Trillanes sees end to RP’s ‘dark chapter’ in Arroyo exit
Senator Antonio Trillanes IV expressed optimism with the change in regime as Gloria Macapagal-Arroyo leaves Malacañang today to give way to President-elect Benigno “Noynoy” Aquino III.
“Filipinos can finally look forward to closing that dark chapter in our nation’s history,” he said.
But Trillanes, who remains detained at the Camp Crame Custodial Center for opposing the alleged corruption of the outgoing Arroyo administration, clarified that GMA should be prosecuted for what he once described as the government’s “crimes against the people.”
“Prosecuting GMA will rectify the historical aberration and be a deterrent to corrupt leaders in the future,” he added.
“However, the more important task right now is to rebuild our country; to do this, we need to unite our efforts in supporting our new president, Noynoy Aquino. Ultimately, his success is ours, too,” Trillanes said.
Oblak
Gusto ko yung parting shot ni Trillanes.
Mamaya na ang exit ni Arroyo!! Manunumpa sya kay Nachura as congresswoman. Sayang baka wala si Corona bukas sa Quirino Grandstand.
Diego K. Guerrero
Tingnan nating kung ano mangyari sa loob ng 100 araw ng Aquino Administration. Ang kasong plunder laban kay Gloria Arroyo ay walang piyansa. Deretso sa kulungan o under house arrest. Kung solid evidence ang hanap ni Davide, baka nasunog na ang paper trails. Ang mga ahensia ng pamahalaan ay napaligilan ng kanyang mga alipores. Mahirapan silang maka-first base.
Oblak
Don’t worry Diego, yung ibang records at testimony sa ibang scandal nasa Senate na. A thorough auditing will yield some reports. Yan yung sinasabi na hindi kakayanin ni Aquino mag isa na magkaroon ng kasagutan sa mga problema at kailangan ang cooperation ng mga tao lalo na yung mga may alam. Kailangan talagang maghalukay at natural lang na ibabaon ng mga may kasalanan ang ebidensya ng katiwalian.
Oblak
Pahabol lang bago mag sign off. Pati yata sa inauguration, pumitik pa ng mga tauhan ni Arroyo. Nasaid ang P10M inaugural fund.
Hello !.May mga “shade of thoughts ” ako, Bakit si ex-CJ-Davide, sa ” Truth Commission “? ( si Vp-Binay sana ang okay, dahil,tunay na “mag-kalaban, from the very start. Huhukay ng husto, kahit na malalim na mga ebidinsya.A true human rights lawyer under Cory’s admin ). Si Davide ( a Rizalista,KoR ),angnanumpa at isa sa mga scripted-characters sa EdSA-2, against ERAP ( ay nakaka-alam ng tama-mali noon ), siyang nag-SILYO ki GMA bilang pangulo ng 9-na taon..at sa Panahon ni P-Noy, SIYA din ang uupong ” TRUTH Commissioner “, baka na naman, i-abswelto niya ang former ” first ng bansa “, sa mga KASONG malilinaw naman na talagang sangkot sila ( Maguindanao genocide, NBN-ZTE,Bolante-Fertilizer Scam,Hello Garci case, Mayuga truth-trial,The Trillanes Case, Bintahan ng Baril-Bala ng Militar sa Abusayaf, Over pricing of government projects, etc..). Pakiramdam ko malakas ang “political-aura-energy kaysa sa tunay na dam-damin ni P-Noy ( na pagbabago,”kung walang kurap, walang mahirap )..biruin mo panay ” PUNO ” ang nakikita sa mga pahayagan ( DILG,at iba pa ??). Sila ang pasi-PUNO ng kaliwaan-makapili attitudes sa gobyerno ni GMA. WALA na BANG IBA ( nasaan na si Mayor Jess Robredo, na unang napa-balita sa DILG )??…Anyway, dapat din tayong mag-ingay at iparating ang ating hina-ing, para na din sa pagbabago ( mukhang na PLANTSA ni GMA, bago lumisan. Si Coronang [tinik},si Davide {devided loyalty }, Ombudsman,DFA, at iba pa…ngunit, okay din sina De Lima sa DOJ, sa AFP, PNP,Budget,at iba pa..sana, kung unang, haharapin si Trillanes, ni Davide sa Truth body, mas okay pa. Sayang ang salapi ng Bayan, ki Senador…
Oblak
Maganda si Shalani!
Mas relaxed na si Aquino at Binay hindi katulad noong proclamation na parang malamig si Aquino kay Binay.
So far, maayos lalo na nung sumakay na si Arroyo ng private car papaalis ng grandstand. Bye bye Gloria
I learned that Gloria was given a 21-gun salute. What a waste of bullets.
They should have pelted her with rotten tomatoes and sprayed her with mosquito killer.
Oblak
Tapos na officially ang term ni Arroyo!!! Good luck President Aquino.
May mga tutuligsa sa speech ni Noynoy pero ako, approve na approve sa speech. Totohanin dapat yan ni Noynoy!!!
MPRivera
Pagbati sa ating bagong hangal, este halal na pangulo
Na buong tiwalang pinili’t hinalal ng tao
Sana ay huwag siyang bumitiw sa pangako
Sumpa ng pagkakaisa’t tunay na pagbabago
Sa diwa ng lahing inaping kaytagal
Sana din ay ibangon ang lugmok na bayan
Na malaong inapi ng pamunuang hangal
Walang isinaisip kundi limasin ang kaban
Nagpasasa sila’ng buong kasiyahan.
Bagong mamamahalang pangako ay pag-ahon
Mula sa kinasadlakang malalim na kumunoy
Bunga ng kasibaan ng mga ganid at ulol
Magsamasama tayong ang bansa ay ibangon.
Marahil naman ngayon ay bibigyan na ng pansin
Pagpapakasakit ng diasporang mga katulad namin
Sa paghahangad ng ginhawa’y lumayo sa piling
Ng mga minamahal na buong timyas na ginigiliw.
Hayo na, mga kasama, tayo’y magkapit bisig
Hawak kamay nating isigaw sa buong daigdig
Asam na pagbabago sa ating baya’y makakamit
Luwalhati ng pag-asa sa ating muling pagbabalik.

They should have pelted her with rotten tomatoes and sprayed her with mosquito killer. – The Yellow Bachelor.
Mr. Hepatitis (Naninilaw na Sawimpalad),
Unang una, welkam dine sa bahay ng maybahay.
Those twenty one cannon balls or bullets fired in the honor (no, it should be horror) of gloria as a parting salute to an unelected acting president would not have gone to waste should they were fired to gloria instead.
Tsk. tsk. tsk.
Tapos na sana ang kanyang istorya at hindi kailangan pang habulin sa korte ang lahat ng kanyang kawalanghiyaan.
balweg
RE: May mga “shade of thoughts ” ako, Bakit si ex-CJ-Davide, sa ” Truth Commission “?
E bakit nga ba Igan Rodolfo…si Davidead ang pinahawak sa NOTruth Commission ng rehimeng P-Noy? E abugagong hudas at oportunista din yan…kundi sa kanyang panghuhundas sa Saligang Batas e dapat di tayo umabot ng 9-years na puro hirap’t dusa ang inabot sa enchanted kingdom ni gloria.
Ngayon…gagawing headache ng NOTruth Commission, mag-uupisa pa lang ang termino ni P-Noy e semplang na siya sa mga pinili niyang cabinet members.
Lalong nawalan ako ng gana sa rehimeng P-Noy…di pa naka-ONE day sa Malacanang, e mga monsters ang itinalaga sa pwesto.
Sila ang hudas at sinungaling na nagpahirap sa Pinas at sa ating mga mamamayang Noypi, paano titino ang bansa natin kung yang mga kicked out at sipsip kay gloria ang sila ding magpapatakbo ng Pinas?
Magkanya-kanya na tayo ng langoy…matira ang matibay!
balweg
MPRivera – June 30, 2010 1:58 pm
RE: Pagbati sa ating bagong hangal, este halal na pangulo
Aming Katotong MPR…marubdob na pagpupugay,
Itong sakbibi ng inis-talong hibol.
Sadyang mapaglaro, Not Once…but Twice,
Kapalarang sikil ng pighati’t dusa.
Di ko malirip,
Lohikang Noypi estayl politikz.
Nasabing may bagong halal na Pangulo ng bansa,
E wala pang singkweta porsyento,
Ang nakamtang boto.
Buong angkan ng HEPA B wannabees,
Alalaong bagay nagbubunyi todo-todo.
Natupad kanilang hikbi,
Mapasakamay ang enchanted kingdom.
Anong hilatsa ng tunay na kalakaran ng pagbabago,
Kung ang mga nasipa at sinipa ng rehimeng dorobo.
Ang sila ngayo’y magaaryenda,
Sa timon ng nakahandusay na Inang Bayan.
Saan ko man puntiryahing silip-silpin,
Apat na sulok ng gobyerno de bobo ng rehimeng P-Noy.
Dating hudas a sinungaling,
Sila ang magpapatakbo ng mga winindang na institusyon.
Isang araw bago ang pagsisimula ng bukang-liwayway,
Heto ngayo’y mabulaklak na pangako.
Nagtilamsikan sa kalawakan,
Upang uliniging pakinggan ng mga buryong na kukote.
Resaykel na mga NOTA…e wala namang TONO,
Nakakakulili ng tengay…hay naku ang sakit pakinggan.
Wag na siyang maghambog,
Bistado na natin ang kanyang kaliskis at hasang.
Tatlong termino sa Tongreso,
E ano ba ang kanyang maipagmamalaking nagawa.
Humirit muli ng tatlong sa Senatong,
Kahit isang batas e walang na ipasa sa plenaryo.
Malapit nang mapanot ang tuktok ng simboryo,
Heto’t ngayon lang naniningalang pugad.
Di pa swak na swak,
Kung makakahigop tayo ng mainit na sabaw.
chi
kuya Oblak, sa totoo lang ay maganda ang speech ni kuya Noy hindi ko lang maikumpara sa ibang speeches dahil wala akong napakinggan sa kanila. Ito lang ang una. Pero kahit ako ay nagandahan lalo na yung una. After the speech is hardest part, the implementation for the realization of his promises.
Ang pasya ko sana sa araw na ito’y
namnamin ang laya mula sa kumunoy.
Sariling pangako ng pananahimik-
ilalaan sana sa pananangkilik.
Dahil nakiliti ang aking panulat
kay Kumpareng Magnong kanina’y nag-ulat
ng kanyang loobin sa mga naganap
sa bayang ngumiti nang ito’y hinarap
ng bagong pinunong kanilang hinirang-
sasabat din ako’t magbibigay-galang.
Dahil sa pagtula ni katotong Balweg,
ninais ko na ring usapa’y lumawig.
Heto ako ngayong hindi matahimik
sa opisina ko kung hindi iimik.
Pag-asang bumulwak sa bayang gumising
ang nasaksihan ko sa aking paggising.
Napaaga pala ang naging pagdating
ng panunumapaing Pangulong magaling.
Sa aking pananaw, ito’y naghuhudyat-
ang Pilipino time, iwaksi na dapat.
Alam ko rin namang sa mga nagulat,
sasabihin nilang si Noynoy ay atat.
Sa mga salitang nasa talumpati
tingin ko’y tapos na ang ugaling dati
na ang lingkod-bayan ay paglilingkuran
at ang mamamayan- bakang gagatasan.
Tapos na rin, wari, ang kapalaluan
ng uring nasabik sa kapangyarihan.
Sumunod ang pulis at unang hinakbang
ang ipamalitang bawal na ang wangwang.
Ang Pangulo naman, sa kanyang pag-upo,
ang pananagumpay, hindi n’ya inako.
Sa mga kasamang may ingat na muhi
sa piniling puno ng mga kalahi-
mamali, matama, ang galaw ng pili-
mali’t mali pa rin, at mali palagi.
Sa aking masaya sa mga naganap-
tuloy ang antabay, tuloy ang pangarap.
Sakali mang hindi ninyo ipagkakaloob ang pahintulot, buburahin ko na lang po.
Sakaling ipagkaloob naman, maraming salamat po.
balweg
Sinabi mo pa Igang Ka Enchong,
Siyam na taong pagdurasa sa palimanaw ni Madam Gloria.
Hay naku…dagdag anim na taon muli,
Sa kamay ng mga elitista.
Ang bilis namang nakalimot…mga Kababayang Katoto,
Sa ugali’t asal ng mga elitista.
Na siyang nag-udyok upang si Gloria e mag-alsa balutan,
Agawin ang Palasyo sa lehitimong Ama ng Masang Pilipino.
Ginamit ang rehime upang maisulong ang kanilang agenda,
Pamunuan ang 90 milyong Pinoy na sakbibi ng dusa.
Bokya…sila-sila e parang aso’t pusa,
Mayroon naging sipsip kay Gloria at ibaý nakicked out.
Sumatotal ng bangayan sa entablado at media,
Ibalik ang Demokrasya na papabor sa mga elitista.
NagHokus-PCOS muli sila,
Upang landslide na maipanalo ang HEPA B Noy nila.
Magkagayon man ang mandato ng mayorya,
Dapat natin itong igalang at suportahan.
Sa ikauunlad ng bayan,
Tutukan ang mga galaw nila!
MPRivera
Sinasabi ko na’t merong mahahawa
Sa gawa kong kalokohang bakit ginagaya
Nadulas la’ang ako’y bigla lang gumana
Ang likot ng utak kong walang kawenta wenta.
Ireng dalawang ire’y kung bakit sumunod
Sa hindi mapigilang paghabi ng taludtod
Napatid na ako’t sumabit ang lulod
Dala raw ng kaengotan pati nguso’y bugbog.
Huwag akong sisihin kapag kayo ay pinukol
Ng hilaw na bayabas at maasim na santol
Dangan kasi kayong mahilig magbulakbol
Sa panggagaya ay toink! sapul pa’t sapol.
Humahanga din ako sa inyong dalawa
Mga tunay na kaibigang huwaran din ama
Sana sa pagtula nyo’y pakaiwasan sana
Masunog ang sinaing, mangitim ang labada!
Akalain ko bang mabuhay na bigla
ang tulog kong pusong ibig magmakata?
Kumpare kong Magno, kasabwat ka yata
ni PNoy sa sulsol na ako’y tumula.
Patunay bang sapat ang ating palitan
na muling nabuhay itong Balagtasan?
Tumpak nga kayang ipangalandakang
sa pagtula natin, wala nang hahadlang?
Hayaan ko munang labada’y mangitim.
Hayaan ko na ring magtutong ang kanin.
Basta’t sa dalanging taos at taimtim,
ang bayan ko sana’y muling pagpalain.
Oblak
Paumanhin sa pagputol ng balagtasan, gusto ko lang batiin si Pader ng Happy New President’s Day!!
Tuloy ang balagtasan, nag eenjoy ako!!
MPRivera
Pareng Enchong, ating samantalahin
Habang ang maybahay natutulog ng mahimbing
Ireng ating tulaan sigehan na’t lubusin
Baka bigla itong maputol paggising.
Hindi naman masama kung ating ibalik
Ang diwang kinilalang Pinoy na marikit
Ito ang pamana ng ninuno sa pag-alis
Bakit ikahihiya, dito tayo nabigkis?
Panawagan ko rin sa bagong pamunuan
Kaming maralita sana’y huwag kaligtaan
Hindi kami umaasa lalong ayaw limusan
Pagkat hangad nami’y maayos lang na buhay.
Pag-asa ang ngayon ay aming nababanaag
Sa pagsumpa ni Noynoy hinirang nating lahat
Sana ang pangako’y hindi man matupad
Magsilbing inspirasyon sa pagharap sa bukas.
Ibangon ang ating nalugmok na bayan
Samasamang itayo ang nabuwal nating bahay
Muling ibantayog ang layuning banal
Upang samasama tayong mamuhay ng marangal!
Pauunlakan ko ang iyong anyayang
dugtungan pa natin itong Balagtasan.
Paggising ni Madam baka sabihin n’yang
mas mainam yatang magbalik-tulugan.
At kung sakali mang tayo’y mahiyawan,
Kumpare kong Magno, ‘di kita iiwan.
Kadamay mo ako’t kadamay ko sila
sa pananalanging unawain sana
na bunga lang ito ng bayang masaya
sa pamamaalam ng bruhang si Gloria.
Kawiwika ko lang na sasamahan ka,
ano ba’t sa ngayon ay oras na pala
upang igayak ko ang laptop kong dala
at maglayas muna mula opisina.
Pangako, pare ko, pag sinapit ko na
ang bahay kong munti’y muling tatalima
sa pangakong sadyang babalikan kita
at muling tutula sa harap ng madla.
parasabayan
Ituloy ninyo ang inyong mga tula at kahali-halina! See what a P-noy speech does to us? I wish P-noy well. He has mis-steps here and there but I hope he learns soon enough who could perform well and get rid of the rotten eggs!
rose
Ano kaya ang pinagusapan ni PNoy at ni putot?
putot: are you getting married soon?
PNoy: how can I? you left me with so many problems..by the time my 6 years is over…I will be bald and I would have smoked all the cigarettes all the manufacturers can process:
putot: kawawa ka nga naman..(pero sa loob loob niya..I am so happy for you!)
..kung ako si PNOy noong tumigil ang kanilang sinasakyan dahil sa traffic…binuksan niya ang pinto at itinulak..sa pagkaputot niya isang pitik lang ang kailangan..
luzviminda
Eh bakit nga ba si Hilario (Hudas)Davide ang pinili ni P-Nyoy sa Truth Commission? Eh hindi nga niya nagawang ipatupad ang nasasaad sa Constitution nuong nag-walk-out ang mga tuta ni Gloria nuong impeachment ni Erap. He does NOT know how to implement the law. Isa pa, eh ang laki ng utang na loob niya kay Gloria Engkantada. BIniyayaan pang maging ambasador bilang pabuya. Naging kasangkapan siya ni Gloria. May aabangan ba tayong hustisya na makulong si Gloria? Sa UnTruth Commission headed by Davide malamang…WALA!
hazzelhope
Tila masamang senyales itong ginagawa ni Kristeta. Hindi man lamang naka-paghintay kahit man lamang isang linggo or two weeks. Isinabay pa sa inaguration ng kanyang kuya ang kanyang pag-ka taklesa. Baka itong si Kris ang maging kasiraan ng magandang umpisa ng Aquino administration. Kung nagawa niyang ibando sa TV ang kanyang nakuhang sakit sa kanyang dating asawa na si Joey Marquez, magagawa niya rin ang mas malala at matinding issue tungkol sa pamamalakad ng kanyang kuya Pnoy. Nagawa niyang magpalusot sa hindi pagtulong sa kapatid ni James Yap, ngunit bakit siya nakikialam sa Senate president election para manalo si Kiko Pangilinan.
xman
A funeral procession of a dead democracy.
rose
she was given a 21 gun salute? walang stay bullet na tumama sa kanya?…now I understand why our military can’t win against the NPA or the Muslims…
RE: Kung nagawa niyang ibando sa TV ang kanyang nakuhang sakit sa kanyang dating asawa na si Joey Marquez, magagawa niya rin ang mas malala at matinding issue tungkol sa pamamalakad ng kanyang kuya Pnoy.
Opppsss Ms. Hazzelhope…kerida yan ni Joey M. ah? Disgrasya si P-Noy…e magkakalat yang si Taklesa, sure lahat ng sikreto ng rehimeng P-Noy e makakaradar yan at posibleng magdoremi yan tulad ng kanyang ka ek-ekan sa buhay.
Pati ba naman personal na buhay may asawa e ikinakalantaryo sa buong mundo, wala man lang delicadeza sa buhay. Paano pa yan…e sure laging nakabuntot yan sa kanyang kuya P-Noy sa mga lakaran at lakwatsa.
Syiempre PISO ng bayan ang gastos nila…magkano ba ang budget ng office of the President, di ba bilyones…kaya si madam gloria e nakapagliwaliw kuno official ang lakad sa halos lahat ng bansa.
Libre kasi at ito e galing sa pawis ng mga responsableng Pinoy.
balweg
RE: sira ka talaga, rose.
Iba talagang bumanat si Igan Rose…di ba Igan Tongue!
Tumpak! Ang 6 years ni santita Cory walang nangyari sa peace & order sa Mindanao + 6 years ulit ni Tabako aba e lalong naging astig ang mga rebelde + 10-years ni madam gloria…lalong walang nangyari at puro propaganda lang.
Only ang Ama ng Masang Pilipino ang guts at balls na nakapagwagayway ng flag ng Pinas sa main Abubakar camp ng mga rebelde…SEE?
Sa inggit ng mga hambog e naghocus-EDSA II…hayon tembwang ang pag-asa nating ng tunay na pagbabago.
Aba naman itong mga elitista e sa sobra ng hangin sa tuktok na kesyo sila daw ang pag-asa ng pagbabago ng lipunan, hayon kanda kuba tayong lahat sa hirap’t dusa.
Walang nangyari at sure walang mangyayari sa rehimeng P-Noy…itaga mo yan sa tubig, e ngayon pa lang nagsisimula ang rehime ang daming bulong-brigade sa kanyang inner circle.
Ang gusto, lahat sila e maging cabinet members…kita mo si Kristeta…isa yan sa opisyales ng bulong-brigade!
MPRivera
Pareng Enchong ano ba’t kitang dal’wa’y naganyak
Humabi ng tula kahit walang masigabong palakpak
Sa halip na papuri ang pasalubong ng lahat
Kakabakabang katahimikang hindi ko madalumat.
Hindi kaya sila’y may masamang iniisip
Bakit tayong dal’wa’y biglang bumunghalit
Huwag naman sanang ito’y dinggin ng langit
Sa kulungan ng mga baliw kita’y biglang ipiit.
Ngayon ay lumisan na ang sanhi ng bangungot
Na sampung taon nating pinagtiisan halos
Sakbibi ng kagutuman, di matingkalang hikahos
Nagtangkang gumupo sa katatagan nating moog.
Bigyang puwang natin ang hinirang ng bayan
Subukan ding ang tiwala sa kanya ay ibigay
Huwag muna natin siyang bigyang puna at husgahan
Hindi pa naman nag-iinit ang puwitan niya sa upuan.
Ang pagpapanuto ng buhay bakit natin iaasa
Huwag lagi ang paghingi ang kagawian sana
Matuto din tayong magtiis at magbata
Magsikap at magsikhay upang bukas ay guminhawa.
Iwaksi na natin ang kaugaliang natanyag
Sa pagiging Pinoy na husga ng lahat
Sikaping alisin ang balintuwad na alamat
Bantog na karangalan ng isang Juang Tamad!
chi
Anong walang masigabong palakpakan? Meron, tinatamad lang dahil sumakit ang mga palad sa kapapalakpak kay Noynoy, hehehe.
MPRivera
Salamat sa palakpak kahit naghihintay ‘ata ng bayad.
Sinisipag ako’t inspirado kaya napabayaan na ang trabaho. Wala munang sisingit subalit hinahamon ko ang maginoong founder ng BAGSIK, Inc., ilabas na niya ang kanyang diksyunaryo ng naligaw na isip. Huwag din niyang ipapahiya kaming eksklusib na grupo ng Parekoys. Nasaan na ‘yan? Abala sa pagluluto? Aligaga sa paglalaba? Nagpapahinga habang naglilinis ng bahay? O, pinapaypayan si kumander niya habang namamalantsa kasabay ang paghimas sa bukol sa bumbunan?
Preng Joe, lumabas ka na!
Nahawi na ang ulap ng mga bangungot
Na sa bawat araw noon ay ngitngit ang dulot
Napawi na ang lambong ng naghaharingimbot
Ang silay ng pag-asa’y pumawi sa lungkot
Papaglulubagin ang kimkim na poot.
Ngayon ay aliwalas na ating papawirin
May hatid na sigla ang amihang hangin
Bigkis ng pagkakaisa sa bawat layunin
Paghahawak kamay sa anumang naiisin
Tanda ng pagbubuklod ng ating damdamin.
Pagkakapantay pantay ay bigyang puwang na
Iwaksi ang masamang ugaling minana
Bago nating punahin ang dusing ng iba
Tahilan ay alisin sa sariling mata
Ang sariling dungis ang linisin muna.
Ang panibagong yugto nitong kasaysayan
Ay isulat nating may baong pag-asam
Pagkatapos ng singkad na dusta’t pag-uyam
Huwag hayaan muling sukab ay mangibabaw
Lupigin ang anumang tangka ng gahaman.
Alalahaning mahusay manlinlang ang diyablo
Gayundin ang isinumpang mga anti-Kristo
Silang mga sugo ng hari ng tukso
Sadyang pagkawasak hatid ng delubyo
Pang-akit ay bitag sa pagbabalatkayo.
Ating gawing aral ang masasamang gawi
Ng sa ati’y luminlang na mapagkunwari
Huwag muling padadala sa huwad na ngiti
Sa kaway ng malikmata ay patibayin lagi
Kalasag na pagsugpo sa layon ng imbi.
Nagkalat na tukso sa likulikong daan
Mga nag-aanyong tupang animo ay banal
Katulad ng hiyas na may ningning at kinang
Ikinukubli ang iwing kamandag na taglay
Na hindi maitatago sa likod ng malay.
Ito ang siya ngayong layuning puksain
Ng sa ati’y dumulog at humawi ng dilim
Lahat ng upasala’y nagawang tawirin
Pagyukod sa unday ng sukab at sakim
Hinarap n’yang matatag at ng buong giting.
Narito na ngayon sa atin ay nanunumpa
Upang siya ang mangunang supilin ang lisya
Masisinag sa kanyang pagpapakumbaba
Ang masidhing layon sa pakikibaka
Samasamang pag-ahon sa pagdaralita.
Kaya nga ating bigyang pansin ang paghibik
Tawag ng pagbabagong kanyang inilalapit
Paunlakan ang hamon ng masidhing nais
Magdaop palad tayo’t mangagkapit bisig
Upang mithing pagbangon ay ating makamit.
Ipagpapalit na natin sa mumurahing tanso
Ang kinang na taglay ng nakaw na ginto
Salat man sa rangya kung linis ng puso
Tanggaping marapat ang alay pagsamo
Ng dinusta nila’t itinuring na sinto!
Lumubog na ang b’wan, sumikat ang araw
tumakas sa isip ang muling pagdalaw
kaya sa hiya ko’y tikluhod ang samo-
hindi ko natupad ang aking pangako.
Sumumpa pa man ding babalikan kita
marating ko lamang ang bahay kong aba.
Ang tumambad sa ‘king bundok ng labada-
sapat nang ang wika’y malimot ko muna.
Kaya isang araw matapos biguin
si Kumpareng Magno, dapat kong suyuin,
hindi lang sa lakas ng aking palakpak-
sasama na ako sa pamamalatak.
Aayunan kitang sa hinaba-haba
ng pagkakaisa sa pakikibaka,
tila ba sumilay ang isang umaga-
wala na ang sukab, tayo na ang bida!
‘Di ako tatanggi’t lagi nang tutugon
Sa masidhing nais ng iyong paghamon.
Bisig mo, bisig ko, kanino mang bisig-
pagkawing-kawingin sa bagong pag-ibig!
Kita na’t ibigi’t tuloy pagyamanin
ang sigla ng tibok ng bagong damdamin.
Sa iisang tinig, tara nang umawit-
lahing Pilipino, ahon na sa dalit!
balweg
Maging sinto maý sadyang pinagpala,
Tumayo sa madla ang wikaý magka-isa.
Walang wang-wang sa kalsada kundi tsugi ang parusa,
Sa mga motorista na pasaway sa kalye.
Unang arangkada ang kalatas e nabokya,
Pasintabi ng Bulong-Brigade.
Tao po lamang na may puso’t damdamin,
Marunong umunawa datapwa’t sa Hulyo trentaý uno ang takda.
Magsipagalsa-balutan kayong mga saling-pusa,
Libu-libong obrero ngayoý apektado.
Ng regudon ng Bulong-Brigade sa Palasyo,
Sa kangkungan pupulutin ng hagupit ng bagyong Hulyo 31.
Ito ba ang bunga ng mapaglarong kapalaran,
Sa pagyakap sa sinisitang Inang Demokrasya.
Hinagpis at pighati ng libo-libong obrero,
Umaasa lamang sa karampot na sweldo.
Saan patutungo yaong buhay na lunggati sa hirap’t dusa,
Kung ang mga Bulong-Brigade banat dito…banat doon.
Sipain ang kontra sa rehimeng Hepa B,
Italaga yaong sipsip at kakosa.
Muling umalingawngaw sa gitna ng karimlan,
Itong si Kapatid sekritaryo ng DepED.
Mga taga-Media daw e sagwil sa P-Noy na pagbabago,
Patutsada na nilait sa harapang pagkikita.
Sigurado bukas-makalawa e malaking letra na ito,
Sa mga pahayagan e nakabalandra’t pinagtatalunan.
Yaong maanghang na tinuran nitong si Kapatid,
Na akala mo korek at maka-diyos e maanghang pala ang dila.
balweg
Sintunado man e mayroon NOTA,
Awit ng kundiman sa iyo paraluman.
Pinakakaasam-asam pagbabagoy makamtan,
Ang sagwil na panundot yaong Bulong Brigade sa Palasyo.
Sinamahan pa ng maraming amuyong,
Tulad ng civil sosyalayts na iba’t ibang partido.
Maryoong Hyatt 10 at saka Kamag-anak, inc.,
Di patatalo yaong lipat-bakod.
Inang natin mga Katotoo sa signus na nagbabadya,
Unang araw sa Palasyo sumemplang na sa anunsyo.
Pasintabi yaong hibik na di na ito epektibo,
Paghandaan daw itong bagyong Hulyo trenta’uno.
Paano tayo magiging bida mga Katotong Igan,
Tayoý magmasid sa hardin ng P-Noy hardin.
Mga bulong-brigade e aaligid-ligid,
At ang siste nitoý hinaluan pa ng Untruth komisyon.
Di ako mapalagay sa hilatsa ng mapaglarong kapalaran,
Bakit po…ganito yan mga Katoto.
Sila-sila ring pa lang mga traydor sa ating Saligang Batas,
Ang sila ngayoý naka-pwesto sa gobyerno de bobo ni P-Noy!
rose
Bal/Tongue: bakit ganoon ang take ko? ang wish ko talagang tunay…before I take my final journey to go home to my Eternal Father…magkarooon man lang tayo ng tunay na kapayapaan…maliit pa ako tutok talaga ako sa mga balita about the Muslims..ang panakot sa akin kasi
kung hindi ka susunod kukunin ka ng Moro..at ngayon nadagdagan ang babala…huwag kang pumunta sa San Remigio
(a town in Antique) maraming NPA na doon..what is the gov’t doing?
rose
to con’t: I was in 4th grade ata..when Ninoy was a reporter at age 17 and he went with the Phil. contingent sa Korea…naging tagahanga niya ako..then he interviewed Luis Taruc and was instrumental in his surrender..mas lalo ako napahanga..that was noong bata ba si Sabel..patay na si Sabel pero nandiyan pa din ang NPA at nadagdagan pa ang problema..what is the gov’t doing? ang sabi noon ni putot matatapos na ang mga NPA..siyam na taon niya na naging Ina ng bayan..wala siyang na gawa pero siya ay yumaman sa paglalaba…but what I heard yesterday…a new Phil. will soon be a reality…kung tayo lahat ay magtulong tulong.. y KKK is possible.. Kapayapaan, Katarungan at Kasaganaan..at sa tingin ko “may bukas pa”. Am I a “cockeyed optimist”?
rose
hindi ba sharp shooter si Martir? kaya seguro siya pina AWOL ni putot…natakot seguro ma indira…
balweg
RE:..ang panakot sa akin kasi

Nagsusumamo yaong puso,
Sa iyong tinuran Igan Rose.
Di ka nag-iisa sa palaisipaý bukang-bibig,
Bakit nga ba ganito yaong mapaglarong tadhana.
May gatas pa sa labi si Sabel,
Musmos na diwaý namulat na sa buhay.
Hanggang nagmurang kamias at ngayoý namaalam,
Sa mundong ibabaw…winika moý bakit nga ba?
Di ko mapagtanto yaong katontohan,
Ng maraming Noypi puro yabang ang laman ng tuktok.
NagEDSA Uno ang sigaw ay ibagsak ang diktadura,
Naghari ang HEPA B kamag-anak,inc.
Walang nangyari sa rebolusyonaryong gobyerno,
Kudeta dito…kudeta doon yaon ang nangyari.
Abang Pangulong Santita sa ilalim ng mesa imiskapo,
Upang matakasan ang punlo ng mga inis-talong kawal.
Lumipas ang takip-silim muling umusok sa karimlan,
West Pointer na si Tabako ay naging Pangulo.
Lalong naging aktibo mga pasaway sa lansangan,
Mga lihitimong teritoryo ng bayan e ginawang kanlungan.
Mapa-Moro man o No Permanent Address e walang masilungan,
Maki-gamit muna sa teritoryong yaman.
Piping-bulag itong si Tabako,
Di man lang sinuweto yaong mga pasaway na Katoto.
Nagbukang-liwayway pag-asang turan,
Ama ng Masang Pilipino e naluklok sa Palasyo.
Kita mo Igan Rose at mga Katoto,
Kampo Abubakar saka satelayts kuta nito e nabawi ka mo.
Magasawang sampal inabot ng tropang Tabako,
Nagalsa-balutan upang dekwatin ang enchanted kingdom.
Nangyari ang sapantaha ng mga damuhong na walang magawa,
Iniluklok si gloria na maging Panggulo.
Angas na dalahirang pangako,
Bukang-dila yaong sambit na totodasin daw.
Mga pasaway na Katotoo mapasabundok o Mindanaw,
Yaks siya pala ang matatapos e walang nangyari yaon yabang.
Isang katerbang problema yaong dulot nito,
Not Once…but Twice umabot ng 10 taon sa pagpendeho.
Sising-tuko mga kicked-out na elitista,
Muling nag-ingay sa kalsada…ibagsak ang sigaw sa Balana.
Nangyari ang hamon heto’t naka-15 milyong boto ang P-Noy,
Hokus-PCOS umarangkada hayon panalo siya.
Maghabol sa tambol-mayon ito ang katwiran,
Hatol ng bayan pasensya na talo kayo.
Unang arangakada ng HEPA B e semplang kaagad,
Aba naman ang pagtripan e mga pobreng Obrero.
Ok sana kung ang sinambilta e tapusin yaong,
Mga tulisan at kawatan mapabundok o pamahalaan.
Papogi points ang tirada,
Wang wang sa kalye ang banatan.
Akala niya bumenta ito sa mga pasaway na motorista,
Dagdag sakit ng ulo ang kakaharapin niya.
Bakit di unahing sampulan e yaong mga kawatan sa tabi nýa,
Bulong-Brigade at Kamag-anak, inc. sila ang problema.
Hayong mga hunyangong lipat-bakod,
Kanya kanya ng diskarte lipat-LP upang ambunan ng porkbarel.
Hay buhay nga naman mga Katoto,
Paano titino ang munting pangarap ng pagbabago.
Kundi maglalaho yaong mga tirador sa gobyerno,
Sila ang pahirap sa bayan at mamamayang tinuringan.
Pasensya naý nagiging makata,
Itong habi ng abang-dila.
Nag-uumapaw na tuwa upang maipahayag ang nagsasalimbayang,
Inis-talo sa mga pasaway nating mga kababayan.
MPRivera
Wala na akong masabi, ano pa nga ba
Maging magkasalungat kundi man magsama
Sa iisang layon ng pamamanata
Katwirang baluktot katwirang maganda
May tutunguhin ding wakas na mabunga.
balweg
Tumpak at tama ka Katotong MPR,
Ang lahat ng bagay mayroong katapusan.
Maging ito e TAMA o kaya MALI naman,
Walang unang pagsisi yao’y tandaan.
Gloria ng buhay maging ito’y kasalanan,
Pait at pighati ngayo’y naranasan.
Sampung taon di inalinta sa dusa’t pighati sa buhay,
Magkagayo’y man ang itinakda sa maling akala.
Bangon Pinas NOT Bro. Eddie na talunan,
P-Noy ng HEPA B yaon ang bukang-bibig na pag-asa.
100 days na honeymoon ating samahan s’ya,
Dito magkakalam-alam kung maryoon siyang ibubuga.
MPRivera
Hige, Pader magkaagapay kita
Sa pagsalubong sa bagong umaga
Titiyakin ko sa iyo, ito’y walang duda
Magiging maayos kung kita’y magkasama
Lahat ng mithii’y makakamtang walang sala.
Iwaksi na muna natin lahat ng agam agam
Habang hinahabol nating pusakal na kriminal
Pagtulungan nating pagbabago’y makamtan
Ikaw, ako, sila, tayong lahat ay mag-ugnay
Sama samang ibuhos ang talinong tinataglay.
Wala na sa poder ang timawang babae
Wala na ring hatak ang asawang walang silbi
Lalong wala na mga anak na lalaki
Natapos na ang kanilang mga pamarali
Tayo naman ngayon ang maggawad ng ganti.
Sila ay singilin sa sala ay magbayad
Sa lahat ng pagmamalabis at pagliko ng batas
Ipataw sa kanila parusang pinakamabigat
Upang di pamarisan, maputol nang ganap
Pagsasamantala ng mga mandurugas.
Hindi rin nalalayo kung tayo’y magkakaisa
Pagkakamit sa inaasam na matamis na bunga
Pagdurusang dulot ng pagsasamantala
Parang sugat na maghihilom walang bakas na matitira
Kasabay ng pagsalubong sa isang bagong umaga!
Ito pala yung niremind sa akin sa kabilang post. I will watch it here at sa TV!
Bakit nag appoint si Pres. Noynoy ng kasamahan ng magnanakaw ng bayan na si Gloria impaktita???
Trillanes sees end to RP’s ‘dark chapter’ in Arroyo exit
Senator Antonio Trillanes IV expressed optimism with the change in regime as Gloria Macapagal-Arroyo leaves Malacañang today to give way to President-elect Benigno “Noynoy” Aquino III.
“Filipinos can finally look forward to closing that dark chapter in our nation’s history,” he said.
But Trillanes, who remains detained at the Camp Crame Custodial Center for opposing the alleged corruption of the outgoing Arroyo administration, clarified that GMA should be prosecuted for what he once described as the government’s “crimes against the people.”
“Prosecuting GMA will rectify the historical aberration and be a deterrent to corrupt leaders in the future,” he added.
“However, the more important task right now is to rebuild our country; to do this, we need to unite our efforts in supporting our new president, Noynoy Aquino. Ultimately, his success is ours, too,” Trillanes said.
Gusto ko yung parting shot ni Trillanes.
Mamaya na ang exit ni Arroyo!! Manunumpa sya kay Nachura as congresswoman. Sayang baka wala si Corona bukas sa Quirino Grandstand.
Tingnan nating kung ano mangyari sa loob ng 100 araw ng Aquino Administration. Ang kasong plunder laban kay Gloria Arroyo ay walang piyansa. Deretso sa kulungan o under house arrest. Kung solid evidence ang hanap ni Davide, baka nasunog na ang paper trails. Ang mga ahensia ng pamahalaan ay napaligilan ng kanyang mga alipores. Mahirapan silang maka-first base.
Don’t worry Diego, yung ibang records at testimony sa ibang scandal nasa Senate na. A thorough auditing will yield some reports. Yan yung sinasabi na hindi kakayanin ni Aquino mag isa na magkaroon ng kasagutan sa mga problema at kailangan ang cooperation ng mga tao lalo na yung mga may alam. Kailangan talagang maghalukay at natural lang na ibabaon ng mga may kasalanan ang ebidensya ng katiwalian.
Pahabol lang bago mag sign off. Pati yata sa inauguration, pumitik pa ng mga tauhan ni Arroyo. Nasaid ang P10M inaugural fund.
http://www.gmanews.tv/story/194774/only-p55000-left-of-p10-m-inaugural-budget
Hello !.May mga “shade of thoughts ” ako, Bakit si ex-CJ-Davide, sa ” Truth Commission “? ( si Vp-Binay sana ang okay, dahil,tunay na “mag-kalaban, from the very start. Huhukay ng husto, kahit na malalim na mga ebidinsya.A true human rights lawyer under Cory’s admin ). Si Davide ( a Rizalista,KoR ),angnanumpa at isa sa mga scripted-characters sa EdSA-2, against ERAP ( ay nakaka-alam ng tama-mali noon ), siyang nag-SILYO ki GMA bilang pangulo ng 9-na taon..at sa Panahon ni P-Noy, SIYA din ang uupong ” TRUTH Commissioner “, baka na naman, i-abswelto niya ang former ” first ng bansa “, sa mga KASONG malilinaw naman na talagang sangkot sila ( Maguindanao genocide, NBN-ZTE,Bolante-Fertilizer Scam,Hello Garci case, Mayuga truth-trial,The Trillanes Case, Bintahan ng Baril-Bala ng Militar sa Abusayaf, Over pricing of government projects, etc..). Pakiramdam ko malakas ang “political-aura-energy kaysa sa tunay na dam-damin ni P-Noy ( na pagbabago,”kung walang kurap, walang mahirap )..biruin mo panay ” PUNO ” ang nakikita sa mga pahayagan ( DILG,at iba pa ??). Sila ang pasi-PUNO ng kaliwaan-makapili attitudes sa gobyerno ni GMA. WALA na BANG IBA ( nasaan na si Mayor Jess Robredo, na unang napa-balita sa DILG )??…Anyway, dapat din tayong mag-ingay at iparating ang ating hina-ing, para na din sa pagbabago ( mukhang na PLANTSA ni GMA, bago lumisan. Si Coronang [tinik},si Davide {devided loyalty }, Ombudsman,DFA, at iba pa…ngunit, okay din sina De Lima sa DOJ, sa AFP, PNP,Budget,at iba pa..sana, kung unang, haharapin si Trillanes, ni Davide sa Truth body, mas okay pa. Sayang ang salapi ng Bayan, ki Senador…
Maganda si Shalani!
Mas relaxed na si Aquino at Binay hindi katulad noong proclamation na parang malamig si Aquino kay Binay.
So far, maayos lalo na nung sumakay na si Arroyo ng private car papaalis ng grandstand. Bye bye Gloria
I learned that Gloria was given a 21-gun salute. What a waste of bullets.
They should have pelted her with rotten tomatoes and sprayed her with mosquito killer.
Tapos na officially ang term ni Arroyo!!! Good luck President Aquino.
May mga tutuligsa sa speech ni Noynoy pero ako, approve na approve sa speech. Totohanin dapat yan ni Noynoy!!!
Pagbati sa ating bagong hangal, este halal na pangulo
Na buong tiwalang pinili’t hinalal ng tao
Sana ay huwag siyang bumitiw sa pangako
Sumpa ng pagkakaisa’t tunay na pagbabago
Sa diwa ng lahing inaping kaytagal
Sana din ay ibangon ang lugmok na bayan
Na malaong inapi ng pamunuang hangal
Walang isinaisip kundi limasin ang kaban
Nagpasasa sila’ng buong kasiyahan.
Bagong mamamahalang pangako ay pag-ahon
Mula sa kinasadlakang malalim na kumunoy
Bunga ng kasibaan ng mga ganid at ulol
Magsamasama tayong ang bansa ay ibangon.
Marahil naman ngayon ay bibigyan na ng pansin
Pagpapakasakit ng diasporang mga katulad namin
Sa paghahangad ng ginhawa’y lumayo sa piling
Ng mga minamahal na buong timyas na ginigiliw.
Hayo na, mga kasama, tayo’y magkapit bisig
Hawak kamay nating isigaw sa buong daigdig
Asam na pagbabago sa ating baya’y makakamit
Luwalhati ng pag-asa sa ating muling pagbabalik.
I learned that Gloria was given a 21-gun salute. What a waste of bullets.
They should have pelted her with rotten tomatoes and sprayed her with mosquito killer. – The Yellow Bachelor.
Mr. Hepatitis (Naninilaw na Sawimpalad),
Unang una, welkam dine sa bahay ng maybahay.
Those twenty one cannon balls or bullets fired in the honor (no, it should be horror) of gloria as a parting salute to an unelected acting president would not have gone to waste should they were fired to gloria instead.
Tsk. tsk. tsk.
Tapos na sana ang kanyang istorya at hindi kailangan pang habulin sa korte ang lahat ng kanyang kawalanghiyaan.
RE: May mga “shade of thoughts ” ako, Bakit si ex-CJ-Davide, sa ” Truth Commission “?
E bakit nga ba Igan Rodolfo…si Davidead ang pinahawak sa NOTruth Commission ng rehimeng P-Noy? E abugagong hudas at oportunista din yan…kundi sa kanyang panghuhundas sa Saligang Batas e dapat di tayo umabot ng 9-years na puro hirap’t dusa ang inabot sa enchanted kingdom ni gloria.
Ngayon…gagawing headache ng NOTruth Commission, mag-uupisa pa lang ang termino ni P-Noy e semplang na siya sa mga pinili niyang cabinet members.
Lalong nawalan ako ng gana sa rehimeng P-Noy…di pa naka-ONE day sa Malacanang, e mga monsters ang itinalaga sa pwesto.
Sila ang hudas at sinungaling na nagpahirap sa Pinas at sa ating mga mamamayang Noypi, paano titino ang bansa natin kung yang mga kicked out at sipsip kay gloria ang sila ding magpapatakbo ng Pinas?
Magkanya-kanya na tayo ng langoy…matira ang matibay!
MPRivera – June 30, 2010 1:58 pm
RE: Pagbati sa ating bagong hangal, este halal na pangulo
Aming Katotong MPR…marubdob na pagpupugay,
Itong sakbibi ng inis-talong hibol.
Sadyang mapaglaro, Not Once…but Twice,
Kapalarang sikil ng pighati’t dusa.
Di ko malirip,
Lohikang Noypi estayl politikz.
Nasabing may bagong halal na Pangulo ng bansa,
E wala pang singkweta porsyento,
Ang nakamtang boto.
Buong angkan ng HEPA B wannabees,
Alalaong bagay nagbubunyi todo-todo.
Natupad kanilang hikbi,
Mapasakamay ang enchanted kingdom.
Anong hilatsa ng tunay na kalakaran ng pagbabago,
Kung ang mga nasipa at sinipa ng rehimeng dorobo.
Ang sila ngayo’y magaaryenda,
Sa timon ng nakahandusay na Inang Bayan.
Saan ko man puntiryahing silip-silpin,
Apat na sulok ng gobyerno de bobo ng rehimeng P-Noy.
Dating hudas a sinungaling,
Sila ang magpapatakbo ng mga winindang na institusyon.
Isang araw bago ang pagsisimula ng bukang-liwayway,
Heto ngayo’y mabulaklak na pangako.
Nagtilamsikan sa kalawakan,
Upang uliniging pakinggan ng mga buryong na kukote.
Resaykel na mga NOTA…e wala namang TONO,
Nakakakulili ng tengay…hay naku ang sakit pakinggan.
Wag na siyang maghambog,
Bistado na natin ang kanyang kaliskis at hasang.
Tatlong termino sa Tongreso,
E ano ba ang kanyang maipagmamalaking nagawa.
Humirit muli ng tatlong sa Senatong,
Kahit isang batas e walang na ipasa sa plenaryo.
Malapit nang mapanot ang tuktok ng simboryo,
Heto’t ngayon lang naniningalang pugad.
Di pa swak na swak,
Kung makakahigop tayo ng mainit na sabaw.
kuya Oblak, sa totoo lang ay maganda ang speech ni kuya Noy hindi ko lang maikumpara sa ibang speeches dahil wala akong napakinggan sa kanila. Ito lang ang una. Pero kahit ako ay nagandahan lalo na yung una. After the speech is hardest part, the implementation for the realization of his promises.
Ang pasya ko sana sa araw na ito’y
namnamin ang laya mula sa kumunoy.
Sariling pangako ng pananahimik-
ilalaan sana sa pananangkilik.
Dahil nakiliti ang aking panulat
kay Kumpareng Magnong kanina’y nag-ulat
ng kanyang loobin sa mga naganap
sa bayang ngumiti nang ito’y hinarap
ng bagong pinunong kanilang hinirang-
sasabat din ako’t magbibigay-galang.
Dahil sa pagtula ni katotong Balweg,
ninais ko na ring usapa’y lumawig.
Heto ako ngayong hindi matahimik
sa opisina ko kung hindi iimik.
Pag-asang bumulwak sa bayang gumising
ang nasaksihan ko sa aking paggising.
Napaaga pala ang naging pagdating
ng panunumapaing Pangulong magaling.
Sa aking pananaw, ito’y naghuhudyat-
ang Pilipino time, iwaksi na dapat.
Alam ko rin namang sa mga nagulat,
sasabihin nilang si Noynoy ay atat.
Sa mga salitang nasa talumpati
tingin ko’y tapos na ang ugaling dati
na ang lingkod-bayan ay paglilingkuran
at ang mamamayan- bakang gagatasan.
Tapos na rin, wari, ang kapalaluan
ng uring nasabik sa kapangyarihan.
Sumunod ang pulis at unang hinakbang
ang ipamalitang bawal na ang wangwang.
Ang Pangulo naman, sa kanyang pag-upo,
ang pananagumpay, hindi n’ya inako.
Sa mga kasamang may ingat na muhi
sa piniling puno ng mga kalahi-
mamali, matama, ang galaw ng pili-
mali’t mali pa rin, at mali palagi.
Sa aking masaya sa mga naganap-
tuloy ang antabay, tuloy ang pangarap.
Ms Tordesillas, Pareng Magno, Ka Balweg,
Patawarin sana ninyo ako at ginamit ko ang bahagi ng palitan natin ng kurukuro dito, at naquote ko sa blog ko, nang hindi man lang nagpasintabi muna:
http://kaenchong.multiply.com/journal/item/59/Dahil_kay_PNoy_Nabuhay_Muli_ang_Balagtasan
Sakali mang hindi ninyo ipagkakaloob ang pahintulot, buburahin ko na lang po.
Sakaling ipagkaloob naman, maraming salamat po.
Sinabi mo pa Igang Ka Enchong,
Siyam na taong pagdurasa sa palimanaw ni Madam Gloria.
Hay naku…dagdag anim na taon muli,
Sa kamay ng mga elitista.
Ang bilis namang nakalimot…mga Kababayang Katoto,
Sa ugali’t asal ng mga elitista.
Na siyang nag-udyok upang si Gloria e mag-alsa balutan,
Agawin ang Palasyo sa lehitimong Ama ng Masang Pilipino.
Ginamit ang rehime upang maisulong ang kanilang agenda,
Pamunuan ang 90 milyong Pinoy na sakbibi ng dusa.
Bokya…sila-sila e parang aso’t pusa,
Mayroon naging sipsip kay Gloria at ibaý nakicked out.
Sumatotal ng bangayan sa entablado at media,
Ibalik ang Demokrasya na papabor sa mga elitista.
NagHokus-PCOS muli sila,
Upang landslide na maipanalo ang HEPA B Noy nila.
Magkagayon man ang mandato ng mayorya,
Dapat natin itong igalang at suportahan.
Sa ikauunlad ng bayan,
Tutukan ang mga galaw nila!
Sinasabi ko na’t merong mahahawa
Sa gawa kong kalokohang bakit ginagaya
Nadulas la’ang ako’y bigla lang gumana
Ang likot ng utak kong walang kawenta wenta.
Ireng dalawang ire’y kung bakit sumunod
Sa hindi mapigilang paghabi ng taludtod
Napatid na ako’t sumabit ang lulod
Dala raw ng kaengotan pati nguso’y bugbog.
Huwag akong sisihin kapag kayo ay pinukol
Ng hilaw na bayabas at maasim na santol
Dangan kasi kayong mahilig magbulakbol
Sa panggagaya ay toink! sapul pa’t sapol.
Humahanga din ako sa inyong dalawa
Mga tunay na kaibigang huwaran din ama
Sana sa pagtula nyo’y pakaiwasan sana
Masunog ang sinaing, mangitim ang labada!
Akalain ko bang mabuhay na bigla
ang tulog kong pusong ibig magmakata?
Kumpare kong Magno, kasabwat ka yata
ni PNoy sa sulsol na ako’y tumula.
Patunay bang sapat ang ating palitan
na muling nabuhay itong Balagtasan?
Tumpak nga kayang ipangalandakang
sa pagtula natin, wala nang hahadlang?
Hayaan ko munang labada’y mangitim.
Hayaan ko na ring magtutong ang kanin.
Basta’t sa dalanging taos at taimtim,
ang bayan ko sana’y muling pagpalain.
Paumanhin sa pagputol ng balagtasan, gusto ko lang batiin si Pader ng Happy New President’s Day!!
Tuloy ang balagtasan, nag eenjoy ako!!
Pareng Enchong, ating samantalahin
Habang ang maybahay natutulog ng mahimbing
Ireng ating tulaan sigehan na’t lubusin
Baka bigla itong maputol paggising.
Hindi naman masama kung ating ibalik
Ang diwang kinilalang Pinoy na marikit
Ito ang pamana ng ninuno sa pag-alis
Bakit ikahihiya, dito tayo nabigkis?
Panawagan ko rin sa bagong pamunuan
Kaming maralita sana’y huwag kaligtaan
Hindi kami umaasa lalong ayaw limusan
Pagkat hangad nami’y maayos lang na buhay.
Pag-asa ang ngayon ay aming nababanaag
Sa pagsumpa ni Noynoy hinirang nating lahat
Sana ang pangako’y hindi man matupad
Magsilbing inspirasyon sa pagharap sa bukas.
Ibangon ang ating nalugmok na bayan
Samasamang itayo ang nabuwal nating bahay
Muling ibantayog ang layuning banal
Upang samasama tayong mamuhay ng marangal!
Pauunlakan ko ang iyong anyayang
dugtungan pa natin itong Balagtasan.
Paggising ni Madam baka sabihin n’yang
mas mainam yatang magbalik-tulugan.
At kung sakali mang tayo’y mahiyawan,
Kumpare kong Magno, ‘di kita iiwan.
Kadamay mo ako’t kadamay ko sila
sa pananalanging unawain sana
na bunga lang ito ng bayang masaya
sa pamamaalam ng bruhang si Gloria.
Kawiwika ko lang na sasamahan ka,
ano ba’t sa ngayon ay oras na pala
upang igayak ko ang laptop kong dala
at maglayas muna mula opisina.
Pangako, pare ko, pag sinapit ko na
ang bahay kong munti’y muling tatalima
sa pangakong sadyang babalikan kita
at muling tutula sa harap ng madla.
Ituloy ninyo ang inyong mga tula at kahali-halina! See what a P-noy speech does to us? I wish P-noy well. He has mis-steps here and there but I hope he learns soon enough who could perform well and get rid of the rotten eggs!
Ano kaya ang pinagusapan ni PNoy at ni putot?
putot: are you getting married soon?
PNoy: how can I? you left me with so many problems..by the time my 6 years is over…I will be bald and I would have smoked all the cigarettes all the manufacturers can process:
putot: kawawa ka nga naman..(pero sa loob loob niya..I am so happy for you!)
..kung ako si PNOy noong tumigil ang kanilang sinasakyan dahil sa traffic…binuksan niya ang pinto at itinulak..sa pagkaputot niya isang pitik lang ang kailangan..
Eh bakit nga ba si Hilario (Hudas)Davide ang pinili ni P-Nyoy sa Truth Commission? Eh hindi nga niya nagawang ipatupad ang nasasaad sa Constitution nuong nag-walk-out ang mga tuta ni Gloria nuong impeachment ni Erap. He does NOT know how to implement the law. Isa pa, eh ang laki ng utang na loob niya kay Gloria Engkantada. BIniyayaan pang maging ambasador bilang pabuya. Naging kasangkapan siya ni Gloria. May aabangan ba tayong hustisya na makulong si Gloria? Sa UnTruth Commission headed by Davide malamang…WALA!
Tila masamang senyales itong ginagawa ni Kristeta. Hindi man lamang naka-paghintay kahit man lamang isang linggo or two weeks. Isinabay pa sa inaguration ng kanyang kuya ang kanyang pag-ka taklesa. Baka itong si Kris ang maging kasiraan ng magandang umpisa ng Aquino administration. Kung nagawa niyang ibando sa TV ang kanyang nakuhang sakit sa kanyang dating asawa na si Joey Marquez, magagawa niya rin ang mas malala at matinding issue tungkol sa pamamalakad ng kanyang kuya Pnoy. Nagawa niyang magpalusot sa hindi pagtulong sa kapatid ni James Yap, ngunit bakit siya nakikialam sa Senate president election para manalo si Kiko Pangilinan.
A funeral procession of a dead democracy.
she was given a 21 gun salute? walang stay bullet na tumama sa kanya?…now I understand why our military can’t win against the NPA or the Muslims…
sira ka talaga, rose.