Nang umuwi ako sa amin sa Antique noong Pebrero, napapunta ako sa mga liblib na baryo dahil sinamahan ko ang isang kaibigan na gumagawa ng research tungkol sa komedya. Ang hirap kumuha ng signal ng cellphone sa mga lugar na yun doon.
Napag-usapan naming ng mga taga-doon paano na lang ang mangyari sa eleksyun kung walang signal. Paano ma-transmit ang boto kung walang signal.
Sabin ng mga titser doon, dahil ang mga presinto ay pagsama-samahin, doon ilalagay ang clustered precincts sa lugar na may signal.
Sa mga pinuntahan ko, malalayo ang mga baryo. Para makakarating sa lugar kung saan ilalagay ang clustered precincts, ang mga botante ay magbibiyahe ng mga dalawa o apat na oras. Ang sasakyan ay yung motorsiklo na tinatawag nilang “Skylab”. Apat na pasahero kasama pa ang mga karga sa isang motorsiklo .
Baka kailangan pa yan sila matulog sa lugar kung saan ang clustered precincts para makaboto sa umaga at makauwi sa kanilang malayong lugar sa hapon.
Kaya nakikita ko, kung sino ang kandidato na magdala sa kanila sa lugar clustered precincts, mag-asikaso sa kanilang pagkain at tulugan, at magbigay ng kaunting gastusin, yun ang makakuha ng kanilang boto.
Sa mga baryo,hindi masyadong mainit ang labanan sa nasyunal na posisyun katulad ng presidente at bise-presidente. Mainit doon ang labanan sa mayor, sa gubernador, congressman at iba pang lokal na posisyun.
Sa kanila kasi, pare-pareho lang naman ang kanilang buhay kahit sino ang presidente. Kung sino ang dalhin ng kanilang mayor na presidente at bise-presidente, yun ang kanilang bobotohin.
Kaya mahalaga na malakas sa baba ang organisasyun ng isang tumatakbo na presidente. Sa siyam na kandidato para presidente, ang may pinakamarami na mga mayor,gubernador ar congressman sa kanyang partido ay si Gilbert Teodoro ng Lakas-Kampi.
Kaya hindi nakapag-tataka na kinakailangan ni Tedoro na mag-resign bilang chairman ng Lakas-Kampi-CMD nang magsimula ang kampanya ng mga lokal na kandidato noong Marso 26 kasi kailangan na niya magbigay ng panggastos sa kampanya sa mga local na lider. Kung hindi, merong ibang kandidato na lumiligaw sa kanila.
Kung medyo tinitipid si Teodoro noon, umepekto yata ang kanyang pagresign. Lumabas na yata ang pera.
May mga nabingwit si Nacionalista Party Manuel Villar sa mga Lakas na mga lider sa probinsya. Ngunit dahil akala ng mga lokal na opisyal ay marami siyang pera, baka may magtatampo at sa ibang kandidato pumunta kung hindi mabigyan ng kanilang gusto.
Nagwawala ang mga maka-Noynoy kapag sinabi na delikado ang bata nila dahil sa mahina ang organisasyun ng Liberal Party sa ibaba. Ang dapat nila asikasuhin ay masigurado na ang numero ng SWS at Pulse Asia ay mailipat sa balota pagdating ng araw ng eleksyun.
Hi Ellen,
I got a link in facebook about Noynoy Aquino’s medical and psychiatric history . It is not in the news yet but it’s all over facebook just now. Not sure if the medical record is authentic.
anyway, I am predicting a strong rival between Villar and GIBO at the end. GIBO has gained a lot of support from the youth recently and they are growing. masaya naman sila. On Villar, he has to compete and not worry of Noynoy if this medical history will be published. This will be the end of Noynoy’s career if it’s true.
The public has to know about Noynoy’s true mental health. It is the right of every filipino.
Thanks
Asiandelight,
I visited the blog site you indicated above. It’s a clear case of attempting to deceive its readers and insulting their intelligence.
The site is not worth a second visit.
But we can now see where and how they’re going to hit the Presidential front runner in the next couple of days.
Arroyos never left me – Gibo.
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100408-262989/Arroyos-never-left-me-says-Teodoro
Okey, sinabi mo, eh.
Naniniwala naman kami. Wala naman kaming magagawa kung ganyan ang nakikita mo. Susuportahan ka na lamang namin
Sa paniniwala mo lang. Hindi sa pagboto sa iyo sa a diyes ng Mayo.
Pasensiya ka na. Sobrang talino mo kaya dismayado kami sa iyo.
Wala ka bang pakiramdam?
Elaborate fabrication.
A professional [doctor, lawyer, prostitute (hahaha)]uses his/her own letterhead when in the practice of his/her profession, not the letterhead of the university. That is only used for official university communications i.e. communicating to a fellow teacher, to a student, or parent of a student.
The signatory is a priest. He did not sign as priest/pyschiatrist i.e. Juan de la Cruz, SJ, MD.
So Noynoy was depressed fourteen years ago. Assuming it were true, that is no longer the case; because he has a new girlfriend.
Famous people who had mental challenges:
1. Abe Lincoln and suicidal depressions
2. Winston Churchill and depressions self-medicated with
alcohol
3. Isaac Newton and his several nervous breakdowns
http://www.mentalhealthministries.net/links_resources/other_resources/famouspeople.pdf
This is what the election campaigns are all about, whether Pinoy or US elections – discerning the truth from the fib. Or as famously stated by a US justice (sorry sir, I forgot your name), winnowing the chaff from the grain. So Tagalog, ihiwalay ang bigas sa darak.
Look at the title. “Psychiatric Evaluation Form”
A form is a preprinted paper, like Form I-130 US immigration form to petition a relative, or Form 1040, IRS income tax form. No report is entitled “form”
Husayan mo ang Ingles mo nitwit. Ang sama ng form mo man.
Father Caluag states that the interviewer is a psychologist. A psychologist is not a psychiatrist. A psychiatrist is one who is both a psych graduate and a physician (MD). He/she can prescribe medicines. A psychologist is not qualified to make “psychiatric” reports.
To whom is the report addressed to? Villar?
We also have “forms” in the Philippines. I believe the grade school and high school report card is called Form 137. The registration form in UP is called Form 5.
Aaah the memories flood back at the mention of Form 5. The long queues fighting for class cards to get into Winnie Monsod’s Eco 102 class. The pre-med students, alas kuwatro pa lang pumipila na, to get into class cards of a popular chem teacher. I believe they were avoiding a certain Professor Sutaria, whom they called sutaric acid.
Mukhang gawa ito ng mga Khembot Boys ni Villar. Ganyan ang style nila kasi wala na silang makitang isyu pa kay Noynoy.
Gaya ng “Topak” nitong si Cayetano … sino kayang may “TUPAK” e di sila. Kung ano na lang ang ini-imbentong paninira dito kay Noynoy. Wala na ba silang makitang iba?
Ganyan talaga ang kalayaan sa internet. Kahit sino, pwedeng maglagay ng kung anu-anong kalokohan at kasinungalingan.
Sa U.S. hanggang ngayon, marami pang mga blog at websites na nagsasabing si Obama ay hindi US citizen kaya’t hindi pwedeng maging presidente. May naghain pa nga ng demanda na nagkwe-kwestion sa kanyang citizenship. Binasura naman ng korte. Akalain nyo?
Kaya naman ngayon, ang panawagan ko naman ay “Readers Beware!”
Desperados na mga kalaban ni Noynoy. Baka sa susunod, criminal record naman ang palalabasin. Todo banat na, kasi mahirap na makabawi si Villar, patapos na pero pababa pa rin siya.
Hahaha!!! Nakakasakit ng tiyan ang psychiatric evaluation daw ni Noynoy. Yung doctor yata ang dapat inibalweyt!
Ang ganyang klaseng black propaganda na sa mismong atake sa katinuan ng isang kandidato na walang basehang matibay ay walang lugar dito sa blog ni Ellen. Kung iyan lang link ni Asiandelight ang paniniwalaan ay patunay na wala ng pag-asa ang mga pinoy at ang mahal na bansang Pinas.
Naniniwala ako na malusog ang isipan ni Noynoy, kung hindi ay bakit siya personal na tinutulungan ni Chiz Escudero?
Iba ang kaso ni Villarroyo dahil mismong siya ang umakit sa mga kritiko na busisiin ang kaso ng kanyang kapatid na namatay para patunayan ang kanyang sobrang-hirap daw na pinagdaanan. Fabrication din yan pero siya mismo ang may kagagawan. Itong medical history ni Noynoy na nasa internet ngayon Noynoy ay sira-ulo na lang ang maniniwala.
In fairness, kung iyan ang basehan ay bakit matino at may sense naman kung magsalita at mag-speech ang kapatid ni Kris?
“Readers Beware”, pati blog ni Ellen ay naging conduit na ng black props. OK lang sana kung totoo kaso gawa lang ng mga aso.
Iyan sigurong link na yan ang sinasabi ni Villarroyo na isasabog niya kung hindi titigil ang kampo ng LP sa pag-atake sa kanya. Kung iyan ang bomba ni Villarroyo, I’d say he’s gone desperate and mad.
Tedanz:
Ang nakapagtataka nga lang e meron tayo ritong mga kasamahan na ubod pa naman ng talino na naniniwala sa mga ganoong bulok na style o nabubulagan lang at pinapatulan pa ang mga ganun? Remember yung ‘autism’ kuno? Nang di umubra, eto naman. Sabi nga ni Atty Sax sa taas, puro palpak naman ang pagkagawa. Magtatahi na rin lang ng kwento, di pa maayos ang pagkabanat. O sadyang mahirap talagang magtagpi-tagpi ng kasinungalingan? Sabi nga sa kasabihan, ” the devil is in the details.” bwahahahahahaha. . . . . .
Naku, hindi papasa kay Atty Sax ang “form” na yan, heheheh! De porma pala ang doctor’s evaluation, wala bang tape?
Fr. Tito Caluag emphatically denied that he wrote the psychiatric report on Noynoy. The NP Camp will surely deny that they were the source of such report… but, that would be too late. ABS-CBN News already cited the Nacionalista Party as the source of the document.
May kasabihan nga- ang basurang itinapon mo, babalik din sa ‘yo.
Pareng Henry,
Pagpasensiyahan mo na lang yong mga may tililing sa utak na mga Khembot boys …. number 1 kasi ang bata mo sa survey.
Gusto kasi nitong mga mapaglinlang na mga NP ay sila ang mangingibabaw pero dahil sa akala nila maloloko at mabibili nila ang simpatiya ng tao …. Dito sila nagkakamali. Gising na ang mga Pinoy at sila ay nagmamatyag lamang sa mga nangyayari. Alam ng mga nakakarami kung sino talaga ang totoo …
Gibo says Gloria never left him. Ok, ok…if he insists.
DON’T CRY TOO MUCH, MY GILBERTO
(as sang by Gloria to Gibo to the tune of “Don’t Cry for Me Argentina”)
(Gloria:)
It won’t be easy, you’ll think it strange
When I try to explain how I feel
that I still need your trust after all that I’ve done
You won’t believe me
All you will see is a bitch you once knew
Although she’s dressed up to the nines
At sixes and sevens with you
I had to let it happen, I had to dump you
Couldn’t wait all my life for your ratings to go up
Looking out of the window, pondering my fate
So I chose Manny
Running around, pretending it’s still you
But nothing impressed the people at all
I never expected it so
Chorus:
Don’t cry too much my Gilberto
The truth is I had to dump you
All through my wild ways
My mad existence
I broke my promise
Don’t keep your distance
And as for power, and as for wealth
I indeed lusted for these
For it indeed in my world they were all I desired
They’re not illusions
They’re the solutions they promised to be
The answer was Manny all the time
But I did love you (heh heh) and hope you loved me (heh heh)
Don’t cry too much my Gilberto
(chorus)
Have I said too much?
There’s nothing more I can think of to say to you.
But all you have to do is look at me to know
That every word is umm..aaa…true.
Mukhang guerilla warfare na. Hit and run, gun down and hide in the mountains.
The link no longer works. Deleted na daw ang blog.
Sinubukan lang pala kung kakagatin. Baka resbakan sila ng demanda ni Noynoy, nabahag ang buntot ng mga aso.
Okay. Here is another link. This guy, though, is not anti-Noynoy.
http://pinoygossipboy.ph/noynoy-aquino-controversial-medicalpschological-records/
I saved the “Psychiatric Evaluation Form”, pampulutan sa susunod na huntahan namin ng aking mga sarcastic drinking buddies.
Aside: All is fair in love, war and POLITICS!
atty sax,
If that were true, di ba confidential and records na ganyan. Pwedeng kasuhan ni Noynoy ang Ateneo for making his records public?
Hindi naman mukhang psycho case ang photo ni Noynoy, kalbo nga lang 🙂 .
okay pala tong thread na to, Labanan ng TOPAK na makinarya, hehehe..
Sax, you’re the best! thanks!
Hango ito sa blog ni Professional Heckler, recently featured here by Ellen.
Ang source daw ng psych report ni Noynoy ay yung speech writer ni Manny Pangilinan. Plagiarized daw yon sa tunay na psych report ni George Bush. Ang tunay na ginawa daw ni Father Caluag ay exorcism, noong grade school si Noynoy, dahil umiikot ang ulo niya parang Linda Blair.
Mukhang naglalabanan ng medical report. Una, yung pagkamatay ng kapatid ni Money, ngayon, psych report ni Noynoy.
Kailan naman ilalabas yung report ng urologist ni Erap? Na kaya siya magaling sa babae ay dahil sa siya ay mahaba
ang pasensya.
Hahaha!!!
chi:
Sorry for the late reply, re #20.
The law is clear here in the US, regarding patient’s rights. Ang problema, sino ang nag-violate? Not Ateneo, because they deny it. So kung totoo yan, it was filched from Ateneo. Kung ganoon, there can be a civil suit for the invasion of privacy of Noynoy.
Sabi sa blog ni Reynz, yung report daw actually tungkol kay Brenda, pinalitan lang ng pangalan, at ang nilagay yung kay Noynoy.
After denying that the NP is the source, now Villar wants Aquino to answer the allegations (in the report) point by point. Is this story going to have a second life? I hope not!!!
Gamit na gamit ng marami ito, but I first heard it from Baby Dalupan (he had a formidable arsenal – Bogs Adornado, Atoy Co, Freddie Hubalde)
The best defense is a good offense.
saxnviolins, ha ha ha…tama ka!
nothing is fair in love, war and politics…kung wala kang pang laban para sa sarili mo batuhin ang kalaban mo..sino kaya ang matapang na lumikha ng survey na si Villaroyo ang nanalo sa survey? madali naman ang magsinungaling kung may Money ka, hindi ba? let Money talk.. ang kasabihan nga Money is the root of all evils…let Money buy all the boto..this too could be the solution to the population explosion…salamat na lang 26 tulog na lang at matapos na ang away…mawala na si putot..Alleluia!