Skip to content

Ang halimuyak ng rosal

Nakahabol pa rin ako sa buntot ng summer dito sa aming baryo sa Guisijan sa Laua-an, Antique.

Fragrant beauty
Fragrant beauty
Dahil sa aming pagsusubay sa eleksyon at canvassing ng mga boto, hindi ako nagkapanahon magbakasyon na siyang aking ginagawa tuwing tag-init. Mabuti naman at naproklama na ang nanalong kandidato sa president at bise-presidente na walang gulo. Kaya sabi ko, bakasyon muna sa aming baryo.

Natutuwa naman akong marami pang bulaklak ang aming tanim na mabangong rosal.
Paborito ko ang rosal. Marahil dahil dala nya ang ala-ala nang bata pa kami at yan ang aming ina-alay sa birheng Maria.

Marami ngayon mga bagong klaseng bulaklak lalo na ang orchids. Ngunit ang mga modernong bulaklak ngayon ay hindi mabango.

Gustong –gusto ko ang mga mabangong bulaklak .Ang rosal talagang humahalimuyak.
Meron din kaming camia na mabango rin. Meron din kaming ilang-ilang kaya lang hindi pa namumulaklak. Meron din kaming sanggumay kaya lang hindi niya panahon ngayon.

Binigyan kami ng “Dama de Noche”. Hindi pa namumulaklak. Gabi lang yata ito namumukadkad kaya ganun ang pangalan. Sabi ko nga para pa lang mga beauties ito sa Quezon Avenue.

Nakaka-relax ang gardening. Sa PGH Cancer Institute, nagbibigay sila ng mga seminar para sa cancer survivors at sa kanilang mga caregiver sa mga gawain ns pwedeng pagka-abalahan habang nagki-chemotherapy. Isa na doon ang dish gardening (pagtatanim sa malaking garden bowl) at flower arrangement. Nakakatulong kasi sa disposisyon ng isang tao kapag maaliwalas at magaganda ang kanyang paligid.

Sa PGH Cancer Institute, sa tulong ng Los Banos Garden society, inaayos ang garden doon. Healing garden na ang tawag ngayon dahil mula sa koridor sa itaas, ang mga pasyente ay maaring tumingin sa garden kung saan ang ilang caregivers ay nagpapahinga.

Umuulan-ulan na rin dito ngunit hindi masyadong malakas katulad sa Manila. Ngunit tamang-tama lang para magkaroon ng tubig ang mga palayan. Kaya abalang-abala ngayon ang mga magsasaka para sa paghahanda ng kanilang palayan.

Naligo kami kasama mga bata sa dagat. Dahil umulan, hindi na masyadong asul ang dagat ngunit kalma pa rin at hindi malakas ang alon.

Ang ina-alala ngayon ng aming mga kapitbahay ay ang baha na maaring mangyari ulit kapag dumating ang bagyo. Ang lugar namin ay hindi naman binabaha dati ngunit noong isang taon, inaabot ng hanggang baywang ang tubig.

Tabi kasi kami ng sapa (creek) na ngayon ay makitid na dahil sa ang ibang mga gahaman ay pinagtambakan nila para patayuan ng ekstensyon ng bahay.Katulad ng pinsala ng bagyong Ondoy, ito ay kagagawan ng kasakiman ng iilang tao lang.

Sa nakaraang eleksyon, itinakwil natin si Gloria Arroyo na simbolo ng pang-aabuso at kasakiman. Sana pati na rin sa pang-araw araw na buhay natin gawin din natin yun.

Published inArts and Culture

85 Comments

  1. MPRivera MPRivera

    Ellen,

    Nakakainggit ka na naman.

    Anyhow, enjoy your vacation sa gitna ng tranquility’ng alay ng inyong tahimik na lugar!

  2. pranning pranning

    12 June 2010

    Bago ang Lahat, MABUHAY ANG ATING KALAYAAN!!!!!!

    Ang ating panibagong kalayaan ay ating nakamtan sa pamamagitan ng pag-alis ni gloria sa kanyang inagaw na trono at sa kanyang pamumuno sa loob ng 9-na taon.

    Malapit-lapit na rin naman ang ating paghihintay sa inaabangan na paglisan ni gloria. Subalit ako ay nababahala sa mga inuluklok ni gloria na mga ambassador. Ayon sa isa sa taga-pagsalita ni gloria, binawi daw ang kautusan ni romulo na sila ay huwag munang umuwi at sila daw(kampon ni gloria) ay natatakot na mapilayan ang ating mga embassy sa ibat-ibang sulok ng mundo. Subalit ang hindi alam ng kanyang tagapagsalita, ay ang patuloy na pag takbo ng mga embassy natin sa pamamagitan ng itinalagang “charge d’Affaires.

    Hanggang sa huling sandali ng kanyang panunungkulang bilang (nakaw na) presidente ng Republika, ay patuloy pa rin ang kanyang pananalasa sa ating bayan.

    Isa pa, Bb. Ellen, hindi ba dapat ang mga tinatawag na mga “career ambassadors” ay dapat din na pauwiin, sa kadahilanan na sila ay mga politcal appointees din? ang kanilang pag-kakaiba ay sila ay galing mismo sa loob ng hanay ng DFA.

    Subalit kung iyung susuriin, ang kanilang panunungkulan bilang ambassador ay binasbasan ni (peke) president gloria at katulad ng mga political appointees, sila din ay dumaan sa commission on appointment. Sila ba ay dapat din pauwiin,subalit hindi naman nila kailangan mag-resign.

    Ano ang iyong komento dito?

    Salamat at mabuhay ang Pilipinas!!!!

  3. chi chi

    Humahalimuyak din ang rosal ko dito, Ellen. Umaga-umaga ay akin nilalanghap ang bawat puting bulaklak.

    Enjoy your vacation!

  4. mbw mbw

    maraming foreigners ang nagsasabing ang kagandahan ng Pilipinas ay nasa probinsiya na kung saan ay marami pa ring “greenery”…as for the hotels in Manila, marami ring ganyan sa kanila at mas maganda pa.

  5. ocayvalle ocayvalle

    dear Lord, thank you po naman at natapos na ang lahat at naproclama na si PNOY at si VP binay..
    dear Lord, last year you took my favorate actor Patrick Swayze.. then again Lord, you took my favorate actress Farah Fawcett, then you took my favorate singer Michael Jackson…i just wanted to let you know Lord, that my favorate president is Gloria Macapagal Arroyo…+amen+

  6. Rudolfo Rudolfo

    Ellen, enjoy the vacation !..Nang bangitin ang Rosal, di ko mapigilan ang sumi-ngit, kasi maraming “rosal” sa likod ng aming bahay d2 sa LACA, “garden” ng first lady ko, at tuwing
    may “Legion of Mary meeting kami sa church”, laging dala ko, at, papuri-pagbati naman ang aming mga kasamahan. Sa ” Rosal “, naiba naman ang “topic “, nalayo sa “palasyong” mabaho. Sana, bumango pag-dating ni PPNoy !! Enjoy kayo and have a peaceful mind ( sana bigyan ka din ng pwesto ni PPNoy ??)..

  7. rose rose

    Hopefully, this December, Bernard (a nephew) and I will visit the Phil..and I will definitely take him to Antique to trace his roots. I look forward to going to Guisijan so he can experience life in a rural area and for him to meet other cousins..and he is already excited about this..
    …maiba ako, I asked if Villar won in Antique…hindi pala at si Noynoy…wala rin palang nagawa and ginastos niya…matalino ang mga botante sa Antique..wara effect ang pagmudmod niya ng kwarta…saan niya kaya babawiin ang perang ginastos niya?…

  8. Nathan Nathan

    # 7: rose

    Yong perang ginastos ni Villar at lahat ng pulitiko, yon ang ipinagmamalaki ni Gloria peking pangulo na may peking suso na lumago ang ekonomiya ng bansa… taga media network lang naman nakalanghap non! Ngayon ang Utang ng Pinas Umabot sa 4,458,100,000,000.00 Trillion Peso as of March 2010. Mayroon pang Apr, May Jun na hindi pa kasali.

    Sa Antique lag-lag si Villar doon halos kalahati.

    Final Tally:
    AQUINO, 93400
    VILLAR, 52820
    ESTRADA,40496

    Madali lang bawiin ni Villar lahat ng gastos niya…. pag naging Senate President sya uli ngayong July, obvious lamang sya ng number sa Senado kaya masusungkit niya uli ang Senate Presidency.

  9. Wow, gusto ko ang rosal, may commercial growing na ba niyan? Seguro patok ang essential oil niyan, walang sinabi ang ylang-ylang.

    Gusto ko iyan i-blender with pure coconut oil para sa pag-anoint sa candles ko. Masasarapan ang mga spirit guides ko niyan!

    Enjoy the countryside, Ms. Ellen!

  10. balweg balweg

    Ayos Maám Ellen…bakaszyun seiko! Gusto ko din makarating sa bwuetiful province of Antique.

    Enjoy Maám sa iyong pagvakasyon at best regards sa buong pamilya!

  11. mbw mbw

    question ko lang as a frustrated rosal bloomer…may rosal bush ako dito and have been also trying to propagate it kasi I love rosals…but the shrub won’t bloom as profusely as yours over there and yung mga brances na pinaputol ko nun ay hindi nabuhay—hay! help!

  12. chi chi

    mbw, bumili ka kasi ng root booster, hehehe!

  13. mbw mbw

    thanks Chi! may compost na kasi, ayaw pang mamulaklak. hahaha…sorry ellen at ginawa kong gardening blog pa ito!

  14. chi chi

    mbw,

    Tsaka kung gusto mo ng dami-daming bulaklak, trim your rosal, huwag mong kalbuhin ha, in December or January. Baka masyadong mainit ang compost mo, unti-unti lang kasi evergreen naman ang rosal.

  15. rose rose

    dito sa aming simbahan (Holy Rosary) sa Jersey city, mayroon kaming mga rosals, at sampaguita sa paso at noong winter pinasok namin sa rectory..ngayyon ilalabas na..sana mamumulaklak para maranasan naman ng iba ang bago ng rosal at sampaguita..sa mga nagtatanong sa akin kung ano yong sampaguita ipinagmamalaki ko na “ito ang aming national flower” from the words sumpa kita the vows of two lovers..parang “Romeo and Juliet”..sa Chinatown kasi mabibili ang rosal at sampaguita plants…wala pa akong nakita na jasmine…makahanap nga.
    …sa Israel sa pilgrim house ng mga Benedictines (by the sea of Galilee), ang daming sampaguita, jasmine at calamonding (calamansi) nakatamin…and we had calamansi every day.. so refreswhing…

  16. mbw mbw

    ay! palagi ko ngang nakakalimutan yung wisdom of pruning! Nagawa ko nga yun sa roses…at pati na rin sampaguita bushes! Salamat sa paalala, Chi!

  17. chi chi

    rose, yung rosal ko ay hindi ko pinapasok sa loob ng bahay kung winter kasi evergreen naman e. palaging malago at green ang dahon.

    mbw, I don’t prune my rosal, I trim it, ginugupitan ko talaga, hehehe!

  18. chi chi

    Ellen, pasingit ha?

    Tamo katarantaduhan nitong si Gloria. Magpalabas ba naman ng ganitong balita. Walang babaril kay P.Noy kundi kayo, hoy!
    ___

    P-Noy madaling mabaril sa napiling venue — M’cañang
    (Rose Miranda) http://www.abante.com.ph

    Nagbabala kahapon ang palasyo ng Malacañang na masyado umanong mapanganib o “risky’ ang Quezon City Memorial Circle para maging venue ng inagurasyon ni incoming President Benigno ‘P-Noy’ Aquino III dahil mas­yado itong bukas sa tao at baka mabaril pa umano rito ang bagong susunod na lider ng bansa.

  19. chi chi

    Singit uli…

    P-Noy, hands-off kay Trillanes
    (RM) http://www.abante-tonight

    Hindi pakikialaman ni President-elect Benigno ‘P-Noy’ Aquino III ang kaso ni Senator Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na nanatiling nakabilanggo sa PNP Custodial Center matapos masangkot sa Peninsula siege.

    Ayon kay Aquino, hindi maaaring pagkalooban ng pardon si Trillanes dahil walang final convictions at nilinaw nitong magmumula sa Board of Pardons ang rekomendasyon.
    “Comes in only after final convictions. Recommendation from board of pardons. Clemency? No conviction,” ani Aquino.

    Sa kabilang banda, ipapasilip pa rin ni Aquino ang kaso ni Trillanes dahil maaaring mateknikal sa kasong kudeta lalo pa’t Oakwood Hotel ang kinubkob at hindi, aniya, government facilities.

    “I will ask my lawyers to start checking if the only reason he is in jail is because of Oakwood. Coup d’etat how committed swift violent attack on military camp utilities telecommunications but no hotel,” ani Aquino.

    Kung umaasa aniyang pakikialaman ang kaso, ito’y malabong mangyari at mas makakabuting hintayin ang korte na maglabas ng desisyon.“I cannot intervene,” pagdidiinan pa ni Aquino.

    No comment muna ako dito, maghihintay ako ng development….

  20. Rosal is the Philippine Camelia, isn’t it? Love, just love the Camelia family of flowers (the scented ones). Tea roses and Camelia, two of my favourite flowers.

    Hope Ellen is having a good holiday!

  21. maraming foreigners ang nagsasabing ang kagandahan ng Pilipinas ay nasa probinsiya na kung saan ay marami pa ring “greenery”…as for the hotels in Manila, marami ring ganyan sa kanila at mas maganda pa. — mbw

    Couldn’t agree more.

    My kiddies love the Phil countryside. (So do I)

  22. chi chi

    Anna, rosal is better known in foreign lands as English Rose or Gardenia. Yup, it’s the Philippine Camelia. I have a Snow Flurry Camelia and a fiery red one. Snow is really wow when blooming but can’t beat rosal in scent and beauty. I’ll send you photo kapag namulaklak si Snow, pinakakapit ko sa trellis ng sapilitan. 🙂

  23. chi chi

    Ka Enchong, naks naman, hanep ang translation mo. Napa-visualize tuloy ako. 🙂

    lalagi mo akong pinamumukadkad ng talulot sa talulot, gaya ng pamumukadkad ng Tagsibol
    (sa pagdamping maparaan, mahiwaga) sa una niyang rosas.

  24. rose rose

    maraming mababagong bulaklak sa atin…do you still remember the smell of ilang-ilang? calachuchi? camia? dama de noche? champaca? may bulaklak din na mabaho..ang baho baho..how many times have you tried to cut the leaves of makahiya? nakabuo ka ba? how many times have you tried to peel the camachile seed and not damage the second layer? and can you still swallow the santol seed? do you still remember the cadena de amor leaves that we used for garlands sa “dance hall” sa plaza? these are my memories of youth..that is why I love going home to Antique…the simpliity of life..the beauty of nature…sa garden ni Ellen marami siyang orchids…ang ganda ganda walang wala si Vice Ganda! ang capital ng Antique ay San Jose de Guena Vista…if you are a bird watcher..visit Nogas Island..the sanctaury of birds and fish (fishes?)..check our the Provincial Tourism Office…

  25. rose rose

    corr..San Jose de Buenavista..
    more of what one can experience in Antique….sa amin mayroon pang pagawaan ng patadyong…(the weaving of patadyong) galingan ng “kalamay” (sugar)..and you can tour the entire island of Panay by car…from Iloilo, via Antique..then Aklan (Boracay), Roxas and back to Iloilo…this may sound like a commercial…pero maraming magagandang lugar sa atin…maraming marami…sa summer na ito check out our tourists spots!

  26. Chi,

    Maraming salamat at pinagkaabalahan mong basahin. I hope my translation gave justice to e.e. cummings’ ‘somewhere i have never travelled’.

    Mamaya, I’ll try to work on my own transalation of Max Ehrmann’s Desiderata.

  27. chi chi

    Ka Enchong, mahilig akong magbasa ng poems. I like E.E. Cummings and Walt Whitman. Kapag meron translation ay enjoy ako. 🙂

    Nami-miss ko nga ang poems and translations ng kumpare mong Magno at Joeseg. Hehehe!

  28. chi chi

    Rose, di ba ang calachuchi at dama de noche ay pareho?

  29. Chi,

    Welcome ka laging dalawin ang blog ko (Click mo lang ang pangalan ko). Daming tula dun… yun na nga lang, pagtityagaan mo ang mga tula ni Ka Enchong, hehehe.

    Iba ang kalasutsi sa dama de noche. Malaking ang puno at ang bulaklak ng kalasutsi, pero walang bango. DI gaya ng dama de noche na paglubog pa lang ng araw, humahalimuyak na.

  30. chi chi

    O, dama de noche nga pala yung hinihintay ni Ellen na mamulaklak. Salamat Ka Enchong. Sige, regular mo ako dun ngayon at tapos na ang eleksyon. 🙂

  31. MPRivera MPRivera

    Ka Enchong,

    Ang bango ng samyo ng bulaklak ng kalachuchi ay hindi maamoy mismo sa paglanghap sa mga talulot niya kundi sa may kalayuang distansya. Ito ang isang bagay na katakataka sa kalachuchi kumpara sa ibang bulaklak.

    Kaya siguro binansagan itong “bulaklak ng patay”.

    Teka, may bagong drama ang bulugang baboy bago man lamang daw siya malitson.

    http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100615-275725/Mike-Arroyo-to-undergo-spinal-surgery

  32. MPRivera MPRivera

    Nami-miss ko nga ang poems and translations ng kumpare mong Magno at Joeseg. Hehehe! – chi

    Pareho kasing merong kaming mga sintensiyang pinagdudusahang dalawa.

    Ayaw ko ng i-elaboreyt dahil nakakalungkot ang aming mga karanasan. Bahala na si Mamang Ute na magpaliwanag.

    Iiiiiiiii. Talaga naman. Iiiiiiiiiiiiiiiii.

  33. Pareng Magno,

    Yan nga ang kadalasang ginagawang ‘korona’ para sa patay. Nung bata pa ako, nilibot namin ang buong nayon sa panghihingi ng kalasutsi (karasutsi sa amin sa Cavite) para gawing koronang ipapatong sa nitso ng lolo kong namayapa.

    Spinal surgery ba kamo? Ah oo nga pala… kasama rin sa phylum chordata ang baboy- may spine pero walang kaluluwa.

  34. MPRivera MPRivera

    Binabate, este binabati kita, Pareng Enchong sa iyong napakagandang pitak.

    Binisita ko kanina ang iyong balag, este blog at doo’y natungyahan ko ang masaganang pamumulaklak ng iyong imahinasyon.

    Adbays ko la’ang sa iyo, hane? Dahan dahan ang indayog ng mga hagod dahil ang makata daw ay mayroong pagkabaliw. Masasabi naman daw ng diretso ay kung bakit ginagawan pa ng banghay at magkakatugmang taludturan.

    Kaya nga minsan minsan na la’ang ako tumutula. Napapansin ko kasing lumalala na ang aking pagiging sira!

  35. chi chi

    Spinal surgery ba kanyo? ‘Yaan mo sya! Padalhan ng Corona ng patay….

  36. chi chi

    Kaya nga minsan minsan na la’ang ako tumutula. Napapansin ko kasing lumalala na ang aking pagiging sira! – MPR

    Hahaha! Siguro naman ay mababawasan na kasi paalis na si unana, baka konti na lang ang dalaw sa atin ni Cunsomisyon.

  37. Salamat, Pareng Magno!

    Wala akong takot tumula dahil wala nang masisira- sira na lahat, hahaha.

  38. isaganigatmaitan isaganigatmaitan

    ka enchong:

    pinasyalan ko ang blog mo at nagustuhan ko ang mga nabasa ko.

    baka ibig mong samahan paminsan-minsan ng mga tula ng mga kababayan natin na sumulat sa kastila, para makatulong sa pagpapalaganap ng lumang kultura natin.

    salamat!

  39. Salamat po Ka Isagani. Naisin ko mang magsulat sa Kastila, hindi ko magagawa. Hindi po ako maalam mangastila e. Sinisikap ko na lang pagyamanin ang mga estilong sinauna gaya ng kina Jose Corazon de Jesus, Amado V. Hernandez at Benigno Ramos.

  40. isaganigatmaitan isaganigatmaitan

    oo, ang mga tula nina amado v. hernandez at jose corazon de jesus ay mga kapuri-puri at karangalan ng panitikang pilipino.

  41. MPRivera MPRivera

    Ka Enchong, Ka Gani,

    Merong isang bahagi ng kulturang Pinoy ang wari ko’y mabilis na nababaon sa limot at ni ang atin mga lider-edukador ay hindi man lamang maisip na pagyamanin – ang balagtasan.

    Nakakalungkot isipin na sa pagsulpot ng iba’t ibang tunog-musika tulad ng pop, rap, R & B, ballads, nossa nova, jazz, atbp., ay wala man lamang makaisip na ibalik ang makasaysayang balagtasan. Tama at masasabing sumusulong ang teknolohiya at kaalaman subalit nasasakripisyo ang isang makulay na bahagi ng ating kasaysayan.

  42. Pareng Magno,

    Kailan lang naman sumakabilang-buhay ang balagtasan. Nung Grade 4 ako, lagi akong napapalaban sa balagtasan. Paminsan-minsan napapatoka ring lakandiwa, hehehe.

    Ang mga kabataan kasi ngayon naging jejemon na, jejenese lang ang alam na linggwahe. jejeje.

    Eto yung pagsasatagalog ko ng Desiderata:

    http://kaenchong.multiply.com/journal/item/55/Mga_Naisin_

    Maibigan mo sana, hane….

  43. sychitpin sychitpin

    ellen, enjoy your much deserved vacation…..

    i also like flowers, fresh and fragrant ones, heh heh heh ……..

  44. From Mei Magsino, journalist based in Batangas:

    Marami rin kami rosal. Ngayon puno ng bulaklak. Nakikipagcompete ng bango sa sampaguita.

  45. chi chi

    Ay, super ganda at bango ng kapaligiran ni Mel. 🙂

  46. MPRivera MPRivera

    Pareng Gaspar, este, Baltazar, ay Enchong nga pala,

    Ala’y paumanhin ang iyo ay aking hinihingi
    Sa nabanggit sa itaas na di sadyang pagkakamali
    Akala ko’y bahay mo na kung saan ako napagawi
    ‘Yun pala ay sa kahanggan ang harding hitik lunti
    Tila Edeng bumihag sa imahinasyon ko’bumighani.

    Doon kasi’y natunghayan ang mabubulaklak mong talata
    Kaya akong ire’y tila baga namalik mata sa paghanga
    Sa hagod at mga indayog na humalina sa aking diwa
    Sa paghakbang ay natisod una ngusong dapang dapa
    Anong sakit ng lagapak ng pagbagsak ko sa lupa.

    Gayun pa man ay tanggapin ang matimyas kong iniaalay
    Paalalang nagbubuhat sa puso kong nagkabuhay
    Nang dahil sa iyong likhang pagsasali’t pagbabanghay
    Nagising ang pananabik hindi alintana ang anuman
    Kaya ngayon ay may benda ang nguso kong tila rosal.

  47. isaganigatmaitan isaganigatmaitan

    ang ncca ay nagdaos sa sm noth city ng isang araw ng balagtasan noong 2009? o noong unang parte ng 2010?

    ang u.p. naman sa diliman noong 2008 ay nagdaos ng isang buwan ng komedya, mga tropang galing pa sa quezon at parañaque. si senador angara pa ang hermano mayor ng isang araw, kaya maluho ng kaunti ang palabas ng tropa ng quezon.
    may dekorasyon na mga inukit na puno ng saging sa daanan papuntang entablado at may pakuwitis pa.

  48. MPRivera MPRivera

    Ala, ay Ka Gani?

    Totoo ga iyan?

    Ay baka naman kami ay binibiro mo la’ang ey.

    Ay ‘kagaling naman niyan, a.

    Mabuhay sila!

  49. Pareng Magno,

    Ang puso ko’t diwang laging nakatunghay
    sa imbing pangarap at agos ng buhay
    ang sa panulat ko’y lumalaging gabay,
    sa ligaya’t lungkot, tangi kong panulay.

    Anumang sandaling iyong gugugulin
    sa labas at loob nitong aking hardin,
    umaligid ka man o sadyang mapasyal
    ikagagalak ko at ikararangal.

  50. Yamang nahihimbing ang mga katotong
    madalas maghayag ng mga himatong,
    sinamantala kong gumuhit ng tugma
    sa pitak na itong sadyang pinagpala.

    Sakaling maratnan ng nagmamay-aring
    lumihis sa paksa ang aking pagturing,
    maalala sanang sa aking pagpasyal
    pinuri’t tinanghal ang bango ng rosal.

  51. chi chi

    Buti na lang meron si Ellen na iniwang espasyo ng rosal na ginawa nating halo-halo. 🙂

    Nabasa ko na ang Desiderata mo, Ka Enchong. Oks na oks!

  52. chi chi

    I’m so jealous, Ellen. Pwede kong makita sa picture kung meron? Is it sold in the garden shops there?

  53. chi chi

    Napakahilig ko sa bulaklak. Yung mga wild flowers ay pinababayaan ko lang magkagulo sa likuran ng aming kubo sa bundok. Bahala na ang fairies na mag-alaga sa kanila. 🙂

  54. Hi Chi, I was not able to take a picture of my ilang-ilang blooms. Starting pa lang kasi. But a picked a few and put it on the table in the living room.

    Yes, I bought a seedling in Tagaytay. A friend gave me seeds also. I forgot where I put them.

  55. rose rose

    ang ilang ilang is a tree hindi ba? how long did it take for the seeds to grow and now blooms? ang bago bago ng ilang ilang…noong araw we put ilang ilang sa lana (coconut oil) at let it stay for weeks..at iyong ang “brillantine” namin..ilagay mo din sa ilalim ng pillow mo at ang sarap ng tulog mo sa bango..mayroon bang ilang ilang perfume? remember the sampaguita and ilang ilang garlands sa Quiapo?

  56. MPRivera MPRivera

    Pareng Enchong, ano baga’t hindi (mo) ‘ata naintindihan
    Ang sinabi ko sa itaas na ako’y nagkamali la’ang
    Sa aking pagpasok sa akala’y iyong bahay
    Kung saan nadisgrasya’t ang nguso ko’y nalintikan
    Ere’t hinihimas kong parang talulot ng rosal.

    Parang awa mo na, huwag mo nang pilitin
    Sapagkat ang pagtula’y parang gusto kong limutin
    Dahil sa upasala’t mga libak na pasaring
    Mga dating katotong nagtuturing sa aking baliw
    Bunga nitong paglikha ng mga tulain.

    Sandali kong nalimot panatang kay laon
    Dahil sa paghanga sa kay inam mong layon
    Ibalik natin itong timyas ng nagdaang panahon
    Pagyamani’t alagaan hanggang sa yumabong
    Upang huwag malimot nitong mga bagong sibol.

  57. Pareng Magno,

    Sa Batalan ka kasi nagdaan kaya ka naligaw. Ang paanyaya ko ay pasukin mo ang Kubo ko. Gayunpaman, natutuwa ako at nasumpungan mo rin ang rosal… hindi lamang sa Kubo ko. Aba’y napadikit rin pala sa nguso mo.

    Hindi ko na idinaan sa sukat at tugma ang tugon ko. Sapat nang natukso kang muli sa paghahabi ng mga taludtod at sa pagbibigkis ng mga saknong.

  58. MPRivera MPRivera

    Kapag kasi, Pareng Enchong ang pangalan mo ang ginawa kong susi pagpasok sa bahay ay sa kasalan ako napupunta, eh.

    Bawal daw, sabi ng aming IT (Ay, Tange!) Department. Prohibited pati. Access denied pa.

    Pero sa totoo lang, okey naman ‘yang malayang taludturan. Nasa bumibigkas at nagbibigay buhay lamang ‘yan. Hangga’t hindi nawawala ang daloy sa ating kinagisnan ay hindi maliligaw sa landas ng ating kultura at kasaysayan ang mga kabataan nating magmamana ng diwang nais nating kanilang ipagmalaki at pagyamanin.

  59. MPRivera MPRivera

    Para maniwala ka, eto ang love letter ng mga bwisyet:

    Dear mrivera,

    This is a message from the IT Department.

    The web site you are trying to access:
    kaenchong.multiply.com/
    is listed as a site within the category DatingAndMatrimonials

    Current Internet Access Configuration does not allow you to visit sites within this category at this time.

  60. Pareng Magno,

    Kakatuwa naman yang Ay Tange Department nyo, hahaha. Sabagay, maramirami na rin siguro ang nagdate at nagpakasal dahil sa pagbisita sa site ko, hehehe.

  61. chi chi

    Salamat, Ellen. Pahahanap ako ng ilang-ilang at yayakapin ko kung winter para hindi mangulantay. 🙂

  62. chi chi

    Ka Enchong,

    Pinatutunayan ko na ang Ay Tange Department ni pareng Magno mo ay takot sa nga friends niya. Ang tawag nga sa akin e Deamon, sabay balik ng ipinadadala ko sa kanya. Pero simpleng email ay kinukuha, nakikitsismis yata, hehehe.

    Bibisitahin na lang kita via Ellenville (klik lang) kasi controlled ko ang sinasalihan kong sites dahil ang gamit kong computer ay laptop ng university na kakabit sa kanila pero tinatanggap naman lahat, hindi Ay Tange.

  63. Hahaha, Chi. Buti na lang, hindi ko sinubukang mag email kay Pareng Magno, baka tawagin naman akong Daemonyow ng Ay Tange Department nila.

    I’m very glad that you liked my Desiderata translation. Thanks.

  64. MPRivera MPRivera

    Pareng Enchong,

    Natuwa ka pa?

    Ako’y naku, konti na lang ang natitirang pasensiya!

    Parang kagaya ng mapapatid ng pisi ng katwiran dahil sa mga bwisyet na pamilyang Mgagarapal-Arroyo.

  65. Pareng Magno,

    Nagkamali… hindi kakatuwa- kakatawa. Parang si Mike A., the best 9 years daw, bwahahah.

  66. sychitpin sychitpin

    MPRivera and Ka Enchong

    ang galing ninyong tumula, thanks for making my day better with your beautiful poem

  67. sychitpin sychitpin

    kung minsan nagkakagana rin
    na tumula ang isang tulad ko
    isang saling pusa na walang alam
    kundi lakas ng loob lang ang dala
    at gustomg humalo sa mga magagaling
    tulad ni MPrivera at Ka Enchong
    na parehong magaling na makata

  68. “Yes, I bought a seedling in Tagaytay. A friend gave me seeds also. I forgot where I put them.” – Ellen

    Hintayin mo kung saan may tumubo, mamulaklak at amoy-mabango, doon mo naiwan yung seeds. Hahaha.

  69. Sa San Pedro, marami akong alagang halamang namumulaklak ng mabango. Ayaw ko ng maganda nga wala namang amoy.

    Ang paborito ko, yung niyog-niyugan (Rangoon Creeper) na fuchsia ang kulay na hawig sa sampaguita ang bango, pero mas sosyal ang amoy lalo kung gabi. Marami ring humihingi ng bunga nun (na parang miniature balimbing) dahil ginagamit sa deworming.

    Yung yellow bell na double-layer ang petals ay mabango rin buong araw. Yung tinatawag na “Alas-Kuwatro” na kulay yellow petals na may parang pepper corn (paminta) sa gitna ay nagsisimulang mag-emit ng bango tuwing als-kuwatro ng hapon. Kaya siguro yun ang pangalan.

    Meron din akong mga giant cattleya na napakababango, kahit isa lang ang blossom, amoy sa buong bakuran. Sawa na ako sa roses, at sampaguita kung saan sa San Pedro ang sentro production. Meron din kaming jasmine at ilang-ilang noon kaya lang ninanakaw ng mga sampaguita farmers kaya pinutol na lang. Pati bulaklak ng mga punong kalamansi namin ay unbelievably napakabango.

    Pero ang pinakamabango sa lahat ay isang shrub na tumubo lang sa biyak ng semento. Ang mga dahon niya ay wala pang 3/4 inch ang haba at ang bulaklak ay pink and white na wala pang 1/4 inch ang diameter. Galing siguro sa tatse ng ibon at sa semento tumubo. Napakabango niya whole day and night at ang amoy ay baby powder. Promise! Hinanap ko sa encyclopedia kung ano’ng pangalan, di ko makita.

    Maipost nga sa Facebook.

  70. MPRivera MPRivera

    Tongue,

    Hindi ko lang alam kung ano sa Tagalog ‘yang bulaklak na sinasabi mo, pero may kutob ako, Cashmere ‘yan kung amoy powder ng baby (‘yung tao, ha?).

  71. MPRivera MPRivera

    Hamon ko kay Joeseg na laging nagtatago sa likod na waswit niya dahil siya’y under house prosecution:

    Sa hardin ni Ellen ay may tumubong rosal

    Doo’y makikita mo ang mga patunay

    Tula ni Ka Enchong na may saling banghay

    Ng talatang banyagang binigyan niya ng buhay

    Kaya itong si Chi’y hinahanap kang minsan.

    Pakiusap niya ay iyong transleysyon

    Makaumpog ng ulo sa gitna ng tension

    Upang maibsan daw ang sulak at sumpong

    Papaghupain mo ang ngalit ng apoy

    Bunga ng kasibaan ng mga ulupong.

  72. MPRivera MPRivera

    Eto naman ang sagot ng katulad ko’y hangal:

    In the garden of Ellen, even Rosa Rosal can’t question

    There you’ll realize the eye openers and real situation

    Pictured to us thru Ka Enchong’s wonderful translation

    Giving life to a poem like administering a blood transfusion

    But alas! Chi, in her hibernation still looking for another version!? .

    So, it’s our crazy “Lost in Translation” she is asking

    Heto na yun, just avoid hammering your head amidst heavy feeling

    To ease the sulking and trantrums inspite of Noynoy’s winning

    Because he’s now our man to stop the angry fire from spreading

    The fruits of long years of greed but few days na lang, it will be ending.

  73. Namfootah, pinabilib mo ako dun Magno. Marunong ka palang mag-Ingles… Ng tula, ang ibig kong sabihin. Iba talaga siguro pagka camel lang ang babaeng nahihimas, nagiging creative, hahaha!

    Teka yung cashmere, kambing yun a?

  74. Tongue, inggit ako sa lugar mo sa Laguna ha. Napaka-relaxing siguro, ano.

  75. MPRivera MPRivera

    Tongue,

    Kay Joeseg ‘yan na translation niya sa tula ko, ano ka? Kapag pinag-inggles mo ako, aba’y nidudugo ang ilong ko, saka hindi ako pumapatol sa camel, ano? Hindi ako cheap at just just, salbahe ka. Teka, kumusta na ‘yung praktis mo para sa concert sa NPC sometime after June 30? Perpek na ba ‘yung masterpiece mong Rape in C-minor?

    Ellen, dati refreshing sa San Pedro, noong panahong hindi pa nagiging parang sardinas ang mga bahay dahil sa dami ng iskwater. Noon ay mahalimuyak ang mga sariwang bulaklak subalit ngayon ay nangalanta na’t nanguluntoy at hindi na masamyo ang bango. ‘Dami pang mga lagas na ang talulot lalo na sa kahabaan ng Landayan. Di ba, Tongue?

  76. Magno, Di ako nadadayo sa Landayan maliban kung magsisimba sa Santo Sepulkro. Yung mga iskwater sa riles ang madalas kong makita pero winalis na lahat ng PNR, talo kasi and administrasyon doon saka yung SouthRail mukhang tuloy na, dumaan nga raw si Putot nung isang araw na naka-tren doon, swerte siya wala nang lumilipad na galing sa orinola, pwe!

    Siyempre naman, narelocate na yung squatters, ibinili na ng lupa ni Mayor Cataquiz sa may parteng bundok. Sino may-ari ng lupa? Si Cataquiz din, sino pa? Hahaha.

    Ellen, nagtataka ako kung bakit despite na napakainit sa San Pedro, malulusog lahat ng halaman. Dito sa Pasay, kumpleto ang gamot at fertilizer, walang namumulaklak. Pag pinadala ko sa San Pedro, ang gaganda. Lalo yung orchids. Hindi rin ako bumibili ng halaman galing sa Tagaytay o Baguio dahil sanay ang mga yun sa malamig. Natutuyo dito sa Maynila. Mas magandang bumili sa UP Los Baños.

    Sa polusyon yan pihado. Wala tuloy akong maamoy na mabango dito. Maliban sa mga agogo dancer na nakatira sa likod namin, hehehe.

Leave a Reply