Skip to content

Aquino gives order to investigate Arroyo

The Philippines' 15th president
Without mentioning the name of his predecessor Gloria Arroyo, Aquino ordered Justice Secretary Leila de Lima to run after those who have committed crime against the Filipino people.

At the same time, he said he is grateful to former Chief Justice Hilario Davide who was Arroyo’s ambassador to the United Nations, to agree to head the Truth Commission that will investigate anomalies under the Arroyo administration.

Following is his inaugural speech:

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court, members of the foreign delegations,Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.
Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktaturya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa – nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din – talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito – dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago – isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago – isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster – ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

• dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;
• serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;
• tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.
Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga na tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin si papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili – lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA, OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proseso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.
Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all – may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shalI defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatang ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtatalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong – kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito – ang ating mga volunteers – matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa – nasa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Photo by Malacañang

Published inBenigno Aquino III

64 Comments

  1. sychitpin sychitpin

    “Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.”

    that said it all! Mabuhay Pres Noynoy Aquino !

  2. balweg balweg

    RE Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

    Well, Hon. P-Noy…sinabi mo yan kaya selyado lahat ang mga binigkas mong salita.

    Anuman ang mangyari e Pinoy pa rin kami na may dangal at paninindigan sa buhay sa kabila ng mga abo’t sabi na siyang pangpalubag-loob sa mga buryong na kukote.

    Anim na taon ang mandato na ipinagkaloob sa iyo upang pamunuan ang bansa at ayusin dapat ang kailangang baguhin sa 9-years na ka ek-ekan ng rehime na siyang pasang-krus na ngayon e nagpapahirap sa bayan at sambayanan.

    Good luck…dito lang kami alive and kicking!

  3. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    RE: Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

    P-Noy paki-lifestyle check iyong Cabinete at ibang mataas na opisyal ng pamahalan. Baka biglang yaman sila.

  4. MPRivera MPRivera

    To sum up and totalise what PeNoy delivered in his inaugural address:

    Samasama, magkaisa, magkapit kamay, magtulungtulong sa pagkakamit ng tunay na pagbabago at pagharap sa bagong pag-asa!

    For now, Mabuhay ka, Kgg. na PeNoy (President-elect Noy)!

  5. Easier said than done. It’s a tall order and he can’t do it alone. Imbes na hintayin nating magkamali para meron tayong pipintasan, simulan na rin nating kumilos sa ating sariling kinalalagyan.

    Hindi na puwedeng iasa ang lahat sa mga pulitiko. Sa ngayon ay mukhang patas pa ang laban. Huwag nating hayaang mauwi muli ito sa wala.

    Parang gusto ko nang bumalik sa negosyo.

  6. Nalulungkot ako, paano na yan? Wala na akong mumurahin? Mami-miss ko yata si Gloria…

    Pero hindi mabubuo ang araw ko kung wala akong pabaon. Isang malutong na “Tongue in, anew, familia Pidal”.

  7. titan titan

    @MPRivera — P-Noy na, kaya nga may inaguration kaninang tanghali.

  8. balweg balweg

    Sana di ito drawing…Aquino gives order to investigate Arroyo?

    Hayon naman pala…imbistagahan daw si Madam Arroyo, ang big ?…kaya kaya ng P-Noy regime na maipakulong ang mga kurap na yan?

    Magkakaalam-alam…mahirap kasi kung puro salita e wala namang action, 3-termers siya sa tongreso at 3-years siya sa senatong…ang big jokes nito, mayroon ba siyang bills na naipasa sa plenaryo na naging batas ngayon?

    Ngayon, buong bansa ang kanyang pamumunuan…e isang katutak ang pasaway at sipsip na ngayon e kanya-kanya ng diskarte para maka-IN sa kanyang gobyerno.

  9. Mike Mike

    “Wala na akong mumurahin? Mami-miss ko yata si Gloria…” – Tongue

    Walang problema diyan bossing, pa print ka poster size pic ni Gloria, tapos idikit mo sa dingding niyo. Maniwala ka sa hindi lahat ng mura na natutunan mo sa buong buhay mo masasabi mo sa harap ng pic ni Gloria. Di mo pa siya mami-miss. Yun nga lang sira din ang buong araw mo… araw-araw. 😛

  10. Kakatuwa naman ang mga post dito ngayon. Puro positive ang outlook.

    Tongue, I am 100% i agreement. Huwag na nating hintaying magkamali. Sabay sabay na tayong bumangon.

    Ka Balweg, aba’y maganda yang Goodluck mo. Magkakabahagi na tayo sa pagtutulungan, pagkilos at pananalanging pagpalain na sana ang bayan natin.

    Pareng Magno, mukhang malapit na tayong bumalik sa Pilipinas, ah. Mga sampung taon na lang siguro.

    We were almost solidly united in denouncing Aling Gloria’s brand of governance. I hope, we maintain the same solidarity in seeing this government as a vehicle for our success as a nation. The road ahead may be littered with obstacles, but we can clear those out if we work together as one.

  11. Nandun pala si Pres. Erap? Iba talaga pag malinis ang konsensiya…si Gloria siguro hindi makayanan magtagal dun…Good luck sa inyo dyan at magpapakabait kayo ha, dito na naman ako ulit sa isang magarang hotel along Orchard Road, hindi ko na witness ang makasaysayang occasion kanina. Kasama ang anak ko dun sa mga boy scout na na usher at naglinis pagkatapos, sayang hindi ko man lang na kodakan.

  12. kapatid kapatid

    I agree with #5 & 6 posts of Toungue. I can feel Sen. Trillanes’ presence in the Senate Session hall…Baka lalong ma-insecure sina Lito Lapid at Bong Revilla.
    Godspeed to us all.

  13. henry90 henry90

    I share the optimism of our countrymen. It was as if the dark clouds that have been hovering on our Philippine islands all these years were finally blown away with the fresh and clean whiff of air that the new administration ushered in on that momentous day. Whether you are pro or anti is of no moment anymore. The body language was unmistikable, the words sincere. It’s time to do our share. Punahin pag may mali. It will keep him grounded and true to his promise. I wish him clear skies, fair winds and following seas as he steers us away from troubled waters. My crisp salute to the son of my former boss, Tita Cory. Please don’t fail us Noy.

  14. Si Ramos at Erap nandoon. Bilib ako kay Erap, kahit anong sabihin nila, napakasinserong tao. Tama si jug, kung guilty siya, walang mukhang ihaharap sa taumbayan na karamihang nandoon ay kasama nung pagtaksilan siya.

    Si Ramos, kahit pa sabihing marami ring kasalanan, hindi matatawaran ang ginawa niya para mapansin ng mga negosyante ang Pilipinas minalas lang at natapat sa Asian Financial Crisis, naipamana pa kay Erap.

    Ayaw pa ba ninyo niyan? Nagkakaisa na ang mga maimpluwensiya sa politika upang burahin ang salot ng iniwan ni Gloria.

    Wala ‘kanyo si Gloria? Wala akong paki.

  15. henry90 henry90

    unmistakable. . .

  16. chi chi

    Miss na miss ko na si Gloria isang araw pa lang na wala syang kababuyan na ginagawa. Hindi ako high blood ngayon, ano ba yan?! Susundan ko sya sa Tongress, hehehe!

  17. chi chi

    jug, now you know why your aunts are so in love with Erap. 🙂

  18. chi chi

    Si lolo Johnny gandang lalaki, banat a! 🙂

  19. chi chi

    Ang ganda-ganda ni Sha(lani), ang lapad-lapad ni Sha(wee). 🙂

  20. jawo jawo

    Miss na miss ko na si Gloria isang araw pa lang na wala syang kababuyan na ginagawa.———-> Chi
    ***********************************************************

    Chi, alam kong feeling nostalgic ka ngayon gaya ng iba nating mga “comrades in arms” dito sa Ellenville. I know. I can feel it too. Nami-miss natin ang “pag-mumura” kay gloria ano !!!
    Pero tama ka. Abangan natin siya sa congress. Sa una niyang ka-hindik-hindik na kilos sa kongreso, meron na naman tayong “target practice”.

  21. jawo jawo

    Wala ‘kanyo si Gloria?———> Tounge

    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

    Nandoon siya “in spirit”. Pero sana tutoong spirit na nga siya.

  22. sychitpin sychitpin

    #5:Parang gusto ko nang bumalik sa negosyo.
    that’s the dynamic effect of having an honest leader, multiply that a million times and you get staggering progress and millions of job created. gma used BIR and BOC to audit and harass many businessmen perceived to be supporters of Pres Noynoy, stopping all pending audits and implementing general amnesty, so that all sectors will be given a chance to start anew is necessary. Businessmen will voluntarily pay taxes if they know gov’t does not steal.

  23. sychitpin sychitpin

    #13 henry90: very well said, i can sense your feeling of nostalgia and deja vu

  24. VLo VLo

    I’ll just wait and see but I’ll be optimistic.

  25. parasabayan parasabayan

    I watched the whole inauguration ceremony. Pati nga yung pag-pick up ni Pnoy kay maldita, yung magaling na pag-kanta ni Charice and mga iba pang artists at pati na yung pagkanta ni Pnoy sa QC.

    I sensed the sincerity. He also said that there are difficulties ahead but he stressed that he can not do the job by himself. Everyone should help. I perfectly agree! Let us give P-noy a chance to prove his sincerity. Mahirap man, if all of us help in our small way, we can pull the country out of its rot!

    The midget will surely be missed…Magiging stable na ang blood pressure ko.

  26. chi chi

    jawo – July 1, 2010 3:06 am

    Wala ‘kanyo si Gloria?———> Tongue

    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

    Nandoon siya “in spirit”. Pero sana tutoong spirit na nga siya.

    Wahahahaha!!!

  27. sychitpin sychitpin

    regarding wang wang issue, P.Noy could say further that traffic enforcers should now focus on improving traffic flow and not in tong collection, so that wang wang won’t be necessary.

  28. martina martina

    Si Gloria ay naging huwaran sa kasakiman, kaya from top to bottom echelon ng gobyerno nalulong sa mga tongpats.

    Am sure, kung matino, malinis at tuwid ang susundin ni PNoy, talagang maging ehemplo siya na dapat pamarisan ng mga tao down the line. Madali na niyang gawin iyan dahil wala siyang dala dala na black baggage sa kanyang pag upo, di tulad ni Gloria.

  29. martina martina

    Siyangapala, di ninyo ba napansin na okay na okay naman ang aura ni PNoy? Hindi siya kahiyahiya na iprisinta sa mundo, na gustong palabasin nuon ng isang poster dito.

  30. sychitpin sychitpin

    wise leaders appreciate more inner good qualities than outer appearance, integrity is more important than good look, nevertheless P.Noy have both; good look and integrity.

    Power is a good test of person’s true character, some people became abusive and corrupt when in power, while some remain humble and honest

    looks like P.Noy will remain humble and honest, and he should make all his people follow his good example

  31. Only right to give him the usual 100 days to show what stuff he’s made of.

  32. rose rose

    naluma si putot compared to Pnoy..mas lalo siya naging liliputian..but of course she was given a “hero’s” welcome sa Pampanga..insulta ata yan kay Jose Abad Santos…that she would be considered a heroine…pwede ba seguro the title queen of heroin….
    …now she will be in tongress..sino kaya sa kanila ang manalo..si Imelda? o si Gloria?…abangan…coming soon sa Congress Theatre..incideentally, marunong ba siya kumanta? baka ang cha-cha iprepresinta niya…

  33. xman xman

    It does not sound like an inaugural speech to me but a eulogy to a dead Republic!

  34. bayonic bayonic

    the “no more wang-wang” comment struck a personal chord…. and to find out that his motorcade for the past two days are stopping at intersections when the traffic light is red is also refeshing.

    but then again …. baka sa umpisa lang ito.

    let’s wait and see then.

  35. Payag ako sa integrity siguro. Pero, good looks?

  36. chi chi

    hehehe, sobra ba?

  37. Guapo naman si P Noy pag naka Barong.Kaya lagi na lang siyang mag Barong.

  38. Oblak Oblak

    Okay naman ang hitsura ni Noynoy, pormal kung pormal, jefroks kung jefroks. May puntos sa taong bayan na ang kanilang leader ay mukhang ordinaryong tao. Idagdag pa na mukhang sincere sa sinasabi.

    Kesa naman kasing gwapo nga ni Bong Revilla, basyo naman.

  39. MPRivera MPRivera

    Payag ako sa integrity siguro. Pero, good looks? – Tongue.

    Tongue, nagbago ka na ba? Nagsawa ka na sa mga seksi, ngayon gusto mo macho naman?

    He he heh.

  40. Tumigil ka, Magno. Na-OA-an lang ako sa response ni sychitpin (#30). Ni hindi mo napansin na muling nabuhay yung partner kong sepulturero, naguguwapuhan din kay Noynoy (nyahahaha!) dahil daw nakabarong. Alam mo naman basta nakabarong, magara ang meyk-ap, lalo’t hindi halata yung bulak sa ilong.

    Hindi na nga nabasa ni PNoy yung huling bahagi ng speech: “I wish to thank Paul Cabral for my pants and barong, and Quiogue Parlor for my hair and make-up”…

  41. Re: Manong Diego’s “Kayo ang boss ko”, matagal ko nang hindi ginagawa ito:

    Excuse me, PNoy, paki-timpla mo nga ako ng kape. Off the hook ang phone ko kaya pag may tumawag, pakisabing nasa important meeting ako. Lastly, paki-tapon mo na rin sa Bilibid si Gloria.

  42. tatay tatay

    Hilario Davide to head the truth commission to investigate Gloria?!? Common, PNoy!

  43. MPRivera MPRivera

    Na-OA-an lang ako sa response ni sychitpin (#30). – Tongue.

    Oooowwwwss!

    Aminin.

    He he he.

  44. MPRivera MPRivera

    @MPRivera — P-Noy na, kaya nga may inaguration kaninang tanghali. -titan.

    tita, first let me welcome you in the house of the owner and Bahay ni Ate where I am also a visitor eveyday everyweek the whole year since I was recognized as a housemate except when I went in the the country of my birthplace for vacation.

    I will always address him like that, President-elect Noynoy because unlike goyang who was only a buy product (dahil binili lang ang panalo daw) of Hello, Garci , he was elected by the people. Unlike the goyang who shamelessly assumed the highest office in the middle of the unholy night, PeNoy took his oath of office in broad daylight front of the people. And, unlike the goyang who claimed to be herself a genius of a leader, PeNoy humble-ly addressed the people as his BOSS.

    And the most that I always admire in him, PeNoy never fails to recognize his parents in all his encounter with the media and speeches which the goyang never did making her seemed coming and and existed in this earth all by herself. Parang singaw!

    By these nakakaaliw na nakikita kay PeNoy, only vinegar grapers would wish and want to pull him down.

  45. MPRivera MPRivera

    “….Inaatasan natin si papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers……”

    Ito ba ‘yung mahusay na may akda at nagdrowing ng Asyong Aksaya?

  46. morningrain morningrain

    Ah, there you are Xman, hahahaha a EULOGY to a DEAD REPUBLIC, huh! Hahahahha

    Anyway,I meant to post this comment under Hawaii Five-O,
    but Ms. ET has closed it already so here it is:

    Nakakaawa na kasi tayong mga Pinoy at lagi na lang pinaglalaruan ang ating bayan na hindi na magawang umusad sa kaunlaran at bagkus ay papaurong nang papaurong sa malaking EWAN!!!
    Let me share you part of Joema Sison’s letter published by Bulatlat elaborating on the AES ‘Poll Fraud’ Deal between Gloria Arroyo and Sister of Noynoy Aquino, and see for yourself if there’s truth in it:
    “The automated electoral system was characterized by anomalies and fraud. These were enabled by the foreign control of Smartmatic that is offensive to any sense of national sovereignty, the discarding of the system’s security safeguards and the super-quick secretive reconfiguration and replacement of 76,000 memory cards in a few days before the election, without any impartial entity observing.
    My informant regarding the conversation between Gloria M. Arroyo and Pinky Aquino-Abellada to pave the way for the meeting of high representatives of the US Central Intelligence Agency, Aquino family and the Arroyo regime is willing to come out in the open and reveal the time and place of the Pinky-Gloria meeting in due time after making provisions for the safety of his family.
    Consequent to the reaction of Pinky Aquino-Abellada, wife of Manolo Abellada the chief executive officer of the Philippine Multi-Media Systems, Inc., to my interview with Pinoy Weekly, I urged my informant to come out into the open immediately, despite his previous precondition on me that I should not reveal or indicate his identity.
    The informant reminded me of the serious risks to him from the three powerful forces involved in the manipulation of the automated electoral system and he said, “I do not want myself and my family to suffer the same fate of Gregan Cardeño and Philippine Army Captain Javier Ignacio, who had gotten entangled in high security operations of the US government in the Philippines.”
    My informant has actually given me much more information than what I have said in my interview with Pinoy Weekly. But in the meantime, I am obliged to respect the wish of my informant to secure the safety of his family before coming out into the open.”

    It seems to me that Uncle Sam is on it again! Kailan ka pa lalaya bayan ko? Now, I couldn’t agree more with you! A Eulogy to a Dead Republic!!!

  47. MPRivera MPRivera

    morningrain,

    Naniniwala ka pa ba kay Joma Sison a.k.a. Vicente Liwanag?

    Akala mo ba’y meron pang hatak ‘yan sa lokal na CPP?

    Laos na ‘yan! Puro pagpapasarap la’ang ang ginagawa niya sa The Netherland habang ‘yung mga kawawang inuto nila ay ipinakikipaglaban ang bulag na simulain ng huwad na komunismo.

  48. Oblak Oblak

    Ano yung PInoy Weekly? Sorry, hindi ko talaga alam. Si Joma Sison ba kamo? Napag iwanan naman sila ng another wave of People Power nitong Mayo.

    MPR naman, sumakabilang buhay na si Larry Alcala kaya huwag mo nang hanapin yung mukha nya sa mga cartoons! Yung sinabing Alcala ni Noynoy, dating congressman ng 2nd district ng Quezona, kasakasama ni Nantes at Tanada sa LP Quezon.

  49. chi chi

    Dead Republic? Buhay na buhay ang Pinas ngayon, katunayan ay masaya sa Ellenville. Pinayagan yata ng Ay Tange si Mags na magbabad dito, o baka nagtatago sa cabinet dala ang computer. hehehe!

    Si Joma Sison, pinag-uusapan pa ba yun?

  50. Magno,

    Naniniwala ka pa ba kay Joma Sison a.k.a. Vicente Liwanag?

    Correction: Armando Liwanag is the alias of Joma Sison 🙂

  51. MPRivera MPRivera

    Correction: Armando Liwanag is the alias of Joma Sison -TYB.

    He he heh.

    Alam ko. Kina-catch up ko din lang kung naaalala n’yo pa si Vicente Liwanag.

    Passe na ‘yang si Joma Sison. Kulang na sa pansin kaya ganyan.

  52. MPRivera MPRivera

    Ha ha ha!

    Pareng Oblak, tagasubaybay ka din pala ni Asyong Aksaya.

    Mahirap naman kasing puro tayo seryoso sa bawat taopic dito. Kaya nagre-reminisce ako ng konti at idinadaan ko sa pa-lost memory.

    Para naman may balance ang blending at mawala ang pagiging boring.

  53. Vicente Liwanag, yan ba, Magno, yung nakipagtitigan ng matagal kay Doro Delos Ojos? yeeee!

  54. xman xman

    Morningrain, I think there is truth in it because the actions of Comelec, Smartmatic, Noynoy, Sisters inc., and US points in that direction, massive fraud and the preservation of gloria’s enchanted kingdom.

    Parang ang mangyayari dito kay Noynoy ay lalabas na figure head na lang sya at ang magpapatakbo ng gobyerno ay Sisters inc.

  55. Re: Manong Diego’s “Kayo ang boss ko”, matagal ko nang hindi ginagawa ito:

    Excuse me, PNoy, paki-timpla mo nga ako ng kape. Off the hook ang phone ko kaya pag may tumawag, pakisabing nasa important meeting ako. Lastly, paki-tapon mo na rin sa Bilibid si Gloria.

    🙂

  56. rose rose

    Sino ba ang designer ng mga terno ni putot?…mahusay siya kasi nagawan niya na paraan that she didn’t look dwarfy..at kaya pala binigyan niya ng bagong trabajo and kanyang hair dresser anong hirap seguro pagandahin ang isang gaya ni putot..nag mukhang tao si putot and not the evil bitch na Neri referred to..how can I say this? putot din ako pero hindi plastic ang smile ko…at walang plastic sa katawan ko..mukhang na ubos na ang mga aso at tuta ni gloria.. dinala niya ata sa Pampanga…

  57. MPRivera MPRivera

    Tongue,

    Tatlo sila. Kasama sa titigang walang katapusan si Pablo Virtuoso.

    Ha ha ha!

  58. morningrain morningrain

    Guys, hahahahaha kulang nga sa pansin si Joma Sison heheheh Pero, pinansin nyo pa. So for now, let’s not talk about Joma Sison. I agree that he is passé as some of you claimed. But Gregan Cardeño is dead. Philippine Army Captain Javier Ignacio is dead. The highly secured American Barracks in Marawi City exists (and God knows where else!). GMA-Aquino-CIA conspiracy. Hawaii 5-0 conspiracy. The fraudulent election (parang minadali at pinagduldulan talaga!). Truth Commission headed by Davide. GMA in Congress pushing for cha-cha. Remember the controversial memorandum of agreement (MOA) on ancestral domain? Go, figure it out.

  59. MPRivera MPRivera

    “…GMA-Aquino-CIA conspiracy.” – morningrain

    show me a proof and you will see how crispy sprakenhayts ang aabutin nila sa akin.

    but if there’s none ever, please, stop at period and pause at comma. you maybe stepping on one’s toe with dying unpedicured nail. it’s ouchy painful.

    remember, hearsays are not admitted in court. even recorded talkings. ewan information were passed off as reliable before, now no more because the supot generals are already ostracized.

  60. morningrain morningrain

    Whoaaa! Crispy sprakenhaysts!! Really! Is the court in session? Oppppsss…late raw ang judge. Don’t be that paranoid, MPRivera…that’s infectious… don’t be too ICU about it, chong. Since you are as important as the rest in this court to keep the session alive, I am taking your advice: stopping at period, and pausing at comma. Peace! Take it as napag-uusapan lang…smile and have a great evening.

  61. balweg balweg

    RE: remember, hearsays are not admitted in court.

    E bakit ano ginawa ni Davidead na ang pinagbasihan sa oathtaking ni madam Gloria noong EDSA DOS e base ayon sa diary-supot ni Senatong Angara?

    Wala namang bakanteng posisyon for President at that time…ibig sabihin hearsay ang pinagbasihan upang maging panggulo si PGMA.

  62. xman xman

    Something the Philippine Yellow Media not telling us about the 2010 Elections? (Part I)

    THE May 10, 2010 elections, the first automated nationwide polls in the Philippines, have been widely reported to be successful, orderly and honest. Recent developments, however, seem to indicate that there is something about the elections the yellow media ain’t telling the Filipino people. For one, international observers have been reported to have been ‘shocked by fraud, irregularities, and violence.’

    Here’s the video of the press conference by the Peoples’ International Observers Mission–foreign delegates made up of academicians, lawyers, law students, journalists, social workers, union organizers, church workers–that documented specific fraud and violence cases in some of the country’s hot spot areas during the polls.

    http://forthephilippines.blogspot.com/2010/05/may-10-2010-elections-first-automated.html

  63. xman xman

    Current Canvassing of Philippine Presidential and Vice Presidential Votes highly Irregular and Illegal:

    Mr. Noted is back and is back with a vengeance. But this time, Mr. Noted, in the persons of Senate President Juan Ponce Enrile and Speaker of the House, Prospero Nograles, is perpetuating a highly irregular and illegal process that borders on a betrayal of a central feature of our democracy, the election process.

    http://jesusabernardo.newsvine.com/_news/2010/06/03/4455619-current-canvassing-of-philippine-presidential-and-vice-presidential-votes-highly-irregular-and-illegal

Comments are closed.