Skip to content

Natablan na rin

Mabuti naman at nagresign raw si Efraim Genuino bilang chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na magiging epektibo sa Hunyo 30.

Natablan na rin.

Nagulat ang sambayanang Pilipino ng madiskubre pagkatapos ng eleksyun na itinalaga pala ni Gloria Arroyo si Genuino noong Marso 9 na
chairman hanggang 2011 kasama ang apat pa na miyembro ng board.

Marami ang naniniwala na lampas ng Marso 10 ang pagtalaga kina Genuino ngunit pineke lang ang petsa ng appointment para maka-iwas sa pagbabawal ng batas.

Nakakatulong talaga na nagpahayag ng galit ang marami at naramdaman na rin nila siguro. Dapat talaga patuloy ang pagbabantay.
***
Nagrereklamo si Mike Arroyo na hindi raw “fair” o makatarungan ang media sa kanya at sa kanyang asawang si Gloria.

“Very unfair,” sabi niya. Nagre-reklamo pa rin siya na hindi raw sinusulat ang magagandang “achievements” ng kanyang asawa.
Dahil daw sa hindi sinusulat ng media ang magaganda raw na ginawa ng kanyang asawa, hindi alam ng maraming Pilipino ang swerte nila ang hindi raw tayo nagkaroon ng economic recession (paghina ng ekonomiya) na nangyari sa ibang bansa.

Ayaw ko na sana punahin si Mike Arroyo dahil maysakit siya at paalis na sila sa Malacanang. Kaya lang nakakainis na patuloy pa rin ang
pagsisinungaling sa taumbayan. Siguro naniniwala na sila sa kailang sailing mga sinungaling na akala talaga nila totoo ang kanilang
pantasya.

Anong magandang ekonomiya ang pinagsasabi niya. Kung ano-anong statistics ang palagi pinaglalandakan ni Arroyo bilagn pruweba raw ang
magandang ekonomiya ng Pilipinas. Alam naman nating na ang statistics ay nakabase naman yun sa dolyar na pumasok sa Pilipinas at sa
nabebentang kagamitan.

Saan ba nanggaling ang mga dolyar nay an? Hindi masyado sa negosyo o mga produkto na gawa dito at ibinebeneta natin sa ibang bansa.
Ang mga dolya na yun at galing sa mga OFW. Overseas Filipino workers na ang karamihan ay mga domestic helpers sa mga bansang delikado para sa kababaihan.

Maganda ba ang ekonomiya ng isang bansa na kailangan lumabas ang isang ina para mag-alaga ng anak ng ibang tao smaantalang ang kanyang anak ay lumalaki na hindi siya nakikita? Maganda ba ang ekonomiya na kailangan magtrabaho ang mga tatay sa ibang bansa, malayo sa pamilya dahil walang makuhang trabaho dito sa Pilipinas?

Sya siguro at ang mga malapit sa kanya gumanda ang economic condition nila. Hindi ang karamihan ng sambayanang Pilipino.
Ang pinaka-isyu talaga sa mga Aroryo ay ang kanilang pandaraya nong 2004 na eleksyun. Hindi siya binoto ng taumbayan.

Hindi maaring rason nila na hindi bale nandaya sa eleksyun, ay gumanda naman ang ekonomiya. Nandaya siya, gumawa siya ng krimen. Dapat panagutan niya yun.

Published inGloria Arroyo and familyGovernance

45 Comments

  1. Medyo graceful exit ang ginawa ni Genuino sa kadahilanang magigipit din siya kapag nanatili sa pwesto after P-Noy (Pangulong Noy) assumed office. Pero hindi ito nangangahulugan na ligtas na siya kung anumang kasong anomalyang nangyari sa Pagcor base sa mga ibinulgar noon ni Bishop Oscar Cruz. Dapat buhayin ang kasong yan.

    Yaman din lamang at nagkakaroon ng iringan kung saan ipupwesto si B-Nay (Bise Binay), pwedeng ikonsidera siya dyan sa Pagcor para siyang maghalungkat ng mga dapat halungkatin. Katulad ng BIR at Customs, ang Pagcor ay siyang malakas magpanhik ng pondo sa kaban at balitang malakas din ang sikwatan.

  2. Hindi naman unfair ang media sa mga accomplishments ni GMA. Pinaguusapan naman sa radio at hayan nga at naka-published sa mga diaryo ang kanyang mga nagawa kuno, paid ads nga lamang.

  3. “Maganda ba ang ekonomiya ng isang bansa na kailangan lumabas ang isang ina para mag-alaga ng anak ng ibang tao smaantalang ang kanyang anak ay lumalaki na hindi siya nakikita? Maganda ba ang ekonomiya na kailangan magtrabaho ang mga tatay sa ibang bansa, malayo sa pamilya dahil walang makuhang trabaho dito sa Pilipinas?”

    ANSWER IS NO! A national leader who encourages mothers and fathers to go abroad because there are no jobs back home should be sacked let alone re-elected.

    Gloria’s arrogance goes beyond the pale

    How can she even dare mouth that she’s leaving an economy to Aquino that’s almost first world in stature. She goes globetrotting to beg foreign govts to be lenient with their immigration laws, to accept OFWs (just like what she did in Spain a couple of years ago and came back home insisting that there were 130+thousand jobs for domestic helpers available due to her efforts) — and then trumpets the world’s greatest lie that the Philippines is on the verge of being first world economy? Has she no shame?

  4. Oo nga pala, Ellen… welcome back!

  5. …hindi alam ng maraming Pilipino ang swerte nila ang hindi raw tayo nagkaroon ng economic recession (paghina ng ekonomiya) na nangyari sa ibang bansa.

    Hindi tayo nagkaroon ng recession dahil kay Aling Gloria? Huwag naman sana niyang agawin ang pagkilala sa mga Pilipinong nagpapakahirap sa ibayong dagat maitawid lang ang gutom ng mga kaanak.

    We escaped recession, not because of Aling Gloria, but inspite of her. Grrrrrrrrrrrrr!

  6. jawo jawo

    “The last nine years, I think it was very unfair the way GMA was treated,” he said. “Her achievements were not highlighted. People
    don’t know about her achievements and yet the country did not go to any recession. The country did well, but people don’t seem to know that.”————————> FG (Fat Guy)

    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

    Unfair! Fucking shit !!! To whom ??? What achievements of his freaking wife is Piggy Boy talking about ? If he is talking about how they have achieved to become billionaires at the expense of JDLC, media do not have to write about that. It is well-known that not only did his sanctimonious wife stole the presidency, but she stole every bits and pieces of the perks of being a self-imposed president. Is that fair to us ??

    What about the time when there were the impeachment initiatives against gloria ? Not only did their ilk decree the complaint as “lacking in merit”, they deemed it necessary to extend /abuse the blanket of presidential immunity to all those “in the know” and thus, in effect, silencing media at best and intimidating them at worst. Is that fair to them (the media) and to us ?

    And what about the unsolved “salvaged” cases of many media men who were more than bold enough to have their say against the arroyo abuses ? What happened to them ? Nothing had been done !! Is that fair to them ??

    What about the Maguindanao/Ampatuan massacre where many media men and women were killed ? Their next of kin are still crying for justice for which gloria doesn’t even give a shit ! Is that fair to them ??

    And then there are the “unsung heroes” in the OFW’s who were never mentioned in his wife’s “supposed” economic miracle. The economy of the Philippines had always been buoyed by remittances from our expats but they never got the (sincere) recognition they deserved. Bagkos, pinagna-nakawan pa sila !! Is that fair to them ???

    No, Mr. Pidal, este, Mr. Last Gentele”mean” Babboyo, The “bubonic plague” being left behind by you and your fucking rat-faced wife more than overshadows the achievements (if any) that you and the rest of your cabal did in the ten years you were in power.

    I heard Fat Guy is going for a spine operation. That’s funny . For a spineless man like he is, he could still feel some pain. He can’t have the best of both worlds, can he ??

  7. chi chi

    Silang mag-asawang korap ang unfair. Naibulsa nilang lahat ang bilyunes na dapat ay sa kapakanan ng pinoy ginastos. Ano? Halos lamunin nga nya ang media para lang hindi sya mabulgar tapos unfair pa raw ang treatment sa kanyang kabastusan? No sympathy for this most corrupt couple on earth.

    Si Efraim naman, sa simula pa ng kontrobersya ay dapat nagresayn na kung talagang may delikadesa. Sinubukan pa kung pwede manatili sa pwesto. Ngayon nag-aapoy na at hindi kaya ang kusina ay lumayas. Dapat lang dahil too identified sya kay Gloria at Mike. Dim pwede yan, bago ang administrasyon. Huli man daw at magaling ay nahabol pa rin nya ang katiting na talab. Ayos na rin.

    Hindi susunod ang may Corona?!

  8. saxnviolins saxnviolins

    The GDP for 2008 is $166 Billion. The foreign remittances are $%16.43 Billion. So the foreign remittances are the equivalent of ten percent of GDP. (World Bank stats).

    Foreign direct investments amount to only $1.1 Billion; it was negative 620 Million in 2007 (World Bank stats). So yung pinagmamalaking na-encourage na investment sa mga banyaga, ay piputsugin lamang – ten percent ng pinapasok ng mga pobreng inang nag-aalaga ng mga sanggol ng mga banyaga, habang nakukuntento sa text bilang kapalit sa yakap ng sariling anak.

    Ngayon, yang spinal operation, nararapat lang. Ikaw ba naman ang magbuhat ng katakut-takot na cash, talagang magkaka-backache ka.

  9. chi chi

    “…hindi alam ng maraming Pilipino ang swerte nila ang hindi raw tayo nagkaroon ng economic recession (paghina ng ekonomiya) na nangyari sa ibang bansa.”

    Ang kapal, ang kapal, ang kapal! Matauhan kaya si Gloria kung bawat isang OFW ay bigwasan sya ng tig-iisang dagok?!

  10. chi chi

    Ngayon, yang spinal operation, nararapat lang. Ikaw ba naman ang magbuhat ng katakut-takot na cash, talagang magkaka-backache ka.- atty sax

    Bwahahaha!!!

  11. MPRivera MPRivera

    Ano ba naman kayo?

    Kung paniwalaan ninyo ‘yung istatistiks nila, okey lang naman, ah.

    Hindi naman kayo pinipilit kung ayaw ninyo.

    Kayo naman, oo.

    Doon na nga la’ang sa kasinungalingan nabubuhay ang mga lintek na iyon, kinokontra n’yo pa.

    Akala n’yo ba madali la’ang ang maghabi ng kasinungalingan?

    Sige nga, subukan ninyo kung makakatulog kayo o makakaya ng kunsensiya ninyo?

    Maliban na la’ang kung katulad nila ay wala din kayong kunsensiya.

    Hirit pa?

  12. saxnviolins saxnviolins

    Ang ganda ng title ng libro “The First”. Maraming talagang first yang baboy at bruha.

    First in corruption. First in skulduggery. Kayo na ang magdagdag.

    Kung i-publish natin ang magiging comments ninyo, I’m sure mas marami ang pagina, kaysa 175 pages.

    Ganyan ba kanipis ang utak niyan? Nine years, 175 pages lang?

    Strictly non-fiction ako, pero bibilhin ko yan, para isama sa aking limited collection of fictional works – Grimm’s Fairy Tales, at ilang Marvel Super Comics.

  13. MPRivera MPRivera

    Kahit kailan, hindi maintindihan ang bawat kilos nitong mga makakaliwang grupo. Puwede namang ipaabot ang mga hinaing sa pamamagitan ng paanyaya sa isang diyalogo, magmamartsa pa sila na maaari ding isabotahe ng mga mapanligalig mula sa hanay ng armado nilang kapanalig gayundin ng mga alipores ng paalis na panggulo.

    Kailan kaya matututong makiisa at magkaisa ang bawat sektor upang makabangon mula sa pagkakalugmok bunga ng mga katiwaliang inihasik ng nagdaang administrasyon nang sa gayon ay sumulong naman ang ating bansa?

    http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100616-275911/Peasant-group-sets-protest-on-Aquinos-first-day-in-office

  14. Walang bago dyan, Pareng Magno. Ano ang nakasulat sa mga placards nila:

    “Ibagsak ang rehimeng US-_____________”. Fill in the blank kung sinuman ang nakaupo.

  15. Sax,

    I’m not even sure how much of the $1.1 Billion foreign direct investments are directly linked to wealth creation or directly generate wealth for the low income population. There is every reason to believe that while the GDP stats are correct, the truth is more grim, i.e., the benefits are felt only by a very small percentage of the population, eg., the very rich, who in turn export their profits to foreign banks.

  16. The exodus of mothers and fathers and the general brain drain that has produced the equivalent of 10% of the GBP reminds me of the lottery business. Fifteen years ago, when France was going through a horrendous recession, income from the national lottery generated the equivalent of more than 9% of France’s total national budget. The export of cheap Filipino labour can be likened to the national lottery, it ensures income for govt while playing with the lives of Filipino families.

  17. Nathan Nathan

    Ang kapal ng Mukha non… tinablan ba or nahihiya syang sipain ni Pres. Noynoy like Gen. Delfin Pangit.

    Dapat imbistigahan ang BIDA Party list kasi anak nya ang may hawak nyan, ayon sa report ng ABS-CBN 27 Million ang ibinigay ni Efraim galing PagCOR. Naging gatasan nila ang PagCor!

  18. chi chi

    Padala kaagad ng tao sa Pagcor si Noynoy, baka nailipat na o sinunog na ang mga dokumentos at ebidensya laban sa unana, sa masibang baboy, sa kanya at sa iba pa. Bantayan ang mga papeles!

    Baka pinayagan na ni Gloria na mag-resign yan ay ayos na rin ang mga documents na ‘ipinagagawa’ sa kanya. Sus, umaandar ang pagkasuspetsadora ko…

  19. Chi: Padala kaagad ng tao sa Pagcor si Noynoy…

    Paging P-Noy! Magpadala agad ng Team sa Pagcor na siyang titimbog sa mga kawatan dun! Kung sinuman ang mamumuno, isama sa tropa si Gen. Danny Lim. Pwede naman siya in private capacity muna or part of the Intelligence Group.

  20. chi chi

    Tenkyu, Joe. Ang bilis mo. 🙂

  21. florry florry

    I find it very strange that Big Mike accused the media of being very unfair. Does he really know what is fair and unfair? As if he is ignorant of how he and his wife messed up the state of the country. Maybe his yardstick in measuring the success of their conjugal administration is just his little finger, that’s why a small white dot that he saw in an all-black-screen, he bragged it as achievements.

    Now if presidential success is measured by how much debt incurred and nothing to show for it; how many and how fat is the bankbook; how full is the safety box deposit; how many houses and properties acquired for the family; how many relatives friends and cronies turned into mega-rich; how many and the biggest scandals involved in; how many lives wasted during the watch; how many fathers, mothers and kids were forced to separate due to unemployment; etc., then 1000% I agree, Mike Arroyo’s has all the right to complain that the media is really “Very Unfair”.

  22. Now if presidential success is measured by how much debt incurred and nothing to show for it;… — Florry

    Well said!

  23. Ooops, the rest of the quote disappeared…

  24. BOB BOB

    175 pages lang ang The First na libro.??..Nasagot niyang lahat duon ang mga binibintang sa kanya…Grabe…baka oo o hindi lang ang sagot niya…tutuo ba ang NBN-ZTE deal..Hindi…!Ang Jose Pidal..Hindi….Ang Pandaraya niyo nuong 2004…HINDI rin po…yung ngang 175 pages kulang pa kung ilalagay mo diyan sa pahinang iyan ang kwenta nang lahat ng mga ninakaw ng pamilyang yan……kapal mo…gusto mo pa ipagdasal kita para maka-survive ka sa operation mo…eh kung pag bali-baligtarin ko kaya ayos ng spinal cord mo ,,hayop ka !

  25. saxnviolins saxnviolins

    Amelita Villarosa will also write a book. It will be called “The Purse”.

    Garci’s book will be entitled “The Farce”; not to be mistaken with Charito Planas’ “The Pars”.

    RaulGon and Mr. Wetness will jointly write “The Farts”.

  26. rose rose

    narinig ko ang pagyayabang ni putot..sa mga achievements niya at nakita ko yong picture ng tatlong bata na taga Payatas…masuerte ang tatlong ito dahil sa natulungan sila..is that an achievement…to put three childrens through schools on gov’t money? how about the other children sa Payatas? how about the rest of the children?
    ..hindi ba may Foundation si FiG? anong foundation ito? foundation ng mga bahay ni Mikey at ni Datu sa California?ang yabang talaga!

  27. rose rose

    nabasa ko ang news report na galit na galit daw si putot dahil na delay ang mga pagkain ng media reporters..sa loob loob ko lang..aba nagpago na ang pagtingin niya sa mga reporters…I wondered if Ellen was with the reporters//(hindi pala at umuwi sa Antique)…akala ko anong pagkain ang sanhi ng kanyang galit..McDonald’s pala…

  28. perl perl

    Nagrereklamo si Mike Arroyo na hindi raw “fair” o makatarungan ang media sa kanya at sa kanyang asawang si Gloria.
    katarantaduhan talga nito ni Mike Arroyo.. may huling hirit pa na gustong siraan ang media.. buti nga may media na walang takot na nagbabantay at nagbubunyag ng mga pagnanakaw na ginagwa nila sa taong bayan sa loob ng 9 na taon…

    sino fair sa kaniya? ang Ombudsman ni No-Merci Malditas Gutieres… ang mga secretatries nya sa Dept of Just-tiis… Si Sipsipeaker Nognograles? Ang mga Tongressman at senatong? ang kanyang mga asong heneral na mas matakaw pa buwaya kung magnakaw…

    Sigurado nyan after June 30.. sasabihin nya na unfair ang Administrasyong Aquino sa mga Arroyo…

  29. perl perl

    Mabuti naman at nagresign raw si Efraim Genuino bilang chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na magiging epektibo sa Hunyo 30.
    Baka naman mission accomplished na kaya nagresigned? ang mga tauhan talaga ni Arroyo.. hirap pagkatiwalaan…

  30. vonjovi2 vonjovi2

    Kaya lang nag lakas loob mag resign si Efraim Genuino ay dahil walang ng pondo ang PAGC or PAGCOR. Nakuha na nila ni Gloria. Kaya tutal walang pera ay aalis na lang siya. Suwapang talaga.

    SI FG ay mamatay rin agad iyan kita naman niny nahihibang na sa mga sinasabi niya ngayon. Puro pangarap na may nagawa sila. Mayroon naman siguro kahit papaano “Ang pag nanakaw”.

  31. MPRivera MPRivera

    FG Arroyo: It’s been the best 9 years

    MANILA, Philippines- “It has been the best 9 years…I sleep well at night.”

    http://www.abs-cbnnews.com/

    Anak ng pisot, oo!

    The best nine years? For them crooks, yes. But for us including our starving kababayans, those nine years are more than nightmares!

    Baboy ka talagang Jose Pidal ka!

  32. Oblak Oblak

    Best 9 years pala, pwes, the next nine years (kung buhay ka pa) tingnan natin kung saan at paano ka matutulog!!

  33. perl perl

    “It has been the best 9 years…I sleep well at night.”
    Galing mang-asar ng putsa!

  34. Hinde po tayo naapektohan ng global economic downturn, kasi matagal na po tayong nasa economic downturn, and beside di po tayo kasali sa global economy, kaya yang ekonomista kuno na usurper ng pwesto ay huwag magyabang,pati yang asawa niya “BACK OFF!” kana sa pinagsasabi mo!

  35. MPRivera MPRivera

    Bah, ikaw ba naman ang mahiga sa salaping hindi mo pinaghirapan, may hahanapin ka pa?

    Lakas siguro ng hilik ng baboy, hane?

    Oiiiiiink! Ngoooooooorrrrrrrkkkk!

    Oiiiiiink! Ngoooooooorrrrrrrkkkk!

  36. Ellen,

    What does it mean, ” ••• Your comment is awaiting moderation ••• ” is it too strong? I find it way way down moderate than some of the comments here. Please clarify, so I won’t make the same mistake…Thanks

  37. chi chi

    “It has been the best 9 years…I sleep well at night.”

    Yun pala, bakit nagrereklamo na unfair ang media sa kanila? Ang gagong ‘to, kontrapelo ang statement! Best ba kung meron nang-api sa kanila?!

  38. sychitpin sychitpin

    “Maybe we can paint the high walls of the houses of the outgoing First Couple and their official family with red (or should it be yellow?) signs that say, “Huwag tularan: magnanakaw.”

    by : conrado de quiros

  39. chi chi

    Smooth, we are all subjected to torture on occasions, hehehe. It’s the server. Mamaya nadyan na ang may-ari ng bahay.

  40. Pagkatapos ng “The First”, meron pang dalawang ilalabas, halos magkapareho ng title:”Beat the Odds” at “Beating the Odds” nina Ricardo Seludo at Ranato Velasco.

    Yung The First – pahayag raw yan na muling magbabalik si Kutonglupa at ang Asawang Baboy sa Malacaµang Zoo. Saka pa lang magkakaroon ng The Second, The Third, etc.

    Naghahanap na nga ako ng High Voltage generator na kakabitan ko ng kable papunta sa operating table ng St. Luke’s para sa oras na dumampi yung scalpel ng duktor sa spine ni Baboy, switch on ko bigla para magulat yung duktor at malaslas yung kalamnan ni Taba, mula pigue hanggang kasim kasama ang porkloin at liempo.

  41. Smooth operator, intimidating naman ang login name mo. Welcome.

    Sine your name was new, Akismet put it in moderation. I approved it already. Sorry for the delay, I have been very busy the past days.

    Being put in “moderation” also happens to regulars here. Juggernaut’s comments are always in moderation. I don;t know why. Maybe Akismet is intimidated by the name?

    Anyway, welcome again.

Comments are closed.