Skip to content

Nakakarma na si Gloria Arroyo

Ang balita kung sino-sino na raw ang kumaka-usap kay Philippine National Police Chief Jesus Versoza na mag-resign para mailagay na ni Gloria Arroyo bilang PNP Chief si NCR Chief Roberto Rosales.

Versoza
Versoza
Kinausap na siya ni Local Governments Secretary Ronaldo Puno. Pati na raw ang anak ni Gloria Arroyo na si Mikey, congressman ng Pampanga (2nd district) ay kuma-usap na rin kay Versoza.

Sana hindi magpa-pressure si Versoza dahil Disyembre 2010 pa siya dapat mag-retire.

Si Rosales ay kasama sa Class ’78 ng Philippine Military Academy na honorary member si Arroyo.

Galit kasi si Arroyo kay Versoza. Hindi dumalo si Arroyo sa graduation ceremonies ng Philippine National Police Academy noong Marso 18 sa Camp Castañeda, Silang Cavite. Sa anibersaryo naman ng Philippine Army noong Lunes,binati niya ang lahat na mga matataas na opisyal maliban kay Versoza.


Ano ba ang problema ni Gloria Arroyo kay Versoza?

Galit siya dahil sinabi ni Versoza na hindi niya susuportahan si Armed Forces Chief Delfin Bangit kung sakaling ipilit niyang panatilihin si Gloria Arroyo sa kanyang inagaw na pwesto sa Malacañang lampas ng Hunyo 30, 2010.

Sabi ni Versoza, ilegal yun dahil ayun sa Constitution, dapat may bago tayong presidente pagdating ng Hunyo 30.

Masama ba ang sinabi ng PNP chief na hindi siya susunod sa illegal na order? Ibig sabihin noon talagang gagawa siya ng ilegal na hakbang para manatili siya kapangyarihan lampas ng Hunyo 30.

Kung sabagay, hindi nakakapagtaka ang mga ilegal na Gawain ni Arroyo. Ang pag-upo lang niya sa pagka-presidente noong Enero 2001 ay ilegal na. Hindi naman bakante ang pagka-presidente, inagaw niya kay Pangulong Joseph Estrada na binoto ng sambayanan. Mula non, kaliwa’t kanan na ang paglabag sa Constitution ang ginawa niya para lang manatili sakanyang ninakaw na pwesto.

Noong 2004 na eleksyun, nandaya siya kasabwat ang Comelec. Ngayon mukhang may niluluto na naman siya para hindi siya maalis sa kapangyarihan. Siyempre ilegal at dapat hawak niya lahat lalo pa ang military at pulis.

Akala niya hawak na niya ang military sa kanyang pagtalaga kay Lt. Gen. Delfin Bangit bilang AFP chief. Kaya siguro siya inis na pumapalag si Versoza.

Nakapagtaka itong si Versoza dahil akala ko, bata siya ni Mike Arroyo. Ngunit mukhang may panindigan at gusto niyang alalahanin siya ng taumbayan na kagalang-galang.

May isinulat ako dati nang balak pa nina Arroyo na isulong ang charter change. Si Lt. Gen. Alexander Yano pa noon ang AFP chief of staff. Kinausap raw sila ng isang taong malapit kay Mike Arroyo at tinanong kung maasahan sila na protektahan ang interes nila kung sakaling magkagulo.

Ang sabi raw ni Yano, hindi raw magbabaril ang mga sundalo sa mga sambayanan na magpu-protesta sa charter change. Sabi rin daw ni Versoza, “Ganun din po ang mga pulis. Hanggang water cannon lang sila.”

Kaya hindi na ipinilit ang charter change na sana ay magiging daan upang manatili si Arroyo sa Malacañang bilang prime minister lampas ng Hunyo 2010. Kaya nag-iisip pa sila ng ibang paraan. Sigurado ilegal.

Nakakatuwa. Mukhang kinakarma na si Arroyo dahil kaya niya pinili si Versoza kaysa kay dating PNP Deputy Director General Geary Barias, na nagpasikat sa Manila Pen na insidente sa mga Magdalo noong Nobiembre 2008, dahil Disyembre 2010 pa ang retirement.

Si Barias kasi Pebrero 26 nag-retire. Isip ni Arroyo at ng mga taong nakapaligid sa kanya, kapag mag-appoint siya ng bagong PNP ilang buwan lang bago siya bumaba, ang loyalty nun sa bagong presidente. Hindi katulad kay Versoza na matagal na ang kanilang pinagsamahan, sigurado siya sa kanyang loyalty sa kanya.

Paano ngayon yan na mukhang loyal sa Constitution at sa sambayanang Pilipino itong si Versoza. Nakakarma na si Arroyo.

Sana manatiling matibay si Versoza para sa katotohanan.

Published inGloria Arroyo and familyGovernancePhilippine National Police

27 Comments

  1. Hahahahah! Buti nga sa kanilang mag-asawang dwendeng daga at baboy damo!

    Imagine, we were banking on the AFP as guardians of the Republic to fight the enemies from within and without, thinking that PNP had become so corrupt that they had become the scourge of the nation, and now we find it’s the other way around.

    That if it comes to the crunch, we would have the police on our side potentially defending us from the titutlar guardians of the Republic. What a reversal of fortunes!

    Hah!

  2. Sana hindi magpa-pressure si Versoza dahil Disyembre 2010 pa siya dapat mag-retire.

    Ellen,

    If we want to be technical about it, nothing stops Gloria from relieving Versoza. She can do it if she really decides to. That is if appointing a replacement doesn’t fall under the appointment ban (before election.)

    However, if she does that she should be prepared to face potential violent consequences, eg., retaliation from restive elements of the police (and why not the restive elements of the AFP too), et pourqoui pas “people power”?

  3. Frankly, would be good to to see what happens when she relieve Versoza…

  4. I think they are trying to weigh the pros and cons of it.

  5. Mike Mike

    They’d probably come up with with some trump up charges against Verzosa to “legally” boot him out as PNP chief. I just hope the good general doesn’t have any skeletons in his closet.

  6. Ah ganoon ba Ellen?

    Aha! There could have been a falling out (between Piggy and PNP chief) if Versoza was “bata” talaga ni Piggy Arroyo and so Versoza dropped the bomb quickly, you know, a pre-emptive tactic to help prevent Gloria from relieving him.

    To tell you the truth, I was very surprised the first time I read of Versoza’s statement. It was a very very unusual pronouncement. My first reaction was the guy was either (1) playing up to the next president or (2) that something went wrong on the “relationship front” with Malacanang. (Baka ipini-pressure na gumawa ng kawalanghiyaan si Versoza and he refused and being an old hat in the militics, the best option was to pre-empt.)

    Anyway, that’s just pure speculation on my part.

  7. perl perl

    Headline on July 1, 2010:
    Mrs Ex-President, you are under arrest! – Versoza

  8. Mike Mike

    How I wish that whoever Gloria will appoint as next CJ of the Supreme Court will be as tough as Verzosa and can’t be pressured by anyone, not even the one who appointed him.

  9. Rudolfo Rudolfo

    Hindi lahat, ay mag-re-resulta sa “perfect plan ” or blue print ng katusuhan-kasamaan..akala nila ( palasyo ), kakampi or kasama nila sa “perfect plan ” of creating a FAILURE of election May 2010,si Kagalang-galang na Heneral HESUS VERsoza.
    Dala niya ang malinis-savior-redeemer na pangalang JESUS. Marahil naka-liktaan, “overlook” nila ang pangalang JESUS na
    siyang mag-papamukha sa kanila ng katusuhan-at-sang-katutak na mali ( Human rights, genocides, greed-corruptions,diktador, walang honor [ sa paktakbo ng kongreso ], eg ). Our Honorable General ( ikaw lang yata ang dapat na tawaging, “honorable” )sa maraming heneral na ” ash kissers ” sa Palasyo ngayon. Ipag-patuloy mo po, ang maka-Diyos, maka-Bayan, at maka-taong- hangarin mo, sa pagligtas ng Pilipinas, kakampi mo kami, hanggang sa dulo ng iyong simulain at mabuting kaisipan. Please keep the principles strong and higher ( the truthful PMA, goals and slogans ),99.9 % na Pilipino, kasangga mo, di ka nag-iisa..” The General can turn a lemon into a lemonade “.

  10. Hmmm, hindi kaya pasabitin si Mrs. Versoza dun sa kaso ng Euro Generals? Wala namang ibang iskandalo ito si Versoza maliban doon.

  11. perl perl

    maghahanap talga sila ng butas na pwedeng i-black mail kay versoza… dyan magaling ang mga diyablo… pakakagatin ka ng masarap na mansanas… kapag kinagat mo… bandang huli, ung mansanas ang gagamitin kasangkapan para hindi ka makaahon sa impyerno…

  12. perl perl

    pero nakakagulat nga talga tong balitang to, Chief PNP ni Gloria hindi susunod sa plano nya…
    magandang senyales to sa mga heneral na napipilitan lang sumunod sa kademonyohang kagustuhan ni gloria…

    Sana nga maging matibay si Versoza dahil malamang maraming aktibong heneral ang lalabas at susunod sa kanya na sundin ang nararapat para sa bayan… kahit ba sunod-sunuran si AFP Chief Bangit kay demonyong Gloria..

  13. florry florry

    Gloria can no longer deny her not so secret wish to stay in power forever. Her actions made it very loud and clear. She thought that she already had the bases all covered. Well, plans however perfectly devised encounter snags when least expected. May kasabihan nga na ang lahat ay may katapat; Si Versoza na kaya ang katapat at kakalos sa salop ni Gloria?

    As to Verzosa, nobody would have thought and believed how he came a long way to be the barrier between Gloria and her ambition. One could only surmise that, it’s how he played his cards and like a good poker player he really played so well and close to his chest.

    The question is how strong is his will and determination to safeguard the constitution? Can he resist temptation, high pressure and heat that will come his way? Is his spine strong enough to let him stand and will not let him bend?

    Considering the evil on the other side, that will not be easy, but if he is a good man, a good police officer and a good Filipino who cares and loves his country more than anything else, then there’s no question about it.

  14. Ito ang kaabang abang:

    Jesus versus A (Arroyo)

  15. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ito yata ang epekto ng lameduck fake president. Hangang Hunyo 2010 na lang siya sa nakaw na kapangyarihan. Hindi lahat ng kanyang mga appointees ay uto-uto at gago.

  16. Macario Sakay Macario Sakay

    Korek ka dyan, Diego. Yan ang epekto ng “lameduck fake president.” That’s why Gloria nurtured the scenario that she would be in power beyond 2010 so as not to be perceived as lameduck because she knows that once it is clear that she would be out of power, she would be abandoned by supporters which is happening now.

    Karma nga!

  17. gusa77 gusa77

    Sana nga loyal to constitution si Jessie boy pero,four studded stars director iyan, testing the water ang scripted behind of the behind the scene ang gustong palabasin ng mga ungas to declare an emergency plan of the last resort, to stay in power,eh bokya naman ang inaasahan ng sambayanan.That would lead to MARTIAL RULE w/c due of no congress and senate to block the power of acting fake president.tuloy ang ligaya ng mga MAGNA,MANDA,AT MANDU ng kurap na gobiyerno.HOPE AND PRAY na tayo.

  18. Sama akong lima sa ‘yo gusa77. Huwag tayong pakasisiguro. Alalahanin ninyo may pamilya din si Versoza, pag nalagay sa alanganin ang kapakanan at kaligtasan ng mga anak niya, baka bumitiw din iyan.

    Baka ipa-“soft touch” muna. Saka papaspasan kung magmatigas.

    Kung ako kay Versoza, i-temporary exile ko muna ang pamilya ko bago ako lumaban.

  19. Another incident of Versoza showing independence.
    Remember when Cory died, the Aquino family refused Malacañang’s offer of a state funeral?

    So dapat ordinary lang. No military honors.

    But AFP Chief Victor Ibrado wanted to give military honors to Cory so he spoke with the family and they agreed.

    Military honors, dapat military lang. Versoza is police. But he also wanted to pay tribute to Cory.

    That scene at the Manila Memorial Park with Ibrado and Versoza performing their last salute to their former commander-in-chief was so moving.

    Arroyo must be fuming mad at that time.

  20. Ellen,

    What about the issue of smuggling euros into Russia? What was his wife doing with loads of cash?

  21. (Just a follow on question to tongue’s comment — forgot all about the “euro generals” issue, ah!)

  22. The Euro generals issue is and will always remain a stain in his record. Especially that his wife was part of that group.

    I guess the trauma of that (he was barely a month to the position when the incident exploded) must be the reason why he is trying to redeem himself.

    This is just a guess. I don’t know. There are still many imponderables about Versoza. We have to closely observe him.

  23. BTW, it was not Mrs. Versoza who was caught with loads of cash. It was Police Director Eliseo de la Paz and his wife although Mrs. Versoza was with them.

  24. it was not Mrs. Versoza who was caught with loads of cash.

    Ah ok, that puts that particular issue to rest then.

  25. hazzelhope hazzelhope

    Balita sa TV dito sa USA California 03/28/2010 TFC/GMA. Sabi ng mga pari diyan sa Pinas na hindi daw kailangan na mag-pinetensiya O pahirapan ang sarili sa pamamagitan nang pag-hampas sa sarili bilang panata. Sabi naman ni health secretary na mag-ingat at baka ma tetano dahil nagpapapako sa krus ang mga pinoy bilang panata at pinetensiya. Sabi ko naman, hindi na kailangan na mag-pinetensiya. Dahil ang siyam (9) na taon na panunungkulan ni GMA ay masahol pa sa pinetensiya. Siyam na taon na wala siyang ginawa kundi pahirapan ang mga mamamayan ng Pilipinas.

  26. dan dan

    Ano naman ang karapatan ng isang mickey arroyo para kausaping mag resign na si pnp chief Versoza dahil ba anak siya ng huwad na presidente to hell with you wala ka sa lugar

Comments are closed.