Skip to content

Ang makulay na House of Representatives

Sa pag-uusap naming mga reporter, sabi naming maganda siguro ngayon ang coverage sa House of Representatives kasi maraming mga kontrobersyal na personalidad.

Unang-una na si Gloria Arroyo na ngayon ay representative ng pangalawang distrito ng Pampanga. Kung aprubahan ng Comelec ang nominasyun ng kanyang anak na si Mikey bilang sectoral representative ng Ang GalingParty na partido kuno ng mga tricycle drivers at security guard, magkasama silang mag-ina.

Maliban naman kay Mikey may isa pang anak si Arroyo na congressman din: si Dato ng unang distrito ng Camarines Sur. At nandyan rin ang kanyang bayaw na si Ignacio “Iggy” Arroyo ng panglimang distrito ng Negros Occidental.

Sa botohan sa mga isyu, maasahan natin na magsama-sama itong mag-anak para protektahan ang kanilang sariling kapakanan.

Nandoon din ang 80 taong gulang na si Imelda Marcos na kumakatawan ngayon ng pangalawang distrito ng Ilocos Norte. Malakas pa rin ang news value ni Imelda lalo pa sa foreign press.

Ewan lang kung magiging aktibo si Imelda. Dati na rin siya kasing congresswoman at hindi siya masyado aktibo noon.

Ang inaasahan ng marami na magpapakita ng gilas ay si boxing champ na si Manny Pacquaio, na ngayon ay congressman ng Saranggani.
Excited din ang mga empleyado ng House of Representatives dahil baka raw mabigyan sila ng libreng tiket para manood ng Pacquiao-Mayweather fight daw s alas Vegas. Kung matutuloy.

Nandyan din ang mga beauties na sina Lucy Torres-Gomez na kumakatawan ng pag-apat na distrito ng Leyte at si Lani Mercado naman ng pangalawang distrito ng Cavite.

Humahanga ako sa mga reporter sa House kasi mahirap ang mag-cover ka ng mga walang katuturan na mga pag-uusap. Ang tendency mo ay magiging mayabang ka dahil madali mag-isip na, aba, mas marunong pa ako sa mga gunggung na ito, bakit ako nag-aaksaya ng oras sa kanila.

Hindi maganda para sa reporter ang attitude na mas marunong pa siya kaysa kanyang kinu-koberan. Kaya lang mas maganda naman talaga kapag ang kinukuberan mo ay nakaka-inspire at ikaw mismo ay maraming natutunan.

Ang maganda bantayan ngayon sa House ay ang re-alignment of forces. Sa ngayon, malaki ang numero ng Lakas-Kampi-CMD. Kaya lang, balita naming pakunti na pakunti na raw ang dumadalo ng kanilang miting.

Ito namang Nacionalista Party ni Manny Villar ay nagdesisyon na na maki-alyado sa Liberal party at susuportahan daw si Rep. Sonny Belmonte ng Quezon City bilang speaker.

Hindi na rin daw tatakbo si Arroyo bilang speaker at si Rep. Edcel Lagman ng unang distrito ng Alba yang kanilang kandidato para speaker. Huwag dapat kampante kay Arroyo at namamatyag lang yan.

Published in2010 elections

24 Comments

  1. The House of Representatives will now house the rich and the filthy rich, the famous and the infamous.

    By the way, Lani Mercado represents the Lone District of Bacoor in Cavite.

  2. Oblak Oblak

    Huwag ding kakalimutan si Angie Reyes kung maaprobahan na sya sa 1 UTAK at si Mike Velarde sa BUhay(?)

    By the time na mag SONA si Aquino sa July, magkakaalaman kung sino ang mag over the bakod from Lakas Kampi at kung sino sino ang tunay na loyal kay Arroyo.

  3. Hindi lang House of Representatives ang magiging makulay, pati ang Malakanyang, kung ang pagbabatayan ay ang showbiz report na ito sa Pilipino Star Ngayon:

    Ayaw magpalagay ng powder ni Noynoy sa kanyang mukha. Gusto sanang lagyan ni Kris ng powder ang kapatid pagdating nila ng Batasan noong nasa Holding Room na sila, pero tumanggi raw si Noynoy. Hindi na raw napilit ni Kris ang kapatid.

    Nabalita sa isang radio station na 10 pages ang inihandang speech ng bagong pangulo. Pero hindi na ito binasa ni Noynoy. Diretso na raw ito sa record section ng Kongreso.

    Showbiz na showbiz ang dating ng pagiging pangulo ni Noynoy dahil sa kapatid na si Kris na nangako na tutulong sa kapatid para sa ikauunlad ng bayan.

    Kaya ang theme daw ngayon ng bagong gobyerno, That’s Entertainment sabi WF.

  4. Isagani Isagani

    Mabuhay si Manny Pacquiao! Marami siyang detractors, ngunit ang mga mamamayan ng Saranggani na tunay na nakakikilala sa kanya ang totoong hatol. Marami pang dadaanang pula si Manny, lalo na sa mga walang alam tungkol sa kanya. Inaasahan ko na tulad sa boksing, marami siyang magagawang kabutihan sa kanyang bayan.

    Si Gloria, kahit na tulog, salbahe pa rin yan. Kaya kailangan laging kinikuwestyon ang lahat ng gawain niya.

  5. Rudolfo Rudolfo

    Hello, makidagdag nga po. Talagang ” Makulay ang House of the Representa-thieves ” ( noon ), sana ngayon ay House of Representatives na (panahon ni President-elect NoyNoy Aquino). Ngunit, parang ang kulay ay nandiyan pa din, dahil pinuno ng mga ” families ” at peking mga party list ” na naman. Ang tunay na kulay ay hindi bilang sila ay representatives ng kanilang mga distrito o party list, kundi ang kulay ng “PORK BARREL “, kung papa-ano nanakawin ki Juan de la Cruz, at ibubulsa nila. Kasangkot dito ang Comelec, dahil sa pag-aaruga sa mga political dynasty ( sana sumunod sila sa batas ng anti-dynasty programme,ngunit, sila ay silaw din sa kamandag ng Salapi, kaya, napa-bayaan ang naka-dadaming mga “representa-thieves” sa kongreso ).

    With prayers and Hope for a Change, we need to wish the color of the “rep-thieves” be corrected into the ” yellow ”
    color as what President-elect, Noynoy Aquino have promised to the people.

  6. mbw mbw

    sa common knowledge, matalino si Gloria at chess player…bakit ka nga naman mag-pre-press release na may balak kang maging Speaker kung mabaho ka pa sa mata ng taong bayan? Wheeling and dealing lang lahat iyan…sa guise of “for the good of the people.” Sa mga pagkakampanya o buhay pulitika…mahirap maging constantly pure and above-board in intent. And Gloria ever since she was at the DSWD was already corrupt.

  7. re #1, Joeseg, I checked with Comelec site, Lani repsresents the 2nd legislative district of Cavite.

    I don’t think Bacoor is a district.

  8. Is Lani Mercado the same Lani “friend” of Erap who I believe won in the election?

  9. Lani Mercado is the wife of Sen. Bong Revilla. She is also an actress. She was earlier placed by Gloria Arroyo in the board San Miguel Corporation. A very lucrative position.

  10. Anne, as to Erap’s friend who won the election, it’s Guia Gomez, who is now mayor of San Juan. JV is now congressman.

    You must be referring to Laarni Enriquez. She didn’t run for any elective position last election.

  11. rose rose

    putot is a chest player? baka maraming news ang mag leak..
    masaya seguro manood ng session…kakanta si Imelda, at sasayaw naman si putot ng cha cha…ano ngayon ang papel ni Mr. Wetness?

  12. Mike Mike

    “Ang MAKULAY na House of Representatives”

    Pero karamihan sa kanila, MAIITIM ang puso.

  13. MPRivera MPRivera

    “……Ang tendency mo ay magiging mayabang ka dahil madali mag-isip na, aba, mas marunong pa ako sa mga gunggung na ito, bakit ako nag-aaksaya ng oras sa kanila.”

    Aba, bakit nga? Sino ba sila, eh wala namang ginawa ang iba kundi matulog nang nakanganga at tumutulo pa ang laway. Ni hindi nga makapagpasa ng panukalang batas na galing mismo sa kukote nila. Pork barrel lang naman ang umiikot sa utak nila, eh.

    Mga walang hiya.

    Palagay ko, makulay nga ang ating Butasang Pambansa. Butasan dahil marami ang nagbubutas lamang ng silya.

    Marami sa kanila ang parang mga paruparong makukulay. Palipad lipad kung saan saang pugad kapag tagilid na ang laban.

  14. tru blue tru blue

    Tongress is like an animal and fowl farm. Just came from one a few days ago and the only sane ones were the little ponies or the donkeys. The rest ay mga baliw, just picture a farm with animals and fowls inside it, naghahabulan, infigthing – matira ang matibay.

  15. There is something strange that Joeseg discovered:

    Ellen,

    You’re correct about Lani Mercado representing the 2nd district of Cavite. I relied on what my former officemate who resides in Bacoor when she text me after May 10 elections that Lani is their elected Congresswoman to represent Bacoor without mentioning the district. When I read your comment, I asked her again about it and she emailed me an item apparently from a column and it appears that Bacoor is the only municipality in the 2nd district. Ngayon ko lang din nalaman na katulad ng Bacoor, ang Imus at Dasmarinas ay solong bayan sa 3rd & 4th district, respectively. Pambihira patis ito, 3 magkaka dikit na bayan, tig-iisang Congressman!

    All the best.

    JoeSeg
    ***

    The 7 Districts of Cavite
    Cavite, one of the economic powers of the Southern Tagalog region, is gaining 4 new districts in the coming days as President Gloria Macapagal-Arroyo signed in laws creating 7 more districts in different provinces, 4 of which are in Cavite, 1 for the province of Camarines Sur and 1 each for the lone districts of Lapu-Lapu City in Cebu and Iligan City in Lanao de Norte.

    For years, the province has 3 districts. The first district comprises of Cavite City and the municipalities of Bacoor, Kawit, Noveleta and Rosario. The 2nd district with Trece Martirez City, Carmona, Dasmariñas, Imus, Gen. Mariano Alvarez, Gen. Trias and Tanza. Lastly, the 3rd district with Tagaytay City, Alfonso, Amadeo, Gen. Emilio Aguinaldo, Indang, Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic, Silang and Ternate.

    Mrs. Arroyo signed into a new law, the RA 9727, effectively making the province of Cavite divided into 7 legislative districts.

    * First district – municipalities Kawit, Noveleta, Rosario, and Cavite City.
    * Second district – municipality of Bacoor.
    * Third district – municipality of Imus.
    * Fourth district – municipality of Dasmariñas.
    * Fifth district – municipalities of General Mariano Alvarez, Carmona, and Silang.
    * Sixth district – municipalities of Gen. Trias, Tanza, Amadeo, and Trece Martirez City.
    * Seventh district – Alfonso, Gen. Aguinaldo, Indang, Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic, Ternate, and Tagaytay City

    Under the Arroyo administration, 30 more districts were created, increasing the number to 230 from 200.

  16. Joeseg is also correct, Bacoor is the only town in the 2nd legislative district.

    Pinaghati-hatian talaga ang Cavite so that each politician will have his or her own kingdom.

  17. Good Lord! Divide and rule. That woman ought to be hanged, drawn and quartered.

  18. rose rose

    AdB: hindi lang quartered kundi tadtadrin..at gawing humberger..at isugba… very well done cremated at ang kanyang mga buto ipakain sa kanyang mga aso para malason silang lahat..
    ..ipinagmamalaki pa niya ang kanyang mga achievements kuno..walang hiya talaga at ang tawa niya nakakatuya pa..at nakapula pa ang suot…demonya talaga ang dating…hindi ta tumalab ang dasal ni Pastor Quiboloy..the next tme she goes to Quiboloy dapat ibigyan na siya ng necrological rites and extreme unction..pero wala atang ganito sa simbahan ni Quiboloy..

  19. MPRivera MPRivera

    The because of all this is to satisfy the equally greedy allies of gloria who want to gain control of districts where they can do what they want and get what they like. Siyempre, kasama na dito ‘yung pagkakaroon ng sariling distrito na anak niyang adik na hindi naman taga roon o kabilang sa mga taong kinakawatan este, kinakatawan.

    Onli in da Pilipins under the kinawatanized administration.

    Nakuuuuu! Sarap tirisin ng garapatang nunal!

  20. MPRivera MPRivera

    Sa palagay ninyo (dapat mapalagay kayo), sino ang may bulong sa bugaw na bansot sa pagkatay sa Cavite?

    Ako, hindi ko sinasabing anak ni Pepeng Agimat, ha? Lalong hindi ko pinagsususpetsahang si Nardong Putik dayunyor.

  21. MPRivera MPRivera

    Dahil nga sa maitim na balak ng reyna ng mga lamanlupa na hamigin ang Butasang Pambansa ay binigyan niya ng kanya-kanyang distrito ang mga alaga niyang asong gala. Katulad ng kanyang anak na hindi naman ipinanganak sa Bikol, biglang naging kinawatan ng mga tanga-roon, este taga roon.

    Itong Cavite, ‘yung kumpol ng ginawang distritong tabi tabi, sino sino ang mga kumakawatan sa mga tao?

    Bakit hindi na la’ang niya ginawang bawat bayan ng Pilipinas ay isang distrito?

    Tutal naman, kulang pa ‘yung kawalanghiyaan niya, hindi pa nilubos ng bruha.

  22. sychitpin sychitpin

    mother of lies is now in the house of thieves

  23. balweg balweg

    RE: Bakit hindi na la’ang niya ginawang bawat bayan ng Pilipinas ay isang distrito?

    Maghahalo ang balat sa tinalupan Igan MPR, ano siya sinuswerte…pwede pa nahihibang?

    Look, di ba maraming CRABS ang pumalaot nitong May eleksyon at nagsikain ng alikabok like Gonzales ng Iloilo, Mitra ng Batangas at iba pang lugar sa Pinas.

    Ibig sabihin nito ang mga Noypi sa kanilang lugar e naninindigan against sa mga kenkoy na yaon…kya nangatalo.

    Pasasaan ba at ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa atin sa mga ganid, sinungaling, magnanakaw, traydor sa ating lipunan.

    May oras na nakatakda sa kanila…at itaga natin sa tubig…oppsss mapapagod pa tayo nito, e drawing na lang natin sa water…may katapusan din ang kanilang kawalanghiyaan at pagkaganid sa paglilingkod-bulsa.

  24. balweg balweg

    …hayan naHocus-PISO na ako, mali mga Igan…Ermitanyo pala ng Batangas at di si Mitra ha?

    Noypi po lamang na pagkaminsan e dapat tumanggap ng RIGHT or WRONG!

Comments are closed.