Skip to content

Ang pangmatagalan na salot ng raket nina Mary Ann Maslog sa textbooks

Nagkataon naman na school opening ngayon dito sa Pilipinas at nahuli itong si Mary Ann Maslog na nasangkot noon sa anomalya sa textbooks sa public schools.

Tamang-tamang paala-ala sa taumbayan ang malaking perwisyo ng kurakukutan sa textbook sa edukasyon ng mga Pilipinong mag-aaral at sa hinaharap ng bansa.

Ni-report ng VERA Files noong Biyernes na nahuli na si Maslog, na ngayon ay Mary Ann Smith sa Seattle. Bago nun, noong Miyerkoles, ni-report ng VERA Files na wanted si Mary Ann sa Amerika at dito sa Pilipinas sa dami nyang kaso ng panloloko.

Nahuli na siya ngunit walang balita pa sa kanyang asawa na si Michael Lee Smith na ayun sa aming sources ay kasabwat niya sa kanyang raket.

Ayon sa Richmond Times Dispatch, isang diyaryo sa Virginia sa America si Mary Ann, 41 taong gulang, ay dadalhin mula Seattle sa Memphis, Tennesee kung saan siya lilitisin sa “six counts of wire fraud and two counts of mail fraud”.

May kinalaman ang kaso ni Mary Ann sa panloloko na ginawa ng kanyang kumpanya , ang International Business Network Inc na may opisina sa Paragon Place, Glenside Drive, Henrico County sa Virginia.

Ang raket daw nina Mary Ann at ang kanyang asawa ay nag-aalok ng serbisyo na aayos ng visa sa mga taga-ibang bansa papuntang Amerika. Sinasabi nilang may mga kumpanya daw o ahensya na magus-sponsor. Sumisingil sila ng $6,480 sa isang student visa. Kapag nakapabayad ka na, hindi mo na sila mahagilap.

May isang Pilipina na sumulat sa akin at sinabi niyang nagpakilala ni Mary Ann na representative daw siya ng Grant USA. Dumalo pa siya sa isang araw na seminar ni Mary Ann at nagbayad ng $50 kasama ang mga sampo pang naloko rin. May opisina raw sila sa Makati. Nalaman nila pagkatapos ng isang buwan na hindi naman pala konektado si Mary Ann sa Grant USA.

May kaso rin siya sa Florida ng theft sa halagang $100,000 at scheme to defraud sa halagang $50,000.

May warrant of arrest ang Sandiganbayan kay Mary Ann kunektado sa P24 milyon nakuha niya na bayad daw sa text book. Ahente daw kasi siya ng Esteem Enterprises na nag gumagawa ng textbook. Kasabwat niya ang mga opisyal ng Departments of Education at Budget. Peke ang ginamit nilang papeles para makuna ang P25 milyon, at walang delivery ng mga libro.

Noong Enero 19, 1999, nagulantang ang mga tao sa opisina ni Budget Secretary Benjamin Diokno ng magdeliver si Maslog ng kahon na nakabalot sa SM na plastic bag. Nang binuksan nila, tumambad sa kanila ang P3 million na cash.

Pina-imbestiga ni Diokno at lumabas na lagay pala yun sa nilalakad niyang P200 milyon na kontrata para sa textbook.

Lumbas sa imbestigasyon na isinagawa ng aking kasama sa Vera Files na si Yvonne Chua na 65 porsiyento ng budget sa textbooks ay napupunta sa kurakutan.

Dahil nga sa kurakutan, ang nangyayari ay walang delivery ng mga textbooks. Kung meron man mas kukunti. kaya kung dapat ay isang libro bawat estudyante, maghihiraman na lamang ang tatlo o limang estudyante sa isang libro.

Dahil tinipid, gawa ng mahinang klaseng materyales ang mga libro. Sa halip na bookpaper, newsprint. Kaya ang aklat na dapat ay limang taon ang tagal, isang taon pa lang punit-punit naLalong nakakadagdag sa shortage ng textbooks.

Ang resulta ng kurakutan ay mga estudyante na hindi makapag-aral dahil kulang ang aklat. Kung hindi makapag-aral, wala masyadong natutunan. Kung walang natutunan, kahit graduate pa sila sa highschool, mahihirapan sila sumabay sa ibang estudyante sa college. Mahihirapan din sila maghanap ng trabaho.

Kaya kawawang mga estudyanteng Pilipino. Kawawang Pilipinas.

Published inEducation

15 Comments

  1. Dapat ay merong magfile ng batas tungkol sa mga librong pang-eskwela. Ang mga textbooks ay dapat merong “permanence” at maaaring ipamana ng isang mas nakakatandang kapatid sa mga nakakabata. Hindi na biro ang presyo ng mga libro ngayon. Kahit sa private schools ay newsprint ang ginagamit pero nasa P500 pataas ang presyo. Sa sampung subjects na karaniwan, P5,000 aabutin ang gastos sa libro pa lang. Paano na ang mahihirap na pilit iginagapang ang edukasyon ng mga anak sa private schools?

    Nung araw ay US-made ang mga libro at American authors lahat. Bihirang magpalit ng libro maliban kung may lumabas na bagong edition na meron lang konting pagkakaiba sa unang edisyon. Kahit libro ng mga Tita at Tito ko ay namana ko pa, hardbound kasi at glossy paper ang ginamit.

    Ngayon ay pangit na newsprint na pag ginamitan ng eraser ay nabubutas. Hindi rin dapat magkaroon ng Q&A sa isang textbook. Kung di maiwasan, dapat ay sa hiwalay na papel sagutan at hindi sa libro mismo. Dahil dito sa kaunting sulat na ito ay hindi na puwedeng ipamana o ipahiram ang mga textbooks ngayon.

  2. Meron akong isang electrical engineer noon na sumulat ng Math book na pang-elementary kasama ng mga kaibigan niyang kapwa niya bagong graduate sa college. Dinala nila ito sa isang sikat na publishing house matapos ipa-edit sa isang Doktor ng Math.

    Ang ginawa ng Publisher, nireject yung libro nila pero nag-print ng isang halos kapareho ng gawa nila pero pinalitan yung mga problems at examples. Kinopya pati mga illustrations at niretain pa yung Doctor in Math. Dinemanda nila pero walang nangyari.

    Ano dapat ang ginawa ng mga authors para may proteksiyon laban sa plagiarism?

  3. saxnviolins saxnviolins

    Ano ba ang demanda? Copyright?

    Close paraphrasing is still an infringement, even of an unpublished work.

    The authors may sue for damages, which, if I remember correctly, includes all of the infringer’s profit.

    Pumunta sila sa IP (intellectual property) law firm. Sabihin nilang contingent ang bayad, para walang cash out, at sipagin ang law firm na humingi ng mas malaking damages (ask for punitive damages).

    Subukan nila sa Carpio Villaraza, which as an IP department. Ewan ko lang kung magaling. But as a former participant (ASIII) here once said, meron pang other IP ang Carpio (influence peddling). That usually clinches the case.

  4. I posted part of this in an earlier thread on Al’s query about Laarni’s alleged involvement in the 1999 textbook scam:

    I don’t think Laarni was involved.

    Her name was mentioned because her friend, Joanna Garcia, former actress and ex of former Caloocan mayor Boy Asistio, was allegedly also following up a textbook deal for one book publishing company.

    There’s really a lot of money in textbook conracts. You have to bear in mind that it involves millions of public school students.

    I’m not sure how updated these figures are:13.1 million elementary public schools and 5.6 million public high schools.

    Even if your profit is only ten centavos per book multiply it by the number of books produced, tibang-tiba ka pa rin. So many greasy hands sumasawsaw.

    Ang kawawa ang mga estudyante.

  5. mbw mbw

    I have been involved in book production for quite some time in the past…and publishers as well. We even tried getting into text books (elementary level specifically) in the intent to improve the quality of design and illustration. But we freelancers were rudely awakened by the realities of this field. One is that the corruption of marketing textbooks extends from the publisher down to the principals/superintendents of all public schools. I dare sweep it to the word “all” because I haven’t heard of any upright transactions. The common word is “may 10% ba diyan?” The most unscrupulous I have heard is Rex Publications at that time…even had a colleague (a good one at that) harassed and scammed by them.

  6. MPRivera MPRivera

    Graft and corruption had become a system in any government office. Shino ba ng nag-imbento niToh?

    Do we still have upright and righteous government officials left? Why is it “meron ba tayo d’yan” became common in any transaction?

    Pakapalan na ng mukha ang nagiging kalakaran and anyone who tries to be clean alwaysfinds self left in the kangkungan.

  7. sychitpin sychitpin

    a complete revamp and appointment of an honest and competent DEPED Sec is necessary ……….

  8. saxnviolins saxnviolins

    In the high school that I attended, most of the heavy material books were rented – English literature, Math, American history (1st year; 2nd year ang Pinoy history – talk about colonial mentality), Physics and Chem. The books were US books, apparently published in the 50s, which we used in the 70s. (Bakit nagbabago ba ang Algebra? Nagbabago ba ang mga gawa ni Shakespeare at Chaucer?).

    So, tipid ang mga parents, may kita naman ng konti ang escuela. We took care of them, dahil may konting multa kapag nagsolian, at may sulat.

    We only bought workbooks for English grammar and Pinoy.

    There are some classics, that cannot be outdone by newfangled publications. In fact, the English literature books of my nephew and nieces here in the US is rather watered down, compared to what I had to go through in my third world high school.

    Yang mga bagong bili, excuse lang yan para kumita. Bumili sila ng mga aklat na magaganda at matitibay.

  9. Exactly, sax. Workbooks lang ang binibili para sa akin noon, na mas minipis, despues, mas mura kesa sa textbook na minana ko karamihan sa Kuya ko. Mas maraming libro pero mas konti ang gastos. Ang mga libro noon ay perfect pag dating sa proofreading, mahigit sampung taon ba naman ginagamit e kung may lumusot pa dun e mapapalitan hanggang dumating sa isang perfect edition.

    Ang problema kasi ngayon dahil sa kakulangan ng mga classroom at teachers, kino-compress yung lessons sa iilang chapters na pilit gustong i-cover yung buong kurso. Resulta, hilaw yung natutunan. Kaya yung libro, sa ganung sistema rin naka-pattern.

    Idagdag mo pa yung mga magagaling nating mambabatas na kung anu-ano ang isinisingit sa mga curriculum na galing sa batas nila resulta ay tapon na yung huling magandang libro dahil hindi na compliant.

  10. rose rose

    Sax: at least in the school you attended…mayroon kayong Phil. History..sa amin sa lst year ay ancient history (and I think Phil. history was mentioned) and in second year US
    history..We did not read Noli & Fili…I read these two books nandito na ako sa America..I do’t remember having a
    Phil. literature subject…sa National Language namin napagaralan si Balagtas..and being from the Visaya hindi ko naintihan…sana naman standardized na ang mga subjects required…in both private and public schools..sana ngayon nag iba na ang curriculum…

  11. saxnviolins saxnviolins

    Kung babaguhin ang curriculum, I recommend that they look to Singapore. Simula ng gawin ng UN ang TIMMS (international test on math and science), noong 90s, taon taon na ginawa ng Diyos, bugbog sarado ang Tate. They usually place in the teens or twenties (18th, 25th). Ang laging top four, Singapore, Korea, Japan, Taiwan. Then comes the ex-communists, I believe, Slovenia, Hungary, the Czechs.

    I say Singapore, because it is English-speaking.

    Kung kukuha sila sa US, let it be from the 50s, before the curriculum was dumbed down by bleeding hearts who were worried about the students’ self-esteem. (God what a crock) Dito ko nakita ang Math teacher ng pamangkin ko, gamit gamit ang calculator (5th grade), saying you punch the 7, then the X, and the 8, then you punch the equal sign. There, 56 is the answer.

    When I was in grade four, kung hindi ka mabilis mag-multiply, sasabihin sa iyo, Go home and plant camote.

  12. Whatever happened to that guy who tried to expose/go after these textbooks suppliers? I believe he lost the fight, but if he’s still alive, why don’t they pick up where he left off, or maybe support him this time?

  13. I think Ellen posted something about it some time ago. I believe it would be a good idea to bring it up again and nothing happened to it during Gloria’s time.

    http://www.pcij.org/blog/?p=1423

Comments are closed.