Skip to content

Usapang pera

Tinawagan ko kahapon si dating congressman Prospero “Butch” Pichay tungkol sa kumakalat na tsismis na kaya daw walang pera para sa kampanya ang mga senador ng Lakas-Kampi-CMD at walang perang pambigay sa mga lokal na kandidato dahil binulsa raw niya ang pera.

Natawa lang si Pichay, na tumakbong senador noong 2007. “Nag-abono na nga ako ng P20 milyon. Tapos sabihin binulsa ko?”

Sabi ni Pichay ang kanyang assignment sa Lakas-Kampi-CMD ay mga senador. Si Local Governments Secretary Ronaldo Puno ang nag-manage ng kampanya ni presidential candidate Gilbert Teodoro at Vice Presidential candidate Edu Manzano.

Sabi ni Pichay P90 milyon lang daw ang binigay sa kanya para sa anim na kandidato ng Lakas-Kampi-CMD para senador na sina: re-electionists Lito Lapid at Bong Revilla, radio broadcaster Rey Langit, dating cabinet Secretary Silvestre Bello III, Raul Lambino, at Ramon Guico, mayor ng Binalonan at presidente ng Mayor and League of Municipalities President.

Sabi ni Pichay kulang na kulang ang P90 milyon sa anim na kandidato. Hindi pa raw nagsimula ang kampanya para sa mga kandidato sa mga nasyunal na posisyon noong Pebrero 9, halos ubos na ang P90 milyon na yun.

Sa TV ads lang, ang 30 segundo na political advertisement ay P200,000. 30 segundos lang yun. Para medyo may epekto naman ang ads, dapat ipalabas yan sa mga anim na linggo. May package ang mga TV stations na P30 milyon para dyan.

TV ads lang yun. Magastos rin ang campaign materials – mga posters at kamiseta- at ang pag-iikot sa mga probinsiya.

Sabi ni Pichay, mahalaga ang TV ads para maabot mo ang mga botante sa mga baryo. Dapat, sabi niya ang isang tumatakbong senador ay may P200 milyon na panggastos. At halost 85 porsiyento niyan dapat sa TV ads.

Noong 2007, si Pichay ang may pinakamalaking gastos sa political ads. Ngunit hindi pa rin siya nanalo. Nang 2008, linagay siya ni Arroyo na administrator ng Local Waterworks Utilities Administration.

Sabi ni Pichay hindi masyado nahihirapan sina Revilla at Lapid dahil kilala na sila ng mga botante. Ang apat nilang kandidato ang medyo nahihirapan. “Ang hirap humingi ng donations kapag mababa ka sa surveys,” sabi niya.

Sa kaso naman nina Teodoro, sabi ni Pichay mukhang hindi pera ang problema. Dapat ilapit pa niya sa masa ang kampanya sa pamagitan ng kanyang TV ads.

May isa ring nagsabi sa amin na bago magsimula ang kampanya, may P1 billion na si Teodoro. Ayaw niya sabihin kung saan nanggaling yung pera. Nadoble naman daw yun ng kontribusyon ng mga negosyanteng malapit sa administrasyong Arroyo.

Mukha yatang ang strategy ng Lakas-Kampi ay naka-ikot kay Teodoro. Kaya kawawa si Manzano at ang mga senatorial candidates nila.

Ngayon na nagsimula na ang lokal na kampanya, kailangan na sila magbigay sa lokal na mga kandidato. Mahalaga ito dahil ang mga tao sa mga baryo, pare-pareho lang ang tingin nila sa mga kandidato presidente, bise-presidente at senador.

Kaya kung sino ang sasabihin ng mga mayor, yun ang kanilang iboboto. Mas maganda kapag ilalagay ang pangalan sa sample ballot.

Kaya mahalaga na malakas ang organisasyun sa ibaba. Sa apat na kandidato pang presidente na nangunguna sa surveys -Noynoy Aquino, Manny Villar, Joseph Estrada at Gilbert Teodoro- ang meron dapat pinakamalawak na makinarya sa ibaba ay si Teodoro.

Kaya lang kung wala ka namang pambigay panggastos sa mga mayor at gubernador para dalhin ka, hindi ka nila dadalhin. Hindi magsasakripisyo o mag-aabono ng sarili nilang pera ang mga lokal na opisyal para magdikit ng iyong mga poster at magkampanya para sa iyo sa ibaba.

‘Yan ang dahilan sa paglipat ng maraming mga Lakas-Kampi na mga mayor sa Nacionalista party nitong mga nakaraang mga araw. Kaya lang hindi rin makakasiguro si Villar dyan dahil baka bago ang araw ng eleksyun, baka merong magbigay ng mas mataas kaysa ibinigay niya. Lilipat din ang mga yun.

Ang grupong Campaigns and Images na nagbibigay ng assessment at analysis sa mga negosyante at multinational groups, ay may estimate ng campaign funds ng apat na kandidato. Ang pinakamataas ay si Villar (P4 billion). Pangalawa si Teodoro na may P2.89 billion. Pangatlo si Aquino na may P1.85 billion at si Estrada na may P800 milyon.

Hindi mura ang eleksyun dito sa Pilipinas.

Published inAbanteelections2010

32 Comments

  1. Tedanz Tedanz

    Diyan mo lang makikita kung gaano kasiba ng kuwalta ang mga miyembro ng party ni Glorya. Puwedeng kaniya kaniyang bulsa na dahil alam nilang bababa(kung?) na ang Reyna ng mga Kurap. Si Gibo ay naka-pikit matang sumanib sa kanila at ngayon lang nagising pero .uli na.

  2. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Saan nila bawiin ang mga bilyones na gastos? Kung sila’y nakapuesto di kaliwa’t kanan na kurakutan.

  3. vonjovi2 vonjovi2

    Natawa lang si Pichay, na tumakbong senador noong 2007. “Nag-abono na nga ako ng P20 milyon. Tapos sabihin binulsa ko?”

    Wow abono P20 milyon sa kanyang bulsa kaya galing iyun?????/
    Napakarami pala ng pera ni PICHAY. Ang dami na nakurakot at bale wala sa kanya ang pag abono dahil di naman niya pera ang binigay or kung totoong nag abono ba siya. Baka nag tagnim lang siya ng PICHAY eh. Nawawala ang pondo ng Laks-Kampi dahil kahit sila ay nag kukurajutan sa partido nila. Ang mag nanakaw ay di titigil sa pag nanakaw dahil ang partido nila ay mga ganid. Kaya ang mga dobleng karang politiko ay nag tatalunan sa kabilang bakod dahil walang perang nakukuha.

  4. Mike Mike

    Pera? Anong pera? Ubos na, winaldas na ng mga swapang at ganid. Kaya sorry nalang Gibo, et. al. Sumanib kayo sa mga sugapa sa pera kaya, ayun no money, no honey (presidency) ka ngayon. Di ka na sana kumalas sa Uncle Danding mo, baka mas malaki pa ang tsansa mong manalo kaysa umanib sa mga walanghiya.

  5. chi chi

    Nag-abono ng P20 million si Pichay! Wow, ipinanganak ba siya na may subong silver spoon o gaya ni Villar ay nanggaling daw sa hirap at dahil sa ‘sipag at tiyaga’ ay naging mucho dinero?

    Kung ganyan kayaman ang mga pulitikong Pinoy na peanuts lang na pang-abono ang bente mil no wonder kung bakit naghihirap ang mga ordinaryong Pinoy. Nako-korner lahat ng pulitiko ang pera ng bayan.

  6. chi chi

    Si Teodoro ay may P2.89 billion. Hindi talaga kwarta ang problema ni Gibo kundi ang kamandag ni Gloria. Kawawang Edu, napunta lahat kay Gibo ang pera, ayaw siyang pundohan ni Puno. Matalino pa mandin sana ang ex ni Ate Be.

  7. christian christian

    what can one expect from PaLaKa party composed of Judases ? nothing but betrayal among themselves! A party built on corruption is headed towards destruction.

  8. christian christian

    sukdulan na ang corruption sa Pilipinas, kailangan na nang isang tunay at mabuting pagbabago, sa pamamagitan ng isang isang bago at mabuting gobyerno!

  9. mbw mbw

    so..sinung mayaman ngayon? sa nakikita meron naman—yung mga tv/media networks, mga entertainment outfits (may sound and stage crew), mga catering services, mga security services, mga printing houses, mga packing houses (styrofores, plastics). Hindi naman lumalabas sa bansa ang kaperahan, di ba? O naivepa rin ako hahaha 🙂

  10. perl perl

    Natawa lang si Pichay, na tumakbong senador noong 2007. “Nag-abono na nga ako ng P20 milyon. Tapos sabihin binulsa ko?”
    —————————————
    totoo ang tsismis! dahil kung hindi totoo.. ang normal na reaksyon at magalit o mainis… hindi ang tumawa… mga magnanakaw talga, dinadaan na lang sa tawa…

  11. perl perl

    Hindi mura ang eleksyun dito sa Pilipinas.
    Mapapamura ka sa eleksyon dito sa Pilipinas.. tang’na nila!

  12. christian christian

    marami nang bansang bumagsak dahil sa korapsyon ……

  13. Becky Becky

    Pasalitain pa kaya si Baby James in Noynoy rallies?

  14. Becky Becky

    Nilayo kaagad ni Kris sa mike.

  15. christian christian

    some people loves money so much, they became slave of money …..

    some people loves power so much, they became prisoner of power …..

    some people loves temporal things so much, they destroy their reputation eternally …….

  16. dan dan

    Way back in 2007 senatorial election during the flower festival sa Baguio itong si bitch este butch pichay nagpaulan ng bulaklak from a chopper ganun sya kayaman pero d talaga siya kasimbango ng bulaklak sa mga tao at natalo siya kaya siguro di na tumakbo ngayong election kaya nag concentrate na lang sa paghawak ng pondo para sa senatoril ticket ng administrasyon at ngayon lulmulusot na nagkulang pondo at abunado pa raw siya he he ganun ba kamangmang ang mga pilipino para maniwala sa iyo? Hoyy kung totoong abunado ka dapat umalis ka na dyan bakit napunta na ba lahat ng pondo sa 2nd dist. ng Pampanga? Umiinit lalo summer dahil sa inyo e

  17. MPRivera MPRivera

    Usapang pera? Putang ina nilang mga nasa gobyerno ni gloria! Wala na silang iniisip gawin kundi pagapangin sa hirap ang mga naghihirap. Walang katapusan ang pag-aakala nilang tanga ang taong bayang kanilang niloloko at hinuhuthutan!

    Palace wants VAT hiked anew to 15%

    http://tribune.net.ph/

  18. MPRivera MPRivera

    Natawa lang si Pichay, na tumakbong senador noong 2007. “Nag-abono na nga ako ng P20 milyon. Tapos sabihin binulsa ko?”

    Tanga! Walang maniniwalang ibinulsa mo ‘yung kuwarta dahil maliwanag na NILAMON MO! Kitang kita naman sa lapad ng katawan at bundat ng tiyan mo.

    Nag-abono ng P20 milyon? Grabe. Kung magsalita ay parang bente pesos lamang ‘yung iniabono niya kuno.

    Kung ganyan ang kalakaran sa gobyerno ni gloria, bakit pa sila nagtitiyaga?

    Teka, kung palagi na lang silang nag-aabono, bakit living in style sila?

  19. perl perl

    Sabi ni Pichay P90 milyon lang daw ang binigay sa kanya para sa anim na kandidato ng Lakas-Kampi-CMD para senador na sina: re-electionists Lito Lapid at Bong Revilla, radio broadcaster Rey Langit, dating cabinet Secretary Silvestre Bello III, Raul Lambino, at Ramon Guico, mayor ng Binalonan at presidente ng Mayor and League of Municipalities President.
    Mga igan, hindi natin masisisi si Pichay kugn bakit nya binulsa ang pera… tignan nyon naman ang mga kandidato nila pagka senador… wala naman panalo ang mga ito.. talagang pagsasayang lagn ng pera kung gagastusan pa…

    pero syempre, exempted dito si lapid at revilla… alam naman natin ang pinoy… showbiz!

  20. perl perl

    sa laki ba naman naman ng ninakaw ni Gloria at ng kanyang mga alipores… hindi nakakapagtakang kayang magabono ni Pichay ng 20 milyon…

  21. MPRivera MPRivera

    pero syempre, exempted dito si lapid at revilla… alam naman natin ang pinoy… showbiz! – perl.

    Lapid? Revilla?

    Sino ang mga ito?

    Tanga, gago, siraulo at bobo ang muling boboto sa dalawang ito.

  22. Lurker Lurker

    “Name recall” lang ang talagang mamamayagpag sa Mayo. Para kasing entertainment lamang ang eleksyon sa nakakaraming Pinoy. Kung sino ang sikat, sila ang maboboto. Kulang pa talaga tayo ng mapanuring pananaw sa halalan…ay buhay…

  23. rose rose

    seguro ginawa niyang pang bili ng abono (fertilizer) ang 20 milyon para pechay plantation..hindi kaya? pera (money bills) in the phil. is a Monopoly game ..a new version of the game Monopoly pero wala sa version na ito ang Go to Jail or Pay Taxes…pinalitan ng Collect Money; at Go visit the President… ayan ang Monopoly game ni putot!

  24. rose rose

    incidentally..magaling na pala si FiG and they will be leaving for Washington (DC or Seattle na malapit sa Canada) then Spain? bakit pag pa check up ng bank accounts niya of dalawin ang kamaganak niya sa Avila? hindi kaya siya mag drive sa Germany para ma i check ang kanilang accounts doon? at sa Switzerland? hindi siya pupunta?..kailangan nila ipapacheck ang kanilang kayamanan (nakaw or earned as Pang gulo)..sana hindi na sila babalik..mag Exit with No Return..

  25. geraldyana geraldyana

    Sayang ang pera, ang hiling ko lang sa gobyerno ay sanay matulungan ako mapagamot ang aking asawa. sanay mayroon pang isang tao may puso at maka pinoy na makakatulong sa amin.

  26. MPRivera MPRivera

    gerald,

    Please e-mail me at MRivera@almabani.com.sa.

    Wala akong ayudang pinansiyal na maibibigay sa iyo sapagkat isa lamang akong karaniwang manggagawa dito sa Saudi Arabia, subalit nai-refer ko na ang iyong karaingan sa taong alam kong makakatulong sa iyo.

    Hindi ko maaaring banggitin dito kung sino siya. Hihintayin ko ang e-mail mo at doon ko sasabihin kung kanino ka maaaring dumulog.

    Huwag kang mawalan ng pag-asa.

  27. jpax jpax

    Usapang pera daw…sinong maniniwala na walang pera ang PALAKA unless nahahati ang campaign fund nila sa dalawang kandidato. Ano kaya ang masasabi ng MAGDALO na naglilipatan na ang mga tapat na alagad ni GMA sa kanilang kandidato na si Money Villaroyo.

    Another informative column of Lito Banayo…salamat Sir Lito

    http://www.abante.com.ph/issue/apr0710/op_lb.htm

  28. rose rose

    Money talks sabi nga nila..kaya ang money ni Villar is talking..I am just wondering…paano niya mabawi ang pera niya kung matalo siya? at kung manalo naman will he take it from the treasury?…hindi pa ba naubos ni putot?…why is she going to Spain? to receive an award? anong award? sa ginawa niya sa paglunsad ng “environment”?.. oo nga pala nalinis na niya ang pera ng bayan..nilinis na niya ang kaban at itatapon na niya sa ibang lugar..kaluluoy ang banwa naton!

  29. rose rose

    talking of money paano na ngayon yong nacancel na contract re the ballot folder? paano na ngayon yon mga ballots? paano na ngayon ang automated election? mukhang malabo..at stage mukhang magulo…

Comments are closed.