Skip to content

Pamahalaan ni Arroyo, kahanay ng Taliban

Ang galing talaga nitong administrasyon ni Gloria Arroyo.

Sa okasyon ng World Press Freedom day kahapon, kasama ang Pilipinas sa 40 bayan na sinasabing “Predators of the press.”

Ang ibig sabhin ng “predator” ay isang bagay, pwedeng tao, pwedeng alien na kumakain o nagsisira ng isang bagay. Parang halimaw na nagbibiktima ng mga ordinaryong mamayan.

Kalinya na ng Pilipinas ang mga Taliban sa Afghanistan.

Ayon sa report ng Agence France Presse, sa listahan ng media watchdog na Reporters Without Borders, ang nasa listahan nila maliban sa Pilipinas at Taliban ng Afghanistan ay mga pamahalaan ng China na ang lider ay si Hu Jintao; pamahalaan ni Mahmoud Ahmadinejad ng Iran; Paul Kagame, ng Rwanda, Raoul Castro ng Cuba , Prime Minister Vladimir Putin ng Russia, President Ramzan Kadyrov ng Chechnya, President Ali Abdulah Saleh ng Yemen.

Sila ay makapangyarihan, delikado, mabangis at hindi nagre-respeto ng batas,” sabi ng RSF.

Kayang-kaya nila mag-censor, magkulong, magkidnap, mag-torture at magpatay ng mga journalists,” dagdfag pa ng RSF.

Nakasama ang Pilipinas doon dahil sa Maguindanao masaker noong Nobyembre 23, 2009 kung saan sa isang araw lang hindi sa kumulang sa 57 katao, 30 sa kanila ay mga journalists ay walang kahabag-habag pinatay ng mga miyembro ng pamilyang Ampatuan na siyang mga opisyal sa bayan ng Maguindanao.

Hindi lang sa Maguindanao dahil ang isang miyembro ng pamilyang Ampatuan ay si Zaldy na gubernador ng Autonomous Region for Muslim. Kasabwat nila ang mga miyembro ng Philippine National Police.

Alam ng lahat na malapit ang mga Amoatuan kay Gloria Arroyo ay sila ay nagiging makapangyarihan dahil tuinulungan nila mandaya si Arroyo sa ARMM noong 2004 na eleksyun.

Nakakahilakbot na ang masaker. Mas grabe pa ngayon ang nagyayari dahil gusto pa yata ng pamahalaang Arroyo na hindi papanagutin sina Ampatuan sa kanilang ginawa. Pinawalang sala na si Zaldy at ang tiyo niyang si Akmad ni Justice Secretary Alberto Agra.

Marami pa sa listahan ng National Union of Journalists of the Philippines ang kasalanan ng administrasyong Arroyo sa media sa loob ng siyam na na taon na ito ay sa kapangyarihan. Kasama na doon ang 100 na pinatay na journalists, ang harassment ni Mike Arroyo, asawa ni Gloria Arroyo, sa 46 journalists sna kayang kinasuhan ng libel at ang pag-aresto at pag-posas ng mga journalists na nag-cover ng Manila Peninsula siege noong Nobyembre 2009.

Walang demokrasya kung walang malayang pamamahayag. Pangalagaan natin itong ating kalayaan.

Published inAbanteMaguindanao massacreMedia

39 Comments

  1. And Gloria is RP’s Osama Bin Laden…

    Ok, correct that… Gloria Arroyo Bin Laden

  2. bobong bobong

    Why not rank the Philippines as no. 1 human rights violator in the whole world. Bakit, meron na bang ganoon kadaming journalists na namatay in just one instance sa ibang bansa? Nangyari ito only in the Philippines.

    Dapat tandaan ito ng mga relatives ng mga namatay na journalists under the regime of GMA. Walang kapatawaran ang ginagawa nila. Tandaan nating lahat ang mga pangalan nila, kasama na ang lahat ng mga alipores ni GMA.

  3. chi chi

    Oo nga, onli in Pinas. Sabay-sabay na pinatay sila ng Ampatuan, best friend ni Gloria Arroyo. That should merit Pinas the first rank, courtesy of public enemy number one.

  4. lakay lakay

    DAYAAN NA! Read below.

    NP bares irregularities in PCOS machines

    By Maila Ager
    INQUIRER.net
    First Posted 20:55:00 05/03/2010

    Filed Under: Eleksyon 2010, Elections, Politics, Technology (general)

    MANILA, Philippines – Alleged irregularities in the testing and sealing of the precinct count optical scan (PCOS) machines have been discovered by the camp of Nationalista Party (NP) standard-bearer Manny Villar.

    In Muntinlupa, for instance, Villar’s name could not be read by the poll automated machines, NP spokesman and senatorial bet Gilbert Remulla said over the phone on Monday night.

    “When the result came out after the voting, walang Villar na lumabas [no vote for Villar was counted]. Our team members voted but their Villar vote did not appear,” Remulla said.

    In Mindoro, Remulla said, the machines only read the name of administration bet, former Defense Secretary Gilbert Teodoro.

    “Tapos sa local officials, mga taga Lakas (Lakas-Kampi-CMD) lang ang lumalabas [And among the local officials, only candidates of the Lakas appear],” he said.

    Other irregularities in the testing of PCOS machines, he said, were also reported in Batangas, Makati, and Pateros.

    “Hindi binabasa ang boto ng tao [It does not read the votes of the people],” said Remulla.

    He then asked the Commission on Elections (Comelec) to address the problem.

    “It seems that there’s basis to speculations of a failure of election, after all,” Remulla said.

    “The Comelec has to answer to these serious charges against them,” he added.

  5. MPRivera MPRivera

    Tatablahin ko kayo lahat sa pagsasabing kalebel ng Taliban ang gobyerno ng pinakamamahal naming panggulo.

    Wala kayong karapatang sabihin ‘yan sapagkat hindi ninyo alam kung paano pigain ng mahal na panggulo ang kanyang utak sa paghahanap ng paraan upang huwag maghirap ang kanyang mga kaanak, kakampi at mga heneral na walang sawang nagsasanggalang para manatili siya sa malakanyang. Masama ba kung gawin niya ito samantalang minsan lamang sa buhay niya dumating ang pagkakataong gawin ang lahat ng kanyang magustuhan?

    Pagkatapos ng kanyang termino, sakaling ginawa niyang malinis ang kanyang pamumuno, saan siya pupulutin kung wala siyang yamang naipon? Sa kangkungan? Sa dagat ng basura?

    Aba, masaya kayo!

    Kung ako ang tatanungin, kahit impiyerno ay maluluma sa mga kawalanghiyaan ng walanghiyang pamilya Pidal. Kaya nga si Satanas ay nagdadalawang isip na kunin si Ipdye kapag ipinapasok sa St. Lufe’s (Lucifer’s) Hospital at si Kamatayan ay nabubunge ang kalawit at nalulusaw ang talim tuwing tatangkaing kalawitin ang marangal na baboy. Baka nga naman mawalan si Satanas ng papel sa kanyang kaharian.

  6. norpil norpil

    nakakapagtago pa rin si arroyo dahil hindi inilagay ang pangalan niya.

  7. balweg balweg

    Well, a big big lesson sa lahat ng Pinoy…kailangan kasing matutung gumalang ang bawat isa sa karapatang pang-tao?

    Ang hirap sa mga nagmamarunong sa ating lipunan…NOW, heto at sising-tuko sa palpak nilang pagkakanlung kay Gloria ng barasuhang inagaw ang Malacanang sa Ama ng Masang Pilipino.

    SIGE…habulin n’yo at panagutin sina Kardinal Makasalanan, Santita Cory, Tabako and his doggies disgruntled General problems, Gen. Reyes, Sen. Mercado, Gunggongzales, Wetnes Apostol, Civil socialites, Obessepo, PCIJ, ABS-CBN, Makati Bwistman, Chavit Weteng Lord et. all.

    Kundi nila sinalbahe ang 11 milyong botanteng Pinoys at pagsalaula sa ating Saligang Batas i’m pretty SURE naging maayos ang Pins sa pamumuno ni Pangulong Erap.

    Ang sakit na kabayaran ng EDSA DOS con Hello Garci sa kawalanghiyan pagdusa sa karapatang pang-tao.

    EDSA DOS con Hello Garci is a NIGHTMARE…lesson sa mga hudas at naghudas sa ating Saligang Batas at 11 milyong botanteng Pinoy.

    Ngayon…puro kahihiyan ang inabot ng Pinas sa mata ng mga banyaga, kasi nga ang daming ipokrito at sinungaling sa ating bansa.

    Walang mga hiya!

  8. MPRivera MPRivera

    Pamahalaan ni arroyo = Impiyerno.

  9. chi chi

    Ala, walang katulad pala. Mataas pa sa number one.

  10. Tedanz Tedanz

    Dahil sa pagkagahaman sa salapi ang Administrasyong ito … kinumputerays ang KOMELEK kahit hindi fully tested ang systema … ngayon nagkandaloko-loko na. Pina re-recall yong mga mother board ng bawat PCOS. Papano nila sasabihin ngayon na ayos ang PCOS na ginamit na ng mga OFW? Mga gung gung talaga gusto lang kumita. Puweeeeeee !!!!!!!!

  11. Tedanz Tedanz

    Papano boboto ang mga katutubo at mga mahihirap(marami ito) na ngayon lang siguro makakahipo o masilayan man lang ang computer. On-da-spot ang pagturo sa mga ito … at ang ituturo ng magtuturo (gulo no?) sa kanila ay lahat ng mga aso ng Administrasyong ito.
    Malamang hindi matutuloy ang eleksiyon at ang Bansa natin ay lalong gugulo …. hindi naman sana.

  12. Tedanz Tedanz

    Lahat na yata na kagaguhan ay ginawa na ng Administrasyong ito …. tama nga kayo …. terorista talaga itong si Glorya.

  13. Comelec as a government agency is technically an independent body but the people in it are not independent. They represent the Taliban government of Gloria Macapagal Arroyo.

    Gloria’s Talibans are as incompetent and as corrupt as she is.

    Comelec recalls faulty voting machine cards

    MANILA, Philippines (AP) – The Commission on Elections (Comelec) has ordered the recall of 76,000 memory cards to be used in the country’s first automated elections next week after some were found to be defective, heightening jitters over a possible failure of the new system. The glitches just six days before 50 million Filipino voters elect a new president, vice president and officials to fill 17,000 national and local posts, prompted calls for a postponement of the election and renewed appeals for a parallel manual count of votes. Philippine elections are notorious for violence and fraud, and many candidates and political parties have expressed fears of high-tech cheating.

  14. Good Lord… I hope they have an Option B (not frauding.)

  15. bayong bayong

    may kalayaan ba tayo?

  16. Tedanz Tedanz

    Baka binago ang source code … yon nga lang hindi nila talaga na-test ng husto pagkatapos nila …. tawag naming mga IT-masters diyan ay “looping” … nagwala na yong program ….. lol

    Una pa lang kasi ang plano nilang i-computerized ang eleksiyon … inuna muna nila yong mga bulsa ….. pera-pera lang talaga ang laro ng administrasyong ito.

  17. Tedanz Tedanz

    “Bahala na” pagkatapos nilang nakuha ang share nila.

  18. Tedanz, ibig mong sabihin, Gloria’s Talibans do have a plan B: “Bahala na!”

  19. Tedanz Tedanz

    Anna,

    Ibig kung sabihin “Bahala na” … kung matuloy man o hindi …. hindi ko alam kung plan B nila ito … hehehehehe

  20. Tedanz,

    As I see it, or read about it, I’m sure tama ka. We had problems in France during last prexy election using electronic voting (not necessarily because of erroneous memory cards). Plan B was implemented, i.e., manual voting.

  21. If the election does not take place because of this Gloria Taliban government’s incompetence, the Philippines will go right up in ranking as one with the most despicable government worse than what bin Laden proposed for Afghanistan.

  22. rose rose

    yong nag iwan ng bomba sa van sa Times Square ay nahuli na..and he was on his way to Dubai….nahuli siya bago sumabog ang bomba…ganoon din ang mangyayari kay Gloria..Reyna ng Taliban sa Pilipinas…bago siya makasakay sa plane at bago sumabog ang bomba sa election..mahuhuli din ang Reyna na kahayupan sa bayan natin…

  23. dan dan

    Pag nawala na sa poder yang si Gloria ipaayos na agad ang deportation paper nya sa Afghanistan…

  24. chi chi

    Mano-mano na lang, mais con leche talaga ang komolec. Few days before elction day ganyan ang balita tapos sabi ni Romy Macalintal e i-postpone daw ang election dahil sa problema na yan. Asus!

  25. chi chi

    Taliban talaga ang administrasyon ng unana, pati eleksyon ay kakatayin!

  26. Sa ngayon, hindi pa yan matatawag na failure of election, failure of automation pa lang siguro.

    Hindi ako naniniwalang:
    1. marerecall ang lahat ng 72,000 PCOS flash memory cards,
    2. papalitan ang program na tailored para lang sa bawat isang distrito,
    3. muling ibabalik sa bawat isang makina sa lahat ng sulok ng Pilipinas,
    4. muling tetestingin at seselyuhan,
    5. at ang lahat ng ito’y dapat matapos sa loob lang ng DALAWANG ARAW!

    Imposible! Una ay sa tantiya ko ay mahigit 500 ang lokal na distrito sa buong bansa (250 congressional districts x min of 2 local council districts per congressional district)

    Sa ngayon ba’y merong 500 dedicated programmers ang Smartmatic na gumagawa na ng pagtatama sa program bago pa man dumating ang 72,000 flash memory cards?

    Kung sakaling matapos itong programs, gaano katagal ang pag-burn ng bagong programs sa memory cards? Ang aktuwal na paglipat ng data ay ilang segundo lang pero ang paghahanap ng natatanging card na para sa bawat makina ay maaring oras ang bilangin bawat isa.

    Idagdag pa natin ang oras na gugugulin par mabawi yung mga cards na naidispatsa na sa mga probinsiya at munisipyo sa lahat ng sulok ng Pinas at muling ibi-biyahe pabalik ng Smartmatic.

    Pagkatapos niyan ay idadaan pa iyan sa redundant checking para masigurong tama ang pagkakagawa ng program at pati na ang pagkaka-burn nito sa card.

    Saka pa lang iyan ide-deliver sa courier ng Comelec, na siya namang magdidispatsa nito sa kanyang mga kinontratang freight forwarders. Ang magpapatagal nito ay ang additional cost na hindi naman kasama sa original na kontrata kaya kung meron pang sasablay sa mga kailangang papeles (gaya ng bagong purchase order o bagong service contract) pati na ang mga kakailanganing downpayment para sa forwarding ng recall at redistribution, maiipit ang mga cards sa bodega ng consolidator/forwarded ng Comelec, MALIBAN KUNG IAAWARD ITONG BAGONG KONTRATA NG COMELEC NANG WALANG PANIBAGONG BIDDING! Alam na natin ang nangyayari kung walang bidding.

    Sakaling makarating na ang mga cards sa Comelec Regional offices, dadalhin naman nila ito sa Comelec Provincial office na siya namang nagdi-distribute sa mga Comelec Municipal/City officers na siya namang magdidistribute sa mga principal para dalhin sa mga presinto.

    Hindi natin alam kung saan dito isisingit yung pagtetesting at pagseselyo.

    Sa palagay ninyo matatapos iyan hanggang sa Linggo?

  27. Ako na rin ang sasagot. Dalawang sagot.

    Una. Aabot dahil talaga namang kasama yan sa plano na mangamba ang mga tao pero matagal nang nakahanda ang mga pamalit na memory cards. Iniiwas lang talaga nila doon sa source code review. O kaya’y sinadya ito para pag gumana sa araw ng eleksiyon ay kampante na ang mga tao at DISIMULADO na ang pandarayang ginawa.

    Pangalawa, talaga lang pumalpak ang Smartmatic at walang ibang paraan kundi ire-program lahat ng memory cards. Kung aabot o hindi, bahala na si Batman.

  28. Mas matindi ang timbre nung kaibigan kong magtitinapa na matagal nang hindi nagpapakita.

    Yun daw flash memory ay dalawa ang programs na nakaload. Ang alternative program na may pandadaya ay iaactivate via wireless mode sa araw mismo ng elections. Pagkatapos mag-transmit nito ng data sa Comelec main, sa canvassing centers, at servers ng mga partido at watchdog orgs, automatic na mabubura ang madayang program at ang maiiwan lang ay ang malinis na program, kahit i-check ay walang makikitang kahina-hinala.

    Paano naman nabuking?

    Merong mga taga-Smartmatic/Comelec na hindi masikmura ang gagawing pandaraya kaya inactivate sa wireless mode ang cheat program. Kaya sa testing pa lang ay hindi na binabasa ang mga boto ng ibang kandidato ng mga makinang abot ng wireless signal. At dahil hindi pa naita-transmit sa mga canvassing centers, poltical party servers, main server, at servers ng watchdog orgs, HINDI PA NABUBURA YUNG CHEAT PROGRAM at dalawa pa ang program na naka-burn sa Memory Cards.

    Kung tutuusin ay dapat doon na lang sa mga munisipyo pinuntahan iyan ng mga programmers ng Smartmatic at mas mabilis kung tao ang bibiyahe ng minsanan lang, hindi yung ire-recall na tapos ay muling ibibiyahe, lalo’t kapos na sa oras.

    Bakit nga ba pilit na ipinababalik sa Manila LAHAT NG MEMORY CARDS?

    Kasi nga ay mabubuking na DALAWA ANG PROGRAM NA NAKALOAD KASALUKUYAN SA MGA MAKINA kung doon mismo sa mga site bubuksan at makita ang laman ng cards.

    Dalawang kilong Tinapang Salinyasi tuloy ang binili ko. Maganda kasi ang tip ni Mamang Tindero.

  29. Tedanz Tedanz

    “We had problems in France during last prexy election using electronic voting (not necessarily because of erroneous memory cards). Plan B was implemented, i.e., manual voting.” … Anna

    May ginagaya na pala sila …. nakuha na yong tongpatz nila ….. bahala na tayo. Wala na talagang gagaling pa sa mga utak ng mga putang-ina nila pagdating sa pera.

  30. chi chi

    Tongue, ang tindi ng tip ng magtitinapa mo. Meron pa ba?

  31. Please, what is “mabubuking”? (Booking?)

  32. chi chi

    exposed, Anna. 🙂

  33. saxnviolins saxnviolins

    Tongue:

    Baka naman dry run yang kapalpakan. Note that it did not read Vilar’s name, as stated in the news. So hindi maghihinala ang mga tao about the Glue’s candidate. Ano ba naman yung baligtarin ang code, so that instead of not reading Money, and reading Noynoy et al, it will read only Money’s votes.

    Anna:

    Mabuking – first heard it from Dolphy, his version of mabuko (matiklo, mahuli, to be caught red-handed).

  34. Sabi lang naman ni Remulla yon. Mga amateur pa kasi kaya yung piyok nilang niyayari sila e mas nangangamoy na kabaliktaran ng katotohanan. Lagi silang binabalikan ng gimik nila. Ayaw nilang maituro na magiging beneficiary ng hightech Garcimation kaya inunahan nila.

    Sabi nga e yung unang pumutak, yun ang umutot. Este, nangitlog, pala.

    Tama ka, pwede nga talagang “Villar” lang ang babasahin. Kahit yung konting alam natin sa Basic/Visual Basic, sisiw lang yan. Kung bakit itinatago pa rin yung source code.

    Putris, sa India, bilyon ang populasyon, puro hustler pa sa computer, open source lang ang ginamit nung counting machines, may nakapandaya ba? Few hours after voting closed, may winner na.

  35. Thanks, Sax…

    Good Lord, what you guys are saying is giving me the shivers. Imagine, another frauding the election scenario in perspective. Naku naman.

    And Tongue is right about rasing India’s experience “open source lang ang ginamit nung counting machines, may nakapandaya ba? Few hours after voting closed, may winner na.”

    Ellen, this needs looking into!

  36. MPRivera MPRivera

    Tongue,

    Matagal ko nang nababasa ‘yang Remulla na ‘yan.

    Sino ba ‘yan?

    Kamag-anak ba ‘yan ng mga Revilla, Villar, Macapagal at Ampatuan?

    Baka nga, ah? Kaya Remulla. Halo halong pinagsamasama.

Comments are closed.