Update, April 5, 2010: I just got this text message from Ed Malaya, DFA spokesman:
“The DFA OUMWA office has initiated an internal investigation on the complaints aired by Cielo Corcuera.
“Initial findings indicate that the documents pertaining to the last salary and death benefits of Arlin Bello we acted upon but inadvertently sent to the Philippine Embassy in Abu Dhabi and not to the Philippine Consulate General in Dubai, UAE, its inrended destination.
“The DFA will undertake corrective measures to ensure that this and similar snafus do not happen again in the future.”
Noong Miyerkoles, may nagpadala sa akin nitong email tungkol sa kalbaryo ng isang nangangalang Cielo Corcuera sa kanyang pag-follow up ng claim ng isang Overseas Filipino Worker.
Si Cielo ay sumulat kay Alex Bello na nasa Saudi Arabia tungkol sa kanilang claim para sa huling sueldo at benefits ni Arlin V. Bello na namatay noong Agosto 2009 sa Dubai, United Emirates. Kapatid ni Alex si Arlin.
Sabi ni Cielo magbabayad lamang daw ang kumpanya na pinagtrabahuan ni Arlin na Al Shola Driving School sa Sharjah, UAE kapag naipresenta ang Authenticated Certificate of Heirship at Authenticated Special Power of Attorney nag bibigay ng permiso kay Consul General Benito Valeriano na magtanggap ng kabayaran.
Sabi ni Cielo pinagtyagaan niya ang mabagal na proseso para lang makumpleto ang papeles na kailangan katulad ng approval ng Executive Judge ng Regional Trial Court at ang authentication ng DFA at UAE Embassy.
Noong Marso 1, dala-dala niya ang kumpletong papeles na ipapadala kay Congen Valerianao,pumunta siya sa opisina nia Undersecretary for Migrant Workers Esteban Conejos .
Sinabihan si Cielo ng secretarya ni Conejos na isumeti sa “Docket”. Sunod naman si Cielo at binigay niya ang papeles sa Docket officer na si Joey Magaso. Sabi ni Joey kay Cielo ibigyan daw ng priority ang mga dokumento.
Sobra dalawang linggo na ang nakalipas, sinabihan ni Alex si Cielo na wala pa rin ang papeles kay Congen Valeriano. Follow up naman si Cielo ulit sa opisina ni Conejos at nagtaka siya na iba-ibang mga numero ang binigay sa kanya para tawagan.Ibinalik na naman kay Magaso.
Punta na naman si Cielo sa Docket. Hindi niya nakita si Magaso kaya nagtanong siya. Hinanap ng empleyada ang papeles niya at nakita naman kaya lang tinuro pa rin siya kay Magaso.
May isang lalaki na ang tawag sa kanya ay “Roxs” na parang hepe ng departamento na nagsabi, “Alam mo kasi, si Joey ay naka leave of absence at nag – iikutan sila dito, baka hindi na kay Joey yan, kay Gina na yata yan”.
Kaya tanong ni Cielo, “Saan ko makikita si Gina?”
Ang sagot sa kanya, “ Wala din si Gina nakabakasyon”.
Nagalit na si Cielo. Sabi niya wala pala si Joey at si Gina, sino ngayon ang mag-aasikaso ng papeles na pina-follow up ko? Ang sagot sa kanya: “Wala nga eh!, bumalik ka na lang sa ibang araw!”.
Sabi ni Cielo: “Alam mo sir, pabalik-balik na ako dito, ang pinapakiusap ko ay amin at kung kani-kanino lang ako tinuturo, sir, pupuntahan ko po si Usec. Seguis para mag patulong sa kanya at ikuwento ang lahat ng pangit na experienced ko sa department na ito.”
Sagot ni Roxs: “E ano kung magsumbong ka kay Seguis?”
Kaya ito sumulat na lang sa media si Alex.
Ano kaya ang kailangan para magserbisyo itong mga taga DFA sa nagsusweldo sa kanila?
First of all, let me greet Ellen and everyone a Happy Easter.
Wala muna ako comment hehe.
Thanks, Tongue. Happy Easter everyone!
Malinaw pa sa ihi ng bagong panganak, lagay ang habol ng mga lecheng yan. Naamoy nilang kwarta ang matatanggap kaya iniipit.
Pwede bang pakisampal mo yan, perl?
Note from Usec Rafael Seguis:
Thanks Ellen. I will personally take this up with Usec Sunny Conejos tomorrow. I am confident he will be able to effectively address this issue. Whoever this “Roxs” is, will be answerable to his immediate superior in OUMWA.
Paeng
Matagal nang matindi ang corruption sa DFA. One can even get a diplomatic passport for a fee. May kilala akong na-deport mula sa US and he was banned for 10 years before he could re-enter. Dahil mayaman at malakas sa DFA, nagawa niyang paraan na makakuha ng diplomatic passport. Ayun, labas pasok sa Amerika na walang sita.
“Whoever this “Roxs” is, will be answerable to his immediate superior in OUMWA.”
Ellen,
Hindi nakapagtataka kung baka magka 50/50 pa iyang si Roxs at superior niya sa QUMWA. Kailangan diyan tutok and bantay.
In any case, I hope things work out for Cielo and family.
Off topic but OFW concern from Zaldy Tolentino:
Happy Easter po. Isa po akong OFW dito sa Brunei at isa ring botante sa darating na halalan dito sa April 10, 2010, pero hanggang sa ngayon marami sa mga kababayan nating mga Pilipino kabilang na po ako ang hindi pa natatanggap ang mga OAV ID’s na makukuha sana sa embahada ng Pilipinas dito sa Brunei, mahigit isang taon na po ang aming paghihintay puro follow-up call lang ang sinasabi ng embahada kung kailan makukuha ang mga nasabing OAV ID’s, at isa pa ang nakaka unsyaming dahilan kung bakit walang mga ID, yun ay sa kadahilanang “wala” raw budget at papel na pang ID ayon sa memorandum ng comelect na naka post pa sa website ng comelect.
Wala po ba talagang budget or nawala ang budget? Anim na araw na lamang ang nalalabi at botohan na dito, paano kung hanapan kami ng OAV ID’s? pwede kayang mangyari na bomoto ng walang ID’s paano yun? eh di may magic? ewan ko lang po.
Totoo mam yang sulat sayo ni Cielo..nakaranas din po ako ng ganong klaseng trato mula sa kanila..tapos alam nyo yung compound ng consulate ng pilipinas dito eh ang daming nagkalat na pilipino din na nagka carlift,illegal dito yun pero dami pa din ganon na pilipino..ok lang po sana kaya lang aalukin ka nila sumakay at di ka titigaln,susundan ka pa at kukulitin at pag pumayag ka eh ubod ng mahal singil nila…lahat po silang mga nagka carlift eh alaga o kamag-anak ng mga emleyado ng consulate natin…kaya kahit nga naman di sila mag serbisyo ng maayos at mabilis,tuloy ang sweldo ni la at kumikita pa sila sa mga alaga nilang driber na nagka-carlift nga…
we can really took pity for cielo . The saying that a public office is a public trust is gone.
My problem with manila city hall building official is being sat upon for more than 6 years already. I really cannot imagine a mere building official can stop the correct implementation of the national building code with all kinds of alibis EVEN with the proper legal findings of the city legal office under atty De La Cruz and countersigned by the good Mayor Lim for implementation last Sept 2009. This legal finding is legally correct with a corresponding jurisprudence and is in our favor. It’s now April 2010. No action yet.
Laws are what these underlings want circumvent.They will give you the run about if you’re mang mang ( uneducated ).
Bago ako magalit, Happy Easter muna sa inyong lahat. Gayundin sa mga putangnang taga DFA na ‘yan na parang bolang pinagpapasapasahan ang mga nagpa-follow up ng supporting papers for claim katulad nitong ginagawa kay Cielo.
Diyan sa Pilipinas, saan ba galing ang mga pinapasuweldo sa inyong mga kawani ng gobyerno? Mga kupal kayo! Galing ‘yan sa buwis na binabayad mula pinamiling galing sa aming pinagpawisan dito sa ibayong dagat dahil hindi kami katulad ninyong mga anak ng diyos ng lagim na matitibay ang sikmurang magkapit tuko sa puwesto na ginagamit sa pagwawalanghiya sa kapuwa tao.
‘Yung mga foreign mission offices, sino at saan nanggagaling ang malaking bahagi ng malalaking suweldo ninyo? Di ba’t mula sa mga ibinabayad naming napakamahal na consular service fees? ‘Kakapal ng mukha ninyo!
Kunsabagay ay hindi naman lahat ay ganyang napakakakapal ng mukha. Nadadamay ‘yung ilang matitinong mabibilang ng daliring putol at komang.
Magbago na kayo. Huwag ninyong palaging sikmuraing ipalamon sa mga anak ninyo ang galing sa pinaghirapan ng iba. Isipin ninyong ang mga katulad namin ay hindi nangangailangan ng inyong awa kundi karampatang serbisyo lamang katumbas ng aming binabayaran at dapat ninyong gampanan ng kahit walang kasamang ngiti bilang salamin ng maayos na pagkatao at departamentong inyong kinabibilangan.
Alalahanin ninyong kung walang taong bayang nagbabayad ng buwis ay wala kayong susuwelduhin sa trabahong halos maghapon ninyong tinutulugan.
basta gobyerno ganyan, mga hangal! Mga taong ang tingin sa sarili ay hari! Mga tamad! Mga mapang-uri! Walang maaasahan na magandng serbisyo!
I myself experienced such. 2nd time ko nag volunteer via PICPA sa tax campaign sa saudi (prior sa exemption ng OFW sa income tax). Yung pinaka head ng BIR dun suplado na mataray pa, kaya nilayasan ko, at sinabihan ko yung coordinator namin na wag na wag ng isasama ang name ko sa volunteer basta BIR. Sinabihan ko yung BIR rep na kung umasta ka para kang hari! so far meron akong certificate dun sa unang volunterism. buhay nga naman, nag volunteer na nga lang natarayan pa.
From Joseph Cabanes:
Alam nyo po ms ellen nalulungkot po ako, sa nabasa ko po, kaso wala naman po ako magagawa, kasi nga po kahit ako empleyado ng DFA mag tatlong taon na yung nangyari sa akin sa Muscat-Oman at kung nabasa mo yung email ko sayo inyo last month lang po ata yun, na pinabug-bog po ako ng ni Ambassador Acman Omar sa Oman, mismo sa loob ng Embass.
Apat na tauhan niya na mga Muslim at na corner po ako sa loob ng kitchen at pinag-tutulungan nila ako, at inilapit ko na rin po ito kay Usec Seguis pero wala rin po siya nagawa, kasi political appointee yung Ambassador (Acmad D. Omar)
Ngayon halos tatlong taon na kami nag suffer ng pamilya ko po, at subrang nakikiusap ako kay dating assistant Secretary ng personnel na si Corazon Yap-Bahjin, kaso hindi nila ako pinapakinggan, bagkus kinampihan pa tuloy nila ni Medardo Macaraig dating Executive Director ng Personnel at si Atty. Giovanie Palec, na siyang naka upo sa Board of Foreign Service for administration, kaya kawawa talaga ako kasi wala ako naging kakampi dito sa DFA.
I just got this text message from Ed Malaya, DFA spokesman:
“The DFA OUMWA office has initiated an internal investigation on the complaints aired by Cielo Corcuera.
“Initial findings indicate that the documents pertaining to the last salary and death benefits of Arlin Bello we acted upon but inadvertently sent to the Philippine Embassy in Abu Dhabi and not to the Philippine Consulate General in Dubai, UAE, its inrended destination.
“The DFA will undertake corrective measures to ensure that this and similar snafus do not happen again in the future.”
Simple lang. Bakit pa kasi sumasawsaw ang PI sa hinihingi galing sa gobyernong dayuhan.
They should change the procedure. Ask the UAE gov if the Pinoys can submit the papers to the UAE embassy in Manila, for it to transmit to its government. Then, the check will be sent by UAE to its embassy in Manila, for it to be handed to the Pinoy family.
Higit na tiwala ako sa gobyerno ng UAE kaysa sa atin. Yang OUMWA na yan, red tape lang yan, at concession sa mga kapatid na Muslim, tulad ng Office of Muslim Affairs. Kung tiwala tayo sa mga kapatid na Muslim, ilagay sila sa regular government jobs, hindi mag-create ng sinecure positions.
Naalala ko noong nasa Saudi pa ako … dati kinakaltasan kami ng tax … pero nagpasa ang Saudi Gov. na itigil na ang pagbabawas at ibalik lahat sa mga contract worker yong kanilang contributions. Kahit na yong mga worker na wala na sa KSA. Yong mga workers na nasa kingdom pa ay automatic na ibinigay sa kanila yong lahat ng contributions nila. Siyempre yong mga matatagal na ay malalaki ang mga nakuha.
Yong mga pera naman ng mga dating nag-trabaho sa Kingdom na nasa atin na ay sa Saudi embassy na kukunin yong check nila. Pero balita ko mayroong isang mataas na opisyal ng ating Gobyerno ang pilit na kinaka-usap ang Saudi Government na sana ibigay na lang sa kanila at ang ating Gobyerno na lang daw ang bahalang mag-bigay. Alam nila kasing malaking halaga ito …. pero ang pagkaka-alam ko hindi sila napagbigyan. Pahiya sila … so happy yong mga ex-Saudi workers dahil nakuha nila ng buo ang pinaghirapan nila. Yong opisyal na nabanggit ko ay nasa gobyerno pa na kilalang isang numero unong kurap at ang pagkaka-alam ko huling term na niya ito.
kung ang pilipino na nasa sariling bansa, hindi mabigyan ng mgandang serbisyo… pano pa kaya ang mga pinoy nasa ibang bansa?