Skip to content

Comedia at Skylab

ANTIQUE – Ang titulo nitong kolum ko ay hindi komedya na na nakakatawanan kungdi tungkol sa isang klaseng palabas na dinala ng mga kastila dito sa Pilipinas.

Dahil ang comedia ay galing Espanya, ang kwento ay tungkol sa laban ng Kristiyano at ng mga Muslim. Ang mga “cast of characters” ay mga hari at reyna, mga prinsipe at prinsesa at mga sundalo.

Maganda pakinggan ang sagutan at ang eskrimahan. Inaabot ng sobra 10 oras.

Iyan ang aking pinagkaka-abalahan nitong mga nakaraang araw. Kaya medyo missing in action ako sa national politics.

Sinamahan ko si Cecile Locsin-Nava, isang batikang cultural historian, na nagre-research tungkol sa comedia.

Sa mga naunang research kasi ni Cecile, lumabas na ang maraming lugar dito sa Antique na nagpapalabas ng comedia noong unang panahon.

At dito sa Antique, lumabas sa mga unang pagsa-saliksik ni Cecile na maraming lugar sa Laua-an ang nagpapalabas noon ng comedia. Ang baryo ng Guisijan kung saan ako lumaki at hanggang ngayon ay palagi ko binabalikan ay nasa baryo ng Laua-an.

Nang tumawag sa akin si Cecile para magtanong kung may naa-alaala ako tungkol sa comedia, ikinuwento ko na yun ang pinapanood naming noong maliit kami sa aming baryo.

Nagboluntaryo ako na sasamahan ko siya sa mga sumasali sa comedia noon.

Napapunta tuloy ako sa mga baryo ng Laua-an na hindi ko narating sa maraming taon na tumira ako Guisijan.

Mabuti lang at may kaibigan akong miyembro ng Sangguniang Bayan na si Georgelin Vista, nasusundan naming ang mga kuwento ng mga lumalabas sa at nagtuturo ng comedia noong araw. Kaya nakarating kami sa barangay Ginbangga-an at Bario Maria.

Pero hindi na ako sumama ng sinabi ng ibang nai-ninterview ni Cecile na ang isang lugar na merong isang nagtuturo ng comedian na nakatarira sa barangay Santiago dahil nasa taas ng bundok yun at ang sasakyan daw ay “Skylab”.

Ang “Skylab” ay motorsiklo. Dalawang pasahero ang umaangkas. Minsan daw pweeng tatlo. Pwede rin magdala ng bigas at iba pang pinamili. Ilalagay sa magkabilang parte ng motorsiklo.

Tinanong ko kung bakit “Skylab” ang tawag. Kasi daw mataas na lugar, malapit na sa langit, ang naaabot.

Oo nga naman, ano. Akala ng Amerikano sila lang ang may space ship at nakakalapit sa langit, iba ang Pinoy,

Natutuwa ako sa research ni Cecile na di-diskubre ulit ang ganda ng kultura ng mga Antiqueno. Programa ito noon ni Evelio Javier, ang gubernador ng Antique na naging martir para sa demokrasya ng Pilipinas. Pinatay si Javier habang nagbabantay ng canvassing ng resulta ng snap eleksyun noong Pebrero 1986.

Mabuti lang at pinagpapatuloy ng gubernador ngayon na si Sally Z. Perez ang ganung programa tungkol sa pag diskubre ulit ng magandang kultura ng Antique.

Published inAbanteArts and Culture

12 Comments

  1. rose rose

    Growing up in Antique..comedia was our entertainment..dala ang bangko na uupuan we would watch the show..hanggang matapos..10 hours pala..until recently I thought the comedia was between good vs. evil like the Kabuki or the Noh of Japan..I now realize that Spain did not Christianized the Phil. per se..or spread the good news or as we call it evangelization..hinding hindi pala..they colonized..ginawang “alipin”..kaya pala ang nagisnan ko kung hindi mo ang utos sigue kukunin ka ng Moro..lagi ang panakot ay kukunin ka ng Moro..

  2. rose rose

    con’t: ang current events ko ay history na kasi ang newspaper ay dumarating ng gabi na…at ang pagbasa ng paglakbay ng mga Moro sa Mecca simply amazed me and deep in my heart I asked..”as a Catholic saan ang Mecca ko?” and a couple of decades later God gave me the opportunity to reach my Mecca..He certainly knows and gives what we long for deep in our heart..nasundan ko ang mga lugar na nababasa ko sa Scriptures..Old and New Testament..from Moses to Paul..and na erase ang takot ko sa mga Muslim..
    Ellen: is Cecile writing a book on this? Sana..she opened my mind to many things I took for granted..pag umuwi na ako sa Antique at kung may comedia manunuod ako..may theatre na ba or bring your own bangko sa plaza or sa idalum kang niyugan..sabi nga niya sa Barbaza or Lauan ang seat ng comedia…ang akala ko kasi San Jose lang or sa Hamtik..sana magkaroon tayo ng theatre for this so many will be able to experience..sa Japan ang mga nanunuod ng Kabuki may dalang baon at kumakain habang na nunuod..pag fiesta lang ba ito pinapalabas? or pag malapit na ang cuaresma? I forgot..sana magkaroon ng theatre at on going ang palabas..we have so many things to be proud of and to show off as an Antiqueno…ang theme song ni Evelio ay “Impossible dream” it has been 24 years since he died..sana we can make his impossible dream a reality now..it is about time…

  3. rose rose

    hindi ba natin magaya ang palabas sa Germany every 5 years na ang lahat ng mga tao sa town would participate in the Passion play..sa Oberammergau..sana manalo sa Lotto..

  4. Valdemar Valdemar

    Rose,

    We do live still our comedia, in our Muslim ways everyday. From the small imp to the wayward pilya (filha-daughter), when caught, you’d hear one exclaim at or warn the culprit Hala ka! derived from the name of Allah who will punish or judge us. Or leave one’s fate with the expression ala e!

  5. rose rose

    Val: isn’t that sad? just as we are told not to take the name of God in vain..we should respect the name of Allah as well.. but we just don’t realize this. Sa peace making group namin sa NYC (St. Francis NYC) we study the culture of the Muslims..kasi by knowing who they are and what they are we feel that we could live together peacefully..In the life of St. Francis he wanted to convert the Muslims but when he met the Sultan they had a dialogue and both respected each other..thus sa Jerasulem and in Egypt as well the Franciscan order was given the charge of the catholic church..understanding and respecting each other that is all it takes and it is not hard to do..dito sa building where I live and around our area maraming Muslims..pero walang gulo..for me personally a good morning and a hi each day to whoever I meet is a good start..ang sabi nga sa akin ng mga kasama ko..am I a politician? far far away! I know almost all the dog owners kasi that is how I start with a conversation beyond the greetings..Hindi ako ganyan noon..pero I learned..takot na takot ako noon sa mga Moro..pero I now realize that with respect we can live together..lalo na sa atin, hindi ba?

  6. MPRivera MPRivera

    Ellen,

    Tama lang. Unwind. Sa sobrang mga problema natin lalo itong komedya de simangot sa pulitika ay kailangan lamang na paminsan minsan ay lumayo at humanap ng maaliwalas na kapaligiran. Maige nga at lagi mo itong natatagpuan sa iyong bayang pinagmulan bagama’t umuusad na rin ang sa parteng ‘yan ang pagbabago ng teknolohiya.

    Tumawa ka paminsan minsan. Ngumiti ka.

  7. rose rose

    MPR: it is very refreshing to go home to Antique..I don’t know if technology has really gone that far sa amin..many barrios sa amin six to six pa ang electricity..ang gigising sa iyo sa umaga ay ang tukturook ng manok..na kahit ang aga aga nila mang gising welcome pa rin sa pandinig..ang ulam mo sa umaga ay fresh fish..steamed “dulong” tabios sa amin wrapped in banana leaves..o kung tag manga ibus with manga..kung gulay na man ang gusto mo lumabas ka sa rice field na kahit hindi sa iyo at sa kapit bahay mo ok lang.. at mamitas ng kangkong o kaya lupo lupo and with mongo and ginamos ang sarap sarap..makakalimutan mo ang problema..wala kang telepone bills to pay; wala kang mortgage na iisipin kung paano babayaran..at kung sa panahon ngayon, dito sa amin walang kang snow to shovel.. you don’t worry and you simply keep happy..is there a better way to live even for just a week or two? I wonder..

  8. MPRivera MPRivera

    Rose,

    We spent the same kind of childhood. Wala kaming sariling lupa, nakikisaka lamang ang aking tatay at ang nanay ko naman ay namamakyaw ng mga prutas at gulay na itinitinda sa Divisoria. Kahit saan ay makakapamitas ka ng sariwang gulay na ligaw na maaaring ulamin, sa mga hangganan ng bawat lupain ng kapitbahay na ang turo ng daliri ay pabaluktot sapagkat halos hindi mo na matanaw ang bahay dahil tatawid ka ng kaparangan, gulod at ilat bago marating.

    Espesyal na sa amin noon ang sardinas na hahaluan ng papayang ligaw, talbos ng sili o malunggay o kaya ay dahon ng ampalaya. Sariwa ang hangin, malinis ang tubig na iniigib sa mga poso artesianong papasanin pa sa balikat o kaya ay isasakay sa kabayo sapagkat ang iigiban ay ilang kilometro ang layo. Karaniwang sakit ay sipon at lagnat na nagagamot sa Cortal o Medicol, banyos ng sukang Iloko, inihaw na kalamansing piniga sa langis ng niyog at ilang lagok ng Sunta Orange o pinakuluang Seven-Up.

    Malawak ang mga palaruan namin sa panahon ng tag-araw, mga bukid na pinag-anihan ng palay o mais na karaniwang ginagawa naming baseball fields.

    Sa panahon ng pagtatanim ay bayanihan ang magkakamag-anak, magkakakilala’t magkakaibigan. Ang mga hayop na alaga ay maaaring iwan sa kaparangan, walang magnanakaw, walang kawatan. Ang mga kabataan ay nagkakayayaang mamasyal sa ilalim ng liwanag ng kabilugang buwan, walang pangamba, walang agam agam.

    Sarap talaga noong panahong yaon.

  9. chi chi

    Ligaw na papaya, pinakuluang Seven-Up..O, kaya pala walang kompliskasyon ang simpleng lagnat/sipon noong araw. 🙂
    ___

    Tatlo ba ang gulong ng Skylab, Ellen? Kasi, dito sa bundok namin ay may mga malalaking motorsiklo na tatlo o apat ang gulong, ang tawag ay ATV, (All Terrain Vehicle). Bukod sa functions na nabanggit mo ay ipinangkakarera ng mga locals sa bundok.

  10. rose rose

    ok ang skylab pero nakakatakot..hindi ba puedeng magkaroon ng sky lift just like what they do pag nag skiing? or a sky lift would be more expensive?

  11. rose rose

    MPR: special nga ang sardinas. Naalaala ko ang lesson ko tungkol sa sardinas..once isinama ako ng tatay ko sa isang lugar in the middle of a rice field..nag anak siya sa binyag..we had to go through sa rice paddies sa kainitan..pagdating namin sa bahay ng compadre niya they served sardinas and sotanghon..gutom na gutom ako but I don’t eat sardinas..kahit na del Monte..malangsa! umiyak ako and my father took me for a walk and explained to me that I had to be thankful becase they gave me the best that they have for food..why the best? kasi pinibili nila ang sardinas kaya special..I learned a lesson on to be thankful for every little blessing..kumakain na ako ngayon ng sardinas lalo na at Lent ngayon..ang inahanap ko the other day ay yong Portuguese sardines na pinalalaman natin sa pan de sal..pinuntahan ko ang mga Pilipino stores dito sa JC..wala akong makita..I missed that sardinas..

  12. Sa Iligan, meron din niyan. Naaalala ko yung project namin sa National Steel noon, may mga motorsiklo na may inuupuang mahabang kahoy yung drayber kaya naka-extend sa likod nung motor hanggang limang tao ang angkas. Pag madalang ang dating ay may nakatayo pa sa step nut ng motor magkabila. Kaya walo lahat ang sakay!

Comments are closed.