidic.
Sa isang seminar ginisa ko yung representative ng LLDA (kung ang factory mo ay nagtatapon ng tubig sa Laguna Lake – jurisdiction yan ng LLDA; Kung sa Pasig River/Manila Bay – DENR ang may jurisdiction) kung ano ang parusa sa mga violators. P1,500 a day daw ang multa. Ha? Sisiw na sisiw yan sa mga semicon gaya ng Intel na kumikita ng ilang milyon araw-araw. Kung ganyan lang ang parusa ni Paje – 2 months cleaning the waterways – mas makakatipid pa sila doon sa dating P1,500 araw-araw.
Tongue, naalala ko tuloy yang science subject ko nuong high school pa ako. Memoryado ko dati ang Periodic Table of Elements at mga symbols. Ngayon wala na akong maalala except H2O 😛
“The Press Secretary’s website is okay. http://www.ops.gov.ph It had Aquino releases starting June 30. That’s where I got the photos of Noynoy’s first day in Malacañang.
A source said this is happening because nobody is in charge of Malacañang’s press office. The Hyatt 10/LP group and the Samar Avenue/Kamag-anak Inc group are still wrangling over OPS.Ang Noynoy is still refereeing.
Ay naku.”
mukhang pareho si noynoy at ng nanay niya. mahina in the face of kamag-anak and friends. and generally mahina. good intentions are good but are not enough.
For me, although ok naman pagusapan, non-issue yung mga “bloopers” ng bagong admin. Ok lang yan at aminado naman sila sa kanilang pagkakamali.
Ang mahalaga, inaamin at hindi pinagtatakpan ang pagkakamali. Ang mahalaga, may natututunan sa mga pagkakamali.
Hindi naman siguro gaano kahirap isisi sa kung kanikanino ang mga bloopers na yan, o kaya e umisip at magbigay ng mga palusot.
These bloopers, and the subsequent admission of fault and apologies, can be interpreted in so many different ways. Call it whatever way you please, but I see it as transparency.
nasabi ko:
matagal ko na rin kasing di ginagamit ang “op” site kaya hindi force of habit ang pagpunta ko doon. kumukuha lang ako dati ng speeches ni gloria sa “ops” o “newsdotops” sites.
kaya, ang blog item na ito ay trivial lang sa akin. besides, propaganda* lang ang maaasahan mo sa office of the president and similar sites.
tama na sa akin ang effort ng kasalukuyang office of the press secretary na i-update ang sariling website.
nguni’t ibang usapan kung ang tsismis ni ma’am ellen ay may katotohanan. hintayin ko na lang ang confirmation nito. pansamantala, optimistic pa rin ako na maaayos ang gusot at ang pagiging amateur ng mga Aquino.
kaya at this point, conditional honeymoon pa rin muna ako sa pagtrato sa bagong administrasyon. may kaunting saya pa rin sa akin na lumisan sa trono ang panggulong gloria.
—–
*pati rin siyempre sa nbn channel 4 sa t.v.
I assume it is Manolo Quezon that the Hyatt 10/LP group is pushing. The other faction is for Ricky Carandang -Tongue #27
Tongue,Manolo and Ricky belong to the same camp: the Hyatt10, LP camp, together with Lacierda.
Re #43.nguni’t ibang usapan kung ang tsismis ni ma’am ellen ay may katotohanan. -Baycas
Baycas,I don’t indulge in tsismis.I will not put anything here that has no basis.
Thanks, Tongue for the warning. I was trying to post it last night but internet connection was so bad.
Nakita ko rin sinasabing google cache. totoo nga na may macapagal.com. Expect a denial from the Arroyo camp kapag na ungkat ito.
Kailan ba kayo nakakita ng limatik na napuknat kaagad sa pagkakadikit sa kinakapitan?
‘Ayan nga’t wala na sa Malakanyang at hinalal ng mga hangal na taga second district ng Pampanga upang kanilang maging kinawatan sa Butasang Pambansa at nagpaparamdam kaagad na gustong maging Prime Ministress katuwang ang kanyang anak na walang ginawa kundi ecstacy este, mag-fantasy na they still are relevant pa at merong mga tangasunod.
Una, kung mababasa itong blog ni Ellen, nina GMA at kapanalig nila, malalaman nila na walang paghanga sa kanila, ang nakararaming Pilipino. Inis at pag-kutya sa mga ginawang kabal-balan o di maganda sa kapwa Piipino, Bansa, at sistema ng gobyerno na kanilang sina-la-ula. Ito na lamang na Website Issue, kung matino sila, mayroon namang binuo na ” transition team ” sa pamumuno ng ginang-Bautista, dapat isa itong mahalagang ” agenda ” na pinag-handaan, ngunit, grandstanding or pag-papaawa sila ( na ma-retain ) sa pwesto.Dito lamang, 100+++ ang di wastong pag-uugali ng naka-raang rehimo or admin, ngayon, todo, banat sa CHA-CHA sila, para mag-line dance, uli sa pag-papahirap ki Juan de la Cruz…sana manahimik na sila, at pag-bigyan naman si Pangulong P-Noy na maipa-dama sa bansa at Pilipino ang kanyang mga pangako ( kung di makakatulong, manahimik na lamang ).
Pareng Ompong,
Paano nga? Eh, pinapahirapan nila ang bagong administrasyon sapagkat ayaw nilang maaninag ang bakas ng kawalanghiyaan ng kanilang itinaguyod na bulok na pamilya. Katulad nga ‘ika mo nitong may sungay na si Elena Bautista, kung hindi ba naman palpak at may topak, dapat hinanda na nila nang maayos ang daratnan ng papalit sa kanila.
Maliwanag lamang na sa naging bulok na kalakarang politically corrupt patronage ng nakaraang panggulong administrasyon, kaming mga karaniwang mamamayan ay hidni matatapos ang pagdurusa at palagi na lamang aasa sa mga pangakong pagbabago sa pagsasalinsalin ng kapangyarihan sa gobyerno.
Sana nga, sana nga. Si PeNoy na ang simula ng pag-asang ‘yun.
Yaks, pati ba naman yang website ng Office of the President e pinatulan pa ng mga trojan horses ng rehimeng arroyo?
RE: Una, kung mababasa itong blog ni Ellen, nina GMA at kapanalig nila, malalaman nila na walang paghanga sa kanila, ang nakararaming Pilipino.
Umaasap na nga ang kanilang mata sa inis Igan Rudolfo…mapapaso sila kung maliligaw sila dito sa Ellenville garden, kasi di nila kayang amoy-amuyin ang bango ng halimuyak ng mga bulaklak dito.
Malaki ang pagkakautang ng rehimeng arroyo sa Masang Pilipino NOT kay P-Noy, ang common denominator ng 10-years nating paghihirap e ang pakikikutsabaan ng lahat ng mga conspirators ng EDSA II at kasama na dito si P-Noy kaya dapat silang lahat e pagbayarin sa atrasong ito sa bayan.
Di siya excempted ko mo naging Pangulo siya ngayon at dapat para makabawi ang Masa e ipakulong niyang lahat ang mga traydor at naghudas sa ating Saligang Batas kasa si Davidead ng Untruth Commission?
RE: Sana nga, sana nga. Si PeNoy na ang simula ng pag-asang ‘yun.
Mangyayari lamang ito Igan MPR, kung magpapakatotoo siya sa kanyang bukang-bibig na pagbabago.
Ang kaso kauupo lang sa trono at di pa nagiinit ang puwet e semplang kaagad ang MC1…bawi agad kasi nga yari siya sa mga Masang Obrero na karamput lang ang sweldo.
Nagpakitang gilas nga…hayon ang pinagdiskitahan e ayong mga pasaway ng Noypi, aba e wang wang ang tinarget?
Ang daming problema na dapat bigyan niya ng pansin at panahon…hayan yaong mga kurap at wala nang immunity, sige upakan niyang lahat para makita natin na tunay ang kanyang sinasabi.
Baka naman puro buladas lang e bahag naman ang buntot…paano yan, si Davidead ang naatasan para humawak ng Untruth Commission?
Di ako mapalagay Igan…sure walang mangyayari sa ating ipinaglalaban na litisin at ikulong ang mga hudas at sinungaling na nagpahirap sa ating bayan at Kababayang Noypi.
Ang masasabi ko lang eh P-Noy’s administration (or any previous admin) is definitely far much better than Gloria’s super corrupt regime. Tinalo pa ni pandak si Marcos sa pagkakurakot at kawalanghyaan.
Sinabi mo pa Igan MPR, hope na ang mga Bulong-Brigade + Kamag-anak, inc. e never na maghariharian sa P-Noy gov’t?
Sure, matutupad yaong pinapangarap nating pagbabago!
O, hayan na OK na ang http://www.news.ops.gov.ph/!
Si P-Noy na ang star of the day.
Balweg, wala naman problema ang OPS website. Read the post.
it’s the OP (Office of the President) website that has been disabled.
Opo Maám Ellen…kita ko nga kanina sa opis at ang pictures na ni P-Noy ang nakalagay! Buti naman…kasi laos na si madam gloria e dapat ang bagong halal na Pangulo ang siyang bida dito.
Yung Channels 4 at 13, kailan kaya aayusin? Kung sa information dissemination (at syempre propaganda na rin) mas effective ang TV para sa mga ordinaryong tao kaysa sa internet.
Yung mga walang internet sa bahay, kung magbabayad man sa internet shop, hindi para buksan ang OP o OPS.
They are supposed to be professionals, smooth and clock-work precision in what they do, but….. in the other hand, I understand where they’re coming from.
It’s just like a first day in school jitters, confused but excited, over-zealous and over-eager to show what they knew and what stuff they were made of, resulting in some minor glitches. So I don’t blame them, just let them charge it to experience.
Actually, mistakes, bloopers or whatever are usually a norm in an on the job training.
RE: Actually, mistakes, bloopers or whatever are usually a norm in an on the job training.
Tama Igan Florry, ang punto ba o ayon at batay sa naunang hakbang ng P-Noy gov’t e parang nag OJT pa sila?
Dapat sa estado ng kanilang kinatatayuan ngayon e well experience na sila sa larangan ng anumang pwesto o posisyon na kanila ngayong hinahawakan.
Ang problema…inept or incompetent sila upang pamunuan yaong pwesto na itinalaga sa kanila? Ang dami namang professionals at mga career officers ang gobyerno o mga private citizens na de kalibre sa private sectors na pwedeng italaga sa anumang pwesto sa gobyerno.
Ang hirap magtatalaga nga ng bagong Secretaries like Bro. Armin e astig pala walang modong makiharap sa media e paano pa tayong simpleng mamamayang Noypi.
Heto isa pa…aba naman, bakit at wala na bang iba upang italaga bilang bosing sa bagong-luma na Untruth Commission, kasi nga ang tunog e parang PCGG ang dating nito.
Yaks, CJ Davide…anong logic nito, parang iginisa tayo sa sariling mantika o kaya parang kanin na isibo sa ating bibig at saka ipinaluwa? Ang pahahawakin ng Untruth Commission e isang abugago…i mean, abugado na kabisote sa batas.
Saan tayo patutungo nito kung ganito ng ganito ang IQ ng mga Bulong-Brigade na kanyang handlers sa Palasyo, absent at during EDSA DOS con Hello Garci events kaya parang walang alam sa mga nangyari at nangyayari sa ating lupunan.
Magsigising naman kayo…paano magkakaroon ng pagbabago sa ating bansa e pinaiiral nýo ang inyong row 4 na pag-iisip.
Mag-isip naman kayo at never pairalin yong utang na loob, nakataya dito ang kinabukas ng Pinas at buhay ng milyong Noypi.
Italaga ang qualified, disiplinado at maka-Noypi na lingkod-gobyerno para maayos at tumino nman ang takbo ng ating bansa once and for all.
Yon lang! Di ba maging hapi tayong lahat…
Sa mga sablay ng mga secretaries niya, humihingi ng pasensya ang Presidente:
http://www.abs-cbnnews.com/nation/07/04/10/aquino-apologizes-cabinet-men%E2%80%99s-behavior
Yung dating gobyerno, kahit mga secretaries, di man lang mag-sorry pag nagkakamali sila o ang Boss nila. Ngayon, Presidente pa ang humihingi ng pasensya para sa mga secretaries…. Sariwa na yata talaga ang simoy ng hangin.
Tama lang kasi alter ego sila ni P. Noy. Kapag may palpak ang kanyang Cabinet men sabit siya.
This is symptomatci of a very unprepared cabinet.
They want the job? Got the job? Then, they must be prepared and ready to implement the changes that are needed from day 1 of assuming power. There can be no excuse for such a PR glitch as huge as this.
Whoever is responsible in Aquino’s cabinet for allowing this to happen days after Aquino is installed in power should be spanked vigorously and msut not be allowed to make excuses. Next time he botches his job again, he must be shown to the door never to be seen again.
Anak ng tsupipay!
Nag-iwan pa pala ng magandang accomplishment si goyang. Look, see, watch and stare sa kodak n’ya sa itaas.
Lahat na lamang ng pabalat bungang ginawa ay nakapamukha kahit saang makikita ang litrato ng walanghiya subalit tanungin kung anong kabutihan ang dulot kundi pansamantalang ginhawa dulot ng limos.
Vibrant economy daw, eh!
I-vibrator o i-jackhammer ko kaya ang mukha ng lintek na ‘yan!
Relax mga kaibigan. It is not easy to undo what nine years of Glo’s misrule did to the whole bureaucracy. You have to untangle all the gordian knots left behind by GMA. Doon na lang sa mga midnight appointments ay hirap na agad. You have to vet so many replacements to make sure na di palpak ang mga ipinalit na bago. Suffice it to say na wala ng nakakagalit at nakaka high blood na headlines ng nakawan, massacre ng media, iskandalo kaliwa’t kanan. Di nyo napapansin, pati tuloy wang-wang ay di binibitawan ng media kasi wala silang maibalitang iskandalo o karumaldumal na krimen.
Why doesn’t media take to task yung local government at local PNP sa Kalinga instead of making it a headline na 1st media casualty sa bagong admin? I would understand doon sa nangyari sa Maguindanao kasi yung mga local na opisyales mismo ang nagpapapatay. Pero yung iba bakit di man lang pinapanagot yung Mayor o Governor doon? Bakit parang naging problema agad ng Presidente pag may ganoon? Anong silbi nila? Dapat taningan ng Mayor o Governor doon ang hepe ng police. Ipasibak pag di na solve. Kaya naman ng ibang Mayor at Governor at magagaling mamuno doon sa nasasakupan nila. Di yung ipapasa pa sa Malacanang. Kaya nag a la diktador tuloy si Putot kasi sa kanya rin naman pala ibubunton ang sisi sa bandang huli kaya hayun! Inasar lang tayo lalo. 😛
Correction (comment #38) Homer Mercado not Hector Mercado. Kaibigan ko pa naman si Hector.