Update: MIAA GM Melvin Matibag informed me today (June 27) that the driver was apprehended and is being investigated. He said the driver will be banned from the airport.
Dumating ako noong Biyernes galing Zamboanga mga 5:30 ng hapon sakay ng Philippine Airlines.
Katulad ng dati kung gawi, dumeretso ako sa pilahan ng Yellow Taxi. Walang pila. Dadalawa lang kaming pasahero ang nandoon.Sianbi ko sa taong naglilista ang aking pangalan at ang aking destinasyon: Las Pinas. Binigyan niya ako ng parang tiket at tinulungan ako ng isa nilang empleyado papunta sa nakapilang taxi.
Kaya ako sumasakay sa Yellow taxi dahil gumagamit sila ng metro. May mga airport taxi na fixed rate, mas mahal.
Medyo mataas ang flag down ng Yellow Taxi. P70 pesos yata. Okay lang sa akin yan kaysa pupunta pa ako sa malayo at makipagtawaran pa sa mga colorum na taxi. Grabe magtaga ang mga colorum taxi doon sa airport.
Pagsakay ko mimo, sinabi ko sa driver ang aking destinasyon. Umalis na kami. Hindi pa kami nakakalayo, may inabot sa akin an driver na naka-laminate. Sabi niya, “Ito po ang rates namin.”
Sinabi ko, “Anong rates yan? Di ba metro ito?” Saka ko napansin na hindi pala niya binaba ang metro.
Sinabi ko na Las Pinas lang ako. Ang alam ko kapag sa labas ng Metro Manila, may iba silang patakaran sa pagsingil. Saka pala niya ibinaba ang metro.
Nang bandang Multinational village na sa Sucat, hininto niya ang taxi at nagpapara siya ng taxi. Sabi niya kung pwede daw ako lumipat. Medyo nainis na ako ngunit hindi ko naman mapilit siya kung ayaw niya ako ihatid sa amin. Ngunit bago ako sumakay sa taxi niyang pinara, sinabi ko kung saan ako s alas Pinas pupunta at sinabi kong kailangan gamitin niya ang kanyang metro. Ayaw niya. Kaya balik ako sa Yellow Taxi.
Pasado na 6:00 ng hapon yun at mahirap kumuha ng taxi sa lugar na yun. mabuti lang nakasakay na ako ulit bago bumuhas ang malakas na ulan.
Sabin ng driver, maysakit daw siya. Masama daw ang pakiramdam niya. Sinabi ko ibalik na lang niya ko sa airport para ilipat na lang ako ng yellow taxi sa ibang unit. Ayaw niya, tiisin na lang daw niya. Sinabi niyang masama daw ang pakiramdam niya.
Suspetsa ko nagsisinungaling siya at ayaw lang niya dahil maliit lang siguro ang kikitain niya sakin dahil hindi ako nagpaloko sa kanyang “rates.’ Para walang nang gulo, tumawag ako ng aking suking taxi company at tamang-tama naman sinabi sa kin na mero silang manggagaling sa Centennial 2 kaya sinabi kaya sinabi ko ibaba niya ko sa Purefoods at doon na lang ako nagpasundo ng ibang taxi.
Ang nakuha kong numero ng unit ng Yellow Taxi ay H-219.
Nag-text ako kay Manila International Airport General Manager Melvin Matibag at sinabi niyang isulat ko sa kanya ang detalye. Sinsero naman itong si Atty. Matibag sa mga reporma niya sa airport kaya umaasa akong ayusin niya ang problema ng taxi sa airport.
Kung gusto natin lumago ang ating turismo, bago tayo magpatayo ng kung anong magarbong gusali at guamstos ng milyunes sa promotions, dapat alisin ang manloloko na mga taxi sa airport.
Dapat ang pasahero, kapag lumabas sa airport ay kampante ang pagkiramdam na makakuha siya ng sasakyan na magdala sa kanya sa kanyang bahay na ligtas at walang hassle.
Whoa! Buti na lang at nakuha mo ang Body Number. Looking forward to a resolution of this complaint of yours thru MIAA GM Matibag. I am often at the airport, like bukas, 27th I would be there, puede ko i-check kung may update sila?
Sa T2 or T3 (PAL sometimes use T3). hindi dapat hayaan na may “mandarambong” sa mga airport taxis na iyan. Kaya nga may “Franchise” and Accreditted sila ng MIAA, on the understanding that passengers would be dealt with fairly in accordance with their contract with MIAA. Please us keep us posted when GM Matibag has responded. Thank you Ellen.
addendum : Glad you are safe…Cheers!
Welcome back sa Manila!!!
Sa Yellow Taxi, after my unpleasant experience na binalasubas ako, I always take precautionary steps bago umalis sa airport ang taxi.
First, give him agad the second copy nung slip na binibigay ng dispatcher sabay sabi ng destination.
Second, tell the taxi driver na paandarin ang metro.
Third, pwedeng pabiro o seryoso, sasabihin ko “Okay P70 – P4 tayo manong/brod, lets go”
For added protection din, lalo na kapag marami namang naghihintay na taxi sa pila, pwedeng sabihin sa dispatcher na isakay sa taxi na gumagana yung pag print ng resibo.
Yung experience nyo Ms. Ellen na ilipat kayo ng taxi, sobrang kakapalan yan ng taxi driver. Tama na nireport nyo yung driver. I know for a fact na may action naman ang MIAA at talagang nag sususpinde ng driver or taxi operator.
In general naman, maayos ang experience ko sa yellow taxi mapa NAIA o sa Cebu. Once lang nag init ang ulo ko.
Di ko alam kung mas maganda ang kita bilang driver ng taxi o jeepney? Talagang bang lugi ang taxi driver kung metro ang gagamitin?
Para sa akin ay dapat tanggalin pansamantala yang metro at mag experimento ng bagong paraan kung paano mag charge ang taxi.
Halimbawa, sa Rio De Janeiro,Brazil mula sa airport hanggang sa destinasyon mo ay may standard rate. Kahit ano pang taxi company o independent taxi operator ang gamitin mo ay pareho ang charge nila, wala silang metrong ginagamit kundi mayroon silang standard rate. Yong standard rate na yon ay approve ng union ng mga taxi driver at airport authority.
Pagdating mo sa airport, ay pupunta ka sa section ng mga taxi services na ang mga taxi companies ay may sarili sarili silang mga sales ladies doon. Kahit sinong kausapin mo ay pareho lahat ng charges. Halimbawa, nagustuhan mong bumili ng ticket mo para sa taxi sa sales lady ng Green Taxi Cab Company dahil mas maganda yong sales lady nila at nag flirt sayo kaya doon ka bumili sa kanila. Bibigyan ka nya ng ticket o resibo at yong resibo na yon ang ibibigay mo sa taxi driver ng taxi company nila. Sa resibo ay kasama na doon ang tip ng taxi driver, standard rate din yon tip ng driver. Pagdating mo sa destinasyon mo ay bahala ka na kung gusto mong bigyan pa ng additional tip na cash yong driver o hindi na.
By the way, yong mga sales ladies nila ay professional attire ang suot at may gmrc sila(Good manners and right conduct). Pero syempre kung lalaki ka ay mas malakas ang hatak noong mas maganda at malambing….lol.
From Joyce:
Hi I’m Joyce of Japan,I read your column in abante online and I was shocked!.
Nangyari din kasi sa akin ang nangyari sayo when I had my first vacation back in 1997.
Galing ako sa amin sa Leyte pagkatapos ng 2 weeks vacation ko pupunta na ako sa maynila para babalik na nang Japan.
Pareho hapon na rin ako nang makarating sa manila airport,di naman ako nahirapang kumuha ng taxi at nakasakay ako kaagad. Nang nasa loob na ako ng taxi saka lang niya sinabi na kontrata daw sila samantalang bago ako sumakay tinanong ko muna kung metro ba siya dahil abad santos pa kasi ako magpapahatid,umuo siya kaya ako sumakay.
Sa loob ng taxi sinabi nya kung magkano ang singil hanggang sa pupuntahan ko, namahalan ako masyado kaya sabi ko ibaba nya nalang ako malapit sa LRT,.di ko namalayan nakamahigit isang oras na pala kami paikot-ikot kung saan-saan,nabwisit ako dahil nakababa naman ang metro niya habang tumatakbo kami bakit kinokontrata niya pa ako?
Ibinaba niya ako ng baclaran pasado 9:00 na nang gabi kaya alalang-alala na ang tiyuhin kong naghihintay sa pagdating ko,wala naman akong mahagilap na public phone.Kaya kami natagalan dahil pilit nya akong pinagbabayad dun sa inabot ng metro ayaw naman nyang ihinto yong taxi kaya umabot nang ganung halaga.Sabi ko kinuha ko ang plate no. nitong taxi mo,isusumbong kita sa tiyuhin kong police.(Ayaw ko sanang gumamit nang pananakot at pagsisinungaling lalo na ang gumamit nang palakasan,pero yun lang ang naisip kong paraan para makahulagpos sa ganoong sitwasyon,the fact wala naman akong tiyuhing police),Ibinaba nya ako at di ko siya binayaran.
Mula baclaran karay-karay ko ang malaking bagahe nagjeep nalang ako papuntang abad santos. Grabe ang experience ko na yun hanggang ngayon parang bangungot parin kapag aking maalala.Kaya mula noon pag umuwi ako sa amin sa Leyte laging via cebu na ako.Kaya matagal-tagal na rin akong di nakaapak ng maynila dahil sa karanasan kong iyon.Nakakatakot at nakakadisapoint talaga.
Dapat gumawa nang mga hakbang ang gobyerno para sa mga registrado daw pero acting hold upper na mga taxi drivers.Wala na rin silang pinagkaiba sa mga hold upper eh.Ilang milyon pang kagaya natin ang mga nabibiktima ng ganitong mga taxi’s.Ang mga nakaranas nang ganito madadala na talagang lumapag sa manila airpot.Sana sa kapwa pinoy nalang nila ginawa ang ganito mauunawaan pa kasi natin e,.Kung sa mga dayuhan kasi masyadong nakakahiya ang ganitong mga gawain lalong nakapagpababa ng image nating mga pinoy.
Ngayong halloween balak ko namang umuwi sa amin at dahil morethan 13 years na kasi akong di nakaapak nang maynila,Balak kong dumaan dun bago babalik dito kaso hanggang ngayon nandun pa rin ang takot at pangamba sa mga mapagsamantala nating mga kababayan.
Napagtanto ko na karamihan sa ating mga pinoy hindi pa rin tumanaw sa bukas at pagbabago,gobyerno at mamamayan pareho lang puro salita taliwas naman ang mga ginagawa, mapahamak kaman matupad lang ang mga sariling pangangailangan,yun ang mahalaga sa kanila.Kahit sino pa ang maupong presidente ganun pa rin.Puro reklamo iniasa nalang lahat sa gobyerno,ano kaya kung bawat mamamayan mag isip rin kung ano ang makabubuti para sa sarili at sa bayan natin,hindi porke’t niluklok mo ang inakala mo na makapagpabago sa takbo ng buhay mo kung wala rin ang tulong nating mga mamamayan ay di niya kayang gawin mag isa yan!.Kaya sama-sama nating iangat ang ating bayan,magtulungan sa halip na magsisihan.
Galing pa rin kay Joyce:
Another story; Dyan din sa loob ng airport may mga hold upper din eh, pagpasok mo ng toilet bibigyan ka ng toilet paper saka maliit na electric fan,matutuwa ka dahil akala mo kawang-gawa nating mga pinoy,yun pala paglabas mo ng toilet sisingilin ka sa bayad ng toilet paper at mini electric fan.
Sus! ginoo. Ano ba yan?? only in da pilipins lang yata ang ganito ah.natatawa nalang ako pagmaalala ko.
From Bernard Lucero in Germany:
I read your article about the Yellow Taxi.
It happened to us once when we pick-up my Mother
from abroad @ the airport (OFW).It was really horrible experience.
I hope & pray na mabago na ang sistema nila.Papaano nga tayo aasenso kung ganyan ang mga ginagawa nila sa kapwa Pilipino at mga Tourist sa ating bansa.
New President.New Policy to have progress in the Philippines.
Thank You Very Much for bringing this article in
Abante. More Power To You All.
From Marlon Manalang:
Nabasa ko po ang kolum nyo. Tama po kayo, alam nyo po ba pati yung mga nagtitinda dun abuso po sila. Emergency call po, ang mahal ng simcard nila.
Sana po matugunan yun ng kinauukulan.
Maraming Salamat po.
For this incident, the only recouse is some form of punitive action againts the driver and hope that this type of driver mend their ways. For the big picture, the yellow taxi company should act fast by disciplining this driver. For the bigger picture, the taxi company should improve their hiring process.
I’m frequently use the Yellow Taxi every month na umuuwi ako from Singapore for almost 2 years. Ang dahilan kasi, it will be more safe kung sa colurom na taxi ako sasakay at sa loob ng pnahon na iyon, I will say na meron din namang maayos at meron din namang “ayusin”, ang ibig kong sabihin ay meron din namang garapalan kung manghingi ng extra charge for asking “kayo na ang bahala sa aking Bossing, porsyento lang kami kasi dito”. Hindi sila makapaghintay ng kusang loob ng tip ng kustomer ika nga.
Tama ka Ms. Ellen, unahin ng Tourism ang full orientation/seminar and monitor the effectiveness nito para sa mga taxi driver upang sa ganun naman may maipagmamalaki tayo at maibalik ang pagiging Hospitable natin na dyan tayo nakilala… Unlike Singapore Taxi drivers, hindi sila tumatanngap ng tips from the Customer kasi baka daw bitag lang yun sa kanila at isumbong ng customer for touting… Sorry to say, pero ito ang totoo, I’m referring to general taxi drivers in Metro Manila, most of their customers are praying na makadating sa lugar na pupuntahan nila na “safe and sound” at isa na aku dun.
Bakit ganyang kagarapal ang ugali ng karamihang Pinoy?
Itanong n’yo kay goyang. Dahil daw ‘yan sa pagganda ng ekonomi.
Mgagarapal-Arroyo’s legacy – corruption to the max!
ganyan din ang nangyari sa akin, pero totally hindi pala gumamit ng metro, at ang sabi eh sira daw, yon pala ng makita ko ay tinapalan ng black electric tape ang metro niya, para di makita, tapos fixed rate ang siningil sa akin, sh since nanasa bahay na ko, binigay ko na lang ang hinihingi niya. in the fist place, alam ng mga driver na ito kung san ka patutungo, kahit na nasa labas pa yan ng metro manila. Saka, monitor sila sa airport, at me papel na binigay, pero nag complain ako sa airport, tinawagan ko.. yon pala, di na nila inallow na kumuha na pasahero ito, at the following day, bumisita sa akin at nanay, kapatid at buoong pamilya yata nila, at nakikiusap na iurong ko na ang complain ko.. at siyempre, dahil sa mabaiat at amunawain tayo, pumayag ako.. pero ang kapal talaga.. bigla na lang umalis… na di binalik ang sobra sa pasahe ko, gumamit pa ng CR ko, at di yata marunong gumamit ng kubeta, nag iwan pa ng baha na sahig sa CR ko.. grabe talaga… ang kakapal ng mukha…. pero since na tapos na yon.. di na ko nag reklamo pa… kaasai daming work.. abal lang on my part.. pero dapat ang kinauukulang ahensiya at umayos at gumawa ng hakbang para matigil na ang mga hinayupak na ito….
The same with xman @5, there should be a standard rate for every Taxi Service coming from the Airport. It is the same at Pearson International(Toronto Airports), whether one take the Airport Limo or the Occasional metered Taxi (taxi is allowed to P.U. Passenger if they are at the airport dropping passengers, otherwise only Airport authorized Taxi may)it is the same rate..to my place it is a Flat $60..by bus less than $20.
No Surprises.
Totoo ba ito?
http://www.abs-cbnnews.com/nation/06/27/10/aquino-retains-romulo-dfa-secretary
Hindi pa man, nagkakalokohan na ‘ata, ah?
Hayyy naku, ngayon lang! What’s happening, Ellenville does not know me anymore, hehehe!
Thanks very much, Ellen, sa pagtitiyaga. Kung wala ang blog na ito, hindi masarap ang kape ko. 🙂
Four members of a group of international students were victims of this airport yellow taxi two years ago. Sa Makati lang ang destinasyon, dinala sila sa Bulacan. One of them was worried and asked the driver why they’ve been driving around for too long, sabi ng driver nawawala daw sila and for additional P5,000 he’d bring them back to the airport.
Another one had a presence of mind, naglabas ng pencil at itinutok sa beywang ng driver. Takot yung driver. In short, natagpuan nila ang Makati ng walang bayad. Totoo yan, it’s one of the reasons why hubby’s university no longer sends international students to Pinas.
Dapat baguhin at ayusin ang sistema ng transportasyon sa airport bago mag propaganda sa turismo, nakakahiya hindi lang sa mga foreigners kundi sa mga locals mismo.
hay, what a sad news again, i’ve just watched 24 ORAS weekend news here in Singapore and disappointed about the news.. “Isang bagong kauuwi lang na OFW,hinoldap ng taxi driver na kanyang sinakyan. What a shame!”
From Apollo Balmes:
Nakiki-isa ako sa inyong naranasan sa airport yellow taxi. Isa po akong OFW at isa ding biktima nang mga dahupang na kawani nang airport yellow taxi.
Sa akin pong obserbasyon, lahat nang miyembro o kawani nang yellow taxi fleet sa airport ay kasangkot dito sa scam na ito, magmula sa naglilista nang taripa, sa nagbubuhat nang bagahe, sa dispatser at ang driver.
Kung ano po ang nangyari sa inyo ay yun din ang nangyari sa akin, sa Santa Rosa, Laguna po ako nakatira.
Yun na po ang huling sakay ko sa yellow taxi, mas maganda pa ang fixed rate taxi (yung kulay puti) dahil sa kahit papaano ay sumusunod sila sa napagkasunduang presyo.
Totoo po na balakid sa turismo ang mga ganid na taong ito, napakasamang ehemplo, sila pa naman ang naka-front sa dayuhan at OFW paglabas nang airport. Dapat at winawalis na ang mga basurang ito.
Maraming salamat po.
Galing kay Fidel Pasaoa:
Nabasa ko po yong column ninyo tungkol sa mga yellow taxi.
Matagal na ako d2 sa abroad at lahat ng nangyari sa iyo ay
Madalas mangyari sa amin mga umuuwi dyn sa pinas para magbakasyon.
Di naman nilalahat pero mas marami yong taxi driver dyn sa airport
Na mga balasasubas at walang alam kundi mangguyo ng mga kabayan.
Paano nga naman aasenso ang Pinas kung mga tao pa lang dyn sa airport
Ay din a sila mapapagkatiwalaan???
Sana ay mabigyan yan ng action ng mga authorities.
ang yellow taxi lang ba ang may exclusive rights na magsakay ng pasahero from the airport? kasi minsan nainip ako sa pag antay sa sundo ko and I tried to call a taxi other than the yellow taxi pero hindi daw puede..monooly ba nila?
at isa pang kapansinpansin sa ating airport..pag check in mo particularyly sa international flights bakit allowed magtinda ng mga candies o kakanin ang mag employees who check your handcarried items? siempre you want to rid of the loose change kaya sigue na lang ibili ko na lang…totoo kasalanan ko kasi bumibili ako pero kung wala sila doon at hindi nagaalok..di walang problema..
The MIAA was under the management of an FG cohort, Alfonso Cusi. It was during his watch that I first noticed these Yellow taxis that charged double the regular taxi fare. When I first rode in one, I simply got out of the taxi and flagged another regular one.
These are examples of rent-seeking activities that were promoted with impunity in this disgraced regime of liars and cheaters. It will take some effort to totally cleanse the entire system of these dregs.
The people that have participated in upholding and supporting the corrupt regime must not be allowed to simply just slink away and fade in the woodwork like night worms.
Ms. Rose, 2 lang ang pwedeng magsakay sa arrival area ng airports ng manila, yung yellow taxi (P70 flagdown, P4 ang patak) at yung coupon taxi (fixed rate).
Palagay ko mas ok na yung yellow at coupon kaysa sa white taxi na mas malaki ang chance na maglolokohan sa airport. Pero kung gusto nyo talaga ng white taxi sa Terminal 3 at centennial, pumanhik kayo at lumabas sa departure area at andun yung mga white taxi na nagbaba ng pasahero. Minsan may guard na naninita pero ideadma lang. SA lumang domestic airport naman, lakad lang konti marami nang white taxi sa main road.
Hindi ko pa natry pero may nakikita akong shuttle bus ng airport na nagdadala ng pasahero sa MRT station.
Finally, kahit saan namang airport, dito sa PInas o sa ibang bansa, maraming balasubas na taxi drivers. Sa mga maliit na airport sa Pinas tulad sa Dipolog, Dumaguete etc., mga tricycle drivers sa airport ang mga balasubas.
Galing kay Mon Buelvo:
Ay naku Miss Ellen, alam mo ba noong nag bakasyon ako galing dito sa Qatar last April 2010 dyan din ako sumakay pauwi sa amin sa Navotas ang siningil sa akin ng mga walangyang yan 750.00 pero ang pinagtataka ko may resibo naman ang masakit pa humingi pa ng TIP dahil yun lang daw ang extrang kita nya.
After 1 month bumalik na ko dito sa Qatar at sumakay naman ako sa ordinary Taxi at ang lumabas lang sa metro ko 280.00 pesos lamang at ang ibinayad kong 500.00 pesos hindi ko na kinuha sa driver ng Taxi dahil natuwa ako sa pagiging honest nya.
Sa tuwing maaalala ko yang yellow taxi na yan nagngingitngit ako sa galit sa mga driver ng Taxi at sa mga nagpapatupad ng sistemang yan. May iba pang gimik ang mga yan bago ka sumakay tutulungan ka ng mga fixer at bantay dyan at kikikilan ka muna bago umalis ang Taxing sinagyan mo.
Mga ganid,mga linta ng NAIA. Tapos panay ang reklamo sa gobierno eh sila itong umaabuso at hindi nagbabago.
Goog Luck Miss Ellen
From Ron Valerio:
Nabasa ko ang column ninyo at gusto ko din ipaalam sa inyo ang mga kahihiyan na inaabot ng mga tulad kong ofw dito sa ibang bansa sa mga ganyang sistema.
Ako ay nasa ibang bansa, Geneva, Switzerland dito na ako nakabase at isang pagkakataon ay may training kami sa public speaking. ang coach namin ay canadian. trainer din sya ng proctor and gamble at ilang mga celebrity sa larangan ng politika. naikot na nya ang mundo sa pagbibigay ng lecture sa public speaking.
Tinanong niya ako kung saan ako at proudly sabi ko galing akong pilipinas tapos sinabi nya ang bad experience niya sa mga taxi. medyo napahiya ako sa kwento. ganito daw ang nangyari mga 5 years ago ng pumunta ng pilipinas.
Sumakay daw sya ng taxi mula sa airport papunta sa hotel niya sa roxas boulevard malapit lang daw sa us embassy. along the way daw tinanong nya kung magkano at 600 pesos daw sabi ng driver. ayaw niyang pumayag dahil sa research daw niya sa internet bago pumunta sa pilipinas
hindi naman daw aabutin ng 600. pilit daw nyang ipinametro pero ayaw daw ng driver sabi sira daw ang metro at tinakpan ng towel yung metro. nagtalo sila dahil nakita naman daw na tumatakbo ang metro pagkasakay nya at bigla lang niyang tinakpan ng twalya. napilitan sya na magbayad na lang sa sabi ng driver na 600. pabalik daw sa airport dahil sa bad experience niya ay sa taxi ng hotel na lang. 300 lang ang siningil sa kanya ng hotel hanggang airport.
We want to be proud as Filipinos, pero ang mga ganitong kwento ang mga nakakapagbagsak sa lakas ng loob namin. ang airport ang first impression ng turista sa ating lugar at sana maayos ito. kung sasaliksikin natin noong humiwalay ang singapore ang una nilang ginawa ay ayusin ang airlines nila at airport dahil ito daw ang pangattract sa mga mamumuhunan at turista.
From Maria Lourdes Ladrido:
Siguro, kailangan din i-report sa LTO at LTFRB.
Good luck sa report nyo kay Atty. Matibag.
GM Matibag informed me yesterday that the driver has been apprehended and he will be banned from the airport.
Galing kay Jose:
Maraming salamat sa column mo sa Abante at isa ako sa mga masugid ninyong tagasubaybay ng inyong column at balita dito sa Abante.
Regarding sa experience ninyo sa Yellow Taxi sa Airport,isa iyan sa mga malaking problema doon, dahil sa yearly akong nauwi galing Saudi at lagi akong nasakay ng taxi dyan sa Airport kasama ng aking kapatid na sumusundo sakin, hindi ko talaga magustuhan ang kanilang serbisyo at ang isa pa pag naihatid kana sa lugar na pinaghatidan sa iyo humihingi pa sila ng pasalubong.
Ang sa akin ay walang problema ngunit ang masakit lang doon ay mahal pa silang maningil at mga abusado ang taxi driver doon, wala akong choice kasi wala naman kaming sasakyan kaya nagtitiis nalang kami sa Taxi sa Airport.
Dati rati ang mga taxi driver ay hindi sila abusado at hindi malaki maningil at mapagkakatiwalaan mo, pero sa ngayun ay nagiging iba na ang sistema ng mga tao doon.
Ngayung susunod na buwan ay uuwi ulit ako para magbakasyun, umaasa ako na sana ay bigyan ng aksyon ang ganitong nagiging abusadong sistema ng mga taxi driver doon sa NAIA, maraming salamat at umaasa ako na magkaroon ng magandang action ang ating gobyerno diyan sa Airport at sa tulong din po ninyo at malaking bagay ang maihatid ang aking hinaing di lang ako kundi rin ang ibang kababayan din natin na inaaubuso ng ganiyang mga tiwaling taxi driver, maraming salamat pong muli at GOD BLESS.
From Ferdinand Manaloto:
Good Day Ma’m..Sa wakas meron ding katulad nyo na nag expose sa masamang gawain ng mga taksing ito.
Kami po ng misis ko ay nakaranas rin ng ganitong sitwasyon at kung hindi lang po pipigilan ang iyong sarili ay siguradong mapapa away ka..Sana po naman ay bigyan naman ng pansin ng mga kinauukulan ang bagay na ito or the best way is putulin na ang kalokohan na ito.
Mag hanap buhay naman po sila ng parehas para lalong maraming sumakay sa kanila. Marami pong salamat at more power !
Nakakaimbyerna talaga mga ganyang taxi driver Ma’am Ellen!
Mukhang talamak nga madadayang yellow cab drivers ngayon. Iba naman naranasan namin – galing kami nuon sa Bohol at pagod kaming lahat pagdating sa airport. Medyo malapit kasi kami sa airport, dito lang kami nakatira bandang Taft. Gusto pa singilin saamin 350, fixed rate daw yun. Nakakataas ng dugo, eh hindi nga umaabot ng 200 ang metro pauwi saamin kahit pa 70 ang flagdown nila. Hindi namin siyempre kinuha iyong cab na iyon, kaso naman pinagpasapasahan pa nila kami sa mga sumusunod na nakapilang yellow cab. Pare-pareho sila ng sinabing rate. Nabwisit talaga kami. Kahit pagod at inaantok, tiniis naming maglakad hanggang makahanap ng matinong taxi sa labas. Ginawa namin iyon hindi dahil sa pagtitipid. Inisip kasi namin kung papatulan namin iyong rate nila, parang tinotolerate namin iyong pandaraya nila sa mga pasahero (na dapat nakametro).
Nakakainis talaga iyon. Kaya simula ng karanasang iyon, hindi na ako ulit kumuha ng yellow cab o kahit anong taxi sa airport. Lalo na kapag may susunduin, bago ako pumupunta doon eh naghahanap na ako ng taxi na pupuwedeng kontratahin para sa pangsundo sa airport at pang-uwi sa bahay.
Isa pang kinakainisan ko Ma’am Ellen sa mga dispatchers/drivers sa airport. Ang kakapal nila manghingi ng balato sa mga OFWs at foreigners! Mapilit talaga sila, minsan ayaw isara pinto ng taxi hangga’t walang ibinibigay. Gusto pa ng karamihan dollars.
Galing kay Alfie:
Sa inyong experience , siguro po lahat ng mga sumasakay ng yellow taxi ay nakakaranas ng ganyang experienced hindi lamang sila nag rereklamo kasi hindi rin nila alam kung saan mg rereklamo,,tunay nga pong napakarami ng mga driver ng yellow taxi na halos lahat ay nangloloko ng mga pasahero lalo na un mga turista na hindi maka angal.
Napa kalayo ng serbisyo ng airport taxi natin sa Singapore Taxi, sa experienced ko,,sa Singapore kahit kami ay dayuhan talagang inaalagaan nila especially un mga turista , ksi sila un bumubuhay sa economy ng Singapore, mga turista,, May coordination ang taxi driver at ang head ng taxi driver sa airport thru walki talki—kaya nalalaman ng incharge sa mga taxi kung nasaan at saang destination na un pasahero nila ,,namomonitor nila un driver kung nasaan na,,Kaya un mga pasahero wlang ka- kabakaba habang nsa loob ng taxi, I compare nmn ditto sa pilipinas, habang nasa loob ka na ng taxi , nag iisip na ang driver kung paano nia lolokohin ang mga pasahero nia,, Halos lahat ng mga taxi driver sa airport sa pinas ay mag nanakaw..Kaya nga sa pinas pag umuuwi galling abroad lagging may salubong ng mga kaanak na may sasakyan , ksi mahirap na, ba ka instead na sa bahay mo ikaw dalhin eh I salvage ka na lng at holdapin., .gusto mo man I surprise un family mo pg dating mo hindi mo magawa ksi nakakatakot kung mg isa ka lang umuwi at hindi mo na inform un family mo.
Sa Singapore kung sino raw un unang ng taas ng kamay at pumara ng taxi , siya un priority ng driver na isakay,,un daw ang rules don sa Singapore sabi sa akin ng driver, ksi my taong nasa unahan namin na family , need din nila ng taxi at mukhang mayaman, pero nauna kaming 3 na friends ko na kumaway sa taxi kya kami ang una nilang isinakay.
Sana lahat ng mga driver sa pilipinas ay ma train, at may rules din.
Nang nakausap ko ung driver ng taxi, doon daw sa kanila un mga matatanda na citizen talagang binibigyan ng trabaho ng government pra maging active din, ang ggwin lang nila ay I maintain nila un mga puno at alagaan saan man area ay maynaka assign na mg maintain nito,,ksi nga wl ka nmng mkikitang kalat sa Singapore kahit mga tuyong dahon.
Na observe ko rin sa Singapore sa gabi sila ng tratrabaho o nag rerepair ng karsada pra wlang abala sa trapiko kya pag dating ng umaga, makikita mo ayos na un karsada sa umaga, Wlang security guide sa mga bangko..ksi nga wlang krimen,,, sa gabi ka mamasyal prang nsa barrio ka lang ksi tahimik ,pero marami nmng ilaw,,kaya very cool.. nakakatuwa sa Singapore ang babait ng mga tao.
At isa pa kahit maliit un bahay nila wla kang makikitang bulok,,kasi inaayos nila,, Super laki ng mga airports nila,, at ang linis,, kahit sabihin ntin makikipot ang karsada pero hindi naman ng tratrapik,,ksi nga ang mga tao doon prang mg kakapatid lng na ng tratrabaho,nag bibigayan,
Siguro dahil wlang jeepney doon kya siguro wlang masyadong traffic.
Maraming salamat po din at nasabi nio un mga problema natin dyan sa mga driver ng airport. Sana magawan nila ng paaraan pra ma solve un mga simpleng problema pero malaking kahihiyang sa parte na mga pinoy , sila kasi un unang humaharap sa mga turista.
God Bless Po at Mabuhay kayo..
Alfie of Jeddah Saudi Arabia…
tandaan lamang: walang manloloko kung walang paloloko.
Galing kay Efren:
Marami na po nabasa na ibat-ibang isyu tungkol sa mga sinulat ninyo dahil lagi kong pinupuntahan ang Opinion pagkatapos kong magbasa ng mga top stories at balita sa Abante-Tonite. Naisipan ko po ang sumulat sa inyo dahil naaliw ako sa topic ninyo ngayon (Abante-Tonite June 27 issue) na ang topic ay tungkol sa mga taxi driver sa ating bansa. Siguro hindi rin naman lahat ay tuso (at tabi po sa mga tapat na taxi drivers kung meron pa).
Matagal na rin po sa labas ng bansa (around 20 yrs na) at dahil nga isa lang naman akong ordinaryong manggagawa dito Saudi, hindi ko na rin naging ugali ang makipagkulitan sa mga taxi drivers tuwing ako’y nagbabakasyon.
Una dahil siguro malayo ang aming probinsya at mas gusto ko na ang makauwi agad sa amin; at pangalawa, takot ako sa away kaya konting problema sa bayaran, di ko na binibigyan ng importansya kahit alam ko rin na ito’y mali, “wala raw manlalamang kung walang palalamang” kaya siguro namimihasa ang mga yan.
Pero sa kabila po nito, tama po ang inyong sinabi na dapat e magkaroon ng magandang panuntunan ang nakakasakop na sangay ng ating gobyerno tungkol sa nasabing usapin, paano nga uunlad ang ugali ng mga taxi drivers lalo na nga dyan sa Airport kung walang basehan o magandang SOP.
May metro naman ang mga taxi na talagang provided at required sa mga taxi unit, pero paano at bakit meron pang pricelist na hiwalay na ipanatutupad sa mga local destination. Siguro naman ay hindi ito mangyayari kung walang pahintulot dyan mula sa mga airport authorities.
Isang beses nga e sobrang dramatic naman ang driver na nasakyan ko, masuerte daw kaming mga nasa abroad kaya daw nasa amin na lang ang kanilang pag-asa tuwing makakakuha na balik-bayan na pasahero, para bang gustong ipahiwatig na magbigay ka naman kabayan ng malaki-laking tip. Ni-reverse ko na lang para di ako maasar, kako siguro in terms of kita medyo oo, pero mas masuerte pa rin kayo kako dahil at least nasa piling kayo ng pamilya tuwing hapon pagkatapos ng trabaho, kami e every 2 years bago makapiling ulit ang pamilya.
May ilang bansa na rin naman po akong napuntahan gaya ng Hongkong at Singapore at nakasakay na rin naman sa mga airport taxi. Ng bumisita ako sa kumpari ko sa HK, (stopover from KSA) pagsakay ko sa taxi, ibinigay ko lang ang address na aking pupuntahan at bahagya lang kaming nag-usap dahil di siya gaanong marunong magsalita ng English. Sinenyasan lang ako na isukbit ko ang seat belt tapos lumarga na kami. Pagdating namin sa Wanchai city, itinuro niya ang lugar na nakalagay sa address. Siempre po, hindi ko pueding sabihin kung niloko ba ako o hindi ng driver, kung inikot-ikot ba sa daan kasi di ko naman kabisado ang mga daan sa HK, pero ‘yon nga nagbayad ako ayon sa ipinatak ng metro. Pero ng ihatid ako ng kumpare pabalik sa airport ng pauwi na sa Pinas nag-bus lang kami, sa tantya ko halos doon kami dumaan sa dinaanan ng taxi.
Ng bisitahin ko ang anak ko sa Singapore, ganun din po halos ang experience medyo nga lang marunong mag-english ang nasakyan ko. Nagpahatid ako sa Tampines dahil doon sila nakatira siempre binigay ko rin ang address, ng magbayad ako dahil konti na lang ang isusukli sa ibinayad sabi ko keep the change, pero hindi tinanggap ng taxi driver at pilit ibigay sa akin ang sukli. Tinanong ko ang anak ko, at sinabi niya na talagang bihira lang ang tumatanggap ng tip sa Singapore taxi drivers. Di ko sure kung bawal sa kanilang company or talagang prinsipyo lang.
Well, dito naman sa Saudi, tatlo ang estilo ng mga taxi: May tinatawag na limousine, taxi na may rota at may colorum din. May barker din ang di rota: Example, Dammam to Jubail naka fix sa 15 riyals, bawat pasahero may 5 riyals sa malalapit o karatig lang na city ang siste nga lang siksikan hanggat kakasya. Ang colorum-kontrata, kailangan makipag-deal ka muna bago sumakay (pero nakakatakot sa colorum) at ang limousine may metro pero kokontratahin ka rin lalo na kung malayo ang pupuntahan mo.
Masarap sanang magkwuento sa inyo dahil alam kong punong-puno ng magagandang ideas ang inyong column, pero ‘yon nga napakarami rin siguro ng sumusulat sa inyo. Ang pinaka bottom line lang po nito, sana e magkaroon ng maraming katulad nyo na tututok sa isyung ito, kasi malaking bagay kung mailalagay sa tamang kaayusan ang mga bagay-bagay upang gumanda ang imahe ng taxi business lalo na sa mata ng mga dayuhan na bumibisita sa ating bansa. Sana e laging matalakay ito ng mga kagaya ninyong may boses at kakayahan sa larangan ng pamamahayag. More power to you Ms. Ellen.
Nagpapasalamat
Efren-Saudi Arabia
Ang mahal naman ng singilan na yan. Pagdating ninyo sa NAIA, i-text nyo na lang ako, papuntahin ko driver ko, 50% discount! hehehe.
Walanghiya talaga karamihan ng mga drivers sa NAIA 1,2,3. Mapalegal o colorum. Yung isang merong colorum na Besta van, umupa sa apartment namin sa San Pedro. May tumawag sa aking mukhang tatakas, pinuntahan ko agad, i-padlock ko nga yung bahay, puro basura naman pala ang laman. Ilang buwan ang utang, ubos na ang advance at downpayments, may utang sa PLDT, tubig, Meralco.
Ipina-barangay pa ako. Tinatanggi niyang may mga utang siya sa utilities pero ginawa ng barangay, tinawagan yung cellphone number sa phone bill ng di namin alam, nagring yung telepono ng asawa, hahaha, buking!
Sabay bulgar ng barangay na meron daw silang ibang complaints sa sattelite office nila na yung isang foreigner na kinontrata niyang ihatid sa Pangasinan ng 200 dollars e inatake ng kung anong sakit kaya pintuloy niya muna sa bahay na dating inupahan. Sinigil ng 50 dollars kada araw na nagpapagaling yung pobre bukod sa sariling gastos sa pagkain. Ipini-blotter siya nung foreigner na bukod sa mahal singil niya, hindi pa niya inihatid sa Pangasinan, pinagnakawan pa ng iPod na kakalabas pa lang sa States noon. Kaya pala iniwan yung dating inuupahan. Tapos kami naman ang bibiktimahin.
Inireport ko sa Asst. GM ng NAIA na kaibigan ko, si TG Serrano, (yung spokesman nila na makikita nyo sa news na nagpe-presscon pag dumadating si Pacquiao o sinumang VIP) kaya na-blacklist yung van. Ibinenta naman ng gagong driver/operator yung van at pinalitan ng iba kaya tuloy na naman ang panloloko sa mga turista.
Tipikal na manggagantso diba? Hindi lang sa airport nambibiktima, pati pala nga inuupahan ganoon din ang raket. Dapat nang tapusin ang ganitong kalakaran. Kamay na bakal ang ipatupad, walang kotong kung may katiyakang may parusa. Gaya ng sa Singapore.
MAgaling ang Ginawa mo kabayan, Grabe talaga kc ang lokohan jan sa airport. OFW ako ilang beses nako jan sa airport, marami talagang manloloko, lalo na sa domestic na luma pati nadin sa bago…, ADVISE KO SA MGA READERS… pag-gusto nyo maka kuha ng TAXI, merong safe sa mga airport, ung Kulay blue, “BAYAN ko SAGOT KO” na cabs., fix rate din sila pero mura kumpara sa iba (50% and pinag-kaiba na presyo).. nasa labas lang ng arrivals yun. doon ako lagi kumukuha, safe na at mababait pa ang mga driver. SALUDO ako sa kanila, kung gusto nyong magpasundo sa mga destinasyon nyo okay din.
“….the driver was apprehended and is being investigated. He(Matibag) said the driver will be banned from the airport.”
Oks lang yan pero hindi yan ang solusyon …. ilang mga drayber ang gumagawa ng kalokohang yan …. paulit-ulit lang na ganyan ang kalakaran sa airport kung hindi nila hihigpitan ang mga drayber na ganito.
guile42 hindi kaya ikaw ang operator nyan,…hehe! Joke!
Dati rin akong nag operate ng taxi’s dyan sa Novaliches.Boundary ang bayaran noon kaya naintindihan ko ang mga taxi drivers,kailangan nilang dumiskarte para makabayad ng boundary,at kumita rin sila.Subalit di lang pasahero kundi pati mga optr.niloloko rin nila.Noon ko lang nalaman na nabibili pala ang resibo OMG!Kaso maysarili kaming talyer kaya di umobra ang katiwalian nila.
Yeah, gaya ng singapore na bawal ang chewing gums kasing linis din sila ng Japan.Dito hindi mo na kailangan kumaway ng taxi dahil sila mismo ang matiyagang naghihintay sayo.Pagwalang nakapila tawagan mo lang sila w/in few min.nasa harapan mo na.Palagay ko pinas lang yata nanghihingi ng pasalubong at tips.Dyan pa naman iba ang presyo ng mga galing abroad!.say nyo!?
Galing kay Angelie Agustin:
Masugid po akong nagbabasa regularly ng mga articles ninyo. Maraming salamat po sa issue na ito about yellow taxi dahil madalas din akong magbyahe at sumakay sa mga units nila. It serves as a notice/warning for me.
Tedanz, at least it will serve as warning to other drivers. Kesa naman walang ginawa.
Galing kay Redz Dueno:
Gud pm po maam Ellen. Tama po ang ginawa ninyong pagreport sa Airport Authorities tungkol sa kalokohan ng mga taxi sa airports. Naging biktima din po ako ng dalawa ng beses. Nagreport din ako kay Matibag pero walang nangyari.
Sana, pag upo ni Pres Noynoy, paalisin at burahin nya lahat ang anino ni Arroyo kasama si Matibag!
From Floriano Resco:
Sa kasamaang palad hindi ka nag-iisa sa iyong karanasan sa mga walanghiyang airport taxi driver. Wala pang isang linggo ang nakararaan ay nakaranas ng hindi maganda ang kasamahan ng kapatid ko sa trabaho.
Pareho silang umuwi dito sa Pilipinas upang magbakason mula sa lagpas isang taong pagtatrabaho sa United Kingdom bilang nurse, iyon nga lang nauna ang kapatid ko sa kaibigan nya ng tatlong araw. Yung kapatid ko ay nakarating sa amin ng walang aberya, sapagkat ang nasakyan nyang airport taxi driver ay mabuting driver, ihinatid sya ng maayos sa amin ng hindi nanghihingi o anupaman as kapatid ko. Pero yung kanyang kaibigan ang syang nakatapat ng walanghiyang airport taxi driver.
Paglabas nya sa airport ay agad syang kumuha ng airport taxi, sa amin na ring payo na huwag syang kukuha sa labas ng mga hindi awtorisadong airport taxi upang hindi makaranas ng sobrang taas na singil. Binigyan sya ng resibo at ito ay kinuha naman sa kanya ng driver, ibinaba ang metro, papuntang Marikina, subalit noong nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ay nagpanay panay ang parinig ng driver kung saan sya galing, nuong sabihin naman ng pasahero na galing sya ng Dubai, sinabi naman ng driver na “ang sarap sigurong makahipo ng dinar ano? hindi naman nya sinasagot ang sinabi ng driver, samantalang patuloy ito sa pagsasabi ng kung ano ano, kesyo mahirap daw ang buhay sa Pilipinas, at maliit lang daw ang kinikita nila sa pag mamaneho, at hindi raw magkasya sa pang araw araw nila, at marami pang iba.
Nuong papasok na sila ng Marikina ay saka sinabi ng driver na hindi raw nya kabisado ang Marikina “pwede ba ang salitang ito ng airport taxi driver sa pasahero ellen?” di ba dapat ay may mapa sila at alam nila ang pupuntahan nila, at kung hindi alam ng driver ang patutunguhan, hindi ba dapat ibigay ang pasahero sa nakakaalam ng ruta?
Sa madaling sabi ay pumasok sila ng Marikina at nagpaikot ikot ang taxi sa loob ng Marikina, pumasok sila sa Marikina ng alas 6 ng hapon at halos 15 minutos lang ang tatakbuhin papunta sa amin, subalit ang ginawa ng driver ay nagpaikot ikot sya ng lagpas sa dalawang oras, lumabas pumasok sya ng boundary ng Marikina bago nya dinala sa aming bahay ang kaibigan ng kapatid ko, kung kaya umabot ang metro ng 2,500 pesos, samantalang yung kapatid ko na nauna sa kanya ay nagbayad lamang ng 850 pesos!
Ang mabigat pa nito Ellen, ayaw umalis ng driver hanggat hindi nya inaabutan ng tip, literal na talagang nanghingi ang walanghiyang iyon ng tip na halos pautos na ang pagsasalita, natapat naman na walang lalaki sa bahay namin dahil puro nasa trabaho kung kaya walang makapag tanggol sa kaniya. Kaya napilitan ang kaibigan ng kapatid ko na bigyan ng 500 pesos yung driver, binigyan na ng 500 ayaw pumayag ng driver at napakalayo raw ng pinaghatiran sa kanya, ang lugar namin ay Nangka, Marikina.
Naggagalit galitan na yung driver kung kaya napilitan ang kaibigan ng kapatid ko na gawing 1000 piso, “tip isang libong piso? ang pinakamabigat nanghihingi pa ng chocolate!!! napilitan ng bigyan ng 1000 tip, sabi ba naman “wala bang chocolate dyan?
18 taon akong pabalik balik sa Middle East Ellen, hindi bago sa akin ang ganitong kalakaran ng mga walanghiyang ito, kung kaya mas minamabuti ko pang magpasundo na lang kaysa sumakay sa airport taxi.
Hindi ko naman nilalahat kasi may mga mabubuti pa ring driver tulad nung naunang naghatid sa kapatid ko, sana ay tuluyan ng maputol itong ganitong gawi ng mga airport taxi driver.
Tama ka, sila ang nasa frontline ng kampanya natin sa turismo, kung sa pintuan pa lang ng bansa ay winawalanghiya na nila ultimo sarili nilang kababayan, paano pa kaya ang mga dayuhang hindi alam ang tunay nilang karapatan, ilan na kaya ang mga dayuhang nakaranas ng ganitong pagtrato na hindi na bumalik??
Isuka sana nilang pabalik sa lupa ang bunga ng kanilang kawalanghiyaan!
Galing kay Jeffrey Asuncion:
I’ve read your article at Abante dated 27 June 2010 regarding sa mga manlolokong taxi driver especially sa airport. Isa nga po pala ako sa milyon milyong OFW na nagtratrabaho dito gitnang silanagan.
Kaya po ako nakapag email e sa dahilang naiinis po kami sa mga ganitong taxi driver na dina inisip na nahihirapan din po kami kumita ng pera dito at pagkatapos pag uwi at sakay namin sa kanila e lolokohin pa. sana po sa pamamagitan ng kolum nyo e batikusin pa ang mga ganitong maling gawain.
Naranasan ko na namaghire ng taxi (yung fixed rate bawat area) at masasabi ko pong napakamahal pero ayos lang kasi ok naman ang serbisyo nila, ang ayaw ko lang po e pagbaba ko at pagbigay ng pera na nakasaad sa resibo e nanghihingi pa ng dagdag, nahuli po ksi sya nung panahon na yun kasi pumasok sya sa wrong way (sa bandang opisina pa mismo ng MMDA) at itong mga balasubas na MMDA at police traffic eh kinotongan naman ang driver.
So meaning, ang corruption sa ating bayan eh napaka rampant na….daing tayo ng daing sa gobyerno natin at batikos ng batikos sa mga nakaupo pero ung mga nasa baba e ganun din ang ginagawa.
D2 po sa Saudi, paglabas nyo ng airport e may mga taxi din (hindi airport taxi) kundi mga ordinaryong taxi lang, meron din po humihingi ng labis pero since kabisado po natin e wala silang magawa pero inihahatid padin po tyo ng maayos sa ating patutunguhan hindi po tulad dyan sa pinas na kapag ayaw ng driver e ibaba nalang tyo sa isang lugar kahit pa delikado sa lugar na yun.
Sa atin po dyan, napakarami na pong batas pero hindi lang naipapatupad ng tama kaya ang mga taxi driver natin dyan, kundi holdaper, e mga manloloko at mga bastos pa, pero madami padin naman po ang matino.
Naranasan ko nadin po dyan na kapag pinara mo ang taxi at ayaw nya sa lugar na yun e aalis nalang bigla at d ka isasakay, dito po sa Saudi, kahit malayong lugar at sumakay ka,ihahatid ka nya at ung presyo na pang one way lang, dyan po satin eh pati ung pagbalik nila sa lugar na pinagsakayan mo eh isisingil pa. kaya nga po tinagurian silang taxi e para magsakay ng pasahero at wag silang tumulad sa may mga fixed route.
Sana sa susunod na administrasyon, kahit paano sana eh matugunan itong mga simple pero importanteng hinaing ng ating mga kababayan, kung gusto natin umunlad ang ating bayan, simulan ng mga nakaupo sa gobyerno ang pagbabago pababa sa pinaka ordinaryong tao.
Kumukulo na ireng hayblad ko sa padalang karanasan ng kapwa ko manggagaway, este manggagawang Pinoy dito sa ibayong dagat.
Lahat tayo ay nakaranas ng ganyang kung tutuusin ay hindi dapat danasin dahil nasa sariling bayan subalit dahil nasa pamahalaan ang mga naghuhumiyaw na garapal na halimbawa kaya ang mga kababayan nating suwitik ay hindi rin masawata sa pagwawalanghiya sa kapwa.
Sabihin nang mahirap ang buhay sa Pilipinas at halos kulang pa ang kanilang kinikita sa kanilang pagiging taxi driver ngunit mas maige pa nga sila dahil pagsapit ng hapon ay nakakapiling nila ang sariling pamilya samantalang kaming kanilang kinokotongan at binabalasubas ay hindi lamang pangungulila sa mahal sa buhay ang binabata kundi ‘yung bagsik ng klima katulad dito sa Saudi Arabia na kapag ganitong summer ay halos pumutok ang balat sa init at kapag winter na ay nagyeyelo halos pati ang laway sa bibig.
Ginagago na nga kaming bayani ng gobyerno tapos silang mga kauring manggagawa namin ay ginagawa pa kaming gatasan kapag umuuwi upang magbakasyon at maipahingalay ang pagal na katawan?
Wala na ngang malasakit ‘yung paalis na mga kawatan pati ba naman silang dapat ay kasangga namin ay wala ring lubay sa paghuthot sa aming pinaghirapan at ipapasalubong?