Skip to content

Preview ng Aquino administration

Hindi ako nababahala sa away ng iba’t-ibang grupo na sumuporta kay Noynoy Aquino, ang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Maganda yan para sa demokrasya. Sila mismo magbabantayan at taumbayan ang makikinabang.

Nabulgar itong iringan dahil sa mahigpit na laban sa pagka bise-presidente nina Mar Roxas ng Liberal party at Jejomar Binay ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Lumabas na meron palang mga grupo sa loob ng organisasyun ni Noynoy na ang kanilang kinakampanya ay Noy-Bi (Noynoy Aquino para president at Binay para bise-presidente).

Hindi pala sila sumunod sa kampanya ni Noynoy sa kanyang TV ad na iisa lang ang kanyang bise president at iyon ay wala nang iba kungdi si Mar Roxas.

Ayon sa report ni Fe Zamora ng Inquirer, ang hindi raw magkasundo ay ang Hyatt 10 na kampi kay Mar at ang mga kamag-anak ni Aquino (kamag-anak Inc) sa pangunguna ni dating Tarlac congressman na si Jose “Peping” Cojuangco na nagtutulak kay Binay para bise-presidente.

Ang Hyatt 10 ay mga dating miyembro ng cabinet ni Arroyo na umalis at pumunta sa Hyatt hotel nang mabulgar ang “Hello Garci” tapes kung saan narinig na si Arroyo mismo ang nagdi-direk ng dayaan sa Muslim Mindanao. Kasama doon sina dating Social Welfare Secretary Dinky Soliman, dating Education Secretary Butch Abad na siyang campaign manager ni Noynoy, si dating Trade Secretary Johnny Santos, si Imelda Nicolas, ang hepe ng anti-poverty commissionat iba pa.

Kasama rin doon si dating Defense Secretary Avelino “Nonong” Cruz na kahit hindi sumama sa pag-alis ng Hyatt 10 ay bumitaw rink ay Arroyo nang ipinilit ang Charter Change.

Iba-ibang grupo daw itong Kamag-anak Inc. Nandyan ang Council of Philippine Affairs (COPA) na kinabibilangan ni Cojuangco, Boy Saycon, Billy Esposo, at ang mag-asawang Montelibano, sina Maria at Boy.

Kasama rin daw ang Philippine Patriotic Movement (PPM), Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) Tuloy Pnoy at Yellow Force na binuo ni Margie Juico, dating appointment secretary ni Cory.

Kasama rin sa mga “Kamag-anak, Inc” ay sina Sen. Serge Osmeña III, Sen. Chiz Escudero, at mga grupo ni Sen. Ping Lacson.

Sa mga exit polls ng SWS at Pulse Asia, panalo si Binay kay Mar ng maliit na maliit lang. Kaya masakit para ito kay Mar, na bumaba mula sa pagka-presidente para magbigay daan kay Noynoy, kasi sinabotahe siya sa loob.

Itong gulo sa loob ng organisasyun ni Aquino ay preview ng kanyang administrasyun. Kaya ba niya ipasunod sa mga tauhan at kamag-anak niya ang kanyang mga order?

Tingnan natin.

Published in2010 electionsAbante

94 Comments

  1. chi chi

    Kung hindi kaya ang nasa loob, paano na ang labas? Let’s see…hmmnnnn.

  2. bayong bayong

    wala yan kaya ni kris lahat yan kaya lang nagbigay na rin ako ng piso para sa despedida ni kris aquino. wala namang nabago napalitan lang ang mga tao ibig sabihin dating gawi. ang presidente hindi magnanakaw ang mga alipores lang. lagi naman ganun di ba, nakakasawa na.

  3. Oblak Oblak

    Siguro naman nakita ni Noynoy ang mga paratang laban kay Cory tungkol sa Kamag Anak Inc. at dapat natuto na sya.

    Higit sa lahat sana matandaan ni Aquino na mas malaki ang utang na loob nya sa mga maliit na botanteng naniwala at bumoto sa kanya na ang tanging asam ay maayos ang Pilipinas pagkatapos pagsamantalahan ni GMA kaysa sa mga nakapaligid sa kanya na puro pansariling interest lamang ang pinupuntirya.

    Mr. Aquino, you owe it to your parents who fought for what is right and just. More importantly, you owe it to us who who believed in you.

  4. MPRivera MPRivera

    Natatandaan ko ‘yung mga kudetang inilunsad noong administrasyon ni Tita Cory ay hindi mismong sa kanyang pamumuno nakatuon kundi sa mga abusadong bumubuo ng Kamag-anak, Inc. Sila kasi ‘yung nagpasama at gumawa ng mga hakbang upang maudlot at tuluyang malihis sa tunay na landas ng pagbabago ang diwa ng Edsa 1.

    Sobra ding nalasing noon ang mga lokal na opisyal at sinamantala nilang sila naman ang nasa kapangyarihan. Sa halip na ibalik ang tiwala ng mamamayan upang mabura ang sinasabi nilang abuso noong panahon ng diktadura (daw) ni Pangulong Marcos, silang mga bagong namumuno ang muling bumuhay ng multong minsan nang inilibing. Ipinagpatuloy pa nila hanggang sa pagpapalit ng inagaw na pamahalaan ng babaeng may bangaw sa mukha.

    Sa pagkapanalo ni Noynoy, kailangan niyang pabantayan ang bawat kilos ng sinuman sa kanyang mga kamag-anak na magtatangkang sumawsaw sa kanyang administrasyon kung hindi niya gustong maulit ang mga pangyayari noon. Kahit sawa na ang taong bayan sa marahas na pagkilos upang ipaglaban ang kanilang karapatan ay hindi ito maaaring isaisantabi at balewalain.

    Ang taong inaapi at binubusabos ay talim ng punyal ang batayan ng hustisya.

  5. Mike Mike

    Di pa nga proklamado kung umasta mayabang na ang dating. Konting pino lang sir.

  6. Mike Mike

    His anti-corruption stance will be put to a test. He said he will file the proper charges against Arroyo et al. For all the misdeeds that was commited. Question is, will he also file charges against his allies who are corrupt? How about the corrupt NP congressmen he said he wanted to coalease with to prevent Gloria from becoming speaker? Abangan ang susnod na kabanata.

  7. Oblak Oblak

    Sino, Mike? Si Noynoy?

    Mayabang ba yung gusto nyang sa barangay chairman may take ng oath?

    Mayabang ba yung ipagkalat nya kung sya ay magiging presidente ay hahabulin nya si GMA sa mga katiwalang ginawa ng unana kasama na ang pag appoint kay Corona?

    Mayabang ba yung umalma sa pagkutya at pang asar sa kanya ng Palasyo?

    Nalalamyaan nga ako sa kanya. Masyadong maingat si Aquino at sana naghihintay lang ng proclamation nya at saka babanat. Tutal hindi na naman matitinag yung malaking lamang nya sa No. 2 candidate, kahit ano pa ang ingawngaw ni Maceda, itodo bira mo na Aquino ang pagtiris sa unanang impakta!

  8. Mike Mike

    Sa palagay nyo ba na kung si Puno o kaya si Carpio ang CJ maiisipan ba niyang sa barranggay tanod nalang siya manunumpa bilang presidente? Kaya niya nasabi yon dahil di niya type si Corona at di dahil gusto niya ng isang pangkaraniwang tanod lamang. Gusto lang niyang asarin si Gloria at Corona.
    Si Maceda naman ay walang karapatang mag ngak ngak dahil siya ay nabansagang “so young and yet, so corrupt” ni dating Mayor Lacson ng Maynila. At ang kanyang among si Erap ay dapat ng tanggapin ang kanyang pagkatalo. Kung naniniwala sila na siya’y mananalo pa, sila’y nahihibang.

  9. Oblak Oblak

    Bukod sa mga anay sa loob ng kampo ni Aquino, matindi rin ang haharapin nya sa mga kampon ni GMA tulad ng justices ng SC at congressman na loyal kay GMA.

    Madam Chi, ang hate nating topnotcher na Senador pati si Pia Cayetano ay nagsabing susuporta sa admnistration ni Aquino. Buti naman.

    Pero ang mga congressmen na loyal kay GMA, panay ang palutang ng press release na walang balak o tinatanggihan ni GMA na siya ang isabak sa speakership!!!! Parang gustong maniwala!!

  10. Tedanz Tedanz

    Kaya ang Diyos ay hilong hilo na sa atin. Mas magaling pala si Gloryang humawak ng grupo … kasi wala akong nababalitaan na away sa grupo nila … lol. Ano pa, pe, pi, po, pu?
    Ano ba talaga kuya … ate ….. lolo ….. lola …. en so on en su pot.
    Ang anay lang na alam ko sa grupo nila ay etong si Escudero na ina-anak ni Glorya … na pungay ang mata … na kung magsalita parang nakakaloko.

  11. Tedanz Tedanz

    Ano na lang kaya kung si Erap ang nanalo ….. ano naman kaya ang isyu.
    Dehins pa kasi naka-upo si Noynoy … tadtad na ang isyu …. hayaan na lang muna natin siya …. parang awa niyo na.

  12. Tedanz Tedanz

    Basta’t ang sundan na lang natin muna ay etong mga Arroyo. Dapat lang na managot kung talagang nagkasala sila. Narinig ko si Enrile na nagsalita na bati bati na lang daw …. pagkatapos ng eleksiyon ganun na lang? Nasaan yong mga ibinibintang nila kay Villar …. kawawa naman … kung ano ano ang mga pinagsasabi nila …. ngayon kalimutan na lang?

  13. chi chi

    ang presidente hindi magnanakaw ang mga alipores lang. lagi naman ganun di ba, nakakasawa na. -bayong

    Sa kaso ni Gloria Arroyo, siya mismo ang major magnanakaw na ginaya ng mga alipores na dati ay unti lang kung kumurakot.

  14. chi chi

    Bigyan natin ng honeymoon period si Noynoy, soft lang muna ang banat. Kayo naman, wala naman akong nakikitang ipinagyayabang ni Noynoy ngayon.

    Kung ang binabanggit mo Mike ay yabang ni Noynoy tungkol sa pagisnab kay Corona, ayos lang yun. Ako man iisnabin ko dahil wala syang delicadeza gaya ni unana.

  15. chi chi

    Meron (daw) separation ang Executive, Judiciary at Legistlative branches of the gov’t.

    Mabuti ang isnabin ni Noynoy si Corona para manatili silang independent, di gaya ni Gloria na inako ng kanya lahat.

  16. chi chi

    Nalalamyaan nga ako sa kanya. Masyadong maingat si Aquino at sana naghihintay lang ng proclamation nya at saka babanat. Tutal hindi na naman matitinag yung malaking lamang nya sa No. 2 candidate, kahit ano pa ang ingawngaw ni Maceda, itodo bira mo na Aquino ang pagtiris sa unanang impakta! -oblak

    OLE’!

  17. chi chi

    “Madam Chi, ang hate nating topnotcher na Senador pati si Pia Cayetano ay nagsabing susuporta sa admnistration ni Aquino. Buti naman.”

    Aha! Meron ba syang choice?! hehehe! Gusto ko nga jump ship na sila lahat. Nabalita mo ba , kuya Oblak, na ipinagtanggol ni Alan Cayetano si Kris. Okay lang, tapos na ang eleksyon at kailangan ni Noynoy silang lahat para awayin ang putang unana.

  18. chi chi

    Pero ang mga congressmen na loyal kay GMA, panay ang palutang ng press release na walang balak o tinatanggihan ni GMA na siya ang isabak sa speakership!!!! Parang gustong maniwala!!- Oblak

    Ah, ‘wag na ‘wag paniniwalaan ang ganyang press release from the unanas’ camp. Style nila yan noon pa at hangga ngayon. Kelan ba nagsabi ng totoo ang korap na Gloria?! Hindi marunong magsabi ng totoo ang bitch na yan. Pakiwari nya ay sinusunog sya kung magsabi ng totoo.

  19. Mike Mike

    Chi, diba isa sa mga isyu laban kay Gloria ay ang pag-labag niya sa halos lahat ng nilalaman ng ating konstitusyon? Na hindi sinusunod ang batas, bagkos ay binubuloktot niya at ng kanyang mga kampon? Di man natin gustohin na si Corona ang bagong chief justice, ngunit ito’y isang realidad na. Na si Corona, whether we like it or not is the next Supreme Court Chief Justice. Pinalusot ito ng mayorya ng SC yung ukol sa pag appoint ni Gloria ng CJ na may election ban on appointments.
    Ang pinaka magandang gawin dapat ni Noynoy ay idaan sa tamang proseso ang lahat para maituwid ang lahat ng binuloktot ni Gloria at ng kanyang mga kampon. Hindi yung makikipagmatigasan sa isang seperate body ng gobyerno. Siya ay magiging pangulo na ng bansa at pwede niyang i-file ng impeachment complaint ang mga dapat sampahan, kasama na ang mga justices. Kaya naman gawin yan dahil siguradong maglilipatan ang mga balimbing sa kanyang kampo ang mga kongresman at dadami ang bilang nila. Madali na para sa kanila ang pagpasa ng impeachment complaint sa senado. Yan ay opinyon ko lang po. 🙂

  20. chi chi

    Mike, hindi kayabangan yan, nagi-express lang si Noynoy tulad natin dahil arogante/rude talaga ang ginawang pag-appoint ni Gloria kay Corona kahit sabi ng kanyang SC ay legal.

  21. @mike sa # 5,

    hindi kayabangan ni Noynoy yon. he was consistent sa sinabi nya even before the election na he is against midnite appointments. if he takes oath ki Corona, mas lalong katawa tawa nyan si Aquino.

    mas demonyong kayabangan ang ginawa ni Gloria. para bang paalis na lang tumae pa.

  22. Mike Mike

    Di ko naman sinabing mayabang dahil di sya susumpa kay Corona. Kahit sino pa ang gusto niya wala namang problema. Ang tinutukoy ko ay yung sinabi niyang di nya irerecognize si Corona as CJ. Masyadong confrontational ang dating. Gustong makipag girian di pa naupo. Ang pagboto ng majority ng justices na nagsasabing pwedeng mag appoint si Gloria sa panahon ng eleksyon ay dinaan sa proseso, kahit alam nating mali ang kanilang interpretasyon. Ngunit yan ang batas, majority rules. Kaya nga para bawiin ang ruling na yun ay dapat ding idaan sa proseso. Di pa naman final yata yung desisyon at pwede pang baliktarin or idaan nalang sa impeachment process kung kinakailangan. Pero sa ngayon, di natin pwedeng ikaila na si Noynoy ang ating bagong halal na presidente at si Corona ay ang bagong Chief justice.

  23. chi chi

    mas demonyong kayabangan ang ginawa ni Gloria. para bang paalis na lang tumae pa. – reynz

    Hindi nga ba? hahaha!!!

  24. chi chi

    Mike, dinaan sa proseso o dinaan sa utang na loob kay Gloria?

  25. Mike Mike

    As for Gloria naman, wala tayong away diyan. Sukdulan ang kaniyang kawalanghiyaan kaya tayo nagkaka-leche-leche. Kaya nga, gusto ko sanang maituwid lahat ng pagkakamali na ginawa ni Gloria sa pamamagitan ng pagsunod sa proseso, sa pagsunod sa ating salligang batas.

  26. chi chi

    Iyan ang kayabangan, ang ipangalandakan ni Gloria sa susunod na administrasyon na ‘huwag kang magkakamali Noynoy, hawak ko sila! Ang dating sa akin ng pag-appoint ni Gloria kay Corona ay pananakot lalo na at gagapangin niyang muli ang impierno para maging speaker.

  27. chi chi

    Well Mike, let’s see kung susunod o hindi si Noynoy sa Saligang Batas at saka natin husgahan. Sa ngayon ay wala pa syang pagkakamali. Let’s give him a break. Besides, hindi Saligang Batas ang ruling ng Supreme Court, ikaw na ang nagsabi na interpretasyon lang nila yun. At meron din ibang interpretasyon ang mga constitutionalists tungkol dyan.

  28. Mike Mike

    Chi, they decided on it dahil may utang na loob I agree. Mautak ang bruha at ng kanyang mga alipores. Dinaan nila sa SC ang decision para halos full proof at mahirapang baliktarin pero di naman imposible. May solusyon naman yan ay ang impeachment. Alam ng bruha na kapag ipinilit niyang mag appoint ng CJ without the SC desisyon, matse-checkmate siya kaagad ni Noynoy.

  29. gusa77 gusa77

    Relax mga igan,huwag agad dumampot ng bato at batohin all of us not perfectly created marahil wait for another 4 mos. wait for the second coming of crime buster,on the senate floor,alliance of the prexy iyan,pati ombusdman ay expiditing move for all pending cases sa kurakot group.Marahil pati ka partido ay tataman din dahil lahat babanatan na kahit naka justice robe ka pa.Pati ang mga ex-ni goyang ay hahabulin dahil malaki ang atraso sa taong bayan.ZERO TOLERANCE ang mama pinahirapan siyang magtago at nag TNT.

  30. Mike Mike

    Ano ang magiging scenario kapag di ni-recognize ni ni Pres. Aquino ang Chief Justice Corona. Mag aappoint ba siya ng bago? Sino ang mag-preside sa JBC para pumili ulit ng new sets of nominee? Diba ang Chief justice? Sino ang Chief justice eh di si Corona nga. Gulo di ba? 😛
    Ang JBC mismo ang nag-submit ng mga pangalan kay Gloria kasama si Puno at si Sen. Chiz. Bakit nila sinunod kung mali? di ba kung mali, dapat di nila na submit ang mga pangalan? Dahil sinunod nila ang utos ng Supreme court. 🙂

  31. Mike Mike

    Dapat si Atty Sax ang tanungin natin. Naguguluhan na ako. Hehehe 🙂

  32. Mike Mike

    The law may be harsh, but it is the law.

    Maraming batas na sa palagay ng nakakarami ay mali, na oppressive. Ngunit ang batas ay batas. Halimbawa na lang ay ang EVAT. Di natin gusto yan at apektado tayong lahat lalo na ang mahihirap. Pero pinasa ng mga buwiset sa kongreso at pinirmahan ni pandak. May magagawa ba tayo? Pwede bang i-repeal yan? Habang hindi pa nare-repeal, bayd lang tayo ng bayad. Wal tayong magawa. 🙁

    Isang batas na sa aking palagay ay mali ay ang squatter law ni dating Sen. Joey Lina. Mantakin niyo, may lupa ka tapos tinayuan ng mga squatter, para lang umalis sila ikaw pa ang magbabayad? Tanga yang batas na yan diba? Pero that is the @#$%&*^ LAW. We need to follow it. 🙁

  33. chi chi

    Mike, hindi naman batas ang appointment ni Corona na pinag-uusapan dito, Supreme court ruling yun…opinyon nila at pwedeng kwestyunin.

    Alam nation na ang bill ay ipinapasa ng Legislature sa isang mahabang deliberasyon na syang nagiging batas. Kapag batas na ay kailangan ng sundin. Unfortunately, Gloria does not honor any laws.

  34. jojovelas2005 jojovelas2005

    Here’s Recto statement after he was proclaimed by Comelec:
    “Maybe my programs are now more clear with the people that’s why I won,” said Recto.

    — Taas na naman ang EVAT ang preview ko para sa Aquino Admin.

  35. chi chi

    Anong palagay nya sa mga tao hindi naintindihan ang evat nya?! Gagong Recto!

  36. luzviminda luzviminda

    Yan na nga ba ang kinakatakot ng mga nag-alanganing bumoto kay Nyoynyoy eh. Umpisa pa lang mukhang mahihirapan nang pumalaot. Lalo na sa pagsagwan. Kung si Cory na kapatid na ay nahirapang kontrolin ang Kamaganak, Inc., eh yun pa kayang pamangkin lang. At ayan at nag-uumpisa na ring rumenda ang iba’t-iba pang grupo tulad ng Hyatt 10, Liberal Party leaders, Business Donors, at mga elitistang nakapaligid.

  37. luzviminda luzviminda

    Dapat lang naman na isnabin yang si Corona dahil in-appoint yan ni Gloria para may malakas na hawak siya sa Supreme Court pagsampa ng mga kaso niya, palaging ibabasura for ‘Lack of Evidence’ daw.

  38. martina martina

    Unti unti ng pumapapel si Alan Cayetano, wow kapal din. Next time, sasabihin niya bff niya si Noynoy, gayong pinatukuyan niya na topak yong tao, wow talagang kapal kapal na at master trapo ang dating niya.

  39. saxnviolins saxnviolins

    Yang appointment of the Chief Justice is legal, based on the Supreme Court decision. Pero hindi yung legality ang tinututulan ng mga tao, kundi yung pure last-two-minutes power trip ng aspiring speke of the House.Wala namang emergency that would require a CJ in the month and thirteen days wait before the new President takes office. Tunay na in your face kabastusan yan. Kaya bagay lang na mag-in your face vuelta, by taking the oath before the barangay captain.

    Cuidado. Magkakaroon ng tit for tat. Abangan yung midnight pardon ng mga involved sa Aquino-Galman case. Sa ganang akin lang, dapat lang patawarin dahil fall guys lang sila. Pero hindi yan ang magiging basehan ng patawad ng speke of the House.

    Now the appointments of the other officials may be revoked, a la Macapagal Sr. True, they were ostensibly made within the two month period. But the late announcement indicates that they were antedated. A demonstrably antedated appointment does not carry the mantle of protection of the Constitution.

    Besides, most of the appointments affect the public good – PAG-IBIG funds, etc. One can argue that since they affect the public good, as well as public funds, they cannot be effective until notice is made; under the doctrine that any government action affecting the public is void before notice is made.

    There will be a novel question presented to the Court. When does an appointment ripen to a vested right? Besides, considering that a public office is a public trust, can it ever ripen to a vested right? A public trust is a privilege, and a privilege may be revoked any time by the sovereign. In this case, the appointment was made by a representative (usurper actually) of the sovereign people, so it may be revoked by another (true) representative of the people.

    So, punta uli sa Supreme Court. Let us see how the Court will decide, when the speke is no longer the pretending president.

    I recommend to Noy, throw down the gauntlet. We must demand a complete break from the past, even from, in fact, especially from the Courts.

  40. florry florry

    Spoils of war are for victors. Pero hindi nagkakasundo kung paano nila hatiin ang napanalunan. Napapalakas yata at nagkakahigpitan ang agawan nila at kaniya kaniyang sabi “akin ito, akin ito” Garapalan na without any sense of decency, without shame and walang pakialam sa mga tao na nanood sa kanila. They don’t do discreetly and talk among themselves. Maybe that’s just being transparent. Basta ang mahalaga at dapat mayroon para sa kanila. It’s payback time, ika nga.

    Come to think of it, noon sisilip silip lang sila sa “kusina” ni Gloria at panay ang banat na akala mo matitino, yon pala naninilaw at berdeng-berde ang mga mata at naglalaway sa inggit at sabik na sila naman ang “magkusinero” at “magluto”

    Sino kaya sa kanila ang masuwerteng makakuha ng malalaking kaldero at kawa at kanino naman mapupunta yong mga maliliit na kaldero at palayok?

    Anyway maliit o malaki magkakaroon din ng laman yon kaya OK na rin, kaso pinagaawayan at nag-aagawan pa and how Noynoy resolves it, will show an extended preview of his administration and how he leads this country into……?

  41. henry90 henry90

    Tedanz:

    Masyado maiinit ang ulo ng mga kaibigan natin dito. Yaan nyo na muna. Nagtatantyhan pa ang mga yan. Nothing becomes official until Day 1 of his administration. Maniwala ka. The air is still poisoned by political acrimony on all sides. The reality has not yet sunk in na talo na pala sila. Pustahan tayo. Pabilisan ng baligtaran na ang mga iyan pag nakapanumpa na si Aquino. Kaya pagbigyan na muna natin sila. Naglalabas lang yan ng masamang saloobin. . . 😛

  42. baycas2 baycas2

    B_ictory

    The K factors, I believe, are probably long shots:

    1. Kamag-anak, Inc.
    2. Korina

    Give C_redit where C_redit is due. B_ictory by his own merits can actually happen.

    The C’s (in no particular order) to B_ictory (in relation to Mar’s mettle) as it turned out:

    1. Courter par excellence (of the Batangueño kind)
    2. Cory Magic
    3. Callus
    4. Chiz
    5. City (of Makati) Sisterhood
    6. Commercials (that stick)

    B’s campaign jingle leaves a LSS mark in one’s head. This I read at mlq3’s blog (to which I added a few lines):

    Woh oh oh oh oh oh
    Kay Binay meron kang tinapay
    Woh oh oh oh oh oh
    Kay Binay tatanggap ng monay
    Woh oh oh oh oh oh

    Kay Binay
    Gaganda ang Buhay

  43. jojovelas2005 jojovelas2005

    Ang balita sa Senate baka si Villar daw ulit ang senate president at pag si Gloria ang Speaker medyo mahihirapan si Noy. Ang hindi ko maintindihan bakit si Villar pa din ang magiging Senate this is wrong move of Senate paka isang buwan pa lang bagsak na sila sa trust survey at malaking kalokohan pala yun C5 na hearing na ginawa nila at lumalabas na politika lang talaga.

  44. Bonifacio Bonifacio

    Saxnviolins:”I recommend to Noy, throw down the gauntlet. We must demand a complete break from the past, even from, in fact, especially from the Courts.”

    Ano ang dapat niya gagawin at paano niya gagawin ito?

  45. sychitpin sychitpin

    the powers of a phil president is awesome, Noynoy MUST USE IT completely for peace, justice, transparency, progress, genuine reforms and good governance. Start with choosing the best people with INTEGRITY as the number one qualification, avoid getting people who is still under gma.

  46. Nathan Nathan

    Noynoy… basta dont forget Vice-President Binay as DILG Secretary.

    God Bless the Philippines!!!

  47. Mike Mike

    Chi #35: Tama ka, ang decision tungkol sa CJ appointment ay mali. Pero yan ay na decide na ng majority ng mga justices. Ito ay nakasaad sa batas na ang deicision ng majority ng mga justices ang siyang susundan ng lahat, lalo’t na kung ito’y final na. Kaya nga ito ay sinunod din Puno at ni Sen. Chiz bilang mga myembro ng JBC nang i-submit nila ang mga pangalan kay Gloria. Paano kung mali ang decision? Nakakainis diba? Di naman pwedeng palayasin ang mga yan sa SC ng basta basta. At wala namang vetoing power ang presiding justice o ng CJ para baliktarin ang majority decision. Kaya, dadaan tayo sa proseso. Di ba? 🙂

  48. sychitpin sychitpin

    kung may delicadeza si Corona, he should give up his appointment and allow Pres Noynoy to appoint next CJ.

  49. sychitpin sychitpin

    a CJ should possess highest degree of integrity and delicadeza, otherwise crediblity of SC would be tainted in the eyes of the people, Corona is known as gma’s lapdog, gma and all her allies must be removed from power for nation to really move forward

  50. Al Al

    Yes. president Noynoy should revoke the appointment of Corona. He said during the campaign that he will not recognize appointment by Arroyo of Puno’s successor because it’s a midnight appointment.

    He should stand firm on that. Hindi siya dapat bumigay.

    Even if it would lead to a constitutional crisis. That’s what his supporters want. Di magka-constitutional crisis.

    Di lusubin ng 13 million na bumoto kay Aquino ang Supreme Court. Tingnan natin kung pipiyok si Corona.

    Hindi maaring hindi si Justice Carpio ang Supreme Court chief justice. Para que pa ang suporta ng The Firm sa kanya. Nandyan si Atty Nonong Cruz behind him. Yun yata ang magiging justice secretary.

  51. MPRivera MPRivera

    Noynoy, being the incoming president ay may kapangyarihang i-revoke ang lahat ng midnight appointments ni hija de putang gloria, if all legalities will be based on the Constitution, re banning an outgoing president (if legally elected and with mandate, ha?) in his her last sixty days in office.

    Tinatakot la’ang naman siya ng mga lamanlupang kakampi ng bruha (ulyaning Planas, sipsip na Makalinta, gagong Olivar at iba pang naghahangad na maging ispiker ang demonya).

    ‘Langyang mga ‘yan! Halatang halatang himod sa tumbong ng mag-asawang kawatan at maliwanag na merong na namang binabalak na kawalanghiyaan upang huwag managot sa mga kasong alam nilang hindi nila malulusutan kapag nagsimula nang sila ay usigin.

    Hangga’t hindi nananagot ang mag-asawang ‘yan, ang dalawa nilang anak na ubod din ng hambog at yabang, ang kanilang mga alipores na kakutsaba sa pagwawaldas ng laman ng kaban, malabong umusad sa pag-unlad ang Pilipinas.

    Hindi maaaring basta na la’ang kalimutan ang lahat.

    Lintek sila! Halos sampung taon tayong ginawang busabos, ganu’n na lang, ha Tandang Juan? Tarantadong matanda!

  52. MPRivera MPRivera

    Mike, nakasaad sa batas? O, nasilip sa butas?

    Ng sobre?

  53. saxnviolins saxnviolins

    Ano ang dapat niya gagawin at paano niya gagawin ito?

    Revoke the midnight appointments in the executive branch. That would trigger a challenge at the Supreme Court. Sasabihin ng appointee, vested right na kuno. The Sol-Gen (I hope Noy can pick a good one) will say it is void, because it was demonstrably antedated – proclaimed late, so the presumption is it was actually made on the date of the late proclamation. The appointment also could not have taken effect before announcement, because they affect the public. Acts that affect the public cannot take effect prior to notice, in the spirit of due process.

  54. saxnviolins saxnviolins

    Ask his Secretary of Justice and allies in the Senate to investigate the NBN, Hello Garci,and other cases where executive privilege was invoked.

    Ignore the previous invocation of executive privilege, and direct the officials to appear before the investigative bodies.

    Anent the expected claim that it is the Ombusdman who must investigate, that is only true, if the crime is “in relation” to his (official’s) office. The NBN contract is in no way related to Abalos’ office. Neither is the Hello Garci case, because cheating is not in relation to anybody’s office.

  55. Mike Mike

    SNV, ano pa ba pwedeng gawin bukod dun sa nabanggit mo para ma revoke ang illegal na appointments? Di ba pwedeng tanggalin on grounds of incompetence o dili kaya dereliction of duties, etc…? I mean there must be some other options???
    ?

  56. Mike Mike

    SVN, can they still use the “executive privilege” even after Gloria’s term? If they were investigated again regarding the issues you mentioned…

  57. saxnviolins saxnviolins

    Mike:

    i-revoke na niya wholesale. Let the “incumbents” file in court, claiming their “vested right” in the position. Talo talo na ulit before the Supreme Court.

    Yung incompetence, depensa na lang yon, aside from the main defense, that the president has the prerogative to choose his team; the predecessor cannot indirectly choose for him, by way of midnight appointments, producing a fait acompli.

  58. saxnviolins saxnviolins

    Yang wholesale revocation, ginawa ni Cong Dadong. So use the father’s maneuver on the incompetent daughter.

  59. saxnviolins saxnviolins

    Yang sinasabi kong antedated appointment, and its revocation, may precedent yan, courtesy of my hero, JBL Reyes, in the case of Ernesto Rodriguez v Carlos Quirino G.R. No. L-19800 October 28, 1963.

    We find no merit in the petition.

    In the first place, while the petitioner’s ad interim appointment appears dated on the first of June 1961, it was not communicated to him until the 30th of December of that year, and nothing in the record indicates that its existence was made known to any one before the last days of 1961. It can be inferred from this secrecy that the appointing power did not desire to make the selection final and operative until the last day of President Garcia’s term.

  60. chi chi

    See, Mike, daming lusot para i-revoke ang Corona ni Gloria. Anong SC decision na basta susundin kung ayaw ng pinoy?! Ganyan talaga, palaging may lusot ang batas kaya nga ang mga butas ay sinaliksik ni Goyang at pinagbubutasan pa.

    Huwag sundin ang immoral at meron duda, nagawa nga ng tatay ni Gloria na Dadong, bakit hindi magawa ngayon?

    Thanks, atty. sax.

  61. mbw mbw

    Madalas ang banat “rule of law” baga? Obviously I’m not into law but I know I’m mature enough to say and think what is right and what is wrong. Alam kong dapat walang midnight appointments maski sabihin ng SC na exempt sila. Alam kong mahilig sa pailalim na away si Gloria. Lahat ng statements niya tungkol sa political moves niya ay signature of a chess and poker player. Hindi mapapagkatiwalaan. Sabi ni PUno na kapag hindi magpa-swear in si Noynoy kay Corona ay magkakaroon ng probable constitutional crises. Sa mga ganito, ang mga abogado o political savvy people lang ang nagkakaintindihan. Elitista rin ang dating niyan. Whatever. Para sa akin…mas tugma magpa-swear in si Noynoy sa barangay captain o tanod kasi symbolic iyan of a change talaga…simple and pure.

  62. Tapos na ang election. lets all work with our new leadersship to solve our country’s problems…utang na loob, lets prove to the world that we are not perennial “anti anything” pinapayaman lang natin ang mga media outfits niyan…

  63. chi chi

    Oh, this is interesting, galit si Nonong kay Reynato!
    ___

    Ex-Arroyo official accuses Puno of undermining SC

    Instead of standing up to “protect the independence of the Supreme Court,” Cruz said Puno has gone along with his colleagues in allowing outgoing President Macapagal-Arroyo to appoint Justice Renato Corona as the country’s next chief justice.

    “I am very disappointed with him because he should have taken a stand and made the Supreme Court independent. He (voted) saying (an Arroyo appointment) was illegal but now he is among those who submitted the list (of his possible successor) when he knows that appointment is illegal,” Cruz said at a news briefing. http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100515-270188/Ex-Arroyo-official-accuses-Puno-of-undermining-SC

  64. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Abangan natin ang unang 100 araw ng Aquino Administration. Pagbabago ba o status qou?? Ang hamon: Kaya ba niyang ipakulong si Gloria Arroyo?

  65. From Mon Buelvo:

    Sa totoo lang sino ba talaga ang nagpapagulo ng ating lipunan?.sa palagay ko lang naman ay ang maguguglong civil society daw.

    Obserbahan mo; sila yung kahol ng kahol sa kalye at TV. Ilang pangulo na ba ang iniluklok nila sa palasyo sa pagasang makukuha nila ang kanilang gusto, subalit kapag hindi na pabor sa kanilang pananaw ang namamahala ayun at nag uumpisa na namang magtawag at gumamit ng iba para sa kapakanan nila.

    Ilang Pangulo na ba ang na biktima nila.si Cory, si Erap at si Gloria.Ngayon si Noynoy naman ang tinatarget. Bakit hindi natin subukang manahimik at hayaang magtrabaho ang pangulo para sa ikabubuti ng ating bayan upang magawa nya ng tahimik ang mga proyekto na sa akala nya ay nararapat para sa atin, upang sa gayon sa bandang huli tayo rin ang makikinabang nito.

    Diba sa loob ng ating mga tahanan kapag ang ating pamilya ay magugulo at away nang away ang kabuhayan natin ay di rin maganda malas diba ayaw natin ng ganito.

    Let there be peace and unity. Ito lang ang susi sa isang masaganang bukas dahil dito pagpapalain tayo ng ating mhal na Panginoon.

  66. Oblak Oblak

    Madam Chi, sa una ayokong isipin pero sa mga actuations ni Puno lately, baka may windfall na natanggap kay GMA from the time na isampa ang kaso (nag inhibit sya then as member of JBC, nagsubmit ng list ng papalit sa kanya kahit hindi pa sya nagreretire)at ngayong with matching congratulations kay Corona at sermon kay Aquino.

    Mang Diego, dapat din siguro may hamon din sa mga tao: Nasa likod ba tayo ni Aquino kung tugisin nya si GMA! Ako syempre susuporta. E yung mga maka Erap at Villar, susuporta kaya?

  67. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ang Department of Justice ni Aquino ang tutugis kay Gloria at kanyang mga alipores. Siyempre nasa likod niya ang taumbayan.

  68. chi chi

    Kuya Oblak, sabi ko ‘yo malabnaw si Puno e.

  69. baycas2 baycas2

    Sabi ni Planas ayon sa 2010 budget, ang may kapangyarihan sa pork barrel ay ang Speaker na at wala na sa Presidente.

    ‘Di ko pinaniniwalaan si Planas nguni’t totoo kaya ito? ‘Di tinukoy ni Planas ang naturang probisyon…

  70. Sabi ni Planas ayon sa 2010 budget, ang may kapangyarihan sa pork barrel ay ang Speaker na at wala na sa Presidente.
    ————————————–

    What? Can we check this?

  71. chi chi

    Might be that the bitch and her tongresmem passed the said provision re pork barrel in the middle of the night when kapinuyan was fast asleep kaya ngayon lang lumabas.

  72. baycas2 baycas2

    ‘Di ko pa alam ang sagot sa tanong ko pero ito ang pinagkunan ko ng nabanggit ko kanina:

    Speaker now controls pork

    Ms Arroyo has shown that controlling pork-barrel allocations to friends and foes was an effective tool in holding a broad coalition in the House.

    Aquino has already declared that he would retain the pork barrel system because of its benefits to districts that would not be showered by state funds in the national budget.

    But Planas noted that while the new President could indeed use the pork barrel as a leverage to lure lawmakers to his camp, she said there was a new provision in the 2010 budget that transfers the disposition of the pork barrel from the President to the Speaker. She did not cite the specific provision.

  73. martina martina

    Hindi ba dapat may naghahanda na ng kaso laban kay Gloria, para pagkasumpa ni Noy as president ay maposasan na kaagad siya at ikalaboso. Baka mauna na naman si Lozano.

  74. MPRivera MPRivera

    Bakit nagkaganyan na si Charito Planas?

    Kung kailan tumanda ay saka naging makitid ang pang-unawa? Noong una ay galit siya kay gloria. Itinalaga la’ang na tagapagsalita ay halos sambahin na niya ang bruha kahit paalis na sa puwesto.

    Sa mga nagmamagaling at nangangaral tungkol sa uri ng pagbatikos sa mga namumunong walang ginawa kundi salaulain ang ating batas, ito ba ang uri ng halibawang nais ninyong paghalintularan sa inyong mga anak?

    Baka naman sa pagdating ng panahong maging husto na ang kanilang pag-iisip at matantong kasama kayo sa naging dahilan kung bakit sila naghihirap dahil sa inyong pagbubulagbulagan at pagbibingibingihan ay hindi ninyo maipaliwanag kapag tinanong nila kayo ng BAKIT?

  75. saxnviolins saxnviolins

    I think mayroon ngang provision baycas. When they were discussing it, sabi para hindi na ma-control ni Glue. Blindsided ang mga opposition, thinking they pulled a fast one on her, forgetting that her term was ending. The reverse is true. Now, as the speke of the House, she will control this year’s budget; unless Sonny Belmonte wins.

  76. Ruben Ruben

    hindi lahat ng batas ay tama, at hindi lahat ng nagpapatupad ng batas ay tama, kaya nga madalas ang mga hurado binabaligtad nila ang hatol nila dahil nagkamali sila, parang referee binabaligtad din nila ang hatol nila kasi nga nagkamali sila. Wag tayo maniwala sa mga hatol ng justices dahil tao lang din sila na puwede magkamali kaya nga marami ang kumontra dahil mali.

  77. Ruben Ruben

    ang mga politicians na galit kay GMA tulad ni erap at villar cigurado na hindi susuporta kay noy2 para ipakulong si arroyo, kita nyo naman si puno biglang bumaligtad hindi natin alam baka may sobre na natanggap galing kay UNANO…wag mo naman gamitin yan sa pagpapalaki ng mga apo mo Sir.

  78. baycas2 baycas2

    sax,

    ngek…

    nalipat pala ang “power of the purse.” Belmonte must win…

  79. TBN TBN

    Dear Ellen:

    We want to place an ad for the petiton “Change the name SOUTH CHINA SEA to SOUTHEAST ASIA SEA”:

    http://www.change.org/petitions/view/change_the_name_south_china_sea_to_southeast_asia_sea

    on a popular website in the Philippines in order to call our Filipino friends to join this important campaign.

    Would you recommend us one and what the cost is for placing a widget similar to the one seen on this website:

    http://www.nguyenthaihocfoundation.org/

    The widget is at the right side with words: TAKE ACTION

    Thank you,
    TBN

  80. saxnviolins saxnviolins

    Akala natin one year lang yan. But in the next year, kung babawasan ni Noy ang proposed budget,uupuan nila, at hindi ma-pa-pass. So, reenacted ang 2010 budget sa 2011, including the provision on the speke’s control.

    Talagang kailangang manalo si Sonny Belmonte.

  81. MPRivera MPRivera

    Ano kaya dognapin natin si goyang at ilublob ng patiwarik sa posonegro. Doon naman siya nanggaling, eh. Doon na rin natin ilibing.

  82. MPRivera MPRivera

    Todo handa talaga ang bruha.

    Kunyari ay hindi puntirya ang ispikersyip sa tonggreso.

    Puwede naman ‘atang i-reverse ‘yan ng senado, a?

    Ano sa palagay mo, atitiway Sax?

  83. “Hindi maaring hindi si Justice Carpio ang Supreme Court chief justice. Para que pa ang suporta ng The Firm sa kanya. Nandyan si Atty Nonong Cruz behind him. Yun yata ang magiging justice secretary.” – Al

    It is also this firm (The Firm) that allowed/helped Gloria circumvent the law.

    Where are they now? In Noynoy’s camp, saan pa. Is that bad?

    Kayo? Ano sa tingin nyo?

  84. baycas2 baycas2

    RP’s Most Influential Law Firm Regains Top Lawyers from Government

    When they were the private legal counsel of President Arroyo, the CVC Law Firm or ‘The Firm’ had a policy against taking on cases against the government. But now that the President is no longer its client, the law firm is now “independent,” said partner Rodel Cruz, former undersecretary of the Department of National Defense.

    …nanahimik pa rin sila, ‘di ba?!!!

  85. baycas2 baycas2

    sa parehas na newsbreak article:

    THE 2010 ELECTIONS

    The law firm’s party Monday night showed how it remains a power players despite its falling out with the President. This early, some 2010 presidential aspirants are rumored to be courting the law firm’s support. Two of the most vocal aspirants, Senate President Manuel Villar and Senator Manuel Roxas II, were both in the party. Other senators, former and current Cabinet secretaries, diplomats, and big-ticket clients were also in the party.

    When asked if he is open to accepting a government position after the 2010 elections, Marcelo replied, “Let’s see.” It matches Marcelo’s time chart. His said his kids will graduate in four to five years.

    Observers say The Firm cannot be divorced from national politics. A lawyer who is intimately familiar with them says, “They continue to be a national player.”

    …national player pa rin daw…

  86. saxnviolins saxnviolins

    It is also this firm (The Firm) that allowed/helped Gloria circumvent the law.

    Where are they now? In Noynoy’s camp, saan pa. Is that bad?

    Mukhang magpapatuloy na magiging infirm ang economiya, pati na ang justisya.

  87. Is it true that Avelino Cruz has joined the camp of Aquino?

  88. Baka mole ni Gloria yan!

  89. Lurker Lurker

    Avelino Cruz has always been with Aquino from the start of the campaign.

  90. norpil norpil

    sa pinas naman ay normal na maglipatan sa winning side.kapag hindi ka lumipat ay fanatic ka na daw.

Comments are closed.