Gusto ko narin sana maniwala na siguradong magiging maayos ang eleksyon sa Mayo. Ngunit hindi ko maa-aring lokohin ang sarili ko kasi marami pa rin talagang mga isyu na hindi nasasagot at meron pa mga bago ngayon na sumusulpot.
Sinabi niya sa Cebu noong Biyernes na gusto raw niya mangyari na ang isang “free and fair” na eleksyun sa mayo ang kanyang magiging pamana sa taumbayan.
“Free and fair”. Malaya at balansyado para sa lahat. Mabuti lang hindi siya gumamit ng salitang “honest.” Baka tamaan siya ng kidlat.
Ang pinakamalaking kasalanan ni Arroyo sa mamamayang Pilipino ay ang pagsira ng mga institusyon pangdemokratiko katulad ng Commission on Election. Marami pa siyang sinira katulad ng Kongreso, military, Department of Foreign Affairs, burukrasya, korte. Lahat na yata, sinira na niya.
Ang eleksyun ay mahalaga sa demokrasya. Kung kotse ang demokrasya, gasolina ang eleksyun. Tuwing eleksyun lamang nagkakaroon ng boses ang taumbayan, mahirap at mayaman, sa pamamagitan ng balota.
Kahit sa loob ng tatlong taon, kinalimutan ng mga pulitiko ang taumbayan, pagdating ng eleksyun, lalapit ulit sila sa kanila at manunuyo ng boto. Yun lang ang oras na mahalaga sila para sa mga nasa kapangyarihan.
Ngunit noong 2004, binale-wala ni Arroyo ang boses ng taumbayan. Sa tulong ng mga Ampatuan sa Maguindanao ang mga ilang opisyal ng military, kasama niya si Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, pinalitan nila ang resulta ng eleksyun. Ipinilit niya ang sarili sa taumbayan kahit hindi siya ang binotong president.
Kaya ang nangyayari ngayon na nagdududa ang taumbayan na magiging maayos ang eleksyun sa Mayo ay dahil sa kawalang-tiwala sa Comelec.
Paano ka naman magtitiwala kung mismo ang sarili niyang opisyal, si Esmeralda Amora-Ladra, ang in-charge ng printing committee, ay nababahala na baka hindi nila matatapos ang pag-imprinta ng 50 milyon na balota.
Paano na lang kung marami ang hindi makaboto dahil walang balota? Di ba noong huling araw ng voters registration, naubusan ng pormas ang Comelec. Hindi makapagpa-photo copy ang mga namamahala ng voters registration dahil walang pambayad sa pa-Xerox.
Hindi lang yun. Sinabi rin ni Commissioner Rene Sarmiento na umaabot daw sa 700,000 ang double registrants. Kung boboto sila ng dalawang beses o bobotohan ng ibang tao, makaka-apekto yan sa resulta. Malaking bagay ang 700,000 sa mahigpit na laban katulad ng nangyayari ngayon sa pagitan ni Noynoy Aquino at Manny Villar.
Lahat tayo gusto natin na ang eleksyun sa Mayo ay malinis at kapani-paniwala. Ngunit ako mismo duda kung mangyari yun.
Marami atang Juan Tamad ay naging doubting Thomases..mAIAI MO VB aila..kung si putot na pang gulo ay hangang sa ngayon ay hindi nagsisi tayo pa? malungkot…ilang tulog na lang.
That’s the price one pays for being a consistent liar. Even if she tells the truth, no one believes her. The days to come are bleak. I see failure of election. GMA might have already sold her soul to the devil and Uncle Sam. Remember that in every election, Uncle Sam has a big role. Uncle Sam can even go as far as aiding his chosen one to cheat. It’s proven in history.
paano nakapasok ang ..mAIAI MO VB aila.sa itaas? may nakikialam ata dito other than Ellen…
Rose, which one? Baka slip in my editing lang.
that’s it, Ms. Ellen! she never mentioned about having an ‘honest’ election… hindi niya ipinangako kaya we cannot hope in getting one while she’s still round. and even if she promises to have one, maniniwala pa ba tayo sa kanya after all what she has done to our country? tingin ko nga kahit hindi siya iboto ng mga tao sa pampanga, siya pa din ang maging no.1 sa bilangan don hehehehehe kung ang bilangan nga sa presidential ‘naipanalo’ niya, iyon kayang sa congressional pa ang hindi?
Sinabi rin ni Commissioner Rene Sarmiento na umaabot daw sa 700,000 ang double registrants.
1,000 is already enormous but to multiply that by 700 is downright idiotic.
How on earth is this possible?
Ellen: ok lang..ingat ka lang…gloria and her alipores can not be trusted. talking of trust…when asked about allowing foreign media to observe the election she said there is no need to and she is not inviting them. However, they may come..observers lang naman hindi na man may kikialam…ayaw ba niyang makita ang kanyang pagdaya ay alam naman halos ng lahat na gagawin niya para manalo..I hope eveything will be done right sa election lalo na sa Mindanao..
talking of Mindanao bakit lagi silang na sa state of calamty?..kawawang bayan…mayaman pero mahirap..ano ba yon?
Anna,
Palagay ko lang naman, hane. Pre-conditioning ‘yan ng Commolect. Excuse me nila sa luto nang scenario ng failure of election.
Kapag kasi hindi manok ng malakanyang ang nanalo ay siguradong sa dagat ng basurahan pupulutin ang mga katulad ni Sarmiento at kasama nilang lalangoy si Money Villonaryo.
Ellen, marami pa ring duda?
May nagtitiwala at naniniwala pa ba kay gloria?
Free and fair? Marunong palang magpatawa ang bruhang ‘yan, ano? Kailan nagkaroon ng malaya at patas na halalan mula nang mang-agaw siya’t magnakaw ng kapangyarihan?
Hindi naman kaya napasobra ang inom niya ng Cognac at salitang lasing lang ‘yun?
Teka, sa Cebu ba niya binanggit ‘yun? Paniniwalaan nga siya doon. Mga uto utong tanga kasi ang karamihan sa mga Cebuanong bumoto’t naniwala kay gloria.
Pasensiya na mga kaigsuonan kong Cebuano. Huwag kayong masasaktan. Totoo lang naman ang sinabi ko. Kung hindi dahil sa inyong pagpapauto kay gloria, hindi sana kami nadamay sa kamalasang gawa ninyo.
I am hopeful that the elctions would be good. However from what I have learned through fora and presenations, including the Senate and Congressional hearings, I am now more inclined into believing that Failure of Elections would be concluded. Also noted that CJ Puno have asked COMELEC if any laws pertaining to the Omnibus Election Code needs any amendments, particularly of Protests, the answer from Comm Sarmineto is ” Perhaps”. In one insatnce Sen Escudero asked the same, and the reply of Comm. Melo is : The Book is simply too thick to be read.
Possible secnarios : Failure to transmit National Electional results. Local is transmitted, Gloria wins congressional seat in Pampanga. She is elcted by Congress as Speaker of the house. Since Neither President, Vice President, Nor Senate president has been duly recognized, Gloria is declared “leader” yet again…. darn!
Scenario 2 :
Gibo and Villar voters are ordered to vote earliest. When they have done so, last Gibo / Villar voters would make it a point to take their longest time inside the precint to vote, with primary objective of delaying the voting of others. Bang! 6pm strikes. Elections is finished. Note, due to computerization, the machines are pre-programmed to shut down when 6pm strikes. Voila! Manok ni Gloria panalo.
Scenario 3: Outskirt voters and precints unable to transmit. COMELEC had to use last resort, which is to transport the “Flashcard” to sattelite precint. In transit, Flascard is replaced with duplicate, only, it has been pre programmed with…Yes, again, manok ni Gloria…Katching….. sound of slot machine when jackpot has been hit.
Mr. Thomas Barry, National Democratic Institute has said that the Automated Elections in the Philippines lacks transparency. He is an International Observer based in Washington, D.C who also observed elections in Cambodia, Myanmar, Vietnam and Thailand.
Wow. We are back to the Enchanted Kingdom of Gloria.
ps. is it true that Ricky Razon (ICTSI and Arroyo partner) and Aboitiz have been funding Villar’s election campaign? If true, then the shadows of Gloria and Mike can be seen through Villar’s silhoutte.
Don’t ever believe that Villar Campaign Fund all from his own Money, since his Declared Net worth could already be spent by Now..and still a long way to go. There is no Question that are Big Backers behind his Campaign and these people will be paid in kind once elected.
As for the so-called automation, it only involves the counting and transmission of results and that too could easily be manipulated somewhere in between. But also the “cheating” before the polls, the vote buying, the influence peddling, intimidation, overspending, guns and goons, and using of official positions for campaign purposes will render the results of the automation as useless as before, and if it Works, it will just make all the old same Garcis, and Bedols hide behind It.
Paumanhin po uli. Binabawi ko na ang lahat nang masasamang puna ko sa mga ginagawa ng aming mahal na pangulo.
Hindi naman ako nagdududa sa mga sinabi daw ni presidente gloria na hangad niya ang malaya at patas na eleksiyon dahil matagal na siyang naglilingkod ng buong katapatan sa atin. Nasa atin na nga lamang paniniwala kung ito’y ating hindi matanggap sapagkat maliwanag namang umangat na nga ang ating kabuhayan. Patunay dito ang paglakas ng piso kontra dolyar, ang pagtaas ng remittanceng mga OFW’s na siyang sumusuporta sa ating ekonomiya.
Ang mali ay ang diskarte ng ating mga kapitalista sapagkat ayaw nilang bigyan ng umento ang mga lokal na manggagawa upang magkaroon naman ng purchasing power ang kanilang sinusuweldo. Silang mga may ari ng pabrika, korporasyon at mga kumpanya ang sanhi ng hindi natin pag-unlad.
Kaya sa darating na eleksiyon, iboto natin ang tunay na lingkod bayan!
Mabuhay si Lapulapu! Mabuhay si Dagohoy! Mabuhay si Diego Silang!
Pasensiya na po uli. Naparami la’ang ang inom kagabi. Wala pang pulutan. Saka dala na rin po ito ng gutom. Matagal na po kasing walang trabaho.
as an artist, I always gave the government the benefit of a doubt…but when she gave the National Artist Award to Caparas and Alvarez upon her flight to New York then went about as though nothing was wrong EVEN when the major majority of the Philippine art world was fuming…she was really pits in my record. Isang field lang ito pero damang-dama pa rin dapat kasi reflection ang arts ng soul of a country. pati yung soul, ibinaboy niya.
The coming election results would be a combined GARCI/BEDOL in high formed of cheating due of high tech.Any slight error on marking/intentionally or not,would be disaster for a favor candidates.Computers are manmade,that be can alter or make the changes the course with single pressing the appropriate program.That’s why cheating is just a click away for the candidates with a lot bread to give away.The “Palaman” would come later after the proclamation of the cheaters.
masyadong negatibo ang mga tao dito sa ellenville
ako, hindi na nakikinig kay gloria lahat ng sinabi kasinungalingan ang panget pang tumawa parang si bugs bunny.
puro itaas (malakanyang) ang kadalasan na napapansin natin, sa ibaba ganun na rin ang gagagaling gumawa ng pera. katulad sa pasig, meron silang cenro ewan ko kung ano ito, mga makakalikasan daw kuno lalo na sa clean air act. nuong march 10, 2010 nagpa seminar ito bayad ka ng 350 para sa sandwich. 150 para sa emission testing pag bagsak lagay ka ng 1oo pasado na. every two months ang pa testing at bayad ka palagi ng 150 sa emission testing para meron kang sticker na exempted hulihin kahit mausok ang pampasaherong jeep. gandang hanapbuhay.
mac.bh,
Hindi naman negatibo. Nagsasabi lamang kami ng totoo kung ano ang nasa isipan namin. Gayundin ang nakikita, naririnig at nararanasan sa ilalim ng gobyerno ni gloria.
Ikaw ba, kuntento na sa mga kawalanghiyaan niya?
MPRivera,
negatibo nga. lahat na lang ang sinisisi si GMA, gayong meron naman tayong mga representative na dapat ay siyang binubogbog. bakit pag may palpak sa malakanyang agad ang sisi? wala ba tayong government organizational structure? Kung ang mga representative na eto ay talagang representartive ng mga tao hindi makaka porma si GMA sa gusto niya kung kawalanghiyaan man na masasabi yung ginagawa niya. kahit pa humingi ng humnig ng power si gloria kung ayaw ng mga representative di siya mabibigyan. Therefore tayong mga tao ang dapat na sisihin dahil hindi natin bibubogbog ang nga representative natin. SI GMA ang tinatalakan ng tinatalakan samantalang yung mga representative ang nagbibigay saa kanya ng mga power na yan.
Hindi ako kontento, wala namang nakuntento sa mundo, pero hindi ko isinasaalang-alang ang buhay ko kay gloria o sa gobyerno, ang pagunlad ng ating bansa ay nasa sa atin at wala sa presidente.
Paano nga, binili na lahat ni gloria ang mga kotonggresmen. Ano pag representasyon ang inaasahan at sinasabi mo?
Ano’ng pag-unlad ang aasahan mo kung ang lahat ng resources ng bansa ay ibinibenta at ninanakaw ng mga nasa kasalukuyang gobyerno?
Katulad naming mga OFW’s, gustuhin man naming pumirmi sa ating bansa ay walang oportunidad na makita. Hindi lang mahirap magsimula kundi walang aasahang pag-unlad habang ang mga nasa pamahalaan ay nag-aasal sawa at linta.
At kaninong administrasyon ang namamayani hanggang ngayon?
At, mac.bh, ilang taon na bang laging gumaganda ang ekonomiya natin ang sinasabi ni gloria?
Nararamdaman mo ba ang pagganda ng ekonomiyang sinasabi niya?
Maige ka pa kung nakikita, nae-enjoy mo at nangyayari sa iyo ang pag-unlad na ito.
Balatuhan mo naman, este bahaginan mo naman kami, o.
mukhang mayroon niluluto si putot..lutong macau?
.MPR: paano gaganda ang economiya ay lahat ng kuarta ay nasa bulsa na niya..at ginagamit sa sarili niyang pagpaganda..gumaganda ba siya? ilang transplant na ba at retoke ang ginawa niya para sa sarili niya? putot pa rin siya hanggang ngayon (I mean ang rating survey niya..hindi lang ang taas niya) kailangan seguro pumunta siya kay Dr. Belo/at Dr. Koh para bumago ang mukha niya…kung hindi kiskisin na lang niya ng papel na kiniskis natin ng sand paper..baka sakaling kuminis ang buhay niya…
Kaibigang mac.bh,
And’yan ka pa ba? Nauunawaan naman kita sa iyong punto at nais ko ding ipaalam sa iyo na katulad mo ay hindi din ako umasa kahit kailan sa alinmang administrasyon o kanino mang presidente, nang-agaw man, nandaya, nanloko’t nagisnungaling kasabay ng pagnanakaw o ‘yung tunay na hinalal ng tao kaya nga hanggang ngayon ay namamasukan pa rin dito sa ibayong dagat.
Wala namang maaaring asahan sa mga pulitikong ‘yan, eh kundi pangako at magagandang salita kapag panahon ng kampanya sa eleksiyon. Pagkatapos niyon, busy na ‘yang mga yan sa paggawa ng butas para kumupit sa laman ng kaban, este gumawa at magpatupad pala ng batas. Lapitan mo kapag kailangan mo ng tulong at kung saan saan ka ire-refer at ‘yung pinalalapitan sa iyo ay kung ano anong dahilan ang ibibigay sa iyo hanggang magsawa ka sa kahihintay at abutin ng inis.
Gayundin ‘yung mga sekyutib ng malalaking establishments na de calling card pang bitbit. Okey lang na makausap mo sila kapag nasa ibang lupain, mabait, accommodating at madaling kausapin. May pangakong tulong naman kung sakaling kailanganin. Nakakagaan ng kalooban at nakakataba ng pusong kahit pala ordinaryong laborer na katulad ko ay nabibigyang halaga din. May halo pang pambobolang bilib daw sa tiyaga, sipag at kagandahang ugali ng mga kababayang Pinoy (magapapabuhat lamang pala ng overbaggage at nagtitipid sa ibabayad sa porter).
Subalit, sumpa ng labing isang demonyong supot at bakla, wala ka rin palang maaasahan kahit personal mong ilapit ang paghingi ng tulong upang mapasok kahit tagakuskos ng takong ng sapatos.
Paanong aasenso nga ang Pinoy kung ‘yun mismong may mga kakayahang magbigay ng tulong at umayuda sa mga kababayan ay ipnagmamaramot ang pagkakataong makatulong? Hirap kasi sa ibang mayayaman ay hanggang kodak lamang ang kabaitan.
Kaya nga naiinggit ako sa mga nakakasama kong ibang lahi, partikular ireng mga Lebanese na tunay namang priority ang kanilang mga kababayan sa lahat ng bagay. Maluwag para sa kanila ang pagbibigay asenso sa mga kapwa Lebanese.
Mga Pinoy? Naku, ewan! Mabibilang mo sa limang daliring putol ang tatlo’t komang pa ang isa ang handang tumulong nang walang tanong tanong.
Pahabol pa:
Kaibigang mac.bh, alam mo bang kahit ako’y ganireng P-3 na eh pinagtitiwalaan pa rin ng boss kong Lebanese? Awa naman ng Diyos ay nakapagpatapos din sa pag-aaral ng mga anak. Sa pagtitiyaga at pagtitipid at pagpapairal ng kapal ng mukha sa aking amo sa paghingi ng tulong, pangungutang at pagsisilbing halos parang alipin upang huwag mahinto sa pag-aaral ang mga anak?
Awa din naman ng gobyerno natin at mga kapitalista, buong pagmamalaki kong sasabihin sa iyo na hanggang ngayon ay hindi pa rin makakuha ng matinong trabaho ang aking mga anak. Makakuha man, kulang pang pambayad sa boarding house, pamasahe at pagkain nila ang sinusuweldo. Suwerte na kung abutin ng anim na buwan sa trabaho. Laid off agad dahil contractual.
Haaay! Dahil sa napakagandang ekonomiyang higit sisyam na taon nang sinasabi ni gloria, parang gusto ko nang magbigti sa ilalim ng puno ng kabute.
MPRivera,
Ang haba ng sinabi mo pero hindi naman yan ang tanong eh, para ka tuloy nagbubuhat ng sarili mong bangko.
Simple lang ang tanong ko. Bakit sa dinamidami ng representative ng mga pinoy (meron sa bawat distrito) e dun palagi dumederetso sa malakanyang ang sisi, wala bang silbe ang mga representative na yan? Bakit hindi yan kinakalampag ng mga tao na nag rerepresent sa kanila, bakit sila dumederotso sa malakanyang? Yan lang ang tanong, kaya nagkakaletseletse ang pilipinas kasi nga ang mga tao mismo hindi alam yung sistema. ang alam lang nila sisihin ang presidente. Kung hindi rin lang papakinabanagn yang mga lintek na representative na yan wag na tayong mag senador at congressman, at mag mayor at kung ano ano pa, ,alaking tipid yan at siguradong si predidente lang ang pwedeng sisihin. Naintindihan mo na ba ang problema?