Skip to content

Ang preparasyon ni Manny Pacquiao sa pagka “Honorable”

Honorable Manny Pacquiao
Honorable Manny Pacquiao
Aba, napapabilib ako ni boxing champ Manny Pacquiao.

Bilang preparasyon sa kanyang pagiging congressman ng Saranggani, mag-aaral daw siya kung paano gagawa ng batas sa National College of Public Administration and Governance ng University of the Philippines.

Akala ko katulad ng ginawa ni Batangas Governor Vilma Santos na nag attend ng short course sa public administration nang una siyang nanalong mayor ng Lipa. Ang kay Pacman ay isang linggo lang daw.

Pero okay na rin yun. Madali naman siyang kumuha ng mga staff at adviser na tutulong sa kanya sa kanyang trabaho bialng mambabatas. Huwag lang sana ang kanyang mga kaibigan na sina Chavit Singson at Lito Atienza.


Nakakatuwa dahil nag-aaral na rin si Pacman gumamit ng computer. Pero style ha, iPad ang gamit niya at ng kanyang mga staff. Yung iPad ay yung maliit at manipis na parang writing pad na computer.

Marami sa kanyang mga boxing fans ang tutol sa pagpasok ni Pacquiao sa politika kaya lang talagang gusto niya. Oo nga naman, hindi naman siya habang-buhay magiging boksingero. Siyempre nag-iisip naman siya kung ano ang kanyang pagkaka-abalahan sa kanyang pagretiro sa boksing. (Pero lalaban daw siya muna may Floyd Mayweather, Jr. bago magretiro.)

Mag-aaral din daw siya ng abogasya. Habang hindi pa siya abogado, ang pinakamadali nga namang pasukan ay ang pulitika. Lalo pa sa katulad niyang may pera.

Ngunit noong una niyang takbo para congressman noong 2007, natalo siya kay Darlene Antonino-Custodio ng General Santos city. Dahil marinong si Manny, alam niyang mahirap banggain ang makinaraya ng mga Antonio sa GenSan, lumipat siya sa lugar ng kanyang asawa, sa Sarangani, katabi lang ng GenSan. Ang negosyanteng si Roy Chiongbian ang kalaban niya. At nanalo nga siya.

Sa mga kwento ni mga taga Saranggani, maraming natutulungan si Pacquiao na mga mahihirap. Nang tanungin nga namin kung bakit pa siya papasok sa pulitika samantalang pwede naman siyang tumulong kahit wala siya sa gobyerno, sabi niya, sa ngayon daw “Pera ko ang ginagastos ko. Kawawa naman ang pamilya ko. Mauubos ang pera ko.”

Ngayon, pera ng taumbayan ang gagamitin niya sa pagtulong. Okay pa rin yun. Inaasahan ng marami na gagamitin ni Pacquiao ang pera ng bayan sa maayos na paraan. Siguro naman hindi niya kukupitin dahil marami naman siyang pera niyang sarili.

Ngayon pa lang nagpapakita si Pacquiao ng tamang mga kilos sa pulitika.Nakipagkita na siya sa nanalong kandidato sa pagka-presidente, si Noynoy Aquino.

May sarili kasing lokal na partido si Pacquiao, ang People’s Champ Movement. Noong nakaraang eleksyun, naki-alyansa siya sa Nacionalista Party ni Manny Villar, na natalo sa pagka-presidente.

Pwede na siya ngayon makipag-alyansa sa Liberal Party. Ang NP, makipag-alyansa na rin sa LP sa House. Ibig sabihin noon, hindi na kakampi ni Pacquiao si Gloria Arroyo.

Published inAbanteGovernance

33 Comments

  1. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Naturalmente kapit siya sa bagong may kapangyarihan. Kung hindi wala siyang pork barrel funds o walang project. Pakitang gilas siya sa Sarangani bilang isang kagagalang na diputado.

  2. Mike Mike

    Let’s give the man a break, who knows he might even out perform some of the veterans in the house. I just hope he will be just as determined being a legislator as he is in boxing. Heard recently that he will be enrolling in UP.. not sure what course though.

  3. RosaMarta RosaMarta

    Di ba yun na nga ang sinasabi sa artikulong ito?

  4. chi chi

    Inunahan na ni Pakyaw ang mga allied ni Gloria na makalapit sa bagong presidente. Yan na nga ang mangyayari kaya hindi magiging speaker si Gloria. Kahit ang porkies na kunwari ay wala na sa pangulo ang kontrol ay hindi rin mangyayari. Sa Pinas, lahat ng nais ng pangulo ay pwedeng mangyari.

  5. balweg balweg

    RE: Let’s give the man a break, who knows he might even out perform some of the veterans in the house.

    Bravo Igan Mike…dapat bigyan natin ng chance to prove na kaya niyang maging isang mabuting Tongresman di ba.

    Kita mo, mag-aaral daw upang matutuhan kung papaano ang pagbalangkas ng batas? Sa aking pakiwari e talagang trying hard ang pobre kasi matutulad siya kay Noynoy na naka tatlong termino sa Kongreso at 3-years sa Senado e wala ata kahit isang bill na naipasa sa plenaryo?

    E kadami namang abogado de kampanilya na pwedeng bayaran ng serbisyo at isa pa pwede namang magpagawa ng batas sa Recto University.

    Ang problema e during the deliberation ng panukalang batas sa plenaryo…kasi kailangan spokening dollar siya upang makasabay sa inglisan ng mga akala mo ke tatalino pero abo naman pala ang lamang ng mga kukote.

    Dapat magpatutor siya kay Tita Brenda kasi kailangan niyang maging slang sa debate or else mapapanisan siya ng laway tulad ni Senatong Lapida.

    Go go go…Hon. Pacman, kaya mo yan basta magsunog ka ng kilay para tumalas ang iyong dila sa pag awit ng ingles para mayroon kang maipasang panukalang batas.

    Mahirap nang makantiyawan na Mambabatas na pulpol…in layman’s word, nagbubutas lang ng chairs sa oras ng sesyon ma pa sa Kongreso or Senado.

  6. luzviminda luzviminda

    Tama lang na bigyan ng chance si Manny Pacquiao. Sa palagay ko ay magiging isang mabuting mambabatas siya. Hindi naman kailangan ng mataas na pinag-aralan para maging representante ng iyong constituents. Bilib ako sa sipag niya. Imagine desidido siyang mag-aral para pagbutihin ang kanyang magiging trabaho. At ang una daw niyang proyekto ay isang Unibersidad at Ospital sa Saranggani. Dapat lang naman na magamit ang pork barrel nang tama. Malamang maraming matatalino ang dadaigin niya pag nagkataon. Mabuhay ka Champ!

  7. luzviminda luzviminda

    At sa kanyang huling laban kay Mayweather ay plano niyang mag-practice sa umaga at sa hapon ang pag-attend niya sa Kongreso. Wala siyang balak pabayaan ang kanyang tungkulin. Hangad ko ang kanyang tagumpay. Ang kanyang tagumpay ay tagumpay din ng bayan.

  8. Rudolfo Rudolfo

    Hello mga kapanalig.Gusto ko lang ipa-ala-la na ang sabi ng Diyos o isang aralin sa mabuting aklat ( bibliya ), ” Itina-taas ng Diyos ang mga Ina-api or pinu-pulaan “. Katulad din ng sinasabing, ” huwag tayong mag-husga agad, dahil walang nakaka-alam ng bukas “. This is about pre-judging the character-attitude of a person. Marami ng marurunong ang nabubuking dito ( basi sa mga naka-raang mga nangyayari, noong panahon, ngayon, at ki GMA, na pinaka-magaling daw na ekonomista, ey anong nangyari sa ating bansa sa loob ng halos 10-taon ??…)..Si MANNY ay isang disiplinadong tao na kabataan( di tulad ng iba, na marami dyan, naging mg Tongressman, at senatong )..pabayaan muna nating gampanan niya ang tungkuling inatang sa kanya sa Sarangani ng, isang termino, saka tayo magsalita, at lamunin uli ang ating laway ( katulad ng sinungaling na marami dyan )..We need to wish him good, and be congratulated. He had done a lot already for our country at his 31-years old in this planet, more than the greed-corrupted expected ( to be ) good-elder leaders. His visiting of NoyNoy was a spirit of “sportsmanship” that made him famous in sports profession. Lets pray for him to do further improvements in his chosen ” service oriented ” profession. We should encourage him as ” The sparkling Star of the future ” . GOD Bless the winners during the election and the Philippines !

  9. florry florry

    Pacquiao due to necessities and demand of his career sees to it that he is physically fit and in excellent condition to meet the rigors of fighting, a situation that would require a rigid training and discipline.

    Now as a congressman-elect he wants to prepare himself mentally and intellectually by going back to school. Good and wise decision. Maybe this is brought about by his desire to help in another capacity. Good luck to him!

  10. Hay naku. Public Administration, in one week? Dapat mag-Open U na lang siya, continuous education pa. UP rin yon. Hindi na siya mapipintasan diyan. Maraming mambabatas ang nag-masters, doctorate, merong sa Harvard, Cambridge, o Yale pa, ano’ng nangyari? Yung pang crash course? Hindi magandang idolohin siya ng mga kabataang gagamitin siyang dahilan para hindi na mag-aral. Sa isang national icon na tulad niya, dapat ay pinipili niya ang mga ginagawa niya. Ano na ang nangyari sa kursong inenrol niya, na-drop na lahat.

    Kung ang introduksiyon naman ng isang bagong politiko ay galing sa doktrina ng mga kagaya nila Gloria, Singson, Atienza, o Villar wala kang maaasahan diyan. Wag na natin lokohin ang sarili natin. Maganda man ang intesiyon niya, ‘ika nga the road to hell is lined with good intentions.

    Hindi ako umaasang may magandang kalalabasan yang pagiging mambabatas niya. Kung sa pagpili pa lang ng mga kaibigan ay hindi niya magawa ng tama diyan pa? Sana nga patunayan ni Pacquiao na mali ako.

    Sabi pa ni Rod Navarro: “Bakit ninyo hinahanapan ng tamis alam naman ninyong kalamansi”.

  11. Hindi mangyayari itong aking gustong iparating kay Manny Pacquiao dahil lahat na Congressman ay nakatuon na agad ang paningin sa kanilang Pork Barrel, pero bakit hindi subukan ni MP na huwag munang kumuha ng kanyang parte? Magiging kakaiba siya sa mga kinatawan lalo’t bagong salta! Sikat na siya, lalo pa siyang paguusapan. Pero yun nga, hindi mangyayari sapagkat gusto nyang makatulong sa kanyang nasasakupan sa paglalaan ng kanyang pork barrel. Tiyak na ngayon pa lang ay dagsa ng ang mga request sa kanyang distrito. Pero hindi nya gagastusin ang kanyang sarling pera. Tama naman yun. Para sa kinabukasan ng kanyang pamilya ang kinita nya sa pag boboksing.

  12. Alam natin ang marubdob na hangarin na makapaglingkod sa bayan ang isang naghahangad na maging mambabatas. Hindi lang si MP, kundi kahit ang mga partylist representatives, ay naguumapaw ang kanilang hangarin na iahon sa kahirapan ang kanilang kababayan kaya gusto nilang gumawa ng batas sa kapakanan ng balana. Kahit pa napakarami nang batas na hindi naman lahat naipatutupad. pag gawa ng batas ang kanilang ibabandila sukdulang magsakripisyo silang makapagbalitaktakan sa Batasan. At dyan sila dapat. Hindi trabaho ng isang mambabatas na makialam sa pag gawa ng kalsada o anumang projects na pwedgeng tustusan ng pork barrel.

    Ayon sa COA reports, karumaldumal ang mga kinahinatnan ng mga projects funded by pork barrel. Ilang porsiento lamang ang napupunta sa mga projects. Hindi na lingid sa kaalaman na malaking bahagdan ng buwis ni Mang Juan ay napunta sa mga contractors at hindi ko sinasabing may napunta sa mga mambabatas. Wala akong pruweba para sabihing nakinabang sila. Mahirap sabihin ang ganun.

  13. Sana, para may mapagusapan namang mirakol sa Batasan, sa ilalim ng bagong administrasyon. mayroong may maglakas loob na manguna sa pagmumungkahi na alisin na ang pork barrel. At gusto kong ang ating boxing champ na si Manny Pacquiao siyang humamon sa lahat na mambabatas, sa mataas at mababang kapulungan, na i-knock out na ang ang pork barrel. Sa halip, ang pondong laan sa pork barrel na sinasalaula lamang ay idagdag sa sahod ng mga manggagawa ng pamahalaan at sana, unahin ang mga guro at sundalo.

    Sana. Puro sana. Nakakasawa na.

  14. vic vic

    Lest we forget, they are voted to lead and they can also lead their staff into drafting sensible and creative laws for them..
    Pacquiao can set a very good example by making sure that the Pork allocation for his District will go to his proposed projects to benefit the people who put their Trust on Him to be their Champ in Congress..he is very successful in his own field, he will be in Congress if he follows the same rules.

  15. balweg balweg

    RE: Sana. Puro sana. Nakakasawa na.

    Ngayon pa Igan Joeseg…kandakuba na ang Noypi sa hirap at dusa, tuloy ang laban…walang aantras, sige mga kapatid…never tayong pasisindak sa mga pasaway na yan?

    Siba nga…INIT-TALO, sa oras na ma okray nila tayong Noypi e lalong magiging gahaman sila, di ba…90+ milyones ang kapinuyan…so, ibig sabihin may pag-asa pa tayo.

    Ang kailangan e gulpe-degulat…pagsobra nang pasaway e never nang iboto, opppsss…may mabigat na problema mga Igan? Ang ating mga botanteng Noypi…hangga ngayon e wala pa ding natutuhan sa buhay sa kabila ng isang katutak na problema na kinaharap ng bansa sa 10-years nang arroyo regime.

    Hinga muna nang malalim…dapat sa grassroot magsimula ang lahat at magising na ang Noypi, mahirap kasi kung nagtutulog-tulugan at laging nasa pansitan.

  16. tru blue tru blue

    Just like that! A world class fighter from the ashes and with his wealth in tow, he will just be admitted to UP without any entrance exams or requisites for a higher education. Would UP administrators stoop this low to make an exception for him? Or anyone regardless of educational level are allowed to attend UP’s PA and Governance?

  17. tagaisip tagaisip

    joeseg,wag ka ng umasa pa na pangunahan ni pacman i-knock out ang pork barrel. e yun nga una nyang dahilan kaya sya tumakbo,kasi nauubos na daw pera nya sa pagtulong,kawawa naman daw pamilya nya. Para namang kaya pang maubos pera nya kahit mabuhay pa sya ng 200 taon. Kaya yung pork barrel nya pantutulong nya. Dapat lang! At hindi na nga nya dapat sinasabi yun dahil hindi kanya yun. At bakit kung kelan nag graduate saka mag-aaral? Kaya ako,hindi ako naniniwala sa mga pakitang tao ni pacman.
    Natandaan nyo yung binugbog nilang tao na nangupit daw sa grocery nya ng isang shampoo lang kasi wala pa si pacman para hingan ng balato? nung ininterview si pacman nagyabang pa,na kung sya daw nambugbog dun e baka hindi lang sa ospital napunta yung pobre. Anong klase kang tao,me milyones ka na e nakuha mo pang mambugbog dahil lang nangupit sa grocery mo? yan ang be gawain ng taong me takot sa Diyos? kaaway nga papakainin e, yun lang ang ginawa ginulpi mo? Pak u!

  18. tagaisip tagaisip

    correction: yan ba e gawain ng taong me takot sa Diyos? kaaway nga papakainin e,yun lang ang ginawa ginulpi mo?

    At kung hindi ka nakigulpi dun sa tao tulad ng sabi mo, e bat mo pinabayaan mga bodyguards mong gulpihin yung tao? kaya ako hindi mo madadala sa mga padasal dasal mo pagtapos mo ring mang gulpi ng kapwa mo,kahit sabihin pang laro lang yun. At nakuha mo pang lokohin asawa mo,kahit malinaw pa sa sikat ng ilaw ng kamera ng paparazzi na si krista ang kasama mo? eto namang asawa mo,wala ring respeto sa sarili,kahit niloko mo na sige lang. pagtapos umiyak sa simbahan ano? paguwi nyo para pang galing kayo sa honeymoon at walang nangyari. Ayaw mawalan ng yaman? ang nagagawa nga naman ng pera! ulitin ko,pak u!

  19. MPRivera MPRivera

    Pambihira talaga ang mga Pinoy.

    Basta sikat, kahit saang larangan ay halos sambahin at luhuran. Hindi naiiba siyan si Pakyaw na kahit ano’nbg sabihin, nanalo man siya nitong nagdaang eleksiyon bilang konggresman, hindi maikakailang pinapababa natin ang antas ng batas na paiiralin. Diyuspuday naman!

    Sa senado, ‘andoon si Litulog Lapid, ibinoto uli ng mga bulag na tangahangang katangahan ang nangingibabaw dahil hindi marunong pumili ng babalangkas ng batas samantalang alam nilang kakampi din ng babaeng magnanakaw. Kasama pa ‘yung anak ni Nardong Putik na ang alam lamang sawsawan ay kotrobersyang may kinalaman sa sex scandal.

    Sa Pilipinas la’ang merong ganyan kaya paanong hindi tayo pagtatawanan?

  20. MPRivera MPRivera

    Marami din ang mga kriminal na ibinoto ng tao. ‘Yung iba, dati na sa puwesto, ibinalik pa.

    Ang mga halimbawa niyan ay sina Bingbong Crisologo at Chavit Singson.

    Tapos, maghahanap tayo ng katiwasayan at katahimikan?

    Magnanakaw lang ‘yang mga ‘yan at mananakot!

  21. chi chi

    Hintayin ko na lang ang performance ni Pakyaw bago ako mag-comment sa kanyang sakaling pagiging honorable.

  22. Mike Mike

    Heard over the radio that Pacman was hospitalized. Sumakit daw ng husto ang tiyan, but is now in stable condition.

  23. Silver Silver

    Agree ako sa sinabi ni Chi. Hintayin ko na lang din ang performance ni Pakyaw sa ring este sa house. Dun na magkaalaman.

    Wala din tayong magawa kasi binoto siya ng mga taga-Saranggani. Tingnan na lang natin kung paano siya kikilos bilang kongresista.

  24. Mike Mike

    @Silver: Siguradong matatakot ang mga kongresman na mag-debate sa kanya. Takot lang nila at baka maka-tanggap sila ng right upper cut. 😛

  25. Silver Silver

    @Mike:

    Samahan pa ng right hook ang upper cut nya. 😛

  26. chi chi

    Bakit, Mike, meron bang debateng nangyayari sa lower house of hell? ‘kala ko yango lang sila ng yango. 🙂

  27. norpil norpil

    honorable boxer naman siya.

  28. MPRivera MPRivera

    Iba na talaga ang panahon ngayon sa pulitika. Medyo iba nga sa hindi propesyunal na kawatan.

    Ang mga pulitiko ngayon, tatakbo muna bago mag-aaral, saka magnanakaw.

    ‘Yung mga isnatser, mang-aagaw muna bago tatakbo at kapag nahule ay ikakatwiran ang mga palusot na matagal nilang pinag-aralan.

    Hay, buhay, without it siguradong patay!

  29. Ang mga pulitiko ngayon, tatakbo muna bago mag-aaral, saka magnanakaw. — Magno

    🙂 🙂 🙂

    Balita dito Pacquiao might be presidential contender in 2016…

  30. If he makes good as congressman, he might win.

Comments are closed.