Nagpapasalamat ako kay Atty. Melvin Matibag,general manager ng Manila International Airport Authority, sa kanyang aksyon agad sa tangkang panloloko na ginawa ng driver ng Yellow taxi sa akin noong Biyernes.
Noong Linggo, tinawagan niya ako at sinabi niyang dinala na ng taxi operator ang taxi driver sa kanyang opisina at pinatawan ng kaukulang parusa: hindi na siya makapagbiyahe sa airport. Banned na siya.
Sabi ni GM Matibag, galit talaga siya sa mga mandurugas na taxi drivers sa airport dahil nag laking kasiraan ang kanilang binibigay sa bansa.
Pagdating ng turista at mga kababayan nating galling ibang bansa, kung wala silang sariling sundo, taxi driver ang una nilang kontak. Tapos lolokohin kaagad sila? Ang sama.
Grabe pala talaga ang lokohan ng mga taxi diyan sa airport . Maintidihan ko yan sa mga kolorum. Ngunit nakakadismaya na pati pala sa Yellow taxi , na accredited ng MIAA, ay garapalan ang lokohan.
Marami ang sumulat sa akin at nagbahagi ng kanilang masamang karanasan sa airport taxi. Katulad ng kaibigan ng kapatid ni Floriano Resco na nalagasan ng P3,500 mula airport hanggang Marikina.
Kuwento rin ni Ron Valerio na nasa Switzerland ang malaki kahihiyan na dulot ng mga manlolokong taxi driver ditto sa Pilipinas.
Nang malaman dawn g coach niyang Canadian na Pilipino siya, kaagad ikinuwento ang masama niyang karanasan sa airport taxi na siningil siyang P600 papunta sa kanyang hotel sa Roxas Blvd, tapat ng U.S. Embassy. Nang umalis siya, nag hotel taxi siya, P300 lang.
Nangyari din daw yun kay Bernard Lucero na nasa Germany nang sinundo niya ang kanyang Nanay. “Horrible experience,” sabi niya.
Kuwento naman ni Joyce na nasa Japan, noong 1997 mula sa airport mga 5 pm siya dumating mula Leyte papuntang Abad Santos. “ Nang nasa loob na ako ng taxi saka lang niya sinabi na kontrata daw sila samantalang bago ako sumakay tinanong ko muna kung metro ba siya umuo siya kaya ako sumakay.”
Ikot daw sila ng ikot inabot sila ng 9 pm, Baclaran pa rin sila. “Kaya kami natagalan dahil pilit nya akong pinagbabayad dun sa inabot ng metro ayaw naman nyang ihinto yong taxi kaya umabot nang ganung halaga. Ibinaba nya ako at di ko siya binayaran.”
“Mula baclaran karay-karay ko ang malaking bagahe nagjeep nalang ako papuntang Abad santos. Grabe ang experience ko na yun hanggang ngayon parang bangungot parin kapag aking maalala,” sabi ni Joyce.
Si Chi yap naman, ikinuwento ang nangyari sa apat na international students. “ Sa Makati lang ang destinasyon, dinala sila sa Bulacan.”
Ikot na ikot daw sila at sianbi ng driver na nawawala sila. Hinihingin sila ng dagdag na P5,000 para dalhin sila pabalik sa airport.
Naglabas daw ang isa ng lapis at itinutok sa driver. Natakot daw ang driver at ibinaba sila sa Makati. Hindi sila nagbayad.
Napakaraming horror stories tungkol sa airport taxi. Pinadala ko kay GM Matibag lahat.
Sana maalis na sa airport ang mga manlolokong taxi driver.
Expected ko na aaksunan ng MIAA ang reklamo mo Ms. Ellen. Ganyan din ang ginawa dun sa dumugas sa akin. Pero syempre sila ang tatawag sa iyo para mag inform sa action nila. In my case naman, ako ang nagfollow up noong umaga ang dating ko sa Manila.
Yung iba kasi, pinababayaan na lang ang nangyari tapos magkekwento na lang ng experiences nila. Isa ako sa talagang nirereport kung may mali. Paano nga naman matuturuan ng leksyon kung hindi irereport.
Siyempre naman, aaksyunan kaagad ‘yung reklamo ni Ellen, no?
Takot na lang ni Matibag na mabakbak agad siya sa pagiging MIAA general manager dahil hindi tatantanan ang isyung ‘yun.
Sana lang hindi ito ningas papel. Wala na kasing kugon, eh. Naubos na ng wild fires noong tag-init. Kaya papel na la’ang.
tandaan lamang: walang manloloko kung walang paloloko.
Kasamang Gani,
Kahit walang nagpapaloko, marami talagang manlolokong Filipino. Marami ding lukuluko.
ka mpr:
totoo ang sinabi mo pero kailangang walang sawa at walang hinto ang pagsusumbong sa mga kinauukulan para kahit paanno ay mabawasan ang mga tulisan sa airport at iba pang mga lugar.
ang hirap din naman…minsan maski may action line sila (telephone) for complaints, hindi gumagana. O di kaya, sweet talker yung taxi driver…e pagod ka na sa byahe kaya handa ka na ring ma-hold up.
Tama ka oblak,kung kagaya mong may oras pa para magfollow up ay mas mabuti,Pero Gaya ko the next day na ang alis,magcomplain kaman kung di mo rin mafollow up makasama lang yun sa mga nakatambak na report files ang complaints mo nakahambalang na walang aksyon.
Tsaka di na dapat yan ireport,silang mga nasa pamunuan mismo ang magmasid at humuli sa mga ganitong klaseng panloloko.Malaki rin ang naiambag sa column na ito kaya salamat kay ellen.
Galing kay Edel Salasayo:
Ako rin po ay may masamang karanasan sa ating international airport sa manila.
Ako po ay si Edel V. Salasayo, 38years old, OFW na nagtatrabaho dito sa Libya at tubong Nueva Ecija, makailang beses na po akong umuwi ng ‘Pinas, at naranasan ko po ang kagaspangan ng ugali ng ating mga kababayan na nasa airport.
Umuwi po ako noon before x-mas, syempre po sa airline na sinakyan ko ay may mga give aways pamasko ika nga. Paglapag po na eroplano bitbit ko na ang mga gamit ko kasama ang mga give aways, ngayon po hinarang po ako ng isang lalaki na nasa airport nakasuot po sya ng polo barong na puti medyo bata pa po sya, hindi ko po alam kung s’ya ay airport guard or ano pa man. Ang sabi nya sa akin ay hindi ko daw po puwedeng ilabas ang bitbit kong mga give aways, dahil iyon daw po ay illegal kong kinuha sa eroplano na walang pahintulot at ang gusto n’ya pong mangyari ay kuhanin sa akin lahat ng mga give aways na dala dala ko.
Sabi ko sa kanya brod, kung gusto mong manghingi, manghingi ka ‘wag ka ng manakot at hindi ako ipinanganak kahapon na kaya mong takutin. Ang ginawa ko na lang po ay hinati ko po ang give aways at ibinigay ko sa lalaki na sobrang suwapang at buwakaw, para kang hinoholdap ng harap harapan.
Kukuhanin na lang nila at sukat ang dala-dalahan mo ng walang kadahi-dahilan kaming mga OFW na bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas.
At meron pa po akong isang karanasan diyan din sa NAIA airport, sinundo po ako ng aking asawa kami ay lumabas ng airport at tumawag ng taxi. Meron pong barker doon na nag-aabang, tinanong kami kung saan kami sabi ko sa Sogo Hotel sa may Quirino Ave., ang ginawa po ng barker ay tumakbo at tinawag ang kontak nyang taxi, ng sumakay na po kami ng taxi napansin ko po na ang taxi ay window tinted, ‘di mo makikita ang nasa loob at walang nakalagay na taxi sign sa ibabaw ng sasakyan, so lumalabas po na parang private car ang taxi na sinakyan namin.
Ngayon po nong nasa loob na kami ng taxi, ang door lock po ay hindi gumagana, hindi mo mabubuksan ang pinto kung hindi bubuksan sa labas, ang nangyari pa po ay yung barker sumakay sa harap, kami ng asawa ko ay sa likod nakasakay ang bagahe ko ay nasa compartment ng taxi. Kinutuban na po kami ng asawa ko na hindi talaga mga taxi operators itong nasakyan namin kundi mga holdaper. Bumaba po kami ng taxi at sa ibang taxi kami sumakay, kasi po ay hindi normal ang taxi at ang pagsakay ng barker sa harapan.
Papano pong nangyayari ang mga ganito ay ilang metro lamang ang layo ng pulis precinct sa abangan ng taxi sa airport. Bakit po nila tino-tolerate ang ganitong mga gawain? Kawawa naman po ang mga taong mabibiktima ng mga holdaper, mga buwaya at mga duhapang sa ating airport.
Galing kay Reginald Barcero:
Ganitong ganito din po ang naexperience namin ng asawa ko sa 2 beses namin na pag uwi sa taon na to (2010).
Una po noong 15th January nang ihatid ko ang asawa ko at pangalawa noong 14 Feb ng muli ako umuwi matapos makapanganak ang misis ko.
Parehong pareho po ang nangyari. Paglabas namin ng airport eh may sasalubong agad para sabihin na metered taxi nalang daw kami sumakay kaysa un puti na taxi na kesyo dollar rate daw. Nagpunta ako sa booth na malapit sa pilahan ng yellow taxi sa pag aakala na mas makakatipid nga sa yellow taxi. Binayaran ko 70pesos para sa initial na bayad at 4 pesos daw karagdagan kada kilometro so naisip ko na mura nga at cguradong legal kasi nag issue pa ng resibo.
Pagkasakay namin tinanung kami ng driver kung san kami papunta at sinabi ko na sa imus,cavite kami ihatid at dun na nia pinakita sakin un laminated na kopya ng fixed rate daw pag outside manila na. Sabi nia 1500 pesos daw ang babayaran ko kasi cavite area daw, bukod pa daw sa babayaran ko sa toll fee. Para wala na diskusyon at sa pagmamadali na din namin makauwi dahil sa pagod sa pag byahe eh di ko na nagawang tumwag sa opisina nila at pumayag na din akong bayaran ang sinisingil nia.
Sana naman magawan ng paraan na maputol ang ganyang gawain or magkaron ng isang pilahan nalang ng taxi. Di lang kasi isang beses namin naexperience kundi 2 beses pa at magkaibang driver din. Parang ganun talga ang kalakaran nila. Di naman talga issue kung pera lang talga, pero hindi maganda ang panloloko na ginagawa nila.
Gusto ko din ipaalam na mas mabuti pa sumakay sa white na taxi dahil hindi totoong dollar rate cla kung maningil. Sa huling uwi namin mag asawa nun nakaraang sabado lang 26 June 2010 eh sa white taxi na kami sumakay at ang binayaran namin ay 530 pesos lang plus toll fee.
Sana maraming kababayan ang makabasa ng article nio. Salamat po!
Mam Ellen, paki-paging po sa mgataxi driver at mga “guardian” nito sa may ilalim ng overpass sa may Magallanes, Makati. Sobra pong kumikil ng singil, from magallanes to Airport, keso meron daw silang binabayarng rights dun…sana matigil na po ang ganitong panloloko.