Skip to content

Ipagdasal natin ang matagumpay na eleksyon bukas.

Sa ating pagboto bukas, ipagdasal natin na maging mapayapa at maayos ang eleksyun, kasama na ang bilangan.

Ipagdasal natin na ang resulta ng eleksyun ay siya talagang kagustuhan ng taumbayan. Na sana ang gusting maggulo at magmani-obra ng resulta ng eleksyun katulad ng nangyari noong 2004 na eleksyun ay hindi magtatagumpay.

Kahit sino ang mananalo, basta malinis lang ang eleksyun, madali tanggapin.

Botohin natin ang gusto nating kandidato. Kung ano man ang rason ng iyong pagboto, personal man kung ano man, karapatan mo yun. Gayundin, respetuhin nyo din ang karapatan ng ibang tao na pumili ng gusto niyang kandidato kahit iba sa gusto nyo.

Sa bise presidente, iboboto ko si Mar Roxas.


Sa Constitution, isa lang ang trabaho ng bise-presidente. Ang magiging handa na magiging presidente sakaling may mangyari sa naka-upong presidente. Ang record ng performance ni Mar mula pa nang siya ay congressman, hanggang siya ay naging trade secretary, ay magaling.

Sa administrasyon ni Aquino , pwede rin siya bigyan ng katungkulan sa cabinet. Pwedeng secretay of foreign affairs.

Maliban sa kanyang kakayahan, maayos ang kalooban ni Mar. Ito ay nakita nang nagdesisyun siyang ipaubaya ang pagka-presidente kay Nonoy Aquino na siyang hiningi ng marami bunsod ng pagkamatay ni Panguling Cory Aquino.

Hindi madali yun kay Mar dahil matagal na niyang pinaghandaan ang pagka-pangulo ngunit sa kanyang pagbaba sa pagka-bise presidente, pinakita niya na kaya niya isakripisyo ang kanyang paerosnal na ambisyun para sa kapakanan ng bayan.

Dahil sa kanyang pagpaubaya kay Noynoy, lumakas ang kanilang tiket na nangakong tapusin ang hawak sa kapangyarihan ni Gloria Arroyo.
Sabihin nyo sa mga kamang-anak, kapitbahay at kaibigan: botohin si Mar Roxas para bise-presidente.

Sa senador, tatlo ang dalawa ang pinapaki-usap ko sa inyo: si Danny Lim (numero 28), si Ariel Querubin (numero 47) at Alex Lacson (numero 23).

Itong tatlo ay personal kung kilala na mararangal na mga tao. Si Lim at si Querubin ay nakakulong ngayon dahil sa akusasyon na nagtangka silang mag-withdraw ng suporta kay Aryoo noong Pebrero 2006 nang mabulgar na si Arroyo pala ang mastermind ng dayaan noong 2004 na eleksyun.

Maraming tao na magaling lang sa paghikaya ng tao, ngunit pagdating na ng oras, hindi na sila mahagilap. Iba sina Lim at Querubin. Handa silang magsakripisyo para sa bayan.

Si Alex Lacson ay nakilala ko dahil abogado siya ng isa ring nakakulong na opisyal, si Col. Custodio Parcon. Mabait at matalino si Lacson at napakababa ng loob.

Ang karamihan sa listahan ko ng senador ay baguhan. Sobra sa 12 ang aking gusto at medyo nahihirapan ako pumili.

Dadaanin ko na lang kara sa cara y cruz kasama ang dasal.

Published in2010 electionsAbante

73 Comments

  1. tru blue tru blue

    A change in the voting process is a must, I can’t over reemphasize this notion. That genre of electorates who only casts their votes due to name recognition ONLY (i.e Jinggoy, Lito, Bong, Pakyaw etc…, should not be part of the process. Good decent people as the ones mentioned above, who aren’t even close to the Magic 12, is quite disappointing for those who really want “new faces” in congress and the senate.

    The road travelled is unchanged….and as the song goes “the answer is blowing in the wind”.

  2. patria adorada patria adorada

    gusto ko ring manalo si Mar Roxas bilang vice.desente siyang tao.hati ang tribu namin pagdating sa vice.ang iba,Noy-Mar ang iba,Noy-Bi.pero sa senators,lahat sila kay Lim at Querubin.matunog ang pangalan nina Lim at Querubin sa Bicol region.

  3. florry florry

    Voting is a right that should be exercised wisely. It’s sad to think that majority of electorate has not yet reach maturity. Many still lives in the old school of thought that voting for someone who is fully qualified but not winnable is a waste and voting for a winnable but least qualified is alright just to be identified with a winner or to just get rid of someone hated by so many. This is a pathetic, a defeatist and a loser attitude.

    This is not making a wise choice but just going with the flow or bending with the wind but still that’s how democracy works.

    Happy Mothers Day!

  4. hKofw hKofw

    Ang importante sa lahat ay ang piliin natin ang pinaka-mapagkakatiwalaang kandidato sa pagka-pangulo. Punuin man natin ng oposisyon ang kamara kung ang presidente naman ay irresponsable, walang paninindigan, walang prinsipyo, walang political will, at higit sa lahat walang takot sa Diyos ay bale-wala din. Ang pakatao dapat ng pangulo ay mapagkakatiwalaan at iginagalang ng nakararaming mamamayan at maging ng ibang bansa. Isang pangulo na ang pakay lamang ay kapakanan ng bansa na maiahon tayo sa mahabang panahon na pagkakalugmok sa kahirapan at dalhin patungo sa maaliwalas at maunlad na kinabukasan.

  5. hKofw hKofw

    Ellen, pls allow me to upload again my input from previous thread. Natabunan na kasi..thanks. More power to you.

    Para sa akin, bilang may pagmamahal at naaawa sa ating bayan na patuloy na niluluray ng mga ganid, sinungaling, magnanakaw, tiwali, kapalmuks, manyakis, mamamatay-tao, mapagkunwari at mapagsamantalang mga pulitiko…ang gustong kong maging presidente ay si…
    BRO. EDDIE VILLANUEVA.

    Sa lahat ng mga kandidato siya ang may tunay na TAKOT SA DIYOS at may tunay na may PAGMAMAHAL SA BAYAN. Ibig sabihin hindi siya magiging tiwali at mapagsamatala. Binitawan niya ang kanyang posisyon bilang pangulo ng JIL International para lang makapaglingkod sa hikahos at lugmok sa kahirapan na mayorya o nakararaming Pilipino.

    Siya lamang ang ipinagdadasal ng milyon-milyong Kristiyano at Christian Organizations sa buong mundo:

    http://www.youtube.com/watch?v=lvt1sAQkEus&feature=related

    Siya lang ang na-interview sa The 700 Club:

    http://www.youtube.com/watch?v=_Gyi3elyuoY&feature=related

    Siya lang ang tanging kandidato sa pagka-presidente na na-feature sa South China Post Magazine:

    http://www.scribd.com/doc/31057309/Bro-Eddie-Villanueva

    At siya ang nasa prophesy ni Cindy Jacob, kilalang present day prophet na siyang nag-prophesied sa naging presidente ng Costa Rica (Abel Pacheco) at present President ng South Korea (Lee Myung-bak) na nag-katotoo:

    http://www.youtube.com/watch?v=IAW_sl0MRDc

    Sana ipagdasal natin na matupad ang prophesy na ito ALANG-ALANG SA KINABUKASAN NG ATING BANSA.

    “Therefore I tell you, whatever you ask for in prayer, believe that you have received it, and it will be yours.”
    – Mark 11:24

  6. luzviminda luzviminda

    “That genre of electorates who only casts their votes due to name recognition ONLY (i.e Jinggoy, Lito, Bong, Pakyaw etc…, should not be part of the process.” -tru blue

    Name recognition…should that include Aquino too?

    Bantayan at Igalang ang Balota! Let Real DEMOCRACY work! Let’s pray for a peaceful election. Let us pray for our country, too!

  7. baycas2 baycas2

    mahirap man mangyari…

    nawa’y mga anti-gloria ang magsipanalo sa malinis na paraan.

    —–

    alagaan ang inyong mga boto…una na rito ang pag-iingat sa pagmarka sa balota…

    —–

    maligayang kaarawan sa aking nanay…at sa mga inang nakababasa nito!

  8. cmgbx777 cmgbx777

    Ang aking boto.
    Noy-noy
    Mar Roxas

    Acosta Neric
    Bautista Martin
    Biazon Ruffy
    Drilon Frank
    Hontiveros Risa
    Lacson Alex
    lim Danny
    Masa Liza
    Ocampo Satur
    Querubin Ariel
    Guingona
    Tinsay Alex

  9. john cuaycong john cuaycong

    Hi Ellen,
    Just sending a “hello!” wave your way. 🙂

    Salamat ulit sa mga recommendations mo and for correcting my “mistake!”

    Warm regards,

    john

  10. Ellen, do we know the names of people that will be tapped by Aquino as members of his cabinet?

    (Usually, they will have done this long before election day.)

    I’m interested in who will be DND, FINANCE, BUDGET, DOTC and Executive Secretary (the largest department and the biggest money generating state agency of the government.)

  11. Ooops, DOTC (the largest department and the biggest money generating state agency of the government comprising land, sea and air.)

  12. sychitpin sychitpin

    HAPPY MOTHER’S DAY to all GOOD mothers !

    Let’s pray for an HONEST ,orderly and peaceful election tomorrow. And may HONEST,responsible, transparent, wise and good candidates win!

    Congratulations to the 15th President of the Phil. Noynoy Aquino!

  13. chi chi

    14th pa lang, sychitpin…isa peke!

  14. florry florry

    Don’t put someone as a captain of a ship who never experienced playing a bangkang papel or navigated a “banca”; he might steer it to nowhere and get lost in the stormy and treacherous waters in the middle of the sea.

    Don’t put someone as a captain of a ship whose crew members are the same rat members of the previous who jumped ship when they felt it’s about to sink. These rat members were the ones who caused the ship to almost sink and having them as crew will only cause it to sink again and deeper.

    A good captain is one who can frame a vision, who can see the horizon and upon reaching that horizon, he can visualize another and another and another.

  15. No ex convicts please! We need someone who abides by the law…not a slave of “libog”, gambling addiction, and alcohol… 🙂

  16. The private sector, when left to flourish, has the capacity of bringing the country to a higher level.

    Precisely why I’m giving the inexperienced Noynoy a chance, without a dominant, strong, highly visible, micro managing, leader – we will have to work together and roll up our sleeves and get dirty…all he has to do is level the playing field, restore the checks and balances, and discourage the animosity of the classes…

  17. Let us also pray that, whoever wins, will not look at public service as an axtension of his harem…putting mistresses and bastard sons in public office just to keep the business “in the family.”

  18. tru blue tru blue

    “Name recognition…should that include Aquino too?” – LVM

    Op Kors, he is one of those etc..etc….

  19. Lurker Lurker

    Whoever wins MUST BE the peoples’ true choices. And we must respect that, even if we don’t agree! Agree?

  20. Whoever wins MUST BE the peoples’ true choices. And we must respect that, even if we don’t agree! Agree?
    ——————————–

    Agree…whoever wins, whether we like it or not, will be “our” president…

  21. olan olan

    Agree…whoever wins, whether we like it or not, will be “our” president…jug

    only if the results is credible..as in CREDIBLE!

  22. MPRivera MPRivera

    Before I forget, para naman mabawasan ang mga tambay diyan sa Pinas, ‘yung kaibigan kong general manager dine sa Saudi ay nangangailangan ng experienced masons, gypsum board installers, welders, carpenters, heavy equipment operators, mechanics at tile setters.

    If there’s any one you know, just send passport copy and CV at MRivera@almabani.com.sa. Ages from 25 to 40.

    Huwag kayong mag-iisip na magkakapera ako dito, hane? Para la’ang makatulong at nang mabawasan ang mga nakatingala at nakatunganga.

  23. MPRivera,
    Okay lang iforward fo email ad mo kay Villar, baka kasi kailangan niya ng bagong trabaho pag natalo siya?

  24. MPRivera MPRivera

    jug,

    Totoo ito. I just take this opportunity na mismong tayo tayong magkakakilala kahit walang mga walang mukha ang magkatalastasan tungkol dito. Hangad ko lang makatulong sa mga walang trabaho diyan sa Pinas.

  25. hKofw hKofw

    Kakaiba ka MPRivera…Sa totoo lang kapag sa iba yan may kapalit agad na pagkakakitaan…Di tulad ng mga taong nasa gobyerno natin na parang mga linta na walang tigil sa pagsasamantala at paghuthot sa naghihikahos nating mga kababayan.

    Isa kang tunay ang tunay na makabayan…handang tumulong ng walang kapalit…pagpalain ka nawa ng Diyos. Sana dumami pa ang katulad mo…Hayaan mo kapag tumakbo ka sa susunod na eleksyon iboboto kita…pangako! 🙂

  26. all he has to do is level the playing field, restore the checks and balances, and discourage the animosity of the classes…

    I hope he will be up to the task.

  27. Hi Mags, you will be deluged with enquiries and applications !!!

    But what a fantastic opportunity indeed for those folks who need work!

    You are a hero, Mags!!! 🙂

  28. baycas2 baycas2

    Never fret. Manny can take defeat…

    MANILA, JULY 6, 2008 (STAR) PEOPLE ASIA

    “There’s no such thing as on the top of the world,” he quickly points out when I say, glancing at the view from his elegant home, that he seems to be really on top of the world. “There’s always a place higher than where you are.”

    For one, he wants to be Commander-in-Chief in 2010.

    “ I’m not going to wait for another eight years and then win or lose… if you win, win. If you lose, try to move on. I adjust fast. If it isn’t meant to be, then just adjust and move on,” says Manny, who garnered the highest satisfaction rating among public servants in a recent opinion poll.

    He has never experienced political defeat in all his forays into public office — starting in 1992 when he ran as congressman of Las Piñas. He won as speaker, then as senator and then senate president.

    “And that’s why you have to enjoy the climb. You continue the climb until you die. I’m enjoying the climb and I want to enjoy life,” he says.

  29. According to some experts, it will be one week holiday starting Monday.

    Monday – Election Day
    Tuesday – Declare failure of election
    Wednesday – Protest rally
    Thursday – People Power
    Friday – Declaration of martial law

    Kaya HAPPY HOLIDAYS to every all !!!

  30. luzviminda luzviminda

    “Hangad ko lang makatulong sa mga walang trabaho diyan sa Pinas.”. MPR

    MPR,
    What a noble deed. MABUHAY KA!!!

  31. saxnviolins saxnviolins

    Ellen:

    Do we have contact info (email) of political party or grass roots groups to whom the cellphone pix can be sent by election observers? I know that they have their internal organization. But in case there is a lone wolf who is in some far-flung town, who has taken pix as evidence, is there some contact info that they can send the pix to?

    Can we post the contact info here, and other popular blogs like Reynz’ Barrio Siete? Maganda sana kung maaaring ilathala ang contact info sa Radyo, para sa mga nasa malayong pook. Maaari din ang inyong vera files, ngunit baka magka-delubyo, at bahain ang inyong inbox, kaya mabuti sana kung decentralized.

    Wala pa akong nakikitang people power ukol sa pagbantay ng balota. Puro na lang snide remarks about the other guy’s candidate. Kung inyong babalik-tanawin, ang true EDSA ay nagsimula nang bantayan ng taong bayan ang paglipat ng mga ballot box. Doon nagsimulang manood ang buong mundo, nang makita ang mga madreng kapit bisig at nakapaligid sa ballot box, habang inililipat mula presinto hanggang tallying center.

    Ni sa media ay wala akong nakikitang inilalathala ukol sa mga plano ng taong bayan hinggil sa pagbantay ng balota. Mukhang suko na tayo sa ideyang magkakadayaan. Handa na ang taong bayan na mag-protesta ng dayaan, ngunit walang paghahanda ukol sa pagtigil sa dayaan.

    Yan ang panawagan ni Noynoy at Erap, people power kung madaya. Nasaan ang people power para pigilin ang pandaraya?

    We have less than twenty four hours to closing of the precincts. Are the observers in place? Have measures been taken to gather evidence? Not just for legal proceedings, but to post in youtube?

    Sa mga magbabantay, God speed. Lalo na sa mga lugar na violence-prone.

  32. luzviminda luzviminda

    Bakit kaya si Nyoynyoy ay hindi sumama sa mga kapatid sa pagpunta sa puntod ni Cory. Mother’s Day pa naman.

  33. balweg balweg

    luzviminda – May 9, 2010 8:49 pm

    RE: Bakit kaya si Nyoynyoy ay hindi sumama sa mga kapatid sa pagpunta sa puntod ni Cory. Mother’s Day pa naman.

    Di yan magandang pangitain Igan Luzvi…BAKIT NGA KAYA? Being a single…at his age na 50 e wala siyang concern sa mga mother kasi di niya ito na experience, granted na mayroon siyang Momi…but yong maging Momi ng kanyang magiging anak e nililigawan pa?

  34. luzviminda luzviminda

    balweg,

    Sabado pa pumirmis sa Tarlac si Nyonyoy. Ang iniisip ko ay baka ‘sinusumpong’. Huwag niyang sabihing pagod siya. Aba eh si Erap nga na 73 Years old na eh going strong pa rin even at the last minute of campaign.

  35. baka ’sinusumpong’. Huwag niyang sabihing pagod siya. Aba eh si Erap nga na 73 Years old na — Luz

    Heheheh 🙂

  36. Bakit kaya si Nyoynyoy ay hindi sumama sa mga kapatid sa pagpunta sa puntod ni Cory

    Balweg,

    Honestly, para pa que? She’s dead. Maybe, to him, honouring her memory through the living moms will be better?

  37. Sabado pa pumirmis sa Tarlac si Nyonyoy. Ang iniisip ko ay baka ’sinusumpong’. Huwag niyang sabihing pagod siya. Aba eh si Erap nga na 73 Years old na eh going strong pa rin even at the last minute of campaign.
    —————————————-

    Hehehe. Computer illiterate kasi si Erap, ni Iphone nga hindi kayang ioperate, kaya nga may video conferencing para pwedeng hindi na muna bumiyahe pero may visual and audio contact pa rin…isa lang ang expert siyang gamitin, organ… 🙂

  38. Bakit kaya si Nyoynyoy ay hindi sumama sa mga kapatid sa pagpunta sa puntod ni Cory. Mother’s Day pa naman.

    Kung nagpunta kaya si Noy sa puntod ni Aling Cory kasama ng mga kapatid, ano kaya ang magiging puna?

    Nakikinikinita ko na:

    “Paano magiging karapatdapat na presidente ‘yan, e, Mama’s boy?”

    “‘Sus, inuna pa ang Mother’s Day, e eleksyon na bukas.”

    Ang buhay nga naman, o…

  39. Personally, if Noynoy does win the election, its not people like luzvi and balweg I’m worried about. The ones that can do him the most damage are those around him, so he better be careful…

  40. Personally, if Noynoy does win the election, its not people like luzvi and balweg I’m worried about. The ones that can do him the most damage are those around him, so he better be careful…

    Agree 100%, jug. But then, let’s wait till it becomes final.

    Voting a president into office is only the first in a thousand steps. When he’s finally sworn in, we better keep our eyes wide open.

    In a democracy we claim our system to be, it’s not only permissible to speak up to government. It is an obligation.

  41. luzviminda luzviminda

    Ka Enchong, Anna,

    Sabi ni Nyoynyoy nami-miss daw niya Mommy niya. Eh yung pagpunta nga sa puntod on Mother’s Day hindi niya nagawa. Yung sinasabi at nararamdaman, hindi kayang ipakita sa gawa, what more being as president of the country… Their family’s priest has told Kris na magpunta sila lahat sa puntod. The priest want to say mass at sama-sama daw niya silang babasbasan para na rin daw sa eleksyon. Well, pangitain nga ba ito.

  42. LVM,

    Sakali kayang ipakita ni Noynoy sa gawa ang nararamdaman niya, hindi kaya siya mabatikos? Hindi kaya may magsabing inuna pa niya ang sariling damdamin kaysa sa pangangailangan ng sambayanan? Wala kayang sumigaw dito na napaka-unpresidential niya kahit hindi pa siya presidente?

    Kapayapaan at pakikipagkasundo ang hangad ko sa pagitan ng mga maka-Erap at maka… kung sino pa man.

  43. saxnviolins saxnviolins

    luzvi:

    Let us follow the spirit of the law, not only in public places, but in our hearts. Tigil na ang campaigning ngayong araw. Nakapamili na ang mga tao. Pag-usapan na lang natin ang pagbantay sa balota.

    Sabi, mga 1,000 voters daw sa bawat presinto dahil sa clustering. 1,000 divided by 60 minutes is 16.67 hours. That is, kung isang minuto lang bawat tao ang pagsubo sa makina, at pagbasa ng balota; at kung even ang pagdaloy ng tao. Ngunit kung walang darating ng maaga, at magsitumpok ng alas 8 or 9 am, hahaba ang pila. 7 am plus 17 is 24. So malamang 24 horas bago matapos ang halalan.

    So I hope people vote early.

    Kung gusto niyo naman, gawin ang sabi sa Chicago. Vote early and vote often.

  44. saxnviolins saxnviolins

    luzvi:

    Hindi lang ikaw, kundi sana lahat ng nagsasalita pa rin ukol sa mga candidato.

  45. saxnviolins saxnviolins

    Peace mga kakontra at kakampi. Magbantay balota na tayo.

  46. kalikasan kalikasan

    kapag c abnoy aquino ang presidente tataas ang meralco at masahol pa tayo kay gma at asan ang katarungan ng mga kaanak na pinapatay ng pamilya aquino sa hacienda luisita tarlac at pinatay n biktima ng mendiola massacre kaya asan ang mga media kinalimutan nyo na ba ang mendiola massacre katarungan asan? mayor lim at ayaw kosa taong author ng vat kaya sana maging mulat na tayo at ang grupong dilaw ay mga oportunista at mga taong walang paninindigan at mga nag evat sa atin sa kumonoy ng kahirapan….

  47. kalikasan kalikasan

    mga E-VAT MAN
    MAR ROXAS
    NOYNOY AQUINO
    RALPH PAHIRAP RECTO

    MGA WALANG PANININDIGAN
    FRANKLIN “IYAKIN” DRILON
    MAR “ATRAS ABANTE” ROXAS
    TITO “14K DRUG LORD” SOTTO

    KAYA KUNG GUSTO NYO IBOTO NYO CLA NA NAGPAHIRAP SA MASANG PILIPINO HOPE SANA MAALALA NATIN ANG KANILANG NAGAWANG MABUTING MASAMA SAAN KA PA ONLY IN THE PHILIPPINES…

  48. kalikasan kalikasan

    HAPPY NANAY’S DAY SA MGA MOTHER, INA, NANAY, LOLA, AUNTIE, INDAY NA NA NANAY SALAMAT SA INYO SA PAGGABAY SA AMIN BILANG ISANG ANAK SLAMAT AT MAHAL NAMIN KAYO SANA GANON DIN NILANG MAHALIN ANG ATING INANG BAYAN

  49. luzviminda luzviminda

    sax,

    Pwede daw mga 20 voters simultaneously. Average time is 8 minutes per voter. Palagay na nating 10 minutes per voter para may allowance. So sa isang oras mga 120 voters ang dapat makaboto. 1000 voters devide 120, nasa 8.3 hours yan. Pero di naman 100% per precinct ang voters turnout. Kaya kung walang aberyang grabe, kayang malaman ang resulta on that day.

  50. Agree ako kay Sax! Bantayan ang balota!

    Luz,

    Their family’s priest has told Kris na magpunta sila lahat sa puntod. The priest want to say mass at sama-sama daw niya silang babasbasan para na rin daw sa eleksyon.

    To be clear, I’m not defending Aquino, just that I don’t see the necessity of going to Cory’s tomb today, he can do it tomorrow or the next day to visit “her”; if he’s got other things to do (I think) like being with the living moms to honour them, would be much better, don’t you think?

    Besides, I’m sure the family’s priest (???is he on their payroll???? can do the job of saying hello to Cory on his behalf.

  51. Btw, Luz, what is babasbasan? Thanks.

  52. Average time is 8 minutes per voter

    Talaga?

    Wow, ang tagal! Or maybe because there are so many boxes to tick…

  53. luzviminda luzviminda

    Sax,

    Hindi naman pinagbabawal sa HINDI kandidato ang magsalita tungkol sa kanyang kandidato, even on the election day di ba? Sa mga kandidato lang may deadline. And besides nagapsintabi na ko. Sorry kung hindi okay sa iyo.

  54. saxnviolins saxnviolins

    luzvi:

    120 voters ang sabay-sabay na magmamarka ng balota. Pero ilan ang puwedeng isubo balota sa makina? Isa lang.

    So yan ang bottleneck. Yung fax namin, kung tumanggap ng papel, may mga 10 seconds ang bawat bond paper. Gaano ba kabilis ang pagsubo at pagbasa ng boto? Mula ng pag-abot sa teacher, and then pagluwa ng makina ng balota?

    Ana:

    Basbasan – to bless, or give one’s blessings. Also, to approve.

  55. saxnviolins saxnviolins

    luzvi:

    Huwag mong sanang damdamin. Ibig ko lang ilipat ang pansin ng comunidad na ito sa proceso, sa halip na sa candidato. Nakapagpasiya na tayong lahat. Magkakampi tayo kay Erap, kakontra ni jug na kay Noynoy.

    Ngunit magkasama tayong lahat sa hinaing na ang halalan ang maging malinis. Ito na dapat ang pagtuunan natin ng pansin. Yan tit for tat kontra o laban sa isang candidato ay walang katapusan. Hanggang ngayon, marami pang bangayan ukol kay Obama at si McCain; dalawang taon na ang nakalilipas.

  56. luzviminda luzviminda

    Yes Anna, Basbasan – to bless, to approve

  57. luzviminda luzviminda

    Sax,

    Okay na. Lahat naman tayo hangad ang malinis na halalan. Sawa na tayo sa pambabastos sa ating Constitution at Demokrasya. Election is the BASIC step in attaining that goal. Let us pray that God is looking upon us especially tomorrow, Election Day, at hanggang ma-declare ang taong magli-lead sa ating gobyerno.
    GOD BLESS THE PHILIPPINES!!!!

  58. Thank you Sax and Luz.

    So yan ang bottleneck.

    Sax, couldn’t agree with you more.

    Have they agreed on a course of action if the voting seriously lags?

    I think I’ve told you not just once (but a few times) about the French experience which involved only the presidential election (not parliament).

    There was a huge bottleneck in most precincts were electronic voting was installed owing to folks, mostly the older ones, who held up the electronic machine and voting became so slow slow. Voting precinct commissioners finally had to do away with the machines and went back to the good, old manual voting system halfway. They reckoned that if they’d gone ahead with the electronic voting, at least a third of the voters would have been disenfranchised.

    This is what is really really on top of my mind in Pinas — and to think that there are so many boxes to think.

  59. saxnviolins saxnviolins

    Okay. Isang kasagutan sa tanong ko sa itaas, ukol sa pagbantay balota. Ang isa sa mga kopya ng election returns ay iaabot ng Comelec sa LENTE. Ang kanilang email ay:

    lente.philippines@gmail.com

    Diyan puwedeng ipadala ang mga photo, bilang patunay sa total sa presinto. Maaari nilang kailanganin ang mga photo upang ihambing doon sa official tally.

  60. luzviminda luzviminda

    Sax,
    May bottleneck talaga kaya nga dapat well prepared na rin ang mga botante, like having their list, para hindi na sila maging cause of delay, maki-cooperate sa maayos na proceedings sa mga presinto. Magiging isang problema ang mag-overheat ang mga PCOS machines.

  61. luzviminda luzviminda

    Okay lang naman na may delay basta lang matapos ang bilangan on the same day at maprotektahan pa rin ang mga ballots and paraphernalia in case of irregularities, dahil may random sampling para sa manual audit. Baka kasi may mag-sabotage para lang palabasin na may dayaan maski wala. Remember although unofficial, andyan pa rin ang NAMFREL na nagte-trending.

  62. awww… “and to think that there are so many boxes to TICK!”.

  63. Saang eskwela kaya ako bukas? Sana hottie uli yung abugado ko gaya nung last time para hindi nakaka-boring. Hehehe.

    Hindi kaya ma-clog ang airwaves bukas, balita ko merong plano na isara ang wi-fi signals bukas para exclusive lang sa Comelec ang ere pagdating ng 6:30 to 7:00 PM which is the time frame that the machines will transmit their data to the servers. Can anyone confirm this?

  64. Sa mga watchers ng mga kandidato, siguruhing meron sa grupo ninyong kahit isang kopya ng Omnibus Election Code, yung mga teachers/BEI na kakampi sa kalaban ninyo, pati na yung mga principals, baka gumawa ng malasado, meron kayong maipapakitang reference.

    Experience ko nung last election, pinagtatalunan yung Equity of the Incumbent Rule, naglabas ng pekeng COMELEC resolution ang kampo ng kalaban na dahil sinuspend si Mayor Peewee ng Ombudsman, ang incumbent daw ay yung acting Mayor. Mabuti na lang napaghandaan namin at nagistribute kami ng maaga ng kopya ng desisyong pinirmahan mismo ng Chief ng Legal ng Comelec, si Alioden Daligdig (RIP). Ini-announce ng principal sa PA System na i-disregard yung pekeng resolusyon ng kalaban.

    Example lang yan. Wala nang silbi ngayon yung Equity of the Incumbent kasi wala na ngayong kandidatong kapangalan (at least sa National). Naalala ba ninyo yung Peter Cayetano? Wala na ngayong vague na boto kasi nga yung minarkahan ang binibilang.

    Kaya mahalaga na meron kayong hawak na Election Code. Kung hindi ay paiikutan kayo ng mga abugado ng kalaban ninyo.

  65. saxnviolins saxnviolins

    Surefire bases to demand a manual count:

    If you see a zero on a candidate, and you voted for him, then that means that there was a glitch (incidental or intended). Go to the RTC, and ask for a manual count. Your affidavit stating that you voted for xyz candidate will be the factual basis for the petition.

    It does not have to be a zero. If your family (comprised of say, five individuals) all voted for abc candidate, and you see a count of four, then there will be factual basis for a manual count.

    Kung ang klase niyo (say in the province) all voted for candidate 1-2-3, at trenta y dos ang mga kaklase, at 31 lang ang boto, puwede ring mag-demand ng manual count.

    In summary then, know the numbers in your party, in the precinct. That will form the basis for any demand or a manual recount. That must be done on the same day (bukas naman ang courts hanggang gabi), before the paper ballots are physically transported; lending them susceptible to the old switcheroo.

  66. Slip of The TonGuE:

    “Alioden DALAIG” instead of Alioden Daligdig.

  67. bayong bayong

    alam na nga maraming tao kung sino ang iboboto nila kasi bayad na sila. lantaran na ang pamimili ng boto, kawawang pilipinas kahit ano gawin mo dating gawi pa rin.

  68. sychitpin sychitpin

    May HONEST, RESPONSIBLE, TRANSPARENT, WISE AND GOOD CANDIDATES WIN, GOD BLESS US ALL !

  69. sychitpin sychitpin

    AMEN…….

  70. sychitpin sychitpin

    CHI; # 14:
    i agree with you, in fact it could even be the 13th

Comments are closed.