As always, “The Professional Heckler” is hilarious.
I consider this young guy the genius wit of this generation.
This horoscope for presidentiables has been going around the world through internet.In the passing frenzy, the author’s by line got deleted. He related that a relative sent this to him with a note, “Basahin mo ‘to ‘insan, nakakatawa!”
He replied, “’Insan, are u insane? Mas patawa ka! Sa aking blog nanggaling ‘yan! Tanga!”
Anyway, rather than be angered and frustrated by the lies and propaganda being spread around by candidates, enjoy with “The Professional Heckler” what he saw in the stars for the presidential candidates.
Noynoy Aquino (February 8, 1960-Aquarius):
Iwasang magtungo sa Quiapo. Baka mapagbintangan kang bumibili ng survey.
Hahabol sa kasikatan ng “Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura” jingle ni Manny Villar ang NOYNOY! jingle kung saan tinangka mong mag-rap katulad ng idolo mong si Vanilla Ice. Ngunit makabubuting panoorin ang ginawa mong pagsayaw sa naturang patalastas. Ginawa na ni Villar ang ganyang gimmick noong 2007. Utang na loob, huwag mo nang ulitin. Mukha kang tanga!
Sanga pala, may nag-text.
“Patahimikin mo na kami. Huwag mo na kaming isali d’yan. Matanda ka na. Alam mo na ang dapat mong gawin. Good luck.” All the best, Daddy Ninoy & Mommy Cory.
JC De Los Reyes (February 14, 1970-Aquarius):
Saludo ang mga bituin sa iyong tapang at determinasyong tumakbo sa pagkapangulo ng ating bansa. Ngunit mas sasaludo sila sa ‘yo kung ikaw ay uurong.
Joseph Estrada (April 19, 1937-Aries):
Hindi ka si Harry Houdini. Hindi ka rin si David Copperfield. At lalong hindi ka si David Blaine. Pero ang tanong ng mga bituin: bakit hanggang ngayon ay nabubuhay ka pa rin sa illusion?
Patuloy na bebenta ang iyong mga jokes sa mga presidential forum. Ikaw ang aani ng pinakamalakas na tawanan at palakpak mula sa crowd. Subalit ipinapayo ng mga bituin na limitahan ang dami ng binibitawan mong jokes. Baka mapagkamalan kang si Dolphy at kunin kang endorser ni Villar.
Richard Gordon (August 5, 1945-Leo):
Bilib ang mga bituin sa talas at husay ng iyong utak lalo na sa mga debate at presidential forum. Ngunit mag-ingat sa napakabilis na pagsasalita. Baka malunok mo ang iyong maigsing dila. Iisa pa lamang ang successful tongue transplant sa mundo.
Limitahan din ang paggamit sa Subic at Olongapo sa mga debate. Given na ‘yon. Sinuwerte ka lang dahil doon ka nahalal na alkalde. Kung ikaw ang naging mayor ng Siayan town sa Zamboanga del Norte na may poverty incidence na 97.46 percent, baka wala ring gaanong nagawa ang matabil mong dila.
Isang unsolicited advice lang po mula sa mga bituin: palitan n’yo na ang iyong TV ad na ang musikang gamit ay “Silent Night.’ Pebrero na ngayon.
Nicanor Perlas (January 10, 1950-Capricorn):
May walong araw pa bago opisyal na magsimula ang campaign period kung saan inaasahang gagastos nang todo-todo ang mga kandidato. Dahil sa mababang rating sa survey, mahihirapan kang kumalap ng campaign contributions.
Habang abala sa paghahanap ng financial support, makakatanggap ka ng ‘good news’ at ‘not so good news’ bago matapos ang linggong ito. Ang good news: susuportahan ka ng pamilya Ayala. Ang ‘not so good news’ – ng pamilya ni Joey Ayala: karaniwang tao.
Pinupuri ng mga bituin ang iyong mga nagawa bilang advocate ng malinis at maayos na kapaligiran at kalikasan. Dahil diyan, mananalo ka! Mananalo ka sa May 10… kung papayagang bumoto ang mga puno.
Gilbert Teodoro (June 14, 1964-Gemini):
Iwasang makunan ng larawan kasama ang isang babaeng may nunal sa kaliwang pisngi. May dalang kamalasan ‘yan. Mas lalong iwasang makunan ng larawan kasama ang isang ginoong napakalaki ng katawan ngunit napakaliit ng boses. Doble ang kamalasang dala niyan.
Mauungusan mo sa susunod na survey sina Noynoy at Villar… kung sa La Salle campus gagawin ang survey.
Posibleng umagaw ng boto sa ‘yo ang isang female presidential candidate na berde rin ang campaign color. Malas mo lang dahil pareho pa kayo ng gupit. Remedyuhan habang maaga.
Manny Villar (December 13, 1949-Sagittarius):
Sa pananalapi: napakasuwerte mo. Ni singko ay wala kang utang. Umuulan ang iyong pera kaya naman bumabaha ang iyong political ads.
Dahil sa ‘yo, muling mag-iinit ang Senado sa linggong ito. Consistent kang tao. May isang salita. Hindi ka sisipot sa pagdinig ng plenaryo. Kaya’t patuloy na magtatanong ang taong-bayan: guilty or not guilty? Dahil sa patuloy na pag-iwas mo sa iyong mga accusers, malamang na iwasan ka na rin ng mga botante. Ang payo ng mga bituin: simulan mo na ang paghahanap ng tindahang nagbebenta ng suwerte. Kakailanganin mo ‘yan ngayong Mayo.
Babala: kung ayaw mong umuwing may black eye, iwasan ang isang babaeng may initials na JM. May maitim siyang balak sa ‘yo. Matagal ka na niyang hina-hunting. Clue sa katauhan ng babae: mukha siyang lalaki.
Jamby Madrigal (April 26, 1958-Taurus):
Kung may mga sanggol na ipinaglihi sa hilaw na mangga, maasim na siniguelas, o hinog na duhat, naniniwala ang mga bituin na ikaw naman ay ipinaglihi sa sama ng loob. Tila malaki ang kinikimkim mong galit sa pulitiko man o sa mga kamag-anak mo. Isa kang ‘bully’ sa iyong past life.
Babala ng mga bituin: Chill. Baka dumating ang araw na maubusan ka ng maaaway at ibaling mo ang iyong galit sa iyong sarili.
Sa pag-ibig, walang gaanong pagbabagong nakikita ang mga bituin. Masyadong maulap ang aspetong romantiko ng iyong buhay.
Sa pulitika, sinabi mo last week na hindi ka naniniwala sa mga surveys. ‘Wag kang mag-alala. Hindi rin sila naniniwala sa ‘yo! Quits lang pare.
Bro. Eddie Villanueva (October 6, 1946-Libra):
Ang katulad mong Born-Again Christian at spiritual leader ay hindi naniniwala sa mga hula.
Ang sabi ng mga bituin: ‘Pwes, hindi rin kami naniniwala sa ‘yo.’
Wala kang horoscope!
hahaha! I LOVE! hahaha!
*bow*
i hope hindi sya magalet if i re-post hahaha!
Bow talaga. He is so witty.
Reynz, just link it. http://professionalheckler.wordpress.com. I’m sure he’ll appreciate it.
His horoscope for vice presidential candidates is equally hilarious. I’ll use it next time.
If one is looking for a good appetizer and a not so sweet desert, definitely this is one. Five out of five!
His critics are those that just don’t have any clue about humor. In other words, yung maagang namamatay sa kunsumisyon, hehe…
PH is definitely tops in what he does; only three years ago, there were just two or three of us commenting in his blog, now it’s literally hundreds.
The best talaga ang Professional Heckler at ang hindi matawa sa kanyang mga kakuwanan ay kuwan.
A text joke going around:
Let’s support Jamby Madrigal for President.
Mas mayaman kay Villar
Mas lalaki kay Noynoy
Mas makinis kay Erap
Mas maputi kay Binay
Mas matapang kay Gordon
Mas pogi kay Gibo
Dagdag:
Mas matapang kay Gloria
Mas mayaman kay Villar
Mas lalaki kay Noynoy
Mas makinis kay Erap
Mas maputi kay Binay
Mas matapang kay Gordon
Mas pogi kay Gibo