Walang mapagsidlan ang Malacañang ng kanilang tuwa sa tagumpay ng operasyon nila laban kay Sen. Panfilo Lacson ng ililabas ng judge kapahon ang warrant of arrest para sa pinakamasugid na kritiko ng pamahalaan.
Nakita nyo ba ang mukha ni Gary Olivar, deputy presidential spokesman ng nagbigay ng reaksyun sa warrant of arrest ni Lacson? Hindi maitago ang tuwa. Kunwari pang hands off. Alam naman natin kung paano pinaandar ang makinarya ng pamahalaan para lamang madiin si Lacson sa pagkamatay ni Bubby Dacer at ng kanyang driver na si Emmanuel Corbito.
Narinig ko sa radio si Ric Diaz, hepe ng National Bureau of Investigation counterterrorism unit, at siya ang namumuno sa team na maghahanap ngayon kay Lacson. Tumatawa siya sa radyo na parang nanunuya.
Sige tumawa ka. Bilog ang mundo. Kapag oras na ang amo mong utak ng maraming krimen sa mamamayang Pilipino ang hahabulin ng batas, ang taumbayan ang magkaroon ng selebrasyon.