Skip to content

Si Remulla at si Ampatuan

Kalimutan na ni Gilbert Remulla ang kanyang ambisyon na magiging senador.

Sa kanyang pagbisita sa mga Ampatuan sa Davao noong isang buwan, lumabas na may pagkukulang sa kanyang values o moralidad. Dating journalist pa naman siya.

April 22 -Tumawag sa akin si Gilbert at nasaktan daw siya sa aking sinulat.Sana man lang daw tinanong ko siya bago ko siya binanatan. Sabi niya hindi pa niya ngayon masabi ang detalye ngunit may kinalaman sa “security” ang kanyang pakipagkita sa mga Ampatuan sa Davao.

Sira rin dito si Nacionalista party presidential candidate Manny Villar. Dapat ipakita niya na kaya niya magdisiplina ng kasama na nagkamali. Kung hindi, pareho na sila babagsak.

Si Remulla kasi bayaw ni Sigfrid Fortun, abogado ng mga Ampatuan. Ngayon kasi malakas pa rin ang mga Ampatuan sa Maguindanao. Marami nga sa mga kamag-anak nila ang tumatakbo itong eleksyun at malamang mananalo.

Sabi nga ng kakilala ko sa Maguindanao, mahina raw si Ismael “Toto” Mangudadatu.

Sinabi ng aming source sa military, sandali nga lang daw ang bisita ni Remulla noong isang buwan. “Social visit” pa ang sabi. Paano naman niya nasigurado na social visit?

Ang masaker noong Nobyembre 23 ay talagang karumaldumal na kahit sinong tao ay dapat masuka. Hindi kumulang sa 57 na tao ang pinatay at 32 sa kanila ay journalists, dating kasamahan niya sa propesyon. (Dating reporter ng ABS-CBN si Gilbert. Nag-aral pa yan sa Columbia University sa New York.)

Maintindihan ko ang pangtanggap ni Sigrid Fortun ng kaso. Abogado siya. Sa kanya siguro, trabaho lang. Pero itong si Gilbert, mahirap mapatawad ang kanyang ginawa.

Ito namang presscon noong Martes ni Andal Ampatuan Sr sa Bicutan para iwagayway ang kanyang yellow na baller at sabihing si Noynoy Aquino ang kanyang susuportahan ay isa ring kalokohan. Unang-una bakit siya pinayagan mag-presscon. Nakakulong siya.

Akala siguro nina Villar damage control ang ginawa nilang pagpasuot kay Andal Jr ng Noynoy Aquino yellow baller (noong isang linggo kasi Villar at Remulla orange baller ang suot).

Mag-konsulta nga sila ng magaling na public relations expert. Wala ng pinaka-epektibo na damage control kungdi umamin ng kasalanan, magsabi ng totoo at humingi ng paumanhin. Baka pwede pang patawarin ka ng tao.

Walang pinag-iba itong si Remulla kay Justice Secretary Alberto Agra.

Deny si Agra na malaking pera ang rason bakit niya pinawalang sala si dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan at ang kanyang tiyo na si Akmad. Lokohin mo lelong mo.

Walanghiyaan na talaga ngayon dahil desperado na itong mga Ampatuan at si Gloria Arroyo. Alam nilang sobra dalawang buawan na lang sila kaya kahit na garapalan ginagawa na.

Kaya tama ang panawagan ng mga kamag-anak ng mga journalists na napatay sa masaker kay QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes. Maghintay sa bagong administrasyon. Saka na ipagpatuloy ang hearing dahil wala kang maasahang hustisya sa administrasyong Arroyo na siyang nag-alaga sa mga Ampatuan.

Published in2010 electionsAbanteMaguindanao massacre

89 Comments

  1. rose rose

    mababawi ba ni Agra ang kanyang decision? hindi na ata… naisulat na hindi lang sa bato kundi sa mga puso ng mga victims and their families..ang kasakitan na idulot niya sa kanila…Judas sold Jesus for thirty pieces of silver…I wonder how much he got for his decision..

  2. Lurker Lurker

    Sayang si Gilbert. Mukhang matinong bata pa naman. He was such a refreshing on-cam talent noon. Sabi nga “politics corrupts!”

  3. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Sayang si Gilbert, si alan peter cayetano, at si adel tamano. Bata pa sila sinira na nila ang buhay nila.

  4. chi chi

    Huli ka Gilbert! Pasok na sana sa magic 12 sinayang pa. Gustong makasiguro kaya bumisita kay Ampatuan. Nagago rin, sa technology ba naman at daldal ng mga tao ngayong eleksyon ay meron pang sekreto?

    Ikaw din Cynthia Villarroyo, expect Erap to evertake your Money dahil sa dalaw mo kay Ampatuan. Matatalino naman sana si Gilbert at Cynthia. Dos Desperados!

  5. chi chi

    Ginagago ni Villarroyo ang tao. Sino ang maniniwala sa endorso ni Andal kay Noynoy? Halatado naman na scripted ng mga desperados. Una si Villar and inindorso, yan ang tunay. Natauhan ang mga ulol na magiging decimal point na lang si Villar, ibinuwelta kay Noynoy…semplang naman.

    Hay naku Gloria…magpatiwarik ka na lang, dinala mo na sa pinakamabahong antas ang pulitika sa Pinas.

    Hay naku Villar, wala ka na. Next survey ay Noynoy-Erap na ang laban dahil na rin sa iyong pagkagahaman sa posisyon panguluhan. Serves you right!

  6. chi chi

    Baki nakapag-press con si Andal sa loob ng preso ay murder ang kaso niya? Bakit walang posas? Itanong kay Gloria.

    Bakit ang Magdalo at Tanay boys na walang kaso ay hindi payagang mag-press con?

    Halatang-halata na pakulo ni Villar-Arroyo!

  7. chi chi

    Social visit lang dalaw ni Gilbert kay Ampatuan?! Har!har!har! Lokohin mo ang sarili mo, tanga!

  8. saxnviolins saxnviolins

    Kung hindi ka ba naman ma-Bo-Borat, mayroon daw mga kababayan si Borat na nasa NasPi.

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/04/21/10/cargo-plane-crashes-pampanga

    A bulletin from the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) said there were 3 Russians, 2 Uzbekistans (the proper term is Uzbek), and 1 Bulgarian on the plane.

    Sorry. Kazakhstan nga pala si Borat.

    Uzbekistan is known for drug trafficking and money laundering (magkambal usually ang mga crimen na yan). From Cebu to Macapagal Airport daw ang punta?

    Nasaan na yung mga James Bond? henry90 and TruBlu?

  9. Mike Mike

    Sax. it says in the report that 3 persons are missing. Nagtago kaya at bitbit ang mga kontrabando???

  10. Mike Mike

    Agree with Lurker and Manuel, they seemed like “decent” politicians during the impeachment debate against Gloria in the lower house back then. These young politicians are no different from the likes of Mike Defensor, Mikey Arroyo, Zubiri, etc… Sayang.

  11. spiderguy spiderguy

    Tila tama ang sinabi ng isang taga Daily City, Ca. USA. Ito ay nalathala sa isang pahayagan sa Pinas. Ang sabi ng taga Daily City na ang kailangan sa Pinas ay madugong rebulusyon at ibitin ang mga tiwaling tao ng gobyerno. Lalu na ang mga nasa malacanang at congreso. Ako ay sangayon sa kanyang sinabi. Sa nakikita ko na ito na lang ang lunas para tumino ang Pilipinas. God bless the Philippines.

  12. florry florry

    In the beginning, it’s Cory Aquino who planted the first seed of power to the Ampatuan clan. After Edsa, Cory with all the powers of a dictator under a revolutionary government, ordered all local, provincial,national officials and Supreme court justices to get out of the way. She then appointed all her selected men to assume as OIC officials all over the country and one of them is Ampatuan Sr. as governor of Maguindanao.

    Before Cory nobody ever heard of the Ampatuans, but now namamayagpag sila sa power and wealth. Since then they were nurtured by succeeding national governments, except Erap

    Who then was responsible for the creation and rise in power of the Ampatuans?

  13. perl perl

    Nice thread Ellen!

    Hindi talaga dapat pinalulusot o sinasawalang bahala ng media ang ganitong issue kahi yang pa-presscon na yan…
    mga putangnang pulitiko yan… si Gibo, Agra, Villar at Remulla walang iniwan sa kademonyohan ni Gloria Arroyo… kaya lumalaki sungay at buntot ng mga ampatuan eh… pumatay na ng 57 tao at nalagay sa kahihiyan ang buong pilipinas… nakuha pang makipagsabwatan at gamitin ang mga halimaw na angkan ng mga kriminal…

    Noynoy o Erap, kung manalo isa sa inyo… pati yang pamunuan ng BJMP sibakin sa pwesto!

  14. Chi,

    You asked why walang posas? Surely a directive from Malacanang!

    This is just unbelievable. How on earth can Gloria and her judicial goons even think they can get away with it.

    Talagang bastusan na — pakapalan na, walang hiyaan na.

    Gloria should be handcuffed to that lil Ampatuan criminal shithead. Let them sweat it out together like twins in jail is what I say.

  15. Si Remulla kasi bayaw ni Sigfrid Fortun, abogado ng mga Ampatuan. Ngayon kasi malakas pa rin ang mga Ampatuan sa Maguindanao. Marami nga sa mga kamag-anak nila ang tumatakbo itong eleksyun at malamang mananalo.

    Mga tulisan!!!

  16. Maghintay sa bagong administrasyon. Saka na ipagpatuloy ang hearing dahil wala kang maasahang hustisya sa administrasyong Arroyo na siyang nag-alaga sa mga Ampatuan.

    At ipakulong na rin si Agra!

  17. Gloria Macapagal-Arroyo is so walanghiya, so bastos, so walang moral that she’d shame any lowly street harlot hands down.

    Doble, triple puta talaga ang makapal na babaeng yan! (Tapos nagdadasal at nag ko-communion pa? Can’t believe the hypocricy of this political slut!)

  18. martina martina

    Nasaan daw ang ebidensya na involved sila sa press con ni Andal Jr., sabi ni Adel Tamano. Hindi ba sila ang desperado na idikit lahat ng makakasira kay Noynoy? Ha ha one plus one lang ang logic dito, hindi kailangan ng rocket science Mang Adel.

    Matagal ng naging sayang itong si Adel magmula ng pumugad sa Villarroyo camp na nasilaw sa 200 million pesos, at lalong nalugmok ng naging abugado ni Ms Belo sa Hayden Nya ‘hindi koh (not mine)’ sex scandal.

  19. sychitpin sychitpin

    gilbert remulla, alan cayetano, adel tamano, sigfrid fortun, loren legarda, mga taong mukhang pera at walang konsensya, mga kampon ni villaroyong diyablo at ampatuang demonyo, hindi sila bagay sa mundo, dapat duon silang lahat sa impierno , sila’y salot ng bayan !

  20. perl perl

    hindi dapat pinanghihinayangan ang ganyang klaseng mga pulitiko… mga demonyo ang ganyan… nakikipagsawatan sila sa mga halimanaw na kriminal… para na ring nilang sinabi payag sila ng magkaroon ulit ng dayaan sa susunod na election sa ARMM at maaring mangyari ulit ang karumaldumal ng massacre!

  21. rose rose

    walang posas ang mga Ampatuans..pero noong nag oath taking si Sen. Trillanes he was handcuffed? takot silang makalayas si Trillanes pero hindi kay Ampatuans?..
    ..nag karoon ng maraming armas sila Ampatuans courtesy of Dept of National Defense na ang director at that time was no less than Gibo Teodoro…hawag nila Ampatuans si Gloria..kaya nasa gloria sila…hawak naman ni gloria ang Armed Forces of Pidal..the power of the Ampatuans is indeed unbelievable…lechon the leche! tadtadrin at icremate…

  22. perl perl

    Ito namang presscon noong Martes ni Andal Ampatuan Sr sa Bivutan para iwagayway ang kanyang yellow na baller at sabihing si Noynoy Aquino ang kanyang susuportahan ay isa ring kalokohan. Unang-una bakit siya pinayagan mag-presscon. Nakakulong siya.
    dalawang bagay lang ang sinabi ni andal sa presscon… 1. Ang pagpahayag nya ng suporta(kuno) kay Noynoy 2. ang pagpapasalamat nya kay Agra.
    Importante ba ang 2 bagay na to sa bayan para payagan ng pamunuan ng BJMP ang presscon? Oo, importante ang presscon na to para siraan si Noynoy… at natural lang na hindi magkakaroon ng ganitong presscon kung hindi kagustuhan ng nakakataas sa pamunuan ng BJMP!

    Ampucha, hindi tanga ang sambayanang Pilipino!

  23. kapatid kapatid

    With or without the Villar – Arroyo connection, Gilbert Remulla has demonstrated callousness when he visited the Ampatuans. And, as mentioned by Ellen, he was once a journalist.

    It just reinforced the theory that Villar is actually VillaRroyo. Likely GMA ordering the Ampatuans to entertain Villar’s representative_like he is one of us. The visit happened last month, Gilbert must’ve had the inside info on Agra’s decision.

    I am neither a journalist nor a politician, but what the Ampatuans did was beyond. It was done with such impunity, like having been assured by someone powerful, like a president saying : “go ahead, I’ve got your back…”

  24. perl perl

    Deny si Agra na malaking pera ang rason bakit niya pinawalang sala si dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan at ang kanyang tiyo na si Akmad. Lokohin mo lelong mo.
    18 days before election… at kung sakaling hindi bawiin ni Agra ang kanyang decision sa 2 ampatuan na kanyang niabswelto… may ibang legal ways pa ba para ipakulong ang 2 hayup na ampatuan na ‘to before election?

    halata naman na ang motibo para ipawalang sala ang mga ito ay para makapang daya ulit sa election…

  25. sychitpin sychitpin

    maraming nauuto at nasisirang tao si villaroyo, lahat ng mga nabibili ng kanyang maduming yaman ay nalulong na sa bulok na sistema ng kasalukuyang lipunan, pati si trillanes ay dinungisan na rin ni villaroyo……….

  26. sychitpin sychitpin

    maliwanag pa sa sikat ng araw na si villaroyo ang kandidato ni gma, si gibo ay isang bobong decoy ni gma, pareho silang dalawang babagsak dahil sa KISS OF DEATH

  27. perl perl

    Related topic:
    Text invitations to media belie BJMP’s defense on Andal Jr. presscon
    In a radio interview, Lawyer Harry Roque Jr. said many journalists he talked to had said they were “invited” by guards of Mayor Andal Ampatuan Jr.

    “Ang kasama sa media nagsabi ang nag-text sa kanila para pumunta sa press conference na yan…. [nag-text] ang gwardya ni Unsay na taga-BJMP (Media representatives who covered the event said they received text messages from Andal Ampatuan Jr.’s guards at the Bureau of Jail Management and Penology, about a press conference),” Roque said in an interview on dwIZ radio.

  28. Phil Cruz Phil Cruz

    Justice normally walks with lead in her boots in this benighted country. This time it flew with mercurial feet for the two Ampatuans.

  29. perl perl

    wala palang link yung “Related topic” ko sa taas:
    http://www.gmanews.tv/story/189057/text-invitations-to-media-belie-bjmps-defense-on-andal-jr-presscon

    Let them sweat it out together like twins in jail is what I say.-Anna
    Ewan kung napansin nyo.. sa presscon ni Andal… pumuti ang hinayupak! nagpa derma pa ata… anak ng! Touched by Belo ba to, sponsored by Tamano? mukhang may aircon si Andal sa selda nya ng NBI!

    Ang tindi talga ng takot nila sa mga ampatuan.. bakit hindi na lang lasunin lahat yan!

  30. mbw mbw

    thanks to a vigilant media, the minions keep shooking themselves on their feet as well as that of their bosing…now, do they know that their “feet/souls” are all bloody? Wala na kaing dugo ang mga ito—pinasipsip na sa demonyo!

  31. sychitpin sychitpin

    ilang araw na lang, bukang liwayway na …………….

  32. olan olan

    Gilbert if you don’t remember many died in Maguindanao Massacre, and yet you condone and give importance to the suspect? Asan ang hiya mo? Siyanga pala, dami kababayan natin sa Imus at Malagasang, na obliga ibenta ang agrikulturang lupa nila sa murang halaga dahil ayaw daw silang bigyan ng right-of-way ng amo mo na dati rati naman ay meron, ayon sa mga kakilala ko duon. Totoo ba ito? Kung totoo, ano ngayon ang gagawin mo? kukunsintihin mo ba ito? Mukhang legal land grab ito di ba?

    Satur, iboboto pa naman sana kita mukhang mali sinamahan mo, parang mga tulisan o land grabber? Sorry na lang tanggal ka na sa listahan ko!

  33. Phil Cruz Phil Cruz

    Constitutional justice? There is none. Divine justice? It’s asleep. There seems to be only one justice the people can call on. Human justice of the Rambo kind.

  34. mekeniabe mekeniabe

    Tama kayo mga kababayan maraming nauto sina Remulla noong maging chairman siya sa investagation ng Garci tape akala ng tao siya ay para sa katotohanan pero peke pala.Ipinakita niya ang tunay niyang kulay sa pagtatanggol niya sa anomalya ni Villaryo.

  35. mekeniabe mekeniabe

    Lalo namang peke itong si Peter (iskaryote)Cayetano na kung magsalita siya ay akala mo isa siyang preacher na ala Mike Velarde ba.Siguro ngayon ay naiintindihan na niya bakit ipinagtatango si Arroyo ng kanyang mga aso. Ngayon naman silang mga baboy ni Villaroyo ang nagtatanggol dito.

  36. pranning pranning

    22 April 2010

    Wala na tayong magagawa sa mga ulupong na yan. sila ang mga tinatawag na oportunista.

    Sa ibang banda, ako mag reresign na sa trabaho ko at mag aaral bilang manikurista o kaya hardinero nang sa gayoy mabigyan ng magandang pwesto at kumita ng higit kumulang P100,000.

    bwahahahahahaha…..!!!

    prans

  37. Phil Cruz Phil Cruz

    With the elections drawing very close, who are the sinister characters that bear close monitoring?

    1. DILG Secretary Ronaldo Puno
    2. DND Secretary Norberto Gonzales
    3. AFP Chief Bangit
    4. The Ampatuans
    5. Hello, Mellow and his Professional Bunglers
    6. Pichay and his Rotten Vegetables
    7. Gilbert Remulla and his Shadows
    8. Villaroyo and his Media Mafia
    9. The Dark Dwarf

  38. Phil Cruz Phil Cruz

    Here’s a news tidbit from Manolo Quezon’s column today:

    “A senior Frankenstein coalition official privately confirmed the findings of a poll commissioned for internal purposes by Ronaldo Puno, which has Aquino leading Villar by 18 points (41 to 23). It’s crunch time for the Palace and its candidates.”

    Now we know why the Villaroyo camp is so desperate that it’s bungling all over the place..their strategies boomeranging and back-firing up their asses.

  39. Phil Cruz Phil Cruz

    What’s up with Dick? Suing the SWS and Pulse Asia survey firms just because their results show him somewhere at the bottom?

    This behavior is abnormal and childish. Mamaya paiyak-iyak na naman yan.

  40. As we near the homestretch we’ll see more action, Villar, being the businessman that he is would rather solidify his position with actual numbers like his captured voters/supporters and the swing votes coming from the ARMM…everybody knows that public outrage (from the internet) doesn’t necessarily mean votes, he doesn’t need much, if Erap improves his position, even if Gibo and the rest stand still, he can still pull it off.
    It would be interesting to have a new president though who doesn’t have any real skeletons in the closet, allow Lacson to come back and give him a chance to clear his name…then put him in the position to go after FG, Villar, the Ampatuans, Jocjoc, GMA’s generals, Comelec, etc., etc., and GMA herself…now that won’t be possible with any other presidentiable…

  41. What’s up with Dick? Suing the SWS and Pulse Asia survey firms just because their results show him somewhere at the bottom?
    ————————

    Why blame pulse asia? he needs to look at himself in the mirror or at least listen to himself, it thats difficult for him to do, would somebody close to him tell him that he has “reverse charm”, that the longer we listen to him, the more irritated we get?

  42. sychitpin sychitpin

    the Phil can not survive the continuation of gma’s evil governance through his lap dogs and stooges like gibo, villaroyo and others ,it is imperative that a new and honest president ike Noynoy take over the government, May 10 election is not only a fight of GOOD VS EVIL, but also a fight of SURVIVAL VS DOOM for the the nation……

  43. sychitpin sychitpin

    tuluyan nang nalublub sa kasamaan at kasinungalingan si gilbert remulla, alan cayetano, adel tamano, loren legarda, at marami pang iba dahil nauto sila ni villaroyo……..

  44. ken ken

    True to its words. GMA is still continuing derailing our justice system. So what we will do now? Vote for villaroyo(C5, Taga & now illegal stock deal, OMG!), gibo (yes mam), gordon (tight-lipped) or erap?

    Only Noynoy can bring justice in our Phil government these days. Only Noynoy can bring justice to all these atrocities of GMA & Evil Mike and her gang of evil cohorts & empire. Only Noynoy…

  45. saxnviolins saxnviolins

    To me Remulla is a symptom of a greater disease – that Noypis mouth paeans to democracy and the rule of the majority, but sneakily line up to talk to vote fixers. There will be no drug pushers if there is no market; no vote fixers if there are no clients.

    Di ba’t hindi lang si Zubiri ang beneficiary ni Ampatuan? Aren’t there others in the present Senate line-up?

    What about that mafia inside the Comelec, which fixed Padaca’s loss? Is Dy their only client, o mayroon pang iba?

    All is fair in love and war, in politics and business too. Good guys finish last. If even priests can be bought by PAGCOR largesse, yet in the same breath, condemn the legalization of jueteng, what hope is there for change?

    Mas tinitingala yung magulang na maraming salapi, and living in the lap of luxury, than people like Efren Peñaflorida. Ano, araw araw kang nasa squatter? Amoy basura? Which Arrneyow kid wants that? Ganyan din ang mga Italian kids na nag-ma-mafia. Mas cool ang mga wise guys, kaysa nerds like Justice Samuel Alito. Ganyan din ang sports, mas kilala yung madaya, like the little league Pinoys, who were actually sixteen years old.

    Once in a while, a bolt of white light streaks through the dark clouds, like the golfer Davis

    http://www.reuters.com/article/idUSTRE63L05N20100422?type=sportsNews

    It’s up to the parents now. Do you point to Davis as an example? Or to Gilbert Remulla?

  46. sychitpin sychitpin

    the Phil is going to the dogs because of extremely immoral , corrupt and greedy leaders like gma, and rotten politicians like villaroyo, gilbert remulla, adel tamano, cayetano, loren legarda, ronnie puno, abalos, etc…… it has a damaged culture and distorted values, Phil is in a grave moral crisis, comelec allowing a corrupt villaroyo to run for president is in itself a corrupt and anomalous act, the nation needs a new president in the person of Noynoy to cleanse the stinking seat of power malacanang, and exorcize the government from the evils lording over it for 9 years

  47. In all of these brouhaha na ang sabi nila, gawa-gawa ng bruha, magmula sa Hello, Garci at ang pinaka-latest ay si Agra, habang nagkakaingay ang lahat dahil sa pagbabatuhan ng putik ng mga kandidato, huwag nating kalimutan ang sinabi ni Joseph Stalin:

    THOSE WHO VOTE DECIDE NOTHING; THOSE WHO COUNT THE VOTES DECIDE EVERYTHING..

  48. MPRivera MPRivera

    Let us see how Gilbert Remulla would defend the money maker regarding this never dying issue of land grabbing.

    Let us also see if those who hailed like god the man who promised to end poverty still vote for him on May 10 after this. And what about other issues of land grabbing? Will they just close their eyes?

    Tsk tsk tsk tsk.

    http://www.malaya.com.ph/04222010/edbanayo.html

  49. MPRivera MPRivera

    Come May 10, I still may vote for Adel Tamano but Gilbert Remulla and Allan Cayetano?

    Magbigti na la’ang siguro ‘yung kapitbahay namin!

  50. perl perl

    It would be interesting to have a new president though who doesn’t have any real skeletons in the closet, allow Lacson to come back and give him a chance to clear his name…then put him in the position to go after FG, Villar, the Ampatuans, Jocjoc, GMA’s generals, Comelec, etc., etc., and GMA herself…now that won’t be possible with any other presidentiable… – Jug
    101% Agree jug! This is also one of the big reason why i choose Noynoy. Hindi na kailangan gumanawa ng commission ni Noynoy para habulin ang Arroyos and their minions… kayang-kaya ni Ping Lacson yan! Ilagay lang si Lacson sa tamang position!

  51. Ako rin, agree with Jug.

    And then ipakulong iyang mag-asawang Arroyo na nagbababoy ng Pilipinas.

  52. perl perl

    Villar got billions from illegal stock deal in ‘07—Erap camp
    http://www.gmanews.tv/story/189088/villar-got-billions-from-illegal-stock-deal-in-07erap-camp

    This, Enrile alleged, had allowed Villar, who was Senate president at that time, to make almost P5 billion from the stock sale.

    “There is no doubt in my mind that Senator Manuel Villar himself lobbied and exerted pressure to railroad the approval of his family-owned company’s request for exemption to enable him and his family to sell their shares, which were otherwise subject to a lock-up at a hefty premium,” Enrile said.

    Hindi na mapipigilan ang pagbagsak ni Manny Villar!

  53. perl perl

    Phil Cruz – April 22, 2010 3:35 pm

    Here’s a news tidbit from Manolo Quezon’s column today:

    “A senior Frankenstein coalition official privately confirmed the findings of a poll commissioned for internal purposes by Ronaldo Puno, which has Aquino leading Villar by 18 points (41 to 23). It’s crunch time for the Palace and its candidates.”

    Now we know why the Villaroyo camp is so desperate that it’s bungling all over the place..their strategies boomeranging and back-firing up their asses.

    Thanks Phil! Here’s the link:
    http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20100421-265695/Silence-means-consent

  54. The lock-up period rule was bent to favor the creep Manny Villar. You don’t issue a billion-dollar IPO and be the first to sell your block when buyers were earlier convinced to invest because they think you are a good corporate chief. When you start selling out, naturally, the big slide begins. I know who OFWs were gypped into this scam.

    Economic sabotage, apparently.

    “Si Manny Villar ang magtatapos sa ating kahirapan” so the jingle goes.

  55. gusa77 gusa77

    Ang di ko alam na pati pala mga dedbol ay may sariling presinto upang bomoto na ngayong darating na hangalan sa May 10,ano kaya ito,baka pati comolect ay dalawa rin,dati patay lang puwedeng bomoto ngayon naman ay mayroon ng presinto sila aba, sabakay di nakakapagtaka dahil ang mga PARTY LIST ay parang mga langaw nakaamoy ng mabahong amoy ay nagsusulpotan.Aba talagang HI-TECH ang automated GARCI ang election.HOW much kaya per GHOST precint ang tagay ng national candidate,sabagay di na kailangan maglibot at magpapawis mag-abot ng isang “Ninoy”,dito just sit back and watch na lang,see the the result.Nang mabisto sa FOLDER ito na naman gumawa ng ibang racket ang constitutioanal body kuno.

  56. MPRivera MPRivera

    Ngak! Si Pia nga pala! Ay em sorrow.

    Sino dito ang abeylabol na batselor o kaya ay balo?

    Naghahanap si Pia ng magiging partner in da life. Kahit daw hindi masyadong good in the looking, basta athletic type, mga 5’9″ pataas ang height (hindi ako pwede dahil 5’10” lang ako kapag nakatayo sa silya) at medyo good provider (pwede na siguro ang Smart o Globe dito).

    But still the same, I’ll go for Adel than (any of) Villar’s Remulla and Cayetano Kung wala na talagang ibang pagpipilian. Ayaw ko kasi talaga sa sinungaling na Villar.

  57. MPRivera MPRivera

    Mga katoto,

    Alam ba ninyo kung bakit hindi umangat si Dicky Gordon sa nga surveys?

    Hindi kasi maintindihan ng mga botante ang kanyang plataporma kapag nagsasalita, eh.

    Imagine ninyo ‘yung 400 wpm kapag nagtatalumpati siya sa mga miting nila? Walang maintindihan ang mga tao.

    Eh, ‘yun pang ambon like shower?

  58. Phil Cruz Phil Cruz

    Wala na. Wala na talaga si Villaroyo.

    With yesterday’s bombshell of Erap and Enrile (Villar’s influence peddling and threat on the PSE Board), his ratings can only skid further down, down.

    A case of Humpty Dumpty falling off the wall. No matter what.. all the thief’s horses and all the thief’s men can never put him back together again.

  59. tru blue tru blue

    “Uzbekistan is known for drug trafficking and money laundering (magkambal usually ang mga crimen na yan). From Cebu to Macapagal Airport daw ang punta?” – snv

    Maraming pobre sa atin and how long will these people hold back the undercurrent to the constant criticisms of mismanagements of our ports or airspace (north to south) is not in existence. Their complacency is dormant. We’re not naive about what goes on to our ports; the majority of those sworn in to enforce the law are bribed or maybe all of them. The country’s greed and corruption is akin to those lowly East African Nations.

    I’m experiencing high fever and I can blah blah blah more, pero time to hit the sack. Cheers.

  60. Mike Mike

    ““Si Manny Villar ang magtatapos sa ating kahirapan” so the jingle goes.”
    – TonGuE

    Matatapos talaga kahirapan ng mga mahihirap. Mamamatay sila ng maaga dahil sa sobrang pahirap na dadanasin nila sa adminitrasyong Villar. Pagnamatay na, wala ng hirap. tapos ang hirap.

  61. Phil Cruz Phil Cruz

    So where does that put Gloria Arroyo? Her Villar is running backwards and her Gibo is jogging in place.

    Her only alternative is to “cheat elections again”, or “no-proc” or “no-el” or “martial law”.

    But that’s too risky for her now because the public is in a frenetic volatile mood. Not even the AFP or her Supreme Court could stand another people power revolt this time around.

    What to do? What to do? I hear weeping and gnashing of teeth by the Pasig.

  62. Magno, naghahanap pala ng asawa si Pia, ha. Tuluyan na silang naghiwalay ng kaibigan kong si Ariben Sebastian na dating kaklase ng Kuya ko. Huli kaming nagkita ni Ariben sa celebration nung successful na pag-sponsor niya kina Garduce na umakyat sa Everest pero iwas sa topic tungkol kay Pia. Matangkad si Ariben, maskulado, matalino (abugado rin) higit sa lahat kamukha ni Mickey Mouse. Oooops.

    Alam ko mahilig sa extreme sports ito si Pia sumasali pa sa international marathon/duathlon, sana isinama na lang ni Ariben sa Everest para na-brain freeze! Si Allan Peter naman, wala yatang buto yan, kahit sa Upper Bicutan lang siguro hindi makakaakyat yan galing sa Bagumbayan, hihihi.

    *********************

    Tignan natin kung pipiyok ang mga Cayetano tungkol diyan sa isyu ng Vista Land IPO. Alam nang lahat na sabit ang ama nila sa hawig na eskandalong nagpatalsik kay Erap tungkol sa pagmanipula ng stock market.

    Ang hindi alam ng marami, si Pia Cayetano ay corporate lawyer ng Belle Corp./BW Resources/PhilWeb na kinotongan ng tatay niya ng Milyun-milyon. Alam niya ang mga nakatagong kalansay sa baul ni Dante Tan.

    Hmmmm. Smells fishy!

  63. Ang hindi alam ng marami, si Pia Cayetano ay corporate lawyer ng Belle Corp./BW Resources/PhilWeb na kinotongan ng tatay niya ng Milyun-milyon.

    Is that so? Kaya pala si tatay niya had insider privileges.

    When Dante Tan was about to put up Belle Corp/BW resources for public offering, he told me about it but “idiot” me didn’t take up the bait. My immediate reaction was, “insider trading, etc.”, but my friends did and they made a killing.

  64. Phil Cruz Phil Cruz

    It’s good that this Vista Land-PSE deal was exposed. The focus should not only be Villar but the Philippine Stock Exchange, as well. Too many stories already about this PSE’s questionable deals.

    We could end up like a local version of those devastating US financial scams.

    Enrile said Villar practically threatened the PSE Board with Senate investigations. They caved in. Why?

  65. norpil norpil

    in a non banana republic, businessman and politician is an impossible combination. in pinas most politicians are businessmen, most businessmen are close relatives of politicians, and all businessmen have politicians as padrinos.

  66. chi chi

    SEC probing Villar’s stock sale. Paktaylo na si Villar, last nail on his coffin…

    I’m thinking, hindi kaya sekretong usapan na Noynoy at Erap ito. Sure, Erap knows that even if he catches up with Villar’s number he can’t overtake Noynoy’s, unless the take two presidency is for him, milagro yan.

    Whatever, korek yan ginawa ni Erap na pagbubulgar sa VL-PSE deal. Huh, aware or unaware ay nakaganti sya kay Villar sa kababuyang ginawa sa impeachment at pagnanakaw ng kanyang orange.

  67. Mike Mike

    Anna, I once saw Rene Cayetano with William Gatchalian having lunch at the Shang Palace in Makati Shangrila. That was during the impeachment trial of Erap. I was wondering what they were talking about tehn. They looked so serious. 🙂

  68. Mike Mike

    Chi, if I remember correctly, Erap was always no. 3 in the survey during the 1998 presidential elections. But he won in that election by a wide margin. FYI 😛

  69. perl perl

    Noynoy: Ampatuan presscon may have backfired
    http://www.gmanews.tv/story/189192/noynoy-ampatuan-presscon-may-have-backfired
    “Kahapon kausap ko ang mga pamilya ng victims ng Maguindanao massacre. It was heartwarming to note that none of them believed, and that all of them saw the really amateurish attempt at trying to derail our campaign. So kumbaga lalong tumaas ang resolve nila na tulungan ang ating kampanya (I talked to the victims Thursday. It was heartwarming to note none of them believed Ampatuan’s claims and that all of them saw through the amateurish attempt at trying to derail our campaign. They affirmed their resolve to help me in my campaign),” he said in an interview with reporters here.

  70. sychitpin sychitpin

    MPrivera: adel tamano’s joining the very corrupt villaroyo’s camp proved beyond any reasonable doubt that adel tamano is also a very corrupt and immoral politican, who could be bought adel tamano is in the same league as alan cayetano, gilbert remulla, mike defensor, garci, joc joc bolante,ronnie puno,angie reyes, FG, pineda, etc…. they were all the big shames and enemies of the Phil.

  71. Phil Cruz Phil Cruz

    Yes, I think Erap’s strategy at this point is to just overtake Villar. Then go for Noynoy’s frontrunner position. But I think he knows that overtaking Noynoy at this late stage is quite a miracle with the wide gap to cover.

    But since most of Villar’s and Erap’s supporters are in the Class D and E category, Erap can easily get them to shift to his camp after destroying Villar. That would get him to close the gap between him and Noynoy quickly. Plus the Undecideds of Class D,E could also now go for Erap.

    How will Erap destroy Noynoy? The Hda. Lusita issue? The autistic and psychiatric issue? The competence and experience issue? I don’t think those will fly as has already been proven by the failures of the Villar camp’s strategists.

    But even if Erap just manages to get second position in this race, that would already be a vindication for him against what Villar did to him during his impeachment in Congress.

  72. Phil Cruz Phil Cruz

    Vice presidential candidate Loren Legarda, yesterday said “The Liberal Party needs to explain alliance of Noy and Mar with the Ampatuans.”

    Loren, I think you are the only one left still using that line. Even your own partymates have abandoned that line already. It didn’t fly. Ask your own Adel Tamano.

  73. perl perl

    Phil Cruz – April 24, 2010 1:58 pm
    Vice presidential candidate Loren Legarda, yesterday said “The Liberal Party needs to explain alliance of Noy and Mar with the Ampatuans.”

    Nahawa na kay Gloria si Loren. Tsk,tsk… wawa naman!

  74. chi chi

    “But even if Erap just manages to get second position in this race, that would already be a vindication for him against what Villar did to him during his impeachment in Congress”

    I agree.

  75. chi chi

    #82 Phil Cruz

    Naiwan ule sa pansitan si Loren sinta. Hindi makalipad ang political butterfly, nabali na ang dalawang pakpak!

  76. rose rose

    Ay! ay! kalisud Loren Sinta..ang alibangbang ga lupadlupad sa tunga dalan nabari ang pakpak..ang pobreng alibangbang kar- on nagakamangkamang …o cielo azul sa di-in ka na ba la? buligi tabangi at patsi-i ang pakpak ko…

  77. Silver Silver

    Wala na akong tiwala dyan kay Gilbert Remulla kaya malabong iboto ko yan this coming elections. Masyadong ambisyoso.

  78. Is that so? Kaya pala si tatay niya had insider privileges.” – AnnaDeBrux

    From Wikipedia:

    From 1996 to 1999 she was an officer for the legal and corporate affairs of the Belle Corporation and its affiliates including the gaming conglomerate BW Resources. In 2000, she was a general counsel of the Philweb Corporation.

    Check the dates. She was employed by Dante Tan at exactly the time the Belle/BW/Philweb stock scandal was afoot.

    What does that tell us?

  79. Sorry, incomplete. Comment #88 was from Wikipedia entry “Pia Cayetano”.

    ***************

    Re: Anna’s insider trading, was anyone ever sanctioned in PSE for insider trading? Not that I know of. Not even from the old separate Manila and Makati Stock exchanges. Erap’s participation was not secret, that sent the stock price zooming as everyone was in on it. Just like watching boxing in Pasay Sports Complex, kung saan nakapusta si Cuneta, yun ang mananalo, yun ang pinupustahan ng tao.

Leave a Reply