Follow VERA Files running reports on Elections 2010.
Here are the earlier accounts: Click Here
Let us know your comments and reactions.
Follow VERA Files running reports on Elections 2010.
Here are the earlier accounts: Click Here
Let us know your comments and reactions.
You must be logged in to post a comment.
Buti meron nito, wala kasi akong TFC…wa akong pambayad. 🙂
chi – May 8, 2010 9:20 pm
RE: Buti meron nito, wala kasi akong TFC…wa akong pambayad.
Kahit na may pangbayad ako Igan Chi…AYAW ko na ng TFC at gusto ko lipat na ako sa KAPUSO?
Bias kasi ang ABS-CBN…maka-elitista!
Suportahan natin ang Automated Election – a modern democracy voting!
Wala rin akong pambayad sa TFC pero nakababad ako sa internet, free kasi ito.
Palagay ko magka-loko-loko sa Lunes ang botohan … date pa lang masama na Mayo-Ten …. tanong niyo sa mga Ilokano …. lol
Fuck*ed PCOS machine!
Si Pastor Apollo Quiquiboy ay Gibo-Mar pala ang inendorso … parehas sila ni Dong Tree ng DILG … bakit iniwan si Edu? Di ba si Dong Tree pa daw ang pumili kay Edu? Oh my goli ……
Nagka-hudasan na. Alam nilang walang pag-asa si Edu. Pankip butas lang. Sigurista ang mga pendeho.
Nagwawala na pala si Villar …. susunod …. magbibigti na …. lol wag naman sana. Ang sisihin niya ay itong mga gumagawa ng ads niya na napaka-walang kuwenta. Lalong lalo na itong sina Cayetano, Remulla at isama mo pa si Revillame.
Tuwang tuwa nito ay si Revillame … mukhang nalipat na ang yaman ni Villar sa kanya …. hinamon na ang TV station …. na kung hindi nila gawin ang gusto niya … magre-resign siya. Wowowee talaga itong taong baluktot ang mga daliri … bakit di niya ito ipa-ayos … marami naman siyang datung na.
Paano niya mabawi ang gastos sa eleksion? Siyempre nangutang siya.
DKG,
Ibang utangan na naman iyan … lol … yan ay kung hindi makukulong pag napatunayang tama lahat ang paratang sa kanya. O baka naman kalimutan na lang ulit. Hay Pilipinas kung mahal kailan ka pa uunlad!!!!
re:tedanz#10,kaya pinili ni woweee,si pongkan dahil katulad ng daliri niya ang pinalikong kalye upang komolekta sa kaban ni juan dela cruz.
“Nagwawala na pala si Villar …. susunod …. magbibigti na …. lol wag naman sana.” – Tedanz
Baka lalong madesperado si Villar dahil sa araw ng eleksyon maraming maka-Villar ang boboto kay ERAP dahil natauhan sila sa pekeng maka-mahirap PolAds niya….Sa laki ng gastos niya at di makabawi, baka tsaka lang niya matitikman ang maging tunay na mahirap! LOL!
No 5 (Tedanz): Eto isa pang version ‘May o ten’ very close to your version and so obvious, LOL. Sorry folks, pero talagang parang may nagbabadya na may bastusan na mangyayari sa election. Sana ay balintuag at maayos ang lahat, but gut feeling tells otherwise.
Bakit di magwawala si kulay pongkan,ang spinmaster niya ay puro utak “BIYA”na galing sa ilog pasig.sagpakin ba naman ang puro di kapanipaniwalang teleseryeng talaarawan ng isang ungas,tapos sasabihin black propaganda ang pagkalkal sa tunay na pangyayari,sino ba ang dapat sisihin.Di ba gustong siyang maging idolo ng masang mahihirap,sa pandurugas sa kaban ng bayan.Mabuting mag-exit planning na,hanggang maaga paglumabas na ang “plunder case”siguradong swak sa paghimas ng rehas ang bagsak.
Tedanz,
Gibo-Mar and inindorso ni Puno dahil kung Noynoy ay masyado syang halatado na super-hunyango at nagbabakasali na kung manalo si Roxas ay meron magsisiksik sa kanya sa bagong administrasyon. Hindi kailangan ni Mar ang endorsement ni Puno dahil walang hatak yan. Ngayon pa na panalo na si Mar at saka sya maga-announce. Kawawang Edu, iniwan ng ninong.
Kawawang Edu, iniwan ng ninong.
Who is his ninong?
Anna,
Si Ronaldo Puno mismo ng DILG ang ninong. Siya ang pumili na maging Vice President siya ni Gibo.
cigurado me kapag natalo is pongkan (villar) hindi malayo na magbigti csya sa dami ba naman ng pera na ginastos nya sa advertisement, dapat isama na nya sila remulla, cayetano at revillame sila kasi ang dahilan kung bakit nagkaletse-letse ang partido NP. Malas at pabigat ang 3 ITLOG (remulla, cayetano, revillame)
Happy Mothers Day nga pala sa lahat ng mga Mothers dito sa ating Ellenville.
Breaking News: 13% of all precincts nationwide are vulnerable to fraud for lack of transmission facilities.
This 13% is huge and could be the determining factor in the results of this election. Read and see how political operators may do it.
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100509-269008/10000-poll-precincts-vulnerable-to-fraud—-watchdogs
Ano? Hindi maiboboto ni Col. Querubin ang sarili niya dahil sa mga hinayupaks na bwisit &&^^%$#*#@! Sanamagan!
Anna, another meaning of ninong in Pinas is someone who chose somebody for a particular position. In Edu’s case, ‘dinampot’ sya ni Puno to be Gibo’s partner. Traydor talagan si Puno.
Tedanz, nasagot mo na pala, sori dehins ko nakita kaagad.
Thanks, Chi — like Don Vito Corleone… 🙂
Ellen,
Was Dante able to get out of stockade to at least cast his vote in Kalinga?
Ibig mong sabihin chi, hindi makakaboto yung mga Tanay Boys kasi hindi si la rehistrado sa kampo? bwahahaha. Putang ina.
Good job, Vera Files. Ganda ng layout, simple at maayos ang format. Kung may maisip tayong improvement shout out natin dito.
Sayang, dinalaw ko mommy ko sa San Pedro kanina, merong pang nangangampanya. Kandidatong konsehal, may meeting sa labas ng bahay, sandamukal ang mga traysikel, motorsiklo at tao, NAGKAABUTAN pa, P300 daw. Nakunan ko ng video, pero leche, hindi ko naisave bago naubos yung baterya ng cellphone ko, buwisit! Yung ba kong cell pag stop mo ng record, saved agad.
Fantastic Erap struggle!
by Herman Tiu Laurel
http://www.tribune.net.ph/
“Why did the resurgent President Joseph Estrada throw his hat into the ring in the first place?”
Thanks,Tongue, padala mo sa akin photos mo. I’ll post it in CoveritLive.
Anna, re 27. Yes. Atty Verdadero said Dante was able to leave for Kalinga Saturday evening.
Atty. Verdadero said they faxed the faxed copy of Gen. Bangit’s approval to Dante’s custodians and the latter at first said they don’t accept faxed copies.
Atty. Verdadero told them to look at the number phone number where the fax came from. It’s the office of the AFP chief. What more do they need.
In the end, pumayag na rin.
Col. Querubin will go to La Union tomorrow by plane.
Ellen,
Question of efficiency, Bangit’s office should have sent a copy to the custodians. Ordinarily, anything as official as that, particularly one involving a detainee, military office should send a copy to stockade.
Not surprised that custodians didn’t want to accept fax copy. If I were custodian, I wouldn’t either unless I received a direct order from Bangit’s office.
It’s Bangit’s office that’s got to be blamed!!!
Goes to show, they were doing it half-heartedly, and if not that, just out of plain stupidity.
Amateurs! Plain amateurs.
“Nakunan ko ng video, pero leche, hindi ko naisave bago naubos yung baterya ng cellphone ko, buwisit!”
Tongue,
Huwag yan ang gamitin mo tomorrow. Importante ang mga celfon and cams bukas. I-charge ng maigi. Sana ang mga networks ay gumana din ng maayos bukas at hindi magtraffic para maka-send.
Doon sa mga marcos loyalists…abangan…sa senado (ang anak) at sa mababang kapulungan (ang ina):
Imelda Marcos on truth and love
Here she talks to the BBC about beauty, world peace, and of course those infamous shoes – set to music from a new album about her life, ‘Here Lies Love’, by David Byrne and Fatboy Slim.
Matindeh!
Ellen, wala akong nakuhang photo, video lang di pa na-save.
Anyway bukas, digicam o videocam ang dala ko. Maglalagay ako ng laptops sa command post para merong internet, just in case.
Hindi pa ako nangangampanya dito, pero para sa mga taga-Pasay, yung nagsasabing pagbabago ang alay nila, pagbabago sa kasamaan yon.
Yung isa, yung nag-“rescue” sa Jueteng whistleblowers ni Bishop Cruz para bumalik sa palda ng Donya at Kumareng Lilia. Ito yung dating pulis na humawak ng scalpers sa PBA noon kaya tinanggal sa Astrodome ang PBA.
Yung isa, may-ari ng sabungan sa Cementina at tao ni Taba, inilalagay sa Pasay para maging pulido yung Gambler’s Paradise ni Genuino/PAGCOR. Magtataka kayo dahil sumanib na sila sa partido ni Erap. (PMAP)
Yung isa pa ay kasalukuyang Bise at hindi makapaghintay na grumadweyt si Peewee. Marami na sigurong “naipon” sa konseho. LP siya dahil yung tatay ay OIC appointee ni Cory noon. Nakakahiya pero yun yung Meyor na ang sekretarya nasa likod niya nakaupo. No-read, No-write kasi.
May tatlo pang ala-tsamba pero walang panalo.
Kung yan din lang ang ipapalit, kay Peewee na lang kayo. Dahil orig na Nacionalista siya ay siya lang ang dala ko. Hindi yung pangulo nila. Wala pa si Villar sa politika, NP na si Peewee.
Pero ito ang maipagmamalaki ko, WALANG KANDIDATO ANG LAKAS-KAMPI SA PASAY. Alam nilang sa kangkungan sila pupulutin (ewan ko bakit pinulot ni Erap itong mga basurang dating Lakas).
Malinaw ba? Peewee Trinidad for Mayor, Onie Bayona for Vice Mayor. Hindi dahil pareho kong kumpare kundi dahil sa performance, at matigas na anti-Gloria kahit saan mo tignan. Parehong hindi natinag kahit binobomba ng trak ng bumbero ni Ronnie Puno/Gloria.
Ilaglag na ninyo si incumbent Cong. Lito Roxas (LP) isa sa mga author ng Cha-cha.
Bahala na kayo sa mga konsehal.
Kung kaya nilang mang-zero sa ARMM, kaya rin naming i-zero si Gibo dito. Alam niya yatang walang boboto sa kanya kaya hindi nangampanya dito.
So long Gibo!
For the superstitious, aswangs, magkukulams, diviners, this is for you!
A halo around the sun as seen in the Philippines on eve of elections:
http://news.blogs.cnn.com/2010/05/07/suns-halo-gift-from-god-end-of-days-or-just-pretty/
sana maayos ang election,walang dayaan.magkaroon tayo ng isang leader,presedente na talagang ibinoto ng nakararami sa atin.
mabuhay ang Filipinas!
Bangit appeals to Filipinos: Trust me please!
Trust Bangit? Nah! Don’t let him out of your sight — watch that ballot!
“Don’t let him out of your sight” …. Anna.
Sorry Anna …. di ko type ang pagmumukha niya. lol
🙂 Pagtiisan mo na Tedanz until the ballots are counted.
Sana naman,ay maging malinis halalan,kung ang kalabasan ay isang napakamahal “HANGALAN” sa daming problema ang nagsusulpotan,sa makina ng pagbilang,dapat mahanda na ang taong bayan ng isang mahabang lubid at pagbibigtihin ang mga hinayupak na Komolekta at SMART-atik,dahil ang lahat sila angdahilan upang isang botante maging hangal.
Yep,
so long gibo!
What will happen to Nikki presidency or nothing? Ouch!
Ano ba yan, magang-maga palpak ang mga pcos! 98% daw handa sa election ang comelec. Korek, 98% na handang mambulilyaso ng eleksyon.
quite a few machines are not working..solution is let the voters complete their ballots and read them later when machine are back working OR can be read by other machine from other Precinct…I think that can be done that way if some machines can not be made to work.
Long, long queues in the voting centers now. Voting is getting delayed. Voters getting frustrated. May just go home. Disenfranchised.
The ones left will be those “paid” by their “machinery”. So here’s hoping voters hang in there and really cast their vote.
Whew! Maaga pa lang dami na ring tao sa mga presinto. Mga excited bumoto dahil automated na. Historical! May mga confusions dahil clustered ang mga presincts. Sa hanapan pa lang kug saan ang isang tao ay nakalista nagkakasikipan na. Buti na lang at binisita namin kahapon kung saan ang mga presinto namin. Ngayon proud ka kapag may indelible ink ka sa daliri!
Ang naging pinaka-problema ay ang pagkaka-cluster sa mga presinto kaya ipon ang mga botante. Mas maayos sana kung yung dati o hanggang 2 presinto lang at hindi lima ang pinagsama kung gustong makatipid. O pwede rin sanang yung tuloy-tuloy lang ang pagboto at ihulog na lang sa ballot box. At yung pagbilang na lang ang gawin sa huli, na ang mga BEI na lang ang magsusubo sa machine. Witnessed by the voters at mga watchers. Sa ganuon ay pwede ring mabilang ng manual as supplementary yung mai-stale ballot ng makina.
Hi TonGuE, ‘yung kaklase kong si Antonino Calixto, kandidato rin ba sa Pasay?
Ellen,
Just learned that polling stations will close at 7PM (extended from 6PM)?
Goodness gracious me — that’s very short. I hope not many will be disenfranchised.
In the UK’s recent May 6 election, voting was until 10PM but still, many were uneable to get in and vote/were disenfranchised; and to think that election was choosing from party lists so easier and faster.
Given that automation is new in Pinas, they should have provided for outright extension of voting to allow for maximum number of voters to make it to booths. Are there any contingency measures put in place at all besides extending voting from 6 to 7PM, eg., adding precincts halfway or towards 6PM?
Those who are within 30 meters of the precinct will be allowed to vote beyond the designated 7 PM deadline. All will be accommodated for as long as it takes.
Thanks, Lurker. When you say, “All will be accommodated for as long as it takes.”, does that mean beyond the 7PM deadline? What about those that find themselves beyond the 30 meter mark when 7PM voting is closed, what happens to them?
(Btw, those who were disenfranchised — hundreds of them — in the recent UK election, i.e., those waiting in queus to vote when precincts were closed at 10PM are now mulling suing UK govt to tens of millions of pounds for having been disenfranchised on the basis that govt should have been better organised — they see disenfranchisement as a violation of their constitutional and democratic right.)
Si Kris sobra ang pagtakip sa unahan ng balota niya. Naintriga tuloy ako na baka si Jojo Binay ang binoto niya para VP dahil medyo nagkatampuhan sila ni Koring bago eleksyon…Sayang naman yung mga na-stale na ballots. Maayos naman yung ibang balota pero hindi nabibilang. Nakakahinayang kung ikaw yung botante. Dapat naman pwedeng bilangin manually yung mga na-stale. Basta complete ang safeguards para di masingitan ng dagdag ballots.
Si Kris sobra ang pagtakip sa unahan ng balota niya.
Talaga? Hahahah! Dapat nga ipakita niya na straight LP ang vote niya…
Naintriga tuloy ako na baka si Jojo Binay ang binoto niya para VP dahil medyo nagkatampuhan sila ni Koring bago eleksyon Heheheh!
Initial counts show my vp losing…big why?????!
Chi, here they are:
Aquino, Binay continue to lead in initial tally
As of 8:21 p.m.:
President:
1. Benigno Aquino III: 179,020
2. Joseph Estrada: 136295
3. Manny Villar: 102271
Vice President:
1. Jejomar Binay: 185623
2. Mar Roxas: 152263
3. Loren Legarda: 96415
Ngeeeek!
By 30,000 votes — dang!
Bakeeetttt!!! Sumurender ba sila sa init, or something has happened along the way. Naku chiz…ikaw ha!
Huge initial gaps between presidentiables….’till Hello Garcilandia.
Now, this is hilarious:
Erap skipped Binay’s name for VP; it happened daw it because he had left his prepared list of candidates with his security officer
(Ano yon naulyanin na siya?)
He then admitted he had inadvertently skipped Binay’s name on the ballot but claimed he eventually corrected the supposed oversight. He did not say how he was able to correct the oversight—when his ballot had already been swallowed by the machine.
Estrada took eight minutes to fill out his ballot…
Heheheheh!
Junking junking at the polls ha. I wonder if those initial counts were from metro manila.
Pero bilib ako ke Erap, lumalaban talaga ang numbers.
“Estrada took eight minutes to fill out his ballot…”
Nag-minimayniwho pa. hehehe!
I still think it’s going to be Noy-Mar who’re going to win. The INC and the Quiboloy votes will make a huge difference in the final count.
However, I just hope that the winners will be gracious enough and the winners gallant enough to accept defeat and not invoke that infamous battle cry “I was cheated!”
COMELEC ELECTION RESULTS INFO: nada, zilch, zero, wala, nul info IBA NA NGAYON website daw e walang info!!!
although i didn’t like having to reveal the secrecy of the vote (the reason for the ballot secrecy folder, of course!). those videographer and photographer should probably be taught some lesson!
anna, here are the video and photos:
http://barriosiete.com/and-the-betrayal-begins-erap-junks-binay-in-this-video/
‘di ko pa napanood ang video (low tech cellphone) pero ang picture…the close-up says it all.
tsk, tsk, sabi pa nung 1 mama kanina, si erap na lang daw siya…para marami uling jokes…
Hey folks, Melo just said that the president will likely be declared tomorrow! Super bilis naman yan and it’s a bit scary!
Hahahaha! Thanks, Baycas.
Poor Erap! He’s already forgetful. Hindi pwede sa presidente ang forgetful. Good thing we don’t have nukes. Imagine if we did and he forgot which color key code to turn and turned it to release nuke, ayayayayay!
Heheheheh!
Talaga Lurker? Wow! Bilis… I wonder how many acutally, finally voted… (How many were disenfranchised due to glitches, long queus, bugs, mess, etc.?)
Anna, here’s the link: http://dateline.ph/
10:36
Luz Rimban:
BEN DOMINGO, Nueva Ecija: Substitute PCOS machines will save the night for the BEIs and the watchers in several precincts here. But what if these will again malfunction? And what will happen to the ballots that will be rejected by the machines at this point?
The COMELEC Should keep the Rejected Ballots and If there were Close Contest and Upon Protests, the Courts may decide to Manually count the Rejected ballots if it believes it may decides the outcome of the close Contests. (Assuming all others counting were OK)..it is quite possible since we also count and tallied spoiled ballots to determine which are Protest Votes and the spoiled ones. (checking or X two candidates will spoiled the votes)
Thanks, Lurker! Good news!!!
Chi asked:
Initial counts show my vp losing…big why?????!
Initial returns may have come from Binay’s “territories”. As we knew block voting within a geographical area is common and the returns of less than a Millions with 30 thou votes will easily get offset when another returns from Roxas (Iloilo) keep coming In.
The current trend is Noy-Bi and probably Aquino-Binay Administration.
Ngeeek….”probably Aquino-Binay Administratio”
Kawawa naman si Mar. He probably didn’t know what hit him. I’m still hoping he makes it.
Ellen, friends and countrymen…
Have fun! Sadly, I will not be able to keep tab of election results. Have got to be away for one week and shall be leaving my computer behind so will have no access to Ellenville and to internet in general; no TV either but will have radio in the car so may just tune in for updates if ever..
Sigh…
See y’all in a week!
9:30pm Tigil ang printing ng precint tally sa halos lahat ng presinto dito sa school dahil ubos na ung thermal paper rolls.
Amputa namang incompetence yan!
22 copies para sa national, 22 copies para sa local, 20 copies pa lang ubos na supplies. Ni hindi marunong kumuwenta ng rolyo ng papel, pinagkatiwalaan sa pagkuwenta ng boto?
Hihintayin pa raw yung I.T. (Smartmatic) bago mag-transmit ng tally. Mag-aalas diyes na wala pang I.T.!!!
“9:30pm Tigil ang printing ng precint tally sa halos lahat ng presinto dito sa school dahil ubos na ung thermal paper rolls.” – TonGue T
Thermal papers? Time pa ni mahoma yan, hehe. A backward country with a backward technology and backward electorate.
Anna, why don’t you get a notebook so you can keep tabs on what’s happening here? Anyway, happy and fruitful trip!
Lim has already been declared winner of mayoralty race in Manila.
Luzon could have been solid with Binay with his Batanguenyo, Ilocano/Ibanag etnic background. But it ain’t over till the fat lady sings, whoever that fat lady is.
Losers, however should respect the results and move on.
How’s da Pakyaw doing? Am more interested in him.
all the other presidential aspirants should concede now with the exception of ERAP. Wala na silang ihahabol kay Noynoy. Baka umaasa pa na mag karoon ng magik.
Thanks, vic.
What going on in Cebu?
Natatawa ako dito, lumangoy sa basura ng Tondo si Villar pero 3 lang nakuha niya, tie pa sila ni Gibo.
___
Noynoy, Binay win in RP’s smallest precinct
abs-cbnNEWS.com
Posted at 05/10/2010 9:39 PM | Updated as of 05/10/2010 9:39 PM
MANILA, Philippines – It’s Senator Benigno “Noynoy” Aquino III of the Liberal Party and Makati City Mayor Jejomar “Jojo” Binay in the country’s smallest precinct.
Aquino and Binay topped the results in the country’s smallest precinct with only 136 registered voters.
The precinct is at the Gregorio del Pilar Elementary School in Tondo, Manila.
The results were:
For President
Benigno Aquino III: 29
Joseph Estrada: 17
Manny Villar: 3
Gilbert Teodoro: 3
Eddie Villanueva: 2
Richard Gordon: 2
For Vice-President
Jejomar Binay: 23
Manuel Roxas: 22
Bayani Fernando: 5
Loren Legarda: 4
Why Jake, a million dagdag to favor Goyang’s bet in Cebu, again?! Baka hindi lang isang milyon sa laki ng gap…
Pacquiao smiles about early results of congressional bid
—–
thermal paper? para nabubura…
abangan dito per region:
http://politics.inquirer.net/eleksyon2010/index.php
I think the lead of Noynoy is already insurmountable. As for the VP race, it’s a very close race. Erap and others might as well concede.
3C’s (Cory, callus, and Chiz factors) could spell a B victory in the VP slot.
tnx, baycas.
Mike, earlier Comelec announced that there’ll be a new elected president by tomorrow. Ayan na nga, mapapahiya si Garci sa laki ng gaps between Noynoy and Villar/Gibo.
The results in the precinct where I voted:
PRES:
noynoy – 218
erap – 163
gibo – 59
villar – 55
gordon – 18
VP:
binay – 305
roxas – 149
bf – 31
loren – 30
edu – 6
SENATE:
jinggoy – 340
bongbong – 318
miriam – 305
enrile – 299
revilla – 285
drilon – 275
pia – 269
sotto – 247
risa – 230
serge – 229
biazon & remulla – 184
Uuuuuyyyyy…. panalo si Pacman sa Saranggani. 😛
Was looking at the results for the local posts. Mukhang nahirapan ang mga mandaraya sa mga previous elections. Di marunong gumamit ng computer. Next time, kumuha sila ng IT expert. Hehehe 😛
As of 12am wala pa ring thermal paper sa Rivera Elem. School.
Imee is leading against Michael Keon and her mom. Imelda Marcos is also leading.
Chavit is leading in his home turf by a wide margin. 🙁
Gloria is also leading by a mile. 🙁
Mike, tigilan mo na…! hahaha!
Okay na rin at least lumalaban si Erap. It goes to show na mahal pa rin siya ng masa. Now we have to brace for the next 6 years. Sana bumaba ang mga bilihin at basic services like electricity and water.
“Mike, tigilan mo na…! hahaha!” – Chi
Ayoko nga 😛
Humihirit pa si Erapski. 😛
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100511-269277/Estrada-complains-about-trending-in-release-of-poll-results
Naiiyak ako sa mga balita mo, Mike. 🙂
Imagine, Cong. Goyang, Cong. Pakyaw, Cong. Imelda, Gob. Imee, Sen. Bongbong, etc.
Teka, ano ang balita mo kay cheap sikyu Mikey? Ano ba si Swingson…gob. o tong?
Si Mikey at si Angie, olats. Buti nga. 😛
Si Switik este, Swingson Gob.
Pasok si Goma, este, si Mrs. Goma. 😛
Esperon out.
Manay Gina in.
Ok, medyo ayos ang balita mo ngayon. Olats talaga si Mikey at Angie, pati si Esperon ha?!
Chi, eto yung tinitignan kong site para sa local results. 🙂
http://www.gmanews.tv/eleksyon2010/provincialcount
Thanks, Mike.
It’s 3:00AM, the latest report I got (2:50AM) is that the thermal paper rolls are still to be received from Comelec.
And the schools that have this problem are those considered the incumbent’s “balwarte” areas. Something’s afoot. Looks like Peewee’s votes are held captive while his opponents are enjoying their present lead from those already submitted.
The question is, why can’t the data be transmitted unless the results are first printed? With the first rolls, there are enough copies to use for comparison later.
Why the fuck do they have to complete the printing before transmission. There is no logic there.
Ang haba namang paghihintay yan, Tongue.
Pasok si Hello Garci Jun Ebdane, Zambalez Gov. (Talo si Cocoy, he went with Tata Amor Deloso, itinakwil ang first cousin. Lagot ka, Cocoy, hehehe.).
Walang pumapasok sa Magdalo ko, local and national, kainis!
Anak ng linta! panalo yung kaibigan ni TonGue T as Baguio Mayor.
Pakyaw, panalo rin yata.
How Jinggoy and Bong R, are ahead in the senatorial race cuts so deep with the electorate’s mental stability and Lapid still clinging on the 11th spot.
Mga kawatan, most of them are winning.
Jojo BInay is the Dark Horse. Dark talaga siya! Hehehe! He may be thinking now of running the next higher post. If he makes good as VP.
Waah, si VATman Recto pumapasok. Ang pahirap sa buhay.
Sa Cebu nagbobotahan pa hanggang 1:00 a.m. Ano kaya ang cause ng delay? Ang unang nakapagtransmit ay yung pang sa isang remote area sa Pilar, Camotes Island.
Tatlong Binay ang panalo. JOjo-VP, Junjun-Mayor at Abigail-Congresswoman
Wait lang, may habol pa si Mar Roxas at this moment dahil hindi pa pumapasok ang mga Cebu votes. Taga-Capiz siya di ba? Bisaya ba.
“Tatlong Binay ang panalo. JOjo-VP, Junjun-Mayor at Abigail-Congresswoman” – LVM
Ilocos – Marcoses, Farinas, and Sab-it.
San Juan – Erap clan
Baguio Mayor/Congressman – the tandem of Domogan/Vergara
Electorates are really disgusting.
Got a call from Jojo Binay’s cousin in New York, it’s Binay daw, official. What happened?
Pumasok na ba ang Quiboloy votes, etc. ?
68% pa lang pala ang nabibilang e.
Chi:
Medyo too close to call pa yang sa VP race. Pero sa numero uno, medyo it’s safe to say na it’s Aquino na. Nearly 4 million votes look fairly insurmountable at this stage. . . 🙂
Henry, yeah…hindi na madadaya ng kahit 10 Hello Garci and numero uno, magkakagulo dahil sa layo… but the second, bakeeetttt! Where’s the block vote of INC?
Di kaya napunta sa chopping bloc Chi? 😛
more than 4 hours ata na stuck sa 68% yung nabilang na… hmm… mukhang may pumipigil ah…
Sa wakas! matatapos na din paghihirap natin sa pagnanakaw ni Gloria… problemahin naman natin kung pano ipakulong si Gloria, wahaha..
Walang kalaban-laban ang matitinong senatoriables sa mga walang kwentang bets…grrrr! Sa next election na lang kayo bumawi mga senators ko, hindi na sila kasali. Grrrr!
narco-candidate Noynoy……
Sa wakas nanalo din si Glorya na hindi nandaya. 🙂
Tedanz:
Anong hindi? Katakot-takot na nakaw na pera ang ibinuhos nio Goyang sa distrito nya. . . pandaraya pa rin yun. . . 😛
Congratz pala Pareng Henry ….. panalo ang manok mo … sa inyo ang .uling .alak.ak. Pero oks lang sa akin … hehehe ngayon abangan naman natin ang gagawin dito sa pamilyang mandaraya, magnanakaw at kung ano ano pa.
Yong mga General nga pala ni Glorya na sila Esperon, Ebdane, Ermita … panalo ba sila?
“Massive vote buying in many areas in the Philippine archipelago marked the 2010 polls yesterday, and even pre-shaded ovals for Liberal Party Standard bearer Sen. Benigno “Noynoy” Aquino were discovered by voters from Angono, Rizal.”
http://www.tribuneonline.org/headlines/20100511hed3.html
Is this true? If so, why the other news media are not reporting about this?
Talo si Mar dahil inendorso ang isang walang kuwentang tao … na akala niya siya ay sikat na … yan ay si Mr. Revillame. 🙂
Carmen Pedrosa Talks About Noynoy
http://www.youtube.com/watch?v=mErkLdKQD5w
Talo sa Batangas ang mag-amang Ermita. Tinatalo ni Leviste si Edwin, at talo si Edong kay Apacible.
Si Esperon out. Si Ebdane panalo sa Zambales gov.
Tedanz, heto kung gusto mong maghalungkat…
____
Mike – May 11, 2010 2:44 am
Chi, eto yung tinitignan kong site para sa local results. 🙂
http://www.gmanews.tv/eleksyon2010/provincialcount
Sabi ni Noynoy ipapasa niya ang higit sa kalahati ng kanyang power kay Mar Roxas:
http://www.tribuneonline.org/commentary/20100507com2.html
Paano na ‘yan mukhang tagilid si Mar as of this time. Pag nagkataon ibibigay ba niya kay Binay ang higit sa kalahati ng kanyang power?
chi,
Thanks!
Mukhang panalo na. Now comes the hard part – governing.
At least walang power vacuum.
I hope he learns from Erap’s experience. The Glue will be in the House, and the Money bags is still in the Senate, and may regain the Senate Presidency. Ingat lang.
Somebody close to JDV Sr. told me hind pa na-pro-proclaim si Erap pinagplanuhan na. I wish this guy as much staying power as his Mom. Ayaw ko na ng presidenteng hindi hinalal.
Ang pakilasa ko, inilaglag ng Yellow Army si Mar Roxas. Parati kasi siyang naka-blue samantalang ang kulay nila, yellow.
A day before, nalathala ito sa Manila Bulletin pero hindi masyadong napansin:
JEJOMAR BINAY, 67. The diminutive mayor of Makati City made a dramatic late surge in the polls to the front of the vice presidential race after a faction in the Aquino camp shifted support to him. Binay was a close ally of Aquino’s mother, the late president Corazon Aquino.
11 May 2010
First of, my congratulations to all Filipinos for a successful election (so far), and my hat’s off to COMELEC.
But my reservation lies in gloria “the leprechaun winning her congressional seat in pampanga. As in the previous news, it was learned that the money supposedly for the campaign of gibo was not released due to the speakership run of gloria in the LOWER house.
Since she is already a ran-away winner, it seems the news is true. In case she wins the speakership, then my dilemma of her going around the constitution and amend it for her to become prime minister, is also true.
Now if that is the case, we the electorate should be wary of her becoming the prime minister of this beknighted land.
We should not put our defenses down, because, before we knew it everything is/are already laid down by gloria “the leprechaun” and her hoods.
prans
narco-candidate Noynoy……- xman
Xman,
Sabit kasi sa importation ng mga shabu ingredients yung Treasurer ng Liberal Party na si Nantes ba yun?
If you have no TFC, you can still watch the whole election event from any of these three:
Free Live Streams
• ANC News 24/7 Live | watch now
• ABS-CBN Live | watch now
• DZMM Teleradyo Live | watch now
Here is the link:
http://tfcnow.abs-cbn.com/index-news.aspx
I wonder what Gloria is up to now. We all must continue praying for our country.
Tingnan natin kung makasuhan si Gloria. At maibalik ng mga Cojuangco yung Hacienda sa mga magsasaka. At syempre hindi maghari ang mga elitista at Kamaganak, Inc especially Kris!
“Parati kasi siyang naka-blue samantalang ang kulay nila, yellow.” …. joeseg
Bakit nga ba? Anong gusto niyang sabihin sa pagsusuot niya ng blue?
Ah basta’t ang alam ko .. kapag inendorso ka ni Willy Revillame …. ikaw ay siguradong talo.
Nag concede na si Villar! Goodbye to the billions spent. Na karma ka din. Sa susunod wag ka mag pa gamit. Nakakasakit ka ng ibang tao. Tulisan ka din pala.
Ano ka ngayon Villar? Yung mga tinulungan mo para patalsikin si Estrada, nasaan na sila ngayon? Iniwan ka din, ginamit ka lang. Kilalanin mo kung sino ang mga kaibigan mo. Akala mo siguro dahil sa marami kang pera puede ka na maki halo sa kanila. Ibang breed ng mga hayop yan.
Huwag kayong tumawa ka Villar dahil kahit gumastos ng billions ay galing rin sa kaban ng pilipinas ang ginamit niya. Ang masakit ay babawiin niya ang nagastos niya at mag papagawa ng C5 sa ibang lugar. Mag ka kamkam ng lupa sa mahihirap. Kaya di pa tayo nakakasiguro. Si Noynoy ay masuwerte dahil kay Cory (sympathy votes). Senator na di mabilang kung mayroon na ipasa na batas. Si Binay ay dpat lang manalo dahil tiyak na mas pakakatiwalaan siya na uusigin ang mga Arroyos.
I’m really praying for Mar. Please join me if you are for Mar.
Grabe naman ng mga taga Mindanao ipaglalaban talaga ng patayan si Erap, yung nanay ko, maga tiyahin, mga pinsan, papatayin na yata ako, may pabagsakbagsak pa sa telepono, buti na lang tapos na, bati bati na naman.
Ano kayang pinakain ni Erap dito sa nanay ko at mga angkan namin sa Davao at ganito na lang ka mahal nila si Erap. Siniraan ko na nga sa pagkababaero lahat lahat, “ah basta, Erap pa rin kami” daw…wala daw siyang pinagkaiba sa tatay ko, kaya nga ayaw ko sa kanya kasi babaero nga kagaya ng tatay ko – buti na lang hindi ako nagmana… 🙂
Friends, peace!!! tapos na ang election, magsitrabaho na lang tayo…kung hindi man bumaba ang presyo ng mga bilihin yun ay “because of the law of supply and demand” na hindi kayang i repeal kahit sinong presidente…ang importante makakadiskarte tayo ng pangbili…
Marami na tayong batas, patong patong na lang…sobrang dami na ring abogado…ang kailangan “implementation” at kung may record ka o may ginawang pagnanakaw, hindi mo kayang umusig ng mga magnanakaw (baka balikan ka lang)…ang kailangan yung desenteng tao, makikita nyo naman kahit anong ibato nyo walang dumidikit, mas lalo pang binoto nag mga tao…yung mga nag pa impress ng “galing” o “talino” wa epek na sa mga tao…
Mas effective sana ang tandem ni Noynoy/Mar, I doubt Binay’s sincerity, he has some skeletons in his Makati closet…how can he reconcile this with the anti corruption stance of Noynoy?
I feel the same, juggernaut. Let’s pray that Mar will end up the winner. I’m more trusting Mar as VP. I’m iffy about Binay.
Tingnan natin kung makasuhan si Gloria. At maibalik ng mga Cojuangco yung Hacienda sa mga magsasaka. At syempre hindi maghari ang mga elitista at Kamaganak, Inc especially Kris!
————————————
Bakit? Sa mga magsasaka ba yung Hacienda? magkano nila binili yun? Tignin mo mas papakinabangan nila ang mga lupang makukuha nila kung wala silang alam sa farm management? hindi nga efficient yung mga maliliit na lupa na may kalabaw, etc…dapat large scale farming, malalaking hectarage, automated, with post harvest, farm to market facilities…tapos susuweldo na lang ang mga farmers, bigyan na access to education and health services ang mga pamilya nila.
Itong kalokohan na (communism) kukunin ang lupa sa mga may ari at ipamigay sa mga nagbubungkal na walang alam hindi umubra…sa Mindanao sa halip ha mawala sa kanila ang mga lupain, ginawa na lang nilang mga residential subdivisions -so lalong kukulangin ang pagkain natin niyan…
…maitanong ko lang, nasubukan mo na bang mag araro? magtanim, mag harvest? mag benta? tapos kakapusin ka pa…mahirap…yung farm namin nakatiwangwang na lang kasi walang interesadong bumalik sa ganung klaseng buhay…
Ngayon at namiminto na ang tagumpay ni Noynoy, suggested title of a book to chronicle his rise to power:
FOR EVERY DEATH, A VICTORY
Sa pagkamatay ni Ninoy, naging presidente si Cory..
Sa pagkamatay ni Cory, naging presidente si Noynoy..
Senator na walang pinasa na batas at natutulog lang lagi sa senate ay naging Presidente pa.
Di pa kasi lumaban si Chiz Escudero eh.
vonjovi2, Masyado ka namang mapanglait. Lumabas na ang boses ng mamamayan, huwag ka na ngang magsabi ng kung anu-ano pa.
Buti nga hindi tumakbo si Chiz, kung hindi, talunan din ‘yon.
ano na ba ang latest news?
Tapos na ba ang bilangan?
Wala na bang pag-asa si Mar?
I still hope and am believing Mar can still make it.
Gaya nang nabanggit ko na, saan man makarating MAR pa rin kahit ka-bro ko si Rambot titi este Rambotito. Kung nauna sana siyang nagdeklara, maaaring sa kanya ang boto naming lahat.
Anyway, malinis naman ‘ata ang takbo ng bilangan ng kanilang mga boto, kung si Jojo pa rin hanggang matapos, saludo na lamang ako sa kanya. At least, meron tayong kakampi sa pag-usig kay gloria.
Pero Mar pa rin habang hindi pa tapos!
Eh totoo naman diba. Sympathy votes lang kaya nanalo siya eh. Sa palagay mo kung buhay si Cory mananalo ba siya sa pag presidente. Tanong ko sa iyo Lurker.
Ika nga ni Joeseg ay
FOR EVERY DEATH, A VICTORY
Sa pagkamatay ni Ninoy, naging presidente si Cory..
Sa pagkamatay ni Cory, naging presidente si Noynoy..
so susunod ay kapag namatay si Nonoy ay si Kris ang papalit or magiging presidente natin……
chi,
Wala bang nanalo kahit isa sa Magdalo?
Sina Danny LIM at Ariel QUERUBIN, hindi rin lumusot?
Ti ey en dyi ey pa rin ba ang ating mga kababayan?
Taartits pa rin ang mga nangungunang pinili at ibinoto? Kasama pa ba sa doce pares si Ben Tumbling? Ibinalik si Ralph Ebak, este E-vat?
Since NoyNoy is elected president (leaving senate) then Hontiveros or whoever the 13th place can be appointed or proclaimed as senator. Is this similar to Recto and Gringo?
Yun mga hindi sumasali sa debate (lapid, recto, sotto,revilla, estrada,etc) top notcher. I agree there’s always bad endorser dapat kasi di na nag mention si Willy Revillame na for Mar siya.
Talo lahat ng Magdalo ayos lang yan paghandaan ang next election since laya na kayong lahat ang problema kasi si Trillanes kumampi kay Villar bale si Gen. Lim na bahala diyan tutal kay Noynoy naman siya.
I think that Noynoy as president would be magnanimous enough to free Trillanes and the rest of the Magdalo.
A president cannot, must not be petty. The country’s interest above all else.
for a good start,President Noynoy Aquino, should free all of the tanay boys and Senator Trillanes
ok. i concede. congratulations to pinas and all pinoys, after all it looks like an acceptable peace and order situation in accordance with pinoy tradition.
Ganyan din si JFK. Nanghabol lang ng babae sa DC. Siya ang nagpasimula ng pag-raid ng Harvard at ibang ivy league schools upang ilagay sa gobyerno; bagay na ginawa ni Erap.
Although higit na mahusay si Dick Nixon, pangit. Pogi si JFK, maganda pa ang asawa, at French pa, fascination ng Kano.
Si Cory, nilaro ng mga nakapaligid sa kanya – El Tabako, y el Hermano Peping avec sa femme Tingting. Harinawa’y huwag mangyari kay Noy.
Marami na tayong batas, patong patong na lang…sobrang dami na ring abogado…ang kailangan “implementation” at kung may record ka o may ginawang pagnanakaw, hindi mo kayang umusig ng mga magnanakaw (baka balikan ka lang)…
ok. remove congress and let us go back to rule by presidential decrees.
Congrats sa mga winners! MAGTRABAHO KAYO PARA SA BAYAN!
Pero sa resulta ng Senate slate eh mukhang hindi pa rin yata handa ang taong bayan sa tunay na pagbabago. Buti na lang at may mga pumasok pang mga magagaling.
… Pero bakit ang Comelec ay hindi nagpapalabas ng by PRECINCT LEVEL results. Dito lang kasi malalaman kung talagang malinis ang mga resulta. Dahil dyan lang maikukumpara ang mga hawak ng mga watchers. Sigurado ba tayo na walang Electronic-DAGDAG sa resulta? HIndi natin alam kung saan-saan nanggagaling ang mga resultang pinalalabas. Napakalaki ng percentages pero ang daming disenfranchised voters. Tapos yung manual Audit count eh sikreto at hindi sinasabi kung anong presinto. Unless mailabas at malaman ng taong bayan ang PER PRECINCT RESULTS, ay di natin masasabing VERY Successful ang First Automated Election sa atin. Pag pinalagpas natin ang Electronic-Dagdag ay gagawin ulit yan sa susunod na election.
Madali naman magbigay ng per precinct level dahil computerized na yan. Dapat yan ang pina-flash nila sa TV every now and then
Ang CEBU at iba pa sa Mindanao wala pang resulta. Mukhang hinihilot pa.
“Bakit? Sa mga magsasaka ba yung Hacienda?”.juggernaut
Jug,
Basahin mo yung istorya dyan sa Hacienda Luisita at sa mga nagsasaka. Nakamatayan na nga nung mga ninuno nila yang pinaglalaban nila. May government deal dyan si Magsaysay sa mga Cojuangco nuon pang 1950s. Dahil may parang CARP na programa nuon pa si Magsaysay. Maraming nang buhay ang naibuwis. Matagal nang ginugulangan ng mga Cojuanco ang mga magsasaka dyan.
“maitanong ko lang, nasubukan mo na bang mag araro? magtanim, mag harvest? mag benta? tapos kakapusin ka pa…mahirap…yung farm namin nakatiwangwang na lang kasi walang interesadong bumalik sa ganung klaseng buhay…”- juggernaut
Kaya nga dapat palakasin ng gobyerno ang pagtulong sa mga magsasaka. Pag-ukulan ng tama ang Agriculture. Sa abroad ang mga magsasaka High-tech na. Subsidized ng mga gobyerno ang mga pangangailangan sa pagsaka. Traktora ang gamit mula sa pagkalkal. Sa pag-ani, pagdaan ng traktora, itatali na lang. Sa elitistang pamamalakad na parang mga tyrants, eh mas gusto nilang mas maraming mahirap para sila ang maghahari at pasunurin at alilain ang mga kawawang mahihirap.
jug,
Magtanim full time hindi ko pa nasubukan. Pero sa bukid sa probinsiya, sa isang tiyahin ko, OO! Nakapagtamin at nakapag-ani kami ng mani at mais, yun kasi ang season niya. May season kasi ng palay eh. Tapos ang hatian sa ani, 2 sa nagsasaka, 3 sa may-ari. May pondong naka-set aside sa mga expenses sa sakahan.
“kung hindi man bumaba ang presyo ng mga bilihin yun ay “because of the law of supply and demand” na hindi kayang i repeal kahit sinong presidente…ang importante makakadiskarte tayo ng pangbili…”- juggernaut
Jug,
Kaya nga SELF-SUFFICIENCY dapat ang pagtuunan natin. Kung sapat ang supply natin at mabawasan ang importation mas maganda para sa bayan. Una na sa mga farmers at local industries. Mas maraming maibibigay na trabaho. Sagana tayo sa RAW MATERIALS. Kailangan lang na makapagtayo ng mga industriya at kumpanya. At kung makapagproduce tayo ng sobra ay may pang-export pa. Papasok at hindi palabas ang mga dolyares. Halimbawa na lang yang paggawa ng mga sasakyan. dapat saring produkto na natin. Ang garments nung araw ay boom na boom. Nuon ang bigas ay hindi imported. At marami pang ibang pwedeng locally made lalo na yung mga pang household needs. At syempre dapat BILHIN ang SARILING ATIN! PINOY MADE! Kung talagang mahal natin ang ating bayan. At hindi na yung pa-sachet-sachet na lang. Bote-botelya na kung tayo ay mamimili. sa hirap ng buhay kailangang magbenta ng nasa sachet para lang maka-afford! Haaayyyyy!
#172, tama ang observation mo Luz. Bakit hindi e breakdown ang resulta? Wala yong precinct level o provincial level result? Puro total lang.
Sa USA kapag bilangan na ay na sa national TV ang resulta per state habang nagbibilangan sila ng boto.
Kung ako kay Erap ay RECOUNT ANG BOTO AT I BREAKDOWN sa provincial o district level.
Dalawa ang manok ni pandak, si villaroyo at aquinoroyo. Sino ang financial supporters ni Noynoy? diba ang mga bata din ni gma? Hindi lang yon, narco-money ay involve din, oras lang ang hinihintay para lumabas ang katotohanan.
ano ba nangyayari sa bilangan, kahapon pa yan mga figures.
#
joeseg – May 11, 2010 12:52 pm
Ngayon at namiminto na ang tagumpay ni Noynoy, suggested title of a book to chronicle his rise to power:
FOR EVERY DEATH, A VICTORY
Sa pagkamatay ni Ninoy, naging presidente si Cory..
Sa pagkamatay ni Cory, naging presidente si Noynoy..
___
Very nice joe. 🙂
MPR,
Walang nananalo sa kanila kahit isa, kahit sa aking gov. Dante at congs. James and Ashley. Sobra ang aking lungkot. huhuhuhuhu!!!
Kapag hindi sila pinakawalan ni Noynoy ay magwawala ako. hehe.
I meant yung itinira ng unana sa detention.
luzvi:
Yung katrabaho ko nakita yung per precinct tally sa Comelec website. Mahirap lang pasuking dahil mukhang lunod pa ang server nila. Kung bakit kasi hindi nagtayo ng ilan mirrors sa kanilang server, nang hindi bahain. Mag-hire sana sila ng mas mahusay na geeks.
Yan ngayon ang dapat pagtuunan ng pansin. Maaaring hindi na makakahabol si Erap. Pero ang puntirya ko ay ang senado. Baka may minamasaheng numero diyan.
count by region:
http://www.gmanews.tv/eleksyon2010/map/dashboard
luzvi,
Preciselu what I was thinking about, “makadiskarte ng pangbili.” You just expounded on it… 🙂
Small farmholdings run by individual families are just subsistence farming, just enough for feeding themselves mostly and then some…what we need are massive, integrated farms, that can achieve economies of scale maximizing productivity, quality control, and ensure sustainability in the long run…run as a coop or collective, with health facilities, education, training, etc. for the members…not split up into small, inefficient, every-man-for-himself units…bottomline, large scale, sustainable, profitable, integrated, organized farming…
I hope pakawalan ni Noynoy and mga political prisoners, being a child of a once political prisoner himself…
Aquino will cut spending daw.
Kung talagang gusto mo ng shock treatment, huwag kang mag-laan ng pork barrel sa budget. Be prepared for war though.
Yayaman din lamang na kailangan na ng swearing-in speech, I suggest a world renowned speech writer – Manny V. Pangilinan.
MPR, this is a good read… http://www.abs-cbnnews.com/nation/05/11/10/no-trillanes-magic-querubin-lim
No ‘Trillanes magic’ for Querubin, Lim
by Kristine Servando, abs-cbnnews.com/Newsbreak
Posted at 05/11/2010 8:14 PM | Updated as of 05/11/2010 8:25 PM
MANILA, Philippines—If coup leader Navy Lt. Antonio Trillanes IV won as senator 3 years ago while he was in jail, then why couldn’t his fellow detained rebels Brig. Gen. Danilo Lim and Col. Ariel Querubin do the same in the 2010 election?
Political analyst Tony Gatmaitan says Lim and Querubin lost in this election because they were playing an entirely different ball game. more…
PASG denies Quezon raid
190, jug…I hope so, too, because it’s the right thing to do to correct the ‘capricho’ of the tiny one.
chi,
It is understandable naman, eh.
The Filipino electorate hasn’t grown wise and will still carry the “ningas kugon” attitude, anywhere, anytime. Even the rest of their lives.
Masasabi ko ding wala na ‘yung kaugalian nating pagtanaw ng utang na loob at pagkilala sa tunay na kadakilaan.
Ano pa ba ang kulang sa mga naging sakripisyo ng dalawang magigiting na opisyal? Ng Magdalo officers?
Dahil sa kapakanan ng sambayanan ay hindi nila ipinagbili o ipinagpalit sa kaginhawahan ang kanilang prinsipyo. Sa halip na umayon sila sa bulok na sistema ng putang si gloria ay mas pinili nila ang maghimas ng rehas na bakal upang magsilbing halimbawa at ipamulat sa ating mga kababayan na ang dangal ay inaalagaan at hindi dapat gawing puhunan sa pagkakamit ng materyal na bagay lalo’t ang katumbas nito ay pagkasira ng ating pagiging isang lahing nakilala sa walang pag-iimbot na pagmamahal sa kalayaan at katahimikan (noon).
Sayang. Sayang na sayang. Mas inuuna pa ng ating mga kababayan ang panandaliang aliw na dulot ng mga artistang wala namang napatunayang tunay na pagkalinga at pagmamalasakit sa ating pagiging isang bansa.
Kung sila ngayon ay ‘yun ang hinangad nila kahapon.
Kung ANO sila ngayon ay ‘yun ang hinangad nila kahapon.
Completely agree with you. Mags. Talaga, kaya sana ay ituwid ng administrayon ni Noynoy ang pagkakamaling matagal na pagkakakulong sa lahat ng sundalo na political prisoners.
I’ll miss Gloria, wala na akong mumurahin ng matindi pero ipagpapalit ko yan sa paglaya ng mga natitirang Magdalo at Tanay boys na nakakulong pa. 🙂
Mabuhay Gen. Lim, Col. Querubin, Sen. Trillanes, Capt. Dante, at lahat kayo dyan na nasa kulungan pa at sina James Layug, Ashley Acedillo at Gary Alejano. Panalo kayo sa aming puso kahit kelan pa.
We bade goodbye to Elections 2010 with hopes and optimism that a new era of political and economic situation will change for the better. Despite his lack of some qualities, we welcome Noynoy as our leader as duly elected and choice of the people. It’s democracy in action.
The not so beautiful picture in the political theater, we don’t see some new and fresh faces being introduced into the political arena. but same old and familiar characters from families of politicians and political dynasties. Sad to say, these people dominate every political exercise in the country due to their wealth, influence and power that an ordinary man never had a chinaman’s chance to gain access to.
Politics is a game only for the wealthy and powerful.
And so the next scene is about repositioning and realigning of loyalties. Expect long lines of elected members of congress and senate to be proclaiming their love to the new president. It’s not surprising. It’s always they way they were.
Ah, Philippine politics, the only kind in the universe.
Mga natatalo, yehey!
They were popular figures but “they all face the possibility of defeat: controversial former agriculture undersectary Jocelyn “Jocjoc” Bolante, actor Cesar Montano, former Justice Secretary Raul Gonzalez, and many former police and military generals.” http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view/20100511-269423/Well-known-Visayans-on-way-to-electoral-defeat
chi – May 12, 2010 2:55 am
Mga natatalo, yehey!
akala nila magagamit nilang takbuhan ang kongreso para mkapagtago sa mga kasalanan nila…
Si Mancao kaya?
perl, tumakbo ba si Mancao, what position and where?
“Pero ang puntirya ko ay ang senado. Baka may minamasaheng numero diyan.” -saxnviolins
Sax,
Yan din ang hinala ko. Nag-mamagic pa sila ng mga numero. Imagine yung sa Cebu eh hindi nakapagtransmit sa oras. Eh modern city na yun! Yung nasa liblib na isla ang unang nakapagtransmit. Nakapagtataka! Dun pa lang sa 50 million voters out of 90+ million POPULATION eh halatang padded pa rin ang voters list. That is half of the population! UNbelievable! Tapos ang 75% daw ang voters turnout eh ang daming disenfranchised. So pwedeng may Electronic-Dagdag. Baka nasisingitan na ang resulta. Alam naman natin na may mga EXTRAng PCOS machines at Flash Cards! Hiling ko lang huwag sumama sa Magic 12 si VATman Recto.
Mabuhay si Manny Pacquiao. This man is blessed. People just love this man. Panalo na naman!
“…run as a coop or collective, with health facilities, education, training, etc. for the members…not split up into small, inefficient, every-man-for-himself units…bottomline, large scale, sustainable, profitable, integrated, organized farming…”.Juggernaut
Jug,
That is precisely the farmers want to do. To create a cooperative among themselves. But they have to have the ownership due them since 1960s, that the Cojuangcos don’t want to give. Ang tagal nang pinakikinabangan ng pamilya Cojuangco. Lumiit na nga yung sukat at valuation nung lupain na pinagtatalunan.
Awwww!!!! 40-40…Sige, proclaim na si Noynoy as elected president para sigurado na hindi maagaw ni Goyang ule ang panguluhan, matagal pa ang laban sa VP, baka meron pang magpa-recount.
___
Binay, Roxas dead heat in SWS exit poll
abs-cbnNEWS.com
Posted at 05/11/2010 1:27 PM | Updated as of 05/11/2010 4:43 PM
MANILA, Philippines – The vice-presidential election could go down to the wire, based on the partial results of an exit poll conducted by Social Weather Stations (SWS).
Makati City Mayor Jejomar Binay and Sen. Manuel “Mar” Roxas ended up tied in the SWS exit poll sponsored by TV5 and conducted in cooperation with the Ateneo School of Government (ASoG).
The partial results of the exit poll, uploaded on the SWS website on Tuesday, had Binay and Roxas in a dead heat, with both getting 40% support from respondents.
Whatever the outcome sa Vice Presidential race eh pihado akong ipupuwesto ni Nyoynyoy ang matatalo bilang Gabinete niya. Pero syempre EGO at PRIDE ang nakasalalay kung panalo!… Binay had said in one interview na lalamang daw siya ng mga 800,000 votes. Naiintriga tuloy ako kung tatama ang pigura!
I commented on May 11, 9:36pm, something like maybe the reason why the Yellow Army dumped Mar was because he kept wearing blue tshirt amidst the yellows..
Ito ngayon ang second the motion doon:
What happened with Mar? What transpired in the last month or so that caused his comfortable margin to suddenly collapse? Mon Casiple of the Institute for Political and Electoral Reform, while we were waiting for our turn to be interviewed on the GMA-7 electoral coverage, said one reason could be that “Mar never fully embraced the Aquino mystique.” It may be “mababaw (shallow),” Casiple conceded, but one sign was that “he insisted on wearing a blue shirt in every public appearance.” Blue had been Mar’s campaign color before he gave way to Noynoy and truly he stuck out in a sea of yellow shirts in the course of the campaign. It may have been Mar’s way of asserting his own identity and keeping himself distinct from his running-mate, but in the end, notes Casiple, “the Cory forces never fully embraced him.”
The whole story: http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20100511-269484/Noynoy-Jojo-Mar-and-Erap
Hindi ko sinasabing ang mga columnists at pollsters ay nakatutok at matamang sinusubaybayan ang mga komento natin dito sa Ellenville. Wala akong sinasabing nauuna tayo kung minsan with our opinion in many issues. Itanong pa ninyo kay MPRivera.
May agam-agam lang ako sa magiging composition ng Cabinet ni Nyonyoy. Malamang na mga taong pinagkakautangan niya ng loob. Sana lang ay yung mga may kakayahan sa mga pwestong hahawakan nila. Di tulad ng mga gabinete ni Gloria na mga walang alam sa kanilang pwesto. Tulad ni Angie Reyes.
joeseg, madalas naman nauuna sa Ellenville, maraming magaling sa analysis dito kasi…ako taga-agree or disagree lang. hahaha!
Wala bang nakabalita kung ano ang nangyari sa Taguig? Napanuod ko sa TFC sa isang mayhawak ng telepono na marami daw silang tawag tungkol sa gulo ng election duon, pero hindi na ibinalita ang detalye.
May nabasa din ako na nanuntok daw si Alan Cayetano duon, nakupo napikon siguro dahil talo ang manok niya, saan kaya pupulutin itong Alan sa susunod na election.
Kay B gaganda ang B
Earlier I posited the 3C’s (Cory, Callus, and Chiz factors) that spelled a B victory in the VP slot.
I will add a fourth C…
B is a great Courter. He has the Batangueño’s brand of flattery and cajoling. B’s Tagalog is far better than Mar’s.
Lastly, a fifth one…
the Commercials. B’s TVC’s probably had a more lasting impression.
He had his share of sad narrative that clicked to the masses…a more believable one compared to the “swimmer” and definitely better than the “padyak” ads. Remember the fire that gutted their house?*
Campaign slogans are probably hits too.
“Ganito kami sa Makati, ganito sana sa buong bayan.”
“Sa mga nangungunang pagka-Vice President, si Binay lang ang ginagawa na ang pinapangako pa lang ng iba.”
To top it all, B’s campaign jingle leaves a LSS mark in one’s head. This I read at mlq3’s blog (to which I added a few lines):
—–
*Leaving him with a skin color associated with the working class?
Makakabalik na si Lacson ngayon. Ano kaya ang mangyayari sa senate composition sa pagbabalik ng senado?
If I may add but this is probably a long shot…for her name starts with “K.”
The Coring factor. The gal is such a turn-off.
She could’ve been our “First Lady.” Now, even “Second Lady” she may not be…
Sana nga ay mapakawalan na si Trillanes nang makita naman natin sa Senado. Magandang makita nating ang galing at talino, nila, kasama na si Bongbong.
Si Mancao tumakbong congressman, I don’t know what district in Davao. Noong umuwi siya, bago humarap sa media, tawag siya sa asawa ni Michael Ray Aquino. Back-up lang daw ni Michael Ray ang storya ni Mancao, kakausapin daw ni Mancao ang “pinakamataas”. Sabi niya, ten times better daw ang magiging buhay ni Michael Ray and family kung uuwi sila at mag-chuchuwa sa storya ni Mancao.
Kumusta na ang kalusugan ng baboy? Nagdadalamhati ba? O natutuwa, dahil babalik ang Smartmatic every three years? Remember arkila lang ang mga makina.
Thanks, atty. sax.
I checked, talo si Cesar Mancao sa Compostela Valley first district. Apsay ang winner.
“Yayaman din lamang na kailangan na ng swearing-in speech, I suggest a world renowned speech writer – Manny V. Pangilinan.” – sax (#191)
Iniinsulto mo naman yung tao. Napilitan na ngang mag-resign sa Board of Trustees ng Ateneo si MVP dahil dun sa kinopya nung speechwriter niya sa Harry Potter novels e.
Sa mga contemporary speechwriters, Si Teddy Locsin pa rin ang kukunin ko. Nung meron pang Today, tiyaga kong bumili nung diyaryong yon kahit 8 pages lang para mabasa lang yung editorial ni Teddy Boy. Entertaining and very witty talaga.
Pwede na rin siguro si Manolo Quezon. Merong youth appeal ang bukadora niya bukod sa loaded ng maraming nuggets ng history.
Teka, anong “yayaman din lamang”? Yaman din lamang. Pilyo ka talaga.
Sarap isipin na wala nang padrino si Mancao, tapos magkakaharap sila ni Lacson. Mabubulol siguro si Mancao na parang isang JEJEMON!
Sa Magdalo, maraming leksiyon sana ang natutunan nila dito sa eleksiyong ito. Sa 2013, plantsado na sana ang mga problemang yun na nagwatak-watak sa mga tagasunod nila. Lalo na sa mas nakakaraming silent followers. Consistency. Yun ang pinakamahalaga. Yun ang nakita noon kay Trillanes nung tumakbo siya.
Kaya nga hindi ako palo dun sa “manalo muna, saka na yung ibang isyu”.
Siguro naman e pasado na ngayon sa Comelec ang Magdalo bilang party-list, sisiw yung tatlong upuan sa kongreso pag nagkataon.
With the dawn of a new leadership, I hope that the Magdalo group will eventually disband after all its members would have been released from detention. I believe that Aquino will address the raison d’ etre of their existence. It is never good for professional soldiers to dabble in politics. The profession of arms is a far better calling than the snake pit that politics is.
Repost:
Gloria just appointed Corona as new SC Chief justice. Is this preempting the inevitable? Will Noynoy make good his threat not to recognize Corona? Baka if he remove Corona as CJ, baka si Noynoy ang ma-impeach? Hmmm…
“Mabuhay si Manny Pacquiao. This man is blessed. People just love this man. Panalo na naman!” – Isagani
If he didn’t fight outside RP, even if was undefeated, he will not win as congressman. And for him to obviously just run for office, take his porkbarrel and give it away to his constituents is such a folly. And he is blessed coz of his windfall? How about his neighbors who are hurting?
Having said that, wish you can convince him to silently educate himself and learn as much as he could about legislating to surprise or silence his critics; he has all the means to hire excellent tutors and be a better politician than Lito and Bong. He’s a likable person and wish him well on his next fight.
Grabe ang trapik kanina sa mga blogs lalo na itong kay Ellen. Halos kalahating oras akong naghihintay para lamang bulagain ng “web cannot be retrieved”.
Pati sa mga online news, grabe! Lahat siguro ay fully booked bukod pa sa napakahabang pila ng mga gustong makasagap ng sariwang mabantot na balita tungkol sa Hangalan 2010.
Nakakadismaya na ang ating mga kababayan dahil ‘yung mga artistang dapat ay sa harap lamang ng kamera umarte kahit nakakasawa na ay ibinalik pa sa senado at hindi man lamang binigyang halaga ang mga sakripisyo ng mga mas karapatdapat at mararangal na magigiting tulad nina Gen LIM at Col QUERUBIN. Gayundin, kung totoong may pag-asang manalo si Mr. Ebak Recto.
Pati na rin ang pagbibigay daan ni Mar Roxas kay Noynoy ay binalewala ng mga botanteng kayang linlangin ang sariling paniniwala. Mismong sila na rin ang humihila sa pagkakalugmok ng ating bansa tungo sa mas kaabaabang katayuan sa pandaigdigang pamayanan. Kunsabagay ay okey na rin si Binay. Kesa naman kay Loren, na ang kakapalan ng mukha ay tinatakpan lamang ng makapal na make up upang muling magmukhang anghel kahit lagas na lagas na ang pek este pakpak. Mas lalo din kay Bayagni Fernando na ugaling matapobre sa mga pobre. Suwapang na sa salapi, suwapang pa rin sa publisidad sa pagpapairal ng mga prodyek niyang palpak kaya nagmukhang parang malawak na babuyan ang Metro Manila at pati Laguna at Cavite ay gusto pang isama sa kanyang walang kuwentang pamamahala sa MMDA.
At anak ng kamalasmalasan! Hindi na talaga maintindihan kung ano’ng uri ng disposisyon mayroon ang ating mga kababayan sa lugar nina putang gloria at Swab-it Swing-on. Mga tanga na, mga utuuto pa. Sila ay aksesorya sa mga kapalpakan at kabalbalan ng mga hinayupak na nagpahirap sa mga naniwalang sugo ng langit ang bruha.
Nakuuuuuu!
‘Yung gamot ko! Tubeeeeeg!
Tumataas na naman ang hayblad ko!
Okay seryosong usapan Tongue. Agree. Teddy Boy nga. Siya ang sumulat ng speech ni Cory before the US Congress. Puwede na ring spokesman, para naman may calibre, like Gibbs of Obama, or Ari Fleischer ni Bush. Sawa na ako sa mga tulad ni Olivar, or Lore lie. Sorry Lorelei pala.
1987 Constitution
ARTICLE VII
EXECUTIVE DEPARTMENT
Section 4
Paragraphs 4-6
Matagal pa ang bilangan…
Sax, have you ever seen such a bunch of irritatingly inept set of spokespersons than what GMA has? Too bad about Olivar, who was an original FQS member.
Bobi Tiglao couldn’t take it so he resigned only after a few months (he underwent a multiple heart bypass). He was then made ambassador to Greece, a position that he still has.
Mahirap talagang magsinungaling! Ma-ha-heart attack ka!
At least, we only have to stomach the current bunch of liars for a few more months.
I would wish Conrado de Quiros to help in crafting Pres. Noy’s speeches, even for at least the initial ones. He was one of the first who was for Noynoy from the very start. He also has quite an elegant style of writing, rivalling that of Teddy boy Locsin.
Hayup ang mga tongresmen, nung si Gloria ay nandaya hindi sila nakahintay na nombrahan ang mandaraya habang mahimbing sa tulog ang pinoy. Ngayon mag-promulgate pa sila ng rules for the canvassing of certificates to follow the Constitution.
Dalian nyo mga lintek kayo, hinihintay pa yata ninyo na maagaw ule ni Gloria ang presidency!
chi – May 12, 2010 8:19 am
I checked, talo si Cesar Mancao sa Compostela Valley first district. Apsay ang winner.
Mabuti naman… pagnanalo yan, mag mamalaki lang yang ungas na yan!
Pauwiin na si Ping Lacson… at gawing hepe ng PAGC! Presidential Anti-Gloria Commission!
Para hindi na makaporma yang pandak na yan sa kongress!
Not so fast. May warrant of arrest ang court, na hindi puwedeng baligtarin ng executive branch. Dapat na mag-reinvestigate ang DOJ, at sabihin inaatras, dahil walang probable cause (wala naman talaga). Then, pag-granted ang motion to exclude Defendant Ping, mawawalan na ng bisa yang warrant of arrest.
Huwag na huwag siyang umuwi before July 1, dahil presidente pa ang bruha hanggang JUne 30.
Kawawa nga talaga si Mar. Ilaglag ka ba naman ng mga kasamahan mo sa kampanya.
Ang tanong, maliban kay Chiz, bakit pinayagan ni Noynoy na mag Noy-Bi ang kanyang mga kamag-anak. Kasama na si Peping Cojuangco?
Tapos sasabihin niya,”Isa lang ang aking bide-presidente”. May ka-ipokrituhan yata.
Hahaha. sax, agree! excited lang ako… kailangan talga ni Noynoy si Ping as senator… lalo pat hindi pa sigurado si President Noynoy na hawak nya mayorya sa senado… dapat ding mapawalan o makaattend na sa senate session si Trillanes…
Agree ako kay Kakosang Henry sa #223.
May bagong balita mga igan, mainit-init pa. Umamin na si Iggy Arroyo na tatakbong Speaker of the House si Gloria.
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100512-269604/Arroyo-to-run-for-speaker-says-brother-in-law
Looks like the smartmatic mind conditioning really worked….lol
Madaling mandaya sa computerized election kesa sa manual election.
Paano naman xman, nagkadayan ba kaya maraming boto sina Erap at Binay?
Parang gustong bawiin ni Delos reyes yung pag-concede niya dahil may nadiskubre daw silang iregularities sa mga numero. Ako nga din ay nagtataka dahil sobrang ang taas ng mga numero sa Presidente pag pinagsama pero sa mga Senador ay parang sobrang layo. Dapat man lang ay hindi sobrang malayo dahil isang boto sa President, eh most likely may senador. At least 3/4 man lang. Pwede rin kasing gawin yung dayaan na may singit. Kung may ghost employee, baka pwedeng ‘Ghost PCOS/FlashCard’, Electronic-Dagdag. Nandyan ang hilutan sa mga numero sa marunong magbayad. Papayag bang walang kikita sa KUMOLEK!
Remember and DO NOT forget, na ang mga dayaan nuon especially Hello Garci ay hindi nangyari kung hindi pinapayagan ng KUMOLEK. Pag may eleksyon dyan may pagkakataon na kumita ng malaki depende sa highest bidder.
Yung Senatorial Candidate na nasa 10th-12th place so far ang medyo nanginginig. Ganun din sa mga Party List. Baka malaglag sa mga humahabol. Pwede kasing hilutin ang resulta dahil KUMOLEK ang may hawak ng Canvassing. Malamang yung Party List ni MikeyMouse Arroyo ay handang magbayad makapasok lang.
Oblak, napakadaling dayain ng computerized voting lalo na sa mga maraming palpak na ginawa ng comelec at smartmatic.
http://www1.psagroup.com/psacms_kc_ph.nsf/Published.Pages.ByKey/RCAA-83V9GR
Isa sa mga highlight doon sa link ko sa itaas:
Private and Public Keys
A public key infrastructure (PKI) enables users of a basically unsecure public network, such as the Internet, to securely and privately exchange data through the use of a public and a private cryptographic key pair that is acquired and shared through a trusted authority. Comelec bid bulletin #10 directs Smartmatic-TIM to generate private and public keys of all Board of Elections Inspectors (BEI) and Board of Canvassers (BOC) personnel – the individuals responsible for communicating the precinct results. Unfortunately, in the proposed system, the private key is not private. After collation of votes, the BEI will seal its tally with a digital signature using private keys before transmitting the results. Regrettably, as it stands now, Smartmatic will have possession of the secret and the public keys of all BEI. In essence, the digital signatures would be generated and assigned by Smartmatic and or groups authorized by it; not an independent or trusted authority. By possessing the private keys, Smartmatic and its associated parties can make changes to the precinct election results without detection.
Mahina ako sa mga technical at computer program na bagay. Ang sa akin lang, kung talagang dinaya ang computerized election, bakit si Aquino ang nangunguna at nag gigitgitan si Binay at Roxas. Hindi naman ako maniniwala na dinadaya ng GMA administration ang election para panalunin si Aquino at Roxas o Binay. Kung talagang nagkadayaan, dapat si Villar o Teodoro at Loren o Manzano ang namamayagpag sa bilangan.
Kung ang pinapahiwatig mo ay dinaya ang computerized election para bawasan ang boto ni Estrada, hindi siguro sumasagi sa iyong hinuha na mas may iilagan si GMA kay Aquino kaysa kay Erap. Tandaan din natin na hindi pa nailalabas ang buong dokumento ng conditional pardon na pinirmahan ni GMA at Estrada.
Oblak,
Baka naman this time eh ibang grupo o tao naman ang gustong mandaya. Si GMA eh secure na sa Kongreso kaya di na niya yan pinapansin.
Sabi ng KUMOLEK eh yun na lang daw Electronic COC/ERs ang gamitin ng Kongreso sa pag-canvass ng Pres at VP. Sabi naman ng ibang Senador eh di parang walang check & balance, kaya yung manual COC/ERs ang pagbabasehan nila. Lagot baka may lumabas na irregularities tulad ng sinasabi ni Atienza at Delos Reyes.
Aling Luz, sino naman yung grupo o tao na iyan. Kampo ba ni Aquino at ano ang access nila?
Hindi mo ba napapansin na ang mga nagpupumilit na nagsasabi na may irregularities? Siguro kung leading si Estrada, hindi mo paniniwalaan na may irregularities.
o pano mga igan, unahan ko na kayo: 🙂
Executive Order No. 1:
TO all appointed government officials, submit your courtesy resignation letter to the office of the President within 24hours!
teka mas maganda ‘to:
Executive Order No. 1:
TO all GAGO (Gloria’s Appointed Government Officials), submit your courtesy resignation letter to the office of the President within 24hours!
Ms. Perl, yung mga hinayupak na yan, hindi yan mga courteous at hind magsusubmit ng resignation. kaya mas mabuti, consider all yourselves resigned, whether you like it or else.
Tapos mayrun ding:
1. Demand to render accounting/liquidation;
2. Surrender all the luxury cars, laptops, blackberry and other expensive things issued to you and surrender them to the Executive Secretary.
BREAKING WIND
It started as a one-sided news article (both online and print)…
PASG uncovers int’l drug base on island off Quezon
By FERDINAND CASTRO, Manila Bulletin
May 8, 2010, 6:53pm
Two blog posts came a-blazing…
Drug Money Being Used In Campaign?
Posted by tamangkatotohanan
Post Date :
May 9, 2010 at 8:06 am
Sunday, May 9, 2010
Is Liberal Party funded by Drug Money?
On the eve of Election Day pexers were also worried stiff…
Drug Money Being Used In Campaigns?!
At dawn, May 10, there was a two-sided news item that came out online…
Quezon governor and Liberal Party treasurer, faces probe over drug transshipments
May 10, 2010 12:50 am, balita-dot-ph
However, the Daily Tribune still carried the one-sided news on print, on Election Day…
PASG hints at narco politics behind Noynoy, LP funds
There was news blackout on this purported VERY DAMAGING report. But the most the news got through to national TV is by way of breaking news on NBN Channel 4…and this was already in the afternoon of Election Day.
Apparently the black propaganda failed to work.
Oops, here’s the two-sided report from balita-dot-ph…
PMP presses deeper probe vs LP official linked to narco politics
May 10, 2010 12:50 am
Here’s The Daily Tribune link…
PASG hints at narco politics behind Noynoy, LP funds
latest text: Meron bagong noontime show featuring Willie Revillame and Manny Villar – “KAWAWA-ME”
older text : Erap refuses to concede. Panalo daw siya kasi sabi ng PCOS machine sa kanya – “Congratulations”
Narco-politics? Matagal nang sinabi ni Ping yan. Detalye na lang ang kulang, with regard to people involved.
Yan ang dapat lutasin, not only for the inherent evil of drugs, but also for its massive collateral damage. Tingnan niyo na lang ang Colombia at Mexico. Walang magawa ang gobyerno. Ang financial and technical aid ng US, walang silbi rin.
Putulin ang puno, habang seedling pa lang. Inalipin na tayo ng banyagang military forces, aalipinin pa ng banyagang drug lord?
Ibalik si Ping para mayroon Elliot Ness sa NasPi. And to hell with the bleeding hearts crying over the Kuratong Baleleng.
Speaking of drug lords, maraming nasa kulungan di ba?
Si Bill Clinton, noong paalis na, nagbenta ng pardon. Maaari ding gawin yan ng Speaker of the House in waiting. After all, like Lito Banayo once quoted, she said she is beyond shame.
Imagine the commission of those who would broker a pardon.
Walang judicial review yan. Sugod mga sugapang magkapatid.
Former Honduran President Zelaya tried to rig the computerized voting complete with official documents and certified results but he was ousted before the election/referendum even started.
http://babalublog.com/2009/07/a-page-out-of-the-chavez-leftist-in-other-words-playbook/
Manuel Zelaya came to power funded by drug lords.
…….an increasing number of small aircraft have been landing or crashing in Honduran territory. These planes carry the Venezuelan flag and are chockfull of kilos of cocaine. Most loads are not confiscated by the authorities; when they are, they’re actually redistributed into the drug market, expanding the business circle to police officers and other public officials. Weekly, one or two of these aircrafts are detected but rarely are the culprits captured. President Zelaya, knowing all this, prefers to keep silent, since he well knows he shouldn’t fight the drug lords, who are his friends.
http://intimaralem85.blogspot.com/2009/06/why-manuel-zelaya-deserved-to-be.html
Wow, akala ko tapos na ang election campaign period? Bakit ang dami pa ring black propaganda???
Kaya pala noong na interview si autistic narco Noynoy ng foreign newspaper ang sabi nya ay siguradong panalo sya at kung hindi mangyari yon ay mag pe people power sya. Yong pala ay alam nyang dadayain nila ang computerized voting……bwisit…..
May nabasa ako pati na nangyari sa ibang bansa hindi ko lang maalala kung saan. Ang technique ng pandadaya ay kinakailangang malaki ang lamang para magkaroon ng shock and awe ang kalaban para hindi makapalag. Kung ang lamang ay 1 million votes lang e madaling pumalag ang kalaban.
Apparently the black propaganda failed to work. Why?
PASG denies Quezon raid
Philippine Daily Inquirer
First Posted 03:25:00 05/11/2010
—–
PASG exec: Don’t use us for black propaganda
by People’s Tonight
Tuesday, 11 May 2010 17:54
—–
PASG clears Aquino, Nantes
by People’s Journal
Wednesday, 12 May 2010 20:12
—–
PASG: No drug haul in Quezon
By Paolo Romero (The Philippine Star) Updated May 13, 2010 12:00 AM
—–
Now, whose handiwork is it?
Ano ngayon ang mangyayari failure of computerized election ba?
O panibagong election within 6 months time?
Kung magkaroon ng bagong election kinakailangang manual para hindi makapandaya yang autistic narco epileptic Noynoy na yan.
Xman, ang mangyayari, icacanvass ng congress ang boto para kay Noynoy, i proclaim si Noynoy tapos sa June 30, 2010, oath taking na ni Noynoy. Hindi pa alam kung saan gaganapin at kung idedeklara na walang pasok sa June 30 ang mga bumoto kay Noynoy.
Matindi naman yata ang muhi mo kay Noynoy?
Oblak, ang transmitted result ng comelec at smartmatic ay hindi gospel truth.
Yong link ko sa #242 ay nagpapatunay na naparaming butas para madaya ang resulta ng election.
Sa US nga e maraming dayaan sa computerized voting nila pero ang US mainstream media ay tahimik lang, bakit kaya? Nagkaroon pa sila ng congressional investigation ukol doon at may mga witnesses pa pero tahimik ang US mainstream media, bakit kaya? Eh dito pa sa Pinas, na harap harapan ng mga buwayang mandaraya ang mga tao dito at ang kakapal pa ng mga mukha sa mga kasinungalingan. Dito sa blog napakaraming mga sinungaling din…hahahahha
Iyan din ba ang dahilan kung bkit No. 3 lang si Erap sa San Juan?
Mauumpog naman kasi Erap kung kwestiyunin pa nya yung resulta sa San Juan. hindi acceptable ang resulta ng computerized election na No. 1 si Aquino at No. 3 si Erap sa San Juan pero acceptable naman ang parehong resulta na panalo si JV na congressman at si Guia na Mayor.
Ang final tanong, kung si Erap ang No. 1 sa election result based on the comelec and smartmatic, gospel truth yun?
Dapat imbestigahan kung talagang totoo ang resulta ke si Erap o Aquino.
Bakit pagtitiwalaan ng tao ang comelec at smartmatic na maraming ginawang palpak sa maquindanao na lang, palpak din ang resulta sa HongKong, e dito pa kaya sa buong Pinas?
Ano pa? Walang security at check and balances yong balota ng mga tao? Paano ngayon ma u audit yan? Control lahat ng smartmatic at comelec, hindi transparent.
Actually, control lahat ng smartmatic…oo lang nga oo ang comelec dahil malaki ang makukuha nilang pera kay taba.
Nakakapaptaka naman dito sa Pinas ang daming delayed transmission ng boto? Ano ba ang dahilan? Technical glitz ba o minamasahe pa ang resulta?
“Aling Luz, sino naman yung grupo o tao na iyan. Kampo ba ni Aquino at ano ang access nila?” -oblak
Oblak,
Ang malamang na nag-o-operate ay sa local level. Dun kasi mas madaling makipag-usap sa mga BEI. Katulad na lang nung isang pinalabas sa TV na shaded na yung pangalan nung sa Mayor sa balota. Ayaw sagutin ng BEI, ang sabi nagkamali daw ng bigay ng balota. At yung mga ipinalit na mga libong Flash Card nung nagkaproblema ay di na na-testing. Di natin alam kung may karga na. Syempre dun lang naman tayo sa fair di ba?
hindi ko malaman kung maiinis, matatawa o maawa ako sa inyo eh… bago mag eleksyon si Noynoy ang no. 1 na nagpu-push sa komolek na magparallel manual count para maiverify yang result ng automation na bilangan… tapos nung manalo o lumamang ng milya-milya sa automation… sasabihin nagkaron ng hi-tech na nadaaay…
pano pala kung pinagbigyan ang manual count at nanguna pa din si Noynoy, sigurado sasabihin nyo pa din nandaya…
tsk, tsk, tsk! mga narco-adik na ata… matindi na haluccination nyo mga igan… move on.. mahirap yan…
narco-politics? Sori at probinsyana ako pero as i know, mas gin ang gusto ng mga tao dito…drugs—pang mayaman lang iyan! at kung maraming mayaman ang nag-drodroga ay hindi sila voting majority.
Sala sa init-sala sa lamig si Juan, perl.
Perl:
Note sabi ni xman, “ke si Erap o Aquino”.
Ang gustong masuri (kasama ako), ay yung mga certificates from the precinct, para walang noted na naman. Kung yung electronic transmission lang ang titingnan ng Senate, puwes mag-proclaim na lang ang Comelec, dahil duplicative na lang ang gagawin ng Congress. Yung pagsuri ng physical certificates ay isang pag-audit, pero pag-audit lamang ng mga precinct totals.
Mukhang wala na ngang duda kay Noy. Pero maaari pa rin i-shuffle yung 10, 11 and 12 sa mga senador, para pumasok ang 13, 14 and 15. Gayon din, maaaring himasin ang party-list, para dumami ang kampon ng Speaker-in-waiting. Ibig kong patas ang bilangan, para may pag-asa si Sonny Belmonte.
Maganda naman ang may audit, para magkaalaman. Masyado lang tayong na-wow sa magandang resulta ng halalan. Any computer programmer wants his code double-checked by a colleague, just to make sure. An accountant also wants to double check the books. Walang masama sa nag-iingat.
Kababasa ko lang, nagbabalak si Noynoy na sa Barangay Chairman sa Tarlac siya mag oath taking. Hindi nya type kay Corona mag oath taking. In your face, GMA!!!
Napapag-usapan yang pag-canvass. Gusto daw ni Enrile ang mas maaga sa thirty days. Ayon din si Nograles.
Pumapapel na naman ang outgoing, handa daw siyang tumawag ng special session. Tila ibig na namang mag-sumamo sa kanya ang Congress; huling power trip kung baga.
Walang sinasabi sa Saligang Batas na kailangang tumawag ng special session ang Pangulo. Ang sabi ay:
Hindi rin kailangan ng thirty days; nakaugalian na lang, noong old system, dahil matagal ang bilangan. Ang sabi, not later than thirty days, Samakatuwid, sadyang may clausula sa Saligang Batas na maaaring maaga ang canvassing. Outer limit nga yung thirty days.
Manong Johnny: umpisahan mo na sa Lunes. Papuntahin na sa Maynila ang mga congressman na taga probinsyang may certificate of canvass nang hawak ng Senado. Wala na silang maluluto sa ibaba. Ang labanan na lang ay yung walang certificate of canvass.
Gusto mo happy kami. Puwes sabik na sabik na si Juan; na maghubad si Gloria
ng corona bilang Pangulo.
SNV, sa mga news report, nagkasundo na raw ang mga congresista at senador na bago pa maghalalan na sa May 31 sila mag convene para sa canvassing. Gusto man “daw” nina Nograles at Enrile na iurong sa May 24, hindi naman “daw” sila siguradong magkakaroon ng quorum.
Ang masasabi ko lang sa news reports, ang mga hinayupak na ilang congresista, kapag bigayan ng pera, nagsisipagdaluhan. Pero kapag trabaho na, lalo na ito na hindi nila kagrupo si Aquino, ay nagdadahilan.
Gusto mo happy kami. Puwes sabik na sabik na si Juan; na maghubad si Gloria ng corona bilang Pangulo. -saxnviolins
Like na like ko, atty sax.
May alitan doon sa naangkop na thread, so dito ko i-po-post ito.
Si Noy daw ay manunumpa sa Kapitan ng Barangay. Mabuti kung ganoon, bilang pagpaparangal sa mga mababang opisyal, at pagpapakumbaba sa maliliit na tao.
Puwede ring kay Binay siya manumpaan, dahil abogado si Binay, at tiyak na may notaryo. Pagpapakumbaba din yan, dahil Bise si Binay, at isa ring maliit na tao.
Dapat talaga alisin lahat ang ipinuwesto ni Glorya dahil hindi naman siya ibinoto ng tao. Illegal siya …. since illegal siya e di puro illegal din ang mga taong ipinuwesto niya … pati na rin yong perang may pirma niya ay peyk. Burahin lahat ang pinag-gagawa ng tangnang mandaraya at magnanakaw. Yong mukha niya dapat ilagay sa dartboard para ang aasintahin ay yong nipol niya na inilipat sa mukha dahil wala ng paglagyanan sa retokadong debdeb niya. Puweeeee …..
Bukod sa panunumpa sa mababang opisyal, maganda rin kung magiging payak ang kanyang inauguration (yan ay kung ma proclaim sya ng Congress) Huwag lang kokontra si Kris Aquino, hindi kailangang magarbo sa June 30. Sinimut na ni GMA at ng kanyang mga kampon ang kaban ng bayan kaya dapat mag observe ng austerity. Of course, hindi dapat inbitahin si GMA.
Sa lahat ng anunsyo ni Noynoy, ang panunumpa sa Kapitan ng Barangay ang pinakagusto ko. Tumpak na tumpak yan para maituon sa maliliit ang sentro ng kasiyahan. Kami naman kahit 15 minute of fame lang!
Huwag na pa-attend ang mga ankol at tiyahin na balasubas. Si Kristeta mapagtitiyagaan ko huwag lang bobonggahan ng todo ng terno at itikom ang bibig kahit sa panunumpa lang ni kuya Noy.
Kaganda ng Panangalog mo Oblak. Matagal ko nang hindi nadinig ang katagang “payak”.
Sa pag-upo ng bagong Presidente ay sana ay unahin niya ang PEACE & ORDER. Masyado na kasing peligroso ang sitwasyon ng bawat mamamayan. Pag nanunuod ka ng TV hindi pwedeng walang report ng mga holdapan at aksidente. Tuwing lalabas ka sa lansangan o sasakay ng pampublikong sasakyan, kahit tirik ang araw, ay hindi ma-feel na safe ka. At maski na sa loob ng tahanan ay di na rin safe dahil uso ang mga akyat-bahay. Dapat palakasin ang powers sa barangay level na parang isang maliit na gobyerno talaga.
Salamat SNV. Sayang nga lang ang mga pinoy ngayon mas gusto gumamit ng text talk, gay lingo at lately jejemon.
Heto ang isang nakakakiliting balita:
Hello Jun: Esperon says he was cheated:
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100515-270074/Hello-Jun-Esperon-says-he-was-cheated
Sa election, uso ang vote buying,pero ang proclamation buying ay bago yata ito,in southern Tagalog city,one candidate been disqualified,3terms limit,and his wife failed to complied to filed her COC on time due waiting from her HUBBY to waived his candidacy to run.Where in the world,an OFFICIAL of komolekta,could proclaimed the winner was SPOUSE [no COC}of the winning disqualified candidate in votes count,now there was big question who the real winner.Talaga nman pag pera ang usapan di na tinitignan ang batas.ASAN ba ang NO PERMANENT ADDRESS people paki tignan ala ey ala na bang katinuan ang ating bansa.
Coming soon! Red Shirt of Thai = Orange shirt of Masa
http://www.youtube.com/watch?v=o01DvXbc9_w&feature=related
Hay Politika nga naman sa Pinas, nabanggit lang ang pagsumpa ni Nyoynyoy sa barangay Captain eh excited nang pumapel ang mga barangay Captains sa Tarlac.
Wala namang masama diyan luzvi. Ako man, kung naging Barangay Captain, ibig ko ring sumumpa sa akin ang Pangulo, kahit binoto ko si Erap; masabi lang sa mga apo pagdating ng panahon, na minsan, ang Lolo niyo ay nagbigkas ng panunumpa ng pangulo.
Kung ako si Noynoy ay invite ko lahat ang barangay captains sa Tarlac sa oath taking. Sigurado kuha niya lahat ang suporta nila, he’ll make history pa.
Piliin sana niya yung Kapitan del Barangay ng pinakamaralitang lugar sa Tarlac, bilang pagpaparangal sa kanila. Dili kaya, yung pinakamatanda, para may alaala ang pamilya, kapag pumanaw na ang Kapitan.
Mungkahi ko rin na humanap ng Kapitan sa partido ni Erap (sorry ayaw ko kay Money), bilang pagtupad sa prinsipyong pinaiiral ng Nanay noon – ang reconciliation.
Excellent suggestions, atty.
Puede kay Atty. Miguel Pidal Arroyo. Masmatindi ang impak kung reconciliation ang gustong palabasin.
Ewan ko lang kung may notaryo yung baboy. Besides, one who has flouted his oath is not qualified to administer an oath. The oath of a lawyer is as follows:
Now tell me. Which one among the above has the pig adherred to?
Note I am not for revocation of the CJ appointment – only the appointments in the executive branch. The other contender, Carpio, himself, is not exactly simon-pure.
Sax,
Wala naman akong tutol sa pagsumpa sa isang Barangay Captain eh kung pwede rin naman sa ating batas. Actually gusto ko nga eh palakasin pa ang powers ng isang Barangay ng tulad ng isang maliit na City Hall para di nagsisiksikan sa pagasikaso ng mga papeles, tulad ng mga permit, Realty Tax, at iba pa. At least kakila pa ng Kapitan ang mga nasasakupan niya. Pwede ring i-cluster tulad ng ginawa nila ngayon election, para medyo tipid. Dapat naka-register ang mga Barangay constituents, magreregister din lalo na yung mga bagong lipat. Yung mga nangungupahan ganun din. At magpapaalam din ang residente kung aalis sa Barangay na nasasakupan. Dapat nasa-survey ang mga residente para mabawasan ang mga sindikato o masasamang loob. Nang sa ganoon ay mas kontrolado ang PEACE & ORDER.
Maybe the Filipino is worth dying for after all? For a brief moment we saw a decision that cut across classes, no masa against elite, no ABCDE, just a unified Filipino vote/voice…
If we continue on this path and not allow ourselves to be divided (and conquered) again, we could see how far we can really go…
Maybe the sacrifices of our detained soldiers, national heroes, OFWs, etc…were not in vain at all…
Has anybody bothered to ask who Quiboloy was actually talking to when he got the “madate from heaven?” God couldn’t be wrong, so maybe he was talking to someone else? 🙁
Bakit ngayon sa mga interview ay mga wala nang masyadong sigla magsalita ang mga taga KUMOLEK at Smartmatic-TIM after lumabas ang mga alegasyon ng dayaan? Di tulad nuon na ang excited silang magsalita na successful ang automation. Nabanggit pa ni Comm. Melo na ‘faster than Garci’ daw.
jug, why bother? 🙂
@baycas (#260)
Na-black prop nga si Nantes pero hindi naidikit. Mas masama naman ang nangyari, nag-crash yung chopper niya kahapon ng alas-tres sa Lucena.
RIP Gov. Nantes, malupit talaga ang politika sa Pilipinas.
Unahan lang yan TonGuE T. Sa huli ako, hehe…two innocents on the ground, idinamay pa.
tongue,
malupit nga! tingnan natin ang galing ng soco. pihong foul play yan…
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/regions/view/20100518-270728/Quezon-mourns-death-of-gov
Wala daw drug chemical, but they did not say that there was no manufacturing equipment. Why hunt for the drug lord there? Was he sun-bathing?
Cash survived the burning, but not the bodies? Parang Dacer-Corbito yan. Sunog ang katawan, naging abo, pero buhay ang singsing.
Why the rush to burial? Wala bang autopsy? Aren’t the family members interested to find out how he died?
Latest news: Maaring Maantala ang Proclamation ng Presidente at Vice President
Ayon kay Nograles, bubusisiin ang mga PCOS machine para siguraduring ang bilang na balota ang lumabas sa certifcate of canvass. Manual counting yata ang gusto.
Kapag ganyan, lahat na proclaim na, from councilors to Senators at President at vice President lang hindi ma proclaim.
#303. Kinopya ang Dacer-Corbito case sa kaso ni Nantes, hindi orig.
#304. Bakit hindi ganyan kabusisi ang ginawa ng lintek na Noted Pangilinan at Gunggong Gonzales noong 2004 canvassing of ballots, yun ang talagang manual election. Tsk, tsk, tsk…maaagaw ulit ni Gloria kay Noynoy ang panguluhan pag nagkataon!
Ayon kay Nograles, bubusisiin ang mga PCOS machine para siguraduring ang bilang na balota ang lumabas sa certifcate of canvass. Manual counting yata ang gusto.
Kapag ganyan, lahat na proclaim na, from councilors to Senators at President at vice President lang hindi ma proclaim.
—————————-
Bakit walang ganito sa panahon ni Gloria vs FPJ? ngayon lang? grabe talaga ni Nograles. What could they gain for delaying the proclamation? Where are the freedom loving press? BAkit walang nagrereklamo? dapat manggagaling sa tao hindi kay Noynoy as that would be self serving.
Ang problema natin kasi hinahayaan natin gawin ni Gloria yan…
Chi,
Ang hirap niyan eh baka mayrong bagong magiging ‘Mr. Noted’.
Yung lumabas na wistleblower eh ang sabi ay, inunahan daw nila ng pagta-transmit ng mga ‘Ghost Election Results’ ang mga tunay na boto. Kaya pala bigla na lang lumobo ang resulta ng mga bandang 8-9 pm. Pwedeng nilang gawin yon dahil alam nila ang mga codes at configurations. At sobrang daming excess Flascards. Kaya hanggang hindi pinapalabas ang per precinct level at iko-cross check sa mga balota ay hindi mapapatunayan na malinis ang automated election. baka ang bago eh ‘Electronic Garci’
Grabe yang mga KUMOLEK Cheating operators. Tuwing eleksyon eh …mga MULTI-MILLIONAIRES!!!!!
Highly improbable…but its interesting…they have to come up with more credible witnesses though, and who has closer ties with the comelec? it doesn’t add up…
Ang automated election natin hindi naman fully automated in the real sense, kasi may manual handling at duon ang chance sa pandaraya. Hindi ako expert, pero akala ko ang automated ay parang automatic lahat, machines ang naguusap at magtatrabaho ng lahat hanggang lumabas ang resulta.
Ang utotomated ng comelec relied on a removable disk controlled by human, kaya posible talaga ang dayaan. Well i am for Noy but now have second thought. I want to be sure he is a genuine winner, baka peke na naman.
Nagtataka ako na ang mga lumabas na panalo sa senators ay yong mga beterano na sa politika, iyong iba nga nabasura na last election. Hindi kaya alam na nila kung paano paandarin ang mga election operators to their advantage at ang mga naive na mga ibang kandidato ay mga walang kamuwang muwang sa kalakaran, o kapos sa bayaran?
Kung talagang may dayaan ay walang ibang dapat sisihin kundi ang mga taga KUMOLEK dahil ang trabaho nila ay maging malinis ang halalan maski may mga kandidatong ang balak ay makapandaya. Pero ang mahirap sa ating eleksyon ay yung mga sindikato sa KUMOLEK pa mismo ang sangkot sa dayaan at ang nagpapasya kung sino ang mga mauupo sa ating gobyerno. At kumikita pa sila ng milyong-milyong pera! Ang pinaghihirapan nating pagboto ay isang ‘Exercise in Futility’ na lang o ‘Moro-Moro’!
Tama ka martina, Yung mga inilaglag na nung last eleksyon tulad ni Tito Sotto ng ASO at VATman Recto ay lumabas ngayon. Kasama na rin si Lito Lapid. Duda ko kasama sa mga ‘nagbayad’ sa mga operators.
paano kaya nangyari yon na yong mga binasura noong nakaraang senado eleksyon ay nanalo ngayon?
ano ang ginawa nila para sila manalo ngayon? siguradong nagkabayaran na naman lalo na yang si evat recto.
si bongbong marcos ay malaki ang nagawa nya sa distrito nya at makalipas ang 25 years ay medyo nalimutan na ata ng mga botante ang history nila. kaya si bongbong marcos ay si tingin ko ay lehitimo ang pagka senador nya. pero itong si evat recto, halatang halata na binayaran nya lang ang comelec.
Pity! Mar is having trouble…
By the way, I totally am for Aquino being sworn in by a Baranggay captain.
And why the hell not? If not illegal, then I’m all for it. Time to give the barangay execs the importance that they deserve. It will do a lot of good and will go a long way for the nation’s CEO to recognize the value of the CEOs of the smallest political units in the country.
Damn Corona!
Ibalik si Ping para mayroon Elliot Ness sa NasPi. And to hell with the bleeding hearts crying over the Kuratong Baleleng. — Sax
Agree completely! Put the head of Malacanan Kuratong Baleleng gang in jail.
Alam naman natin na may mga EXTRAng PCOS machines at Flash Cards! — Luz
Amazing! Someone wrote to me before election day about flashcards being purchased “by the tons” …
Garci still at work? Bad weeds don’t die — they don’t even rot away.
I am not into questioning the results of the election although I admit, it’s almost unbelievably fast and too good to be true. I am just bothered that history might be repeating itself again – with all the complaints coming from all sides about fraud, cheating and pre-programed PCOS, flash cards or whatever to favor certain candidates to win, it’s difficult to not think about it, that the country may again crown leaders with dubious mandate.
We can not afford to have another ala-Gloria illegitimate government. There’s too much divisiveness that not only held the country into stagnancy but move the country backward instead of moving forward. Lessons should be learned from the past.
Of course, not everyone is inclined to go to the bottom of the reported anomalies especially the supporters. But there are more questions coming out with no answers. And if we want our leaders to be truly representing the will of the electorate, we have to support the need to investigate, after all if what were reported by the comelec were the true figures, then the same figures will come out from the investigation. No more no less.
Then everybody will be rest assured and satisfied that those who will lead us for the next six years are legitimate and mandated by the people.
Re stories of massive fraud, irregularities, cheating, vote padding, shaving, etc., I bet Gloria’s is not completely innocent; her dirty lil finger is at work in that direction because she’s made up her mind that she will not make it easy for the incoming administration to run after her.
Not saying that these stories aren’t true but I am convinced that Gloria has a hand in fabricating some of the stories. She really won’t go away without stomping her short ugly chubby legs and and her feet the size of flippers.
I’ve said it before and will say it again — that horrid individual will not go away until she’s created enough mess for the incoming administration.
Roxas, the sacrificial lamb to Noynoy was never inside the yellow tent. He is blue.
Binay wore a yellow underneath his orange and the package that was wrapped was for a Noy-Bi tandem. And Roxas may have realized it a little too late in the game.
Binay was able to row two boats, upstream and downstream at the same time. He got votes from Erap supporters and at the same time from Noynoy’s. No wonder he is winning over Roxas.
Roxas, if he loses this election, a big question is to mark his political career. He may never fulfill his dream to become president, much like his father who never made it to the presidency.
Such undeserving fate to good and deserving people.