Skip to content

Paalam, Cerge

Mrs. Remonde:Cerge going through crisis in credibility

Nasa taxi ako kahapon ilang minuto pasado ng 12 ng hapon nang lumabas ang balita na lumisan na si Press Secretary Cerge Remonde ng 11:51 ng umaga sa Makati Medical Center.

Sabi ng taxidriver, “Kung sino-sino ang kinukuha, bakit hindi pa tumbukin ang talagang yun dapat kunin.”
Nakuha ko ang ibig sabihin ng driver. Nang sabihin ng radio reporter na kaya pinuntahan ng kanyang driver si Remonde (at doon na natagpuan sa bathroom na walang malay) dahil may naka-schedule na press conference sa Malacañang, sabi ng driver, “Ayaw na siguro ng Panginoon na magsinungaling pa siya.”

Mahirap talaga magtrabaho para kay Gloria Arroyo. Kahit mabait ka na tao, kahit wala kang ginagawa na masama para sa sarili mo, mahirap ka hahanga-an ng taumbayan.

Loyal talaga si Cerge kay Gloria Arroyo. Ngunit hindi siya antipatiko sa mga bumabatikos sa kanyang amo. (May isa ring mabait na opisyal si Arroyo: si Jesus Dureza, dating press secretary at ngayon ay presidential adviser para sa Mindanao) Sumasagot siya sa aking mga text samantalang alam naman niya na binabanatan ko ang kanyang amo.

Minsan may isang report kami sa VERA Files na siya ang source. Nang pinadala namin ang istorya sa mga diyaryo, tinawagan siya ng ibang reporter at pinapa-confirm ang istorya. Tinawagan niya ako: “Naka-quote ba ako,” tanong niya na parang nabahala.

Sabi ko “Oo.” At sinabi ko ang quotation ko sa kanya. Wala naman kaming usapan na ‘off-the-record’ at ang ginamit ko naman na quote ay hindi nakakasama sa kanya.

“Ah, okay, “ sabi niya pa parang nakahinga ng maluwag. Ngunit sabi niya sa susunod, mas maganda kung hindi ko ipa-alam na nagu-usap kami para mas libre siya makabigay ng impormasyon sa akin.

Dito makikita na sa puso ni Cerge, journalist talaga siya. At hindi siya bulag at bingi sa nangyayari sa paligid niya. Marami rin siyang hindi nagustuhan at kahit papaano, gusto rin niya ipa-alam sa tao.

Ang kahanga-hanga kay Cerge ay ang kanyang positibo na pananaw sa mundo at ito ay mabanaag sa kanyang dasal, ang kanyang sinulat sa facebook gabi bago siya pumanaw.

Para nga may premonition. Ito ang kanyang dasal:> “Lord, thank You for the infinite love that meets our every need and provides all the beautiful and wonderful things we experience in life. Release our hearts and minds from fear and worry. Fill us with Your peace as we learn to fully trust in your providence. Help us to do all that we are capable of and the rest we entrust unto you. Amen.”
Amen.

Published inGovernanceMedia

30 Comments

  1. That’s a very respectful good bye note Ellen.

  2. chi chi

    Well, siguro ang pagkakakilala ng mga kapatid/pamilya ng aking asawa kay Remonde ay ang kalooban, hindi ang choice na kanyang ginawa.

    But for me, what makes a man a man is his choices in life.

    May he rest in peace, hindi na s’ya maaabot ni Gloria.

  3. chi chi

    should be: what makes a man a man are the choices he makes/made.

    Excited kasi nabuhay si Balweg. 🙂

  4. Agree Chi.

    Everyone needs to make a choice, wrong or right choice.

  5. perl perl

    Marahil ay mabuting tao talaga ‘tong si Cerge, nung nagbalik loob sya kay Lord at pinakinggan naman ang kanyang panalangin kaya maaga Niya siyang kinuha para hindi na maging alipin muli ng takot at pagaalala.

  6. balweg balweg

    Excited kasi nabuhay si Balweg.

    Still alive and kicking Igan Chi…naging busy lang sa Travian but heto focus muli sa ating mga topic kasi i missed ALL your threads?

    Well, ipinaabot natin ang pakikiramay sa pamilya ni Ginoong Remonde sa kabila ng shortcomings niya ng nabubuhay pa siya?

    Ang buhay nga naman…kailangang magpakatotoo tayo sa ating mga sarili coz’ sa isang iglap magiging isa na lamang alaala ang lahat.

    Kaya yong mga sinungaling at pahirap sa bayan e magisip-isip na coz’ di nýo hawak ang inyong kapalaran…either today or tomorrow kunin kayo ng Lord e mayroon naman kayong mabuting remembrance na maiiwan sa Lahing Pilipino.

  7. Isagani Isagani

    Darating ang panahon na ikaw ay mag-iisa. Tatanungin mo ang sarili mo kung ikaw ay tama at nasa matuwid na daan. Bakit silang lahat ay magka-kampi at ikaw ay nagiisa sa iyong paniningigan. Ikaw kaya ang mali?

    Ito ang subok ng iyong pagkatao. Paninindigan mo ba ay iyong paniniwala o susuko ka sa dami ng iba?

    Apparently, may mga tao na nahihiwalay ang tunay na pagkatao sa trabaho. Marahil, ganito si Dureza, datapwat, kung mapapanuod mo sa media ay parang tutang sisip.

    Hindi ko masiguro kung ano ang tunay na pagkatao ni Cerge. Talaga naman nakababanas ang porma at halata namang si “pikoy” kung magpahayag ng salita ng amo niya.

    Marami ring nagmamahal sa Cerge, sigurado ako. Sa mga taong ito nakikiramay po ako.

  8. christian christian

    Remonde served the wrong master, said all the wrong words and did the wrong things at the expense of truth, justice and country.

    He was loyal to a fake president, and a traitor to this country !

  9. Its easy to judge people when we have already taken sides. Its a lot different if wyou actually know these people…Not all who work for this administration are bad, some are there because they have a job to do, and by the rules of professionalism you do your job as best as you could. These people are also sticking to their principles, to serve God and country…at times I don’t fault people for showing loyalty and professionalism, these are admirable traits – but the leaders who abuse their power over these people…

  10. kakaypot kakaypot

    Condolence to the Remonde family….Tapos na ang kanyang tungkulin bilang isang press secretary….

  11. Nathan Nathan

    I don’t know how he live his life? I will just hope that there will be people who will appreciate his kindness and testify how he touched their lives. If there will be None then he deserve it because he’s one of those Filipinos not worth dying.

  12. MPRivera MPRivera

    Paalam, Cerge. Huwag ka ng babalik.

    Mas maigeng diyan ka na lamang kaysa nasa piling ka ng iyong among kawatan.

    Pagpasensiyahan mo na ito pero sana naisip mo noon na kahit anong katapatan at pagtatanggol ang ipakita’t gawin mo kay gloria ay hindi ka niya sasamahan sa hukay. Baka lihim pa siyang pumapalakpak sa iyong pagpanaw sapagkat dinala mo hanggang kamatayan ang lahat ng kanyang baho’t kawalanghiyaan.

  13. Nathan Nathan

    To Gloria Arroyo peking Pangulo na may Peking Suso;

    The weakest point of a person is when you think you are the greatest.” You are instrumental to people who become corrupt in wealth and power because you make them believe they are the greatest. Only God is the greatest. I hope your God is as great as my God Jesus Christ. However, if we both don’t believe in the same God that’s the reason why you couldn’t appreciate how the people lived their lives. I hope when you are in your death bed and asked what you’ve done you can at least say I became a blessing and not a stressor for others.

  14. MPRivera MPRivera

    Nariyan at patuloy na narriyan si gloria arroyo sapagkat may mga taong pikit matang gustong maglingkod sa kanya sa kabila ng katotohanang wala siyang karapatang mgaging pinuno ng bansa. Hindi lamang dahil hinahayaan natin siya, bagkus dahil merong nagtatanggol sa kanya.

    Kung sabay sabay na magigising at kakalas ang mga taong nasa likod na pagpapakalat ng lahat ng kanyang kasinungalingan at walang tatanggap ng mga alok pabuya upang si gloria ay paglingkuran, mula sa bawat antas ng lipunan at sangay ng pamahalaan ay hindi siya magtatagal kahit isang minuto sa malakanyang.

    Prinsipyo ang tawag sa pagtupad sa tungkulin sa ilalim ng ganid na pamunuan? Pansariling paghahangad ang dapat itawag doon.

  15. balweg balweg

    juggernaut – January 21, 2010 11:07 am

    RE: Its easy to judge people when we have already taken sides.

    Ofcourse Juggernaut…our judgment based on the merits of their action?

    Illogical to judge somebody or anyone whithout basis, but we judged them according to their stand and action?

    More than that…gossip ito just to destroy their image and personality?

  16. Nathan Nathan

    Balitaan mo nalang kami kung may “LA CIRQUE MEAL” sa pupuntahan mo.

  17. From Ambassador Vicky Bataclan, president of the Union of Foreign Service Officers (UNIFORS):

    We pray for the eternal rest of Secretary Cerge as we thank him for his kind support.

  18. chi chi

    I judge Remonde on the basis of his actions which resulted from his own choices in life, reflecting his true self.

  19. chi chi

    Natural na mabait o iba ang dating ng isang tao sa mga personal na kakilala/associates. Pero yun ay personal matter between them at walang pakialam ang publiko sa ‘nakatagong bait’ ng isang public/appointed official dahil wala silang konkretong pakinabang sa bagay na yaon, collectively.

    Nakatagong bait sa publiko, meaning na meron mas ‘mabigat’ na nakatabon sa ugaling yun base sa perception ng mga publiko na base sa nakikita at naririnig galing sa hinuhusgahang tao.

  20. Nathan Nathan

    juggernaut – January 21, 2010 11:07 am

    Re: Its easy to judge people when we have already taken sides.

    Everyone makes judgements, whether conscious or unconsious. People make judgements based on how they look, how they dress, how they act. We all do it. If you will not admit, you’re a hypocrite.

    It would be nice if we all had standards, and they included being responsible for all of our actions, and choosing wisely.

    Christ said “you will know a tree by its fruit” we are called to be fruit inspectors. The word also tells you how to deal with a believer how enters into sin, now that would not be possible if we were not to judge the actions, now would it?

  21. Sino papalit kay Cerge, si Planas? Welcome to Ampatuan Memorial Park!

  22. Ang asawa pala ni Cerge ay Danish national at wala silang anak. Nagsimula ang pagbabago sa katauhan ni Cerge nung nabulgar yung Le Cirque at Bobby Van’s dinners nila na napagtanto niyang wala na siyang kredibilidad sa taumbayan. Kahit anong paliwanag, walang naniniwala.

    Sa isang journalist/broadcaster na tulad niya, ang pagkasira ng kredibilidad ang pinakamabigat na parusa ang tadhana. Kaya naman pala ang mga kagaya ni Ellen ay ganun na lang ang pagpapahalaga dito.

    Itong nagdaang mga araw ay regular kong nakikita si Cerge na nagkokomento sa mga posts ng kaklase niyang si Ding Gagelonia. Masakit siguro talaga na ang mga kaibigan, kaklase o maging katrabaho mo ay ayaw maniwala sa iyo.

    He died with a broken spirit.

  23. chi chi

    Tongue,

    Speaking of credibility, napilit ko si hubby na sabihin sa akin kung bakit tumawag ang bro sa kanya re Remonde’s passing. I-kwento ko na lang sa iyo after five years, hehehe.

    Remonde died with a broken spirit, indeed. Ang lungkot!

  24. chi chi

    Tongue,

    si Manila Bulletin editor-in-chief Crispulo Julio ‘Jun’ Icban, Jr. ang bagong press secretary.

    Ano ang nakain ni Lolo Jun? Never thought na supporter pala siya ng korap na unana. Naku naman…..

  25. rose rose

    God knows and gives the best for each one of us..and I believe that He will not call on anyone of us to join Him unless we are sorry for the wrongs we did..sa palagay ko nahirapan na si Mr. Remonde sa kanyang service to the great pretender…kaya tinawag na siya…..pero si putot hindi pa nag sosorry..kaya sa piling pa siya ng kaibigan at hari niya…ang taning niyang pag ibig..

  26. rose rose

    I am not at all surprised that putot chose someone from the Manila Bulletin..most of them in MB are pro putot..most of them have nothing but praises for her..

  27. rose rose

    nabasa ko na hindi daw masaya si Mr. Remonde sa kanyang trabaho..kung ganoon bakit hindi siya umalis? he could have resigned? so why then did he stay? for the money? to serve the country? for the glory? it is for Gloria…and I hope nasa gloria na siya ngayon..

  28. Nathan Nathan

    Merong hindi alam si Cerge Remonde,,,,, hindi lahat ng Gloria ay masarap.

  29. MPRivera MPRivera

    Ayaw man natin ay dumarating ang mga sandaling kahit ano’ng pilit ang gawin, totoo man o hindi, dahil sa ang ating kinabibilangan ay pugad ng mga ahas, anumang paliwanag, sabihin pang trabaho lamang ang nasasangkot ay hindi makakasapat upang ang nasirang kredibilad sanhi ng walang katapusang pagtatakip at pagtatanggol sa alam na katiwalian at kasinungalingan ay hindi na maaaring tanggapin ng maging ating pinakamalalapit na kaibigang ating tinalikdan.

    Maaaring maunawaan nila ang ating katayuan subalit hindi ang pagwawalangbahala sa nasisirang dating pagkakilala bilang taong may pagpapahalaga sa prinsipyo at dangal.

    Ano’ng kahalagahan at karangalan ang maidudulot ng pikit matang pagtatanggol sa isang pamunuang hindi kayang tanggapin ng sambayan bunga ng kawalan ng kredibilidad na dulot ng pandarayang hindi kayang harapin sa sala ng taong bayan?

    Sayang ang magagandang bahagi ng pagkatao ni Cerge Remonde. Sana’y mas pinili niyang maging isang pribadong nilalang kaysa napakasangkapan sa namumunong batbat ng talamak na katiwalian.

  30. hawaiianguy hawaiianguy

    All I can say about Remonde is: sayang! He chose to live a life full of lies in Malacanan. Yet he didnt want to become a lawyer, according to his family in Argao, because lawyers lie to make a living. While he may not have enriched himself while in the Palace, his lying to defend Gloria is like consorting with the devil. May you rest in eternal peace, Cerge. May your death serve as a cryptic lesson to your evil master and all the devils around her that our time on earth is a borrowed one – anytime it will end.

Comments are closed.