Skip to content

Pumapayag ang Comelec sa bastusan sa partylist system

Nabastos talaga ng husto ang partylist system.

Ang layunin ng batas ay matino: mabigyan ng representasyon ang mga naapi at mga walang boses. Kasi nga sa gastos ng ating klaseng pulitika, ang mga mahihirap ay wala talagang pag-asang magkaroon ng representasyon sa Kongreso.
mike velarde angie reyes mikey arroyo
The ‘marginalized’

Ayon sa ating saligang batas, “The party-list representatives shall constitute twenty percentum of the total number of representatives….from labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth” at iba pang sector ayun sa batas maliban lamang sa religious sector.

Ngunit tingnan mo naman itong Buhay, isa sa mga nanalo. Isa sa kanilang nominee ay si Mike Velarde ng El Shaddai. At halata namang partido ito ng El Shaddai na alam naman natin ay religious kuno.

Ang pinaka hindi katanggap-tanggap ay itong si Mikey Arroyo, na hindi tumakbo para congressman ng pangalawang distrito ng Pampanga para makatakbo ang kanyang nanay na si Gloria.

Nanalo si Gloria at kung hindi mahaharang si Mikey ay balik Kongreso rin siya bilang representative ng Ang Galing Pinoy.

Sa kanilang aplikasyon, sinabi ng Ang Galing ang kanilang nirepreseanta daw ay mga tricycle drivers at security guards. Okay lang siguro na may magre-representa sa mga tricycle drivers at security guards sa kongreso, ngunit bakit si Mikey?

Talaga bang ang kapakanan ng -tricycle drivers at security guards ang kanyang isusulong sa kongreso o ang interest niya, ng kanyang nanay at ng kanyang pamilya lang? Kung matutuloy si Mikey, apat sa pamilyang Arroyo ang miyembro ng kongreso ngayon. Maliban kay Gloria at kay Mikey, isa pang anak ni Gloria na si Dato ay kongresman rin ng unang distrito ng Camarines Sur at ang si Ignacio “Iggy” Arroyo, Jr., kapatid ni Mike Arroyo na kongresman naman ng ikalimang distrito ng Negross Occidental.

Mabuti naman at hindi na nomiee ngayon ang isa pang kapatid ni Mike Arroyo na si Marilou Arroyo na nominee raw ng mga balut vendors.
Ito namang Comelec, ang bilis nila magdisqualify sa Magdalo, Migrante at Ang Ladlad (mabuti lang kinampihan ng Supreme Court ang Ang Ladlad ngunit hindi sapat ang kanilang nakuhang boto para makakuha ng puwesto sa Kongreso) nguit ito namang mga garapal, paiba-iba ang isip nila.

Noong Lunes, sabi hold daw muna ang proklamasyon ng Ang Galing party, Buhay at I-Utak na ang nominee ay si dating Energy Secretary Angelo Reyes Jr, sino naman ang maniniwala nag “marginalized”?

May mga nakabin-bin daw kasing reklamo laban sa grupo o sa kanilang mga nominees. Hindi pa isang oras, nagbago ang isip at iproklama raw ang partylist ngunit hindi pa ang nominee.

Kung may pambabastos sa batas sa pagpili nila ng nominee, dapat lang mismo partido ay i-disqualify na rin.

Published inpartylist

48 Comments

  1. hawaiianguy hawaiianguy

    Every time we have an issue like this, it boils down to our politicians’ lack of delikadeza (kapal apog), obsession for power (kasuwapangan), and utter disrespect to the rule of law (pambababoy) – not to mention the blatant bastusan of the party-list system.

    How can we expect change for the better? It’s like recycling the pigs in congress, which mutate as voracious crocs and gators, with the collusion of those government agencies and officials who are equally if not more greedy. Lahat ganid, suwapang at makapal ang apog! They are all in league with one another.

    It seems that morality has lost its virtue, when even the pious (Mike Velarde) take part in this objectionable process. It’s not surprising if Mikey Arroyo and Angelo Reyes do it, after all they are insatiable allies of the devil.

    In a way, ordinary Juans and Juanas can still do something. They should vote out those pigs, or better yet send them back to hell!

  2. Mike Mike

    Ano pa nga ba kundi mga bastos ang mga Komisyoner. Comelec as we all know are no different from BIR and Customs, lahat sila kurakot. Lahat ng galaw at transaksyon ay may katapat na presyo. Dapat lahat sila ay magpa-lifestyle check at sigurado akong bagsak silang lahat.

  3. clearpasig clearpasig

    The highest form of morality is good intention.

  4. florry florry

    Kung ang party list system ay totoo sa talagang hangarin nito ayon sa batas, ang dapat na maging nominee ay galing din doon sa hanay ng grupong kinabibilangan nila. Halimbawa ang mga tricycle drivers at security guards, ang dapat na magrepresent sa kanila ay isa ring tricycle driver o security guard, hindi katulad ni Mikey Arroyo na alam naman natin na hindi siya nabibilang sa hanay na yon, kaya paano niya mairepresent ang grupong yan. Ang mga tri-drivers at mga secu. ay marginalized, pero si Mikey?

    Maling-mali ang ginagawa ng Comelec. Mayroon silang tinitingnan at tinititigan. Dapat kapag hindi galing sa hanay ng isang grupo ang nominee, disqualified kaagad.

    Ang mga congressmen ba wala bang mga marginalized group sa kani-kanilang mga distrito? Ang alam ko mas maraming mahirap. Bakit sino ba ang inirerepresent ng mga congressmen, di ba lahat ng klase ng tao? Ang mga inirerepresent lang ba nila ay yong mga maayos ang buhay at hindi kasali ang mga mahihirap?

    Ang party list ay binababoy ng mga politico, ginagamit nilang back-door para makapasok ng Congress. Walang ipinagkaiba rin sa mga kumakandidatong trapo. Tingnan ang mga party list nominees, iilan-ilan lamang kung mayroon mang totoong nagrerepresent doon sa tinatawag na marginalized. Halos lahat din ay galing sa pamilyang may koneksiyong political o dynasty.

    Kung ganyan din lang ang ginagawang pambababoy sa party list, mas mabuti pa sigurong iabolish na lang dahil bukod sa hindi natutupad ang spirit ng law sa pagpapatupad malaking dagdag sa gastusin ng gobiyerno. Hindi pa ba sapat ang bilang ng mga congressmen na karamihan naman sa kanila ay nakatunganga, walang ginagawa kundi magpa-roll-call lang at boboto ng yes or no at mga bayaran pa sa pagboto, at kailangan pa ang party-list?

  5. Rudolfo Rudolfo

    ABout the issue,”Party-List”, dapat dito ay di naging batas noon…palitan na ng pangalan ang party-list. ‘ ” PP na lang, PIGS-Party List..Mga mukhang baboy naman sila, matakaw sa paglamon ng pagkain at salaping bayan ni Juan de la Cruz..dapat, sa susunod na amendment, limitahan na ito or mawala na, dahil, mas dadami ang Party-list kaysa sa mga ordinaryong Congressmen, na siyang kuma-katawan ng mga distrito, sa mga syudad, probensya…pati itong mike ( mga mikes ) walang patawad…( mike Velarde, Arroyo, saka si making money na si Angelo…mga ” SALA-ULA ” sa gobyerno !!!
    Maka-DIYOS ba sila o Malinaw na lig-lig na maka-SALAPI..talaga naman, sayang ng budget sa kanilang Pork barrel, dapat napunta sa mga Eskwelahan, Gamot sa mga Hospitals, at mga Agricultural-Road-building-projects na kulang or wala sa Pilipinas, at sa bulsa lang nila, napupunta..

  6. kapal apogkasuwapangan…,pambababoy… – not to mention the blatant bastusan of the party-list system. HG

    Those 2Ks and 2Bs perfectly encapsulate the political system in Pinas!

  7. Sounds like the 2K2B is an appropriate party list that these walanghiyang people need to adhere to.

  8. sychitpin sychitpin

    the root of all these evils were from a bogus president, who wickedly manipulated all laws and judicial system to oppress and fool the people with impunity.
    cut the root and all its branches will die with it
    strictly speaking, all the acts of a bogus pres. were illegal from the start albeit no force and effect

  9. Golberg Golberg

    Okay lang siguro na may magre-representa sa mga tricycle drivers at security guards sa kongreso, ngunit bakit si Mikey?

    Baka dati siyan tricycle driver na security guard. Nung maging pekeng pangulo ang nanay niya, umangat sa buhay, pupunta sa PCSO, kuha ng pera at punta na sa sugalan.

    Avatar siya ng tricycle drivers at security guards???
    Strange!!!

  10. Eggplant Eggplant

    “kapal apog… kasuwapangan…,pambababoy…”

    Tama ka diyan Anna.

    Sarap pagsasampalin, mukha pa lang ay masusuka ka na!

  11. Eggplant Eggplant

    Wala na sa bukabularyo nila ang salitang “Hiya.” Mas makapal pa sa gulong ng traktora ang kanilang pagmumukha.

    Pagbabatohin ko ng mga kamatis at talong ang mga iyan.

    Kaming mga magsasaka at mangingisda lamang ang tunay na marginalized hindi iyang mga kampon ni Taning.

  12. clearpasig clearpasig

    Marami ng pera si Mike Velarde kaya pilit na pumasok sa pulitika upang ma-preserve niya ang kanyang yaman na ninakaw sa mga mananampalataya.

  13. Eggplant Eggplant

    Golberg huwag ka nang magtaka, Sikyu iyan ng mga chikas at Tricycle driver iyan sa penekula.
    Dahilan lang iyan para makapasok uli siya sa Tongress.

  14. sychitpin sychitpin

    here in China, gov’t is working for the greater good and not just for a few corrupt leaders…..

  15. Hindi na naman nakakapagtaka, kaya nga tinawag na Bastusang Pambansa, mga bastos ang mga nagme-member.

  16. batang_munti batang_munti

    mga contenders yang mga nagpapanggap na marginalized para sa Pambansang Kapalmuks. hindi na nagtira ng kahihiyan sa sarili nila.

  17. Mike Mike

    Technically, a Party-list group can asign/ appoint someone to represent them in Congress. Usually a lawyer and who knows the issues and plights of it’s members and has been with them for quite a while. But Mikey is a “last minute” member who knows nothing about sikyu and trike drivers. My guess is, the only time he has interaction with the sikyu is with his securiy escorts who incidentally came from the PNP and PSG and not from the “real” sikyu. As for the trike drivers, the only time he dealt with them is when his convoy with “wang-wang” and blinkers driving pass them.

  18. sychitpin sychitpin

    mike velarde, angie reyes, mikey arroyo pawang bunga ng masamang puno

    salot sila ng bayan, dapat sa kanila sa kulungan

    sa Taiwan, ikinulong ang presidente nilang corrupt na si Chen Sui Bian, sa Thailand pinatalsik din ang corrupt na prime minister Thaksin, sa pilipinas malapit na ring ipakulong ang corrupt na pekeng presidente

  19. MPRivera MPRivera

    Kung walang tanga, utuuto at iresponsableng botanteng bumoto sa mga peste-list na ‘yan, hindi hihiranging maupo sa tonggreso ang kawawang marginalized representathieves tulad ng mga manlolokong sina Mariano Velarde, Angelo Reyes at Mikey’ng Kabayo.

    Alam na nga ng taong bayan kung anong uri ng pagkatao ng mga ‘yan at ang peste-list na sinasamahan, ibinoto pa nila?

    Kaya nababaon sa kumunoy ng kahirapan ang ating bansa ay dahil sa mga kurakot, magnanakaw, kawatan, tulisan, mandarambong at balasubas na pulitikong binabasbasan ng boto ng mga hunghang nating kababayan.

    Tapos, magrereklamo sila?

  20. mbw mbw

    sa totoo lang, talagang malabo ang konsepto ng Senado, Kongreso o even party-list sa mga taong kilala ko…kung malinaw sa kanila ay talagang pag-aaralan nila ang bawa’t kandidato.
    Tapos, last election ang dami talaga ng dapat iboto! From presient down to mayor so talagang malalaman mo lang yung may napakaraming banderitas at napapanood sa tv at napakikinggan sa radyo. Sana may election pang senador o kongresista o party-list lamang…para maka-concentrate sa kanila. Kaya ganyan ang nangyari—andaming “naboto” na palpal!

  21. norpil norpil

    naisahan na naman tayong mga pinoy at sinisisi na naman natin ang ating mga kababayan.one step ahead lagi itong mga mastermind ng kawalanghiyaan sa pinas, kaya ang labas natin ay reactionary.

  22. MPRivera MPRivera

    norpil,

    Sino ba ang dahilan kung bakit ‘yang mga peste-list na ‘yan ay nasa tongress?

    Sisisihin mo ba ‘yung mga hindi naman bumoto sa kanila?

    Alam nila kung ano talaga ang layunin ng mga binoto nilang ang kapalit ay konting halagang katumbas ng sagradong karapatang dapat sana’y kanilang pangalagaan.

    Alam kong hindi mo binoto ang alinman sa mga peste-list na ‘yan, kaya hindi ikaw ang dapat sisihin kaya wala sigurong dahilan upang punahin mo ang komento tungkol sa mga kababayan nating nagpauto.

  23. sychitpin sychitpin

    maraming Pinoy ang kulang sa edukasyon, kayat dapat unawain rin at hindi sisihin ng lubos, and dapat sisihin ay ang may pinagaralan daw na pekeng presidente at kanyang kampon ng kawalanghiyaan, dapat putulin na ang masamang puno kasama ng kanyang masasamang bunga tulad ni mike velarde, angie reyes, mikey arroyo, etc….

  24. MPRivera MPRivera

    Kung ang mga kababayan nating may kakayahan upang tulungang umangat ang kaalaman, ang pamumuhay at kamalayan ng ating mga kababayan ay hindi nagdadamot, marahil ay hindi hahantong sa kung anong kalagayan ng ating bansa tayo nasadlak ngayon.

    Hindi n’yo ba napapansin ‘yung ating mga estudyante noon na ngayon ang karamihan ay mga nasa gobyerno at sangkot sa mga katiwalian? Ano ang bukambibig nila habang nag-aaral pa? Hindi ba’t hangad daw nilang kapag nakatapos ng pag-aaral ay tulungan at ipagtanggol ang mga naaapi? Ang mga dukha?

    ‘Daming abogadong nagsabi ng ganyan noon. Mga doktor. Mga negosyante. Subalit, lumingon ba sila sa kanilang pinanggalingan? Hindi ba’t sa pagkakasawsaw ng kanilang mga kamay sa kaban ay kasabay din nilang nakalimutan ang adhikaing noon ay kaysarap pakinggan?

    Ganyan din ang mga pulitikong sa panahon ng pangangampanya ay halos ipangakong gagawing kuwintas ang mga bituin, sisisirin ang pinakamalalim na dagat upang kunin ang pinakahiyas na perlas at kung ano ano pang mga pangakong kailanman ay hindi matutupad.

    Ang dahilan ng kanilang pagkalimot? Pagkalasing sa kapangyarihan at pagkasilaw sa salapi!

  25. MPRivera MPRivera

    Ang Galing, Buhay at I-Utak, sino sino ba ang nangakaisip upang itatag ang mga peste-list na ito?

    Malayo kasi sa tunay na kinakatawang sektor ang katyuan nila sa buhay, eh.

    Commolect commission-neers, magkano?

  26. norpil norpil

    sa palagay ko lang maraming kadahilanan kung bakit ibinoto ng isang tao ang mga ibinoto niya. sa dami ng mga kandidato at sa hirap ng sistema ay hindi malayo na marami rin ang nagkamali.ngayon kung pati pagbibigay ng kumento na di ayon sa panglasa ng iba ay parang mali para sa iba ay wala na akong masasabi.

  27. rose rose

    binoto sila dahil binayaran at uto uto sila ni putot.. sa Sibalom, Antique nga lang P1,500/vote ang ibinigay courtesy of Villar via Boy ex..pero natalo daw si Villar at si Noynoy pa rin…putot is an expert on how to run the country in a baluktot way..si putot maraming pautot, tunay na baluktot…

  28. olan olan

    Pumapayag ang Comelec sa bastusan sa partylist system…and yet walang seryosong action na ginagawa ang ating kongresso or judiciary to correct this!

  29. i’m sure this was never the intent when the partylist was introduced, unfortunately, we just have so many evil politicians who will take every second of a chance to use that opportunity.

    i don’t believe in partylist anymore. they should just scrap this whole shit.

  30. saxnviolins saxnviolins

    The problem is that the law is interpreted to mean that a representative is one “chosen” by the sector, who may not necessarily be a member of the sector. Puwedeng mag-member ng party or org, kahit hindi member ng sector.

    Puwede yan sa regular political party, where, any Noypi can be a member whether rich, poor, Ph. D.,uneducated, guwapo, pangit, etc., as long as he signs up with the political party.

    But a member of the sectoral party must be a member of the defined sector. In other words, kung labor sector, kailangang laborer, hindi abogado or rep ng mga laborers. Here is the law:

    A sectoral party refers to an organized group of citizens belonging to any of the sectors enumerated in Section 5 hereof whose principal advocacy pertains to the special interests and concerns of their sector (Section 3).

    The party is composed of citizens belonging to the sector. Note it says belonging to the sector not belonging to the party or org representing the sector. Hindi naman belonging to the tricycle drivers sector yung kabayong anak, at hindi naman balut vendor yung kapatid ng baboy. (Ano ba yan, baboy may anak na kabayo).

    Ngayon, kung sectoral org naman ang palusot, at hindi sectoral party, hindi pa rin puwede yung kabayo, dahil ang sabi ng batas ay:

    A sectoral organization refers to a group of citizens or a coalition of groups of citizens who share similar physical attributes or characteristics, employment, interest or concerns.

    Similar physical attributes, maybe an org of wheelchair bound patients, or something like that.

    Similar characteristics, the org of Ang Ladlad.

    Similar employment, samahan ng mga tricycle driver. Namasada na ba si Horsey?

    Similar interest or concerns – the green party, for instance, advocating climate defense, or a coalition of human rights advocates (Amnesty International Philippines, plus other similar orgs).

    So the balut vendors’ rep and the tricycle drivers’ rep should be stricken off the nominees’ list.

    In fact, the tricycle drivers and security guards org should be questioned. Tricycle drivers and security guards do not share similar employment, nor similar interests, nor similar concerns.

    Now the rep, yung kabayo, is the competitor of tricycle drivers. He should be representing the samahan ng mga kabayong pinapalo ng kanilang kutsero.

  31. Great explanation, Sax. What I don’t understand is why your fellow lawyers in Comelec cannot understand this particular provision on the partylist law. Ang simple lang pala naman.

    (Even I understand the meaning of sectoral listing for electing partylists purposes.)

    What it means is they are intent on bastusan.

  32. Nagtaka pa kayo.

    Ano’ng party List ba ang topnotcher, mula noong surveys hanggang nitong canvassing sqa PICC?

    Yung AKB! Ako Bikol Party List. Sino ba yang AKB? Yung first nominee ay yung kapatid ni Elizaldy Co, contractor ng mga Arroyo at nag-invest daw ng ISANG BILYON sa Misibis Resort sa Albay. Nung mainit sa mga Gloria Party list ang media ay si Zaldy Co mismo ang first nominee.

    Small time na magungupit lang iyang sila Reyes, Mikey, at Bro. Mike. Itong sila Co ang bigtime, contractor lang Bilyon ang isinusugal sa isang resort.

    Ikaw na ang maging contractor ni Arroyo. Buray ni ina nindo!

    http://www.voxbikol.com/bikolnews/4448/ako-bicol-party-list-should-be-called-gloria-bicol-party-list-instead

  33. Habang pinagmamasdan ang kodak ng 3 uupong party list representatives na kakatawan sa kapwa nila mahihirap, para nilang sinasabi:

    Mike Velarde – Dininig ng itaas ang ating mga panalangin na ako ang kakatawan sa hanay nating mahihirap. Bilang pagpupugay, itaas ang inyong mga kamay at iwagayway ang hawak ninyong puting panyo at sabay tayong sumigaw ng aleluya! aleluya! Amen!

    Mikey Arroyo – Bilang inyong kinatawan, lalo nating paiigtingin ang motto ng mga sikyu: No ID, No Entry.
    Hindi na nila tayo pwedeng ismolin sapagkat itong inyong abang lingkod ay kabilang na sa inyong hanay. Walang kokontra! Aminin!

    Angelo Reyes – Tapos na ang paghihirap ng kapwa ko “basta driver good lover”!!! Magsusulong ako ng batas para maibsan ang kahirapan natin mga driver upang ang ating mga sismi, wala nang mahihiling!

  34. Surprised talaga ako rito sa pangunguna ng Ako Bikol.. And as usual, hindi man lang pinag-aralan ang mga nominees. Ibig sabihin, na-kampanya nila ang Bikolanos sa lahat ng dako. This will give an idea to other regions to group themselves at baka next time, mag pa-accredit na rin ang Ako Bisaya, Ako Tagalog, Ako Pampango, Ako Ilokano, Ako at Ikaw…

  35. vonjovi2 vonjovi2

    Dapat ang ginawang pangalan ng PARTYLIST ni Mikey ay representasyon ng mga MAGNANAKAW. Tutal doon naman sila bagay at kailangan ng TONGRESS iyan.

  36. saxnviolins saxnviolins

    Kung ang advocacy ng Ako Bikol ay para sa mga Bikolano, walang pinagkaiba yan sa regular members elected by district. The party list org must belong to

    the sectors shall include labor, peasant, fisherfolk, urban poor, indigenous cultural communities, elderly, handicapped, women, youth, veterans, overseas workers, and professionals.

    Walang sinasabi diyang kung magkakaprobinsya ay puwede nang mag-ka party-list. Yan na nga ang trabaho ng regular district congressmen.

  37. Tedanz Tedanz

    Bakit wala bang Congressman itong mga miyembro ng party list? Di ba bawat distrito may Congressman? Gaya na lang ang ginawa nila kay Datu … gumawa sila ng distrito.
    Ka suwerte naman itong mga party list na ito may Congressman na sila may representative pa sila … ano ba yan? Ibig ko lang pong sabihin … hindi ko ma-getz kung anong ikinaganda yang party list na yan. Hung-hang yong may akda ng party list system na yan.
    Buti walang ADD, Mongoloid, o ano pa mang kagaguhang party list ang nagpa-rehistro nung eleksiyon. Malay natin sa susunod ….

  38. florry florry

    OT

    Noynoy is contemplating of offering government positions to Dingdong and Ogie. Just wondering what could be the designations Noynoy has in mind.

    Maybe Noynoy should build a government subsidized schools for acting, singing, composing, hosting, emceeing and other nuts and bolts for show biz and employed all those show biz people who helped him in his campaign and appoint Boy Abunda as president and Kris as the CEO.

    As I said before, just like Cory, considerations and appointments need not be according to quality, but being alongside with him during the campaign. That’s the ultimate qualification.

  39. luzviminda luzviminda

    “Alam na nga ng taong bayan kung anong uri ng pagkatao ng mga ‘yan at ang peste-list na sinasamahan, ibinoto pa nila?”-MPR

    MPR,
    Malamang na hindi nanalo ang mga party list na yan dahil sa boto ng mga tao, kundi dahil sa pandaraya sa Electronic Cheating. Hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung yung mga nabilang sa National Canvass ay talagang yung galing sa mga precinct level. Dapat na ma-i-tally ang total sa lahat ng precint level.

  40. Tedanz Tedanz

    Sa susunod na eleksiyon mayroon ng mga party list na gaya ng ….. Catholics, INC, Saksi ni Jehovah, Quiquiboy group, Muslims, Independiente, Born Again at kung ano ano pa. At yong Ladlad maghihiwalay na … Kabaklaan at Katomboyan na. Di kaya Khembot Girls o di kaya Khembot Boys. Ano kaya ang gagawin ng Comelec?
    Hindi talaga maliwanag ang pagkakagawa ng ating mga batas at ito ang ina-atake ng mga taong walang alam kundi guluhin ng ating Bansa. Dapat talaga mag-talaga ng mga taong madudunong sa pag-gawa ng batas at mapagkakatiwalaan na rebyohin at rebisahin ang ating konstitusiyon.

  41. Isagani Isagani

    Kalokohan yang party list system. Bakit kailangan pang may bukod na representasyon ang mga tricycle drivers o kalesa drivers o nag-iihaw ng mais sa sinehan? Pati mga bading may sarili ding partido. Eyung tomboy, pilay, bulag, papaano na sila. Yung magnanakaw kaya tulad ni Gloria at angkan niya, dapat mayroon din sila ng representasyon.

    E paano na yan ano na lang ang gagawain ng mga representante natin sa Kongreso – ang magnakaw? Hehehe, katawa-tawa talag ang patakbo sa pinas.

    Dapat burahin na yang party list system na yan.

  42. MPRivera MPRivera

    Ang balangkas ng ating gobyerno ay halaw o hango mula sa Estados Unidos.

    Meron din ba silang peste-list sa tonggreso?

  43. saxnviolins saxnviolins

    Noy’s SolGen should file a petition for quo warranto to unseat the balut vendor, Palparan, and other party-list congressmen. In the case of Plaparan and the balut vendor, they are not members of the sector they purport to represent. The law states that the members of the sectoral party or org must belong to the sector. Palparan was not a victim of the NPA. He is actually the victimizer. The balut vendress, ni hindi ata kumakain ng balut yan.

  44. batang_munti batang_munti

    Nang magsabog ang Diyos ng delicadeza at kahihiyan tulog ang mga ungas na yan kaya wala silang nakuha.

    Tama ka vonjovi2, magandang partylist nila mikey at nga mga buwayang katulad nya, AKO MAGNANAKAW o kaya AKO BUWAYA. Nasa unahan pa rin nmn sila ng balota.

  45. Silver Silver

    Kung ganun din naman pala ang iba sa mga partylist na nanalo, iabolish na lang ang system. Kasi naman eh, hindi naman sila member ng marginalized sector na nirerepresenta nila, lalo na yang sina Angeles at Arroyo. Hindi naman sila legitimate na bus driver at sekyu eh, baket umeepal pa sila sa partylist?

    Or perhaps, another way e higpitan ang rules ng partylist system. Dapat ibackground check ang mga representatives nila, iaudit ang party nila etc. Dapat ang magiging representatives nila e yung mga LEGITIMATE talaga – meaning, yung mga tunay na bus driver at sekyu (for example).

    Anong malay ni Angeles at Arroyo sa buhay ng mga bus driver at sekyu? Kung buong maghapon silang nakaupo’t nangungurakot (not to mention, nagpapataba ng pwet) sa kanilang opisina? Ni hindi nga ata nila alam kung paano mangamoy usok sa kalsada or yung magendure ng graveyard shift sa kakabantay ng establishments.

    Kung nagtratrabaho kasi sana ng maayos ang mga tongressman at Senador dyan sa kamara, e di sana, wala yang mga marginalized sectors na yan – kung tunay nilang nagagampanang ang mga tungkulin nila.

  46. MPRivera MPRivera

    batang maliit,

    Grabe naman. Huwag ganyan. Kahit ganyan ang kabayong anak ng baboy ay dapat pa rin nating bigyang galang.

    Para naman hindi gaanong masakit basahin ang peste-list nila imungkahi nating gawin na lang na ANG MGA KAWATAN.

    Pangit basahin ‘yung magnanakaw at buwaya, eh.

  47. MPRivera MPRivera

    Puwede namang maging kinatawan ng anumang partylist ang sinumang propesyunal kung nakatapos ng pag-aaral habang nagtitinda ng balut, naging sikyo o naging drayber o konduktor o kaya’y inspektor.

    Subalit, kung ngayon la’ang magsisimulang maging tindero, sikyo o kung anuman tapos magnanakaw la’ang, aba’y dapat na huwag payagan. A hora mismo, timbog kaagad. Wala nang marami pang usapang dapat pahabain.

    Letseng meron bang marginalized na ang suot na coat and tie, pantalon, sapatos kamisadentro at kung ano ano pa ay daang libo ang halaga?

    Meron bang marginalized na ang suot na relo ay Philippe Pinitek na milyong piso ang halaga?

    Meron bang marginalized na kung saan saang departamento na ng pamahalaan nanggaling at nagkamal na ng limpak limpak na salapi?

    Susmaryang garapon naman, oo!

    Mahiya naman sana kayo. Huwag na sa taong bayan. Sa sarili na la’ang ninyo at sa inyong mga kamg-anak.

    Naman! Naman! Naman!

  48. Ruben Ruben

    Walang dapat sisihin dyan kundi ang COMELEC kasi hindi maglalakas loob ang tatlong itlog na magnanakaw (Velarde, Arroyo at Reyes)na tumakbo sa party list kung walang kasiguruhan na binigay sa kanila ang comelec na puwede sila makapasok sa congress gamit ang party list. Hanggat nandyan sa comelec si FERRER (KASINGLAKI NI GLORIA ARROYO) ay hindi titino ang comelec dapat lahat ng commissioner ay i-life style check para malaman kung gaano kalaki ang yaman nila

Comments are closed.