Skip to content

Gloria Arroyo files charter change resolution

On her first day as congresswoman, Rep. Gloria Arroyo filed a resolution calling for charter change.

From ABS-CBN News online:

A day after stepping down as President of the Republic of the Philippines, Pampanga Rep. Gloria Arroyo filed a resolution to amend or revise the 1987 Constitution.

Arroyo’s proposal seeks to convene Congress in a constitutional convention for the purpose of amending economic and political provisions in the Constitution.

Critics of the former President have said Mrs. Arroyo is planning to push for a shift from a democratic to a parliamentary form of government in the hopes that she could be elected prime minister.

Mrs. Arroyo earlier said she will not pursue the Speakership of the House of Representatives, opting instead to concentrate on strengthening the Lakas-Kampi Christian Muslim Democrats coalition. Report from ANC

Presidential spokesman Edwin Lacierda said at a briefing in Malacañang that they are not surprised by Mrs. Arroyo’s first act in Congress.

“That has been her commitment even before. It’s not surprising for us,” Lacierda said.

He said President Benigno Aquino III was not immediately aware of Mrs. Arroyo’s Charter change bill as he was still meeting with foreign dignitaries.

He said it’s possible that Liberal Party congressmen will discuss with President Aquino on how they will block Arroyo’s bill.

Lacierda, meanwhile, assured that Malacañang will not do something drastic to block Arroyo’s bill. He said they will “let the legislative process take its course.” Report from ANC

Published inBenigno Aquino IIICha-Cha

46 Comments

  1. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Tila may balak na maging Prime Minster. Plagay suntok sa buwan. Hindi niya hawak ang ibang diputado galing sa iba’t-ibang partido. Maliban kung trojan horses ang mga instant LP balimbings gaya ni Manny Pacquiao. Kung sabagay marami siyang perang nakurakot pang-suhol.

  2. MPRivera MPRivera

    Ooops, teka muna!

    Sino ba itong Rep. Gloria Arroyo na ito? Magpakilala ka muna bago ‘yang charter change mo.

    Ipaliwanag ang kahalagahan ng charter change sa aming kalagayan bilang mamamayang nagbabayad ng buwis na siyang ipinansusuweldo sa iyo kasama na ang milyon milyon mong pork barrel na hindi mo gustong mawala sa iyo.

    Ikaw ba ‘yung dating umaastang presidente na kilalang bantog na panggulo?

    Para ka palang nasa hagdan, hane? Panhik panaog sa puwesto. Galing ka na sa inagaw na tugatog, ayaw mo pa ring bumaba agad habang meron ka pang naaamoy sa kaban na iyong masisimot kasabay ng pag-iwas sa mga pananagutang iyong kinasasangkutan na hindi mo gustong harapin ng iyong mga kinasangkapang bayarang utuutong tagasunod.

    Paalala lang. Alalay, dahan dahan sa pagpanaog sa hagdan ng kapangyarihan. Baka ngayon ka madupilas. Alalahanin mo, mataas pa rin ang baytang na iyong tinutuntungan. Masakit pa rin ang malakas mong paglagapak.

    Pero huwag kang mag-alala. Sasaluhin ka naman namin, eh. Maghahanda kami ng tinulisang buho at sanga ng bakawan dahil ‘yun daw ang mabisang pamuksang pamatay sa lahi ng katulad mong masahol pa sa bampira at asuwang. Halos said at tuyot na ang dugo namin dahil sa iyong kasibaan at hindi na kami papayag na muli ka pang makapanalasa at makapaminsala.

  3. J J

    I think she’s testing the waters, trying to see if she still has following among the House members.

  4. I know this kind of gambit. It’s both a preemptive and vengeful move to ensure those traitors who jumped from her fence will not be given any committee chairmanship since they will now be suspected cohorts of Gloria in this Chacha reso. She will then be recruiting those disgruntled turncoats back to her fold.

    On the other hand, should the Noynoy-Belmonte camp decide to call the bluff and appoint them anyway, they just sealed the deal with finality much earlier than planned unlike that in the cabinet where appointees refused at the last minute. If these people are actually Gloria’s trojans, we’re in for a lot of trouble as the only way to secure their stranglehold on these ex-Palaka conmen is to release early their pork barrel. That is a trap set to ensnare Noynoy into a no-win situation.

    Grabe si Putot, atat na atat. It’s Noynoy’s first working day, gusto na paikutin ang ulo. Yan ba ang counter-attack sa Truth Commission?

    Sa dami ng ebidensiya dun sa mga kaso, ifile na sa DOJ ang isa muna at ng maipakulong na agad! Tignan natin kung hindi umatras.

  5. Yan ba ang counter-attack sa Truth Commission? – Tongue

    I think so. I’m writing a column about that now.

  6. Mike Mike

    Dito natin malalaman kung ilan pa sa mga congressmen ang hawak ni Gloria sa kanilang yagbols. As for trojan horses, take note na si Belmonte na gustong mag speaker ay laalyado rin ni Gloria, huli na nung lumipat siya sa LP. Aabangan natin ‘to.

  7. Mike Mike

    …ay kaalyado…

  8. if she couldn’t change the charter when she was malacanang resident, what makes her think she’ll have better success this time around?

  9. chi chi

    Agree, john! The bitch is just messing around, testing if her luck has a second time around.

  10. chi chi

    But of course, we should never ignore the unana…tututukan natin ang mga kababuyan nya hanggang tongress. Sana yung isang bala ay nahagip sya!

  11. Oblak Oblak

    After declaring na “I will simply fade away”, heto bumabanat na si Arroyo at kasama pa ang anak. Paano ka ba naman magtitiwala sa babaeng yan. Kaya hindi mo masisisi ang mga taong “binastos” sya sa Quirino Grandstand.

  12. saxnviolins saxnviolins

    Ingat mga kababayan, at bantay-bayan. Baka naman a la Atoy Co yan, or Michael Jordan, matinik sa fadeaway jumpers.

    Magandang pampagulo yan. Matalo man o manalo, it will occupy the time of the House. Diyan masusukat ang legislative skills ng magiging Speaker, kung kaya niyang i-una ang mga mahahalagang panukala, at i-huli ang mga panukalang posturing lamang (pang-ingay, wala namang pag-asang maipasa).

  13. Oblak Oblak

    Mas maganda sana kung si Arroyo ang nag refile for ratification ng Freedom of Information Act, mas hahangaan pa sya ng tao. Kung mairefile ang bill, interesting makita kung paano boboto si Arroyo. At please, yung may retroactive effect na FOI.

  14. MPRivera MPRivera

    Ito, puwede dito, eh. Malalim na ‘yung isang pitak. Kahit wala kayong pahintulot, walang aangal. Sinisipag ako’t inspirado kaya napabayaan na ang trabaho. Nasa dulo nitong mga taludtod ang isang magandang aral.

    Wala munang sisingit subalit hinahamon ko ang maginoong founder ng BAGSIK, Inc. Ilabas na niya ang kanyang diksyunaryo ng naligaw na isip. Huwag din niyang ipapahiya kaming eksklusib na grupo ng Parekoys. Nasaan na ‘yan? Abala sa pagluluto? Aligaga sa paglalaba? Nagpapahinga habang naglilinis ng bahay? O, pinapaypayan si kumander niya habang namamalantsa kasabay ang paghimas sa bukol sa bumbunan?

    Preng Joe, lumabas ka na!

    Nahawi na ang ulap ng mga bangungot
    Na sa bawat araw noon ay ngitngit ang dulot
    Napawi na ang lambong ng naghaharingimbot
    Ang silay ng pag-asa’y pumawi sa lungkot
    Papaglulubagin ang kimkim na poot.

    Ngayon ay aliwalas na ating papawirin
    May hatid na sigla ang amihang hangin
    Bigkis ng pagkakaisa sa bawat layunin
    Paghahawak kamay sa anumang naiisin
    Tanda ng pagbubuklod ng ating damdamin.

    Pagkakapantay pantay ay bigyang puwang na
    Iwaksi ang masamang ugaling minana
    Bago nating punahin ang dusing ng iba
    Tahilan ay alisin sa sariling mata
    Ang sariling dungis ang linisin muna.
    Ang panibagong yugto nitong kasaysayan
    Ay isulat nating may baong pag-asam
    Pagkatapos ng singkad na dusta’t pag-uyam
    Huwag hayaan muling sukab ay mangibabaw
    Lupigin ang anumang tangka ng gahaman.

    Alalahaning mahusay manlinlang ang diyablo
    Gayundin ang isinumpang mga anti-Kristo
    Silang mga sugo ng hari ng tukso
    Sadyang pagkawasak hatid ng delubyo
    Pang-akit ay bitag sa pagbabalatkayo.

    Ating gawing aral ang masasamang gawi
    Ng sa ati’y luminlang na mapagkunwari
    Huwag muling padadala sa huwad na ngiti
    Sa kaway ng malikmata ay patibayin lagi
    Kalasag na pagsugpo sa layon ng imbi.

    Nagkalat na tukso sa likulikong daan
    Mga nag-aanyong tupang animo ay banal
    Katulad ng hiyas na may ningning at kinang
    Ikinukubli ang iwing kamandag na taglay
    Na hindi maitatago sa likod ng malay.

    Ito ang siya ngayong layuning puksain
    Ng sa ati’y dumulog at humawi ng dilim
    Lahat ng upasala’y nagawang tawirin
    Pagyukod sa unday ng sukab at sakim
    Hinarap n’yang matatag at ng buong giting.

    Narito na ngayon sa atin ay nanunumpa
    Upang siya ang mangunang supilin ang lisya
    Masisinag sa kanyang pagpapakumbaba
    Ang masidhing layon sa pakikibaka
    Samasamang pag-ahon sa pagdaralita.

    Kaya nga ating bigyang pansin ang paghibik
    Tawag ng pagbabagong kanyang inilalapit
    Paunlakan ang hamon ng masidhing nais
    Magdaop palad tayo’t mangagkapit bisig
    Upang mithing pagbangon ay ating makamit.

    Ipagpapalit na natin sa mumurahing tanso
    Ang kinang na taglay ng nakaw na ginto
    Salat man sa rangya kung linis ng puso
    Tanggaping marapat ang alay pagsamo
    Ng dinusta nila’t itinuring na sinto!

  15. Bonizal Bonizal

    akala ko ba eh para sa kapakanan ng kanyang kabalen ang aatupagin eh unang araw pa lang ng session nila, cha-cha na agad ang inatupag. sana nagpahinga ka muna ng ilang buwan bago ka bumanat ng ganyan. nakakapag-init ka talaga ng ulo bwiset! grrrrrrrrrrrr

  16. Oblak Oblak

    Sa mga nakakamiss kay Arroyo, huwag kayong mag alala! Walang balak mawala sa limelight ang unana at gustong pagbigyan kayo na may mumurahin araw araw. Ako nga napamura na kanina nung makita ko na nasa party sa US Embassy. Wala si Noynoy dun pero si Binay at Romulo present sa party.

  17. Rudolfo Rudolfo

    Isang pananaw, Ang Pampanga ba ay Pilipinas, at ang Pilipinas ba ay Pampanga ?..Sa pag-uugali ni ginang GMA, parang ganyan ang ibig niyang sabihin. Ka-bababa lamang ( di pa yata, umi-init ang upuan niya sa 2nd district of Pampanga, gusto na niyang hilahin ang ” baho sa Pasig River ” y malacanang sa Pampanga ). Ganid talaga ! Mas okay pa at di halata, ang katusuhan, kung nag-hintay lamang ng ilang-lingo o buwan, bago niya pina-tug-tug ang Cha-cha ( kaya gusto niya lahat ng Arroyo nasa pwesto, para may bilang sila, kung kakapusin sa mga mga “ASS Kissers “, o mga maka-pili ). Ito namang mga, makapili ( GGG and Co.), maka-sarili ( di yata tunay na mga PILIPINO ang mga iyan, walang pagmamahal sa bayan ). Kahit na yata banyaga, nagkaka HB, sa ugaling, ngiting ” kuniho ” ( pumatay-kumakain ng kabang-bigas ng bayan, parang Bola(n)te ). Mga
    “kontrabida” sa layuning “kabutihan” ng naka-rarami, sa
    pamumuno at sinumpa-an ni P-Noy, mga Ilang oras pa lamang, mula sa Quirino grandstand ( mabilis pa sa kidlat, ang pag-patugtug ng sirang plaka, na CHA-CHA, nitong, ala, kunuho kung ngumiti ( rabbit smile ). Sana, patawarin ako, sa aking mga sina-sabi, ngunit, reaction lamang ang mga ito, sa GANID at masamang budhing pag-uugali..Sana, mag-resign na sa mga tungkulin ang may mga ugaling ganito, dahil,di UUSAD, uunlad ang bansa, at malaking kabiguan sa mga promisa ni P-NOY. Sila ang ” sorot o anay ” na unang, dapat linisin, dahil iyan ang ugat ng kamalian ( the attitude of GREED),sa mga pamu-nuan ng bansa ( katulad ng dating CJ, bakit nandiyan, wala na bang iba ??). Pagtu-unan ng pansin din ang mayroong ” MAKAPILI-hudas attitude “, sa isang samahang may-magagandang layunin.

  18. chi chi

    kuya Oblak, nasa US embassy party kamo si Gloria? Ang lintek na yan at nauna pa dun! Buti hindi dumalo si kuya Noy kundi ay baka maging negs kaagad ang paligid nya.

  19. chi chi

    Mags, pwede ko bang isali sa tulaan sa FB yan, bibigyan kita ng by-line. Hahaha! Oy, serioso ako ha…

  20. chi chi

    May delusion of grandeur itong si Gloria talaga, hangga ngayon akala uso pa sya!

  21. balweg balweg

    Ano ang iyong natsibog…aming Igang MPR,
    Naging mabulaklak ang iyong pluma.
    Dala ba ito ng sobrang pagpupuyat,
    O, baka naman nadami ka ng paglantak ng P-Noy sa kanto.

    Marubdob na paghanga sa iyong mga tinuran,
    Banat dito…banat doon.
    Sabay kambyo ang winiwikaý,
    Papuri sa isang espesyal na Kuya.

    Dito mapagtatanto ang busilak na puso,
    Kahit na magkomento sa palpak na unang Memo.
    Ang sigaw sa balana…bigyan ng pagkakataon,
    Maging mabuting P-Noy di tulad ni Madam Hello Garci.

    Paano yan mga Katoto,
    Unang araw pa lamang ni Madam sa Tongreso.
    Ang hirit…e magchacha muna,
    Upang mabago daw ang takbo ng bulok gobyerno.

    Oppsss…walang hihirit mga Igan,
    Kundi magagalit sa atin si Mang Demokrasya.
    Kalayaan ng sinuman ang magpahayag ng saloobin,
    Bigyan diin ang sapantaha na may pagmamalaki sa sarili.

    Ngayon…ito ang malaking hamon ng tadhana,
    Papayag ba tayo na muling paglaruan ni Madam.
    Sa kanyang mga palad na kinakalyo,
    Maging sunud-sunuran sa dikta ng pagkagahaman.

    Dito masusubok ang P-Noy na ibinoto nýo,
    Bigyan diin ang talumpati ng pagbabago.
    Hamon ay tuldukan ang lahat ng kabuktutan,
    Lihim at lantarang ginawa ng rehimeng Not Once…but Twice!

    Di na muling nakahirit makopo ang Hocus-PCOS,
    Kanyang tandang na panabong tigok sa laban.
    Kaya heto’t muling umaarangkada yaong diwang talipandas,
    Nangangarap muling maupo sa enchanted kingdom!

  22. rose rose

    bakit na sa US Embassy party si putot?…was she asking to be deported sa New Mexico? dapat sa Sing Sing sila dalhin..para malapit lapit sa VicTohRia peak…wheee love is a many splendored thing…where he left his heart.. in San Francisco.. kasi ang sabi..love is loverlier the second time around..hindi ba?

  23. pranning pranning

    02 July 2010

    Ano ba yannnnnnnnnn!!!!!!! hindi pa nakaka isang longgo ang bagon administrasyon e eto na itong si leprechaun at ang anak nyang hunghang na nag file ng bill para mapalitan ang saligan batas?, katulad ng nakakarami, isa ako sa nag-aagam agam sa maitim na balak nitong si pandakekok at anak na bisugo.

    Dapat nga siguro sampahan na ng katakut-takot na kaso itong pamilya pandakekok e. Kaya panawagan ko, umipsahan na agad ang imbestigasyon.

    At kay P-Noy, ingat-ingat ka at lumabas na muli ang impakto para maghasik ng lagim.

    Panawagan ko, tayong lahat ay mag-manman at laging bantayan ang lahat ng maitim na balak ng pandak at ni bisugo.

    prans

  24. Kahit araw-araw mag file si Aling Goyang the Cha-Cha resolution sa kongress ay wa-epek iyan dahil pagdedebatihan pa at pagbotohan at kailangan ang 2/3 para maispasa.Malabo ng manyari iyan dahil halos 2/3 na ng members ng kongress ay nagbalimbing na.

    Pero nawalan na ako ng bilib kay VP Binay.Simpleng kautusan para sa ikabubuti ng lahat ng motorista ay sinopla niya ang kautusan ni P Noy na bawal na ang Wang-Wang.Hindi ba niya naintindihan na kasama siya sa may priveledge na gumamit ng Wang-Wang.

    Sumunod na lang tayo sa Wang-Wang policy ng Presidente. Kapag nag wang-Wang na alam natin kung sino na sila pag maipatupad ito.Iilan lang naman sila na pweding gumamit ng Wang-Wang.Kapag may marinig na kayong Wang-Wang ihanda na ninyo ang mga cell phone ninyo para kodakin kung sino ang nasa loob. Kapag medyo na nakakalbo si P Noy iyun. Kapag maitim si Binay iyun.Madali na natin malaman ngayon kung sino ang nakadikit natin sa traffic na pweding gawing kuwentuhan sa tagayan.

  25. I’d read the writings on the wall if I were PNoy, Arroyo has already successfully unseated a populist president, she and her minions are like sharks who tasted human blood already…they know it can be done, and how to do it…
    Remember the words of the palace speaker earlier, warning PNoy about being impeached (re Corona issue)? they must have aces up their sleaves?
    For me its easy, PNoy’s austerity measures may not be well accepted by the politicians who are used to so much money, Gloria probably already reminded them of the “good old days.” I will not be surprised if there will be an oust PNoy movement soon by her group, not to mention black propaganda, and discrediting, etc.
    …like I said, she was able to unseat a populist president (Erap) who clearly had the people’s mandate, just like PNoy, its up to these people who are with her to come up with a conscience to respect the people…as they always promise…

  26. I must admit, the woman has balls of steel…with her retinue of ex generals, and trappings of power – PNoy pales in comparison…PNoy even looks complacent with his personal security, as if he still believes he can walk among us in the public market, gotohan, tapsihan, etc., and no one will lift a finger to hurt him…I’m pretty sure no vendor, barber, taxi driver, etc. will, but a highly paid Gloria henchman will…

  27. …kung ano ang hindi kayang gawin ng ordinaryong tao, kahit kulang pa siya sa edukasyon, kayang gawin ng heneral ni Arroyo…

  28. MPRivera MPRivera

    Mags, pwede ko bang isali sa tulaan sa FB yan, bibigyan kita ng by-line. Hahaha! Oy, serioso ako ha – chi.

    Chi, okey lang. No need to ask for safe conduct pass. Approved without thinking (pero nakasahod ang palad, ang lagay? he he he.). Kahit sinong katoto, walang problema. Maaari nilang ipablis ang mga kalokohan kong tula sa kanilang FB. Just remind me na la’ang upang mabisita ko kapag nakumpleto ko na ang aking laptop. Sa ngayon kasi, lap pa la’ang ang meron ako. Saka na ‘yung top.

    Eto ang tulang alay ko sa pagwawakas ni Gloria’ng na ang naging inspirasyon ko ay ang malutong na bati sa kanya ni G. Mar Roxas, ang P.I.M.K., Gloria. Basahin pababa ang mga unang titik ng bawat taludtod:

    P agdurusa nami’y ginawa mong puhuna’t tuntungan
    U pang makamit ang mithing kapangyarihan at yaman
    T anging pansarili’t hindi ang kami ay paglingkuran
    A ng nagtutumining sa isip mo’t kalooban
    N a walang pagkasawang kakamin ang kaban
    G apang na kami sa hirap ayaw mo pang tigilan!

    I iwan mo ba kaming kahit saplot ay wala?
    N anaisin mo bang laging kami’y mukhang timawa?
    A alis kang kami’y tigmak ng mapait na luha?

    M ay pag-asa pa kayang ang puso mo ay magising?
    O kaya’y mangyaring mamulat ang mga mata mo sa dilim?

    K asakiman ay hindi na bago sa ganid mong katauhan
    A ng hatid ng pangako mo’y libo’t laksang kahirapan.

    G aano mang hirap ay hindi kami susuko
    L ahat mong panggigipit hindi kami pagugupo
    O ras din ay darating pagbabayaran mo ng iyong dugo
    R agasa ng pagngangalit sa ‘yo’y aming ibububo
    I susulat sa kasaysayang hindi kailanman maglalaho
    A anihin mo yaong poot ng bayan mong siniphayo!

    P usakal sa kasinungalingan, sangasanga ang ‘yong dila
    U mid sa pagsasabi ng katotohanan ang ‘yong diwa
    T akot sa pagkagutom walang maaring sumawata
    A angkinin mo ang lahat, bundat ka na’y di magsawa
    N amimintog na ‘yong tiyan, hayok pa rin buong siba
    G utom na isang lintang may simura ng dambuhala.

    I iwan mong buto’t balat ang anumang makapitan
    N angingitim na animo’y nilapa ng libong kawan
    A song ulol ang katulad mong isipa’y walang katinuan.

    M aging langit ay natatakot kapag ikaw ay lumalapit
    O yayi ng paghehele mo’y tila punebre sa pandinig.

    U bos na ang pagtitimpi, mapapatid na ang tanikala
    L uha sa aming mata’y natigang na’t nagsawa
    I mpit na panangis ang sa ‘yo ay pagsumpa.

    G anid kang sinungaling ang katulad mo’y limatik
    L intang hindi nabubusog saan man mapakapit
    O ras na upang putulin ang lahat mong pagmamalabis
    R ehas na sumusupil maging pagsakal na gumigipit
    I yong aanihin ang bunga ng ‘yong gawang lihis
    A raw ng iyong pagwawakas ngayon nga ay sumapit!

  29. Oblak Oblak

    Madam Chi, re #22 may kulang na isang “S”.

    MPR, ang lutong naman ng mga first letters ng tula mo. Naghanap tuloy ako ng rosario bago ko tinuloy ang pagbasa ng tula mo.

  30. MPRivera MPRivera

    Pareng Oblak,

    At least I just show artistry kahit sa galit ko sa kanya na kailanman ay hindi mawawala. Matanggal man ‘yung garapata niya sa pisnge at manguluntoy uli ang suso niya’t patapalan uli ng silicon.

    Ang yumao kong ama ay masugid na LP campaign leader noong huling mga taon ng dekada 50 at 60, panahon ni dating President Dadong Macapagal. Die hard Liberal Party supporter siya. Katunayan, lahat ng naging kandidato ng LP sa Laguna noong doon pa kami nakatira ay nilalapitan siya upang ipangampanya.

    ‘Yan ang isang dahilan ng galit ko kay goyang. Mas binigyang importansiya niya ng loyalty sa kanya kaysa pagsisilbi niya sa bayan sabihin mang hindi siya tunay na nanalo noong 2004. Katakawan sa kapangyarihan at salapi ang nangibabaw sa kanya.

  31. MPRivera MPRivera

    A ba naman, hindi mo na ba napapansin, Aling Gloria
    N akakasuka na ang mukha mong saksakan na anong pakla
    G ahaman mong pag-uugali walang hahanaping pangalawa.

    P anguluhang iyong inagaw kaytagal mo nang binababoy
    U bos na ang laman ng kaban sige ka pa ring naglulunoy
    T alampakan pang sinasabing animo’y kulog ang dagundong
    A ting tinatamasa’y kasaganaang dulot ng iyong dunong
    N gunit yao’y bunga lamang ng kasinungalingan mo at ilusyon
    G a hibla ma’y walang salang malayong kamtin kahit daantaon.

    I nalisan mo na kami ng karapatang makapamuhay
    N g hindi man masagana’y hindi gapang sa kagutuman
    A anhin ang pangako mo kung hungkag ang aming tiyan
    N anamnamin yaong pait na bunga ng panlilinlang
    G anid mong pagkahayok sa salapi at kapangyarihan.

    G apang na ang buong bansa sa gutom at pagdarahop
    L abis na pagkaduhagi ang sanhi ng pagkalugmok
    O ras ay lumilikwad pagtitimpi unti tuning nauubos
    R agasa nitong ngalit huwag hintayin ang pagsabog
    I mbi mong mga hangari’y itigil na’t bigyang tuldok
    A lis na d’yan, ano ka ba ang tapang ng iyong apog.

    H ayo na at magbalot, sa binayarang trono ay lumayas
    A no’t hanggang ngayon ikaw yata’y walang balak
    Y ao na habang damdamin nami’y hindi pa nag-uulap
    U malis ka na, awa mo na bago pa man sumambulat
    P oot naming tinitimping maghahatid sa iyong wakas.

  32. May delusion of grandeur itong si Gloria talaga, hangga ngayon akala uso pa sya! – chi

    Hahaha! Laos na, nung Miyerkules pa!

  33. MPRivera MPRivera

    The goyang thinks she’s alway in and worth any attention.

    Hindi niya alam, para siyang isang tumpok na suka. Kahit aso ay hindi gustong lapitan. Mas maige pa nga ang ebak sa kanya nakakaakit pa ng langaw.

  34. jansen jansen

    Ganid talaga sa kapangyarihan ang pandak na yan! Grabe na.. napaghahalatang me bagong interest na naman. kaya wag tayong pabibitag sa kanyang mga pain. Tayong mga Pinoy ang boss niya!

  35. rose rose

    laos si gloria? hindi ata…kayang kaya niya mag cha cha at baka ngayon she is organizing ng line dancing at “cha cha todo todo..” cha cha que rico cha cha”

  36. rose rose

    magkaroon ng pork barrel si gloria, hindi ba? on top of her personal pork barrel? a heavy weight indeed will be on top of her!

  37. jawo jawo

    magkaroon ng pork barrel si gloria, hindi ba? on top of her personal pork barrel? a heavy weight indeed will be on top of her!————–>Rose
    ^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
    Are you in fact, talking about gloria’s “unico esposo” ?I mean by your description, there is only one man (who almost look like a person) that fits that description of being a PORK, a BARREL, and HEAVY WEIGHT.

    Yes, he will be on top of her pero duda ako kung sa taba niyang iyan ay AABOT pa and kaniyang kuwan…………….hininga.

  38. parasabayan parasabayan

    Alalahanin natin na itong evil bitch ay may bilyo bilyong perang naka-swiss bank(siguro). Hindi niya ginastosan si Gibo. She is reserving the loot to do the CHA-CHA. Kung limang milyon and bayad ng isang tongressman, baka kakayanin ni bitch. Imagine mo na bawat contract ng bansa eh may 10% tongpats(baka mas malaki pa)siya at ang kanyang buwayang asawa. Eh nine years na lumalaklak yan ng pera! Ingat lang si Pnoy at hindi lahat ng nakapaligid sa kanya ay busilak ang loob. Pera perahan lang halos lahat ng mga yan. Kailangang may pera na naman silang maipamudmod sa susunod na election para manalo sila.

    Always remember that this bitch is scheming and a CON artist! Nandiyan pa ang mga galamay niya. If Pnoy can only give them a promise of good governance, most of these tongressmen would rather take the cash and enjoy it!

    I hope hindi ningas kogon ang lahat ng magagandang layunin ni Pnoy. As early as now, marami ng bumabatikos sa kanya. Sana huwag siyang madala ng malalaking alon ng nakararaming buwaya sa gobierno.

  39. parasabayan parasabayan

    Rose, mani lang kay bitch yang pork barrel na yan. Gusto lang niyang maging tongresswoman at baka sakaling mag-Prime Minister pa siya. I never underestimate this bitch. Kung ano ang gusto niya, she can even sell her soul to satan to get it!

  40. rose rose

    parasabayan: you are rght..we can not underestimate that small but terrible dwarf…malaki seguro ang premyo kay taning..

  41. Oblak Oblak

    Ayoko naman gumawa ng multo pero kung makaka take off ang reform agenda ni Aquino, maraming masasagasaan sa Congress at hindi malayo na kumampi kay Arroyo sa anumang masamang balak para maibalik ang good old money making days.

  42. MPRivera MPRivera

    Ano pa nga ba ‘yang ginawa mo, Preng Oblak?

    Anak ka ng belekoy, oo. binigyan mo pa sila ang idea. Paano matatapos ang kasibaan nila sa kuwarta kung hindi matatapos ang black mail-an sa Butasang Pambansa?

Comments are closed.