Skip to content

Kasapi ng INC: ‘Hindi oportunista ang INC’

9 pm, May 3, Got this message from a friend who said the other day that INC will endorse Erap-Binay: INC changes mind, goes for Noy-Mar.”
Inquirer: Quiboloy endorses Teodoro

Got word from a friend yesterday that INC leadership chose Estrada over Aquino.

Sumulat sa akin si Generoso Arinuelo tungkol sa aking sinulat noong Martes na dahil sa mukhang panalo na si Benigno “Noynoy” Aquino III, ang kandidato ng Liberal Party, aasahan natin sa susunod na mga araw i-endorso siya ng mga sigurista at mga oportunista .

Sabi ko, “Hindi malayo ang Iglesia ni Kristo , El Shaddai at Pastor Quiboloy hahanay na yan kay Aquino.”

Nasaktan si Gen Arinuelo na nagtatrabaho ngayon sa New Doha International Airport Project ng Overseas Bechtel bilang Civil/Structural field engineer .

Ito ang buong sulat ni Gen: “ Isa po ako sa marami ninyong tagasubaybay ng inyong kolum sa Abante Online dito sa ibang bansa. Pagpasok ko pa lang sa umaga sa aking opisina ay agad kong binubuksan ang aking computer para magbasa lagi ng inyong kolum habang nagkakape. Sa bawat kolum po ninyo, ako po ay humahanga at naniniwala sa inyong mga sinasabi.


“Katulad ng aking nakagawian tuwing umaga, nagbasa agad ako ng inyong kolum at sa pagbasa ko pa lang sa title ay nasabi kong maganda at napapanahon ang topic.

“Subalit di ko inaasahan na ang topic pala na aking babasahin ay naiiba pala sa lahat para sa akin. Sa inyong topic ay nakadama ako ng lungkot dahil ang isa sa inyong tinutukoy na “sigurista” at “oportunista” ay ang aking relihiyon na kinaaaniban, ang Iglesia Ni Cristo.

“Gayunpaman, nauunawaan ko kayo sa inyong isinulat tungkol dun dahil unang-una ay wala kayong lubos na kaalaman tungkol sa aming pananampalataya. Pero kung wala po kayong lubos na kaalaman sa aming pananampalataya ay huwag po sana kayong magparatang ng basta-basta lamang dahil sa katulad po ninyo na maraming bumabasa ng inyong isinusulat ay lumalabas na hindi kayo nagsasaliksik na mabuti na basta na lang may maisulat.

“Sabi po ninyo “Ie-endorso nila ang alam nilang mananalo para masasabi nila na kaya nanalo ‘yan dahil inendorso nila”. Masakit po na sabihan nyo na ‘sigurista at oportunista’ ang Iglesia Ni Cristo dahil nagkakamali po kayo.

“Sa salitang ito, kung di lang kami ang pinatutungkulan ninyo ay halata po na may galit kayo sa Iglesia Ni Cristo. Kung anoman po ang dahilan, ‘yun ang hindi ko po alam.

“Para po sa inyong kaalaman, hindi po ipinagmamalaki ng Iglesia Ni Cristo na kung ang pulitiko na aming ibinoto ay nanalo. At lalong hindi po namin ikinalulungkot kung ang ibinoto namin ay natalo.

“Sa loob po ng Iglesia Ni Cristo ay hindi lamang ang botohan sa eleksyon nakikipagkaisa ang mga miembro. Isa lamang po ang botohan sa eleksyon sa aming kaisahan. Nakikipagkaisa po kami ng ayon sa aming pananampalataya base sa sinasabi ng Biblia. Sa puntong ito, sa salitang ‘ aming pananampalataya’ ay sigurado akong hindi pa po ninyo kami nauunawaan.

“Tulad po ng aking nasabi, maraming tao ang nakakabasa ng inyong isinusulat kaya po masasabing sensitibo. Sa katulad po ninyong mamamahayag alam ko po na ang laging layunin ninyo ay maging constructive at hindi destructive maliban kung sinadya ninyo talaga na maging destructive para sa inyong personal na layunin. Kaya nga po sa katulad ninyo na may pagkakataon at may layang maipahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat ay masasabi kong maswerte kayo. Subalit kung ang pagkakataon na iyon na may layang makapagsulat subalit hindi na nagsaliksik, di po ba yun ang OPORTUNISTA?

“Kung gusto po ninyo na maging constructive sa bagay na ating pinaguusapan, sapat na pananaliksik at respeto ang kailangan. Kumausap po kayo sa aming mga kapatiran at sila po ang magsasabi ng lahat-lahat na bagay tungkol sa layunin at dahilan ng aming kaisahan sa pagboto.

“Sana po ay lubos po ninyo akong nauunawaan sa bagay na ito.Marami pong salamat.”

Nire-respeto no panindigan ni Gen at ng kanyang mga kapanampalataya sa INC.

Published in2010 electionsAbante

98 Comments

  1. Isagani Isagani

    Para sa akin nakapagdududa ang mga samahan na liniligawan ng kandidato para sa kanilang boto. At kung talagang gawa na ang paninindigan ng isang samahan(religious o ano pa man) bakit kailangan pang ipahayag ito ng marami pang tokata o seremonya?

    Let us be real, lahat ng grupo, relious, social or mapolitika, may pansariling interes.

  2. chi chi

    Bakit kasi hindi na pabayaan na lang na bumoto ang mga followers ng ayon sa kanilang konsiensya, walang diktahan. Set them free.

  3. saxnviolins saxnviolins

    May barkada akong Iglesia, noon pang college. Sabi niya, ang pagboto nila nang iisang kandidato ay base sa sinasabi sa Biblia, na “Kapag kayo ay humusga, humusga kayo bilang isang sambayanan.” Ang paghahalal daw ay isang uri ng paghuhusga.

    Maaaring may ibang dahilan ang mga pinuno sa pagpili ng mga ihahalal, ngunit ang pagsunod ng mga parokyano ay ayon sa kanilang paniniwala na ito ay utos ng Biblia.

    Kaya naniniwala ako sa command votes ng INC, ngunit hindi ng ibang secto ng simbahan.

  4. Ellen, sigurado kang hindi si artsee ang sumulat niyan? [wink]

  5. vonjovi2 vonjovi2

    Pare-pareho lang naman talaga ang mga relihiyon kung sino ang akala nilang sikat ay doon sila. Pare-pareho lang iyan maka INC , Kristiano, born Again etc.

    Kung ang mga mga head nila ay huwag na lang mag ingay at sila sila na lang kung sino ang iboboto para di na madamay ang samahan nila at wala ng masabi pa ang ibang tao.

    Para sa akin kung ano ang sinabi ng konsensiya mo ay iyun ang gawin mo at di utos lang ng isang tao na head ng isang relihiyon.

  6. chi chi

    Tongue, ha! hahaha!!!

  7. Tedanz Tedanz

    “Sabi ko, Hindi malayo ang Iglesia ni Kristo , El Shaddai at Pastor Quiboloy hahanay na yan kay Aquino.” …. ellen

    Totoo naman talaga ang sinabi mo ellen …. hindi mo naman sasabihin yan kundi ganyan talaga ang gawain nila tuwing eleksiyon. Pati nga mga Obispo o mga pari ganyan din …. pero talagang tanggapin natin ang katotohanan at huwag ng magbulagbulagan pa.

  8. Mike Mike

    Tedanz, paano kung si Erap ang pinili ng INC para presidente sa darating na halalan. Maluwag mo bang tatanggapin ang kanilang pag endorso kay Erap? 🙂

  9. Isagani Isagani

    Hinde ba relative yang interpretation ng Biblia? Bawat isa ay may kanyan-kanyang pag-unawa, depende sa kanilang point of view.

  10. henry90 henry90

    I agree with your original observation Mam Ellen. Sa ganang akin, walang masama kung mag endorso man ang anumang sekta ng relihiyon ng sinumang kandidato na napupusuan nila. Karapatan nila yun at nirerespeto natin ang kanilang pananaw at pananalampalataya. Subalit, kung hinihintay nila na lumapit at manikluhod ang mga kandidatong ito para kanilang basbasan sa kadahilanang sila ay may COMMAND VOTE sa nasasakupan ay di naman tama ito. If the endorsement is voluntary given without strings attached to it and the candidates are not scandalously falling among themselves to get the sect’s nod, walang problema dyan. If, merong relihiyon na gumagawa nyan dahil may mga kasapi sila sa kanilang sekta na gustong malagay sa pwesto pag nanalo yung ‘anointed’ nila kuno, walang ibang puedeng itawag dyan kungdi, oportunista. Ganun lang po kasimple yan.

  11. henry90 henry90

    voluntarily given

  12. From Ronald Joseph Avecilla:

    I browsed over your column in Abante in the internet and I was somehow shocked about your article in which you mentioned that since Noynoy seems to be leading the presidential race, he would be endorsed by some “sigu­rista at mga oportunista.” – them including INC, El Shaddai and Quiboloy.

    I understand where Gen Arinuelo is coming from because I am also an INC by faith – though I had not been attending the bi-weekly congregations for a year now.

    Just to let you know, the very reason why INC has been known for bloc voting during elections is due to the fact that one of INC’s doctrines include being united in every decision that involves most in the brethren – and that is clearly manifested during election period. Nevertheless, it does not really follow that whom INC endorses are those that are sureball of winning nor do INC endorses candidates because the church will reap benefits therefrom. The bottomline is the ministry can actually choose any person ( though there would be crucial deliberations ) with no endview of that candidate winning the race. In bloc voting, what INC is after is not for the candidate to win but to uphold one the doctrines that members unite in deciding who to vote.

    If we go back in history, there had been candidates that INC endorsed but did not end up winning and that did not matter at all. It is just that most of the times, candidates get some higher chances of winning when endorsed by INC. Just take the case of GMA, who garnered 12,905,808 votes (as per wikipedia). GMA won over FPJ by a close 1.2 million votes and had INC not endorsed GMA last 2004, FPJ could have been today’s president by a clear mile. But then again, INC is not endorsing candidates for them to win, and the church benefits; It is more of showing the people that the members are so unified that even though, INC is considered a minority in this predominantly Catholic country, we can still give a make or break in the election’s outcome – hence, in the country’s future.

  13. Ronald, I respect your views.

    I just want to point out that Gloria Arroyo did not win over FPJ. She cheated, bigtime.

  14. From Danni Tiongson na nasa Jeddah, Saudi Arabia:

    Hindi po Sigurista at Oportunista ang mga Iglesia Ni Cristo…ito po ang pakitatandaan ninyo ang salitang Iglesia Ni Cristo sa amin ay higit sa anumang pangalan dito sa Lupa, Kami na mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ay iniingatan namin sa aming sarili na huwag mabahiran o malapastanganan ng kahit sinong tao dito sa lupa, dahil ito ang ay aming kayamanan kahalalan na ipinamana sa amin ng aming Panginoong Hesuskristo dito sa lupa, Iglesia na ang ibig sabihin ay katawan at Cristo ay ang aming Ulo.

    Kaya kaming lahat ay sama-samang sa iisang katawan ni Cristo, kaya ang tawag na sa aming lahat ay Iglesia ni Cristo.

    Ito po ang inyong pakakatandaan…ngayon po ay ano po ba ang inyong batayan para ninyo sasabihin sa inyong kolum na Sigurista at Oportunista ang mga Iglesia ni Cristo wala po akong nakitang dahilan na maaring maniwala ako sa inyong sinasabi, kundi ang sabi ninyo na kapag ang isang kandidato ay siguradong mananalo ay ito ang aming pipilin o i-endorso, para kung mananalo ay sasabihin ng lahat mga Iglesia Ni Cristo ay dahil lamang sa ibinoto namin diumano sila.

    Pumunta po tayo sa inyong pagkakaalam na mali naman para sa amin, halimbawa na nanalo yung ibinoto ng Iglesia Ni Cristo, hindi po ba na halos ng lahat ng tao ay nagsasabi kahit hindi mga kaanib sa INC ay nagpapatunay na kaya nanalo iyang kandidatong iyan ay dahil sa ibinoto ng mga INC, kasi silang lahat ay iisa lamang ang ibinoboto at batay sa kanilang kaisahan at pagsunod sa namamahala nila. Siguro po ay kahit ikaw Ms.Ellen ay alam mo iyan.

    Kung papaano ang kaisahan ng mga INC pagdating sa pagboto o pagpapasya ng mga kandidato. Iyan ang tanging maipagmamalaki naming mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa buong Pilipinas ang itinuro sa amin ng aming Pamamahala sa loob ng INC ang pagsunod ng may pagkakaisa at may pananampalataya na palaging itinuturo sa panahon ng aming Pagsamba, hindi lamang sa inyong pong paniniwala na sa panahon lamang ng Eleksyon. Hindi kayang gawin iyan ng mga ibat-ibang mga organisasyon o anumang mga pangkating pang-relihiyon dito sa ating bansa kahit pa sa buong mundo.

    Ngayon mo po maaaing maunawaan kung bakit napakahalaga sa aming ang aming pagka-Iglesia Ni Cristo sa aming buhay, dahil po sa kami ay iisang Katawan lamang ng aming Panginoong Hesuskristo na siya ang aming Ulo na may iisang damdamin,pagpapasya,pagkakaisa at higit sa lahat ang pagsunod sa lahat ng kagustuhan ng aming Ulo na ang Cristo na aming Panginoon. Sana po ay maunawaan mo po ang kahalagahan ng aming pagkakaisa, at kung gusto mo pa pong malaman ang malalim na kahalagahan ng aming pagkakaisa ay makinig po kayo ng aming mga Pamamahayag o Programa sa Radyo at TV na maituturo sa inyong lahat ang mga bagay na dapat ninyong malaman, para po sa karagdagan ninyong kaalaman at makatulong sa inyong pagsusulat.

    At para naman sa mga kandidato na aming ini-endorso at napagkaisahang iboto, subalit ito ay natalo…nakita po ba ninyo kaming lahat na mga kaanib sa INC na nag-protesta at lumahok sa amunang pag-aklas para ipaglaban ang aming karapatan sa aming ibinoto?

    Kahit pa ang isang kandidato na tumalo sa aming napagpasyahang kandidato ay maliit lamang ang kalamangan, nakita po pa ba ninyo na ipinaglaban pa namin upang manalo ang aming ibinoto.

    Wala po ni isa man sa aming mga kaanib sa INC lalo na po sa aming Namamahala sa loob ng INC. Hindi po mahalaga sa amin kung sino ang dapat o hindi dapat ang mahalal na pinuno sa ating bansa, ang mahalaga sa amin ay ang naipakita namin, una sa Panginoong Diyos at aming Panginoong Hesukristo ang tapat na pagsunod at pagkakaisa na kanyang iniuutos sa lahat ng mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo na ito ang hindi naming pwedeng sirain at pagtaksilan para lang sa sariling pakinabang lamang, may pangako kaming inaasahan at aming iniingatan sa aming buhay, na ito ang dapat na hindi mawala sa amin kaya kaming lahat ng mga Iglesia Ni Cristo at tapat sa pagsunod sa Pagkakaisa sa anumang bagay na itinuturo sa amin ng Pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

    Ang lahat ng mga itong pagtatagumpay sa amin mga kaanib at sa Iglesia Ni Cristo, ay ibinabalik namin lahat ang kapurihan sa amin Panginoong Diyos at sa aming Panginoong Hesukristo.

    Sana po ay lubos ninyo naunawaan mabuti ang lahat ng ito, at umasa po kayo na anumang mga pagkakamali at naitatama sa muling pagkakataon, upang hindi na muling magkamali at higit sa lahat ang maunawaan po ninyo ang kahalagahan ng aming pagka-Iglesia ni Cristo.

  15. From Elman Burgos na nasa Lagos, Nigeria:

    Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na parehong-pareho sa reaksyon ni Ka Generoso ang aking naramdaman sa nabasa kong komentaryo ninyo tungkol sa pagboto ng Iglesia ni Cristo. Sa halos lahat po ng isinusulat ninyo ay sumasang-ayon ako. Ito lang siguro ang naging dahilan kung bakit hindi ako kaagad na nagpahiwatig ng saloobin. Dahil na rin siguro sa sanay na akong makarinig ng mga masasamang paratang sa INC na kadalasan ay bunga lamang ng kakulangan sa kaalaman tungkol sa aming pananampalataya.

    Hindi naman po nagbago ang aking pagkakilala sa inyo kaya patuloy pa rin pong magbabasa ng inyong komentaryo dito sa Nigeria, pagkatapos ng trabaho. Iyon lang po siguro ang kaibahan namin ni Ka Gen dahil isa rin po akong Engineer.

    Salamat po sa paglathala ninyo ng sulat ni Ka Gen! Maaari din po ninyong ilathala o banggitin ang aking sulat sa inyong komentaryo kung inyong nanaisin. Pakiusap lang po na huwag mabanggit ang aking pangalan.

  16. From Edu Aguila:

    Hindi ako magtataka kung bakit si Generoso Arinuelo against sa sinabi mo dahil isa siyang INC.

    Of course, masakit sa kanya ang katotohanan pero lahat ng sinabi mo ay puro katotohanan. Sigurista ang INC kaya ang iniindorso ay yun malakas na kandidato.

    Ang mga INC ay tahimik lang kahit na sabihin nilang iyon ang iboto maraming INC na hindi sumusunod sa lider nila kung sino yun gusto nila sila pa rin nasusunod at sa kanilang damdamin na lang yon.

    Maganda ang INC religion compare sa ibang religions at may pagkakaisa talaga.

    More power sa inyo at nasa katotohanan lang tayo.

  17. chi chi

    Again, Gloria Arroyo won because of Hello Garci and not of INC’s endorsement. The very reason why there were so many “NOTEDS” and the bitch was proclaimed when everyone was fast asleep was because FPJ was the real winner, if votes were allowed to be counted correctly. Kahit ipa-recount pa ngayon ng tama (kaya winala ang mga kahon) ang mga boto, si FPJ pa rin ang panalo.

  18. Tedanz Tedanz

    Mike,

    Imposibleng iendorso ng INC si Erap …. dahil hindi siya ang nangunguna sa mga survey. Putulin mo man ang daliring baluktot ni Willie Revillame … walang mag-eendorso kay Erap. Kung meron man sa kanilang tatlo …. yan ay Milagro!!!!!!!!! Alleluyah!!!!!

  19. Tedanz Tedanz

    Dapat kung mag-endorso etong mga grupong ito … dapat noon pa … kagaya ng mga magigiting na Magdalo group …. Dapat sabayan nila sa pangangampanya para matulungan pa sana nila ang kanilang napupusuan .. pero hindi eh. Sampol na lang … si Velarde … alam naman natin na sanggang dikit sila ni Villar … bakit siya ay nag-aalangan pa … kung iendorso niya si Noynoy di ba kahibangan na yan?
    Naghihintay pa kasi sila ng milagro na galing sa SWS, Pulse Asia o ano pa man …. di ba?

  20. perl perl

    If we go back in history, there had been candidates that INC endorsed but did not end up winning and that did not matter at all. It is just that most of the times, candidates get some higher chances of winning when endorsed by INC. Just take the case of GMA, who garnered 12,905,808 votes (as per wikipedia). GMA won over FPJ by a close 1.2 million votes and had INC not endorsed GMA last 2004, FPJ could have been today’s president by a clear mile. But then again, INC is not endorsing candidates for them to win, and the church benefits – Ronald
    yan nga ang issue eh… palaging ineendorso ng INC ang mga kandidatong pagkapresidente na malaki ang chance na manalo… kaya sa obserbasyon ng nakakarami pati ako na ang INC ay segurista…. si FPJ that time, nangunguna sa survey…
    ang tanong sa mga taga-INC… meron na ba silang ineendorso pagkapangulo na maliit ang chance na manalo?

  21. henry90 henry90

    Perl:

    Tumpak! Subukan nilang iendorso si Gordon. Tingnan natin kung manalo. Sige nga. . . hehe

  22. perl perl

    Tedanz – April 29, 2010 7:15 am
    Dapat kung mag-endorso etong mga grupong ito … dapat noon pa …

    Agree Tedanz, kaya lumalakas ang hinala natin na ang mga grupong ito.. hindi lamang ang INC… nakikiramdam muna kung sino ang malaki ang chance na manalo para malaman kung sino ang iiendorso…

    sana may mga bloggers na kabilang sa anumang mga grupong ito para makipagtalakayan sa ganitong issue..

  23. perl perl

    well, ayaw ko mang trawagin silang “oportunista”… pero ang problema lang… and salitang “segurista”… kapatid ng “oportunista”…

  24. perl perl

    pero makakambyo lang po… i will be glad if those groups will endorse Noynoy 🙂

  25. florry florry

    The bloc voting practice of the INC is something not within the field of freedom to choose. The discipline and control over its members rendered them inutile to decide on their own. The decision on whom they will vote for is decided by a few and not by the choice of the majority. That is not democracy.

  26. balweg balweg

    Kayo ha, grabe…sinabon nýo na ang mga religious groups, sige babanlawan ko naman ng mga tauhan?

    E, sa tutuo lamang…KOREK kayo sa inyong analysis kasi nga ganito yon, karamihan sa mga leader ng sekta o relihiyon e mayroon ding bested interest.

    Kuno e ginagamit nila ang Diyos…bakit ka nýo, kasi ganito yon ulit…di ba mismo sila-sila e di nagkakasundo, may kanya-kanyang interpritasyon ng Bible o sila lang daw ang maliligtaw…ANG GULO NILA?

    Ngayon, kung iisa ang Dios na kanilang sinasamba o pinanampalatayahan e bakit di sila nagkakaisa sang-ayon sa nasusulat, “ISANG BAUTISMO, ISANG PANANAMPALATAYA, at ISANG PANGINOON”. Sige ipaliwanag kayong magagaling na leaders o members in inyong simbahan o sambahan?

    Kaya ang Pinas e di tumino kasi nga po, marami sa mga church leaders e walang mandate ng kabanalan lalo na sa pagpili o pagsuporta kung sino ba ang tunay na lingkod ng bayan.

    Kita nýo ginawa ni Kardinal Makasalanan at sampu ng mga obessepo kakutsaba ng iba pang sekta o grupong pang relihiyon…nag-EDSA DOS con Hello Garci sila.

    Ano ang napala ng mga ipokritong akala mo mga santo or santita…heto 10-years tayong nagpipingkian ng katwiran at kuba sa hirap at dusa.

    Yan ba ang KATOTOHANAN na lagi nilang sinasabi o iniaaral sa mga tao…HINDI ATA at kung tama naman sila e dapat ang Pinas e maulad at mapaya sa ngayon.

    Buti pa sila e nagsisiyaman, i mean na karamihan sa religious groups e masasabi nating pinagkakakitaan kaya itong si pilosopo Tasyo e kasabi-sabi magtayo na lang tayo ng relihiyon at sure magsisiyaman tayo.

    Walang tulak-kabigin ang Pinoy…walang masulingan, mapa-political or religious issues ang gulo at walang pagkakaisa.

    Saan tayo patutungo nito kung magbubulagbulagan na lang ang Pinoy…at paiiralin ang row 4 na kukote. Pagkatapos ang daming reklamo sa buhay na kesyo ganito o ganoon.

    Ang gagaling kasi eh…ang gusto e lahat sila maging presidente o maupo sa puder ng kapangyarihan.

  27. isaganigatmaitan isaganigatmaitan

    sa aking pananaw, talagang taliwas sa malayang kaisipan ang ang maging sunud-sunuran sa anumang utos ng simbahan. kaya bawa’t isa ay biniyayaan ng maykapal ng kakayahang gumamit ng katuwiran at kaalaman. ang mga sekta ng pananampalataya ang isa sa mga balakid sa pag-unlad ng ating bayan.

  28. balweg balweg

    RE: pero makakambyo lang po… i will be glad if those groups will endorse Noynoy?

    Oppss, Igan Perl…naman! Sariwa pa ang sugat na iniwan ng EDSA DOS con HELLO GARCI…si Noynoy e kabahagi ng hirap nating kinaharap at malapit nang magexpired, kaya NO WAY na maluklok ito sa enchanted kingdom.

    Iisa ang kanilang kulay…mga hunyango at pahirap sa bayan, di ba yang yellow wannabees ang isa sa kakutsaba kung bakit si Gloria e umabot ng 10-years at ngayon pa pogi point sila na kailangan o pinipilit na papaniwalain ang Masang Pilipino na sila ang manalo sa May 10.

    Ibig sabihin e mandate muli ng mga elitista ang masusunod, NEVER na tatanggapin ito ng Masang Pilipino coz’ang 10-years na ginawang pagdusta at pagpapahirap sa bansa at mamamayang Pinoy e mahirap ipagsapalaran sa mga oportunista o siguristang dapat sila ang tawagin nito at di kung kanino nila gustong ibato.

    Almost 2 months akong nakabakasyon from March to April at kababalik kong dito sa aking work ah…naging busy ako sa pagkampaya para sa aming gustong maging bagong Mayor ng Bayan.

    At alam mo, sa survey lang malakas si Noynoy at C5 at Tiyaga sa Kanayunan, but sa totoo lang ERAP pa din ang bukang-bibig ng Masang Pilipino.

    80% ng botante e kabilang sa class D and E, kaya illogical na magpasaring si Noynoy na kung dadayain siya e mag-EDSA na naman.

    Hindi papayag ang Masang Pilipino at dito magkakaalam-alam against the yellow army vs. Sandatahang Lakas ng Masang Pilipino.

    Masyadong ambisyoso ang mga elitista con Yellow wannabees…e palpak naman ang ginawa nila pa pagsipa sa Ama ng Masang Pilipino ng dahil sa anak ng weteng ni chavit.

    Sinalaula nila ang Saligang Batas at dinusta ang 11 milyong botante…na pinaniwala na kurap ang Pangulong Erap…e ngayon sising-tuko maging si santita Cory at iba pang EDSA DOS conspirators.

    Ano yong Sorry nila e ganoon lang…kaya ba nilang ibalik ang 10-years na pagdurasa ng Bayan at Masang Pilipino…sa mga elitista e wala yon kasi karamihan sa kanila e rich at may negosyo.

    Di man sila magbanat ng buto e mabubuhay sila sa kanilang tinatamasang kayamanan kaya nga nasa hanay sila ng class A and B.

    Ang Masa…marami sa kanila e pagpag na lang ang kinakain o kaya mapalad na abutan ng 3x na pagkain sa hapag kainan.

  29. balweg balweg

    RE: …ang mga sekta ng pananampalataya ang isa sa mga balakid sa pag-unlad ng ating bayan?

    May punto ka Igan IG, base sa aking pag-aaral e kung saan malakas ang impluwensiya ng isang katerbang relihiyon o sekta ng pananampalataya ang gulo at maligalig ang mananampalataya.

    Hungkag na paniniwala…mismo sila-sila e di nagkakaisa sa iisang Diyos na dapat sambahin at panampalatayanan. Ang gulo nila at ang bukang-bibig sila lang ang ligtas o sila lamang ang tunay na taga-sunod ng Dios na Bathala.

    Kaya heto…ang resulta, ang Pinas kulelat na…di ba sang-ayon sa nasusulat, “Ang isang bansa na nagbabalik-loob sa kanyang Panginoon ay Kanyang pagpapalain.”

    So, dapat ang Pinas bilang isang Kristiyanong bansa e kabilang sa pinagpala…but, ano ang nangyari at nangyayari sa ating bayan o mamamayan?

    Bakit nangyayari ito sa kabila na ang karamihan ng Pinoy e God fearing…tama kaya ang analysis ko o namamalik-mata lamang ako.

    Saan man tayo madako e makikita naman natin na ang Pinoy e palasimba o present naman sa halos lahat ng religious activities pero parang mayroong mali di ba.

    Malaking kasalanan ang magkunwaring anghel ng kaliwanagan na maraming tao ang ibinubulid sa impiyerno ng kasalanan.

    Kaya mahirap magkunwari sapagka’t winika na sa kanilang bunga mo sila mapagkikilala!

  30. pranning pranning

    29 April 2010

    Geezzzzz!!!! when we catholics and other groups criticizes our own priests and other religious leaders when they choose to side with politicians or political parties, we don’t react, when our religious leaders get criticize by other religious leaders, we catholic never reacted negatively to that criticism, yet we accet the facgt that our religious leaders are not perfect. But when we catholics give criticism to other religious oganizations, we catholic get condemned? My point here is why INC cannot acccept individual criticism.

    My question is, why can’t INC let their flocks choose their own candidate to elect and not “INSTRUCT” them to elect whoever the leadership want to elect. Or better yet if the leadership of other religious organizations has their own chosen one, then do it quietly, that way, they will not be judged as opportunistic or whatever they call it.

    I have nothing against INC, in fact I have a lot of friends within the INC and have high respecgt for them.

    prans

  31. orson orson

    Erap may have a problem in the coming days.

    Pinayagan ng Comelec si Erap na tumakbo. Sabi ng comelec bahala na raw ang courts ang magdecide kung pwede o hindi na siya pwede tumakbo. Take note may petition at the supreme court na idisqualify sya on the basis na may constitutional prohibition sa pagtakbo nya. The constructive resignation on Erap is already upheld by the SC way way back. yung argument na di naman mag-aapply sa kanya yung prohiition dahil di sya sitting president like GMA is however disputed. According to Atty. Macalintal, if Erap’s argument is taken, then pwede si GMA mag-resign at tumakbo ulit. In short, 50/50 yung chance na maconsider yung presidency nya kung manalo sya. As I read in some newspapers, we should not be surprised if in the coming days, ma-raise ulit yung legality nung pagtakbo nya. the moment may doubt na ang tao rito, people who will be voting for him may have second thoughts kung iboto ulit sya knowing in the end pwede pala sya ma-disqualify. Kung ako campaign donor, I doubt kung mag-donate pa ko.

  32. olan olan

    Kayo ha, grabe…sinabon nýo na ang mga religious groups, sige babanlawan ko naman ng mga tauhan? – balweg

    Ako naman pupulbusan ko para bumango. Sa akin kung ganyan ang gusto nila, OK lang makialam sa politika at sa pagpili ng pamunuan. Kung tutuusin, ginagawa naman nila yan nuon pa di ba? Hindi maiiwasan na di mawala ang impluwensiya nila sa mga politiko, talunan man o hindi, dahilan sa malaking impluwensiya nila bilang isang relihiyon sa mga nasasakupan nilang miyembro. Lalo na kapag ginamit ang relihiyon sa maaaring maging disposisyon ng mga nasasakop nila sa pag pili ng iboboto di ba? Kung ganito ang sistema nila, lalo na ngayon naghihirap ang bansa at kulang ang budget, di ba dapat sila naman ay tumulong sa bayan sa pamamagitan ng pag bayad ng buwis, katulad ng nakakarami instead na EXEMPTED sila?

  33. perl perl

    orson – April 29, 2010 11:35 am
    Erap may have a problem in the coming days.

    Ang mas nakikita kong malaking problema ay ang Dacer-Corbito case… isang kumpas lang ni Gloria sa anak ni Dacer… pero sa igsi ng panahong nalalabi bago eleksyon.. ewan kung uubra pa mga pakulo nila…

  34. Mike Mike

    I have INC friends and some of them doesn’t agree with their leaders endorsement of a candidate. But they do not have a choice but to follow. They did not tell me how they could be found out if they didn’t vote for their “annointed” one but there are sanctions and sometimes expulsion from INC if they did not follow the dictates of their leaders.

  35. Mike Mike

    The reason they allowed Erap to ran is because they know, or they thought that he will not win anyway.

  36. balweg balweg

    RE: The reason they allowed Erap to ran is because they know, or they thought that he will not win anyway.

    Yon ang AKALA nila Igan Mike…noong 1998 e kulelat sa survey si Pangulong Erap kasi nga hawak nina Devenecia ang poder ng kapangyarihan, but kumain sila ng alikabok.

    About sa May 10, magkakaalam-alam kung sino ang iboboto ng Masang Pilipino…80% ng botante e nasa hanay ng class D and E sa ating lipunan.

    Surprise di ba…nakakaexcite, ngayon…kung palarin ang pangulong Erap e ibig bang sabihin mag-EDSA ulit ang yellow wannabees.

    Ano sila sinuswerte…enough is enough na yong EDSA 1 and 2 con Hello Garci, dapat lang na hadlangang ng sandatahang lakas ng masang Pilipino ang gustong mangyari ng yellow army.

    Dapat maibalik ang Malacanang sa pamumuno ng Masang Pilipino…kita naman ang ginawang pahirap ng mga elitista na iupo nila si Gloria sa enchanted kingdom.

    Ngayon…magmamaktol sila ko mo na etsapwera sila ni Gloria at magaalsa-balutan sila na ko sila ang tunay na oposisyon.

    Mga hunghan…ano akala nila matapos nilang salaulain ang saligang batas at dustain ang pagkatao ng 11 milyong botante, e ngayon magbabangon-puri sila.

    NO WAY!

  37. MPRivera MPRivera

    Ako’y naniniwala rin na hindi oportunista ang mga kaanib ng tinta. Napipilitan lamang silang sumunod sa kagustuhan ng kanilang lider sapagkat natatakot silang matiwalag sa iglesia. Sa ayaw man nila’t sa gusto kailangan nilang sundin kung sino ang napipisil ng punong ministro – kapag malapit na sa finish line at nakalalamang ang siguradong panalo.

    Sigurista, ‘yang mga lider nila!

  38. batang_munti batang_munti

    In the first place, ang church kahit anong secta pa yan ay di dapat nag-eendorse ng kandidato. Dapat maging gabay lamang sila sa matalinong pagpili ng kanilang mga kaanib.

    And endorsement doesn’t necessarily mean that God was the one who chose that endorsed candidate to be voted by the members of the congregation. I believe that there is MONEY (directly or indirectly) involved in the whole church endorsement process.

  39. tagaisip tagaisip

    Wag na kayong magpaka ipokrito! Aminin nyo ginagawa kayong kalakal ng iglesia nyo. To the highest bidder,ika nga. Isipin nyo,kung ang Diyos binigyan tayo ng free will,magpakasama o magpakabuti ka,sa iglesia nyo wala kayong laya bumoto kung sino nasa puso nyo. Bakit hindi mag endorso iglesia nyo simula pa lang ng kampanya? bakit hihintayin pa last 2 minutes? Hirap sa inyo nagdudumilat na katotohanan nagbubulagbulagan pa kayo! Wag kayo magalit sa nagsasabi ng katotohanan. Nung edsa 3,tv station nyo lang nagcover ng 24 hrs sa edsa,hapon ng friday me dumalaw sa central nyong taga malacanang,ano ngyari? Natigil bigla coverage nyo,at di naglaon si wycoco napunta sa NBI kahit bawal. Dahil ang dapat maging NBI chief e taga NBI din,si wycoco dating pulis,ang NBI civilian agency. Kasi kapatid nyo si wycoco. Kaya ka lang naman aaray pag umupo ka e kung me pigsa ka sa pwet.

  40. tagaisip tagaisip

    Yun na nga mali sa doktrina nyo,mali interpretasyon ng puno nyo. Ano,mas mataas pa ba puno nyo sa Diyos? Sa Diyos me free will, sa puno nyo basta kung sino o magkano gusto nya? Sabagay,si felix manalo sa inyo anghel turing nyo,si Kristo tao lang. Mga kapatid na INM,giseng!

  41. ken ken

    “Let us be real, lahat ng grupo, religious, social or mapolitika, may pansariling interes. – Isagani”

    I agree for that. Never been in the history of election that all religious groups/leaders have clean intentions of endorsement. They have this “utang na loob” once their bet elected.

    Why is it that their leaders beg to follow him to vote for what he like to support? That is already tantamount for vote-buying. This leaders think that they came from heaven who bring hope for their flock, and the vision they said for. What a culprit!

    These leaders should instead tell his followers to vote for their conscience, their own free will and to vote for the good of our country and not for the good of their own and selfish intentions.

    They are all devil in disguise! in this corrupt & evil world of GMA!

  42. Phil Cruz Phil Cruz

    The INC’s bloc voting system is based on the Bible? Huh?!

    And who casts the first vote for the INC? Di ba si Manalo? So where in the Bible does it say that Manalo should cast his vote first?

  43. norpil norpil

    wala naman sigurong masama na maging sigurista.puede naman yatang umalis kung ayaw sumunod.kung totoo na paghihigantihan ka kung hindi ka sumunod ay marami rin sigurong aalis sa ganitong klase ng simbahan. nasa mga myembro naman siguro nila kung gusto nilang baguhin ang ganitong patakaran.problema ng lahat ng relihion ang magpasunod sa kanilang mga utos.kapag pinaghalo ang pulitika at relihion ay walang katapusan ang pagtatalo.nakakalungkot nga lamang na ang mga karapatan ng mga tao dito sa lupa ay hinahadlangan ng mga namamahala sa simbahan kahit wala namang kinalaman ito sa pagiging mabuting myembro ng sangkatauhan.

  44. MPRivera MPRivera

    Saan ba nanggagaling ang pinagagawa nila ng hindi na mabilang na bahay sambahan? Siguro naman ay hindi ito buhat sa pondo o ‘yung may araw na limos ng mga kaanib sa iglesya, di ba?

    Kung ako’y hindi nagkakamali, mayroon ‘atang lumapit na kandidato minsan noong buhay pa si Ka Erdie Manalo na hiningan ng isang sambahan kapalit ng botong suporta ng INK.

    Huwag na ngang magmalinis ‘yung hindi rin nakakaalam kung ano ang transaksiyong pinagkasunduan ng lider at kandidatong susuportahan.

    Oo’t maganda ang kanilang samahan, subalit sapat na ba ‘yun upang ituring nilang bukod silang pinagpala? Na sila ang hinirang? Na ang kanilang paniniwala ang namumukod tangi sa lahat ng relihiyon?

    Hindi ba nila naiisip (katulad ng ilang born again groups), bakit marami sa kanila ang naghihirap samantalang ‘yung kanilang pinakanamumuno ay halos mahiga sa salapi? Ibig bang sabihin ay buhos ang grasya sa pinuno at ambon lamang sa mananampalataya nila?

    Ano ang pagkakaiba nito sa mga ganid na namumuno sa gobyerno, partikular ang administrasyon ni arroyo? Pawang magagandang pangako at mga nagawa ang sinasabi, bakit hilahod sa gutom ang karamihan sa mamamayang kanila daw pinagmamalasakitan?

  45. Kung ako’y hindi nagkakamali, mayroon ‘atang lumapit na kandidato minsan noong buhay pa si Ka Erdie Manalo na hiningan ng isang sambahan kapalit ng botong suporta ng INK.

    Heard about that too.

    Not only that, the INK’s private army is involved in the arms supply business.

  46. orson orson

    So, paano yan, binasura ng comelec ang manual counting. Mag-sasariling bilang na lang daw and NAMFREL. As usual, trending na naman. tapos kung matalo si noynoy, dinaya. buti kung kagatin pa ng tao ngayon yang drama na yan. Kahapon may hunger strike pa sa comelec bago lumabas yung desisyon. Talagang may kanyan kanyang interes pag nanalo si noynoy. syempre namuhunan sa manok nila na alam naman na baka sa metro manila lang malakas yan. yung mga survey nga, puro LP ang nagpapasurvey. syempre dapat maganda report ng SWS at Pulse Asia. Otherwise di na magpapasurvey sa kanila.

  47. chi chi

    Pare-pareho ang mga religious organization na yan. Ang pamunuan ng CBCP (pasintabi sa konting obispo na matino), mantakin na sila ang bumuhay kay Gloria Arroyo sa loob ng halos 10 taon kapalit ng million pesos monthly brown bags c/o Medyprencia, niece of cardinal Gaudencio Rosales who heads diocese of the Enchanted Kingdom.

    Maiiba pa ba si mekeni Quiboloy sa bayaran ni Gloria?! Si Mike Velarde, kasama ni Villar sa C5 scandal. Bakit si Eddie Villanueva ay nagpipilit maging presidente? Don’t tell me para dalhin ang tunay na langit sa Pinas.

  48. chi chi

    Basta ako, ang religion ko ay “May the Force be with you”. 🙂

  49. saxnviolins saxnviolins

    The INC’s bloc voting system is based on the Bible? Huh?!

    And who casts the first vote for the INC? Di ba si Manalo? So where in the Bible does it say that Manalo should cast his vote first?

    The point is, the flock believes that it is Bible based. Whether one believes or not determines whether one stays or not. That the leader takes advantage of this edge does not detract from the fact that the flock believes. That is why they are a potent voting bloc, because the leader can actually command some million or so votes.

    We may consider their belief incongruous to reality, but that is no different from Southern Americans believing in a just and fair Christ but not wanting any blacks in their congregation. People are quirky about their religious devotion. Jefferson said all men are equal, but he owned slaves. Mafia capos go to church while their soldiers are out murdering rivals. Nazis and the Polish people they killed were praying to the same God.

    Oportunista si Manalo? Most likely. Is that any different from the PAGCOR soused Catholic bishops? Is the hypocrisy less than that of pedophile Catholic priests in Ireland?

    Ano ba yung sabi ni St. Paul of Tarsus? Do not flog other people with your piety? Parang paraphrase yan nung sinabi ni Kristo, that when you give pray, do it in the privacy of your heart. When you give alms, do not let your left hand know what your right hand is doing; so that the Father who sees you in secret will reward you openly.

  50. saxnviolins saxnviolins

    Sorry. Hindi nasara yung quote tag, so parang quote lahat.

  51. japino japino

    Well… maiintindihan ko ang mga kasapi ng INC. Kahit papaano, masakit, eka nga, ang mapagsabihan na ang sekta/simbahan nila ay OPORTUNISTA.

    Subali’t alam ba nila kung papaano talaga pinipili ng mga lider nila ang mga kandidato na dapat tangkilikin? Sa pamamagitan lang ba ng dasal at pagbabasa ng biblia? Talaga?

    Oh, come on! Let’s get real! Kahit papaano may mga interes din ang mga lider ng INC (kagaya ng lahat ng mga organisasyon, mapa-relihiyon man o sibil). Kahit papaano, may pamomolitika din sa loob ng mga relihiyon, at hindi exception ang INC nito.

    Hindi ba talaga OPORTUNISTA sila? Ewan ko lang…

  52. 3engr3 3engr3

    mam ellen, pakiverify naman kung totoo itong nabasa ko, alam ko may resources kayo para malaman:

    notably SWS ang False Asia are run by Abnoy’s Kamag-Anak, Inc. kaya biased talaga.

    RAFA COJUANGCO LOPA – 1st cousin of Noynoy, executive director of the Ninoy Aquino Foundation and was president of Pulse Asia until last year

    ANTONIO O. COJUANGCO – Noynoy’s second cousin, the telecom heir who initially bankrolled Pulse Asia

    JOSE P. DE JESUS of Pulse Asia – DPWH Secretary during Cory’s time

    The corporate records of SWS and Pulse Asia at the Securities and Exchange Commission (SEC) also show several personalities appearing as stockholders of both SWS and Pulse Asia.

    Felipe Miranda, Rosalinda T. Miranda, Gemino H. Abad, Mercedes R. Abad, Jose P. de Jesus appear in SEC records as being founders and or stockholders of both SWS and Pulse Asia.

    Mercedes R. Abad who is president of TRENDS-MBL is the one who used to conduct the field research for both SWS and Pulse Asia.

  53. 3engr3 – April 29, 2010 9:43 pm

    Hmmm…

    What can that prove? That the surveys were tilted in favour of their couisin?

    Naaahhh… I’m not buying!

    These are honourable men, stalwarts of morality in this country, people who don’t have any ulterior motive except to help the poor and do good, absolutely good for the nation; they will never do a thing like that; they will never ever ever fix the results to favour Aquino.

    How dare anyone remotely suggest that SWS and Pulse Asia could do something of the sort! impossible!

    wink

  54. luzviminda luzviminda

    May kasabihan di ba na, ‘The Voice of the People is the Voice of GOD.’ Kaso nga eh palaging sinasala-ula ang tunay na boto ng taong bayan kaya ang Pilipinas ay hindi maka-alis sa sumpa ng kahirapan at kaguluhan. Pero hindi nangangahulugan na yung sinabi ng lider ng isang relihiyosong pamunuan ay iyon ang boses ng Diyos. Dahil ang Diyos ay nangungusap sa bawat isang INDIBIDWAL at hindi ng koponan na may sariling interes. Hindi nga ba at may ‘negosasyon’ pang nangyayari kaya minsan ay last minute na kung mag-decide ang mga religious leaders na ito. Siyempe depende iyon sa kung sinong kandidato ang may BEST OFFER para sa samahan.

  55. balweg balweg

    RE: ….Gemino H. Abad, Mercedes R. Abad?

    Nice info Kgg. 3engr3…ito bang sina Gemino at Mercedes are related to Florencio Butch Abad?

    Pls. kindly give us clear picture ng mga nasabing Abad kasi nga di ba si Butch e handler yan ni Noynoy na isa sa mga LP advisers?

    Tnx.

  56. sinabi ng lider ng isang relihiyosong pamunuan ay iyon ang boses ng Diyos. — Luz

    Which reminds me of what Bishop Cruz once said of Gloria who wouldn’t stop bragging that God spoke to her:

    When you speak to God that’s called prayer but when God talks to you back, that’s schizophrenia 🙂

  57. balweg balweg

    Paano yan folks, heto naging malikot na din ang aking imahinasyon!

    Paano ipapaliwanag ng kampo ni Noynoy na si Mr. Jose P. de Jesus ng Pulse Asia e siyang current President and COO ng Meralco.

    Aba e malaking conspiracy ang mga naglalabasang survey pabor sa kanilang manok na si Noynoy? Ibig sabihin kung hawak ng yellow wannabees ang ABS-CBN e sila din ang nagpapatakbo ng SWS at Pulse Asia?

    Dapat halukayin natin ang racket na ito sapagka’t nakataya ang kinabukasan ng bansa sa isyung ito.

    Gising mga kapatid…sama-sama tayong magimbistiga at magkakaalam alam ang tunay na istorya sa likod ng kamera, ginagawa tayong tanga at tangengok ng yellow ribbon ah.

  58. Mike Mike

    “When you speak to God that’s called prayer but when God talks to you back, that’s schizophrenia.” – Anna

    😀 😀 😀

  59. Oblak Oblak

    Ang hihina naman pala ng mga utak nina Gordon (nagsampa ng kaso laban sa mga survey firms na hindi ito isinama), Teodoro (nangungulelat sa survey at hindi alam na may kamag anak naman pala sya sa mga survey firm),Villar (hindi nag hihinala kung bakit pabagsak sya sa survey) at Erap (na nanguna sa survey as vice president noong 1992 at as president sa 1998)

    Paki sabi nyo na lang sa judge na may hawak na kaso ni Gordon na payagan si Gordon ipakita ang mga post sa facebook, pex at ibang social network as evidence to show partiality and bias on the part of SWS and Pulse Asia.

    Noong tumataas si FPJ sa survey noong 2004 election, pinilit palabasin din ma magkamag anak si Mangahas ng SWS at si FPJ.

    Ang pinagtataka ko lang bakit pilit sinasabi na hindi dapat paniwalaan ang mga surveys pero pilit namang sinisira o pinupuna ang result ng mga surveys. If you do not believe in surveys, dont be bothered with the results. Kayo naman din ang nagsasabi na tanging election lang maghahalal ng Presidente at hindi ang survey.

  60. Tedanz Tedanz

    Ngayon dalawa na lang ang pagpipilian nina Manalo, Velarde at Quiboloy ….. si Erap o si Noynoy. Medyo lumilinaw na ang kalangitan sa kanila.
    Kawawa naman si Villarroyo …… lumagapak na. Ang ace na lang nitong si Villarroyo ay yong buhayin niya ang kanyang ama para ipagtanggol siya.
    Humanda rin kayong mga Arroyo …. malapit na kayong husgahan ng mga tao. Ilang tulog na lang.

  61. chi chi

    Kuya Oblak, in other words ay magkamag-anak si FPJ at Noynoy? Hehehe!

  62. chi chi

    Tedanz, wala na si Villarroyo, decimal point na lang yan sa susunod, mas mataasan pa sya ni Bigo. 🙂

    Tingnan mo, di ba sabi ko ay mas maganda kung si Noynoy at Erap ang maglaban, di ba? O, ayan si Villar na ang hahabol kay Erap ngayon, hahaha!

  63. Tedanz Tedanz

    chi,

    Nangangamote na ang mga advisers ni Villarroyyo. Ano naman kaya ang ilalabas nilang report tungkol kay Erap. At kung totoo ang sabi mong malalagpasan pa siya ni Gibo … maigi pa mag-bigti na lang siya.
    Kasalanan din naman talaga ni Villar … kung sinagot lang niya sana lahat ng mga bintang sa kanya …. kung malinis talaga ang konsensiya niya … e di sana hindi mawawala ang gastos niyang milyon milyon … kikita pa siya …. tignan na lang natin itong mga Arroyo’s …. mga anak may tig-iisang bahay na sa yo-es-ey, ang pera ni Gloya ay lumubo … lol

  64. chi chi

    Tedanz, na-turn off lalo ang tao sa paggamit ni Villarroyo ng kanyang sick mommy at mga siblings na dapat ay ipasok sa rehab para sa anger management, nagsisigaw e. Bumalik tuloy kay Erapski ang ninakaw ni Villar.

    Naghihintay pa ako ng kabulastugan na pwedeng gawin ni Vilarroyo ngayon na nasa panic mode sya. Sa totoo lang, natatawa na ako kay Villar et al ngayon kasi parang manok sila na pinupugutan ng ulo, tarang ng tarang. (pasintabi sa mga manok).

    Si Noynoy naman ay dapat mag-sober up ng konti and focus on widening his gap from Villar or Erap at ng walang pipol power.

    Sayang, kung tinanggap lang ni Noynoy/LP ang Magdalo ay pwedeng i-assign sila para paligiran si Goyang, Ampatuans at Garcis habang may counting, hindi na sya magbabalak ng pipol power, hehehe! Joke lang Magdalos, masama kasi ang loob ko dahil ni-reject nila ang inyong offer na serbisyo. (:

  65. Mike Mike

    Between Noynoy and Erap, Erap has the edge in getting the the endorsement of INC and El Shaddai. IMO

  66. tagaisip tagaisip

    tama ka dyan mike. nung anniversary ata yun ng el shaddai ng si erap magsalita ang lakas ng sigawan ng mga tao. ng si villaroyo na magsalita,me sumigaw din,boo nga lang,hehehe. at malamang si erap dalhin ng INM-INK,dahil dati si erap dinala nila,kaya nga naging justice secretary si serafin cuevas na kapatid nila. ganun yang iglesia na yan,me kapalit lahat,parang negosyante,ang kalakal nga lang yung miyembro nila. si quiboloy,nakakausap daw ang Diyos? hitsura pa lang halata ng manloloko. at si mike velarde? para ng mga manalo,billionaire preachers! “ang mata ng Panginoon ay nasa lahat ng dako,nakikita ang masama at mabuti,kahit sa dilim.

  67. balweg balweg

    RE: Between Noynoy and Erap, Erap has the edge in getting the the endorsement of INC and El Shaddai. IMO

    Ang galing mo sa aritmitik Igan Mike, majority ng members ng INK, El Shaddai at Quiloboy e kabilang sa Masa…at normal na di sila pabor sa mga elitista con civil socialites na pumendeho sa 11 milyong nagluklok ng pangulo landslide e ka nga na walang dagdag-bawas.

    Di nga nakapiyok sina Tabako at Devenecia dahil kumain sila ng alikabok…ngayon, kinakabahan na din si Noynoy kasi nga ang SWS at False Asia e kasapakat ng yellow wannabees na silang nagpahirap sa atin.

    Di ba ang mga civil socialites na yan ang nagbuyo kay Gloria kaya nagalsa-balutan against President Erap…puro scripts ang ginawa nila sa tulong ni Kardinal Makasalanan, santita Cory, disgruntled general problems (utak pala ng mga hocus-focus na arms shipment sa mga ampatuwad etc. etc.).

    Kung dadalhin ng INK, El Shaddai at Quiloboy si Noynoy…ang ibig lang sabihin nito e kakutsaba din sila ng mga eletista na akala mo feeling goddest at bright sa katangahan kaya heto ang Pinas isang damakmak ang problema at baon sa utang.

    Pero sila e nagsisiyaman sa perang kinukulimbat sa kabang-yaman ng bayan. Kawawang juan de la cruz…ginagawang gatasan ng mga lingkod-bulsa!

  68. 3engr3 3engr3

    boss balweg – sana nga masagot ni Ellen. Gusto ko rin malaman at malaman at maliwanagan re SWS and Pulse Asia people.

  69. Phil Cruz Phil Cruz

    Yep, there’s betting going on now as to who the INK, El Shaddai and Quiboloy will support.. Noynoy or Erap?

    But Mike Velarde has already shown his preferred color..orange. Ahh..but circus barkers have suits of all colors ready to be plucked from their closet at the last two minutes.

  70. Phil Cruz Phil Cruz

    By the way, I just remembered Erap’s color is also orange. So Mike Velarde could always say (if he goes for Erap)..”Orange is beautiful..yung original orange.”

  71. From John de la Cruz:

    Ako po ay nandito ngayon sa Libya at nagtatrabaho sa isang Drilling Company at tulad ni Gen ay nakagawian ko na rin ang magbasa ng balita tuwing umaga habang umiinom ng mainit na kape.

    Paborito kong basahin sa portion ng balita ang Opinyon dahil nalalaman ko ang saloobin ng kolumnista at komentarista. Nabasa ko ang unang column nyo tungkol sa “oportunista”.

    Hindi ko naman kino-kwestiyon ang pananampalataya ni Gen dahil tulad ko ay masidhi rin ang pananampalataya ko bilang Katoliko. Maaring naging makakatotohanan lamang kayo sa inyong katwiran sa paglalahad ng isang katotohanang umiiral lalo na pagdating sa dalawang relihiyon na ito pagsapit ng eleksiyon.

    Kung talagang naayon sa Bibliya ang pagpili nila ng isang pangulo, bakit di nila gawin ang pagpili pagkatapos ng takdang araw ng paghahain ng COC ng bawat kandidato? siguro naman hindi sila huli sa mga balita kung sino at hindi ang mga nakapaghain ng COC para mapag-aralan ang pagkatao, plataporma ng mga ito.Sabihin natin 2-3 linggo pagkatapos ng paghahain ng COC ay ihayag nila ang talagang susuportahan nila hindi yung sa huling sandali ay pipili ng susuportahan na palagay ko ay pareho po tayo ng katwiran.

    Isang ka-ipokritohan kung hindi rin sila sumusubaybay sa takbo ng Survey at palagay ko tama kayo sa inyong naging puna. Kung ako naman ang nasa katayuan ng kandidatong napili, napakawalang utang na loob ko naman kung di ko susuklian ng pangako o nagkikislapang larawan ni Ninoy ang suportang ibinigay.

    Masasabi kong ang eleksiyon ay isang napapanahong negosyo para sa lahat ng relihiyon dahil alam natin na malaking pera ang itinatapon ng mga kandidato… lalo na sa dalawang relihiyon na binanggit niyo dahil sa kanilang “pagkakaisa” daw.

    Kung si Bro. Eddie ang ihahayag nilang susuportahan ay sandali siguro akong mag-iisip at tatanungin ang aking sarili… palagay ko’y tama ang naging pasya nila dahil alam naman natin na ang katwiran ni Bro Eddie ay Diyos ang nagtulak sa kanya para tumakbo sa pagkapangulo, yun ay kung Bibliya ang basehan nila hindi pera.

  72. From Jose Deyto in Doha, Qatar:

    Katulad po ng nasabi ni G. Generoso Arinuelo. Halos po ng OFW dito sa Doha City na nag oopisina ay ganito ang gawain, magbasa ng baleta sa Abante online.

    Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa gusto ko lng pong mag bigay komento sa reaksyon nya sa inyong kolum. Para po sakin tama ang inyong opinyon sa bagay na ito, oportunista at sigurista at alam natin lahat na totoo ito pag dating sa Politika ng Pilipinas.

    Alam ko masakit talagang tanggapin ito ni G.Arinuelo dahil ito ang tunay na katotohanan na nangyayari. Marami po akong kaibigan na kaanib sa sekta nila, at personal ko pong nakikita ito sa ating lipunan, at hindi lng nakikita personal ko itong naranasan noong ako ay nasa local na politika pa sa bayan namin.

    Nahihirapan lang silang harapin at tanggapin ang realidad na nangyayari sa kina aaniban nilang sekta… at kung opurtunista na sila at segurista mayroon pa pong kulang- mga ipokrita pa sila sa hindi pagtanggap ng katotohanan na alam mismo nila na mali, ngunit pinipilit na maging tama.

  73. From Roland Laxamana in Saudi Arabia:

    Magandang umaga sa you po dito sa northern border ng KSA.

    Ako po ay isang HSE manager dito sa lupang disyerto.Ako po ay nasisiyahan kapag kayo ay nagsasabi tungkol sa panglipunan na kaalaman,tungkol sa pulitika,, tungkol sa korupsyun at iba pang concern ninyo sa gobierno at marami pang iba.

    Akin po kayong iniidolo pero sa puntong ito di ko kayo pude palampasin sa pagbangit ninyo tungkol sa INC noong nakraan na nagsulat kayo lagi po kayo magingat kung paguusapan ay patungkol sa Iglesia ni Cristo.

    Ito po ay nagdadala ng hindi maganda bilang isang mamahayag at bilang isang miyembro ng Iglesia ni Cristo. ‘Wag po kayo misyado maghusga tungkol sa INC kasi wala po kayong alam tungkol sa INC dahil di kayo miyembro at di ninyo alam ang pananampalataya namin.

    At ito po ang tamang spelling po ng Iglesia ni Cristo at hindi Iglesia ni Kristo.

    Ang paalala ko lang po ms ellen maging sensitibo po kayo kung ang pinaguusapan niyo ay INC yun po ay munting advise ko lang sa inyu para po sa pagiging magkababayan po natin lalo na dito sa online abante pagbinabasa ko ang kolumn ninyo at akoy lubus na nasisiyahan sa inyung mga commento o pauri man sa gobierno at sa ibang mga mamayan,, pero isang di magandang pagbabasa dito po sa aming lugar kung mabasa namin ay tungkol sa aming relihiyun.

    Isa pa po na paalala magkaiba po kami sa elshadai at kay pastor quiboloy.

    Ito po ay isang magandang paalala lang po bilang isang magaling na kolumnista ng pinas.Akin pong iginagalang ang opinyun niyo pero di ko po pude palampasin ang patungkol sa aming religion.

  74. From someone who requested his identity be withheld:

    Palagi ko pong binabasa opinion mo at sa sa katunayan yang Opinion mo regarding sa Iglesia ni Manalo, ginawaan ko ng thread dito sa Hayag Forum. Pero hindi ko ibinigay ang totoo kung identity mahirap kasi nasa Saudi Arabia ako at delicado. Here’s the link…

    http://www.hayag.com/forum/d?553e804ad7dc4a37a1aa9a6aa1981b5a

    Totoo naman eh… kung sino ang malakas yon ang kanilang iniindorso para sabihing proud sila kasi nanalo ang kanilang inindorso.

    Maraming Iglesia dito na proud dahil may unity daw sila kaya daw nanalo ang iniindorso nila.

    Ito ang hamon ko sa kanila ngayon.Bakit hindi subukang iendorso si Gibo na kandidato ng Admin now at magkasama sial ni Gloria sa Party. Para magkaalaman kung kaya nilang ipanalo si Gibong-giba?

  75. chi chi

    Hahaha! Oo nga ano? Bakit hindi si Gibo ang iindorso ng INC, tingnan kung kaya nilang ipanalo. Nice shot!

  76. From Carlos Go:

    Naging controversial ang kolum mo na binanggit mo ang INK. Among the religious groups, INK keeps a low profile and does not engage in political grand standing. Her unity even when it comes to voting is the envy of other groups that try to emulate in vain.

    Walang pakialam ang INK kung manalo o matalo ang kanilang pinagkaisahang candidate. Ang importante nagkakaisa sila sa pagpili. It does not also matter if the candidate is not perfect and has human weaknesses. Kaya nga kahit maraming pintas si Erap, siya pa rin ang sinuporthan ng INK for many years.

    Basta pantay-pantay lang ang pagtrato sa mga kaanib ng Iglesia at hindi hinahadlangan ang kanilang pagsamba at mga ibang mga spiritual activities. What is to God is to God’s and what is Caesar is to Caesar’s.

    As citizens, INK members register during election. As members of the church, they vote as one. The Bible is very clear of God’s teaching: There should be one faith, one baptism and one judgment. Since voting is an expression of judgment, then members of the flock also unite as one in election. Mahirap itong intindihin ng mga sanlibutan na nasa maling religion at pananampalataya.

    Marcos indeed won by one million over Cory due to INK’s votes. But the people’s minds were already conditioned into believing that Cory would win. If she won, she won clean. If she lost, she was cheated.

    Please take note that this is the same statement being made by Noynoy today. GMA also won because of INK’s votes. Matigas kasi ang ulo nina Lacson at FPJ na magkasundo.

    The late Manalo gave them an ultimatum that if they did not agree, INK would switch her support to GMA. Indeed, that was what happened. Alangan naman bawiin ni Manalo ang kanyang ultimatum. GMA won but only by two to three hundred thousands votes. Since it was a small margin, she resulted to cheating to make it one million votes. That was to make her victory more credible.

    INK’s block voting is not new. Panahon pa ni Quezon at Magsaysay ay ganoon na. It’s only now that other religious groups try to emulate.

    Ano man pag-ingay ang gawin ni Velarde at Quiboloy, hindi nila mapapantayan ang pagkakaisa ng INK. INK’s unity is based on doctrine and teaching. Of course hindi lahat sumusunod.

    Hindi tutoong may nagbabantay sa voting precinct para bantayan ang mga boto ng mga kaanib. How can they do it. The church and ministers will never know. Kadalasan, ang hindi nakiisa ang siya mismong nanlalamig at tumitiwalag sa sarili niya.

    Ang assuming there are one million INK registered voters and 80% vote according to the church’s choice, there are 800,000 votes going to that candidate. This is big especially in a tight race. This is where the INK swing votes come in.

  77. Mike Mike

    I have this hypothetical question I would like to ask our INK friends. What IF (a very big IF), in the later years to come, they successfully converted 90% of the voting population to their faith. Does this mean that we do away with elections already and just follow what their leader whom he wants to become president???

  78. Mike Mike

    Another question for our INK friends, I understand that they also have members in other countries, particularly in the U.S. Do they also have block voting there (I assume they do)? Does the U.S. laws allow block voting?

  79. balweg balweg

    RE: Akin po kayong iniidolo pero sa puntong ito di ko kayo pude palampasin sa pagbangit ninyo tungkol sa INC noong nakraan na nagsulat kayo lagi po kayo magingat kung paguusapan ay patungkol sa Iglesia ni Cristo.

    Pasintabi Ka Roland L., at di ko rin palalampasin ang style ng INC kung bumanat sa Simbahang Katolika…grabe nilang tuligsain ang mga faithful believers ng simbahan eh.

    Ngayon, kung kayo ang pupunahin e nag-aalsa balutan ang inyong flocks…dapat sports lang ang laban.

    Medyo natahimik kayo lalo na ang pag-uusapan ang buhay ng pananampalataya coz’ di kayo uubra kay Bro. Raise the roof at marami pang Born Again groups na inyo ngayong katunggali against the Catholic church teachings.

    Di ba nasusulan whatever you do, do it for the glory of God…ang kaso marami talagang oportunista at sigurista, maninindigan sila doon sa oras na lamang na ang kandidato.

    Hanga ako doon sa grupo na ang dinadala e ang Masang Pilipino na kuba na sa hirap at dusa na dulot sa walang pakungdangang paglapastangan sa karapatang pang-Masa at pagdusta sa kanilang estado sa buhay ko mo karamihan sa kanila e rich at edukado.

  80. Observer Observer

    pasintabi mga iganian, alam ng marami na pinalayas ang lahat ng miyembro ng inc sa hacienda luisita noong late 1960’s. si cory at ninoy ay mag asawa na noon ng mangyari yon.

    makalipas ang mga dalawang taon ay tumakbo si ninoy bilang senator. anong ginawa ni ninoy? lumapit si ninoy sa inc at nakiusap na iboto sya? ano naman ang ginawa ng inc? ibinoto si ninoy ng inc sa kabilang ng kawalang hiyaan na ginawa nila.

    noong panahon ni bagatsing at villegas ay tumatakbo sila sa pagka mayor ng manila. si bagatsing ay nasa entablado sa plaza miranda ng sumabog ang bomba ng npa (hindi dumating si ninoy sa plaza dahil alam nyang pasasabugin ang entablado). ano ang nangyari kay bagatsing? naputol ang dalawang nya paa hanggang tuhod kaya ang mga tao ay naawa sa kanya kaya sya ang binoto at patok na patok na mananalo sya dahil sa awa ng mga tao. si bagatsing ba ang binoto ng inc dahil siguradong panalo na sya? hindi, si villegas ang binoto.

  81. Observer Observer

    “Pasintabi Ka Roland L., at di ko rin palalampasin ang style ng INC kung bumanat sa Simbahang Katolika…grabe nilang tuligsain ang mga faithful believers ng simbahan eh.

    Ngayon, kung kayo ang pupunahin e nag-aalsa balutan ang inyong flocks…dapat sports lang ang laban.”

    ano ba ang tuligsa ng inc sa simbahang katoliko na hindi totoo? biblical ba ang tuligsa nila o haka haka lang o tsismis lang?

  82. Got word from a friend yesterday that INC leadership chose Estrada over Aquino.

    “Mahalaga sa kanila ang pinagsamahan, win or lose,” our source said.

    He said, “Ngayong umaga pa lang binibigay ang sample ballots. Nakapila sa Central ang tagapamahala sa distrito ng Iglesia, mamayang hapon baka maaksama na sa balita.

    “At the absentee meeting a week ago, Erap-Binay na ang ipinaboto sa abroad sa mga kapatid. Pati sa mga kapatid sa AFP at PNP.”

  83. Got word from a friend yesterday that INC leadership chose Estrada over Aquino.

    Hah!

    Ellen,

    INC must have read this post; they don’t want to be tagged the religion of opportunists.

    Erap will owe you one big time!

    🙂

  84. romyman romyman

    Hindi sila oportunista, sila ay MGA LIYAMADISTA.

  85. Anna, I don’t think so.

    As this source, who claim to be in touch with a ranking INC official, said, ““At the absentee meeting a week ago, Erap-Binay na ang ipinaboto sa abroad sa mga kapatid. Pati sa mga kapatid sa AFP at PNP.”

    My other source, who said that Noynoy got the nod of INC, seems to have been misled.

    He also said that Ronnie Zamora,Villar’s campaign manager, visited INC leaders last week and he came out sad.

  86. Poor Ronnie. A big time political fixer who bet on the wrong horse. 🙂

    OK, am off for 24 hours… will be back tomorrow.

  87. chi chi

    Oh, Villarroyo! Brother Manalo does not want you.

    OH, Gibo! Brother Manalo does not want you, too.

    Blame Gloria Makapal Pidal Arrovo!

  88. chi chi

    Ooppps… dahil sa INC ay may panalo yata ang Noy-Nay. Kayod ng matindi kuya Mar para hindi makaabot si Rambotito.

  89. Mike Mike

    And I just wonder who Bro. Mike Velardo will endorse once this news of INC endorsing Erap-Binay tandem comes out???

  90. sevenn74 sevenn74

    ang masasabi ko lang sa mga pumupuna sa pagkakaisa ng INC, wala po kayong kaalam-alam patungkol sa pagkakaisa sa loob ng Iglesia, may kanya kanya kayong opinyon laban sa INC. ika nga mahilig sa tsismis, wala namang alam..palagay ko naman mga professional kayo may pinag aralan ika nga…wag nyong itulad sa ibang relihiyon ang INC, sa INC ang may tunay na pagkakaisa…..

  91. luzviminda luzviminda

    “Mahalaga sa kanila ang pinagsamahan, win or lose,”

    I think ever since sa kandidatura ni Erap mula Senador ay di iniwan si Erap ng INC. Iba nga may pinagsamahan. Yung ibang bagong sulpot na kandidato na humihingi ng suporta sa INC ang mga oportunista. Baka nga naman maka-uto sa mga Manalo.

  92. MPRivera MPRivera

    Hige! Magkaisa kahit ginagawang gatasan at palabigasan ng mga namumunong ang hawak ay bibliya upang maitago ang tunay na layong magkamal ng yaman sa panlilinlang ng tao.

    Kayod todo todo ang mga mananampalataya habang gumugulong sa salapi ang mga pinuno.

    Ano kaya ang tawag sa mga taong ganito?

    Nakuuu! Naalala ko na naman ang dati kong kasamahan dineng isa na rin ‘ata sa namumuno sa tinatawag nilang komunidad. Mahirap na la’ang magsalita.

  93. 9 pm, May 3

    Got message from a friend who told me the other day that INC chose to support Erap-Binay that”INC changes mind, goes for Noy-Mar.”

    Ay naku. Bahala na sila dyan.

Comments are closed.