Skip to content

Ayaw bitawan nina Arroyo ang Pagcor

Update:

1. http://www.abs-cbnnews.com/nation/05/29/10/palace-defends-midnight-reappointments-pagcor
2. http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/05/29/10/bernas-hits-midnight-appointments-pagcor-officers

Itong midnight appointment ni Efraim Genuino sa Pagcor ay nagpapahiwatig na hindi talaga bibitaw si Gloria Arroyo sa kapangyarihan. May binabalak siyang hindi maganda.

Kung akala natin ang appointment ni Renato Corona bilang Supreme Court chief justice ay ang malaking problema na kailangan resolbahin ng susunod na pangulo na si Benigno “Noynoy” Aquino III, mas madugo itong sa Pagcor. Bilyunes yata ang nakataya dito.

Ang ibig sabihin ng Pagcor ay Philippine Amusement and Gaming Corporation na siyang nangangasiwa ng lahat na pasugalan sa buong bansa. Ang malaking parte ng kita ng Pagcor ay pumupunta sa Presidential Social Fund kung saan malawak ang kalayaan ng isang pangulo kung paano gamiting ang pera.

Gatasan ang Pagcor at talaga namang napakatabang baka. Lalong lumaki ang kita ng Pagcor sa ilalim ng administrasyong Arroyo dahil ginawa nilang casino ang buong bansa. Naglipana na ang casino sa lahat na resort mula Batanes hanggang Jolo.

Nagkalat ang mga slot machines malapit sa eskwelahan. Marami tuloy naloloko na estudyante. Pati pambayad nila ng tuition, napunta sa slot machines. Walang paki-alam sina Arroyo at Genuino sa mga murang buhay na nasisira sa sugal. Ang mahalaga sa kanila ay kumita.
Ayon sa report ng ABS-CBN, kinumpirma ni Genuino ang kanyang appointment. Sa Facebook ng Team Genuino, nagbubunyi sila doon na patuloy pa ang kanilang ligaya.

Ito ang isa pang masama na epekto ng desisyon ng Supreme Court na pinayagan si Gloria Arroyo mag-appoint ng kapalit ni Chief Justice Reynato Puno, na nagretiro noong May 17.Sinabi ng Supreme Court exempted raw ang kataas-tasang hukuman sa probisyon sa Constitution na nagsasabing dalawang buwan bago and sunod na presidential elections hanggang sa katapusan ng kanyang termino, ang presidente o ang acting na president ay hindi maaring mag-appoint maliban lamang sa mga posisyon sa executive na maapektuhan ng serbisyo publiko o ang kapayapaan.

Sinabi rin naman mismo ng tagapagsalita ng Supreme Court noon sa kaso ng manikurista ni Arroyo na linagay niya na member of the board ng National Housing Corporation na hindi pwedeng gamitin and desisyon sa Supreme Court para sa midnight appointments sa ibang posisyon.
Hindi nila alam si Gloria Arroyo. Ibigay mo ang iyong kamay, pati siko, hahablutin niya.

Ang palusot ni Genuino, na kaya linagay diyan dahil matalik na kaibigan ng asawa ni Arroyo na si Mike, na nakalagay daw sa batas taon-taon ang appointment ng direcktors ng Pagcor. At kapag na-appoint ka, isang taon ang termino. Hindi raw maaring mabakante ang posisyon.

Kapit -tuko talaga.Hindi lang pala sa bahay ni Arroyo sa Pampanga nag-lipana ang tuko.

Kausap ko noong isang araw si Joe Velez, ang dating public relations officer ng Pagcor ng panahon ni Pangulong Cory at Fidel Ramos. Sabi niya na maraming talagang pagwawalis ang gagawin ni Bong Naguiat, ang matalik na kaibigan ni Noynoy na siyang ilalagay niya sa Pagcor.
Kaya siguro desperado na sina Genuino. Mukhang may mas malalim na plano itong sina Arroyo.

Published inAbanteGloria Arroyo and family

46 Comments

  1. chi chi

    Tulad ng opinyon ni Joeseg ang akin na ang isang taon na appointment pa ni Genuino ay sapat na para linisin ang kababuyan ni Gloria at Mike na ginawa dun.

    Dagdag trabaho na naman kay Atty. Harry Roque na naka-concentrate sa midnight apppointments ni Gloria. I believe Noynoy as President has enough power to overturn the midnight appointments of the bitch.

    What say you, atty sax?

  2. Tedanz Tedanz

    Supreme Court, Ombudsman, AFP puro kay Glorya pa …. tapos PAGCOR kanila pa at dito kukuha ng pangtustus sa mga buwayang Konresista, Senador at sa mga buwaya pa na mga General ex man o hindi. Medyo tinatagalan ang pag-proklama kay Noynoy …. ay naku buhay …. humanda kayo sa mga pagsalakay ng mga buwaya.

  3. Tedanz Tedanz

    Habang ang karamihan ay nakatuon ng pansin dito sa post eleksiyon isyu … kung titignan natin na karamihan na mga nagrereklamo ay puro aso ni GMA na sa akin napaka-imposible silang dayain … di ba mukhang may niluluto ang mga buwaya?

  4. MPRivera MPRivera

    Tedanz,

    Di nga ba sabi ko doon sa kabilang thread na huwag ang paninigarilyo ni Noynoy ang pagtuunan ng pansin kundi ang mga hakbang nitong bruhang babae?

    Ayan tuloy, nakalusot na naman.

    Bakit nga ba nila bibitawan ang PAGCOR eh ‘andoon ang mina ng salapi?

    Akala ko ay matsing la’ang ang tuso. Pati pala ‘yung dagang kosta. Kunsabagay, halos sampung taon na niyang ginawang tanga ang sambayanang Pilipino na hanggang ngayon, karamihan ay tanga pa rin. Sa gutom?

  5. MPRivera MPRivera

    “…..Hindi nila alam si Gloria Arroyo. Ibigay mo ang iyong kamay, pati siko, hahablutin niya.”

    Ibigay mo ang iyong daliri, buong katawan mo susunggaban at lulununin ng bruha.

    Glutonic nga, eh!

    Masahol pa sa lintang walang kabusugan.

    Puta ka talaga, gloria!

  6. Tedanz Tedanz

    Tama ka Igang MPRivera ….. kaya may kutob ako pati media marami ring aso si Glorya … nagtataka lang kasi ako kung bakit ang daming sumakay sa isyu ng paninigarilyo na ang layo sa ating problema. Hayaan na nilang problemahin ni Noynoy ang paninigarilyo kaysa kung saan saan napupunta yong isyu kesa ganito .. ganire …
    Baka ang style nitong mafiosing grupo na ito ay pinapatagal lang ang pag-proklama kay Noynoy habang isinasagawa pa yong huling baraha nila.
    Maipapayo ko lang sa ating mga kasama na hayaan lang muna nating iproklama si Noynoy at sumumpa at pag ka tapos … heheeehe … tuloy ang ligaya natin.

  7. Tedanz Tedanz

    Tignan niyo na lang …. dapat lang wag ng sumali sana si Nograles dito sa bilangan …. wala siyang karapatan … dahil posisyong pagka-Mayor lang inilampaso pa siya … delikadesa na lang. Ganun din si tandang Defensor ng QC .. olat din … dapat tong mga talunan talaga ay ilagay na lang sa recovery room para pag nakarecover na sila ay balik na sila sa katotohanan …. na sila’y tae lamang. lol

  8. Malaking pera ang involved hindi lang sa kinikita ng President’s Social Fund kundi itong parating na project kung saan ang Casino City o Gamblers’ Paradise sa Reclamation Area sa Roxas Blvd. ay binabalak na ipantapat sa Macau. Matagal nang ina-advertise sa buong gaming world ang pang-iimbitang ito kaya lang maraming investors ang nag-aalanganin nga dahil pasibat na si Arroyo.

    Meron nang mga nagpasabing mag-iinvest dito sa project gaya ng MGM Mirage na kasosyo ni Stanley Ho at anak na babaeng si Pansy Ho sa MGM Mirage sa Macau. Kamakailan ay inakusahan ng New Jersey regulators na merong koneksiyon ang mag-ama sa “organized crime mob” (Triad) na naka-base sa China at nag-ooperate sa kanyang mga casino. Sa halip na iwan ng MGM Mirage si Stanley ay ibinenta ng MGM ang 50% share nila sa Borgata Casino sa New Jersey.

    Nililigawan rin ang mga sikat na Casino sa Macau gaya ng Las Vegas Sands, Galaxy Rio, Casino Lisboa at ang pinakamalaking Casino Resort sa buong Mundo ang Venetian Macau. Naatraso lang ang project dahil sa global financial crisis, buti nga.

    Mahihirapan silang tapatan ang Macau dahil doon pa lang sa area ng Venetian Macau, mga 30 casino complexes ang naka-schedule na itayo. Kailangan talagang i-extend si Genuino dahil baka magkatuluyan bigla, mawalan sila ng kumisyon at pagkakataong malabhan ang bilyun-bilyong ninakaw nila sa kaban ng Pinas.

    Noon pang hindi pa ninanakaw ang pagka-pangulo ni Erap, balak na nilang magtayo ng casino complex na mas malaki pa kesa buong Macau at kasinglaki ng Hong Kong sa buong isla ng Fuga Island na sakop ng Cagayan Economic Zone. Kasosyo rito si Pres. Dado Macapagal at Pinoy Taiwanese tycoon na si Tan Yu. Una na ring plano ni Tan Yu na magtayo ng Recreation Complex sa Reclamation Area ng Manila Bay kaya ang nag-iisang building doon sa matagal na panahon, bago pumasok sila Henry Sy, ay ang Asiaworld Hotel ni Tan Yu.

    Malas lang nila Putot, namatay si Tan Yu kakaupo pa lang niya, noong 2002. Dahil sa pagkamatay ni Tan Yu si Stanley Ho na lang ang puwedeng magsalba ng project sa reclamation.

    Palagay ko ay ang grupo ni Erap (kasama pa noon sina Chavit at Atong Ang) ang nauna rito dahil nga pinasyalan siya noon ni Stanley matapos mabalitaang meron silang Fontana Casino sa Clark. Nagtayo ng floating casino si Stanley na di naglaon ay ginawa na lang restaurant bago isinara dala ng maigting na protesta ng See-Evil Society.

    Ang unang dapat gawin ni Noynoy ay ipa audit ng mahigpit iyang Pagcor at ipapapuputol ko ang leeg ng kapitbahay ko, siguradong malaking kupitan at labahan ang nangyari doon.

  9. Malakas kasi ang ugong na may papasok na investor sa Casino Complex basta matapos lang ang financial crisis na sa estimate ng Wall Street ay mangyayari nitong second sem ng 2010. Naatraso muli dahil sa problema ng Greece at Spain kaya siguro ang laki ng mga eyebags ngayon ni Putot.

    May kaakibat kasi itong special privileges gaya ng ilang taong tax holiday, perks gaya ng relaxed duties sa importation ng capital equipment, baka maihabol pa yung constitutional amendment kung saan maaari nang magmay-ari ng lupain ang mga dayuhan, etc., kung saan ang mag-aaprove ay maaring makipaghati sa investor sa anumang savings ang maaaprubahan. Kung sa estimate na $50B total project cost ay makatipid ang investor ng 2% o isang bilyong dolyares, may kalahating bilyong dolyar ang mga kurakot.

  10. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Matagal ng gatasan ni Gloria Arroyo ang Pagcor. Nakinabang ang mga obispo at tongressmen galing sa Presidential Social Fund. Kaya sila tameme sa mga kababuyan ng Malacanang. Bankrupt siguro ang Pagcor. Ubos na ang pondo kaya kailangan niya si Genuino para linisin ang kanilang dirty tracks.

  11. balweg balweg

    Syiempre naman…legal ang usapan dito? About sa anak ng weteng e maraming amuyong…kaya kita nýo semplang sa kangkungan pinulot ang aming Presidente?

    Wais itong si Madam Gloria…bawat pitik de resibo, di ba legal na transaksyon…may pumiyok ba…WALA!

    Sa weteng kasi…madalas kasi nagkakagulangan sa partihan kaya mayroong umaaray, but dito sa Pagcorrupt e legal ang kalakaran de resibo pa.

    Kaya ang daming gustong maging Presidente dahil sa de resibo ang kalaran dito, unlike sa anak ng weteng baka makabangga mo pa ang mga weteng lords.

  12. OT:
    hawaiianguy,
    If you can read this, clearer explanation of how cheating could have been done after removal of the digital signatures requirement, as I explained to you in an earlier post.

    This website is freaking hot. A lot of details. Even if it were a fake, a lot of technically-precise discussions especially on Bulacan. I’m not saying it is genuine but the technical aspect is very believable.

    http://cheatinginc.host-ed.net/

  13. Nawala comment ko? Na- Akismet?

    Anyway it was addressed to hawaiianguy and a link to the website that explains the technical details of how cheating could be done after the removal of the digital signatures requirement as we discussed a few days ago. It also contains links to email exchanges, purportedly between Puno, Nicodemus Ferrer, GMA and a certain Hardaway. The links to the recorded phone calls don’t work though.

    http://cheatinginc.host-ed.net/

  14. OK ayaw yata ni Akismet ng may links.
    Nawala comment ko? Na- Akismet?

    Anyway it was addressed to hawaiianguy and a link to the website that explains the technical details of how cheating could be done after the removal of the digital signatures requirement as we discussed a few days ago. It also contains links to email exchanges, purportedly between Puno, Nicodemus Ferrer, GMA and a certain Hardaway. The links to the recorded phone calls don’t work though.

    The link:
    cheatinginc[dot]host-ed[dot]net/

  15. Ayaw bitawan nina Arroyo ang Pagcor

    Talagang mga walanghiya ang maga Arroyos, familia ng magnanakaw, sinungaling, mayabang!

  16. sychitpin sychitpin

    Pres Noynoy can replace Genuino, presidential power will now be in his hands and what he says goes.

  17. Tongue, some of your comments went to spam. I retrieved it. Pasensya ka na.

  18. saxnviolins saxnviolins

    The appointment can be challenged, even if it is not a midnight appointment. The law allows for a single term for a member of the Board of Directors.

    Yung mga English major diyan (I always maintained na English lang ang batas). Let us interpret this together:

    Each Director shall serve for a term of one (1) year and until his successor shall have been duly appointed and qualified.

    Each director (including the chairman) serves for a term of one year. His term may be longer than one term, as he waits for his successor to be appointed. Note that, his successor. That presumes another appointee, because you cannot succeed yourself.

    Kahit saang batas mo tignan, a successor is a replacement, yourself, not included. A successor-in-interest, for example, is a vendee of a piece of property, or an heir, if bequeathed by the ancestor. There is no law that refers to a successor, as the same person. Puwede yan, if you are sole owner of a company. But technically, the company is your successor; your are not your own successor.

  19. saxnviolins saxnviolins

    Here is the definition of “successor” according to Bouvier’s Legal Dictionary:

    SUCCESSOR. One who follows or comes into the place of another.
    2. This term is applied more particularly to a sole corporation, or to any corporation. The word heir is more correctly applicable to a common person who takes an estate by descent. 12 Pick. R. 322; Co. Litt. 8 b.
    3. It is also used to designate a person who has been appointed or elected to some office, after another person.

    A Law Dictionary, Adapted to the Constitution and Laws of the United States. By John Bouvier. Published 1856.

    Dali, yung walis. Iabot na kay Verzosa, para pag-upo ng nahalal, walisin ang PAGCOR. I recommend, walis tingting, not tambo. Paluin na rin ang mga overstaying.

  20. chi chi

    Pwede pala silang walisin lahat kailangan lang ay matibay na walis at may balls na taga-walis.

    Thanks very much, atty sax.

  21. florry florry

    Pagcor, to Gloria is her goose that lays the golden eggs. Under Genuino, millions if not billions were made available to her campaign kitty last 2004 and 2007 elections. Pagcor is a government corporation and using government’s money to finance candidates campaign election is not allowed, but with Gloria, there’s no such thing as illegal. Whatever gloria wants gloria gets.

    Her appointment of Genuino shows how she loved to have Pagcor forever. Is that an omen of some thing sinister that is about to fall or just to have enough time to clean up the mess?

    Pagcor as a government corporation and handles billions of money should be subjected to audit but never heard of it being audited. Audit will surely reveal mysteries of missing and misuse funds.

  22. balweg balweg

    RE: Pagcor as a government corporation and handles billions of money should be subjected to audit but never heard of it being audited. Audit will surely reveal mysteries of missing and misuse funds.

    See Igan Florry, sa name pa lang e mayroon nang ibig pakahulugan…bakit ka mo, kasi ganito yan…di ba lango sa tongpats na de resibo ang tropang Hello Garci.

    Ngayon, tugma lang na itawag sa ahensiya na yan e PAGCORRUPT kasi nga milyones or bilyones ang kanilang nakukulimbat.

    Well, magkanooon man ang sitwasyon…bear in mind na WALA silang madadala kahit na SINKONG DULING sa oras na magpantay na ang kanilang mga paa.

    Sila dapat ang patawan ng kamay na bakal coz’de resibo ito na madaling rebisahin unlike sa ginawa ng tropang anak ng weteng sa lehitimong Pangulo ng bansa.

    Puro sila pahirap sa bayan…

  23. this is the final straw. use this to cancel all other arroyo midnight appointments. I’m not worried about a “constitutional crisis” if aquino rescinds all illegal arroyo last-minute appointments.

    this genuino appointment along with corona, the manicurist and the gardener midnight appointments is an OPPORTUNITY that aquino should NOT WASTE.

  24. vic vic

    there is one way to get rid of these midnight “ghosts” and to create another preceedent…fire a few of them and let them challenge their dismissal and the now the Courts will be deciding in different perspective or in other words, will be guided by the rule of Law and that will create a preceedent that will stand the test of time..

  25. MPRivera MPRivera

    Tama si Atitiway Sax.

    Ang pinag-uusapan ay law of succession at hindi kasama dito ang law of perpetuation and cloning tulad ng ginagawa ng buwisit na bruhang si gloria na inaaring siya ang gobyerno at kanya ang gobyerno.

    Palibhasa’y walang katapusang self interest ang nangingibabaw at pagiging walang kabusugan kaya hindi gustong bitiwan ang susi ng bukal ng salapi, ang PAGCOR na dapat ay isailalim sa periodic auditing upang malaman kung saan napupunta ang ipinagmamalaki ni Guano na limpak na kinikita nito.

    Maaari din sigurong i-repeal ang batas na nagbibigay proteksiyon sa presidential funds (kung alinman) na hindi kailangan ang auditing. Malaon nang binaboy ni gloria ang pamahalaan at dapat lamang na sa pagpasok ng bagong pamunuan ay maging malinaw kung saan ginugol at inilaan at lalo’t higit kung saan napunta ang pondong dapat ay ginastos kung saan nararapat.

    Bilang pinakamataas sa pambansang pamunuang pinagkatiwalaan ng tao kung saan nagmumula at nasasalig ang lahat ng kapangyarihang tinatamasa ng sinumang pangulo, ang pangangalaga sa kapakanan ng taong bayan at pagsunod sa nagbigay ng mandato ang dapat mangibabaw.

    Wakasan na ang kawalanghiyaang hindi gustong tapusin ng pinakagahaman at pinakamasibang pamunuang huwad na namayani sa loob halos ng isang dekada. Isakdal, ikulong at igawad ang pinakamabigat na kaparusahan sa mga arroyo at kanilang mga limatik na alagad upang huwag nang pamarisan at nang sa gayon ay maibalik ang tiwala ng taong bayan sa pamahalaan.

    Panahon na upang ang taong bayan naman ang masunod at hindi ang iilang ginagawang gatasan ang kaban ng bayan.

  26. MPRivera MPRivera

    Wala na bang kahit isang merong natitirang delikadesa sa gabinete ni gloria?

    Lahat na lamang bang gagawin nila ya lokohin ang tao

    Kung katotohanan ang lahat ng kanilang sinasabi, bakit hindi maramdaman ng karaniwang mamamayan ang kaginhawahang dulot ng sinasabi nilang paggaan ng kabuhayan?

    Meron pa bang pag-asang aasahan ang bayan mula sa kamay ng mga uugit sa pamahalaan?

    Noynoy, ikaw na nga ba ang aming pag-asa?

    http://www.abante-tonite.com/issue/may3010/news_story6.htm

  27. MPRivera MPRivera

    Lahat na lamang bang gagawin nila ay lokohin ang tao?

  28. MPRivera MPRivera

    Naiipon sa ugat at nagsisilbing bara ang mga kasinungalingan nila’t pagtatakip sa kawanghiyaan ng kanilang among si gloria.

    Dahil sa salapi kaya hindi nila magawang talikuran ang puta kahit alam nilang nangangahulugan ito ng pag-igsi ng kanilang buhay.

    Pang-ilan na ba ito sa gabinete? Bakit kasi isa isa lang? Dapat sabay sabay na sila kasama ang buong pamilya ng bruha!

    http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=579701&publicationSubCategoryId=63

  29. MPRivera MPRivera

    “…..pagtatakip sa kawalanghiyaan ng kanilang among si gloria.”

    Ala, ay sa galit ay nabubulol na talaga, ey.

  30. saxnviolins saxnviolins

    Bautista said the constitutional prohibition covered only the President who was barred from making permanent appointments during that period.

    It does not say there that a person cannot accept an appointment within that period,” she explained. “I’m looking at it at a practical point of view.”

    http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100530-272929/Palace-defends-extending-Pagcor-chiefs-term

    Uy. Nadulas. Antedated nga. A fish is caught by its mouth.

    So applicable dito ang kaso ng

    Ernesto Rodriguez v Carlos Quirino G.R. No. L-19800, na binanggit ko sa kabilang thread.

  31. saxnviolins saxnviolins

    Ito pa, also from JBL: Esuerte v. Jampayas G.R. No. L-23301 February 28, 1966

    petitioners could only say that they did not remember when they were notified of their appointments or took their oaths of office.

    The only way to know whether or not it was antedated is to ask when the appointees were notified.

    Also, based on Lecaroz V. Sandiganbayan, G.R. No. 130872 March 25, 1999,

    To be sure, an oath of office is a qualifying requirement for a public office; a prerequisite to the full investiture with the office. Only when the public officer has satisfied the prerequisite of oath that his right to enter into the position becomes plenary and complete. Until then, he has none at all.

    So kailan nanumpa yang bagman na yan? Kung nanumpa much later, antedated nga ang appointment.

    Of course, puwede ring mag-antedate ng swearing-in ang isang notary public. Puwede rin ang Glue, pero she does not keep notarial records, so walang pruweba. Besides, kailangan nila ng deniability, kaya expect a handsomely paid notary to say Genuino took his oath on March 9, 2010.

  32. Ang magiging scenario dyan, pag-upo ni Noynoy, he will immediately appoint a Chairman for Pagcor based on Administrative Order No.1. Just like what Erap did in 1998 as newly president when he appointed Felicito Payumo as SBMA chairman and unseated Dick Gordon. It was in Subic.

    This time, the battle ground is in Manila. If ever Genuino’s forces will rebel, I think it will be like the Battle of the Alamo. They will have no match to counter the onslaught of the rampaging Yellow Army, H-10 at Black & White Movement kung patuloy na magmatigas pa ang mga kampon ni GMA. That is aside from what our legal minds are saying that the law is with Noynoy. Sabi nga ni Joey de Leon as emblazoned in his yellow tshirt, NOBODY IS ABOVE DILAW.

  33. MPRivera MPRivera

    No law prevailing in Pinas can stop corrupt practices of greedy corrupt officials.

    Kamay na bakal ang dapat sa kanila. Taong bayan ang dapat mangibabaw at magparusa.

    Tama na ‘yang mga paek ek eklay na mga batas kuno na ‘yan. Silang mga ganid lamang ang napoprotektahan. Kunyari lang para sa kapakanan ng mamamayan pero huwag ka, ‘yung mga talamak sa kawalanghiyaan ang nagkakaroon ng immunity unang una.

  34. MPRivera MPRivera

    Next 3-day holiday set; P10-M for PGMA’s ‘last June 12’

    Tangnamukang gloria ka! Kung gumastos ka ng milyon ay parang sarili mo ang pera! Lumayas ka na lamang d’yan hayup ka! Huwag mo nang dagdagan pa ang pasanin namin.

    Letse ka! Hanggang sa huling sandali ng ninakaw mong termino ay puro gastos ang laman ng abo mong utak.

    Peste!

  35. MPRivera MPRivera

    Next 3-day holiday set; P10-M for PGMA’s ‘last June 12′

    “…..Officials said the fund will be used mostly for the 10 floats in the 3 p.m. parade on June 12.

    Malacañang said the 10 floats will represent Mrs. Arroyo’s 10-point agenda and achievements in the last 9 years.”

    “….Among these achievements are the country’s balanced budget, its reforms on tax collection and education.

    “Very much [proud]. I can look at them straight in the eye with all pride that we delivered the bureaucracy in good condition to the next president,” she said.”

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/05/26/10/next-3-day-holiday-set-p10-m-pgmas-last-june-12

    Hinakupunaman! Hindi na gustong tumigil sa kasinungalingan!

    Tangnang mga bayarang gabinete! Utuuto!

    Mga askal!

  36. saxnviolins saxnviolins

    Ellen:

    Just read your article in Malaya, re money laundering through the casino.

    Local – You bring in your stash of illicit cash, buy chips, and play low stakes. You lose a little, then get bored and cash your chips. Then you tell the tall tale of having won in the casino, and paying taxes on your “winnings”. Virtuous ka pa, because very few declare their winnings from the casino.

    International – this requires some connivance with overseas casinos. If the chip maker of the Philippine casino is the same as the chip maker of the foreign one, and if you have arrangements to honor each other’s chips, then you can launder money that way.

    Buy chips with your stash of cash, then play a little, and go home with your chips. Now Fedex your chips to your address abroad or bring them with you in your hand-carried luggage. Go to the foreign casino, play some, then cash your chips.

    Tada, you have just laundered your money.

    Of course, the reverse can be done. The Chinese (Triad member) with illicit money can launder it in a casino in HK and collect it here in the Philippines.

  37. ocayvalle ocayvalle

    malapit na ang wakas ng walang hiyang GMA, nabawasan na naman siya ng isang executve sa china, na ang trabaho ay magsinungaling via media ang mga kawalanghiyaan niya.. sana si F(pig)G executive na ang sumunod at malagyan na ng mansanas sa bunganga..!!Lord bahala na po kayo..

  38. saxnviolins saxnviolins

    The best way to launder money is to have your own casino. Then you can just send your soldiers (drug retailers, etc.) to your casino, and lose their earnings in the casino. Now the street revenue is washed into casino revenue.

  39. International – this requires some connivance with overseas casinos. If the chip maker of the Philippine casino is the same as the chip maker of the foreign one, and if you have arrangements to honor each other’s chips, then you can launder money that way.

    Is that so, Sax? And that’s perhaps why Gloria has appointed FatGuy’s top PAGCOR dog to another year, i.e., they have some unfinished business and still have to do some hocus pocus with the chips, so the laundered money will end up in FatGuy’s bank in Germany.

  40. saxnviolins saxnviolins

    #39

    Can that be how jueteng money is washed? Magpatalo kayo sa casino, then your loses will be paid back by way of check from the PAGCOR, to the jueteng lord.

    Pretty neat di ba? Wala namang mawawala sa tunay na revenue ng PAGCOR. Their bottom line is the same. The losses of the jueteng soldiers could be declared as winnings of some fat player. Of course, ibang pangalan ang gagamitin, para hindi maingay sa media. And since PAGCOR finances are not audited, who will know?

    Sayang naman yung one year’s worth of laundry di ba? So appoint Genuino again.

  41. SnV, I’ll transfer your comments on money laundering to the next thread, where my Malaya article is posted.

    Thanks.

Leave a Reply