Skip to content

Ang batas at ang paninigarilyo ni Aquino

Kapag manumpa si Noynoy Aquino sa pagka-presidente sa Hunyo 30, ay magsasabi na ipapatupad niya ang lahat na batas . (“ conscientiously fulfill my duties as President, preserve and defend the Constitution, execute its laws…”)

Stress reliever?
Stress reliever?

Paano niya ngayon ipatupad itong Memorandum number 17 ng Civil Service Commission na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga gusali ng pamahalaan?

Ayun sa Memo 17 ng CSC ay ipinalabas noong May 29, 2009 nang si Ricardo Saludo, spokesperson ni Gloria Arroyo ang SCS chairman, bawal ang paninigarilyo sa loob building at grounds kung saan nag-o-opisina ang mga ahensiya ng pamahalaan.

Kasama diyan ang Malacañang.

Pwede raw maglagay ng smoking area na hindi lalaki sa 10 square meter ang laki ngunit dapat may distansya ito sa gusali na hindi dapat kumulang sa 10 square meters. Hindi rin ito dapat malapit sa entrance or exit kung saan dinadaanan ng maraming tao.

Bawal din manigarilyo sa sasakyan ng pamahalaan. Paano ngayon ang magiging sasakyan ni Noynoy kapag presidente na siya?

Tanggap naman ni Aquino ang problema kakabit sa kanyang paninigariloyo. Sabi niya, ““Noong tumakbo ako, alam ng taumbayan [na] naninigarilyo ako. At the appropriate time na hihinto ako, titigil ako. So long as nako-control ako sa mga batas at wala akong naiistorbo baka parte ito ng kalayaan kong natitira.”

Hindi naman bata si Aquino at siguro naman alam niya ang salot na dala ng paninigarilyo sa kalusugan hindi lamang sa naninigarilyo kungdi sa mga maaring mabahagingan ng usok ng saigarilyo. Sakit sa baga ang pinaka-malimit na sakit na dulot ng sigarilyo. Mas kawawa nga ang mga hindi naninigarilyo na nakaka-langhap ng usok sigarilyo.

Sinasabi ni Aquino na wala siyang naiistorbo sa kanyang paninigarilyo. Hindi totoo yun.Kapag nagbuga ang isang tao ng usok ng sigarilyo, dinudumihan niya ang hangin at ang kapaligiran. Ang hangin ay hindi maaring kontrolin sa isang lugar lang.

Sinasabi ni Aquino na ang paninigarilyo daw ang natitira niyang kalayaan. Dahil siguro kapag Pangulo na siya, marami siyang hindi pwedeng gawin.

Hindi niya kaya naiisip ang karapatan ng ibang tao sa malinis na kapaligiran na nakakabuti sa kalusugan?

Ako ay may asthma kaya allergic talaga ako sa naninigarilyo. ‘Yan ang aking malaking problema sa Malaya dahil lahat na editors doon ay naninigarilyo. Mabuti lang uso na ang e-mail, hindi na ako kailangan palagi pumunta sa opisina.

Sinasabi ng mga naninigarilyo na may tulong din daw yun sa pagpababa ng stress o tensyon na dinadaanan ng isang tao. Madali para sa akin ang magsabi na maraming paraan ang pag-manage ng stress na hindi masama sa kalusugan. Hindi ko alam ang tindi ng stress na dinadaanan ng mga taong naninigarilyo.

Maipapakita ni Aquino ang tibay ng kanyang karakter kung ihinto niya ang paninigarilyo.

Published inAbanteBenigno Aquino III

54 Comments

  1. isaganigatmaitan isaganigatmaitan

    baligtad na nga ang mundo. noon ang mga naninigarilyo ang namamayagpag at ang di naninigarilyo ang mga basang sisiw, lalo na sa umpukan sa opisina. ngayon ang mga naninigarilyo ang dapat manimbang sapagka’t totoo namang ang hangin galing sa sigarilyo ay masama sa kalusugan ng lahat.

  2. Tedanz Tedanz

    Susunod sasabihin naman nila kay Noynoy na dapat mag-asawa na siya. Ano …. ano …. ano paaaaaaa??????? Wala na bang ibang isyu?

  3. sychitpin sychitpin

    sangayon ako na masama sa kalusugan ang paninigarilyo, subalit mas maraming kasamaan sa gobyernong hinaharap ngayon si pres Noynoy at sambayanan na dapat pagtuunan ng pansin. first things first. corrupt gov’t hurts 90 million filipinos, while a smoker only hurts himself and dozens of people around him.
    Mao Tse Tung was a chain smoker who liberated China from corruption and warlodism, same with Cuba’s Fidel Castro.
    Smoking kills millions of people, however corruption kills a whole nation and destroys whole generations……..
    i hope Pres Noynoy will stop smoking,however I also hope we focus on more important issues facing the nation now…..

  4. vic vic

    then the next President will have to do his smoking the same as everyone, during his breaks and in designated smoking area…now let us see if that can be done…

  5. vic vic

    http://www.thestar.com/news/gta/crime/article/814341–dimanno-the-28-seconds-that-changed-michael-bryant-s-life
    a very interesting case and perhaps something that should be a very case study for the Justice Secretary of how it should have been done.

    and here is a very interesting perspective of how Justice is I believe should be applied…this is the case where the former Attorney General was charged of Criminal Negligence causing death, and reckless driving, but was later formally withdrawn by a special prosecutor brought in from out of the Province after presenting his case to the court and justifying it that there will no prospect of conviction of he will proceed…the Father of the victim Agreed and here is the reasons why.

  6. vic vic

    A Statement from Michael Byrant, Former Attorney General, whose charges for criminal negligence causing death and Reckless driving withdrawn in court yesterday…

    “As for the justice system, I now have a unique perspective from its highest pedestal as attorney general to its pillory, a defendant cuffed in the back of a squad car accused of two very serious offences involving the tragic death of a man,” Bryant told reporters Tuesday.

    “The whole experience has been incredibly humbling and rightly so.”

    He stressed that the police and prosecutors working on the case did their job as independently and meticulously as possible to avoid the appearance and the fact of impropriety.

    “What I will never forget for the rest of my life is the unnecessary tragedy of that night,” he said. “A young man is dead and for his family and friends that remains the searing memory. To them I express my sympathies and sincere condolences. I have grieved that loss and I always will.”

  7. florry florry

    Whatever we say, it’s Noynoy’s call that will ultimately resolve the issue, and whatever it is we have to give it to him as it is his absolute right to do whatever he thinks is good for him, not necessarily to please anyone but himself.

  8. How does Obama do it? He doesn’t get this much grief from the media. No smoking zone rin ang White House, hindi ba?

  9. tru blue tru blue

    Golda Meir, one of the best former Prime Ministers of Israel was a chain-smoker and died at 80. Several years prior to her death, she was scolded for smoking and she said something like this: One thing is for sure, I won’t die young.

    Noynoy’s positive performance in the future will count most. Maraming family values and holy people na noypis, simba ng simba eh fuck-up naman ang pag-iisip, magnanakaw pa rin…plain hypocrites.

  10. sychitpin sychitpin

    when you enter a no-smoking house and see one person smoking, another person stealing and another person holding a knife trying to stab the occupant of the house, what will you do?
    of course, a normal person will stop the person trying to stab the occupant first, then try to stop the thief and lastly remind the smoker that he is a no-smoking area.
    gov’t has lots of murderers , crooks, thieves, plunderers,scoundrels and scalawags, and yet people talk about smoking……
    again, im absolutely against smoking and recognize the devastating effect of smoking, however lets address more urgent matters first ..

  11. Try reverse psych. All you out there, send a nicely gift-wrapped ream of his cigarette brand with a wonderful message that reads: “may you stay healthy and strong, our one and only beloved President!”

  12. Phil Cruz Phil Cruz

    Winston Churchill was a smoking chimney. But hell, he was one of the world’s greatest leaders.

    If Noynoy can minimize corruption and give justice to all, heck.. he can smoke all he wants.

  13. Oblak Oblak

    Ms. Ellen, ngayon na sinabi mo na kung bakit hindi mo natatagalan ang paninigarilyo sa paligid mo. Kaya out of respect sa iyo, indi na ako mag comment tungkol sa “yosi issue” ni Aquino.

    Pero kung magkakaroon ng topic tungkol sa epekto ng yosi ni Noynoy sa pagka oblak nya, babalik ako.

  14. Mike Mike

    Kung si Noynoy ay nahuling nagyoyosi ng kanyang mga tauhan, PSG, etc… sa palagay niyo ba ay magsusumbong ang mga yan? Gagawing isyu ba ayn para siya ma-impeach? Malamang pagkatapos na ng kanyang termino saka lalabas ang mga kwentong yosi breaks niya sa loob ng palasyo, katulad ng mga kwentong sexcapades ni Erap sa “Pangulo” yacht na ngayon lang isinisiwalat ni Henry ng wala na si Erap sa palasyo. 😛

  15. Lurker Lurker

    I think it’s good that we are concerned with the president-in-waiting’s health, so much so that many are urging (or demanding) him to quit smoking. But too much attention and space have already been given to an issue that can only be resolved by the person himself.

    Between corruption and destruction of institutions characterized by the GMA admin and Noynoy’s smoking, guess which people would choose as less damaging to the country’s health?

  16. Mike Mike

    Kung si Gloria nga kaliwa’t kanan ang kanyang ginagawang kawalanghiyaan walang umiimik o nagsusumbong (kasama na dun ang the FIRM at Hyatt 10 nung sila’y nasa kaninete pa ni Gloria), yung pagyoyosi pa ni Noynoy?

  17. Mike Mike

    By the way, Erap also smokes di ba? Di na napansin yan dahil mas nangingibabaw ang mga kwentong midnight cabinet niya at mga chicks niya. 😛

  18. Ellen’s comments struck a nerve…
    I once had a supervisor who was a chain smoker practically all his life, no one could stop him, not his parents, his friends, coworkers, staff, wife, other wife, etc., one day he stopped…I asked him how he did it, he said that he found out his son was suffering from asthma…he couldn’t forgive himself as cigarette smoke was what triggered it according to the pediatrician. Ellen has a point, we have to be sensitive to its effects on others especially women and children…
    …its something to think about really, its not such a big thing really but we may have to ask how people with asthma suffer too…

  19. Kawawang Noynoy, kung hindi siya nag presidente ang tahimik sana ng buhay niya, ngayon pagyoyosi, baka pati na yung hilig niya sa chicks madadali pa… 🙂

  20. MPRivera MPRivera

    Pamilya, nadale sa inulam na higanteng kabute

    http://www.abante.com.ph/issue/may2710/vismin04.htm

    Sa halip na ‘yung pagyoyosi ni Noynoy ang batikusin dapat ang ay bunga ng pagiging inutil ng papaalis na administrasyon sa pagsugpo sa kagutuman.

  21. balweg balweg

    Beware: NO SMOKING!

    Ang titigas ng kukote…ayaw sundin ang Civil Service Commission order no. 17…BAKIT?

    Paano magkakaroon ng pagbabago sa ating lipunan kung laging may kontra sa ordinansang ito.

    Simpleng instruction e di masunod ng tao, paano pa natin masusunod ang kalatas ng Lord…nasusulat e ganito:

    “Because the carnal mind is enmity against God: for it is not subject to the law of God, nor indeed can be. So then, those who are in the flesh cannot please God.” Rom. 8:6-7

    “And do not present your members as instruments of unrighteousness to sin, but present yourselves to God as being alive from the dead, and your members as instruments of righteousness to God. For sin shall not have dominion over you, for you are not under law but under grace.”Rom. 6:13-14

    “Do you not know that you are the temple of God and that the Spirit of God dwells in you.”1Cor.3:16

    “Do you not know that the unrighteous will not inherit the kingdom of God?….”1Cor.6:9

    “Therefore, take up the whole armor of God, that you may be able to withstand in the evil day, and having done all, to stand,…having girded your waist with truth, having put on the breastplace of righteousness, having shod your feet with the preparation of the gospel of peace; taking the shield of faith…take the helmet of salvation, the sword of the Spirit, praying always with all prayer and supplication in the the Spirit.”Eph. 6:10-20

    “Do all things without murmuring and disputing…(Phil. 2:14), Let no one despise your youth, but be an EXAMPLE to the believers in word, in conduct, in love, in spirit, in faith, in purity (1Tim. 4:12), Let them do good, that they be rich in good works, ready to give, will to share (1Tim. 6:18).

    “Blessed is the man who endures temptation…(Jam. 1:12), But be doers of the word, and not hearers only, deceiving yourselves. (Jam.1:22).

    “because it is written, “BE HOLY, for I AM HOLY.”(1Pet.1:16)

  22. balweg balweg

    RE: Golda Meir, one of the best former Prime Ministers of Israel was a chain-smoker and died at 80.

    Well, Igan Tru Blue…JESUS CHRIST was crucified from the cross, but He did not smoke? He was hailed by the Romans as the King of the Jews, and the whole world worship Him as Lord and Saviour! AMEN.

  23. balweg balweg

    Di ba dream natin…magkaroon ng transformation ang ating bansang sinisinta, dapat lang ituwid natin ang Christless society.

    Magpakatotoo tayo sa ating sarili upang maging magandang ehemplo sa balana. Ituwid natin ang inaakala nating tama at isuko natin sa Dios na mapagpatawad ang ating baluktot na pangangatwiran at gawin nating ehemplo ang mga tao na nagtagumpay sa buhay na may kabanalan.

    Sure, pagpapalain tayong lahat lalo na ang ating bansang Pinas!

    Di ba ang ligayang damhin…ang Pinas e pinamamayanan ng mga Noypi na may takot sa kanilang Panginoon at may kabanalang pamumuhay.

    Simple di ba!

  24. MPRivera MPRivera

    Galing sa itaas: “….preserve and defend the Constitution, execute its laws…”)

    Wow!

    Hindi pa man nakakaupo si Noynoy, maganda na agad ang gagawin niya kung sakali – ipagtatanggol ang Konstitusyon pero papatayin n’ya naman ang mga batas ng Pilipinas.

    Dapat si goyang na la’ang at kanyang pamilya’t mga galamay ang ipa-execute ni Noynoy.

  25. MPRivera MPRivera

    “…Paano niya ngayon ipatupad itong Memorandum number 17 ng Civil Service Commission na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga gusali ng pamahalaan?..”

    Mas maganda siguro kung ipagbabawal na gawing sigarilyo ang gusali ng pamahalaan.

    Aheheheheh!

  26. MPRivera MPRivera

    “….Bawal din manigarilyo sa sasakyan ng pamahalaan. Paano ngayon ang magiging sasakyan ni Noynoy kapag presidente na siya?”

    Ano kaya’t sindihan niya ‘yung presidential car at gawin niyang sigarilyo?

    Bawal din?

  27. saxnviolins saxnviolins

    Mike: re 17

    Si Erap, noong kabataan, three packs a day din. Iba nga lang yung spelling ng pack.

  28. MPRivera MPRivera

    sax, peck ba ‘yun o pick?

  29. mbw mbw

    chain smoker ako nung college times…then i just decided to stop because i was having the so-called smoker’s cough. Never smoked a cigarette afterwards although tried pipe-smoking…and I’m a woman hahaha! pero stopped that too. My point is…dapat manggaling sa sarili ang resolve kasi kung galing sa iba at pa-guilty effect pa..hindi puwedeng matigil ang bisyo.

    Mag-pipe smoking na lang si Noynoy (unsolicited advice)..mas mabango pa, mukhang kagalang-galang at hindi pa siya endorser ni Lucio Tan. 😉

  30. Noynoy, sa iyong pagyoyosi, hindi ka nag-iisa. Ipagpatuloy mo yan, ngayon pang presidente ka na. Sino silang pipigil sa iyo? Inggit lang sila. Gamitin mo ang iyong power, what are you in power for? Tama ka sa iyong sinabi na yun na laang ang natitira mong kalayaan (!?), baken ga naman binabanatan ka pa?! Kaya huwag na huwag kang maniniwala sa sinulat ng isang manunulat sa kanyang pagsasaad na ganito ang epekto ng pagyoyosi:

    Tobacco drieth the brain, dimmeth the sight, vitiateth the smell, hurteth the stomach, destroyeth the concoction, disturbeth the humors and spirits, corrupteth the breath, induceth a trembling of the limbs, exsiccateth the windpipe, lungs, and liver, annoyeth the milt, scorcheth the heart, and causeth the blood to be adjusted.

  31. Kung si Manoling Morato, na isang Kastilaloy at maka-Gibo, ang tatanungin, marahil ganito ang kanyang translation nitong nasa itaas na sobrang deep, very deep na Anglais:

    El tabaco seca los cerebros, atenuar la vista, causado mal olor, dolor del estómago, destruir el brebaje, molestar a los humores y los espíritus, la corrupción de la respiración, provocar un temblor de las extremidades, bloquear la tráquea, los pulmones y el hígado, molestar a los digestivos systema, quema el corazón, y causar que la sangre que las modifique.

  32. henry90 henry90

    Si Tabako di ba mas matindi pa nga? Mas malakas yun at walang filter. Pag naupo si Aquino dapat una nyang tanggalin si Cabral. Masyadong maepal. You don’t rebuke a would be President in national media. Kung totoong may malasakit siya, she could have communicated in private, not painting him in a corner. She’s no ordinary citizen. She’s a cabinet secretary. That’s a protocol faux pas. Kahit mabait ang isang tao, mapipikon rin pag ganyan. Parang nang-aasar lang eh. Kumbaga, tinatantya lang nila kung hanggang saan ang kayang tanggapin na pang-iinsulto at panglalait. Akala ko ba tapos na ang campaign period? Tigilan na yang mga unsolicited advice ek-ek na yan. Di nyo naman siya ibinoto e. Di yan mamamatay sa paninigarilyo lamang sa loob ng anim na taon ng panunungkulan nya. . .:-P

  33. Ano’ng mangyayari kung mahuli si Noynoy na naninigarilyo sa Malacañang o sa Presidential limo?

    E di wala. May presidential immunity nga e diba?

    Putris baka naman ipa-impeach pa dahil lang diyan. Wala na bang mas malalim na isyu?

  34. Sa bawat organisasyon, merong tinatawag na “privilege of rank”. Kahit sa private, merong ganyan. Mahigpit halimbawa ang company rules sa smoking in non-smoking areas. Pero pag merong meeting ang mga opisyal, halimbawa’y ManCom o Board Meeting ini-rerelax ang rules dahil nga sa VIP ang apektado.

    Hindi naman pwedeng sibakin ng Civil Service ang Presidente dahil sa infraction ng rules, hindi nga sakop ng batas, rules pa ng isang opisina lang.

  35. anak ng.. ano bayan ang kikitid ng utak nyo… isang napakaliit na batas hindi ba kayang sundin yan ng magiging presidente niyo.. (kasi d ko sya presidente..) panu pa ung mas makikitid na utak na mga pinoy (or ung mga pilosopo) ung presidente nga natin hindi nga sumusunod sa batas na yan tayo pa kayang mamamayan.. d ba..??panu pa kaya ung ibang mga batas na dapat nyang sundin sundin nya kaya…

  36. henry90 henry90

    O bakit ka nagcocomment sa presidente namin? Yung natalo mong kandidato ang icomment mo. . . 😛

  37. balweg balweg

    Cool lang mga Igan…INIS-TALO pag bumigay tayo niyan? Napag-uusapan lamang about YOSI, ngayon…dapat walang personalan kasi nga di tayo yayaman sa bisyo ni Noynoy.

    Ang punto ng isyung ito e ang bisyo ni Noynoy…tutal libre naman ang magbigay ng personal na opinyon sige lang, kasi nga di namn kasama sa e-vat recto ang malayang palitan ng kuru-kuro.

    Pag kontra WAG NILA, pagpabor naman e sunugin nila ang kanilang baga…problema ba yon? Tutal magulang na ang tahid ni Noynoy…alam niya ang tama’t mali.

  38. chi chi

    Wala akong paki sa yosi ni Noynoy basta huwag lang syang manigarilyo sa publiko. Personal choice niya ang mag-yosi.

  39. Rudolfo Rudolfo

    Dalawang bagay lang yata ang dapat bigyan ng pansin, sa paninigarilyo. Naka-bubuti at naka-kasasama…Sa Disisyon making, maganda yata, iyan ( this like pausing for the right and bad decision to make. A space of time needed to make a final signature for good, not for bad..sa mga naninigarilyo, isa itong ” micro-second ” mag-pause para maka-pag-isip ng tamang disiyon. Gen. Mcarthur, Churchill, and other great leaders benefited from a decision making through smoking. Katulad din ito sa “invisible adviser” na parang ” food for thoughts “, kaysa isang adviser na bumubulong, na may naka-tagong agenda ).Nang nag-aaral pa ako, sabi ng professor namin, kung minsan daw, napapasa niya
    ang bagsak na estudyante ( failing grades ), sa hitit ng sigarilyo ( by having a little pause for thought.

    Ang Bad side ng smoking, ay Health reason, sa kanyang sarili at sa nakaka-langhap, at sa mata ng kabataan, bayan
    o taong na di nanini-garilyo. Siguro, naman sa loob ng 6-na-taon kaya pa ni NoyNoy ang sariling health na pangalaga,di apiktado ng sigarilyo ( at sa tamang lugar, oras, malayo sa kritiko ng taong bayan ). Ngunit, mabuti na din kung, ma-aalis ang bisyo na ito..

  40. Yesterday, I attended the birthday party of Myther Buñag, a friend of many journalists and politicans.

    Tribune’s Niñez Olivarez was smoking non-stop unmindful of people around her who was having a hard time with her smoke. I kept on fanning away her cigarette smoke. Wala siyang paki-alam.

  41. Oblak Oblak

    Ganun ba, Ms. Ellen?

    Baka naman gusto lang ipakita ni Ninez Olivarez kung paano makakaistorbo ang smoking ni Noynoy kung maging presidente.

    Dun sa mga nagbabasa ng Tribune, tinira ba ni Olivarez ang pag yoyosi ni Noynoy?

  42. chi chi

    Ellen, baka sira na ang ulo ni Ninez dahil natalo si Erap, hindi niya alam kung ano ang meaning ng “publiko”. Dapat sa kanya ay itinulak at pinadlak sa kubeta para dun manigarilyo.

    Ang pagyoyosi ni Noynoy ay dapat disiplinado, manigarilyo lang sya sa “smoking area” hindi sa publiko om maraming tao na masama sa health ng makakalanghap ng amoy. Siguro naman ay may respeto si Noynoy sa maraming tao kung sya ay nakaupo na. Kung pati yan ay hindi nya kayang idisiplina, karakter nga yan. 🙂

  43. chi chi

    Kuyan Oblak, e hindi nga titirahin ni Ninez ang pagyoyosi ni Noynoy dahil pareho silang chimney. 🙂

  44. Mike Mike

    I once saw Niñez in a TV show together with Ms. Solita Monsod as guests years back. She was smoking in front of the camera, and I can see Ms. Monsod and the host was really annoyed with the cigarette smoke. 🙂

  45. Mike Mike

    Naalala ko tuloy si Sen. Juan Flavier with his famous YOSI KADIRI mascot. 😛

  46. isaganigatmaitan isaganigatmaitan

    ang mga taga-daily tribune ay parang kuyog, lahat sila’y para kay erap: olivares, siguion-reyna, laurel, maceda.

  47. Tama si Chi — Nonoy is old enough to know that he can only smoke in designated areas and that he mustn’t disturb those who don’t smoke (not even his security guards) but to me, it’s his business to smoke himself to death as he pleases.

    This should not be a national issue. I half suspect Gloria and her cabal are very happy that the press is getting waylaid from the real issues of corruption by all these cigarette attacks on Aquino.

    Can tell you that a heavy drinking/drunk president cannot be better than a smoker/chain smoking president (provided of course he doesn’t do it in public areas and that he DOES NOT LITTER!)

    Besides, as Tongue says, what can one do? He’s got not only privilege of rank, he’s got immunity from prosecution.

    The DoH secretary must shut her/his fat mouth and take care of those who need medical attention, i.e., the poor who don’t have the money and the resources to get treated and will soon die! Priorities, dear shithead of a DoH secretary, priorities! If you don’t know the meaning of priorities, then go drown yourself!

  48. Ellen,

    I was once at a birthday party in Manila where I met Ninez — we were in an air conditionned room but she went out to smoke. Which was good because if she had smoked in front of me, unmindful that she was causing more than atrocious discomfort, I would’ve told her to stub it out you know where if she knew what was good for her…

  49. MPRivera MPRivera

    Why should we make Noynoy’s smoking habit a big deal?

    Nariyan pa ang pinakamalaking problema natin, nagkakalat pa.

    Sa halip na si Noynoy ang pagtuunan ng pansin, bantayan natin ang mga kilos ni goyang.

    ‘Ayan nga at kung ano anong kabastusan pa rin ang pinaggagagawa. Hindi n’yo napapansin?

    Limas na nga ang laman ng kaban, gusto pang sairin at kahit latak ay walang gustong itira kundi listahan ng mga utang na tayo ang magbabayad.

    ‘Utang nila lahat!

  50. chi chi

    Kung sa pagyoyosi ni Noynoy ay maipakukulong niya si Goyang, hala bira…dun nga lang sa “smoking area only”, buhay nya yan.

  51. MPRivera MPRivera

    Ayan na nga. Kung bakit kasi si Noynoy agad ang pinag-iinitan eh, bisyo lang naman niya ‘yung pagyoyosi.

    Samantalang sina gloria ay naging ugali na ang pagnanakaw!

Comments are closed.