Skip to content

Tagtuyot

Galing ako sa aming probinsiya sa Antique at talagang feel na feel na doon ang El Niño.

Ang aking tanim ay naninilaw at namamatay. Kahit ang mga orchids na vanda na gusto niya ay araw, bumibigay. Sabi ng aming caretaker, binibinyagan naman daw niya ngunit “puerte gid ang init, “sabi niya. Kawawa nga ang aking mga staghorn dahil gusto noon malamig at palaging basa.

Nang nandoon ako, umaga at hapon ang aking pagdidilig ngunit parang nakonsyensiya naman ako na ang kumukunti nating tubig at gagamiting ko ang marami sa pandilig ng halaman smantalang sa ibang lugar, tumitigang at bumubuka na ang mga lupa sa kakulangan ng tubig.


Sa sitwasyun ng El Niño , ang tubig ay umiinit sa bandang direksyun ng silangan (east) ng Pacific Ocean. Ang init na yun sa Pacific Ocean ay mararamdaman sa buong mundo.

Palagi natin sinasabi na mabuti pang mawalang ng kuryente, huwag lang tubig. Ang init ay madadali makakaya, ngunit ang walang tubig, ang hirap. Paano ka makapaligo at maglinis ng bahay. At paano na lang kung kukulangin ng pang-inom?

Nababahala ang mga magsasaka sa amin dahil, apektado daw ang init ang dami ng kanilang aanihin.Kinikinita ng Department of Agriculture, na mga P20.46 bilyon na sira sa agrikultura ang mangyayari kapag magpapatuloy pa itong init.

Pebrero pa lang tayo at tinatayaang sa Hunyo pa darating ang ulan. Mga 453,204 na ektarya ng lupa na tinaniman ng palay at 227,843 ektarya ng mga tinaniman ng mais at mga 14,160 rktarya ng pala-isdaaan ang nanganganib maapektuhan ng El Niño.

Kung hihina ang ating produkto ng palay, siguro a-angkat na naman tayo ng bigas na pagkikitaaan na naman ng kung sino ang malakas sa makapangyarihan. Ibang kalaseng El Niño yun.

Ang mga pari ay humihingi na ng tulong sa langit. Sabi nga ng Obispo dapat magpalabas na ang “Oratio Imperata” o isang dasal na sasabihin sa lahat na Simbahang Katoliko sa buong bansa para sa El Niño.

Binabagsak naman i ni Apolinario “Jun” Lozada, dating ambassador at congressman ng isang distrito ng Negros Occidental na ngayon ay tumatakbo bilang senador sa tiket ng Partido ng Masang Pilipino,ang responsibilidad ng paggawa ng solusyon sa epekto ng El Niño sa Malacañang.

Sabi ni Lozada, matagal nang alam ng mga sa kapangyarihan na magkakaroon ng El Niño sa ganitong taon dahil yan ang impormasyun na binigay sa kanila n gating mga scientists. Hindi binigyan ni Gloria Arroyo ng importansya ang pagaaral tungkol sa epekto ng El Niño.

Matagal na si Gloria Arroyo sa Malacañang at dapat noon pa nga poatayo ng maraming irigasyon. “Sanay kasi tayo sa ‘tapal-tapal’ na solusyon sa halip na mag-isip ng kongretong paraan. Na sa harapan na natin ang climate change ngunit ayaw natin tingnan ng deretsahan.”

Sa ngayon, makakatulong tayo sa pagpagaan ng sitwasyun sa pamamgitan ng pagtipid ng gamit ng tubig at magdasal.

Published inAbanteEnvironment

10 Comments

  1. Mike Mike

    Curious lang ako, diba sa Middle East countries ay mayroong mga desalination machines na kung saan, ito’y kumukuha ng tubig mula sa dagat at tinatanggalan ng alat at nalilinis upang ito’y pwedeng gamitin sa pampaligo at inumin? Kung pupwedeng gawin ito sa mga bansang nasa gitnang silangan, bakit di natin subukan ito? Nangsagayun ay makakatulong ito lalo na sa mga magsasaka tuwing tagtuyot.

    http://www.bikudo.com/product_search/details/88129/water_desalination_machine_10000_liters_per_hour.html

  2. chi chi

    Hindi maaasahan ang pekeng pamunuan ni Gloria kahit anumang bagay na may kinalaman sa buhay ng pinoy. Korek si Ellen, ibang El Nino ang alam ng EK, ang tuyuin ang pambansang baul.

    Ako ay bumili ng mga balde para sa tubig. Ang pinampapaligo namin ay siyang pinambubuhos sa toilet bowl at pinandidilig sa halaman.

  3. Valdemar Valdemar

    Mike,
    In the middle east, they can afford anything with their oil. Hirap na nga pang tong-its mga farmers natin.

    But that Lozada’s has wisdom. But not with the others around yet in our time. They never learn from recurring tragedies, almost like clock work, we have inutil fire fighters who cannot approach the fire due to narrow streets. After the fire, roads are forgotten again. After the killer floods, people go under the bridges again. Its good we are going back now to those rain dances.

    A suggestion, since most are not really sincere farmers yet, we better lease out the farms to better foreign farmers, they might have better ideas.

  4. rose rose

    it is hard to believe that ang Antique would experience this “tag init”..a year ago bumaha ng todo todo at maraming mga lupain na sa tabi ng ilog turned into widerivers.ngayon naging desert na? noong bumaha na anod ang mga palay which made rice very scarce..ngayon tag init tuyot naman ang nga palay..kaya rice is a rare comodity..sa Israel na ka gawa sila ng solution and their once upon a time desert are planted with bananas, oranges at iba pa which are also our kind of products..are there no gov’t funds available ad set by the gov’t for calamities like this..ninakaw na ba ang lahat na pera? grabe naman si gloria..putot but terrible..ang laki ng problema ng susunod na administration..Noynoy, thank your lucky stars you are not going to win..let money bill handle the situation..and give him the opportunity to give back what he supposedly stole..bilhin na niya ang lahat na votes…let him spend all his money..ipakita niya ngayon ang galing niya at talino..this is a pay back opportunity for money bill..sana marinig ko sa kanya ang “I will return all that I stole.”

  5. gusa77 gusa77

    Ang lahat ay tag-tuyot,bukid ay tigang,bulsa ni JUAN butas sa taas ng halaga ng mga bilihin,pati dugo ng tao ay natutuyo na rin sa dami ng problema sa buhay,ang di lang natutuyo ay ang kaban ng bayan,bakit kamo pagnanakawin ng taong pamahalaan ay may mananakaw at habang may uutangan at may OFW remittances tuloy parin ang daloy ng dugo ng mga magnanakaw.Bigas ay imported,asukal ganoon na rin,marahil pati pambuhos sa kubeta magiging imported na rin.Baka isama na rin sa padala Balikbayan boxes ang tubig at koryente.Pati ugali ng makabagong kabataan ay imported na rin kaya ugaling pinoy ay tila inabot na ng tagtuyot at ang dila ay 1/2&1/2 taglish.Ang export na lang bansa ay mga taong gustong mabigyang ng magandang buhay ang pamilya at huwag matuyot ang dugo sa problema.Saan kaya patungo ang ating bansa?

  6. MPRivera MPRivera

    Sa inyong lugar lang ba, Rose?

    Bah, sa amin din, ‘ata. Ano, padadaig?

    Mabuhay ang aming butihing gobernadora, The Star for All Season. The greatest actress of her time, Governor Maria Rosa Vilma Santos S. R. M.-Recto!

    Mabuhay din ang pinakadakilang pangulo ng Republica La Tundan de Filipinas, ang kanyang Kamahalan, Presidente Reyna Gloria Macapagal-Arroyo de Pidal Simberguenza y Ladron!

    Batangas, Mindoro lumalala ang epekto ng El Niño

    http://www.abante.com.ph/issue/feb2810/luzon02.htm

    Taragis, oo!

  7. phil phil

    I work in the Middle East. Tama ka, Mike. Ang main source ng tubig dito ay dagat, na converted into potable water by desalination plants. Ang problema, di ito mura. Malaki ang initial investment, tapos mahal din ang maintenance particularly spare parts. Ang mas nakakatakot: kapag may nag-push talaga nitong solution na ito sa gobyerno, patay na naman ang kaban ng bayan. Siguradong kalahati ng project cost tapon sa corruption. Kawawa na naman si Juan dela Cruz.
    Ang long-lasting solution para sa akin – palitan lahat ng nasa gobyerno, partikular sa mga importanteng departments like agriculture. Palitan sila ng mga qualified, matitino at di kurakot, at mga talagang alam at nag-iisip ng mga cost-effective solutions sa ating mga problema. Pero paano?

  8. freetingkerga freetingkerga

    since time in memoriam..problema na pinas bagyo with baha and tagtuyo..it goes with the season..rainy ang dry…bakit pag me baha di natin (gobyerno) i conserve and tubig para magamit sa tag-init? pwede seguro ayusin ang lahat na river ways tapos lahat na tubig baha mapunta sa designated low laying areas as catch basin (or dams)..these dams should bwe tapped to the irrigation infrastuctures..ang hirap nito angal naman ang mga mamamayan na nadaanan ng waterways o mapaglagyan ng dam ang lugar nila.ala chico dam…kitam..ilang buwan lang ang nakaraang ondow/baha..tapos heto…tagtuyo…planning is the key…

  9. MPR: Republica La Tundan de Filipinas Bwahahaha! Banana Republic talaga.

    Paano yung Republica La Catan de Filipinas?

  10. MPRivera MPRivera

    Tongue,

    ‘Yang La Catan ay monarchial title ni gloria bilang reyna ng Republica La Tundan de Filipinas.

    Reina de La Catan Gloria Macapagal-Arroyo y Garapata Labacara.

Comments are closed.