Skip to content

Karapatan ng artista kumita sa pulitika

Update: Comelec backtracks on celebrity endorsers

Aba, magkasundo ngayon si Noynoy Aquino, kandidato para presidente ng Liberal Party at si Manny Villar, kandidato ng Nacionalista Party sa isang isyu: hindi maaaring pagbawalan na magpatuloy sa kanilang trabaho bilang entertainers ang mga artista na nage-endorso sa kanilang kandidatura.

Sinabi nila sa magka-ibang statement na kung kinakailangan, pupunta sila sa Supreme Court para ipaglaban ang karapatan ng mga artisitang tumutulong sa kanila. Sabi ni Villar,”Artista ka man o hindi, karapatan ng isang Pilipino ang magpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa pulitika at hindi siya dapat parusahan.”

Ngayon na opisyal na na campaign period, ipinaala-ala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ng Commission on Election na nakasaad sa Fair Election Act na kailangan daw mag-bakasyon muna sa kanyang trabaho ang sino mang artista or reporter na magkakandidato o magta-trabaho para sa kampanya ng isang kandidato.


Ito ang batas: “ Any mass media columnist, commentator, announcer, reporter, on-air correspondent or personality who is a candidate for any elective public office or is a campaign volunteer by any canidate or political party shall be deemed resigned, if so required by their employer, or shall take a leave of absence from his/her work as such during the campaign period.”

Sabi ni Atty. Ferdinand Rafanan, hepe ng legal department ng Comelec, “endorsing is campaigning”. Kaya kahit noon mo pa ginawa ang advertisements, pangangampanya kasulukuyan pa rin yun.

Ang pinaka-apektado dito ay si Aquino at si Villar.

Sa listahan ng Inquirer, ang may pinakamaraming artists na endorser at si Aquino dahil sa kapatid niyang si Kris, na isang artista at TV host.

Maliban kay Kris, ang ibang artisa para kay Noynoy ay sina Vilma Santos,Boy Abunda,Sharon Cuneta,Ai-ai de las Alas,Dindong Dantes, Marian Rivera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Anne Curtis, Erik Santos, Bea Alonzo, Gretchen Baretto, Mariel Rodriguez, Sitti, Pooh, Kim Vhiu, Kris Bernal, Aljur Abrenica.

Ang kay Villar naman at sina Dolphy, Sarah Geronino. Willie Revillame, Michael V, manny Pacquiao at Richard Gutierrez.

Isa lang ang kay Gilbert Teodoro ng Lakas-Kampi. Ang bandang Rivermaya.

Kay Bro. Eddie Villanueva ay Gloc-9 at si Gary Valenciano at ang kanyang pamilya. Miyembro kasi ng simbahan ni Bro. Eddie sina Gary V.

Si Erap, dahil dating artista siya, nandiyan ang kanyang mga loyal na kaibigan na si Eddie Garcia. Si Lorna Tolentino, ang balo ni Rudy Fernandez na matalik na kaibigan ni Sen. Jinggoy Estrada ay tumutlong rin kay Erap at si Aiko Melendez na kandidato sa Quezon City.

Sa akin, mukhang hindi tama itong batas. Hindi yata naintindihan ang media a showbusiness. Sa susunod na mga araw, ipapahayag ko ang aking opinyon sa kaso ng mga nasa media.

Published in2010 elections

50 Comments

  1. Dating gawi na iyang mga artista na kasama sa pamiting de boladas ng mga pulitiko.Kung walang artista ay hindi dudumugin ng tao. Mga artista lang ang kumukita.

    Para mabago naman ang style at kung natatakot itong mga pulitiko na di sila dumugin ng tao,Bakit hindi na lang sila magpakain sa mga tao na pupunta sa pamiting nila sa plaza.Mas marami pa ang makikinabang at mabigyan ng trabaho sa paghahanda ng pagkain sa tuwing may pamiting sila. Tutal itong mga pulitiko ay inaabala nila ang mga tao para makinig sa mga boladas nila bakit hindi na lang sila maglatag na mahabang buffet table at punuin ng maraming klaseng pagkain para sa mga taong dadalo kesa ibinabayad nila sa mga artista na milyon -milyon kung sikat at pabarya-barya lang kay Blackjack at Fred Panopio.

    Itong mga mapakain kung hindi sila iboboto ay sori na lang ang mga pulitiko,at least nakatulong sila to fight hunger kahit isang araw lang na kasama na ang tanghalian at hapunan,mas maganda pa nga kung may maito-togo pa ang mga mag-attend ng miting.

    Kaya nga mas bilib pa ako doon sa Transformer dahil sila ng dalawa ang nag-duet kumanta dahil inubos na raw ni Villar ang mga singers at walang natira sa kanila.Kaya lang kulang din ang diskarte ni Gordon,ke dami-daming mga Ameresians sa Gapo na mga mistisuhin bakit hindi niya dinala?

  2. gusa77 gusa77

    ang dalawang sagisag{icon}ng show bis,ay isang umiyak at isa na man tumatawa,ganyan din sa ANG PULITKA.Sa daidig ng pag-arte ang pagluha mahirap gawin kahit mahal pa ang bayad pero sa pagtawa ay madaling gawin lalo na malaki ang bunos pag kumita ang pelikula.Sa ngayon naman sa pulitika,ay iba ang pagluha ay madaling gawin upang makumbinsi ang botante,may payakapyapak ang damuho at medyo nakikiisa at nahahabag sa kaawaang kalagayan ng mamayan,at sasabihin kung ako’y tutulugan at para maiahon natin kahabaghag natin kalagayan ay huwag lamang kalimutan sa darating na halalan ang inyong lingkod.Eto ang siste pagnakuha ang ang mamahilin boto binili man o hindi,at nanalo susmaryosep pati si TANING na puyat at umiidlip sa ilan sandali ay nabubulabog sa halakhak,tagumpay ang kanyang panloloko sa kaawaawang botante.

  3. christian christian

    mga distracting issues lang iyan, ang dapat pagtuonan ng pansin ay tungkol sa credibility ng Comelec, particularly commissioner nicodemus ferrer, ang integrity ng automated election , ang pagtakbo ni gma sa kongreso habang hawak pa rin ang posisyon ng presidente, et….

  4. gusa77 gusa77

    Ang lahat ay may karapatan bumawi sa kanilang ibinayag sa buwis,sa pagtangap ng bayad mula pulitiko,dahil iyon ay galing din sa mamayan.Ang di lang tama ay ayunan ang mga kasinugalingan,at iligaw ang mga botante sa kabalbalan na iniendorsong kandidato,at iboykot ang mga sinasabing personalidad.Nasaan ang mga konsensiya nang mga ARTISTA,isa pa rin katribo sa kahariaan ni TANING,Dahil ba sa laking ang bayad,ay puwedeng gamitin ang panloloko sa mamayan.

  5. perl perl

    ang nakakaduda dito ay yung timing sa pagbabawal sa pagendorso ng mga artista… wala nman sanang malisya kung noong simulat’ simula palang, nagsabi na sila na gusto nilang ipatupad ang ganitong regulasyon… kung kailan dikit sa survey rating sina Villarroyo at Nonoy… at magsisimula ng mangandidato ang mas madaming hawak na artista ni Noynoy… tsaka sila magpapalabas ng ganitong regulasyon…

    Syempre, si Villarroyo… magrereklamo kuno! para hindi halatang pabor sa kanya ang ganitong regulasyon…

  6. balweg balweg

    RE: ….Mga artista lang ang kumukita?

    KOREK Igan Cocoy, natumbok mo…”Ang Artista e nagpapasaya busog naman ang bulsa, but Ang Pinoy e talagang hagikgik sa tuwa’t saya pero wala namang PISO sa bulsa.

  7. gusa77 gusa77

    Re:balweg#6, addedum sa walang PISO sa bulsa,merom laman ang kanilang kumakalam na sikmura ng hangin,busog ang tenga sa pakikinig ng kasinungalingan upang sa kahit papano ay nagampanan at serbisyo hiningi ng BAYAD.Iyan ang buhay ng mga nasa daidig ng balatkayong sector ng lipunan.OFF TOPIC:ang lahat ng presidentialable ay iisa ang sagot susugpuin ang katiwalian at korapsyon;di na naman mga komedyante ang mga ugok gustong magpatawa,ibig sabihin sila mismo ipakukulong ang kanilang sarili? sino ba ang pasimuno, di ba ang mga nagsasalita ng laban sa KORAPSYON.

  8. vic vic

    I googled one of this frequently asked question why Celine Dion or Alanis Morisette, or James Cameron is not seen campaigning for any candidates where their appearance could help a party or candidate a lot and here one good answer. an individual is only limited to a $1000 donation to a single candidate and a party for a total of $5000 annually Max, an appearance by any of these Celebrities will be above and over their maximum limits as they are considered self-employed and engaged in their business 24/7.

    When is labour provided free of charge not “volunteer labour” but a non-monetary contribution?
    Service Provided Free of Charge to Campaign

    Volunteer labour – labour provided free of charge – to a registered party, registered association, candidate, or nomination or leadership contestant is not a contribution under the Canada Elections Act. However, not all labour that is provided free of charge constitutes “volunteer labour”: there are two exceptions.

    The Canada Elections Act excludes from the definition of “volunteer labour” the provision of a free service by a self-employed person, if the service is one for which the person normally charges.

    Also, for a free service to constitute “volunteer labour” as that term is defined in section 2 of the Canada Elections Act, it must be provided free of charge by a person outside his or her working hours. The person cannot be paid for his or her services by any employer or other person.

    Where a service does not constitute volunteer labour because the person is self-employed or because the labour is paid for by an employer or other person, it is a non-monetary contribution from the self-employed person or the person who is actually paying for the labour (as the case may be), valued at the commercial value of the service. As a non-monetary contribution, it is subject to the Act’s eligibility, limit and disclosure rules for contributions. Similarly, the commercial value of the service must be reported as an expense by the recipient.

    Corporations, unions and other associations cannot make contributions to registered parties, registered associations, candidates, or nomination or leadership contestants. Therefore, corporations, unions and associations cannot permit their employees to work for a political entity or campaign at the employer’s expense, nor can they pay to have work done by a self-employed person.

  9. Bob Nepo Bob Nepo

    Hello po Mam Ellen, bagong register lang ako dito sa website niyo at hindi po muna ako mag co comment.

    Gusto ko lang pong ipaabot sa inyo na kami pong mga OFW dito sa Yap, Micronesia dito sa Pacific ay napapabayaan po ng ating Embahada. Malapit na ang eleksyon pero marami po sa amin ang hindi pa “registered” para sa ‘absentee-voting.’ Isa na nga po ako doon sa mga OFW na nais makibahagi sa pagboto dahil ito ay aming karapatan din naman. Malapit po ang lugar namin sa Palau kung saan may embahada tayo at malapit din naman kami sa Guam kung saan may ‘consulate’ naman ang Pilipinas. Nabalitaan namin na ang ibang mga isla dito sa Pacific na mas malalayo sa amin ay napuntahan na nila pero kami po ay hindi pa.

    Marami rin po sa amin na nais ding mag renew ng mga Passports at mapalitan para maging brown passports. Hindi po kami makaalis dito basta-basta dahil ang iba ay hindi pa tapos ang kontrata at ang iba naman ay hindi makapag biyahe pabalik ng Pilipinas agad-agad dahil sa kakulangang ‘financial’ at malaki pong serbisyo sa amin kung ang gobyerno natin ay magpapadala ng mga kinatawan upang matugunan itong dalawang problemang aking nabanggit.

    Sana po ay matulungan niyo po kami. Marami pong salamat!

  10. Isagani Isagani

    Hindi ba artista rin ang nakaupo ngayon diyan sa Malacanang? Aba e nagpa-enhance pa nga ng dibdib para mapansin ang kanyang physical beauty at maitago ang lagim ng kanyang kalooban. Sori na lang siya, di umubra.

    Sa kabilang dako, ang masa ang dapat matuto ukol sa mga nagpapalakad at mga nangangasiwa ng gobyerno. Kung intelligent at informed ang electorate, malalagay sa tamang lugar ang input ng mga artista sa kampanya. Icing on th cake, ika nga, Panlibang lang talaga.

  11. Tedanz Tedanz

    Palagay ko ang mga artistang kumita ay yong kay Villar. Si Sarah Geronimo ay talaga namang nagpapabayad yan kahit noong huling eleksiyon. Si Dolphy at Michael V. ganun din bayad sila ni Villar. Si Revillame naman ay hayaan niyo na tong tao … akala niya talagang sikat na sikat na siya. Kung ang palabas ng taong ito ay walang ipapamudmud na salapi … palagay niyo kaya may manonood?
    Pero yong kay Noynoy ay palagay ko walang artistang na-mentioned sa taas ang kumita. Kusa nilang inendorso yong tao dahil sa paniniwala nila na matino at puwedeng maging Pangulo itong taong ito. Hindi dahil sa babayaran sila.
    Kar Erap naman ay hindi na niya kailangan. Siya ay isang sikat na hindi lang artista kundi isang magaling na Pangulo …. Oooops … wag na kayong sumalungat pa dahil yan ang paniniwala ko. lol

  12. Mike Mike

    Tedanz, may iilang artista na binabayaran ng ABS CBN para sumali sa mga infomercial ni Noynoy. May isa akong kaibigan na di naman sikat pero lumalabas paminsan-minsan as extra sa mga teleserye at mga sitcom ng kapamilya channel. Kasali siya dun sa unang ad ni Noynoy na may mga hawak silang ilawan na yari sa kawayan. 3K lang ang bayad sa kanila at ABS CBN ang nagbayad sa kanya at di si Noynoy. Tinanong ko siya kung si Noynoy ba talaga iboboto niya dahil kasalli siya sa Noynoy ads, sabi niya hindi daw, kay Villar siya. 🙂

  13. Mike Mike

    Obvious naman na ang minamanok ng ABS SBN ay si Noynoy, kaya kung susundin natin ang Fair Election Act, dapat ay mag resign o mag leave muna sa ere ang ABS CBN, hindi mga artista. Itong news na galing sa Tribune ang nagpapatunay (kung tutoo) na bias ang kapamiliya network.

    http://www.tribune.net.ph/headlines/20100217hed1.html

  14. Politics = Showbiz Entertainment = Religion

    Religion is about idolatry. So is show business. So is politics.

    Religion is anchored on lies and deceptions. So is politics. While mass media is the tool for massive efficient delivery of the lies and deceptions of both, aka brainwashing.

    Religion prospered thru exaggerated claims and false promises. Need i say that it happens, too, in politics? Showbiz calls it “gimmick”.

    So, why does one need the other when they are all the same?

    Plague.

  15. rose rose

    akala ko ba democratic na ang Filipinas..bakit maraming bawal…pang-akit sa mga tao ang mga artista..hindi ba pag fiesta may mra artista, kahit nga sa Santacruzan mga artista ang mga reyna..ang dapat tuntunan ng gobierno na mga bawal ay…bawal umihi dito…bawal magtapon ng basura dito..bawal magsigarilyo sa loob ng hospital..bawal mag benta ng droga at marami pa..kung sabagay sa utos ng Dios like don’t cheat, don’t steal. don’t lie…hindi nag reklamo ang Comelec…but of course iba ang utos ni putot..

  16. balweg balweg

    RE: …. Oooops … wag na kayong sumalungat pa dahil yan ang paniniwala ko. lol

    Hanga talaga ako sa iyo Igan Tedanz…may pananinindigan ka talaga, yan ang Pinoy!

    Respetuhan lang di ba.

  17. MPRivera MPRivera

    Kaya lang kulang din ang diskarte ni Gordon,ke dami-daming mga Ameresians sa Gapo na mga mistisuhin bakit hindi niya dinala? – Cocoy

    He he he heeeeh!

    Pareng Cocoy, akala ko ba kampi ka kay Dicky dahil magkababayan kayong dalawa? Bakit parang itinataboy mo siya kung saan mabubuko ang kanyang kartada?

    ‘Dami mong maipapayo, pagdadalahin mo siya ng mga papabols sa kanyang pangangampanya’t doon sila magsi-sing-along?

    Ay naku, mabubuko, Tiyo Papa!

  18. chi chi

    Why the Comelec backtracts? Natakot sila sa hamon ni Kris na i-jail sya. Hindi kinagat kasi panalo si Noynoy kung ikulong nila si Kris, hehehe!

  19. chi chi

    Dapat ang kasuhan at kulungin ay ang Comelec officials na nagbebenta ng mga panalo ng mga kandidato. Ano ang nangyari na kay Abalos, Garci, Bedol etc.? Wala! Mga hinayupaks na yan!

    Hindi ako pabor sa paggamit ng artista sa mga political rallies pero kahit na si pareng Barak ay isang katutak na artista ang nag-endorso, hindi nga lang bayaran na tulad sa Pinas.

  20. Tedanz Tedanz

    Chi, mga gago ang mga tao sa Comelec .. ipinagbabawal ang mga artista … pero hindi ipinagbabawal ang paggamit sa mga General.
    Mag-eeleksiyon na … ngayon pa lang sila gagawa ng mga bagong rules. Dapat sana huwag pabago-bago ang mga rules … kung ano man ang nakasulat sa batas dapat yon na ang masusunod.

    Mike, totoo ang sinabi mo … siguro ang kakilala mo na ito ay pa-extra-extra lang at yon ang trabaho niya kaya binabayaran. Hindi para iendorso si Noynoy …. trabaho lang talaga. Ang sinasabi ko ay yong mga binanggit dito sa isyung ito. Hindi lang si Noynoy ang ini-endorso ng ABS-CBN pati rin si Villar (c/o Wowowee). Namamangka sila sa dalawang ilog. Pero sigurado ko na hindi nila ini-endorso si Erap. Kasama sa elitista ang mga taong nagpapatakbo ng ABS-CBN … ang mga ito ay ayaw kay Erap kaya ka-away namin.

  21. Tedanz Tedanz

    Kita niyo … ayaw na naman i-air yong ad ni Erap ng ABS-CBN.
    “http://www.tribune.net.ph/”
    Nagtataka lang ako di ba manugang niya ay isang Lopez?

  22. chi chi

    Tedanz, baka Lopez na wala sa corporate hierarchy ng ABS/CBN. Negosyo muna bago manugang.

  23. balweg balweg

    RE: Kasama sa elitista ang mga taong nagpapatakbo ng ABS-CBN … ang mga ito ay ayaw kay Erap kaya ka-away namin?

    Sureball Igan Tedanz, nagpapakatotoo ka sa iyong sarili…ang Kapamilya e nagbabayad ng utang na loob yan kay Santita Cory.

    Yan ang isa sa bunga ng EDSA Uno…laking tuwa ng mga Lopezes ng mabawi nila ito sa mga Marcos?

    Remember mo pa ba ang galit ng Masang Pinoy noong EDSA 3 sa mga Kapamilya reporters. Partisan ang TV channel na yan kaya walang kwenta?

  24. balweg balweg

    Dapat ang media entity e neutral at di partisan para maging balanse ang pagbabalita?

    Kasi maselang usapin ang bawat datas na kanilang on air bakit ka nýo…e napapanood ito ng Sambayanang Pinoy ma pa sa Pinas o abroad.

    Ngayon may kinikilingan sila…kaya amo mo Igan Chi at Tedanz ang laking asak ko sa Kapamilya noong EDSA 3 kasi nga tahasang kontra-Masa ito.

    Ginagamit lang nilang front ang pagtulong sa Masang Pinoy pero pakabig yan kasi nga kakutsaba ng mga traydor at sinungaling na lingkod-bulsa.

    At ngayon kunyari pa na matulungin sa Kapwa-Pinoy e sila mismo ang anti-Masa coz’ang paghihirap nating lahat e bunga ng ka ek-ekan ng mga elitsta at mga bystanders na Pinoy na kanilang binibuild-up ang bulok na imahe.

  25. Remember mo pa ba ang galit ng Masang Pinoy noong EDSA 3 sa mga Kapamilya reporters. Partisan ang TV channel na yan kaya walang kwenta?
    ———————-

    Hmmmm. The way I see it, yung mga “masa-masasamang” elemento ng lipunan ang mga walang kuwenta. Hindi na nga nagbabayad ng buwis, pugad pa ng krimen at ang babaho pa!!!

  26. rose rose

    bakit ang mga artista at media lang ang binabawalan? ang mga “religious leaders”, hindi? narinig ko kanina na sinabi ni Brother Mike na kaibigan niya si Villar..hindi nga endorsement pero “subtle” endorsement…to not only a few but a number of El Shaddai members ang salita ni Bro Mike si next to God’s words..maririnig mo sa kanilang members ang words na “ang sabi ni Brother Mike”. ang mga pari pinapakingan ba? ay ay kalisud! (kung si Snoopy pa good grief! or is it Charlie Brown who says this?

  27. Maligo muna kaya mga iyan?

  28. Tedanz Tedanz

    rose,
    Nakinabang si Velarde sa C5 ni Villar. IIsa ang bituka nila.

  29. Yung nga nasa Edsa 3 na kailangang buhusan ng tubig sa sobrang baho na, mga hakot yun, binayaran na, libreng pakain pa. Ginamit lang sila, nasaan na yung mga lider nila nung nagkagulo na, wala, umuwi na sa Greenhills… 🙂

  30. Ngayon si ERap nagpaloko na naman sa mga nagsusulsol sa kanya para magkapera lang sila…kawawang Erap, senile na nga pinagkaperahan pa…

  31. rose rose

    ang pagdala ng mga artista sa political rallies pang akit lang sa mga tao na mag attend..take the case sa amin.sa isang lugal na malayo at mahirap gaya ng Antique nakakita lang kami ng mga artista kung fiesta or election, hindi pa nga seguro…sa pag punta ni Erap sa Visayas recently..nagpunta ba si Erap? hindi ah..si Loren nagpupunta taga dulo ng Antique kasi ang Lola niya sa Pandan…I know nagpunta rin siya sa San Jose..hindi nga alam ng ibang artista kung saan ang Antique…buti pa si Pokwang.

  32. Observer Observer

    Sino ba ang tumututol sa Comelec ng ipagbawal ang mga artista sa entablado? Si Noynoy at Villar lang. Si Erap ayaw nya ng may mga artista dahil lumalabas na stage show ang entablado.

    Kung walang artista sa entablado si Noynoy at Villar ay siguradong walang pupunta sa rally nila. Ano ang ibig sabihin non? Na yong survey ng SWS at iba pa ay hindi totoo na nanguguna sila.

    Si Erap dinudumog ng mga tao kahit saan magpunta. Doon sa rally sa Plaza Miranda ay walang artista doon pero ilang libo ang dumalo. Si Noynoy at Villar yong rally nila ay kakaunti lang ang pumunta, e di lalo na kung wala silang kasamang artista. Halatang binayaran lang ang survey outfit.

  33. martina martina

    Masabi lamang na may ginagawa ang comecollect, pati mga artista pinagdiskitahan.

    Hindi kaya mga pinagbabayaran na o binili na sila diyan sa comocolect ni Villarroyo. Kunwari pa na nangangampanya sila, pero may hinala ako na gawa na ang resulta ng May 2010 election. Bago mag election, tutugma duon ang fake na survey para disimulado ang resulta. Para que pa ang pagiging presedentita ni Gloria kung hindi makapandaya.

  34. rose rose

    tedanz: ganoon ba? now I see the relationship..both are from Paranaque..at ang srine ng El Shaddai ay sa {aranaque..and both made good via real estate..
    jug: sino ang sinasabi mong maligo si Bro Mike?..may payong lsging dala…

  35. Valdemar Valdemar

    Lets admit it, COMELEC has no wisdom sometimes, once in a while, all of the above.

  36. rose rose

    Val: para sa akin ang Comelec ngayon ay walang wisdom PERIOD! akala ko patay na si Abalos, Bedol at GArci..nagmumulto ngayon at mag reresurrect pa ata!

  37. rose rose

    Val: pahabol! at kung may wisdom tooth man noon nabunot na..

  38. Re #9, Welcome Bob Nepo.

    Sorry that our comment was subjected to moderation. That’s because that was the first time your name entered this blog. Next time, it should be easier.

    Reminder lang: Please don’t capitalize your comments.Pangit tingnan. People read and understand the message of comments even if it’s not capitalized.

  39. balweg balweg

    RE: Hmmmm. The way I see it, yung mga “masa-masasamang” elemento ng lipunan ang mga walang kuwenta. Hindi na nga nagbabayad ng buwis, pugad pa ng krimen at ang babaho pa!!!

    Oppps….ARAY, sakit naman ng patutsada mo sa Masang Pinoy Kgg. juggernaut?

    Yaong walang kwenta na tinutukoy mo e mga bystanders na asshole ng gobyerno de bobo na umaasa lang sa limos upang mabuhay.

    Isama na natin ang mga elitista na mapagkunwari na feeling rich and famous, pero sila ang peste at traydor sa ating lipunan.

    About naman sa pagbabayad ng buwis…kahit na si poncio pilato e di kayang magbayad ng buwis kasi nga magkano ba ang minimum wage sa Pinas at marami ang gustong magkaroon ng marangal na trabaho e may naitulong ba ng gobyerno?

    Ang hirap e sa mga mata-pobre akala nila sila lang ang may karapatang mabuhay ng marangal…magmasid-masid naman tayo sa ating paligid baka namamalik-mata tayo.

  40. pranning pranning

    17 February 2010

    Of course what do you expect, those who were/are endorsed by entertainers will cry foul, how can they get people to see or hear them talk about their platforms(?) and achievements(?). The only way to get “hakot” is to have entertainers with them, yung lang naman ang pinapanood ng tao at ang mga pera na pinamimigay nila e.

    On the other hand, the ABS-CBN is not airing the info ads of erap, why? is it because he has no kris aquino and dolphy or willie revillame? if you notice those three are working for abs-cbn, yet none of them is/are endorsing erap.

    Finally, perfecto Yasay apologized to erap in connection with the so called elitist coup headed by gloria “the bitch” makapal-dorovo. Yasay apologized for being used by these elitist group in forcing erap out of office. Now, tell me, where are these so-called “civil society group)???)” now???. Most of them are with the pro-elitist LP and the NP who pretends to be pro-poor, but truly an elitist group also.

    prans

  41. balweg balweg

    RE: Si Erap dinudumog ng mga tao kahit saan magpunta?

    Nagpuputok ang butse ng mga Elitista at bystanders na Pinoy about sa winika mo Kgg. Observer…di nila matanggap na ang isang Erap e maging Pangulo ng bansa?

    Kung babalikan natin ang nakaraan…e tulad di ngayon ang senaryo, ayaw nila sa Ama ng Masang Pilipino. Kasi nga, mapapahiya sila sa kanilang katontohan…what i mean eh tulad ni Tabako na isang PMAér/West Pointer, during his watch di ba ang mga rebelde sa Mindanao e mga ASTIG.

    But nang maupo si Pres. Erap, imagine…walang maraming dakdak at propaganda, 46MILF camps nabawi ng gobyerno sa mga rebelde?

    In his 2 1/2 years in power…for the first time after ng 20-years ni Macoy sa power e muling naibalik ang kumpiyansa ng mga mamamayan sa PNP at nakakuha sila ng highest trust rating.

    At isa pa, tumaas ang input ng agricutural harvest ng Pinas at di tayo umaangkat ng bigas unlike today ginawa pang gatas ito ng mga lingkod-bulsa.

    See…ilan lang ito sa accomplishment ni Erap na di matanggap ng mga ipokrito sa ating lipunan.

    Di ba vindication ang paghingi ng apology ni Yasay…na ginamit siya ng mga elitista upang pabagsakin ang gobyernong Estrada.

    Yan ang hirap sa mga bystanders (elitista a.k.a civil socialites, leftists/rightists, obessepo, disgruntled generals, tradpols/trapo) na Pinoy…kung nasaan ang agos e doon sila pero sila ang numero unong reklamador sa buhay.

  42. balweg balweg

    RE: Now, tell me, where are these so-called “civil society group)???)” now???. Most of them are with the pro-elitist LP and the NP who pretends to be pro-poor, but truly an elitist group also.

    AGREE Igan Prans, ang mga ipokritong civil socialites na yan ang dakdak ng dakdak…e sila ang peste, sinungaling at traydor?

    Hay naku, nakakainit ng kukote…lalo na yang si Lea Navarro, ang Copa at mga asshole ng LP at NP. Nagmamalinis sa sarili e sila ang nagbuyo ka gloria not ONCE, but TWICE na libakin at dustain ang bansa.

    Akala nila…makakalusot sila sa kagaguhang ginawa nila noong EDSA DOS con Hello Garci, ano sila bale…NO WAY!

  43. florry florry

    Nagkasundo si C-5 at SCTEx kasi pareho nilang laban ang gustong mangyari ng comelec. Ipagbawal ba naman ang pang-hakot nila ng tao. Nakakadismaya yatang makita ng tao na lalangawin ang mga rally nila kung wala silang mga artista.

  44. MPRivera MPRivera

    Milyon ang ginagastos ng ibang kandidato sa mga sikat na artistang kinukuha nila bilang endorser. Wala ba silang tiwala sa kanilang plataporma? Iniisip ba nilang lalangawin ang kampanya kapag walang sikat na artista?

    Gumagastos na rin lang sila, bakit hindi na lang mismong sa mga dadalong taumbayan nila gugulin ang salaping ibinabayad sa artista? Magpakain sila, halimbawa pagkatapos ng miting. Marami pa ang mabubusog kahit minsan lang kumpara sa binabayarang isa o dalawa o tatlong artistang kanilang palaging isinasama.

  45. gusa77 gusa77

    Ang kampanya ng kandidato may kasamang personalidad artista man o hindi ay hindi masama,ang di lang tama ay ilhis sa katotohan ang mamayan sa dumi na bumabalot sa kanilang katauhan,ibig isalarawan dahil sa tiwala,ng mga taong kanilang binayaran,isang malaking panloloko sa mamayan ang ginagawa ng mga kandidato.Dahil sa pangangailagan ng kasapi sa mapagbalakatyong sector ng lipunan,sila ay pumapayag na gamitin ng kandidato sa ang panloloko.

  46. gusa77 gusa77

    Ang masa- masamang amoy o baho,bakit di natin balikan ang salamin ng buhay,lahat nagmula ang magiging suliranin ng boung mamayan,di ba sa ating mga ninuno,dahil sa maraming naging mapanimbot at ang hindi makabayan ang lahat naging bunga na ngayon ay pinagdudusahan ng kasalukuyan henerasyon at ang susunod pang isisilang pa sa bansa ito,ngayon mas marami pang madudusa kung hahayaan natin at tatangapin o itagayog ang pahayag ng mga BAYARAN personalidad/media,sino at ano pa man at ilihis ang mamayan sa katotohanan.

  47. norpil norpil

    bakit naman pati amoy ng masa ay nasama dito. sa totoo lang mas mabaho ang mga nag papabango na natutuyuan ng pawis kaysa natural na amoy ng tao.palagay ko lang hindi tama na maliitin ang isang tao kahit na gaano kababa ang kalagayan nito sa lipunan. marami sa ating masa ang ipinanganak sa hirap at hindi nila kasalanan na maging mahirap. karamihan sa mga mayayaman ay nakamit ang kanilang yaman sa hindi magandang paraan.

  48. Ruben Ruben

    Hayaan nyo na ang mga artista na kumita kasi marami sila binabayaran at sinusuportahan tulad na lang ni Dolphy inilaglag si Erap para sa kapirasong ginto, si Sarah naman walang alam yan kahit lahat ng presidentiables ay iindorso basta may katapat na malaking halaga tulad ng binigay ni Villar na 20 milyones, pera-pera lang ang katapat ng kanilang personalidad at kalooban (kung mayron)

  49. balweg balweg

    RE: palagay ko lang hindi tama na maliitin ang isang tao kahit na gaano kababa ang kalagayan nito sa lipunan?

    Agree! Di ako mapalagay Igan Norpil…talipandas ang takbo ng kukuto ng ilan nating Kababayang Pinoy, ang BANGAW pagdumapo sa kalabaw e feeling rich and famous?

    Lahatin na natin…saan ba sila nag sigmula sa buhay na kanilang tinatamasa NGAYON, di ba from rug to riches ang karamihan sa mga mata-pobreng yan.

    Lalo na ang mga lingkod-bulsa…galing sa NAKAW or dirty monnies ang kanilang mga tinatangkilik sa buhay, at akala mo kung sino sila?

    OK lang kung galing ito sa mabuting paraan…e ka nga C5 at Tiyaga, oppppssss ay MALI…sipag at tiyaga!

  50. christian christian

    distracting issue lang ito, the real issues are corruption, bias comelec, automated election, etc…..

Comments are closed.