Kung sino pa ang nakakulong , yung pa ang sumipot. Ang malaya na nasa kapangyarihan ay hindi sumipot.
Ito ang nangyari sa pirmahan ng Peace Covenant para sa mapayapang eleksyon sa Sipalay, Negros Occidental noong Miyerkoles na inurganisa ng “Project HOPE (Honest, Orderly, Peaceful, Election)” na itinataguyod ng mga lider ng simbahan, Katoliko at Aglipayan at sa komunidad kasama ang Philippine National Police at ang military. Ginawa ito sa Sipalay gymnasium.
Si dating Marine Capt. Gary Alejano, miyembro ng grupong Magdalo, ay tumatakbong mayor (Independent) ng Sipalay laban kay Acting Mayor Oscar Montilla ng United Negros Alliance na naka-alyansa sa National People’s Coalition.
Si Alejano ay nakakulong ngayon sa ISAFP (Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines) sa Camp Aguinaldo habang hinaharap niya ang kaso konektado sa tinatawag na “Oakwood mutiny” noong Hulyo 2003 at Manila Peninsula siege noong Nobyembre 2008. Sa dalawang insidente nayun, nanindigan sila laban sa kurakutan at pambabastos ni Gloria Arroyo ng batas.
Noong isang buwan, pinayagan ng Makati Regional Trial Court ang mga Magdalo kasama sina Sen. Antonio Trillanes III at Brig. Gen. Danny Lim na magpiyansa habang nililitis ang kanilang kaso.
Nagpiyansa naman si Alejano, kasama ang isa pang Magdalo na opisyal na si dating Lt(sg) James Layug na tumatakbo naman bilang kongresista sa pangalawang distrito ng Taguig. Paglabas nila sa Camp Crame, kung saan sila nakakulong mula Nobyembre 2008, kinula sila ng military at dinala sa ISAFP sa Cam Aguinaldo.
Kaya nakakulong pa rin sina Alejano at Layug. Lumipat lang ng kulungan.
Dahil mahalaga ang kasunduan para sa mapayapang eleksyun, pinayagan ng military na dumalo si Alejano. Kaya nagbiyahe siya papuntang Sipalay noong Miyerkoles. Maganda ang okasyun.
Si acting Mayor Montilla ang wala. Nagpasabi siya na meron daw siyang mas mahalagang miting sa Manila. Saka na lang daw siya pipirma.
Pinadala ni Montilla ang kanyang kapatid na tumatakbong vice mayor niya, si Maria Gina Montilla-Lizares na sa UNA rin pero sa Liberal party naman kaalyado.
Mahalaga ang Covenant for Peaceful conduct of the campaign and election dahil ang Sipalay ay isa sa mga “election hotspot” sa listahan ng PNP. Ang listahan ng “hotspots” ay mga lugar na medyo maiinit ang labanan.
Sabi ni Alejano bilang sundalo personal na eksperyensya niya ang karahasan. Silang mga sundalo ay hinasa para labanan ang kaguluhan at mapanatili ang kapayapaan.
“Pangalagaan natin ang ating boto. Magtulungan tayo para walang sinuman na mapipilitan na hindi makaboto. Magtulungan tayo para ang Sipalay ay magiging mapayapa at maunlad,” sabi ni Alejano.
Ang kandidatura ni Alejano sa Sipalay ay isang mapangahas na pagbuwag ng political dynasty na pinapa-iral sa siyudad na mayaman sa mineral resources. Hawak ng pamilyang Montilla ang kapangyarihan sa Sipalay.
Noong panahon ni Marcos ang mayor ay si Rodrigo Chua, kapatid ng kasalukuyang mayor na si Soledad Montilla. Noong 1987, ang unang eleksyun pagkatapos napatalsik si Marcos, tumakbo sa pagka-mayor si Chua at ang kanyang bise ay ang kapatid na si Soledad.
Pinatay si Chua ng mga pinaghinalaang mga miyembro ng New People’s Army. Pumalit si Soledad sa kandidatura ng pinaslang na kapatid at nanalo. Mula noon, ayaw na nilang bitawan ang kapangyarihan.
Nang makatatlong termino na si Soledad, pinatakbo niya ang anak na si Oscar. Nang makatatlong termino na si Oscar, tumakbo ulit si Soledad na lampas na 80 taong gulang noong 2007. Bise niya ang kanyang anak na si Oscar. Nanalo naman sila.
Dahil nagda-dialysis si Soledad, nag-leave siya at si Oscar ang acting mayor. Itong eleksyon, tumatakbong mayor si Oscar at ang kanyang bise naman ay ang kanyang kapatid na si Maria Gina Lizares.
Pagbabago at pag-unlad ang plataporma ni Alejano para sa mga tag-Sipalay. Mayo 10, magde-desisyon ang mga taga Sipalay kung gusto nila ang bagong lider o ang mga Montilla pa rin.
Naknampucha! Ano yan? Another family owned corporation in Pinas? Anong akala nila sa Sipalay, Hacienda Chua?
Something radical must be done to eliminate these people who believe they have a natural right to belive it’s theirs. I bet they’ve enriched themselves several times over.
This method of ruling a fiefdom by turning around the law is not healthy. It encourages abuse, corruption and all political ills. It’s gotta be stopped.
There is an evident need to get rid of these abusados by hook or by crook.
yan ang kalakaran sa pinas. nanjan ang san juan, makati, atbp. pero para sa akin mas gusto na na ang sibilyan ang mamuno kesa galing sa sundalo. obey first before you complain, ito ang nakakatakot sa lahat. ito pa isang lenguahe nila. wait until you become and officer, bago ka mag-payaman. di ba pareho rin ang nakakatakot ang sundalo marunong pumatay kaya nga baril ang hawak nyan sa sibilyan bihira ang marunong kumatay. di ba sabi ng isang opisyal nong kainitan ng kuratong beleleng sila (pma)ang dahilan ng mga kaguluhan sa pilipinas. ipagdasal nyo lang ang kaluluwa ko baka ako na ang isunod.
Hacienda Chua-Montilla
what else is new? but the military is only following the dictum “civilian supremacy over the military”
Dahil mahalaga ang kasunduan para sa mapayapang eleksyun, pinayagan ng military na dumalo si Alejano.
Ellen,
What do you mean by that?
Does that mean, kung magkakagulo sa Taguig, they will allow Layug to go there?
Anyway, I hope Alejano beats the crap out of the fake haciendero Chua-Montilla family.
Bayong,
Between these officers and Gloria, I would support these soldiers, no questions about it. These are the better members of the military. Remember, those who are shitting people around are not these junior officers.
AnnaDeBrux,
yah! support these junior soldiers in politics just like trillanes who spent millions in travel despite being in cell.
just like trillanes who spent millions in travel despite being in cell. — mac.bh
I think that has been thoroughly explained by the senator.
Gloria spent billions gallivanting around with her family who are not part of govt, using those travels to amasss illegal wealth yet nobody seems to be minding it. What gives?
In any case, if the senator’s accountings don’t add up — you can launch a case against him, can you not?