Tamang-tama talaga ang pagka-describe kay Gloria ng isang Malacañang in-house writer nang pumunta siya sa Boao, China noong 2004 para sa pirmahan ng ma-anomalyang kontrata ng NBN/ZTE: “Like a thief in the night”. Magnanakaw na nag-ooperasyun sa gabi.
Ngayon hatinggabi ang operasyun.
Lumalabas ngayon ang maraming “midnight” appointment na ginawa ni Gloria Arroyo. “Midnight appointment” ang tawag sa mga tinatalaga ng isang paalis na na presidente.
Mainit ang usapan ng midnight appointment dahil sa magre-retire si Supreme Court Justice Reynato Puno sa Mayo 17. Nakalagay sa Constitution na dalawang buwan bago mag-eleksyun hindi pwedeng mag-appoint ang president maliban nalang kung ang pagkabakante ng posisyun ay makaka-apekto sa siguridad ng bansa.
Dapat mula Marso 11, 2010, hindi na pwedeng mag-appoint si Arroyo.
Kaya lang sinabi ng tutang Supreme Court ni Gloria Arroyo, pwede raw siya mag-appoint ng papalit kay Puno pagkatapos ng May 17.
Ayan, naglalabasan na ang mga bagong appointment ni Arroyo. Ang pinaka-kontrobersyal ay ang sa negosyante na si Alfonso Yuchengco para ambassador sa Germany. Nalaman lang ito ni Ambassador Delia Albert noong Marso 19. Pinakita sa kanya, ang nominasyun ni Yuchengco ay may petsa na Marso 9.
Suspetsa ng marami, anti-date o minani-obra ang petsa.
Ganun din ang nangyari kay Clarence Paul Oaminal, undersecretary ng Dangerous Drugs Board. Nalaman na lang niya tanggal siya nong Marso 19 din. Pinalitan siya ng kakabayan ni Arroyo na si Rommel Garcia, secretary for administration ng DDB. Marso 5 daw ang petsa ng appointment ni Garcia.
Nagkakagulo daw sa National Museum. Pinalitan ni Larry Henares si Antonio “Tony Boy” Cojuangco bilang chairman na wala man lang daw pasabi-sabi. Nagmiting ang bagong board at pinalitan ang director ng National Museum na si Cora Alvina. Ang pumalit at si Jerry Barns, director ng Malacañang Museum.
Ganun din ang nangyari sa Cultural Center of the Philippines kung saan pinalitan ang mga miyembro ng board na nagprotesta laban sa pamba-bastos ni Arroyo sa National Artist award. Ang mga pumalit ay mga kaibigian ni Cecile Alvarez, executive director ng National Commission for Culture and Arts , na ginawa ni Arroyo na national artist kahit labag sa batas.
Sinabi ni Supreme Court Spokesman Midas Marquez na ang desisyun na pwede mag-appoint si Arroyo ng kapalit ni Puno ay para lang sa Korte Suprema. Hindi yun pwede sa ibang posisyun.
Ayan kasi, inabot ang kamay, buong braso ang gusting kainin.
Masiba talaga. Siyam na taon sila sa kanilang inagaw na kapangyarian. Nagpakasarap. Hindi nagsasawa. Ayaw bumitaw.
Sinabi ni Supreme Court Spokesman Midas Marquez na ang desisyun na pwede mag-appoint si Arroyo ng kapalit ni Puno ay para lang sa Korte Suprema. Hindi yun pwede sa ibang posisyun.
Ang gulo nyo kasi magdesisyon eh… ang linaw at napakasimple ng nakasulat sa batas, pinapagulo nyo! tapos kakambyo kayo… para kayong Poncio Pilato…
Tutal sabi nyo na din na hindi pa final yang desisyun nyo.. hindi pa huli lahat… so pwes, baguhin nyo!
Dis-agree with “Magnanakaw sa Hatinggabi”…should be “Magnanakaw sa umaga’t , gabi”….
Mahirap paniwalaan ngunit nangyayari. Bakit kaya pina-babayaan ng TAONg Bayan ang gina-gawa ng GMA
admin, samantalng, ” palyado” naman ang kanyang mga
karamihang ginawa, at mga gawain. Sampung TAOn na
(10-years ), ang mga kalukuhan, bakit si Juan de la
Cruz ay tulog, at patuloy na ” nagpapanakaw sa hating
gabi “..sana ang 2010, eleksyon ay di muling biktima
ng pagnanakaw “…Huwag matulog ang mga electorate ng
72-hours, para di abutin ng another 10-years ang paghihirap
at harapin ng mabuti kung ano ang nararapat sa Bansa. “There is no place like home”..naka-sisiya kung lahat ng ARRoyo ay matalo sa halalang darating, dahil, maka-hi-hinga ng mabuting hangin pampolitika ang bansa. Sa nakikita ko,
tambalang NoyNoy-Roxas, ang mayroong “credibilty” sa mga
tuma-takbong kandidatos ( may respeto sa bawat isa, team work. Ang iba yata kulang ng team work, pag walang pera or
support. Tulad ni Edu, may reklamo yata. Si Erap naman, maraming sini-sisi, ay di sya naging “careful ” during his
time, PINAGNAKAWAN tuloy ng upuan sa palasyo. Sina Dick-Bayani, okay din, kaya lang yuong ” amoy ” sa Subic ng sya ay mamuno, simisingaw ang “usok” dahil sa sunog, at iba pa. Si Eddie Villanueva, okay sana, ngunit, kulang sa machinery ( promising politician ). Si Jamby naman, iba ang
layunin ( bawasan ang boto ni Villar, di naman halata ). At ang iba, ay just ” Grandstanding ” for their next objectives. May the best candidates win ( who are honest,
di nagnanakaw sa mga hawak na karapatan, kahit baluktot,
Maka-Diyos, maka-Bayan at maka-TAO ).Ang mga hukom, ay
may bahid na pagka-palyado, dahil na din sa palyadong, mga appointments-process. Maraming pag-kambyo ( sa manibila ng admin ), at magulo ang mga disisyon ( katulad ng uli-anin ng si Yuchengco, 87-years old, wala na bang iba ???, at abswelto pa ang ampuatan sa rebelyon, gusto pang palayain yata ???. Palyado ang huma-hawak ng kaso, tinatalo yata ng 80-abugadong bayaran ng mga akusado )..
Correction: Magnanakaw sa loob ng Siyam na Taon, Umaga at Gabi!
Kaibigang Rudolfo,
Isa lang ang naiisip ko kung bakit pinapabayaan ng mga kababayan natin ang mga Krimen na ginagawa ni GMA…Ito ay dahil sa GUTOM at Hirap ng buhay, Ginutom ni GMA ang mga tao para di pag aksayahan ng panahon ang mga krimen niya, Hindi nga naman uunahin ng mga taong magsisigaw sa kalsada, bagkus uunahin nilang malagyan ng pagkain ang mga kumakalam nilang sikmura. Iyan ang tutoo,..
Action-filled ang last two minutes ni Gloria. Kaliwa’t kanan ang pag-aappoint kahit alam niyang mali. Baka naman may niluluto sila and these are some things that can distract and forget the Gloria/Bangit-Versoza “tampuhan.” Parang sadya siyang gumagawa ng mga controversial na bagay na mapagusapan. Some of the appointments are really out of this world if not outright insane especially the cases of two octagenarians who may not be in their best mental health that will surely attract attention criticisms.
Just speculating, or maybe she just want to exhaust, use up and enjoy her appointing powers before she steps (hopefully)down come June 30 2010.
mukhang pinagugulo ni GMA talaga ang mga opisina ha? Knowing Cora Alvina of the national Museum, she won’t just leave just like that. She’s a feisty lady.
Bukod sa last minute appointment(s) sa SC, mabilis na mare-remedyuhan ang ibang huling sandaling appointments ni Gloria – Magastos at maperwisyo nga lang.
Hindi na kagulat-gulat ang mga gawain ni Gloria. Ang makagugulat ay kung gumawa siya ng mabuting bagay dahil labag ito sa buong pagkatao niya.
Narcissist si Gloria at sa pagkakaalam ko walang galmut o hindi nagagamut of sakit na ito.
Iyan ang napala ng mga 14 TUTANG JUSTICES (except for the lone female justice who dissented the majority decision) sa ARROYO COURT. Dahil ba sa ngayon ay walang pakundangan ang pag appoint ni Fake President ay sasabihin nyo RAW na para lang sa arroyo court ang bisa ng desisyon ng 14 tutang justices.
Ikaw Atty. Midas, ang bata mo pa naman e ang dali mong mawalan ng prinsipyo. Hwag ka na lang magsalita dahil naturere na kami sa puro kasinungaliang sinasabi mo.
Iyan ang sinasabi ng karamiham ang maging mapagbantay at vigilant kuno,parang mga zombies ang karamihan dilat ang mata,tulog naman ang isipan.Saan na kaya tayo papunta?sa dagat ng basura,o sa bangin ng lalong kahirapan.
Hindi lang magnanakaw sa hatinggabi ang salaulang gloria na ‘yan kundi PUTA sa hatinggabi.
Puta ka, gloria!
Wala ng natitirang matino sa gobyerno ng salaulang ‘yan.
Ang natitira na lamang ay alanganin pa, si Gen Versoza.
Bukas makalawa, bago mag-eleksiyon ay baka magulat na lamang tayo’t bulagain ng mga headlines: VERSOZA AVAILED OF EARLY RETIREMENT AS PNP CHIEF, ROSALES IS THE NEW DG, PNP.
Walang katapusang penitensiya ng mga Pinoy habang buhay si gloria!
Wala daw kasing papalit kapag pinatalsik. Sabi ng mga tanga.
‘Yan tuloy, damay tayo sa pagdurusa.
Di ba’t kapag naging mahistrado ay dalubhasa na sa batas? Matalas ang pagkilatis sa bawat kilos at susunod na mga kilos ng mga kinauukulang sa kanila ay humihingi ng gabay?
Bakit hindi ito nakita’t nasundan ng mga mahistrado ng Korte Suprema?
Naisahan sila? O, natapalan ang mga mata?
Ano na ngayon ang dapat itawag sa institusyong ‘yan?
Di ba’t matagal na ‘yang Korteng Sobrena?
Naku Ellen, napakahirap ma-undo lahat ng kabuktutan na ginagawa ni GMA. Kawawa naman ang mga susunod na henerasyon!
sa lahat ng magnanakaw ito yata ang di na natutulog.
balewala n kay gloria ang paggawa ng ilegal dahil simula’t simula pa’y ilegal na ang pagkakaluklok sa kanya hanggang sa pang aagaw nya ng poder at lahat na ng klaseng pandaraya ay ginawa na nya kaya umasa tayo na sa darating na eleksyon siguradong may mangyayaring pagyurak sa saligang batas hanggat nandiyan siya’t nakakapit sa pwesto kasama nya ang mga tuta nya sa kongreso at gabinete at magmasid tayo sa ikikilos ng korte suprema na pawang mga appointees nya
Mananakaw 24/7 😛
buti pa ang buwaya kapag busog na kahit papaano tumitigil muna at nagpapahinga, itong si gloria walang kabusugan. sugapa at kapit tuko sa kapangyarihan.
kaya nila nagagawa yan kasi pumapayag ang mga pinoy, ilan lang naman tayong pumapalag. kawawang pinas
Rodolfo d bale na cgurong ma absuwelto sa rebellion mga ampatuan wag lng ma aquit sa multiple murder dapat mabitay mag aamang kriminal na Andal sr.,Andal jr. at Zaldy sana yong susunod na presidente ibalik ang death penalty