Skip to content

Danny Lim

Danny Lim for Alabel mayor
Danny Lim for Alabel mayor
Pumunta kami ng aking kapwa reporter na si Dana Batnag ng Jiji Press, isang Japanese news agency , sa Alabel, Sarangani noong isang Linggo dahil gumagawa kami ng report tungkol sa sa kandidatura ni Manny Pacquiao.

Pumunta kami sa palengke. Panay Pacquaio,a ng kanyang kalaban na si Rep. Roy Chiongbian at ng kanilang mga kapartido ang mga posters. Bigla kaming may nakita na malaking poster sa harap ng isang bahay na nagsasabing “Danny Lim for mayor. Ang litrato isang may kapayatan na mama.

Natawa kami dahil iba ang mukha ng Danny Lim na kilala naming na tumatakbo para senador sa tiket ng Liberal Party. Nang lumapit kami, katabi ng “Danny Lim for mayor”, mayroong sticker ng “Danny Lim for senator”.

Inikuwento sa amin ng mga kamag-anak ni Danny Lim for mayor na number one kagawad daw siya ng siyam na taon. Independent daw siya ngunit ang kanyang dinadalang congressman ay si Pacquiao na ang partido ay People’s Champ Movement at luminya sa Nacionalista Party ni Manny Villar sa nasyunal na antas.

Sabi ng kamaganak ni Kagawad Danny Lim na sina Rosa at Alberta, na tumatanaw daw sila ng utang na loob kay Pacquaio dahil tinulungan daw ng boksingero ang kanilang tiya na nangangailangan ng P200,000 para sa kidney transplant.

Tuwang-tuwa sila na may kapangalan ang kanilang kamag-anak na tumatakbong senador. Sana nga daw pumunta si Brig. Gen. Danny Lim doon sa kanila.

Danny Lim, one for senator, another for mayor
Danny Lim, one for senator, another for mayor

Mukhang malabo yun. Nakakulong si Lim sa Camp Crame dahil sa kanyang panindigan laban kay Gloria Arroyo. Mula Pebrero 2006 nakakulong si Lim, noong una sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal dahil sa suspetsang nagtangka silang magwithdraw ng suporta kay Gloria Arroyo pagkatapos lumabas ang “Hello Garci” tapes kung saan narinig si Arroyo na kinakausap si Comelec Commissioner Virgilio Garcillano para sa pandaraya na kanilang ginagawa sa Autonomous Region for Muslim Mindanao.

Noong Nobyembre 2007, nang mabulgar ang P14.8 bilyon na ma-anomalyang NBN/ZTE na kontrata, nanindigan ulit si Lim kasama ng mga Magdalo. Nag walkout sila sa hearing sa Makati RTC at pumunta sa Manila Peninsula at doon ulit nanawagan sa mga taumbayan lumabas at manindigan din laban kay Arroyo.Nanaig pa rin ang kaduwagan ng maraming Pilipino kaya nakakulong ngayon si Lim, mga Magdalo at iba pang mga opisyal.

Ngayon nababasa at naririnig na posibleng pagsabotahe ni Arroyo at ng kanyang mga tauhan ng eleksyun sa Mayo para siya manatili sa kapangyarihan lampas ng Hunyo 2010. Hindi mangyari yun kung walang suporta ang military.

Kung mangyari yun, nanawagan si Gen. Lim kay AFP Chief Delfin Bangit na dapat ipakita niya na ang military ay sa panig ng sambayanang Pilipino.

Published in2010 electionsMilitary

7 Comments

  1. Eto ang hindi ko pa rin naiintindihan. Marami sa mga Noynoyista on the bandwagon to support the son of the Queen to inherit the throne are the same who say “NO to political dynasties”.

  2. rose rose

    the military cannot be trusted…kalaro ni putot sa golf ang mga generals..hawak ni putot ang kanilang balls…and boy! o boy! she sure have them all in her hands…ang kakakanta pa siya ng “I have the Phil. in my hands..I have the generals golf balls in my hand!” in response the generals will sing…”dahil sa iyo handang handa kami mamatay at papatay”…madilim ang bukas natin..

  3. rose rose

    “old soldiers never die, they just fade away”? how true this is sa ating military..they sure faded away and under the falda of putot..kahit na seguro mabaho it still smells sweet success for them…malungkot tunay! akala ko matatapng sila..takot pala kay small but terrible gloria..wala bang ten stout hearted men who will fight for the right they adore?” or are they stout men who will fight for the money they adore! ang isang gloria ay isang earth quake, tsunami and volcanic eruption rolled in two one..

  4. Danny Lim, for senator, must be given the mandate. Sa kanya lamang natin naaaninagan ang tunay na pagbabago.

    It’s a welcome news that the military will free James Layug and 9 others on Monday. Sana hindi joke ito at hindi ibabalik sa kulungan for another flimsy case.

  5. rose rose

    corr: ..volcanic eruption rolled in to one…

  6. Eto ang hindi ko pa rin naiintindihan. Marami sa mga Noynoyista on the bandwagon to support the son of the Queen to inherit the throne are the same who say “NO to political dynasties”.
    —————————————
    …better the son of the Queen than the son of a bitch, (a very lucky one).

Comments are closed.