Talaga naman. Hindi ko alam kung sino ang mas matindi ang tama, si Gloria Arroyo o si Marlene Aguilar-Pollard.
Kasi, sabi ni Aguilar-Pollard nakilala raw niya si Mayor Andal Ampatuan sa isang gabing pamamalgi niya sa detention quarters ng National Bureau of Investigation at sinabi niya sa media na huwag daw husgahan ang suspek sa pagpatay ng hindi kukulang sa 57 na tao sa Maguindanao dahil “mabait” naman daw. Dios mio naman!
Ito namang si Arroyo, sa interview sa kanya ni Joe Taruc sa DZRH, sinabi niya na “swerte” raw ang susunod sa kanya dahil matatag daw ang ekonomiya na kanyang iiwanan. “Alam mo siguro, suwerte yung susunod na pangulo sa akin.Iyong susunod na administrasyon maipagpatuloy lang niya, uusbong ang ating bansa.”
Sa kanyang administrasyon daw, lumakas daw ang peso laban sa dolyar. Paano aman ang presyo ng mga bilihin? Di ba tumaas rin? Dati ang P500 mo ay marami ka nang mauwi kapag pumunta ka sa grocery. Ngayon iilang piraso lang.
Swerte pala sa kanya ang sitwasyon na kailangan magpapa-alipin ang miyong-milyong Pilipino sa ibang bayan para lang mabuhay. Sino naman ang may gusto malayo sa pamilya, magiging katulong sa bahay ng mga banyaga, na kung mamalasin ka ay gahasain ka pa. Ngunit talagang kapit sa patalim dahil nga sa walang makuhang trabaho sa Pilipinas na sinasabi ni Arroyo ay maswerteng-maswerte.
Swerte pala ang libing sa utang ang ating bayan (P4.4 Trillion, sabi ni Rep. TG Guingona) ay ang susunod na henerasyon, na aabot pa sa ating kaapuhan ang magbabayad. Ang malaking porsiyento ng nakulektang buwis ay napupunta sa pagbayad ng utang na siyang ginamit ni Arroyo matustusan ang ang kanyang kurakot na administrasyon.
Swerte pala sa kanya ang sitwasyon na nagsisiksikan ang sobra isang daan na estudyante sa isang classroom dahil sa sobrang kakulangan ng classrooms at mga guro. Bakit ganun? Siyempre ang perang pampatayo ng classrooms at pandagdag ng mga guro ay napunta sa bulsa ng mga pulitiko na ina-alagaan naman ni Arroyo basta lang suportahan siya sa kanyang pambabastos ng batas.
Maswerte pala ang pamahalaan na sirang-sira na ang lahat na institusyon pang-demokrasya katulad Commission on Election, Kongreso, military, bureaucracy.
Ngayon ang gusto niyang sirain ng husto ay ang Korte Suprema, na siyang huling takbuhan ng mga taong nadedehado sa hustisya. Gusto na naman niyang bastusin ang Constitution at magtalaga ng kapalit ni Supreme Court Justice Reynato Puno na magre-retiro sa May 17.
Limang buwan pa si Arroyo sa kapangyarihan. Hindi tayo makakasiguro kung ano pa ang kanyang maitim na balak para lamang manatili sa kapangyarihan.
Sobrang-sobra na ang swerte niya. Hindi ng taumbayan.
“…….sinabi niya na “swerte” raw ang susunod sa kanya dahil matatag daw ang ekonomiya na kanyang iiwanan. “Alam mo siguro, suwerte yung susunod na pangulo sa akin.Iyong susunod na administrasyon maipagpatuloy lang niya, uusbong ang ating bansa.”
Hahahahahahaaah! Heheheheheheeeh! Hihihihiiiihhh!
Pagbigyan n’yo na. Nangangarap nang lasing! Wala sigurong mapulutan. Hahahahah!
Nabaliw sa pagkamatay ni Cerge. Mamamaya niyan ay mag-rally ‘yung nunal niya sa inis.
Hindi na makukuha sa tapal ng albularyo. Dapat kay gloria ay gapusin. Baka mangagat, eh matindi pa naman ang rabies niya. Lahat ng matalsikan ng kanyang laway ay nauulol.
“May tupak ba si GMA?”
Hindi na ba maitago? Hehehe!
May tupak ba si GMA?
Itinatanong pa ba ‘yan? Hindi na kailangan pang isailalim sa NP screening o anumang uri ng psychological test. Isang sulyap lang, sigurado na.
“…Ang malaking porsiyento ng nakulektang buwis ay napupunta sa pagbayand ng utang na siyang ginamit ni Arroyo matustusan ang ang kanyang kurakot na administrasyon…”
Pambihira. Huwag naman sabihing kurakot na administrasyon. Magnanakaw na lang para naman medyo dignified basahin at pakinggan.
Mabuti nga at sa isyu ng pagtalaga ng kapalit ni Chief Justice Puno ay ang balae mismo na si constitutionalist Bernas ang lumalaban sa kanya.
Magkano kaya ang nasa brown bags para sa JBC members at pinapatulan nila ang lukaret na unana?
No surrender…mamatay ka rin bruha!
Which ever one of them can’t tell fantasy from reality…the disaster in Haiti is real and to this let me take this opportunity to take a Bow to my fellow Canadians.
Per Capita, Canadians lead the world in donations to Haiti and the government matching dollar to dollar up to $50 millions cap will be raised as the citizens donations exceeded the cap and more are coming. Also before the Earthquake, Haiti is the largest recipient of Canada’s foreign aid with a $555 millions aid for 2006/11 period. Haiti maybe one of the misgoverned countries in the world, corrupt, but it is beginning to see reforms and just recovering from the devastations of past Hurricanes and now this. Of course the corruption also contributed to the “under construction of most of its buildings and infrastructures, but same as some others countries in that part of Americas, it can be rebuilt in character and structures. To my fellow Canadians, job well done and the same to the rest of the world citizens..keep giving!!
http://www.thestar.com/news/canada/article/754754–canadian-haiti-donors-lead-by-example?bn=1
Kung sa kanya siya ay suerte natin..mas triple suerte natin kung siya ay mawala na at ang kanyang kaanak sa administration..by whatever means..magevaporate na lang siya..just a thought..kung sakali siya ay ipa evaporate at uminom ng cafe barako ng America saan kaya siya dadalhin? sa New Mexico, USA?
opo..!! may tupak nga po talaga si GMA, di lang po tupak, baka po baliw na siya, noong kasing bumisita siya sa mental hospital, at nag talumpati,, halos lahat po ng naroon pati mga doktor at pasyente, ay nag bigay ng uma atikabong palakpak, at ng mapansin niya iyong isang pasyente na hindi na titinag at na nood lang sa kanya, agad niya pong tina nanong ang isang doktor, at bakit iyong isang pasyente ay hindi pumapalakpak, sabi sa kanya ng dr, “madam president. malapit na po kansing lumabas iyan at matino na..!! ang aral.. baliw lang po ang nakikinig sa kanya..!! suwerte ng mga pilipno, at mga ilang buwan na lang..mag lalaho na siya..!! mabuhay…
Pareho lang na may tupak si Gloria Arroyo at Marlene Aquilar.
Kaya dapat lang na bigyan ng “Mother of the Year Award” itong si Marlene Aquilar dahil sa pagtatangol niya sa kanyang anak.
Pareho palang hari ng lansangan itong anak ni Renato Ebarle at anak ni Marlene Aquilar.Natalo lang si Ebarle dahil naunahan siya ni Jason Ivler.Kahit na sino pa ang may kasalanan,panalo ang taong bayan dahil nabawasan ng dalawa ang pasaway sa kalsada. Buti nga sa kanila.
From Teddy:
Ang nangyari po kay jason ivler ay dapat din po nating kapulutan ng aral. Kung ating papansinin, ang mga naging biktima nya ay hindi mga ordinaryong mga mamamayan lamang.
Sa biglang tingin masasabi natin na napakaangas naman yata talaga nitong jason na ito dahil, agad ay ginamitan nya daw ng dahas ang kanyang mga nakakabanggga sa lansangan.
Hindi rin po natin alam kung bago niya ginawa ang mga bagay na iyon ay kung may mga pangyayari ba na nag udyok sa kanya upang gawin ang pagbaril sa mga biktima. Siya at ang mga biktima lamang ang nakakaalam non.
Batid naman natin na hindi lamang si Ivler ang siga ng lansangan. Ang iba nga, kamag anak lamang ng kapitan sa barangay ay akala mo hari na rin kung umasta. Ano kaya kung anak ka pa ng nanunungkulan sa mataas na posisyon ng gobyerno.
Dapat nating malaman na si Jason ay laking Amerika na kung saan ay disiplinado ang halos lahat ng mga nagmamaneho dahil na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko.
Sa ating bansa lalo na sa Maynila ay sadyang laganap ang kawalang disiplina ng mga nagmamaneho lalo na ang mga jeepny at bus drivers. Ilang buhay ba ang nakasalalay sa kanilang mga kamay?
Marahil nagkaroon ng karanasan itong si ivler sa ganitong mga abusadong drivers na natanim sa kanyang isipan na nag udyok sa kanya upang mapoot sa mga abusadong nagmamaneho.
Sana ang mga abusadong driver na ito ay hindi na makatagpo ng isa pang Ivler.
Tungkol naman sa inang si Marlene, ang labis na pagmamahal sa anak ay lalong nakasasama. Kung agad sana niyang isinuplong ang anak disin sanay di humantong sa lalong komplikadong sitwasyon ang kanilang kalagayan. salamat po.
From the press statement of LP senatorial candidate Teofisto Guingona III:
Bukidnon Representative Teofisto “TG” Guingona expressed his dismay over the latest data released by Bureau of the Treasury (BTr) which showed the National Government’s debt stock climbed to P4.424 trillion as of end-October 2009 following the issuance of $1 billion in global bonds during the month and the depreciation of the peso during the period.
Guingona disclosed that the report showed the total outstanding debt increased by two percent or P86 billion from the end-September level of P4.338 trillion, of which the government owed P1..975 trillion or 45 percent to foreign creditors and P2.449 trillion or 55 percent to domestic creditors.
“Every Filipino now owes 47,968 and the amount is continuously increasing.I could accept the size of the national debt if I were certain these funds were being put to good use. If the country did not rate high in global corruption surveys, if poverty was not worsening, then I could say the debt was worthwhile. But just knowing how the budget is raided by those in power leads me to believe that we are burdening future Filipinos for the benefit of the few,” he said.
Dapat nating malaman na si Jason ay laking Amerika na kung saan ay disiplinado ang halos lahat ng mga nagmamaneho dahil na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko.–Teddy
Dito sa America ay hindi nalalagyan ang mga police o highway patrol ng magbibigay ng tiket kung mahuli ka. Doon ka magpaliwanag sa Traffic Court at magbayad ng multa.Abala ng isang araw sa trabaho,liban sa multang babayaran ay may traffic schooling pa para hindi mapunta ang points sa driving records at tataas ang babayarang insurance.
Diyan kasi sa atin,nababayaran ang mga traffic enforcer kaya masipag silang pumito.Maraming siga dahil ipinagmamalaki nila na bata sila ng kesihodang mayor,konsehal,kapitan ng barangay o kaya’y bata ng mga pulis. Iyan dapat ang gawan ng paraan without exemption para mabawasan ang mga mayayabang.”Hindi mo ba ako kilala?” iyan ang ugat ng diskusyon at nauuwi sa matinding suntukan at barilan.
Every Filipino now owes 47,968 and the amount is continuously increasing.I could accept the size of the national debt if I were certain these funds were being put to good use. If the country did not rate high in global corruption surveys, if poverty was not worsening, then I could say the debt was worthwhile. But just knowing how the budget is raided by those in power leads me to believe that we are burdening future Filipinos for the benefit of the few,” he said.-Guingona
YAAK YAAK YAAK! Bakit hindi niya kasuhan ang mga mandarambong,alam na pala niya na ninanakaw na nila ang pera ng bayan?
…But just knowing how the budget is raided by those in power leads me to believe that we are burdening future Filipinos for the benefit of the few,” – Teofisto Guingona III
___
Is it fair to ask. Do we still have a government that truly represents us or a criminal enterprise pretending to be a government?
Lintik na yan isang beses na nga lang kumakain sa isang araw minsan pagpag pa. Tapos ngayon meron kaming utang na dapat bayaran. Hindi nga makalibre ng condom sa center kaya dumami ang aming anak tapos yung anti-pregnancy pills na binibigay sa amin ay expired pa kaya hindi siguro tumatalab.
Matagal ng may tupak si GMA kaya nga tumagal yan sa Malakanyang. Maganda nga tupakin pa ng husto para mag stay na lang sa malakanyang forever.
Ano kaya ang gagawin ng mga kapinoyan pag si GMA ay nag stay sa malakanyang forever?
1. maglaro ng farmvill. sa facebook
2. manood ng mga tele novela sa abs-cbn o gma7
3. mag sing-along mag hapon
Sabi nga ni MPRivera, tinatanong pa ba iyan?
Sukatin nyo yung layo ng nunal niya sa ulo niya.
Wala pang isang dangkal ang layo. Part kasi ng utak niya yung nunal niya.
Of course we know that Gloria is just being sarcastic.
dito po sa america, meron din pong mga kagaya ni ivler, na kung mag maneho ay humaharurot, dahil sa malawak ang mga kalsada, at lalo na sa mga interstate highway, ngunit me mga radar at eroplano o helicopter na nag mamatyag sa mga nag mamaneho, pero ang karamihang gumagawa nito ay mga taong me criminal instinct, kaya nga pag na pull over ka ng police enforcer, bawal kang bumaba ng sasakyan mo at ang kamay mo ay dapat nasa mani bela in 10 oclock position o makikita ng enforcer..kasi po, karmihan ng enforcer ay nababaril..h
in regards to the Road Rage murder case of Ivler, most road rage cases were participatory to culminate in violence towards each parties. knowing that the victim in this case has some connections with Malacanang there may have been some very heated arguments or provocation in either of both parties before one draw his gun and shot.
to compare, in north america, tinted windows are allowed in the the back and in the front, but in the driver side (front) or windshield to the extent that the driver would be clearly visible from the outside so the cops and any other individual will have the picture of what the driver would do and can do appropriate action in response.
there are many incidence of road rage but it mostly ended in vehicular collisions when one or both drivers lost their cool and lost control of their vehicles and since in our Case carrying of Firearms is a no-no we just shot each with our Middle Fingers without getting off the cars.
reminder; to those who wish to donate to the Haiti Earthquake relief, it is very easy to do on-line. for your local red cross, just go their web and clik. thanks
Paano niya nasabing Swerte??? Sa Utang na 4.424 trillion peso or US$ 98 billion dollars at deficit na 290 billion peso na ipamamana nya sa susunod na President???? Talagang may Tama sya… may tama ang pag-iisip!!!!
Kay Mylene Aguilar naman…. dapat sabay-sabay silang kumanta kasama si Ivler at ang Tiyuhin niyang si Fredie Aguilar…
“ANAK”
Noong isilang ka sa mundong ito,
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila
ang iyong ilaw.
At ang nanay at tatay mo,
‘Di malaman ang gagawin.
Minamasdan pati pagtulog mo.
Sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo.
At sa umaga nama’y kalong
Ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo.
Ngayon nga’y malaki ka na,
Nais mo’y maging malaya.
‘Di man sila payag,
Walang magagawa.
Ikaw nga’y biglang nagbago,
Naging matigas ang iyong ulo.
At ang payo nila’y,
Sinuway mo.
Hindi mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa’y para sa iyo.
Pagka’t ang nais mo masunod ang layaw mo,
‘Di mo sila pinapansin.
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulon
sa masamang bisyo.
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha.
At ang tanong,
“Anak, ba’t ka nagkaganyan?”
At ang iyong mga mata’y biglang lumuha
Ng ‘di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo,
Nalaman mong ika’y nagkamali.
Sorry Ate Ellen medyo mahaba ang pangharana ko. Paki delete nalang kung medyo nakuha ko yong big space.
Siyam na taon na ang nakakaraan matapos ang karumaldumal na pagpaslang sa demokrasya sa Pilipinas. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag at malayang kumikilos ang salaring kinukupkop at kinakandili ng mga napapakasangkapan sa kasinungalingan at hinahayaan ang mga sarili upang magmistulang tuta ng isang baliw na administrasyon.
‘Yung title ng news item sa ANC: GMA: Next President Lucky
Napatanong tuloy ako sa sarili ko: Ano na namang kabaliwan ‘to? Si Doods nga, VP lang ang tinakbuhan, si Lucky pa ang magiging presidente? May topak na nga yata…
Ikaw talaga, Enchong.Hindi ko kaagad nakuha.
Suwerte talaga ang papalet kay aling gloria kasi madaling nakawan ang pinoy at madami pang mananakaw kesehodang magutom ang mga pinoy.
Lalong lumaki ang tama ni PANDAK,dahil naubusan ng COGNIAC, at local BASI{gawang Ilocos}galing kay Sabit Sing-a-song, ang nainom,kaya hayun nag-hay wire ang utak.Talaga suwerte ang susunod na pangulo,dahil mahihirapan siyang mangutang at magbabayad sa mga inutang at nakawin lamang ng administrasyon niya.Halos lahat ng programa at projects ay pinag-kakwartahan ng mga hinayupak,at wala ng aalalahin ang susunod na uupo,ang problema lamang ay ang pagbabayad di ba LUCKY,at para sa bayan di ba suwerte na nadagdagan ang mga nagugutom ng mahigit 40% ayaw ba ninyo iyon pinataas niya ang rating ng ating bansa,sa kabulukan at pagnanakaw ng taong goberyno, ngyon ano pa ang ating hihilingin sa kanya,Our country been eleveted and well known internationally been the most corrupted,so nobody could surpass her accomplishment.
paglumalakas ba ang peso,bumababa ba ang precio ng imported goods?nararamdaman ba ito ng karaniwang tao?paglumalakas ang peso,maganda ba ito sa mga exporters?paglumalakas ang peso,maganda ba ito sa mga OFWs?parang forceful double penetration itong paglakas ng peso sa OFWs.wala silang ibang paraan kundi magpadala ng mas dinero para ang allowance ng familia nila hindi bawas.dahil malaki ang utang ng Filipinas sa ibang bansa at dahil kahit ata toothpick,imported pa,maganda nga na malakas ang peso.
Budget deficit lumalaki, halagan pangunahing bilihin tumataas, pinakahuli na dito ang presyo ng asukal na umaabot hanggang P60. Gumaganda ang ekonomiya? Ipagpapatuloy lamang ng susunod kay ngoyang?
Ay, sus! Namamumuti na nga ang mga mata natin sanhi ng matinding kagutuman, gagaguhin pa tayo?
Maaaring ang sinasabing ipagpapatuloy ay ‘yung pagnanakaw sa kaban daw ng isa o dalawang kilong bigas ay tigil na ang pagtutungayaw at parang mga asong turuang hahalikan pa ang kanilang mga kamay.
Lintek!
Naloko na. Eto dapat:
Maaaring ang sinasabing ipagpapatuloy ay ‘yung pagnanakaw sa kaban dahil wala namang umaangal sa mga mamamayan at bigyan lang daw ng isa o dalawang kilong bigas ay tigil na ang pagtutungayaw at parang mga asong turuang hahalikan pa ang kanilang mga kamay.
We already know that.
As Bishop Cruz said of Gloria’s much vaunted talks with God:
When you talk to God, that’s called prayer. When God speaks to you back, that’s called schizophrenia. 🙂
May tupak ba si GMA?
Title pa lang natawa na ko… hehe… I tot, ders a taypo error on the taytol… d anser is “Meron!” 🙂
kung matatag ang republika bakit ang campaign battle cry ni Gibo e
POSIBLE ANG PAGAHON?
hindi ba ibig sabihin nito pati manok niya aminadong nakabaon tayo?
Just read this in Malaya.
Zinc helps kids grow
CHILDREN with zinc deficiency may suffer from loss of appetite, growth retardation, and impaired immune function. In severe cases, children who lack zinc may have dwarfism or a genetic abnormality resulting in short height.
Gloria is impaired at all levels, morally, mentally and height-wise. I bet it’s because she didn’t have any zinc at all when she was a child!
Sanamagan! 🙂 🙂
All candidates need to be tested otherwise we might end up having a zinc-0 individual for president and have to suffer a Gloria Jr for the next – years again.
Anna,
Sobra nga ang Zinc sa katawan ni gloria. Lumabas pa nga sa pisngi ‘yung iba. Ayun, o. Nagkorteng bangaw. Saka maliwanag naman ang pruweba dahil sa kanyang zinczophrenia.
Breaking News:
6:06 PM | Ericsson to cut 1,500 more jobs as profit plunges
› 5:35 PM | World stocks extend losses after Wall Street slide
http://www.philstar.com/
Magaling talaga si gloria. Walang sinabi ang ibang pangulo sa kanya. Iba na talaga ang may dinoktor sa ekonomiks.
Anna, as a small girl, Gloria was fed with zinc in abundant quantities. Sa tagalog, pinakain ng lababo ng mga katulong nung maliit pa!
Bagong Komersiyal ni Villar:
Meron na ba kayong na-check? (Na-edit na ito, dati ang audio ay “Na-check nyo na ba ang kandidato ninyo?”)
“Nagbigay ba siya ng libo-libong pabahay?”
“Checque!” (Sabay senyas ng “check” sign)
“Nagpaaral ba siya ng libo-libong estudyante?”
“Checque!”
“Inaalagaan ba niya ang kalikasan?”
“Checque!”
(and so on)
—hanggang matapos yung infomercial, puro “Checque!” ang sagot ng mga tao.
Pera-pera lang talaga ang panlaban…
ang pangalan ng aso ng kapit bahay ko ay Lucky..at tama nga si putot..isang aso niya ang manalo..sayang ang kandidato ko ay American Citizen…mag vice president na lang siya..
Sa tagalog, pinakain ng lababo ng mga katulong nung maliit pa!
Hahahah!
Saka maliwanag naman ang pruweba dahil sa kanyang zinczophrenia.
Haqhahahah!
ang sabi ni Obama sa interview niya with Diane Sawyer just a while ago…”when your rating goes down you are an idiot but when it goes up you are a genius”..si putot pa baba ng baba does it mean is she is getting to be more and more an idiot? putot na idiota pa?
Idjit midget!