Skip to content

Congratulations sa mamayang Pilipino

Congressman na si boxing champ Manny Pacquiao.

Panalo siya laban sa negosyanteng si Roy Chiongbian. Kaya “Honorable” na ang magiging titulo nya.

Hindi na siya maa-aring ismolin ni Kris Aquino na nagpasaring sa kanya bago mag-eleksyun na talunan naman daw siya sa pulitika.

Congressman na rin ang dating spokesman ni Gloria Arroyo na si Anthony Golez. Binoto siya ng mga taga-Bacolod. Ganun din si dating Agriculture Secretary Arthur Yap.

Maraming magiging kakampi si Arroyo sa House of Representatives. Kayang-kaya niya magiging speaker.

Hindi nakakagulat ang panalo ni Noynoy Aquino dahil yun naman talaga sinabi ng pre-election survey ng Social Weather Station at Pulse Asia, dalawang mapagkatiwalaan na survey firms.

Kahit na malaki ang lamang ni Aquino sa sumusunod sa kanya na si dating Pangulong Joseph Estrada (mga anim na milyon), nakakagulat pa rin ang hatak ni Erap sa botante.

Kung hindi pala namatay si dating Pangulong Aquino at hindi kumandidato ang anak niya, malamang si Estrada ulit ang presidente natin.

Sabi din ni Inday Varona, isang journalist, pasalamat din si Aquino kay Manny Villar, ang kandidato sa pagka-presidente ng Nacionalista Party. Kung wala si Villar, malamang may talo pala siya kay Erap. Pareho kasing masa ang pinanggalingan ng suporta ni Erap at Villar.

Kaya nga si Villar bugbug-sarado. Kaliwat-kanan ang suntok sa kanya. Galing kay Aquino at kay Erap. Inis kasi si Erap na nakukuha ni Villar ang ibang boto ng masa na paniwala niya sa kanya.

Ang kawawa ay si Mar Roxas, ang bise presidente ni Aquino na pumapangalawa kay Makati Mayor Jejomar Binay. Mahigpit ang laban. Halos isang milyon ang lamang at halos 90 porsiyento o mga tatlo or apat na milyon na lang ang natirang botong hindi pa nabibilang kahapon.

Magaling ang strategy ni Binay na ginapang ang organisasyun mismo ni Aquino. Biro mo sa loob mismo ng kampo ni Noynoy, nilaglag si Mar at Noy-Bi ang kinampanya. Hindi lang si Chiz Escudero na tumulong kay Aquino. May ibang grupo pa.

Sa pangkalahatan, maganda ang kinalabasan ng eleksyun noong Lunes. Nagkaroon ng failure of elections sa ilang lugar katulad ng Lanao del Sur, Iloilo at Samar (nagkapalit ang mga balota na ipinadala). Magkakaroon ng special elections sa mga lugar na ito.

Nakakalungkot na may mga namatay pa rin. Sana sa mga susunod na eleksyun, mawawala na ito.

Nakakatuwa ang interes ng mga Pilipino na magiging-involved sa eleksyun na ito. Tiniis nila ang pumila ng tatlo o apat na oras.

Congratulations sa Comelec at sa Smartmatic. Congratulations sa sambayanang Pilipino.

Published in2010 electionsAbante

23 Comments

  1. Oblak Oblak

    Congratulations sa mga Pinoy. Kadaming aberya bago at sa araw ng election at kalbaryo ang bumoto pero dagsa pa rin ang bumoto!

    Syempre, Congratulations din sa Ellenville sa malayang talakayan at minsan (o madalas) bangayan!

  2. Lurker Lurker

    I don’t want to be a Cassandra here but, aren’t we all being lulled into a false sense of security? There is still time for GMA and Co. to do some mischief! I do hope I’m wrong and we do get a new president…

  3. Oblak Oblak

    Kakosang Lurker, don’t worry kasi si Aquino mismo ay nag iingat din. Sa hirap na dinas ng Pilipinas at ngayon mapapalitan na si GMA, hindi naman siguro papayag ang mga Pinoy na agawin ni GMA ang resulta ng election.

    Yun namang mga kongresistang mag cacanvass, malabong magawaan pa ng paraan na maiba ang mga natrasmit ng election results.

  4. chi chi

    Oblak, subukan nyang agawin ule, pira-piraso syang dadamputin ni Mikey sa lansangan! A, pati pala si Mikey ay mapipiraso din!

  5. VLo VLo

    Gloria is out but she’ll be back now that she’s a congresswoman. Sukang suka na ako. At kung sakali nga na si Erap “Mr. Plunder” Estrada ang maging presidente uli, lalo nang mawawalan ng respeto ang mga taga ibang bansa sa atin.

  6. VLo VLo

    I think isa sa mga naging tulong kay Binay ay nang sabihin ni Noynoy na si Binay ang magiging ring bearer niya sa kasal niya. Parang tinanggap ng mga tao yun na hint na si Binay ang secret VP niya.

  7. Mike Mike

    Dapat ding magpasalamat si Noynoy na tumakabo si Erap, kund di siya tumakbo eh malamang si Villar ang pwedeng manalo.
    Erap’s 8M plus votes is really something, lakas pa rin ng hatak sa masa. Di sya pwedeng awayin ng mga politiko kasi pwede sya gawing endorser sa mga susunod na eleksyon. ( Kung buhay pa sya. 😛 )
    Ang deciding factor talaga is the block voting of INC. Isipin niyo nalang kung si Erap ang inendorso ng INC, siguradong dikit ang laban.

  8. andres andres

    VLo,

    Bago ka lang dito pero tila tisay ka at siguradong miyembro ng naghaharing uri. Ang mga komento mo very civil society.

    Kung ang INC pumanig kay Erap, si Erap ang panalo by around P1.5 million votes! Kaya wag nating maliitin ang clout ng mama.

    I hope i am wrong, but ang feeling ko give it 3 to 6 months, magkakalat na ang binoto ninyong Pangulo.

    Kaya wag masyadong mayabang>

  9. andres andres

    VLo,

    At isa pa, kayo ang nagluklok kay Gloria kaya bago kayo manlait, sisihin niyo muna sarili ninyo sa paglagay niyo kay pandak!

  10. andres andres

    Congratulations sa mga victorious bloggers!

  11. chi chi

    VLo, welcome at Ellenville in behalf of the homeowner who I guess is still very busy with the post election coverage.

    Hayaan mo yang si andres, medyo masama pa ang loob dahil pumapangalawa lang si Erapski na ama nila, este ama ng bayan. Kakosa yan dito at malakas din ang sigaw laban kay Gloria. 🙂

    Andres, hindi pa sumusurender si Erapksi pero dahil naniniwala ako na meron siyang isang salita ay tingin ko pinatatapos lang niya na mabilang lahat saka sya mag-concede, ayos ba?

  12. Tama si Lurker: I don’t want to be a Cassandra here but, aren’t we all being lulled into a false sense of security? There is still time for GMA and Co. to do some mischief! I do hope I’m wrong and we do get a new president…

    5.3M na balota pa ang bibilangin. Yan ay doon sa mga area na historically ay magulo ang election. Marami pang boto siguro ang hinihimas. Apektado pa ang resulta ng VP, ang ilang huling puwesto sa Senado, Congressmen, at higit sa lahat yung partylist.

    Bago pa man magbotohan ay nag-concede na ang bulok na administrasyon na talo sila sa Pangulo at VP, ang pinagplanuhan na lang ay makopo nila ang Senado at Batasan.

    BOTOHAN PA LANG ANG NATAPOS, HINDI ANG ELEKSIYON.

  13. olan olan

    Congratulations sa mga pinoy! pero sa COMELEC hindi…apat na oras ang pila tapos marami rin nadisenfranchised! Bulok pa rin para sa akin. Medyo maayos ng konti ang eleksyon dahil sa mga pinoy na pasensyoso at vigilant hindi dahil sa COMELEC!

  14. luzviminda luzviminda

    Tapos na ang botohan pero teka muna hindi pa tayo sigurado na malinis ang mga resulta ng ating first-ever electronic counting. Hangga’t di lumalabas ang mga manual audit para sa cross-checking ay di tayo siguradong maayos ang trabaho ng KUMOLEK at Smartmatic. Madali pa ring mandaya gamit ang computers kung walang safeguards. Ang mahirap ay baka NAAYOS tayo!

  15. orson orson

    Eto ang masakit na katotohanan.

    Presidente nga si Noynoy. Pero di nya kontrolado ang House, ang Senado, at ang Judiciary. The moment na may issue sa kanya sa House, pwedeng ma transmit kaagad yung impeachment complaint sa Senado because yung numbers maaring nakay GMA pa rin.

    Marami ring bagahe si Noynoy. Una yung Hacienda Luisita. Pano kung i-lift ng SC yung TRO tapos nagreklamo mga Cojuangcos. Syempre kung presidente sya dapat mas kakampihan nya yung mga farmer-beneficiaries.

    Pangalawa, yung issue lately na galing daw sa mga drug lords yung campaiogn fund ng LP. In today’s People Journal, dineny na ng PASG na toto yung issue. Kaya lang PASG yun, sa smuggling ang trabaho nyan. Pano kung PDEA ang magconfirm later on.

    Pangatlo, si Ping Lacson na may standing warrant of arrest at sumuporta rin kay Noynoy. Nabasa ko last two weeks sa Manila Standard na nasa Pinas na si Lacson at inudyukan nya yung mga Binondo businessmen na tulungan si Noynoy. Anytime soon, cguro pag-alis ni GMA, pwedeng magpakita si Lacson. Pano ni Noynoy ihahandle yan. Take note na non-bailable yung murder charges kay Lacson. Pwede bang hindi makialam si Noynoy dyan. I’m sure alam rin ng Malacanang ito given na ilang bansa lang naman ang pwedeng puntahan ni Lacson na di nya kailangan ng visa.

    So maling desisyon lang ni Noynoy dyan sa mga issue na yan, tiyak na pupunahin na sya.

    Today, sabi ng Noynoy camp na gagamitin nila yung powers ng executive para imbestigahan si GMA. Ngayon pa lang, mukhang handa na si GMA para dyan especially kung maging speaker sya na di naman malayong mangyari because of her allies. Parang boxing yan, kung susuntukin mo si GMA, mag-co-counter box din sya na masasaktan din yung kalaban nya.

    Kung ganito ng ganito ang mangyayari, dapat may mag referee na sa dalawa especially kung this will greatly affect Noynoy’s popularity kung nakaupo na sya sa Malacanang.

  16. balweg balweg

    RE: Erap’s 8M plus votes is really something, lakas pa rin ng hatak sa masa.

    Well, Igan Mike…iba ang Erapski magic, kita naman 8M + …bali 40% pa lang ang counted. How about yong 60% na natitira kaya ONLY the Congress ang magpapasya sa final winner.

    Aminado tayo na lamang si Noynoy, but still may 60% pa na dapat bilangin at dito tayo…tatanggap ng finale kung siya na nga ba ang magiging bagong Pangulo.

    But my ONLY concern e bakit 75% lang ng total registered voters ang nakaboto at nasaan yong 35% or equivalent 35M elligible voters?

    Saan dinala ng Comelekta yong 35M…ibig sabihin nito e daming deleted o sinadyang binura sa listahan para mabawasan ang numbers ng Masang Pilipino?

    Ito ngayon ang isyu na nasaisip ng mga Noypi…na dapat ipaliwanag ng mga taga-Comelekta?

  17. balweg balweg

    luzviminda – May 13, 2010 10:59 am

    RE: Tapos na ang botohan pero teka muna hindi pa tayo sigurado na malinis ang mga resulta ng ating first-ever electronic counting.

    Yaps…tapos na ang Halalan Igan Luzvi, but ang finale sa bilangan sa pagka-Pangulo at VP e ang Tongress ang magsasagawa ng bilangan?

    Yong naglabasang numero e 40% palang nang kabuuang 100% ng elligible voters…may 60% pang dapat bilangin, at ayos sa latest news e dapat manual counting idadaan ang proseso sa bilangan sa Congress para malaman kung balido ang automated counting ng PCOS.

    At dito tayo tatanggap ng pagkatalo ng mga Erapski wannabees…OK lang talagang ganyan ang buhay basta tuloy ang buhay.

    Igagalang natin ang pasya ng mga nagsiboto kay Noynoy…di ba, pero narito tayo upang magbantay sa kanilang pamumuno!

  18. Bonifacio Bonifacio

    Aquino wins in Pampanga followed by Teodoro.

    Paano na ang sinasabi ng Aquino propagandists na “Villaroyo”?

  19. MPRivera MPRivera

    Tapos na ang eleksiyon. Tapos na rin ang bilangan. Tapos nang humusga ang taong bayan. Subalit hindi tapos ang TUNAY NA LABAN.

    Nariyan pa, hindi pa nawawala ang tinik sa ating lalamunan. Nagpalit lamang siya ng paghahasikan ng kawalanghiyaan kung saan hindi halos nabago ang hawak niyang kapangyarihan. Nandiyan pa rin ang mga ulol niyang kawan. Mga gabineteng hinalal ng mga tangang botante at gunggong na tagapagtaguyod na naniniwalang nabago sa maaayos ang kanilang pamumuhay kahit naghuhumiyaw ang katotohanang gapang sa dusa at hilahod sa gutom ang nakararaming mamamayan.

    Dahil sa ginawa ng mga taga ikalawang distrito ng Pampanga ng paghahalal bilang kinatawan nila si gloria, SILA ang mga walang damdaming nagtanim muli ng binhi ng katiwalian.

    Sa ginawa nilang ito, hindi n’yo siguro kami masisisi kung ipagdasal naming sa muling pagdanas nila ng katulad na kapinsalaan noong pumutok ang Bulkang Pinatubo ay tuluyan nang malibing sa lahar at mabura naturang lugar kasama na ang mga naninirahan.

    Pinatunayan lamang nila na sila, ang nagluklok kay gloria sa konggreso ay walang pasubaling mga dugong ASO!

  20. Oblak Oblak

    Ka Bonifacio, No. 1 din naman si Noynoy sa San Juan City, hindi lang sa Pampanga.

  21. chi chi

    Sa Bataan na taga Orani daw ang nanay ni Villar ay nilampaso rin ni Noynoy si Villar. Nalimutan ng mga kababayan, hehehe. Anak ni Berto Gonzales na lumaban sa tongress, kawawa rin. hehehe ule!

  22. bayong bayong

    hindi nagtagumpay si gma at mga kampon niya sa kanilang mga plano kaya ayos ang eleksyon. ang nakakalungkot mga trapo at inutil uli ang uupo sa senado, ibig sabihin dating gawi. patunay na nasabik lang ang pinoy sa pagboto dahil automation pero hindi pa rin marunong bumoto, tulog pa rin.

Comments are closed.