Kamakailan binatikos ni Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar ang mga kandidato nga ginagawang isyu pa rin daw ang kanyang amo na si Gloria Arroyo samantalang busy raw ngayon sa pag-aayos ng kanyang “legacy” .
Pagkatapos sirain ang lahat na institusyon pagdemokratiko para lamang maprotektahan ang sarili, gusto ni Gloria Arroyo mamahalin siya ng taumbayan? Nahihibang siya kasama na rin ang kanyang mga alagad.
At akala naman niya maniniwala ang taumbayan na hihinto na si Arroyo sa kanyang pagka-ganid sa kapangyarihan? Eh di sana hindi na tumakbo sa pagka-kongresista.
Kung magpapaloko pa ang taumbayan kay Arroyo, talagang dapat lang talaga tayong magdusa.
Isyu pa rin talaga si Arroyo ngayon kahit hindi siya kandidato sa pagka-pangulo. Kasi sa baho ni Arroyo, kung sino ang kanyang didikitan nagiging mabaho na rin. Tingnan nyo ang nangyayari ngayon kay Gilbert Teodoro, ang opisyal na kandidato ng Lakas-Kampi, partido ng administrasyon? Kahit pa maraming may gusto kay Teodoro, hindi rin talaga nila masikmura na kinakampihan niya si Arroyo.
Yan din ngayon ang pinipilit ikabit ng kampo ni Noynoy Aquino kay Villar. Sinasabi nga na ang kandidato talaga ni Arroyo ay si Villar, hindi si Gibo. Madali paniwalaan ito kasi hindi naman talaga bumabanat si Villar kay Arroyo at sinasabi niya na kapag pangulo na siya, hayaan niya ang korte kay Arroyo, hindi raw siya maki-alam. Tuwang-tuwa naman ang Malacañang.
May kinakalat sa internet na poster na pinagsama ang litrato ni Villar at Arroyo (kasamang nunal pa) at ang caption ay “Villarroyo.”
May kumakalat din sa text at sa Facebook na nagkita raw si Mike Arroyo at si Villar noong Enero 7 sa bahay ni Mike Defensor.
Noong isang araw, may natanggap akong text na nagsabing hindi raw totoo yun dahil wala naman sa bansa si Mike Defensor sa araw na yun. Enero 8 daw dumating si Defensor galing sa pilgrimage sa Jerusalem.
Meron din bwelta ang mga taga-Villar kay Aquino na dinidikit rin si Arroyo. Si Noynoy raw at hindi si Villar ang malapit kay Arroyo. Tingnan nyo, sabi ng isang nag-post sa aking blog:
1)si dating senador Tessie Aquino-Oreta, ay hepe ng Early Childhood Care and Development Council sa ilalim ng opisina ng Pangulo. Ang asawa ni Oreta, na parang tatay kay Noynoy ay kontrakto ng dam project sa distrito ni Gongressman Dato Arroyo;
2) ang dating gubernador ng Tarlac na si Margarita Cojuangco ay presidente ng Public Safety College sa ilalim ng Department of Interior and Local Government;
3) si Lupita Aquino-Kashiwahara ay image consultant ni Arroyo;
4)si Paul Aquino, ito ni Noynoy at kanyang political strategist ay CEO ng Energy Development Corporation.
Ang tindi ng salot ni Arroyo. Lahat kinapitan.
Ahem… what is “salot” again, please?
Those are Noynoy’s relatives only, not himself.
Sa kaso ni Villar, siya mismo ang kapit kay Gloria Arroyo.
As Lito Banayo said in his column: I have kept writing about this, Doña Gloria knows that she cannot transact with Noynoy. Moreover, she hates those “traidores” (that’s how she calls them) among the Hyatt Ten who left her in the middle of 2005 when conscience bothered them about Hello Garci, and they are all with Aquino and Roxas, including her erstwhile defense secretary who left her in 2006. But Money Villarroyo is “otra cosa.” He can always be relied on, because he has always been transactional. http://www.malaya.com.ph
Salot is plague, Anna.
Thanks, Chi!
Update: Team Chiz, Ping boys nagsanib sa Noynoy-Mar team. (source: Abante)
Dapat kumilos sila at nang makasipot si Ping matapos ang eleksyon. Kung si Villarroyo ang manalo, malas nya.
Gloria Macapagal Arroyo is a curse! dahil sa snow hindi ako naka alis ngayon..and napakingon ko tuloy ang Readings for the day…Mark 7:14-23 “the things that make a person unclean..and the verses that struck me most are 18-21..
Verse 18: ..”nothing that goes into you from the outside can really make you unclean..19: because it goes not into your heart but into your stomach and then goes on out of your body..20:it is what comes out of you that makes you unclean. 21: for from the inside, from your heart come the evil ideas which lead you to immoral things” to rob. to kill, 22: to commit adultery, be greedy, and do all sorts of evil things; deceit, indecency, jealousy, slander, pride and folly..23: all these evil things come from inside you and make you unclean.”…I am just sharing what I just read..hindi na man mahirap intindihin ang sinasabi sa Bible..kung hindi man nabasa ni gloria at hindi niya alam ang verses na ito seguro naman si Fat Guy (FG) ay alam niya kasi nag ba Bible Study siya.. something to think about, hindi ba? maitanong ko “deceit” means pangdaraya? just sharing my thoughts…thank you for your kind indulgence..
Sino ba ang may kagagawan kung bakit nailuklok sa poder si Gloria Arroyo? Diba’t si Villar ang pumukpok ng gavel ng impeachment sa halal na Pangulo? Ang civil society naman sa pangunguna ni Cory at Sin ang namuno ng kilos protesta laban sa halal ng bayan.
Ang dalawang kandidato na nangunguna ay parehong may kinalaman sa pagkakalagay kay Gloria sa Malacanang.
What happens now that Acosta is number 1 on the printed ballot list for the presidency?
1. Aquino won’t enjoy the “ballot order effect” (University of Vermont study).
2. Acosta can be confused with Aquino (a la Eddie Gil vs. Bro. Eddie in the 2004 election and Pepito Cayetano vs. Peter Cayetano in 2007).
So, it’s possible that some Aquino votes will be shaved off.
gloria’s comelec hasn’t disqualified Acosta yet as nuisance candidate. Well, the common denominator is that the nuisance candidates are Marcos loyalists (KBL).
We all know the tie-up between gloria and the KBL in the past (the Oliver Lozano capers during impeachment season). What prevents them from doing the same now? It’s part of the “cover-all-bases scheme.”
But wait…isn’t the scion of Apo Marcos under the fold of the Evil Liar man?
Who gets to benefit the most when the formidable contender to the presidency will lose some votes? Of course, it’s VILLARROYO!
Olé!
Scenario after scenario in favor of Villaroyo! Umaandar na ang makina ni Gloria!
umaandar na nga ang makina ni gloria…at high speed pa..hindi pa tapos ang election nanalo na si Money Bill..ang kakawa talaga ay si Gibo..no pansin siya ni putot ngayon pa lang..bakit ba siya pumayag na gamitin siya..akala ko magaling siya at matalino…na isahan siya at nauto..sayang na sayang..too late now gibo…too late now..there is nothing you can do but cry..ang sabi nga sa kanta..”if your sweetheart sends you a letter of goodbye..it is no secret you will feel better if you cry”!
Yung mga ka alumni ko sa UP ay nagpadala ng email ukol sa C5. Kung ano ang katotohanan nito at nagbigay ng link sa paliwang ni Prof. Munsod. Kasunod nito ay ang rekomendasyon na ibili ng lupa sa lupain ni Villar kung ano mang pundong naririyan sa Samahan – tiyak na tataas daw ang halaga nito, lalo na pag nanalo si Villar.
Kasunod nito ay pahiwatig ng pagkabahala sa bilis ng akyat sa poll surveys ni Villar. Well organized daw kasi ang kampanya ni Villar maski na may C5 issue at mantsa ni Gloria.
Evidently, base sa email ukol dito, hindi namin suportado si Villar. So, sino nga ba ang sumusuporta kay Villar sa mga botante? Ang mayaman, ang middle class o ang mahihirap?
Siya nga pala, joke lang yung pagbili ng lupa. And, for those interested, below is the link sa paliwanag ni Prof. Monsod:
http://www.gmanews. tv/largevideo/ latest/54698/ qtv-analysis- by-winnie- monsod
ang lahat ay kinakapitan ni gloria…kasi linta ‘yan..hindi ba ang linta sucks the blood..at hindi siya aalis hanggang hindi siya mabusog..pero budburan mo ng asin at malalaglag siya..o kaya burn it..at mahulog siya..kaya ang kailangan sa lintik na ito ay isugba at itapon..isugba ng very very well done or sa inglis “cremate” her..come to think of it ang sinugba na baboy ay masarap but these pigs are poison..this plague is spreading like a wild fire..nasa mga tao ang pag-asa ng bayan..nasa votes nila ang kasagutan kung ano ang “bukas” ng Filipinas..ilang tulog nalang…
Desperado na talagang manalo itong si Villaroyo. Binili na yata niya lahat ang mga celebrities. Bistado na kasi yong C5 niya kaya isinanla na niya yong sarili niya kay demonyo(Glorya). Gusto niya pang manalo para paglaruan naman niya itong si Lacson na nagbulgar sa kagaguhan niya. Siya lang itong Presidentiable na namili ng mga gaya nila Sarah Geronimo na tumatanggap ng bayad gaya ng pag-endorso niya kay Angara noong nakaraang eleksiyon. Siyempre pa si Dolphy at Michael V. na talaga namang tumanggap din ang bayad.
Abangan ang susunod na kabanata nitong si Lacson vs Arroyo-Villar story.
Ang salot ni Gloria Arroyo
hind ba dapat “Salot si Gloria Arroyo”?
“samantalang busy raw ngayon sa pag-aayos ng kanyang “legacy”” Anong legacy sinasabi ng mga ogag na to, ipakulong si Ping Lacson?
anong legacy magagawa nyo sa 4 na buwan? 9 years kayong nakaupo sa nakaw na kapangyarihan, ngayon kayo maghahabok ng legacy… Magbayad man kayo ng bilyon sa pinakamagaling na PR man, hindi mabubura baho ni demon-arroyo!
Nahihibang siya kasama na rin ang kanyang mga alagad. sabi nga ng nanay ni Ivler, may topak si Gloria!
Kung magpapaloko pa ang taumbayan kay Arroyo, talagang dapat lang talaga tayong magdusa.
Dapat talgang magdusa, alipinin, kutyain, pagtawanan! hindi na natuto… at walang balak matuto!
Yan din ngayon ang pinipilit ikabit ng kmpo ni Noynoy Aquino kay Villar. Sinasabi nga na ang kandidato talaga ni Arroyo ay si Villar, hindi si Gibo.
Ito talga dapat malaman ng lahat ng ating mga kababayan! Kaya galingan nila pagpapakalat ng balita…
I’m not being suspicious but if I am to understand Ellen, she is saying that “Ang salot ni Gloria ay she already had all the bases covered”, both the Noynoy camp and Villar camp, kaya sino man ang manalo sa dalawa, fully covered and protected siya..
Ang mga marunong mag-isip, ma-analyse nila ang situation. The situation begs to just not think what you want to think, to see what you only want to see, and hear what you only want to hear. Nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon mga close relatives ni Noynoy ay nandoon pa rin at naninilbihan sa ilalim ni Gloria? Totoo, hindi nga sila si Noynoy, but, how can they serve two masters at the same time, campaigning for Noynoy and at the same time serving Gloria? Even Sec Romulo who declared support to Noynoy is still serving under Gloria.
What kind of arrangements they entered in both camps. What roles will they play in case Noynoy wins the presidency?
Maybe they are the dots to connect and form the bridge between Noynoy and Gloria.
If one thinks about it, that’s not far from truth.
Hindi ba masabihan ni Noynoy ang mga kamag-anak niya (except Lupita, whom Kris Aquino said,their rift is very serious) konting delicadesa naman,tumutulong kayo sa akin,ang kampanya natin “good versus evil”, tapos you are still serving the evil.
Okay lang naman pala for Noynoy to close his eyes to people benifitting from Gloria Arroyo’s evil regime kung kamag-anak niya.
A preview of how Noynoy will handle his Kamag-anak Inc. who are playing on both sides:
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/editorial/view/20100104-245374/Noynoy–Peping
Kaya yung “good versus evil” na yan, that’s only applicable sa ordinaryong tao, not to Noynoy’s relatives.
umpisahan natin ang sasabihin niya…
“‘Insan, huwag ka nang tumakbo…please.”
uubra kaya???
Ang hindi ko maintindihan ay kung ano ba talaga ang gusto ng mga kritiko ni Aquino na gawin nya? Pag pabor sa kanya, bawal gamitin ang alaala nina Ninoy at Cory. Kelangan anya gumawa sya ng sarili nyang pangalan at wag gamitin ang mga magulang nya. Pero pag kasiraan sa kanya, bakit ba di nya mapagsabihan yung mga tiyuhin/tiyahin nya na konektado pa rin kay Pandak na kalasan na nila ito? Ano ba talaga? Subukan nyo kayang pangaralan ang mga sarili nyong tiyuhin/tiyahin at tingnan natin kung di kayo makakarinig ng mga masasakit na salita sa kanila. May mga sariling pag-iisip na mga yan at di na bata. Kung gusto ba nilang manatili kay Gloria e may magagawa ba si Noynoy? Pwede ba syang pumili ng mga kamag-anak? Or pwede nating ilagay sa kwalipikasyon sa pagka pangulo, bawal ang may kamag-anak. Kelangan nag-iisa ka lang sa mundong ito. . .hehehe. . .relax lang mga kapatid. . . mas nakakatakot si Villar na di hamak. . .mas malaki ang babawiin nun sa gobyerno pag nanalo sya. . di pa kasama ang tubo doon. . .kapital pa lang. . .
Milyon milyon na ang walang trabaho sa kasalukuyan at maging kaming may trabaho ay hirap na hirap pa rin pagkasyahin ang kaunti naming kita dahil sa tumitinding global financial crisis ay tinanggal pa sa trabaho?
Noong Pebrero 8, 2010, pinahayag ni GMA Apointee QUEDANCOR Pres. Federico Espiritu na tatangalin na ang mahigit na 600 RANK & FILE employees dahil sa 5B SWINE SCAM.
Ang tanong ng mga inoenteng kawani…. BAKIT KAMI ANG PARURUSAHAN SA MALING DESISYON NG KANILANG PAMUNUUAN?
napaka walang puso. aalis na lang sa pwesto nya (GMA)tinanggal pa kami sa trabaho. karamihan sa amin ay 20 years na sa govt service
Korek, henry…no one can choose his own relatives. It’s not Noynoy’s fault that he has these mga walanghiyang kamag-anak. Kung ano ang gagawin niya sa mga salahulang kamag-anak, hintayin natin kung mapwesto sya. Alam nya kung ano ang masamang puna sa kanyang mga relatives.
hintayin natin kung mapwesto sya. Alam nya kung ano ang masamang puna sa kanyang mga relatives.
Good Luck!
Tigilan na lang please, ang “Good versus Evil” dahil parang inamin na rin nyo, okay naman pala ang forces of evil basta kamag-anak at mapakinabangan.
Ganun lang naman talaga ang buhay. Tigilan lang ang hypocrisy.
Mahinang mag-grab ng situation ang mga bata ni Bigote. Dapat pag ang usapan e yung Kamag-anak Inc., sundot agad ng dumadagundong na “Walang kama-kamag anak, walang kumpa-kumpare, walang kaybi-kaibigan” sa background. Lol.
Kung ako campaign manager ni Erap, kahit di ako makasabay sa gastusan kay Villar, sasakyan ko na lang yung mga linya niya para gamitin pabor kay Erap.
Halimbawa:
-Ipatungkol kay Erap yung linya sa jingle na “Tunay ka bang isa sa ‘min?” para magmukhang siya ang tinatarget ni Villar, sa tuwing maririning ng tao iyang jingle ni Villar, Si Erap ang maiisip nila.
-“Si Villar ang may kakayahan na gumawa ng sariling pangalan” MALAKING KALOKOHAN! Si Erap lang ang nakagawa ng sariling pangalan. Ang “Joseph Estrada” ay sariling gawa niya, ang pangalang “Manny Villar” ay gawa ng tatay ni Villar. Lahat ng kandidato, pangalang galing sa magulang nila, o ano!
-Malaking bagay ang pagkakabombard ng ere ng jingle na iyan ni Villar na pati matatanda ngayon nae-LSS kahit pa mas madalang na ang playtime ngayong campaign period na. Talo silang lahat pagdating sa recall.
-Dapat ay noon pa nila yan sinira samantalang yung kanila ay hindi man lang maalala ng tao sa kawalan ng focus. Yung kay Gibo, nasabotahe agad gamit si Rico Blanco, at yung kay Noynoy na komposisyon ni Ogie Alcasid, nampucha, parang sa West End o Broadway kakantahin, ayun, di na maalala kung anong laman. Sinundan pa ng Rap na ngongo ang lyrics, patay na.
This Villar spokesman Gilbert Remulla is going wild! Losing his marbles and equanimity.
Ano daw? It is not Villar who is Gloria’s secret candidate? It is Noynoy?
Bwahaha !!!
Al,
Matatanggihan ba ni Noynoy ang tulong ng mga kamag-anak sa kanyang kandidatura? Ikaw, ano ang gagawin mo kung nasa lugar ka ni Noynoy o kahit na sinong presidential bets na ang mga kamag-anak ay nais tumulong.
Kung sakaling palarin na manalo at pinipitpit ng mga kamag-anak at bumigay, saka ko na sya bibirahin ng matindi. Hindi lang ako ang gagawa niyan, sigurado ako. Sa ngayon, ang priority ko ay mawala si Gloria Arroyo at hindi mapalitan ni Villaroyo na parehong transactional experts.
Si Money Villarroyo nga ay hindi natanggihan si JocJoc Bolante, kaibigan lang nya…kamag-anak pa.
Sinasabi nga na ang kandidato talaga ni Arroyo ay si Villar, hindi si Gibo. Madali paniwalaan ito kasi hindi naman talaga bumabanat si Villar kay Arroyo at sinasabi niya na kapag pangulo na siya, hayaan niya ang korte kay Arroyo, hindi raw siya maki-alam.
Ceasefire muna sa banatan anf villar-arroyo camp, maggamitan muna sila Villar and Arroyo until election. Kahit nga sila Pimentel and Cayetanos, wala ng naririnig na batikos against demon-arroyo.
Ang galing talga ni demon-arroyo, akalain mong naisahan nya si Villar, i think villar will surely win if he choose to become a consistent arroyo critic…
ano ba ang habol ni Gloria kay villar pagnanalo si Villar pagkapresidente?
1. para maproteksunan si Gloria sa mga kaso
2. para manalo mga senador/kongressman ni arroyo na ksapi ngayon ng NP.
3. para mabawasan ang batikos laban sa administration during campaing period.
Pagnag succeed ang objective2, manalo o matalo si Villar… mgingat ang susunod na presidente dahil malamang impeach and aabutin!
Ganyan kagalign si Gloria… at napauto nya si Villar! Lahat kakapitan!
AT ano nman ang kailagan ni Villar kay Gloria.. madami…
1. Financial support
2. Para makaiwas sa smear campaign from gloria camp
3. Para makasigurong abswelto siya sa C5-extension project ethics case…
Kailngan ni Villar si Gloria dahil desperado, kinabahan si Villar sa taas ng rating ni Noynoy.. sa laki ba naman ng ginastos nya before pa mag-announce si Noynoy ng candidacy… ano bale, papatalo!
Ayan si Villar, sa laki ng ginastos, lahat kakapitan!
Arroyo = Villar = Villarroyo = lahat kakapitan!
“Kamaganak, Inc.???”
Ano naman masasabi nyo sa Kumpare.Inc, Kasugalan.Inc, Kainuman.Inc, kasabwat.Inc, Kakilala.Inc, kawatan.Inc, kapalmuks.Inc, anung kugn ano-anupang K*.inc?
Yugn kamaganak ni Noynoy sa camp ni demon-arroyo, matagal na yan eh… si Gibo nga lang, pinsan ni Noynoy, lalayo pa kayo!
Walang nakakapili ng kamaganak kaya lang may option at choice naman si Noynoy. Right he has the option to ban all his relatives still connected with Gloria to refrain or completely avoid campaigning for him. All he has to do is ask all his kamaganak to make a choice: Either they are for him or for Gloria. Sabihan niya sila na huwag mamangka sa dalawang ilog; sa ilog niya at sa ilog ni Gloria dahil nakakasira sa kandidatura niya. Ang mga blind followers and supporters lang ang ayaw magbigay ng kulay sa situation ni Noynoy kaya nagbubulag bulagan at nagbibingibingihan sa isang very obvious na katayuan ni Noynoy. It’s a no win situation kahit na gaano niya maipaliwanag at yan ang sinasamantala ng mga tao ni Villar.
Where in the world nga naman of politics can you find a bunch of your relatives serving a political enemy and at the same time campaigning for your candidacy? Not any where in the world, but only in the Philippines. Very unique talaga ang takbo ng politica ni Noynoy and Gloria. Magkalaban kunwari pero magkakampi.
How’s that for a new kind of Philippine politics being introduced by Noynoy and Gloria?
Para matigil na ang pagkalat ng KAMANDAG ng pesteng SALOT, dapat lipolin na ito. Lahat ng galamay dapat ding magbayad sa mga kasalanang nagawa ng kanilang amo. Lipolin din sila.
Tama ka ma’am ellen. Kung magpapaloko pa tayo sa salot na ito, dapat lang na pagdusahan natin ang ating KAGAGOHAN. Nagiging katawa tawa na tayo sa paningin nga mga dayuhan.
Galing Perl! Bravo! Pag sa kandidato mo, pwede pala ang pagmamalabis ng Kamag-Anak Inc.? Ayos ka talaga, very civil society! Pag di mo kandidato upak ka ng upak. Pag kandidato mo pwedeng tanggapin at magbulag-bulagan.
At isa pa, bago mo batikusin si Gloria, alalahanin mo na ikaw ay nakiiisa sa pagluklok sa kanya!
Tigilan na rin ni Villar ang pagsasabing nangagaling siya sa mahirap — dahil mahirap paniwalaan. Obvious na ang mga mahihirap ay inuuto lamang nito.
Dapat lang na huwag ng iboboto pang muli ang mga salot na dikit kay Arroyo.Nasubok na natin sila,ano ang kanilang ginawa?
Nagpayaman.Kailangan nating iboto ang mga kandidato na handang humabol sa mga ninakaw nila at ikulong para huwag na silang pamarisan pa ng mga susunod na henerasyon.
Is Noynoy his relatives keeper? Kung ang tatay nga niya na si Ninoy hindi napagsabihan ang kanyang kapatid na si lupit si Noynoy pa na pamangkin lang..kung mahusay ang relationship ng mag tiyang ito..nasabihan ba ni ma lupit ang pamangkin na huwag tumaakbo? they seem to respect each other..they have their own minds and decisions..respectohan hindi pakialaman, hindi ba ang dapat? at hindi ba kasama ni Ninoy sa aeroplano ang asawa ni Lupit..may nagawa ba?
salot means plague..hindi ba kung may plague (aratay sa Binasaya.. as in animals like dogs and pigs..ang ginagawa ay sinusunog o pinapatay o kaya lagyan ng disinfectant..painumin o kaya paliguan ng lysol or in this case one stronger than lysol..para huwag lumala ang gloria plague..
alam nyo mga igan, kung may makalaskit talaga ang mga aquino/cojuangco kay Noynoy/Cory, dahil sa matiyagang pagsisigaw ni Cory Aquino ng gloria resign nung nabubuhay pa… dapat matagal na silang nagresign sa gobyerno ni demonarroyo…
At kung importanteng talaga ang Kamaganak.inc sa kampo ni Gloria kay Noynoy/Cory, e di sana pinakinggan na lamang ni Cory ang mga kamagnak.inc at hindi na halos magpakamatay si Cory ng Gloria Resign…
Ang punto dito mga igan, ang kamaganak.inc na sinasabi nyo na nasa kampo ni gloria at si Noynoy/cory ay walang impluwensya o pakialam sa isa’t-isa! kaya hind pwdeng sabihin na madidiktahan ng kamaganak.inc si Noynoy o ni Noynoy and kamaganak.inc…
isip-isip, isa naman pong malinaw na black propaganda mga igan.
andres, may sinabi ba kong i-tolerate ang kamaganak.inc? lalo na yung mga nasa kampo ni demonarroyo?
Perl, hindi mo ba alam na active sa kampanya ni Noynoy si Peping and Tingting Cojuangco?
Busy si Peping mag-fundraising for Noynoy. Siya ang kumausap kay Ramon Ang at sa mga taipans.
Si Tessie Oreta at ang kanyang asawa ay active rin sa kampanya ni Noynoy. Hindi yan sila nagresign sa kanilang mga posisyon.
Si Lupita lang yata ang hindi masyadong tanggap ngayon kina Noynoy at Kris.
Rose, Noynoy is not his relatives keepers, you are right.Tanggap ko na he is very broadminded. Bakit pagsa ibang tao, good versus evil siya. Tanggap naman niya ang namamangka sa dalawang ilog.
Tama si Florry, “Walang nakakapili ng kamaganak kaya lang may option at choice naman si Noynoy. Right he has the option to ban all his relatives still connected with Gloria to refrain or completely avoid campaigning for him. All he has to do is ask all his kamaganak to make a choice: Either they are for him or for Gloria.Sabihan niya sila na huwag mamangka sa dalawang ilog; sa ilog niya at sa ilog ni Gloria….”
Ang nangyayari,basta makikinabang siya, okay lang.
but do we really know na hindi niya pinagsabihan ang mga kamaganak niya? kailangan ba niya i broadcast na pinagsabihan niya ang mga ito? for all we know he probably did but hindi nakinig..kung ayaw ng mga kamaganak niya at para sila kay gloria as in the case of Gibo..what do we expect him to do? kung ang kapatid ng tatay niya ay ma lupit
what can he do? why do we have to question him..kung sa palagay ninyo mahina siya just don’t vote for him bakit pa natin gatungan ang apoy that causes the rift among them..
kung sa akala ng kanyang mga kamaganak ay mas malaking bumayad si Villaroyo ay bakit sila kakampi kay noynoy? baka hihingi pa sa kanila…ang sabi blood is thicker than water BUT now a days Money is thicker than both put together..
kung sa akala ng kanyang mga kamaganak ay mas malaking bumayad si Villaroyo ay bakit sila kakampi kay noynoy?
Rose, I don’t think you understand the issue here.
Noynoy’s relatives are officials of the Arroyo government. Except for Lupita, they are campaigning for Noynoy, who paints himself as opposition to Arroyo’s government.
If Noynoy control his greedy relatives now, can he, if he becomes president?
#32: “Kamaganak, Inc.???”
“Ano naman masasabi nyo sa Kumpare.Inc, Kasugalan.Inc, Kainuman.Inc, kasabwat.Inc, Kakilala.Inc, kawatan.Inc, kapalmuks.Inc, anung kugn ano-anupang K*.inc?”
Good point! Bulls eye mo sila diyan!
Ano din ang choo-choo train Inc. ha, ni Villar. Hindi ba mga choo choo warirap ang mga iyan. Paano kung manalo si Villar, baka si Alan Cayetano na magimmick and kanyang executive sec. Pihadong may position din si Willie Revillame at si dolphy at si lolo Pimentel at Joker. TBH, walang mga delikadesa at hiya din ang mga iyan.
martina,
Hindi mo ba alam na ang Kamag-Anak Inc. ang sumimot sa mga national treasures sa Malacanang? Kinamkam nila ang mga ito at nasa kani-kanilang bahay at ibinenta ang iba. Ano pa gusto mo?
Ang Hacienda Luisita, na ang mahihirap na magsasaka ay patuloy na ginagawang alipin ng mga Cojuangco.
Bulls Eye din kayo! Palibhasa kapag sosyal eh tanggap ninyo ang mga kalokohan.
If it’s Noynoy who will win, here’s the list of movie stars that can be cabinet members: Vilma Santos, Kris Aquino,Boy Abunda,Sharon Cuneta,Ai-ai de las Alas, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Ogie Alcasid,Regine Velasquez,Anne Curtis, Erik Santos,Bea Alonzo, Gretchen Barretto, Mariel Rodriquez, Sitti, Pooh, Kim Chiu. Kris Bernal, Aljur Abrenica.
From Inquirer’s list of movie stars supporting presidential candidates. Noynoy has longest list.
panalo na pala si noy2 kung laban ng mga artista.
Wala bang ibang isyu kay Noynoy kundi ang kanyang mga kamag-anak at HL?
Iboboto ko si Noynoy kahit nandyan ang kanyang mga kamag-anak because as himself alone, Noynoy is NOT korap, NOT mandaraya and NOT magnanakaw.
We have all our choices. Villar and Gloria have been, in many instances, caught making choices only for their own selfish interests. Noynoy on the other hand, there’s no proof yet that he ALREADY installed/appointed his titos and titas to powerful offices.
Iboboto ko si Noynoy kahit nandyan ang kanyang mga kamag-anak because as himself alone, Noynoy is NOT korap, NOT mandaraya and NOT magnanakaw.
Agree! Noynoy has a good character na minana nya sa kanyang mga magulang, yan ang importante ngayon.
Nasubukan na natin na magkaron ng makamasa “daw” na presidente, nasubukan na din magkaron ng matalinong presidente, pero parehas ang nangyari, pano may common denominator… their character!
perl: I do agree with you..we have had all these presidents..matalino, maka massa etc. etc…seguro it is time for us to try a God fearing president! simple, walang doctorate, isang ordinariong tao, pero takot sa hindi pagsunod sa utos ng Dios..
sayang nga lang si Gibo..sana puede siya pero kumapit siya sa isang questionable na sumusunod sa utos ng Dios…
perl,
Nakaharap mo na ba ang iyong pinagmamalaking kandidato? Baka magulat ka kapag nakasama mo na siya at kainin mo lahat ng iyong sinasabi.
teka mga igan, commercial muna:
Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?
Nag-Pasko ka na ba sa gitna ng kalsada?
Yan ang ganti namin,
Kapag hindi ka isa sa amin
Nalaman mo na bang susuhulan ka nya?
Tutulungan tayo na mapromote sa trabaho?
Yan ang reward namin,
Kapag ikaw ay isa sa amin
Si Gloria ang tunay na pahirap.
si Gloria ang tunay na may Hello-Garci.
Si Villar ang may kakayahan
Na Magbayad sa ating Halalan
Si Manny Villar ang magtutuloy
ng ating kahirapan.
perl: ang ibig mong sabihin kung si Money Bill ang manalo–it is very clear “hirap days are here to stay”?
“Kung magpapaloko pa ang taumbayan kay Arroyo, talagang dapat lang talaga tayong magdusa” ito talaga ang mangyayari dusang walang katapusan. una marami talagang mahina ang kukute sa atin proof: 1&2 sina revilla at jinggoy sa survey para senador, pangalawa, marami sa media na pinupuri pa ang mga magnanakaw sa gobyerno imbes punahin, resulta lalo pa pini-igting ang pagnanakaw dahil napupuri. pangatlo, ang batas dito sa atin nagsasabong kaya kapag wala kang kakayahan na kumuha ng abogado talo ka na, in short para lang sa may pera ang batas natin. ang pao, si ted failon lang ang gustong tulungan walang silbi ito.
andres – February 12, 2010 12:10 am
perl,
Nakaharap mo na ba ang iyong pinagmamalaking kandidato? Baka magulat ka kapag nakasama mo na siya at kainin mo lahat ng iyong sinasabi.
————————————————–
Thanks for asking this, andres. Yes, nakaharap ko na sya. Sa huling anti-gloria Rally sa Ayala. he was talking to more or less 10 ordinary persons… para skin, maniwala ka man o hindi… very humble ang tingin ko sa kanya. hindi ko pinakikinggan pinaguusapan nila coz i was busy waiting for Ping and Mar to come down from the stage… i guess, they were talking about his mother ‘s condition… nasa hospital kasi si Cory non. when I was staring at him, I asked myself, hindi ba kinakabahan tong taong ‘to at ang tagal nakikipagusap sa gitna ng kalsada… almost an hour na ata… makikita naman natin kung kaplastikan lang ung pagpapakita nya ng interest mkasalamuha ang ordinaryong tao… maraming nagtatnong sa kanya… at masaya syang sumasagot sa mga tanong…
medyo may pagsisi nga ko ngayon, alam mo ba… may mga oras ding wala syang kausap… nakatayo lang… yun na sana chance kong malapitan sya at makipagkwentuhan…
andres,
let me also tell you another story… it’s not my 1st hand experience… kwento lang naman skin to ng isang pulis na malapit sakin… may ka-batch syang naka-assign tulad nya sa domestic airport aviation… alam nung pulis na may VIP convoy na dumarating, pero dahil nasa airport nga sila, they should strictly implement the traffic regulations, no exemption! so pinahinto ung convoy ng VIP… at ng dumaan na ung VIP sa harap ng pulis… nagbukas ng salamin ung nakasakay sa magarang kotse at dinuro ang pulis at sumigaw na “hindi mo ba ko kilala?”… yan po ay walang iba kung di si Vice-President Estrada!
simple lang nman tong story ko about Erap and Noynoy pero malalaman mo agad kung anong klaseng character sila meron…
e yung kwento ng PSG sa malacanan nung nakatira pa don si Erap, gusto mo malaman?
rose – February 12, 2010 6:19 am
perl: ang ibig mong sabihin kung si Money Bill ang manalo–it is very clear “hirap days are here to stay”?
——————————————
Sorry to confused you, Rose. yeah, patuloy tayong maghihirap…
Kahit pa maraming may gusto kay Teodoro, hindi rin talaga nila masikmura na kinakampihan niya si Arroyo.
Kasi nagpahalik siya kay dwende… ayan naging dwende rin ang tingin ng tao sa kanya. In other words, “kiss of death.”
Bobo kasi!
Ng ibigay ng EDSA DOS{DEMON ON SERVICE}ang kapangyarihan kay Pandak,lahat ng pagpapatangal sa kanyang kapngyarihan ay na imbento na lahat ng mga nakapaligid sa kanya ang mga paraan upang manatili sa puwesto.Una sa tongresso at senado,pangalawa ang commolect,pangatlo ay ang ubod sa tulugan sa kaso,ang tanyag na OMBUDSMAN,at panghuli ay ang ugaling pinoy, na basta may kakainin lamang sa araw na itoy bahala na ang bukas,walang pakialam kahit ang mga susunod pang henerasyon ang magdurusa.In short fire proof na talaga.