Skip to content

Liberal Party presses alarm bells

It’s very much delayed, but it’s better late than never.

The Liberal party has joined expressions of concern on the automated elections, which have been aired by the Concerned Citizens Movement since last year when it questioned the legality of the Comelec-Smartmatic nationwide automation contract.

VERA Files’ Tessa Jamandre reports on the event. Click here (VERA Files):

Aquino’s remarks:

Una sa lahat, maraming maraming salamat po at kami ay pinaunlakan ninyo sa araw na ito.

Kasama ng aking mga ka-partido sa Partido Liberal, tinatawagan ko ang mga nangangasiwa ng Comelec at ang buong sambayanan na siguraduhing malinis at mapayapa ang darating na eleksiyon.

Marami pa ring kakulangan sa paghahanda ng Comelec, ang institusyon ng ating demokrasya na may iisang layunin: ang siguraduhin na maayos ang sistema ng halalan sa ating bansa.

Sinadya bang patagalin ang pagpapahintulot sa pag-review ng source code, ang verification ng mga ultra-violet marks sa mga balota at ang pagsasagawa ng random manual audit?
• Hindi makatarungan ang disenyo ng kasalukuyang balota
• Walang contingency plans sakaling magkaroon ng systems breakdown

Maaasahan ba natin na magiging maayos ang darating na halalan, gayong marami pa ring problema sa kauna-unahang automated elections sa bansa na hindi pa natutugunan?

Nakataya ang kinabukasan ng sambayanan dito, kaya naman bumubuhos ang kusang loob na pagtulong sa ating People’s Campaign. Ang nais ng lahat ay isang patas na laban, ngunit ito rin ba ang ninanais ng Comelec sa gaganaping halalan?

• Hindi pinayagan ang accreditation ng NAMFREL para sa pagsasagawa ng public official count
• Pinag-iinitan ang Partido Liberal sa pamamagitan ng disqualification ng ilan sa aming mga kandidato
• Naghahanap ang COMELEC ng dahilan para hindi igawad sa Partido Liberal ang status bilang Dominant Minority
Party, kahit na ito ay status na iginawad na sa amin noong 2007.

Dagdag pa rito ang ilang alarming developments na binanggit sa Power Point presentation tulad ng:

• Pagtatalaga kay Gen. Delfin Bangit bilang Chief of Staff
• Ang walang humpay na pagbabalasa ng ilang police directors na tila wala na sa interes ng serbisyo
• Hindi namin maunawaan ang biglaang pagbago ng doktrina ng Korte Suprema hinggil sa pagtatalaga ng susunod na Chief Justice
• Ang pahayag ni Deputy Spokesperson Charito Planas at National Security Adviser Norberto Gonzales tungkol sa pagkakaroon ng military junta at transitional revolutionary government

Hindi maaaring balewalain ng sambayanang gutom sa tunay na demokrasya ang mga pangyayaring ito sapagkat hindi nakakatulong ang mga ito sa pagkamit ng maayos at payapang eleksiyon.

I have asked general campaign manager Butch Abad, and other senior campaign officials, to start conferring with key sectors such as the church, election watch dogs, the diplomatic community, the military and police, and other presidential candidates to close ranks so that together, we can help to ensure peaceful, orderly and clean elections.

Panahon na upang bumangon at mangarap muli. Ito ang tinig ng sambayanan sa darating na eleksiyon. Kami sa Partido Liberal ay nangangako ng tunay na pagbabago, kaya’t anumang balakid sa pagsasakatuparan nito ay aming pipigilin.
Kayo ang aming lakas. Ang inyong walang sawang pagtitiwala at pagsusuporta ang nagpapalakas sa amin. Hinding hindi namin pababayaang masayang ang pagkakataong magsilbi sa inyo. Anumang hadlang sa pagkakaroon ng maayos at payapang eleksiyon, at anumang balak na patahimikin ang boses ng taumbayan ay aming lalabanan.

Maraming salamat po.

Published in2010 elections

14 Comments

  1. asiandelight asiandelight

    all words no actions from Noynoy. Honesty is a personal trait but Honesty in public management is a policy. It requires leadership skill to build a strong team. It is a collective effort from all levels of government regardless of their political parties. I am not comfortable of promises because we all know this country is already divided. To implement an honest policy, the country must vote a strong leader who already has a track record of solid performance. This country cannot afford to have someone sit in office as an experiment to prove his worth. It’s a waste of time. The people can speak now clearly and loudly. It is also not right to manipulate some classes of people who base their decisions from a parent or a sister popularity.

    If Noynoy will be come President , Kris will run the country. Iyak nang Iyak na naman sa TV… 🙂

    thanks ellen

  2. Al Al

    Why didn’t they join Harry Roque and the CCM when the latter went to the Supreme Court?

    Even Supreme Court Chief Justice Reynato Puno joined in dumping the CCM suit.

    But as you said Ellen, better late than never.

    Let’s all fight any attempt to bastardize this election as Gloria and the Comelec did in 2004 and to a certain extent 2007 (just look at zubiri. He is the face of cheating in Maguindanao.)

  3. Isagani Isagani

    Hinde ba narapat na pati nang Nationalista party ay mabahala sa mga kakulangan ng COMELEC sa paghahanda sa darating na eleksyon. Papaano na ang milyun-milyong pisong itinaya ni Manny Villar kung failure of election lang ang dating sa Mayo?

    Bulag at bingi ba si Manny Villar, ginuguyud na kalabaw o simpleng engot?

    Kung sakali mang manatili si Gloria sa kapangyarihan tapos ng eleksyon o dahil sa walang eleksyon, hinde na siya ang may kasalanan niyan. Tayo na!

  4. Lurker Lurker

    With the Machiavellian shenanigans of this government, we should all watch out.
    Kailangan tayong maging mapagmasid sa lahat ng nangyayari sa ating paligid.

    Mas mabuti na ang maging praning kaysa magkaroon ng president/prime minister for life!

  5. perl perl

    asiandelight – March 31, 2010 11:08 am
    all words no actions from Noynoy.
    ——————————————-
    ayan na nman tayo… anong action gusto mo? magtawag ngayon ng people power sa edsa? yang press release ni Nonoy, hindi pa ba action yan? hindi pa ba leadership tawag dyan? that words are important… and those words from noynoy are already considered action… at mabuti nga may words… hindi tulad ng ibang kandidato pagka presidente… lahatin ko na… no words no actions! bakit kaya?

    yeah, our country is already divided… dahil maraming pinoy ang naghihilahan…

  6. martina martina

    ‘What are we in power for?’ Iyan siguro ang sinasabi nina Gloriang pandak. Tuloy na tuloy ang kanyang ‘weder’, magpakailanman, walang makakasingit.

  7. perl perl

    I’m Starting With The Man In The Mirror
    I’m Asking Him To Change His Ways
    And No Message Could’ve Been Any Clearer
    If You Wanna Make The World A Better Place
    Take A Look At Yourself And Then Make That Change!
    – MICHAEL JACKSON

  8. perl perl

    martina – March 31, 2010 1:37 pm
    ‘What are we in power for?’ Iyan siguro ang sinasabi nina Gloriang pandak. Tuloy na tuloy ang kanyang ‘weder’, magpakailanman, walang makakasingit.
    ———————————————————–
    matatapos na din ang weder na bagyong si gloria… kahit ano gawin nyan… walang pupuntahan yan kundi kulungan! wag nilang ipilit kalokohan nila… lalo lang silang masasaktan…

  9. perl perl

    Isagani – March 31, 2010 1:16 pm
    Bulag at bingi ba si Manny Villar, ginuguyud na kalabaw o simpleng engot?
    ——————————————————
    Engot si Villarroyo, igan!natakot siya kay rating ni Noynoy at sa C5-project scam kaya sya kumapit kay Gloria… hindi nya alam ung pagkapit nya kay Gloria na may nakakasulasok na amoy ang magpapatalo sa kanya… its too late for him… malamang na sana pagkapanalo niya pagkapresidente… pero nagyon malabo na… engot kasi!

    pero sa larangan ng dayaan… sino makikinabang? syempre si Gibo.. hindi si Villar…

  10. florry florry

    Before, Gloria, Cory and Noynoy were in the same boat. They were part of a group that were responsible in the grabbing of power from a democratically elected president. That is against the constitution, but never mind the law, they considered themselves above the law, and they wanted the power.

    Back then when times were good for both of them and her mom Cory, Noynoy voted against the impeachment of Gloria. He also voted against the airing of the Hello Garci tapes which exposed the cheating machinery of Gloria. For whatever reasons he didn’t make yak yak about it, which only means that he fully supported the cheating of Gloria.

    Now that he is a candidate, he is making noises about the allege plans to cheat or forming of a junta. He fears that he might be cheated, but what stinks and fishy about the whole thing is, it seems that he is willing to admit and close his eyes about cheating or grabbing of power if it is done to others, but not to him. Sarili lang pala niya ang gustong protektahan.

    That’s a version of Noynoy’s self-proclaimed honesty.

  11. christian christian

    an ounce of prevention is better than a pound of cure
    better be prepared when dealing with known cheaters and liars like gma

  12. mario mario

    LP pressing an alarm bell. Noynoy must first look around those surrounding him. Same old faces mostly from the Civil Society.

  13. 3engr3 3engr3

    ako nalilito na talaga. Ang Noynoy at Mar, sabi ng sabi na totoo ang Villaroyo….

    ngayon sinasabi nila na mukhang hindi bababa sa pwesto ang Arroyo….

    kung hindi bababa sa pwesto si Arroyo…saan lulugar si Villar?

    sa laki ng ginastos ni Villar…papayag ba syang hindi bababa sa pwesto si Arroyo?

    so asan ang Villaroyo ngayon?

    may nami-miss ba akong points?
    sana may mag-explain, dahil contradicting ang points ng LP…at nalilito na ako

Comments are closed.