Skip to content

Tantya ng Malacañang, kaya nila

Ayan, umaatras na kunyari ang Malacañang sa kanilang pinasabog na lagim na posibleng magkaroon ng military takeover kung pumalpak ang eleksyuns a Mayo.

Hindi personal na humarap sa mga reporter si Undersecretary Charito Planas, deputy presidential spokesperson ,katulad nang ginawa niya noong Biyernas nang pinalutang niya ang military takeover. Noong Linggo nagpalabas lang siya ng written statement na nagsabing talagang bababa si Arroyo sa Malacañang sa June 30, 2010. “Malacañang assured the public that the President will definitey step down on June 30,” sabi ni Planas sa statement.

Sinabi pa rin niya na ang pagiikot daw ni Arroyo sa bansa ay “last minute inspection” daw niya yun para masigurado na ang mga proyekto na kanyang inumpisahan ay ginagaw a. Ang hindi daw matatapos ay ipagpatuloy ng kung sino man ang mananbalo sa eleksyun.”


Wala siyang sinabi tungkol sa military takeover na pinagdadaldal niya noong Biyernes.

Kahit na aalis si Arroyo sa Malacañang sa Hunyo 30, ang maniubra niya ay gagawin naman niya sa Kongreso dahil magiging speaker siya ng House of Representatives, na pang-apat sa linya ng succession saka-sakaling bakante ang posisyun ng president.

Kung magkaroon ng failure of election sa mga nasyunal na posisyun, pasok si Arroyo bilang acting president at pwede na niya maisulong ang charter change para makabalik siya sa kapangyarihan bilang prime minister.

Kapag mangyari ito, inaasahan nila ang maraming protesta kaya ipinalutang ang military takeover. Nagawa na ni Planas ang pinagawa sa kanya. Ngayun tinitingnan nina Arroyo ang reaksyun ng taumbayan.

Sa tingin ko, tantiya nila kaya nila. Nangyari na kasi yan sa Maguindanao. Nagdeklara sila ng martial law doon. May mga umalma ngunit sa kabuuan, marami ang walang paki-alam. Testing nila yun.

Tingnan mo ang sinabi ni Presidential Spokesman Gary Olivar tungkol sa mga protesta sa Supreme Court sa desisyun na legal daw gumawa si Arroyo ng midnight appointment sa papalit kay Chief Justice Reynato Puno na magre-retire sa May 17 kahit nakalagay sa Constitution na hindi pwedeng mag-appoint ang president dalawang buwan bago ang eleksyun.
Sabi ni Olivar hindi raw sila nababahala sa mga rally,””Hindi tayo natatakot sa mga pagkilos na ganito, nalulungkot tayo, pero naniniwala tayo na very mature na by now ang ating mga kababayan at they see through this latest political adventurism.”

Sabi pa niya naniniwala silang na hanggang diyan lang yan. Hindi na dadami katulad ng nangyari sa Bangkok.
Di ba ganyan din ang sinabi noon ni Ambassador Ernesto Maceda sa mga rally laban kay Joseph Estrada? Hindi niya akalain na babaligtad si AFP Chief Angelo Reyes.

Kaya hindi sila nakakasiguro.

Published in2010 electionsGloria Arroyo and familyMilitary

17 Comments

  1. very mature na by now ang ating mga kababayan at they see through this latest potential adventurism. — Olivar

    What on earth could he mean by “potential adventurism?”

    Back off for a while muna si Planas and Olivar comes in but seems message has not modified.

  2. Sorry, Anne, I think it’s a typographical error. I was rushing to beat the deadline. I corrected it.

  3. perl perl

    nilagay nila sa position si planas as spokesperson kasi matanda na… iniisip siguro ng mga gunggong sa malacanan pag nagsalita ang lola kahit na kagaguhan eh gagalangin…

  4. Rudolfo Rudolfo

    Naku, mahilig ” mag-advance information yang mga tao sa palasyong huwad “…mind conditioning-machine >>..

    1.Una, kunwari di tatakbo, 2004..pagdakay tumakbo..
    2.Nag-sorry ( hello-Garci )…walang nangyari…
    3.Nag-Cha-Cha,..binubuhay naman, pagnanalo ng kongreso..
    4.Di daw tatabo sa kongreso, pagdakay tumakbo naman..
    5.Sa pag-appoint ng AFP,..ganoon din iniwanan ang PMA’76-’77
    6.Ngayon naman, pumu-pulso sa SC-CJ,..karato-rato mo..tao nya-nila, naman ang inupo ( samantalang, aalis na sya , kono ??? ).
    7.Ngayon naman,itong issue na “failure of election ” electrical failure, at ” military junta ” ???..mahirap talagang pagbigyan ang huwad na kapangyarihan,..lahat hinuhuwad at di malaman ang totoo…kasi HUWAD na nga !..
    sana, itong Mayo 2010 eleksyon ay di na ma MAHUWAD ( ma peki ),kawa-wang-kawa na ang bayan, si Juan de la Cruz..saka pala
    yong mga kaso ng mga makabayang mga sundalo ( Gen. Miranda. Gen. Lim. Sen. Tnoy Trillanes at mga kasamahan, napeki or nahuwad din yata ang mga kaso, kaya di maka-labas sa kulongan…ipag-dasal na lang natin na, sana tumino na sila, sa 10-taong, pagbabalatkayo ( buhay artista sa palasyo), lalo na ngayong araw ng kamahalan, o kwarisma..May God Bless them with rightful minds for a change ( mga reformist sila noon, ngayon, sila ang dapat na ma-reform, katulad nitong planas na ito..sayang lang sila sa mata ng kabataan at katutuhanan, mga sagabal sa mabuting kaunlaran sa mga susunod na henerasyon.

  5. bobong bobong

    Ha ha ha! Ito talagang sina Lola Planas at Lolo Olivar bigla namang babaligtad gayong ang aga aga pa. Subukan nyo pa ang damdamin ng taong bayan.

    Mga kababayan huwag tayong magpapaloko. Mag-ingat tayo dahil mapaglinlang ang pekeng rehimen na ito. Lahat na paraan ay gagawin, makapalusot lang ng mga kalokohan.

    Sa mga sinungaling na alipores, huwag nyo namang sagarin ang pasensya ng mga tao.

  6. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Ellen,

    Dalawang bagay ang napansin ko doon sa statement ni charito planas tungkol sa junta:

    1. Sadyang itinapat yun sa paglabas ng Supreme Court decision para naman may ibang mapag-usapan ang taong bayan at hindi lang ang katarantaduhan ng Korte Suprema. Typical squid tactic ito.

    2. Ano ba yang namumuong laway sa gilid ng bibig ni Planas pag siya’y nagsasalita? Mas kadiridiri pa yun kaysa sinabi niya, nasira tuloy ang hapunan ko.

  7. Ellen, naalala ko nung tanungin si Maceda noong EDSA2. Ang sagot niya ay “No, we will not disperse them. We’ll give them a day or two to pour out their feelings before everybody is sent home.”

    Tapos ng isang araw, si Erap ang na-sent home sa Polk St. Sobrang kampante, pinabayaan nilang bakuran ng mga kalaban sila Reyes, et al.

  8. Na-quote lang naman daw ni Planas si Enrile. Tama, may nabanggit na ngang ganyan si Enrile. Ang tanong ko ay ano ba ang alam ni Enrile?

    Una, alam ba niya na may binabalak ang mga loyal kay Gloria na mag-junta? O pangalawa, alam ni Enrile na may nagbabalak mag-junta PERO HINDI KASAMA ang mga bata ni Gloria?

    Tanong pa uli? Sa ngayon ba, nasaan na nakataya ang loyalty ni Gringo, kay Enrile pa ba o kay Gloria na?

    Panghuli, kung kasama si Gringo na nagpa-plano ng sarili nilang junta at hindi ito para kay Gloria, sasang-ayunan ba ng Magdalo at ibang junior officers na mga aral sa kanya?

    Ito yung kontra-scenario sa pinalipad ni Planas.

  9. Isagani Isagani

    Pare-pareho naman ang kalibre ng mga ngalalaro diyan, kaibahan lang e ang mga edad. Ang totoong salot, ang totoong puno at simula ng kawalang hiyaan diyan ay walang iba kundi si Gloria Macapagal Arroyo na hanggan huling hininga ay kakapit sa kapangyarihan.

    Ano ba ang payo sa pagpuksa ng lagim na pinakakalat ng mga galamay ng isang dambuhala? Hindi ba putolin ang ulo at ang buong katawan ay mamatay?

  10. saxnviolins saxnviolins

    Testing. Am being moderated again.

  11. saxnviolins saxnviolins

    It seems the moderation is in the older threads – Legalizing the illegal.

  12. gusa77 gusa77

    Ang kasabihan pag ang tao ay umidad ng mahigit sisenta ay amoy lupa,masmtindi naman si LOLA ONTSENTA ang amoy parang imbornal na galing sa poso negro ng palasyo kanyang pinagli-lingkuran.Lahat ng lumalabas sa bibig ay pawang kasinungaligan.

  13. Tedanz Tedanz

    Ano ba yang namumuong laway sa gilid ng bibig ni Planas pag siya’y nagsasalita? Mas kadiridiri pa yun kaysa sinabi niya, nasira tuloy ang hapunan ko.” — MB

    Nag-uulol na sa datung na ipinapakain sa kanya ni Glorya … kaya ganun na lang ang tulo ng laway miya.

  14. SnV, sorry, just woke up. Yes, nakursunadahan (I dont know if its Akismet or other control mechanisms in the blog)yung comment mo and was put in moderation.

    It’s posted .

  15. bayong bayong

    “No, we will not disperse them. We’ll give them a day or two to pour out their feelings before everybody is sent home.” sabi ni maceda. iba ngayon hindi pa nakakarating ang mga mag ra-rally sa pupuntahan hinaharang na at dini-disperse kaya walang raly na magtatagumpay. laging dahilan ng afp o pnp may manggugulong makakaliwa o terorista. ang pinoy magaling lang sa sulsol isusubo ang kapwa tapos bibitaw.

Comments are closed.