Hindi pala masama sa puso o sa blood pressure ang itlog. Basta soft-boiled lang. Hindi yung pinirito.
Walang pruweba na ang “Noni juice” ay nakakagaling ng cancer. Wala ring pwuweba na ang mba bakuna ay ang dahilan ng autism at alzheimers disease.
Kung magkodakan, hindi cheese ang sasabihin para smiling ang labas sa litrato. “A” o “eight”, mas maganda.
Ito ang isa lang sa aking natutunan ko sa 10th midyear convention ng Philippine Society of Oncologists noong Sabado na ginanap sa Lung Center. Nakasama ako sa isang sesyun tungkol sa mga tinatawag natin ngayon na alternative medicine para sa cancer.
Medyo na late ako kaya maraming hindi naabutan na magandang lecture. Hindi bale bibigyan daw ako ng record ng lahat na lecture. Isi-share ko sa inyo kapag nakuha ko.
Maganda ang lecture ni Dr. Romulo de Villa. Ang naabutan ko sinabi niya na maganda sa kalusugan ang itlog, lalo pa ang itlog ng native chicken (yung pinalaki na hindi sa artipisyal na pataba) basta ito ay nilaga. Soft boiled. Hindi yung umiitim na ang paligid ng eggyolk.
Hindi maganda ang pritong itlog, sabi ni Dr. de Villa. Kasi doon daw nanggaling ang bad cholesterol. Ang cholesterol daw hindi lahat masama; meron din good cholesterol.
Kung gusto mo sunnyside up na luto, gawing poached eggs. Lulutuin sa tubig. Yan ang ginawa ko kahapon at masarap nga. Hindi mamantika.
Huminto na ako kumain ng itlog dahil marami kasi akong nabasa na masama daw ang eggyolk o yung pula ng itlog. Sabi ni Dr. de Villa, maganda sa kalusugan ang lahat na parte ng itlog.
Sabi ko, paano na lang dito sa Manila, mahirap maghanap ng itlog ng native chicken. Lahat na itlog sa grocery ay itlog ng mga manok na pinalaki sa gamot. Sabi ni Dr. de Villa, pwede na rin yun.
May nagtanong din tungkol sa mga gulay katulad ng broccoli at carrots na maraming bitamina ngunit na –sprayhan naman ng insecticides at lumago sa artipisyal na pataba. Sabi ni Dr. de Villa, kailangan hugasan ng maayos ang gulay.
Dahil lahat na bagay ngayon ay maraming gamot, magugutom tayo kapag maghanap tayo ng walang gamot. Sabi ni Dr. de Villa pipiliin na lang natin ang hindi marami ang gamot. Ang gulay hindi masyado yun. Ang marami talaga ay ang baboy. Kaya, yun ang dapat iwasan.
Si Abbygale Arenas, dating Binibining Pilipinas Universe at ngayon ay image consultant, ay nagbigay ng mga simpling tip para gumaan ang ating pakiramdam. Malaki ang mabibigay ng smile sa atin kaysa naman nakasimangot. Nagbigay rin siya ng tip sa tamang pagtayo.
Sa aming sesyun ng alternative medicine, tinalakay naming ang mga herbal medicine na sinasabing gamot sa cancer. Okay lang siguro yun pang-supplement ngunit hindi yun kapalit ng chemotherapy.
Pinag-usapan din naming ang kahalagahan spiritual na lakas. Ngunit lahat yun sabay ng medical treatment.
Ngunit lahat ito, naniniwala ako sa Panginoon Diyos nakasalalay.
thanks for the health tip
From Alfred Espiritu:
Taga saudi po ito o nagtatrabaho sa saudi.. paano po ang pagluluto ng sunny side up na tubig ang gagamitin.
Sana po bigyan ninyo ako ng kaunting space sa inyong column sa lalong madaling panahon. salamat po at God bless u.
Alfred, sa halip na mantika, tubig ang ilalagay, medyo madami-dami ng kaunti kaysa mantika.
Kapag kumukulo na, ilagay mo rin ang itlog katulad ng
nagpiprito ka.
Usapang itlog?
Sabi sa kumakalat na artikol sa internet, ang pagkain daw ng itlog ay dapat limitahan sa anim na piraso lamang sa isang linggo dahil masama sa kalusugan ng tao, bawal sa may sakit sa puso.
Bakit kaya ‘andaming mga ganito?
Iba’t ibang may akda, iba’t ibang haka.
Sana puwedeng magtorta sa tubig upang hindi makolesterol.
Hindi naman kasi maaaring kainin ng hilaw ang itlog at talong, no?
“Hindi pala masama sa puso o sa blood pressure ang itlog. Basta soft-boiled lang. Hindi yung pinirito.” Totoo kaya ito. Katatapos lang ang executive checkup ko and I was advised to limit myself to just one egg a week. Paborito ko pa naman ito kasi madaling lutuhin o iprepare. Sana, iyong mga ibang suki ng blog na ito, who are in the know, can affirm this to be true. Para makakain ulit ako ng maraming itlog. Thanks.
Lakay, ang naglecture, si Dr. Romulo de Villa, ay Dean of the College of Medicine, Pamantasan ng Maynila. He has a PHD in Molecular Biology.
You may visit his website: http://www.drdevilla.com
Magandang balita ito.
Ang hirap lang sa mga organic products, mahal at not easily available. kaya tama ang sinabi ni Dr. de Villa, pipili na lang ang pagkain na hindi masyadong pinataba sa gamot.
Mabuti naman pala ang itlog. Mahilig kasi kumain ng itlog ang misis ko.
Yeah I agree na mataas ang colesterol ng itlog lalo na pagpinirito sa mantika,.Wala namang problema kung ilang itlog ang kakainin mo basta after sports or jogging kakain ka ng nilagang itlog.Here’s my tips:painitin ang kawali pahiran ng konting oil,basagin ang itlog,budburan ng mixed powdered pepper w/salt,lagyan ng konting tubig,takipan w/in 2mins. ihain ang sarap parang pinakuluan sa hotspring.Ang karne naman ay di masama sa kalusugan basta ibalance mo lang siya sa mga raw leafy vegetables.Gaya nalang ng pritong porkchop,maghanda ka ng lettuce,slice,cucumber and sliced tomato,saka mo ipatong ang fried porkchop.Ganda tingnan ng color combination nyan,ingat kalang baka maparami naman ang kain mo.
Hi Ellen, ganyan ang pagluluto ko sa itlog, tubig ang mantika, sa microwave ko nga lang niluluto. Pareho din ang epek, sinubukan ko ang sa kawali, mas masarap.
Poached egg in microwave? How?
Meron ako na special microwave egg container, parang shallow small bowl lang, and then put two or three drops of water and cook it for 15-20 seconds, or adjust according to the softness na gusto ko. Yun na.
Ayaw ko sanang e post itong link sa ibaba dahil gusto ko matodas na ang lahat ng yellow liars pero naaawa pa rin ako sa inyo. Gusto ko pa ring mabuhay kayo baka sakaling magsisi pa kayo sa mga kasalanan ninyo.
Matagal na akong hindi gumagamit ng microwave dahil masama ang epekto nito sa kalusugan ng tao. Actually, mas magandang gumamit ng palayok pero sa ibang pagkakataon na lang talakayin yon.
Why did the Russians Ban an Appliance Found in 90% of American Homes?
http://www.sodahead.com/united-states/why-did-the-russians-ban-an-appliance-found-in-90-of-american-homes/blog-324517/
Paano yung hilaw ng itlog? Hindi yung mahilig ipakin ni MPR. Yung sinasama sa rootbeer at hinahalo. Ano cholesterol lever nun, high o low?
Preng Oblak,
Dati sa sarparilya hinahalo ang hilaw na itlog dahil gamot sa pag-eebak.
Ngayon merong ibang istilong itinuro si Tongue.
Yung tortang itlog at talong ay sinasamahan na ng giniling na mane.
Ang tawag daw du’n ay buttered omelette.
Dyaske ka MPR, baka ma censor na tayo dito!!!
Dati sarsaparilya, yung Ideal at nang mawala Sarsi na lang. Ngayon rootbeer na tawag nila kaya nakiki rootbeer na din ako.
Hahaha! Ano na naman yan, Mags?!
Kuya Oblak, meron sarsaparilla dito sa international section ng groceries sa amin, export ng Mejicanos. 🙂
‘Dudumi ng isip ng mga ire.
Di ba’t ang ginagawang peanut butter ay giniling na mane?
Sa susunod kasi huwag mong pagsasamahin sa isang pangungusap ang itlog, talong at gumigiling na mane!!
Pareng Oblak,
Ikaw ga’y nakatagay?
Ala’y ikaw are’ng masama ang tumbok ‘eh.
“Giniling na mane” o ‘yung peanut butter ang sinasabi ko, hindi ‘yung ipinagpipilitang mong pianlalawayan mong “gumigiling na mane”. Magkaiba ‘yun.
Ay, kabastos na tao nire, ah.
Ay, kapag ika’y gay’an nang gay’an ay talagang kita’y masisensor dine, ey.
Ikaw nga eh magtino, hane?
Ay, pati ako’y masisiraan na bait sa iyo, ey.
RE: Mabuti naman pala ang itlog.
Sinabi mo pa Igan Tongue, BUT pag itlog na bugok ang kinain mo e maslalong masarap daw?
Ito ang itlog na di napisa sa isang pugarang itlog…kaya lang in layman’s word, sila ang mga tradpols/trapo na pahirap sa ating bayan.