Kumambyo na ngayon ang Malacañang at pipirmahan na raw ni Gloria Arroyo ang batas na nagbibigay ne exemption sa mga senior citizens sa 12 per cent na Value Added Tax. Pipirmahan na raw ni Arroyo ang btas sa susunod na linggo.
Noong Miyerkoles kasi ng ipinasa ng Kongreso ang batas, sinabi ni Deputy presidential spokesman Gary Olivar na baka raw i-veto ni Arroyo ang batas dahil mga P54.4 million raw ang mawawala sa pamahalaan.
Dios mio, naman walang patawad itong administrasyon ni Arroyo sa huthuthutan. Pati ba naman ang mga matatanda, hindi na pinapalampas. Ano ba naman ang P54.4 milyon sa P1.54 TRILYON (“T”yan ha, hindi Bilyon or Milyon) na kanilang budget.
Kung naghahanap siya ng panggastos sa kanyang programa, hindi ang senior citizens ang kanyang dapat pagdidiskitahan. Hindi na siya kailangan lumayo pa. Pwede niya tingnan ang mga kinurakot niya, at ng mga malalapit sa kanya. Kaunti lang ang P54 milyon na yan. Ilang proyeko lang yan sa Public Works.
Meron tayong batas, Republic Act 7432 na nagbibigay ng 20 porsiyentong discount para sa mga Pilipinong 60 taong gulang o lampas pa. Ito ay para naman ay pagkapasalamat sa kontribusyon sa ating comunidad ng lahat na umabot na sa ganung edad. Ito na rin ay tulong sa kanila dahil alam naman natin na sa pagdating sa ganung edad ay mahina na ang katawan.
Ang discount ay nabibigay sa gamot, sa resturant, pamasahe at iba pang benepisyo.
Ngunit nang ipinatong ng pamahalaan ang 12% VAT, ibinabawas rin yun sa 20% kaya 8 % nalang ang discount na nakukuha ng mga senior citizens. Sabi ni Sen. Pia Cayetano, “Panahon para maibalik man lamang sa mga matatanda ang nararapat para sa kanila.
“ The lolos, lolas, and parents in our families deserve every bit of care and attention. The estimated foregone revenues of P54.4-million is a small loss to government, compared to society’s gains from improved health care and increased purchasing power that our elderly are bound to gain. The lost income is not a compelling reason to deprive our elders of the quality of life they deserve,” sabi ni Cayetano.
Narinig ko si Charito Planas, ang bagong deputy spokesperson ni Arroyo sa programa ni Ted Failon at Pinky Webb sa DZMM. Sinasabi niya na ang VAT ang nagsalba sa ekonomiya kaya kahit daw my krisis pinansyal sa mundo, okay lang tayo. May sinasabi pa syang kailangan ng pamahalaan ang pera dahil sa malaking sira na ginawa ng bayong Ondoy.
Bakit kukunin sa mga senior citizens ang para sa mga biktima ng Ondoy? Malaki ang tulong na binigay ng international community para sa Ondoy. Ano na ang nangyari doon?
Sabi pa ni Planas, huwag daw pangunahan si Arroyo.Sabihin niya yan sa kanyang kasamang si Gary Olivar na nagsabing posibleng i-veto ni Arroyo ang bagong batas.
Sabi ni Fransiskus Kupang, executive director of the Coalition of Services of the Elderly Inc, maliit lang P54.4 milyon para sa kasayahan na mabigigay sa mga lolo at lola.
Isa pa, sabi ni Kupang, ang exemption, kasama ang P500 buwan-buwan na tulong sa mga mahihirap na senior citizens,ay makakadagdag sa kanilang gastusin at makatulong rin sa pagpasigla ng ekonomiya.
Ang VAT ang nagsasalba sa ekonomiya ni Gloria, dyan din siya kumukuha ng malaking kurakots kaya wala syang paki sa mga senior citizens!
Nasira ni Ondoy at Pepeng ang Pinas. Ilabas ni Gloria Arroyo ang kurakots nya at walang problema si Lola Charing!
P54.4 million raw ang mawawala sa pamahalaan kung ipapatupad ang 20% discount para kina lolo at lola. Tangna! Kung kainan sa NY at DC na milyunes ay walang reklamo ang putang si Gloria pero ang discount sa senior citizens ay ayaw pakawalan samantalang pera ng mga mamamayan iyan.
Naghahanap lang ng butas si Gloria Arroyo para sa hanggang sa tanghali ng June 30, kung walang magagawa na stretch ang kanyang nakaw na kapangyarihan, ay may idadagdag pa syang kurakot sa kanyang umaaapaw na stolen/ill gotten wealth.
Tsaka limang buwan na lang sya. Hayaan niyang problemahin ng susunod na presidente ang ekonomiya.
Sa halip na meron konting ganda na magagawa para iwan sa senior citizens ay pilit na pinagaganda ang image ng kanyang ekonomiya na kundi sa mga OFWs at isang katerbang taxes ay bagsak naman talaga.
Gloria… labandera ng pera, pekeng ekonomista!
Kahit bigyan nila ng 20% discount ang mga senior citizen ay balewala rin dahil wala naman silang pambili.Karamihan na diyan ay unemployed or retire with little pension or umaasa lang sa mga anak.
Bakit hindi na lang sila tulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng Government Social Security Supplemental income ng tatlong libo isang buwan pangkain nila at pangastos for 100 pesos a day at Medicare.Galing naman iyan sa Social Security contribution ng mga young contributors at binabayaran nating tax,kesa kurakutin ng mga gahaman sa Gobyerno.
Dito sa America may SSI ang matatanda
Yan ang hirap diyan sa Pinas. Kapag naging senior citizen ka na at hindi ka naging member ng SSS o GSIS noong bata pa ang income mo Zero, kasi hindi ka naman qualified na magpension. Kaya, tulad ng sabi ni Cocoy bale-wala yong 20% discount unless na isa ka sa mayayaman, in which case hindi mo na rin kailangan pa tong 20%. Hindi katulad dito na maraming safety nets ang mga matatanda kahit hindi naging contributor sa Social Security kaya hindi nakapagtataka na maraming nakikitang mga Pilipino na uugod-ugod na, halos hindi na makalakad at naka-wheel chair na pauwi at pabalik dito ay dahil ayaw nilang iwanan yong very generous seniors benefit dito. Iyan ang malaking kaibahan dito hindi binabalewala ang mga seniors kundi inaalagaan, diyan ang mga seniors itinuturing na second class citizens at parang wala ng silbi at nagiging biktima pa ng discrimination.
I think i need to know if Mr. Olivar is really a qualified economic advisor, advising an economist. But to stimulate the economy he should advise the uber economist to at least give each of the Senior a minimum pension equivalent to at least the poverty line of income and it is up for the businesses to give them the discount say every first monday of the month for Mercury drug for 25%, last thursday of the month for 15 % from shoe mart maybe so on and so forth. transit for 50 % discount. Now think about the multiplier effect of those economic activities by the Seniors.. Now Gary Olivar where did you get your Economics Degrees, hope not in Harvard?
yeah, when it comes to assistance to folks, kakaramput lang at pa-awaan pa bago ibigay, then after the bigayan, another advertisement, compare mo sa mga ninakaw nila from A to Z! ang mga impakto talaga walang puso.
read about these Masbate folks who even went to Naga to collect some promised subsidy? well, it’s only P500 per month. (http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/regions/view/20100122-248864/Masbate-folk-flock-to-Naga-for-cash) matuk nyo yon?! samantalang yong iba dyan could turn P50,000 into millions after 3 years.
She is losing support for her minions each day she delays the signing of the carrot. But some people beat the law. One electric cooperative do not accept oldtimesr to become members. That one is in the north.
Most opposition presidential candidates who vowed to prosecute President Arroyo for alleged misdeeds are after vengeance, not justice, recycled Deputy presidential spokesman Ricardo Saludo said in reacting to the stand taken by opposition presidential bets during the ANC Youth 2010 presidential forum held at the DeLaSalleU that they would prosecute Mrs. Arroyo if they get elected.
I say this is kinder karma than Marie after the French revolted, much, much kinder than being drawn and quartered.
Ayan, eh di itanong sa mga kandidato kung ano ang dagdag-tulog sa mga matatanda. Si Villar lang ata (o baka si Gordon) ang nag-iisip ng supplemental income para sa matatanda, eh.
the reason why tax collection is poor right now is because VAT collection is low. people arent spending/buying enough.
Vic re # 5 comment:”Now Gary Olivar where did you get your Economics Degrees, hope not in Harvard?”
Yes, Gary Olivar went to Harvard.
$54.4 million cannot buy the goodwill gained from signing the senior cit vat exception bill. It does not take a Harvard grad to know this. Perhaps, Gary Oliver is just hinting that, having the credentials that he has, he knows what the numbers are.
Isagani, it’s in pesos. P54.4 million.
Thanks Ellen! we have had quite a few not so great experience with our Harvard educated politicians here. One, our former Provincial Attorney General and was the chief of Invest Toronto is now facing Criminal Negligence causing death for losing his cool with a confrontation with a cyclist (roadrage) when he slammed him with his car. The current Liberal Leader, Michael Ignatieff, was a Harvard Professor and an author and he seems to have lost his bearing leading the Liberals. He is an intellectual, but still has lot to learn in leadership skills, he flip flop like the Lady in Malacanang. He still has to lead his Party in an election, so it remains to be seen if his Harvard experience is any good at all. But most of our very Good Politicians, even our Current PM our just Local Products.
Are we expecting gloria to consider the plight of our senior citizens? Malabo. If ever, pagbibigyan niya pero paiyakan muna. Paluluhain muna ng pako at pagpapawisin ng aspile.
Bakit?
Kasi ba naman, kahit mamatay ngayon si gloria at muling mabuhay ng isandaang taon o doble o triple pa ay meron siyang ipantutustos sa kanyang pagtanda. Ano’ng ginagawa ng kanyang mga kinurakot sa kaban mula nang siya ay mang-agaw at mandaya?
Ano ang tawag sa ganitong uri ng pamunuan?
Hindi ba’t ugaling manok?
Panay ang kahig pakabig. Hindi na gustong tutulak. Kahat kabig. Hustler! Ganid!
“We have to worry about deficit issues!”Malacanang Spokesman
Only Gloria Arroyo (63) Does Not Need Senior Citizens discounts. Remember Le Cirque P1 Million Dinner!
RE: …pipirmahan na raw ni Gloria Arroyo ang batas na nagbibigay ne exemption sa mga senior citizens sa 12 per cent na Value Added Tax?
Syiempre…may isip din pala kaya lang nasa ilalim ng talampakan, e siya ang unang makikinabang dito kasi kabilang na yan sa Seniora ah.
Pakwela pa e barya-barya lang ito sa kanilang nakulimbat at plano pang kulimbatin eh.
Tutong lang ang 54 million, ibig papapakin pa nila madam!
Porque wala na pakinabang ang mga damatan inaabuso na lamang. Tulad ng mga sundalong uuga-uga di na binibigay lahat na pension nila. In other words, sa OFW at mga matatanda umaasa na ang bayan.
Willie Villarama, Pat Sto. Tomas, Kiko Noted Pangilinan have masters from Harvard, too. Willie and Pat were brilliant and upright individuals before they attended Harvard and served Gloria Arroyo. Si Kiko Noted, bukod sa umakyat sa alta sosyedad ng celluloid ay naging taksil sa bayan.
Medyo yata nakabawi si Pat ng konti, nalibing si Willie sa kanyang katarantaduhan, at si Kiko ay ayan, asawa pa rin ni Tita Shawie, hehehe!
Val, totally agree with you. Sila ay inaabuso ng todo ni Gloria. Kayang-kaya dahil ang OFWs ay wala sa Pinas while the oldies can’t walk na, gutom pa!
Malaki talaga ang maasahang pagbabago sa Pilipinas kung ang mga trabaho ay naririto sa Pilipinas. Jobs! Jobs! Jobs for Pinoys-in-Pilipinas!
At kailangan din ang health-programs.Sino ba sa mga tumatakbo ang may proposals — health programs for the poor. Health programs for the old.Health programs against unplanned pregnancies.
Let me veer towards a different topic. Another Pinoy who is making his country proud is 16-year old chess whiz kid from Cavite, GM Wesley So. Right now, Wesley is competing in the prestigious Corus tournament in the Netherlands where he is grouped together with some of the world’s best players. He is currently running in 4th place down by 1.5 points from the tournament’s solo leader, a certain GM Giri. Chess may not be as popular as boxing or basketball in the Philippines but in most European countries like Russia, France, Denmark, Germany, Norway, Sweden, and those countries that used to form part of the USSR, chess is at par with the popularity of European football. It has one of the largest following in sports not only in Europe but in Asia and the Americas as well. A gifted player like Wesley needs all-out government and private support. I’m just wondering if politicians like Prospero Pichay and Bambol Tolentino whose names are always mentioned as his sponsors are truly providing him the needed support and assistance and not just for their political ends.
Philippines growth not enough under Arroyo: Neri
Neri, who served as socio-economic planning secretary from 2002 to 2007, said it appeared the wealthy had gained most from economic growth.
“Much of this growth is going to corporations. If you look at the savings rates… in the 1970s, much of the savings was in households, now the (bulk of) savings has shifted to corporate savings,” he said
http://www.abs-cbnnews.com/business/01/31/10/philippines-growth-not-enough-under-arroyo-official
Tama ‘yung laging sinasabi ng isang kasama natin dito. Ang yumaman sa panahon ni ngoyang ay ‘yung members ng corrupt-porations dahil sila ang nakinabang sa corrupt-porate savings.
kung may VAT siya, kumuha rin tayo ng BAT at paluin siya..tadtarin, at isugba sa kalayo..cremate her..at ibasama siya sa tan ning niyang pagibig…sa liit niyang yan ay kayang kaya ng mga tao..pati ng mga senior citizens..demonyo talaga ang puso niya,,,
Nabasa ko na magra-rally ngayon ang more than 1,000 lolo at lola para pilitin ang isa ring lola na reyna sa EK na pirmahan ang bill na magi-exempt sa kanila sa 12% VAT. May laban kaya si lola Gloria sa dami nila?
RE: May laban kaya si lola Gloria sa dami nila?
Di ako mapalagay Igan Chi, si lola Gloria e interest lang ng perang nakulimbat sa 10-years na paglilingkod-bulsa e buhay milyonarya dating niyan eh!
Pero itaga natin sa bato…kahit na isang singkong duleng e walang dadalhin yan sa oras na magpantay ang dalawang paa niya?
hindi naman ang bagyong ondoy ang dahilan ng pagbaha, pagkamatay ng maraming tao at pagkasira ng mga ari-arian kundi ang pagpapakawala ng tubig sa mga dam. ngayon sasabihing magtipid sa tubig dahil sa kakulangan nito. ambon at hindi ulan sa maraming panig ng metro manila ang ibinigay ni ondoy kaya imposible na magdulot ito ng mataas na baha. malaki ang inasenso ng ekonomiya ng pinas sa pekeng pamunuan ni aling gloria kaya pala halos nadoble ang utang natin.
sa totoo lang kulang pa ang benipisyo na ibinibigay sa mga sr citizen na tulad ko..lalo na iyung mga indigent. karamihan sa mga sr citizen ay masakitin na. sa kasamaang palad, walang insurance company na tumatanggap na bigyan ng health insurance ang lagpas na sa 60. siguro sa susunod na congress, ang mga bagong senador at congressmen ay amyendahan ang sr citrizen law at isama na lahat ng sr citizen na pumapasok sa government hospital ay libre na sa lahat ng gastusin – gamot, doktor, laboratory at kung ano-ano pa. para hindi maabuso, ang privilege na ito ay ipagkakaloob lamang sa mga sr citizen na maco-confine sa ward, hindi sa private room.
re # 30 that is a very good suggestion and is very doable. and for those Seniors who are a little well-off who benefited from this schemes can always donate their part of “wealth” to the public hospitals. to be truthful that is how the our Hospitals sustain their services and capital expenditures, from donations and endowments from its grateful patients and their families. One individual Mr. Peter Munk single handedly donated almost $100 millions to the University Hospital on behalf of his grandpa and dad who had been the patients of Toronto Gen.
A few years from now, senior citizen na rin ako.
Maige nama’t ngayon pa lang ay nalaman kong wala talaga silang malasakit sa mga dati nang pinakinabangan ng gobyerno. ‘Ulanghiya sila!
Kung tunay sa kalooban nila’t bukal sa puso ang paglilingkod sa bayan ay dapat na maging patas ang kanilang pamantayan. Huwag silang panay kabig. Tumulak naman sila. Perang galing sa buwis natin ang pinagpipistahan nila at ‘yung kawing kawing na utang na tayo pinagbabayad.
Sobra silang ganid at suwapang! Lalo itong kutong lupang ang katakawan ay tinalo pa ang gutom na sawa!
Nakakapanghina ng loob ang paglapit sa ganitong uri ng pamunuan. Matapos pakinabangan ang mamamayan ay masahol pa sa basurang tatalikuran pagdating ng panahong sila ay matanda na at wala ng kakayahang maghanapbuhay.
Silang mga nasa gobyerno ay wala nang iniisip kundi huthutan at pagnakawan nang harap harapan ang sambayanan. Nagbabayad na nga ng buwis sa kinikita, bakit kailangan pa ang e-vat? Ang value added tax?
Kaninong bulsa ba napupunta ang mga bayaring ito? Sa mga bilyonaryong kapitalistang hindi na gustong mababawasan ang tinutubo? Sa mga tiwaling opisyal ng gobyernong walang inatupag kundi ang magpasarap at mag-isip ng kung ano anong paraan upang magulangan ang mamamayan?
Nasaan na ba ang tunay na diwa ng paglilingkod bayan?
Paano na ang tumatandang si Juan?
Bago nga pala magkalimutan, saan ba napupunta o ginagastos ang contingency fund ni gloria? Ang kanyang social fund? Intelligence fund? Ang kanyang pork barrel? Ang mga savings ng kanyang gobyernong tuwing SONA niya o kaya’y sa mga advertisements ay gumaganda ang ekonomiya at maraming mga accomplishments?
P54.4m lang, hindi pa mabawas sa kanyang bilyon bilyong kinurakot?