Skip to content

Tunay na kulay

Kahit na pangit ang nangyayari ngayon sa Senado, mabuti na rin dahil lumalabas ang tunay na kulay ng marami sa kanila.

Kung hindi sila nagbabangayan, di hindi sana natin nalaman ang mga behind the scenes na ginawa ni Sen. Manny Villar katulad ng pakiki-usap kay Senate President Juan Ponce-Enrile na parang ang dating daw ay nag-aalok ng tulong kapalit ang favorable na report tungkol sa C-5 road extension na proyekto.

Nalulungkot lang ako sa nangyari kay Sen. Aquilino Pimentel, Jr. na malaki rin naman ang kontribusyon sa ating demokrasya sa kanyang paglaban sa diktaturang Marcos.

Maiinit ang balitaktakan sa Senado noong Lunes nang ni-report na ni Enrile ang report ng Committee of the Whole kung saan pinaggalitan si Senator Manny Villar at ipinababalik ang sobra P6 na bilyon na kanyang kinita sa ma-anomalyang C-5 project.

Ito ang kanilang sagutan ni Sen. Mar Roxas:

Roxas: No, Mr. President. My name was mentioned in the context that we were gunning up, that this was all political, that we were using insertions–when he said in a blanket statement–that there were insertions, others had insertions. Well, I say no. I have no insertion on any matter. In fact, I have no insertion, period because we were in the minority. Let alone an insertion for a road to pass through any such property.

Pimentel: Well, I’m sure that after your marriage you’ve had some insertions…

Roxas: Mr. President, I demand that that be removed from the record. That is an affront on my wife!
Pimentel: Mr. President, I remove it immediately.

Noong Martes, sa dasal bago masimula ang session, humingi ng paumanhin si Pimentel sa kanyang mga nasaktan.
Sa “Strictly Politics” na talk show ni Pia Hontiveros sa ANC, sinabi ni Pimentel na hindi niya intensyun na bastusin si Korina Sanchez, asawa ni Roxas, dahil wala namang kasalanan yun sa kanya.

Siyempre, hindi basta-basta matanggap ng marami lalo pa ang mga supporters ng mga Aquino-Roxas na ticket.
Sa aking Facebook, kung saan binabatantan si Pimentel, nagpaliwanag si dating Environment Secretary Jun Factoran, na kasma nina Pimentel at Sen. Joker Arroyo na lumaban kay Marcos.

Sabi ni Factoran, hindi naman talaga “trapo” si Pimentel na katulad na maraming “trapong” alam natin. Ngunit sang-ayon naman siya na sumobra na si Pimentel noong Lunes. Sabi niya pa, nadala na siguro ang dalawang matanda. Baka raw kasi sa ganitong edad, masyadong mahalaga sa kanila ang pagkakaiibigan. Ngunit mabuting tao daw ang dalawa.

Nagkumento naman si Anna Leah Sarabia: “Although i would say the two oldies are old traditional men, i.e. macho pa rin ang mga biro. and i do think that many watchers are really thoughtlessly jumping into the bandwagon — gaya-gaya kasi.”

Inamin naman ni Factoran: “You are right there Leah. Iba lang kasi ang kinagisnan namin. Talagang hindi sensitive sa gender differences. Parang laging nasa locker room. I apologize for my generation. We should have known better. I do not understand myself how we could possibly so piggish in our jokes involving the female gender, and yet be so respectful and admiring of our mothers. Kulang sa education kami noon. Dapat nga lang pag nasa public life ka, medyo matuto ka kaagad ng tama at mali.”

Published in2010 electionsAbanteGovernance

47 Comments

  1. Ano ang magagawa mo, dapat siguro ihiwalay ang mga matatanda sa mga mas bata. Maraming mga tao na kapag tumanda lumampas na ng sisenta ay ganiyan talaga, hindi makagalaw ng husto kapag kasama ang kabataan. Mag-alaga ng apo, puwede, pero makihalo sa bente-anyos o kuwarenta-anyos, palpak.

  2. chi chi

    Hindi sensitive sa gender differences ang panahon nina Factoran? Ibig bang sabihin na noong kapanahunan nila ay they treated women the way they wanted to?

    I don’t believe that Pimentel’s remark was because of an age/generation gap but a direct result of frustration and anger because they could not defend Villar honorably. Napikon ang tawag dyan!

    Whatever, maaring hindi nga trapo si Pimentel pero sya ay matandang bastos!

    August chamber daw. Dapat dyan palitan ng Babuyan chamber!

  3. MPRivera MPRivera

    “Sabi ni Factoran, hindi naman talaga “trapo” si Pimentel na katulad na maraming “trapong” alam natin.”

    Wala namang nagsasabing “trapo” si Ingkong Nene, ah?

    Sa kanyang mga inaasal at sinasabi, sa mga huling kaganapan tungkol sa kanya kung saan kailan pa siya TUMANDA ay nawawala na siya sa dati niyang prinsipyo, partikular itong pagtatanggol niya sa maliwanag pa sa araw sa katanghaliang tapat na pinakagarapal na senador sa kasaysayan ng Mataas na Kapulungan ay para na lamang siya ngayong gamit na toilet paper na pinagpipistahan ng mga hayok na bangaw sa gitna ng nakakadiring tambakan.

    Nakakasukang damputin at muling gamitin.

  4. MPRivera MPRivera

    Hmmpppppttt!

    Ang baho!

  5. martina martina

    Malala din iyong sinabi niya na ‘abused child’, walang nagreact dahil walang tinamaan, pero kung mayroon, ay di mas masakit iyon.

  6. chi chi

    Ano raw, martina? Kung alam ko ay tiyak na nagreact ako.

  7. MPRivera MPRivera

    tinang,

    Paano naman magre-react samantalang ‘yung karamihan doon ay mga child abuser.

  8. Wala namang nagsabing katrapo-han yung ginawa niya. Wala lang siyang modo, bastos, period.

    Pero sa ibang bagay ay trapong-trapo ang dating niya. Una, ang trapo, pag nakatikim ng puwesto, pilit nang aasawahin ang puwesto para yung kalabang mortal niya ay hindi na maka-upo pa. Dati ay sa Cagayan de Oro at Bukidnon lang. Nakaupo pa siya sa senado ay pinatakbo na niya ang kanyang anak na si Koko, sabay na sana silang Senador kaya lang nayari sila ni Bedol, Abalos at Zubiri.

    Ngayong darating na eleksiyon naman, yung anak na babae ang kandidato, hindi tumakbo si Koko dahil mukhang mapapaboran yung protesta niya matapos magpalit ng administrasyon (KUNG magpapalit nga!) Suma total, dalawa silang magkapatid na Pimentel ang sabay na uupo sa Senado kung sakali. Ang pagpapalawig ng isang political dynasty ay isang palatandaan ng isang trapo.

    Wala akong problema kung magpalitan man silang mag-aama. Pero iba ang usapan kung magkakasabay sila. Nakita na natin ang epekto nito sa Maguindanao na halos iisang pamilya ang may kontrol ng poder.

    Pangalawa, ang Right of Reply Bill niya na pilit isinisingit sa kalendaryo ng Senado ay isang mapanupil na batas at bubusalan lamang nito ang mga kritiko na ang nais ay mapabuti ang pamahalaan. Aabusuhin lang iyan ng mga politikong kayang magpondo ng bayarang media upang sila ay tirahin kunyari upang magkaroon ng espasyo ang kanilang kontra komento sa mga diyaryo ng walang bayad. Malaking katipiran iyan sa kagaya ni Villar o ni Gloria na araw-araw binabanatan sa mga pahayagan ngayon. Ang public servant ay dapat na transparent at dapat marunong tumanggap ng puna at hindi maging balat-sibuyas. Gusto ‘yang burahin ng panukalang batas ni Pimentel.

    Pangatlo, siya lamang ang Senador na kumakagat sa patibong ng mga walanghiya sa Malakanyang ng usaping Pederalismo. Isang uri ng gobyernong maganda lamang sa papel ngunit hindi kailanman magiging sagot sa kahirapan sa maraming sulok ng bansa. Gusto nilang igrupo sa mga Federal States ang mga probinsiya samantalang ilan lang sa mga grupong iyan ang kayang maging independiyente sa kanilang gastusin, ang natural and human resources, insfrastructure, bureaucracy at maraming bagay na sa ngayon ay pinopondohan ng kita na halos sa Luzon at Metro Manila lang naman lahat nanggagaling. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya nagpapagamit sa mga tao ni Gloria sa usaping ito. Masama tuloy ang duda ko.

    Political dynasty, panggigipit ng media, paghahati ng bansa at pagpagamit sa kagustuhan ni Gloria, at higit sa lahat, tagapagtanggol ng ultimo trapo kasama na ang pambabastos, hindi ba trapo yan?

  9. balweg balweg

    RE: Thread #3…Wala namang nagsasabing “trapo” si Ingkong Nene, ah?

    Inang natin Igan MPRivera…ang matandang hukluban na si Pimental e isang tradpol yan? Malaki ang atraso niyan sa Masang Pilipino coz’isa rin yang balimbing at hunyango…walang pinagkatandaan?

    EDSA DOS conspirators yan at ngayon bokya na siya…lumabas din ang tunay niyang kulay?

  10. balweg balweg

    RE: Thread #3…Whatever, maaring hindi nga trapo si Pimentel pero sya ay matandang bastos!

    Inshort Igan Chi, row 4 ang takbo ng kukote niyang si Pimental?

    Ugali-asal Igan!

  11. Naunahan mo ako martina, pero ang target nung “abused child” comment ni Pimentel ay obvious na si Jamby.

    Sabi ko nga si Pimentel siguro ang tunay na abused child. Kundi ba naman winalanghiya siya ng magulang niya e bakit siya binigyan ng palayaw na “Nene”? Diba child abuse yon?

  12. “… I remove it immediately.”

    Did you mean the actual “insertion”?

  13. MPRivera MPRivera

    Padir,

    Please read you munang maige my comment.

    He he heeh.

    Hindi mo ‘ata binasang maige dahil nauna mong napansin ‘yung gamit na toilet paper kaya bigla kang nandiri?

  14. MPRivera MPRivera

    Did you mean the actual “insertion”? – SumpPit.

    Hinde. Bigla kasi siyang nagwiwi sabay pururot kaya dali daling ni-remove immediately ‘yung kanyang pampers.

    Nangangamoy kasi, eh.

  15. perl perl

    Bakit sa “insertion” joke lang nag-apology si Pimentel? Dahil ba natatakot sya na mawalan ng boto from

    Korina’s supporters o sa mga kababaihan?

    Pano nman ung comment nya na “At least, I’m not an abused child”. That comment is more offensive than “insertion”! Walang sinuman na dapat mang-insulto sa isang tao sa pagiging “abused child”!

  16. Nathan Nathan

    The only benefit of a traditional politician is that they know the ropes, what strings to pull, and how to manuever to get things done like C-5 road project. The biggest disadvantage is entrenched power & the more than even chance that they have become corrupted by lobbyists.

  17. Isagani Isagani

    Lumabas lang talaga ang kulay ni Pimentel. And, yung Marcos experience niya naman e dahil sa bagay ng pagkakataon.

    Bakit ba kailangan pang humanap ng dahilan? Sa totoo, napikon si Pimentel dahil wala naman talaga siyang tinutuntugan sa pag-tanggol kay Mr. C5. Nakita niya na nasa maling panig siya at sa inis sa sarili e napikon at lumabas ang kabastusan.

    Ito naman si Factoran gusto pang sisihin ang buong generation na kinagisnan niya sa kanilang kabastusan. Talagang mga bastos, ano!

    Ano ba naman itong kongreso na Pinas, puno ng mga buwaya.

  18. Isagani Isagani

    Ukol sa dating mga labag kay Macoy: marami diyan ang bumukas ang mata. Ang malungkot mali yata ang gising. Sa maling tabi ng kama sila bumangon. Marahil, inisip nila na ano nga naman ang kapalit ng naninindigan sa katarungan kung gutom ka naman. Mahirap ang buhay ng ma-prinsipyo.

    For ex. ha si heherson alvarez na dating alergic sa palakad ni macoy ay kapit saya ngayon kay gloria arroyo at yung mrs. niya e biglang nagin national artist at siya pang unang violator ng nomination rules nito.

    Kaya hindi nakapagtataka ang galaw ni pimentel. Lalo na si enrile na pinakamagaling na opotunista na nagbibida-bidahan ngayon. Sa mga taong ito – utot kayo, amuyin niyo utot ng sambayanan!

  19. andres andres

    Hindi ako agree kay Factoran na mabuting tao ang dalawa, si Pimentel at Joker Arroyo.

    Lalo na kay Joker, ang “dragon” kuno ng Senado. Nawala ang tapang niya noong pinatalsik si Erap. Naging Senador, ang sabi niya pa pag bad ka lagot ka. Hindi ko man lang narinig na umupak kay GMA, sa dinami-dami ng iskandalong kinasagkutan nito. Ngayon naman, si Villar naman ang pinagtatakpan.

    Si Joker Arroyo din ang gumawa ng mga sweetheart deals noong Executive Secretary siya ni Tita Cory, gaya ng pag award ng Mile Long properties sa mga Prieto ng Inquirer na talagang lugi ang gobyerno. Kaya ang mga nasa Philippine Daily Inquirer ay hindi rin kayo malinis gaya ng patron niyong si Joker Arroyo.

    Joker: Pag kampi kita, sagot kita!!!

  20. andres andres

    Oo nga pala, hi to bestfriend perl. Long time no hear kasi nasira ang internet connection sa internet cafe malapit sa amin eh. Na miss ko ang upakan natin. Haha!

  21. Valdemar Valdemar

    What respect do we really have for mothers when our waking hours are stale with that exclamation “Put.. Ina..” “tang ina” and many more derivations to prop up anxieties, shocks, hatred, frustrations, tragedies, attacks, even the penultimates of climax. Or its just a byword in the level of insertions, elections (erections). These are terms of our Filipino breeding taken lightly or deeply depending on the time of day at any age.

  22. gusa77 gusa77

    Si HUDAS Iskariote ay isa sanang napabilang sa mga santo na ating iginagalang,subalit dahil sa kislap at kalansing ng pilak ipinagkanulo niya ang anak diyos.Ganyan din ang mga taong lumabas ang tunay kulay pagdating sa SALAPI at inaasahan ipagkakaloob ng mga taong pinagkalooban ng pabor.

  23. edfaji edfaji

    Hanggang ngayon I still can’t imagine kung bakit naging bastos na itong si Agurang Nene. Kung katulad niya ang ating mga senador, diyos mio perdon, lulubog lalo ang Pilipinas kong mahal! Ito rin si Joker, wala na nga nagagawa sa bayan, suplado pa. Akala mo may binatbat at may nalalaman, wala rin pala. Si Mirriam puro katarayan na lang ang pinapakita. Akala mo ang ganda niya. Hesusmaryaosep!!!

  24. christian christian

    mga bida sa senado: Noynoy, Mar, Enrile, Madrigal,Biazon, Lacson, Trillianes, at iba pa

    mga kontrabida sa senado: villar, cayetano siblings, pimentel, miriam, etc…

  25. Phil Cruz Phil Cruz

    I wonder if Pimentel would appreciate “insertion” jokes on his wife or his senatoriable candidate daughter.

  26. Phil Cruz Phil Cruz

    By the way, while Miriam was at the rostrum blasting away at her colleagues, especially at Enrile, Enrile stood up and slowly and deliberately walked towards the rostrum.

    Did I detect a sudden silence, a nervous shuffling of papers, a fidgety unfocused stuttering Miriam at the rostrum?

    It turned out Enrile veered left and merely headed for the comfort room.

    Is the fearless one actually afraid of Enrile?

  27. balweg balweg

    edfaji – January 28, 2010 9:36 am

    RE: ….Hanggang ngayon I still can’t imagine kung bakit naging bastos na itong si Agurang Nene?

    Tanggapin na natin Igan Edfaji na itong si Pimental e isang matandang hukluban na walang natutuhang mabuti sa Pinoy politics?

    Feeling Makabayan e isa rin yang walang MODO e ka nga tradpol and/or trapo…walang pinagkatandaan? Isa rin yan sa EDSA DOS conspirators kaya wala akong believe sa taong yan…BASTOS!

  28. andres andres

    Joker Arroyo: Pag bad ka, lagot ka! Pag kampi kita, sagot kita!

  29. Eto’ng version ko.

    Pag bayad ka, lusot ka!

  30. Is the fearless one actually afraid of Enrile? – Phil Cruz

    Yes, she is. She is the top plotter in the failed Jan 18 Senate Coup that would have replaced Enrile by either Angara or Pimentel and she was afraid to be cross-examined, I mean, interpellated by Enrile himself. Having failed in the coup, she just desperately challenged everybody to resign instead and then walked out.

  31. “I sympathize and I think we should not politically persecute Villar. It seems that it smacks of political persecution and the issues have been answered and duly addressed and I think there are proper institutions in government (that should deal with this kind of issue). It’s been answered already and clearly there was no factual evidence to point to any wrongdoing.”

    Who said this? Guess…

    Sirit?

    No other than political whore slash chameleon slash bitter starfruit herself, Loren Legarda, who else?

  32. Mike Mike

    Ang mga politiko dito sa atin ay mahilig sa technicolor. 😛

  33. martina martina

    I like it when Mr Banayo talks about Money Villar, he always has something interesting and new to say. His Malaya commentary today is about a politician behind bars who justified to him that Villars business dealings were the norms or ‘kalakaran’. http://www.malaya.com.ph/01292010/edbanayo.html

    Isn’t that Mr Trillanes he is talking about? Orange din ba ang kulay niya? Ang tingin ko kasi ngayon lahat ng nakakulay orange mga bayaran.

  34. rose rose

    nagdasal si Pimentel sa harap ng senado..and I wondered kung aino ang dinasalan niya…ang Bru ni Rico na ang mga mensahe ay puro away-away at gulo o ang Bru ni Santino na ang mga mensahe ay para sa ikakabuti ng lahat…come to think of it nagdadasal din si putot..kannino kaya nagdarasal? bakit maraming trahedya?…massacre, shortage ng rice, asukal, etc.

  35. chi chi

    martina, thanks for the link. I’m interested on the follow up of what Lito Banayo mentioned in his column. Hmmmm, let’s see…

  36. chi chi

    Korek si Tongue, huwag mag-endorso ng presidente ang Magdalo at huwag na huwag silang papanig kay Villar, madali akong mawalan ng gana, hehehe!

  37. romyman romyman

    Coming from Enrile who has zero credibility I am amazed that a respectable journalist? will be swallow this obvious lie hook line and sinker.

  38. balweg balweg

    RE: madali akong mawalan ng gana, hehehe!

    Naku LAGOT Igan Chi…kung si Pimental ang makabasa o makadinig ng sinabi mo e payuhan ka niya na mag Viagra, gaya ng patutsada niyang insertion kay Mr. Palengke?

    Call ako Igan…mawalan ka na ng GANA sa mga lingkod-bulsa na yan kasi puro pahirap sa bayan? Ibalik natin ang Ama ng Masang Pilipino para makabawi tayo…kita mo 46MILF camps e inupakan ng pobre pero wala tayong nabalitaan na kaguluhan lalo na dito sa MMla?

    Pero si Gloria and her lapdogs ang iingay na kesyo tatapusin daw ang mga rebelde with 6mos., ano nangyari WALA…puro yabang!

    Di ba lalong naging malala ang peace in order sa Pinas lalo na sa Kamaynilaan…naglipana ang mga kawatan, holdap dito-karnap doon…sinamahan pa ng akyat-bahay at kung anu-ano pa.

  39. balweg balweg

    …come to think of it nagdadasal din si putot..kannino kaya nagdarasal?

    Igan Rose, the scripture says; “In this the children of God and the children of the devil are manifest: Whoever does not practice righteousness is not of GOD, nor is he who does not love his brother. (1Jn. 3:10)

    …He who sins is of the devil. (1Jn. 3:8)

    Beloved, do not imitate what is evil, but what is good. He who does good is of God, but he who does evil has not seen God. (3Jn.1:11)

    Ang LINAW ng mensahe…paano magiging Santita si Yellow Fever e kakutsa ba siya ni Kardinal Masalanan et. al. sa pangaagaw ng Malacanang ni Gloria and her lapdogs?

    Kaya mabigat ang sitwasyon sa ating bansa…laban ito ng Katotohanan vs. evil regime!

    Di ba majority ng mga Obessepo sa Mindanao at ibang parte ng Pinas e taga-suporta ni Gloria, pagkatapos ngayon pinayayak o pinapapasan sa atin yong kanilang paglilingkod-kotra liwanag?

    Di ata maka-totohanan ito!

  40. MPRivera MPRivera

    When the particular example of this man who would be president was taken up, I was aghast at what the idealistic public servant said, “He explained his side to me. Ganyan naman daw talaga ang kalakaran.”

    http://www.malaya.com.ph/01292010/edbanayo.html

    mart, chi, rose, padir, wala pa namang pahayag si Sen Trillanes, di ba?

    Those were the words of Mr. C-5 at Taga when he tried to explain to AT4 his side. Maybe convincing him for his support, if ever na ipabasa sa kanya ang Committee Report tungkol sa kaso which I doubt na susuportahan ni AT4 ang pag-absuwelto sa kanya kahit pa ninong sa kasal ng kanyang kapatid itong si Mr. Coward.

  41. balweg balweg

    RE: …which I doubt na susuportahan ni AT4 ang pag-absuwelto sa kanya kahit pa ninong sa kasal ng kanyang kapatid itong si Mr. Coward?

    Dapat lang Igan MPRivera, kailangang manindigan ni AT4 or else tapos ang kanyang magandang kapalaran!

    Kailangan niyang pangalagaan ang kanyang reputasyon coz’wawasakin siya ng mga tradpols/trapos na kunwaring maka-tao pero mga lingkod-bulsa pa la.

    Yon lang!

  42. jpax jpax

    Galing ng mga choo choo train of lawyers ni “Mr. Coward” nadivert nila na pag usapan ang laman ng report by making inis to the other senators who wants the truth about the C5

    Off topic:
    Dumlao clears Lacson in Dacer case.
    Bakit kaya pag pabor kay Sen. Lacson halos hindi mabasa sa mga newspaper pero pag negative to Sen Lacson nagkalat sa lahat ng dyaryo, i only saw the news in Malaya and Abante
    http://www.malaya.com.ph/01292010/news3.html

  43. gusa77 gusa77

    Re:BALWEG, I would like to add more on your list about akyat/dukot sa kaban ng bayan ng mga pulitiko.

  44. balweg balweg

    Granted Igan Gusa77…tutal nagkadaletse-letse ang Pinas ng dahil sa listahan ni Sabit Singson?

    Ano ang napala ng mga pesteng yan…WALA at idinapay pa tayong mga nananahimik na mamamayan.

    Ipinakita ng Masang Pilipino sa pamamagitan ng malayang pagboto ang bawat damdamin pero sinalbahe ng mga uhaw at lango sa kapangyarihan.

    Sige kung update ang iyong listahan e isiwalat mo ito ng madagdagan pa ang aming alam!

  45. chi chi

    MPRivera,

    Matagal nang ipinaliwanag kuno ni C5-Taga yan kay Trillanes kaya malabo ang paragraph ni Lito Banayo tungkol dyan. Kaya sabi ko ay aking imomonitor kung palalawigin ang isyu na yan dahil alam ko na hindi nanggaling kay Trillanes ang komento na yan ng “kalakaran” kundi kay Manevillar mismo.

    Sa isang banda, 1000% ako na agree kay Tongue na makakasira sa image ng Magdalo kung mag-iindorso sila ng kandidato para presidente dahil walang pumasa sa kanilang benchmark kung ang basa ko sa kanilang goals and principles ay korek.

  46. MPRivera MPRivera

    chi,

    Agree ako. One thing kaya pilit inililapit ni Mr. Masipag na Coward ang sarili niya kay AT4 ay upang makakuha siya ng kakampi na walang bahid katiwalian. Kumbinsido akong hindi tayo maaaring ipagkanulo ni Sonny Boy sapagkat alam niyang isang pagkakamali niya ay wala nang magtitiwala sa kanya.

    Hayaan na rin lang natin si Col Querubin na ituloy ang kanyang kandidatura sa ilalim ng NP dahil hindi naman siya tunay na identified dito kundi isang paraan lang upang mabigyang ng accreditation ang paglahok niya sa halalan.

    I believe Col Querubin is more on serving the country than having himself identified with any political entity the Filipino people being his party.

  47. rose rose

    sa tingin ko, and I am not color blind…green is the color
    of Villar….green as in money kay Pimentel naman..green as in green jokes…kaya they are for each other…

Comments are closed.