Skip to content

40 Comments

  1. Oblak Oblak

    First day, saya muna. Umpisa na ng kalbaryo bukas. Maganda sanang tingnan ang mga pictures dito at sa coverage sa TV. Kaya lang pag nasasama si Romulo nakakaalibadbad.

    Ms. Ellen, share mo naman ang mga scoops at interesting happenings sa Quirino Grandstand.

  2. chi chi

    Maganda rin ang photo na umaakyat sya.

  3. jawo jawo

    Nagmukhang ma-aliwalas ang Malacanang sa pag-pasok ni Noynoy.

    The former stinking palace by the stinking river is finally “exorcised” of its forner evil bitch of an occupant.

  4. Thanks for the link, Mike.

    It may still be too early to say, but, am I seeing a President who belongs to the elite class? Judging from his press conference announcing his cabinet’s composition and that song number, parang mas masa pa ang dating niya kaysa kay Erap. Tingin ko, hindi mahihirapan ang masang Pinoy na tanggapin si PNoy.

    Sa inaugural address niya, two statements stood out, at least, in my opinion:

    Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

    Admitting that he does not have any right to forgive sins committed against the people is a sign of humility unheard of in ages coming, as it did, from the most powerful person in the country.

    Hindi na pwede ang “pwede na”.

    Is this a promise to raise the bar as far as public service is concerned?

    Sa mga detractors ni PNoy dito, pasensya na po. Honeymoon period mode lang po siguro ako.

  5. chi chi

    Ang inaabangan ko at tinututukan sa totoo lang ay matapilok si Gloria dahil sa haba ng terno. I’m bad! hehehe!

  6. luzviminda luzviminda

    Alam natin na mahirap ang susuungin ni P-Nyoy na pamamahala sa ating nasadlak sa kahirapan na bayan. Maganda ang kanyang mga tinuran at sana nga ay magtagumpay siya sa pagsulong sa kasaganahan lalo na sa mga mahihirap. Euphoria pa ang nararamdaman sa umpisa. Sana ay hindi siya maipit ng mga dambuhalang maimpluwensiyang kapitalista at politiko. Ang success niya ay success ng sambayanan. Bantayan natin siya at ang mga taong nakapaligid sa kanya para sa kanyang gabay.

  7. luzviminda luzviminda

    Ang isang dapat ingatan ni P-Nyoy ay ang mga taong dikit kay Tabako Ramos. This guy(FVR)is dangerous. Nakangiti pag kaharap mo pero tumatrabaho ng pailalim.

  8. luzviminda luzviminda

    At syempre ingatan din si Tababoy Pidal. Di pwedeng hindi yang kikilos pag nasasaling na sila dahil sa kanilang mga kasalanan sa bayan. Ang dami na nilang panaligpit.

  9. Pambihira, parang alitaptap itong blog mo Ellen. Patay-sindi. Kagabi pa ganito. Buti meron na uli.

  10. Tignan natin sa loob ng 100 days na panunungkulan ni Noynoy at siguradong may pagbabago.Iyung wang-wang dapat lang naman talaga na mawala na iyan,kung gusto ng mga pulitiko na hindi sila maabala sa traffic agahan na nila ang pagpunta.Pero may pangontra na raw ang representanti ng Pampanga,may ihahain siya ng bagong panukalang batas sa Kongress na alisin na raw ang RED light sa mga stop light sa Metro Manila,gawin na lang daw na GREEN lagi para wala ng hihinto sa RED light para mabilis umusad ang traffic.

  11. Sa true lang naawa ako kay Aling Gloria dahil nagmukha siyang pinagsawaang mananayaw sa kabaret sa hitsura niya.Iniwanan na siya ng mga kasanga niya.Pagpasok niya sa Kongresso baka wala ng kakausap sa kanya dahil halos lahat ng kakampi niya noon ay nag Liberal Party na karamihan at kumampi na kay Noynoy “Porky” ang dahilan.

  12. Sa wakas, sa matagal na pagka busabos, tayo na ngayon ay BOSS ng pangulo ng bansa. Yan ay sangayon kay PNoy. Kaya bilang BOSS, dapat maayos din ang ating iuutos kay PNoy.

  13. Ops, PareCoy, mabuhay ka!

    As outgoing president, dapat talaga kasama si GMA sa oathtaking ceremonies katabi ni FVR at Erap. Pero mayroong nag-leak na bugbog sarado siya sa inaugural speech ni PNoy kaya hindi na nakihalubilo. Itong Truth Commission pala ay sadyang inilaan para kay GMA sa kanyang more than 9 years na corrupt-ridden administration. Makikita ngayon ang tunay na kulay ni Davide dito sa TC. Kapag false kanyang mga moves at magdudulot lang ng kunsumisyon, walang dudang dudumugin siya ng mga BOSS ni PNoy.

  14. Re Tongue’s comment #12.

    Ay naku, Tongue. nagsawa na kami ng mga colleagues ko VERA Files kagabi.We wanted to upload those inaugural materials last night but our site was undergoing technical difficulties. Continuation of last week’s problem.

    We are thankful that the site is back and medyo maayos na. Sana ganito palagi.

  15. Oblak Oblak

    Mang Cocoy, huwag ka naman ganyan sa mga bellas sa kabaret. Mas isasayaw pa namin ni MPR ang pinakamatandang bellas kaysa kay Arroyo!!!

    For the first time, may pintas na ako kay Noynoy!! Palpak ang song number nya at huwag na huwag na syang kakanta ulit in public! Ang Kris Aquino talagang galit na galit sa pagkakalat ng kapatid sa stage. Baka sa Sunday, magpapa interview yan uli sa Buzz at magbuhos ng sama ng loob sa pagkakalat ni Noynoy!!!

  16. Inisa-isa ko ang mga face ng mga kodak sa first day ni PNoy sa Malakanyang. Wari ko’y bagaman at nasisiyahan sila, inaalagata nila na sa kanila ngayon nakatutok ang paningin ng sambayanang Pinoy na kanila ring BOSS. Bilang kaalakbay ni PNoy sa pagtahak ng landasin tungo sa pagbabago, magiging aligaga sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin dahil ang kanilang mga BOSS ay palaging nakatingin.

    Unang araw pa lamang naman pero mas maganda sana at siyang inaasam ng marami, dapat may piktyur din si PNoy na katabi si FG.

    Ang ibig kong sabihin ng FG ay ang First Girlfriend, si Shalani.

  17. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Sini-sino kaya ang mga maging miembro ng Truth Commission?

  18. Pareng joeseg, Natawa ako doon sa tsismis na kumalat na nag Victory Liner na raw si Arroyo papuntang Pampanga matapos siyang iskortan ng mga loyal heneral niya palabas,may bulong pa raw “Sory Ma’m kailangan daw masiguro naming makaalis ka na dito baka batuhin ka pa ng itlog ng mga taong nandirito.

    Trabaho lang Ma’m at walang personalan.Hehehehe!

  19. May mga pasaway pa rin.Napansin ba ninyo doon sa oath taking ng mga local official na nanumpa kay Noynoy.Sin bang kulapo iyung naka shade.May pagkatuliling pa rin.Grabe! baka nga duling o bulding. Kung kaninong local official iyun dapat ninyo siyang ikahiya ngayon pa lang dahil wala sa ayus ang taong iyun.

  20. #18
    Oblak, hehehe parang hinda ka nasanay sa Gapo noong panahon ng Merkano,iyung mga batang batang agogo dancer na itinitibol ng dolar spokening ng tumanda pumatol sa mga tricycle driver.

  21. MPRivera MPRivera

    Pareng Oblak,

    Huwag mo nga akong isama diyan sa kalokohan mo.

    Ano’ng palagay mo sa akin, kaladkarin? Papatol sa matandang belyas?

    Madatung ba ‘yun? Baka puwedeng mautangan muna ng pang-tong its.

  22. MPRivera MPRivera

    ‘Yung silicon, hindi ba naiwan ni goyang sa kanyang dating silid?

  23. Tangnang hitsura ni Putot kahapon. Sa laki ng mga eyebags, mahihiya yung mga carta-moneda na Louis Vuitton.

    ********************

    Pero Cocoy, hindi tsismis yung sumakay ng Victory Liner pauwi ng Pampanga. Nakita ko yun sa news. Ang hindi nakita sa news, nung singilin ng kunduktor ng pamasahe!

  24. jawo jawo

    Sino-sino kaya ang mga maging miembro ng Truth Commission?—>Diego K. Guerrero – July 1, 2010 1:03 pm
    **********************************************************

    Sino pa ? Eh ‘di si Garcilliano, Esperon, Neri, Abalos, Ebdane, Palparan, Raul Gonzales, Norberto Gonzales, Merceditas Gutierrez, Leandro Mendoza, Iggy Arroyo, Mikey Arroyo, and of course, Miguel Arroyo.

  25. Oblak Oblak

    Mang Cocoy, sorry hanggang Culiculi at Calumpang lang ako. Si MPR sigurado hanggang GApo at kahit Poro point nakarating yan.

    Totoo yung sa Victory Liner nakasakay si Arroyo nang dumating sa Pampanga. Duda naman akong from Manila to Lubao yung Victory, baka pa effect lang .

  26. MPRivera MPRivera

    Pareng Oblak,

    Bastos ka! Ikaw ang promotor at nagturo sa akin, ah?

    Bakit ba pinag-iinitan mo ‘ata ako?

    Magpakabusog ka na la’ang sa buttered omelette, puwede?

  27. saxnviolins saxnviolins

    Sa Victory Liner nga nakasakay, chartered naman tiyak.

    Maniniwala lang akong makamasa yan, at ibang Presidente, kung sumakay sila sa jeep na pasada ni Erap, at bumili ng nirolyong dahon ng tabako galing sa Ilocos. Kailangan ang sindi nasa loob ng bibig.

    Yung nagtatabako, siya ang dapat sindihan.

  28. MPRivera MPRivera

    SnV,

    Ako din maniniwalang makamasa sila kung ang sasakyan nilang bus mula Maynila hanggang Davao ay hindi airconditioned.

  29. Oblak Oblak

    Magpakatotoo kay MPR!! Aminin!!

    Maniniwala ako na makamasa si Arroyo kung lalangoy sya sa dagat ng basura!!

  30. chi chi

    Hahaha!!! Ang saya-saya dito ngayon!

  31. MPRivera MPRivera

    Pareng Oblak,

    Sige, aminin mong ikaw ang nagturo sa akin at promotor at aaminin kong ikaw din ang nagbigay sa akin ng sampol kung ano ang itsura ng laos na belyas noong magsuot ka ng two piece na labas ang bilbil mo at bundat na tiyan.

    Ano nga pala ‘yung tattoo mo sa pige? Parang mukha ni goyang, eh. Ay, kay Ate Guy pala. Sori, pareho kasing may nunal, eh.

  32. rose rose

    ang pagkanta ni PNoy ay hindi naman sa Filipinos Got Talent..gusto ng mga boss niya na siya ay kumanta..at kumanta naman siya…hindi naman siya celebrity entertainer pero game siya..kahit de sintunado..simple lang at ordinaryong tao ang dating niya sa mga boss niya kaya may narinig ba kayo na “boos”? may nagbato ba ng rotten eggs or rotten tomatoes? waka! kapamilya ang turing sa kanya..he is one of them…hindi ba maganda ang dating?

  33. rose rose

    maki masha naman si putot ah..padirs and generals..hindi ba?

  34. jawo jawo

    Saan ba sa Malacanang naka-display ang mga litrato ng mga naging presidente ng Pilipinas ? Kasama na ba si gloria ?

    Sa palagay ko, hindi siya dapat ihanay doon sa mga litrato ng mga naging presidente natin. First (and the most glaring fact,…..) she was the only one without a mandate to be one. Saling-pusa lang siya sa Malacanang.

    May suggestion ako. Ilagay na lang ang litrato niya sa GAME ROOM ng Malacanang para maging target sa ARCHERY o di kaya ay DARTS.

  35. balweg balweg

    RE…gusto ng mga boss niya na siya ay kumanta..at kumanta naman siya…hindi naman siya celebrity entertainer pero game siya..kahit de sintunado..

    Praktis lang yon Igan Rose, ngayong nagsimula na ang WangWangwee e dito mo siya mapapanood kung papaano humatay ng NOTA.

    Ano ang ginagawa ng Kamilya…yaong sintunadong boses e magiging isang magandang musika sa ating tenga kung matututo siyang sumabay sa tono.

    Nandiyan ang Bulong-Brigade dancers at iba pang supporting casts na siyang magbibigay saya…WangWangWee!

  36. rose rose

    bal: pero yong kanta ni PNoy hindi ata tugma sa pagsayaw ng cha cha ni gloria..baka ang mangyari isasayaw ng boogie woogie style marino at sa pag paikot ikot sa kanya matapon siya sa impierno at maging cremated lechon ang leche!

  37. rose rose

    ano kaya kung ang kanta ay “five foot two”?

Comments are closed.