Skip to content

Gloria’s labandera sa anti-Money Laundering Council

Suspetsa ko, yung mga aksyun ni Gloria Arroyo nitong mga nakaraang linggo na talaga namang nakakagulatang katulad ng pag-appoint niya kay Anita Carpon, ang kanyang manikurista bilang member of the board ng Pag-ibig Housing Fund at ng kanyang hardinero na si Armando Macapagal bilang deputy administrator ng Luneta Park Administration ay pang-inis sa atin.

Wala siguro siyang maisip na paraan para magantihan tayo sa ating pagtuligsa sa kanyang pangungurakot at paglabas sa batas kaya gumagawa siya ng mga bagay na manggagalaiti tayo sa inis.

Hindi ko na sasayangin ang aking emosyon kay Arroyo. Pagtawanan na lang natin siya.

Ganun din ang reaksyun ng aking mga ka-blog. Sabi ng mga sumusulat sa aking blog, kulang pa yun. Dapat lubusin na ni Arroyo at ito ang mga suhestyun nila:


Sabi ni Tongue-Twisted: Ang masahista ni Arroyo dapat i-appoint niya sa board ng National Orthopedic Hospital. Ang kanyang cook naman, gawin niyang undersecretary sa National Food Authority.

Ang driver naman daw ng anak niyang si Pampanga Rep. Mikey Arroyo, pwede niyang i-appoint na assistant secretary ng Land Transportation Office.Ang tagapag-alaga ng kabayo ni Mikey ay dapat ilagay niya na undersecretary ng Bureau of Animal Industry .

Ang yaya naman ng mga anak niyang sina Mikey, Dato at Luli ay bagay na administrator sa Manila Zoo, sabi ni Tongue-Twisted.

Dinagdagan naman ni Diego Guerrero na ang suhestyon ay ilagay ang tagapa-ayos ng buhok ni Arroyo sa National Mental Hospital.

Nagtanong si Isagani: saan naman ilagay ang labandera nila? Sagot ni Mike sa Anti-money Laundering Council.

Oo nga naman. Bagay na bagay doon at marami siya kailangang labhan. Bilyon-bilyon siguro.

Dagdag ni Goldberg, ang barbero ni Mike Arroyo at dapat ilagay nila sa Department of Environment and Natural Resources. Marami siyang pwedeng kalbohin doon. Kikita pa. Magkakabaha lang nga ang bayan pagdating ng tag-ulan.

Maganda rin ang ideya ni Saxnviolins: Si “Mr Wetness”, Sergio Apostol, dating chief presidential legal counsel ay ilagay sa Wetness Protection Program. Isama naman si Justice Secretary Alberto Agra bilang “Cheap Justice.” Naku ha, hindi siya cheap ha.

Sabi pa rin ni Saxnviolins, dapat ilagay ni Gloria si Mike sa Bureau of Animal Husbrandry, si Presidential Spokesman Gary Olivar sa Commission for the Blind dahil sanay naman siya magbulag-bulagan sa mga nangyayaring hindi kanais-nais sa paligid niya at si Brenda daw ay gawing pinuno ng Philippine Normal College.

Pasalamat tayo kay Gloria Arroyo at masaya ang Pilipinas .

Published inAbanteGloria Arroyo and familyGovernance

32 Comments

  1. Irony of all ironies…

    …the Filipinos still got the last laugh afterall.

  2. I can still hear the question,

    “What is it about the Filipinos?”

    Well, maybe it’s the unique ability of being comfortable (read “adaptive by necessity”) at both ends of the spectrum.

  3. But we should remain vigilant. This Midget still has a few days left.

    Baka iappoint pa nya sa Commission on Human Rights si Gov. Ampatuan.

  4. Mike Mike

    @Sumpit: Do you mean that the political ballimbings are just that, being adaptive by necessity? 🙂

  5. kasama na rin ‘yan!

  6. sychitpin sychitpin

    A friend gave me a book entitled “Building A Better Nation” by Sen. Jovito Salonga, on page 150, Sen Salonga described Ellen Tordesillas and Sheila Coronel as ” Two enterprising journalists,whose integrity,competence, and dedication is beyond reproach.”

    Mabuhay Ellen, may your tribe increase.

  7. Thanks, Sychitpin.

    Thanks for telling me. I should thank Sen. Salonga. I should also get for myself a copy of that book.

  8. dan dan

    ha ha ha ha! Paano na yan pag natalo siya sa congress e di magbabaliw baliwan na lang para makalusot sa asunto. So dapat palagyan na rin nya tao nya sa National Mental Hospital para may special treatmento pag nandoon na siya.

  9. sychitpin sychitpin

    anytime Ellen, the pleasure is all mine, im so glad to know a competent, dedicated and honest journalist like you, you are truly a pride and a great daughter of the Phil.

  10. gusa77 gusa77

    Mam’Ellen,nakalimutan yata ang famous na Lola CHARING, at bakit walang midnight app’t.sa blogsite.Sa para akin,dahil amoy lupa na si otsenta+ lola,sa BUREAU of LAND Registration,para lahat ng lupang ari nang pamahalaan ay mapatituluhan sa mga realtor at maging asset ni MONEY-dugas gamiting pang-utang sa BSP,di mabayaran at abogado na lang ang bahala diyan,kung may reklamo dalhin sa korte ng mga bayaran kinatawan ng hustisya.

  11. tru blue tru blue

    Si Bong Pineda, Gluerilla should appoint as Director of PAGCOR (tama ba?).

    John Martir as Secretary of Defense.

  12. MPRivera MPRivera

    Bong Pineda as Anti Gambling czar!

  13. Mike Mike

    Garci as National Telecommunication Commission Chairman.
    Hello, Garci… yung 1M votes ko ha… 🙂

  14. ocayvalle ocayvalle

    kaya siguro inabsuwelto na ni doj agra sina zaldy ampatuan arm governor ay me balak na e appoint ni GMA na maging kapalit ni cj sc puno bilang cj sc,wala naman kasi kay GMA iyon kung kuwalipikado ka o hindi, basta ginusto niya, puede, tapos ang mga kabinete niya at alipores ang tatayo na tama ang ginawa niya.. di ba me resolution na ang sc na puedeng mag appoint si GMA.. tapus antayin na lang nating ma absuwelto din si datu unsay ampatuan, baka ma appoint na hepe ng NBI..nakakatawa na at nakakainis si GMA, pati mga pilipino at ang buong mundo isinasama niya sa kabaliwan niya, konting tiis na lang mga kababayan, malapit na ang exit niya..pag exit niya, kasama niya si FG sa pag exit, kaya lang si FG, sigurado naka horizontal pag labas ng palasyo..tiyak iyon..!!

  15. sychitpin sychitpin

    my choices for senators so far were : Riza Hontiveros, Gen danny Lim, Serge Osmena, Neric Acosta, Alex Lacson, Drilon and Biazon

    any comment from anyone whether these are correct or wrong choices?

  16. gusa77 gusa77

    Ocayville,papanong horizontal,nakatuhog ba sa kawayan o sa malaking bandeha,may mansana ni satanas sa bunganga,at bibit ng klas78.

  17. MPRivera MPRivera

    Joan Martir should be appointed as Secretary of Cosmetology and Beauty Culture.

  18. patria adorada patria adorada

    sychipin,please include queruben.

  19. sychitpin sychitpin

    patria adorada: i know querubin is a very brave soldier, but being in villaroyo’s camp diminished his good qualities, i would have included querubin if he is in Noynoy’s party

  20. saxnviolins saxnviolins

    described Ellen Tordesillas and Sheila Coronel as ” Two enterprising journalists,whose integrity,competence, and dedication is beyond reproach.”

    In Supreme Court parlance, concurring and dissenting ako. Concur with regard to the first name mentioned; reservations on the second.

  21. chi chi

    Ako rin!

  22. sychitpin sychitpin

    saxbviolins: i would appreciate to be enlightened about your reservation on sheila coronel ..

  23. Oblak Oblak

    Malakas ang loob ni GMA na babuyin at abusuhin ang appointing powers nya bilang presidente. Kung sibakin man sila ng susunod na Presidente, sa Supreme Court pupunta ang kaso ng sibakan at alam ni GMA na hindi siya kalilimutan ng ilang uto utong justices na inappoint nya!

  24. hKofw hKofw

    Sinadya talaga ni Gloria at ng kanyang spin doctors ang kanyang pag-appoint sa manikurista at gardener:

    — UNA: Para kalimutan pansamantala ng mga journalists, local at international, ang kanilang pagsusulat at sama ng loob sa kontrobesyal na pag-urong ng kaso laban sa suspek na mga Ampatuan at ituon ang panahon sa pagbabalita sa nakakasukang balitang ito.
    Kaya hayan natabunan pansamantala na ng balitang ‘manikurista at hardinero’ ang balitang ‘Mindano Massacre’. Mas gugustuhin pa ni Gloria na pagtawanan siya kaysa kamuhian.

    Hindi ba may ELECTION BAN sa pag-appoint sa anumang puwesto 2 buwan bago mag-eleksyon? Another issue ito, di ba? Alam ng bruha ito pero sige para mabaling ang balita. Sinabayan pa ito ng balitang may nawawalang 14 units ng PCOS Machines na delivery sa Zamboanga. Sa Gaya ng nasabi ko, dibersyon lang ito.

    — PANGALAWA: Diversionary tactic ito para hindi pansinin gaano ang pagbagsak ng Russian Airplane sa Pampanga.
    Ayon sa balitang ito, isa lang sa kanila ang may documented entry bilang turista ang iba ay illegal aliens. Panoorin ang video:

    http://www.gmanews.tv/video/58794/saksi-plane-in-pampanga-crash-possibly-suffered-from-electrical-problem

    http://www.gmanews.tv/video/58825/survivors-of-pampanga-plane-crash-face-multiple-cases

    ASSORTED ELECTRONICS (???) ang cargo ng Eroplanong bumagsak:

    http://www.gmanews.tv/video/58826/inter-island-airlines-operations-temporarily-suspended-after-pampanga-plane-crash

    Tanong: Sino ang mga Russians na ito? Bakit nasa Pinas at Ano ang ginagawa o pakay nila? Bakit sila may kargamentong electronics? Makakapasok ba ang mga ito sakay ng eroplano dala ang kanilang kargamento ng hindi alam ng mga awtoridad lalo na ang military? Hindi kaya may kinalaman ito sa darating na eleksyon? Hindi kaya mga expert hackers ang mga iyan?

    Matatandaan na lumipad si Ganid sa Russia noong June 2009. At sa blog ni Ellen (entry #36):

    http://www.ellentordesillas.com/?p=5729

    ay sinabi ko :

    “Ano’ng ginagawa ng Dimonyita sa Russia? Tiyak may connection ito sa computerized election sa 2010. Maraming professional hackers sa Russia. They are the most dangerous and elusive in the world.-

    “…Russian police admits that ‘Russian hackers are the strongest in the world.”

    http://trendsupdates.com/those-brilliant-russian-professional-hackers/

    http://www.secpoint.com/Online-Outlaws-Russian-Cyber-Terrorists.html

    And they are for hire! Tiyak na magbabayad siya ng malaki para para ma-hack ang voting machines (baka bitbit nila ang Smartmatic system software para ipa-hack at pagkatapos ay gagawa ang Russian hackers ng hacker’s tool o password cracker/keylogger). Maaari din nilang imbitahin ng lihim ang ilan sa mga ito na pumunta sa Pilipnas sa araw ng botohan para ipa-trabaho ng palihim nang direkta ang pandaraya sa resulta ng electronic voting. Gaya ng nangyari sa ZTE Broadband Scandal may hokus-focus na mangyayari sa kanyang pagpunta sa Russia. Hindi dapat pagkatiwalaan si Dimonyita. Gagawin niya ang lahat para makamit niya ang kanyang maitim na balak. Hinayupak talaga. Bantayan!!! “

  25. Very observant ka, HKofw. May punto ka riyan.

    Ang unang balitang lumabas ay subcontractor raw ng UPS yung Russian plane na iyon. Kung electronic components nga iyon – semi-finished goods o raw materials ng mga semicon assemblers dito – madali lang ma-confirm yan mula sa UPS. Kasi kung ire-reexport yon bilang finished goods, kailangan yung Import Entry Declaration niyan kung hindi magbabayad ng duties and taxes ang concessionaire. May okumento iyan sa UPS.

    Susubukan kong i-verify sa UPS kung totoo yan.

  26. Pero teka, nabili na ng Aboitiz ang share ng mga Delgado sa UPS. Bakit hindi sa eroplano ng Aboitiz TS / 2GO isinakay? Hmmm…

  27. chi chi

    Magaling, HKofw. Napaisip tuloy ako ng malalim.

  28. luzviminda luzviminda

    Tongue,

    Di ba may konek din ang mga Pidal sa Aboitiz, mahahalata lalo pag yun ang ginamit.

  29. hKofw hKofw

    Tongue, Chi, sa totoo lang talagang kinilabutan ako ng mabalitaan ko na may bumagsak na Russian plane at undocumented Russians ang sakay nito at may dala pang electronics. Naalala kong bigla yong aking dating input ukol sa pagpunta ni Ganid sa Russia.

    Sa aking palagay dapat i-escalate ang isyung ito at tutukan maigi ng media at iba pang kinauukulan at ng mga taong may tunay na pagmamahal sa bayan at kalayaan. Huwag nating manaig muli ang mga kampon ng kadiliman sa pangunguna ng mag-asawang diablo na nasa malakanyang sa kanilang pakay na mandaya sa eleksyong darating at pakay nila na habangbuhay na mamuno at maghari sa ating kawawang bansa.

  30. hKofw hKofw

    Tongue, Chi, Sa totoo lang talagang kinilabutan ako ng mabalitaan ko na may bumagsak na Russian plane at undocumented Russians ang sakay nito at may dala pang electronics. Naalala kong bigla yong aking input sa dating thread ni Ellen.

    Sa aking palagay dapat i-escalate ang isyung ito at tutukan maigi ng media at iba pang kinauukulan at ng mga taong may pagmamalasakit sa bayan at kalayaan. Kailangang malaman kung sino talaga ang mga ito at ano ang pakay nila.

    Huwag nating manaig muli ang mga kampon ng kadiliman sa pangunguna ng mag-asawang diablo na nasa malakanyang sa kanilang pakay na mandaya sa eleksyong darating at pakay nila na habangbuhay na mamuno at maghari sa ating kawawang bansa.

  31. I just talked to one manager in UPS regarding this. She said she got the report while she was on vacation in Boracay and she was told even before the news broke.

    She says the Russian plane was chartered by UPS to fly electronic cargo from their client in Cebu to be brought to the UPS local hub at DMIA/Clark before it is flown to their Asian hub in Beijing before being finally shipped to the US. She did not name the client but I believe it was Acer that shipped the 260 boxes of, probably, laptop computers. Acer is UPS’ biggest client in Cebu they can afford to charter a plane for their exclusive use.

    It was legit cargo ops. The reason why some Russian crew did not have travel docs is because they do not disembark from the plane. Some of the 8 or so crew are left on oard checking the instrumentation after every flight there is no need to secure visas since they will not pass through Immigration nor Customs.

    FYI.

Comments are closed.